TRIGINTA QUINQUE
Noong gabing iyon, halos walang nilalang na maaaninag sa abandonadong mga lansangan ng Eastwood. Nakabibinging katahimikan ang namayani sa magulong bayan, kasabay ng pagbalot ng maiitim na mga ulap sa kalangitang pilit ikinukubli ang buwan. Bahagyang basa pa ang paligid dahil sa katatapos lamang na ulan, ngunit tila ba wala pa rin itong silbi upang mapigilan ang mga pangyayaring nagbabadya sa mga sandaling ito.
"I'll fucking slaughter that bastard the moment I lay my hands on him! Tapusin na natin ang kwento!"
Napabuntong-hininga si Pride at hinawakan sa likod ng kwelyo ang kapatid bago pa nito masugod ang lugar. 'Bago pa masira ng bugnuting ito ang plano ko,' isip-isip ng panganay at inayos ang salamin sa mata. "I don't think attacking him unannounced is ethical at a time like this. Maraming mortal ang posibleng maapektuhan kapag umatake tayo nang padalos-dalos."
Pagak namang natawa si Wrath at tinabig ang kamay ng kapatid. His eyes had a glint of anger brewing in them as he balled his fists, "Ayos 'yon! Mababawi na natin ang nawalang koleksyon! The more sinners, the longer we fucking live!"
"Tsk. You think it's that easy? Tandaan mo, kung tama ang hinala ko, kinukuha ni Boswell ang mga kaluluwa para maging imortal. If he's immortal or even partially immortal, he can't die easily. And if he can't die easily, then there's no use in losing our only chance to stop this madness!"
Ayaw mang aminin ni Pride, pero matagal na siyang may kutob na ganito ang mangyayari. Nakumpirma lang ang kanyang hinala nang mahanap nina Lust at Gluttony ang mga librong reperensiya ng pagnanakaw ng mga kaluluwa para maging imortal ang isang nilalang. Kahit pa hindi buo ang pagiging imortal ngayon ni Boswell, alam ni Pride na mahihirapan pa rin silang patayin ito. Hindi nila maaaring aksayahin ang pagkakataon. They can't just waltz right in and burn his hide-out!
Pride started walking towards the lone Clockwork's shop in the middle of Eastwood square. Napapalibutan ito ng mga pamilihang pawang patay ang mga ilaw. Sino nga ba namang tao ang gising ng alas-dos ng madaling araw?
"We need to be careful."
"Does it look like I give a damn?!"
"Shut up, Wrath."
"Psh! Kapag ako ang pumatay sa kanya, he'll even regret he was born!"
Pride shot Wrath a stern look, "Kapag hindi ka pa tumahimik diyan, YOU'LL regret you were even born."
Wrath smirked but followed suit, "Sins aren't born, brother. We're created."
Gustuhin man ni Pride na makipagtalo pa sa kapatid, alam niyang hindi ito ang tamang oras. He can't let his ego take over, not now. Pride heaved a sigh and studied the surroundings. Wala namang kakaiba sa lugar, liban na lang sa katotohanang masyadong tahimik. Nang makalapit sila sa Clockwork's shop, tinitigang maigi ni Pride ang malaking karatulang yari sa itim na bakal. Elegante ang pagkakagawa nito at malinaw na nakadisenyo ang pangalan ng shop. On the other hand, Wrath started staring through the large glass window. Dito, tahimik na nakadisplay ang ilang antigong orasan na yari sa pinakintab na kahoy--iba-iba ang mga disenyo't hugis.
"Can't see anything. Shall we break in?" Wrath grinned like a psycopath.
Umirap si Pride. "We have teleportation, idiot."
Wrath frowned. Muling napabuntong-hininga si Pride. Bakit ba kasi si Wrath ang napili niyang makasama ngayon sa misyong 'to? 'Given that he's the second eldest, but he's far from maturity!' At ginamit na nila Pride ang kapangyarihan para makapasok sa loob. Inaasahan nilang may nakaabang na mga patibong, gawa man ito ni Morticia o ni Boswell mismo. Pero ikinabigla ng magkapatid nang purong katahimikan lang ulit ang naroon.
"Baka wala siya?" Wrath suggested and started walking around the empty shop. The wooden floorboards creaked lightly on his weight.
Sinuri ni Pride ang libu-libong mga orasang nakadisplay sa mga pader. Hindi talaga maganda ang kutob niya sa mga ito. Nang hawakan niya ang isang maliit na orasang may disenyo ng kuwago, napatigil silang dalawa sa nilikha nitong tunog.
Tick-tock.. Tick-tock..
In an instant, the sickening sound of clocks echoed within the room. Isa-isang gumalaw ang kamay ng mga orasan, iba't ibang indikasyon ng oras, palakas nang palakas ang tunog.
Tick-tock.. Tick-tock..
"Anong nangyayari?!" Bumunot ng katana ni Wrath at naging alerto.
Pride furrowed his eyebrows and cursed under his breath, "Damn it. Hindi ko alam!"
Sa paglipas ng bawat segundo, lalong lumala ang sitwasyon. Lumakas ang nakababaliw na ingay ng mga orasan, tila sigaw ng mga kaluluhang nagdurusa. The room started to feel smaller, the walls closing in on them. Sinubukang mag-teleport paalis ng magkapatid, ngunit may mahikang pumipigil sa kanila. 'Mukhang alam ko na kung sinong may pakana nito..' Hinanap ni Pride ang pinanggagalingan ng enerhiyang bumabalot sa lugar.
Morticia's sweet and devilish smile flashed dangerously from the dark.
"Hey, Mr. Prideful.. Missed me?"
At noon lang napansin nina Pride at Wrath na hindi pala ito nag-iisa. The man standing beside her cannot he mistaken. Nakatuon ang galit at nawiwili nitong ekspresyon kay Wrath.
"Hello, Wrath. Kailan mo pala ibabalik ang tuta ko?" Asik nito.
Wrath frowned, "Hades."
Mukhang mas magulo pa pala ito kaysa sa inaakala nila.
*
"You can run, but you can never hide from me, little Snow."
Pinuno ng tinig na iyon ang madilim na paligid. Hindi na matandaan ni Snow kung ano ang panaginip niya---o kung mayroon nga ba siya nito. His voice came from the back of her subconsciousness, bringing memories back to haunt her thoughts. Nasaksihan muli ni Snow ang madilim na bodega habang nakalapat ang kanyang likod sa malamig na rehas ng maliit na kulungan. Naaalala ni Snow ang pakiramdam ng limitadong kilos sa espasyong iyon at kung paano siya ituring na hayop.
'Bakit ba ako bumabalik dito? Nakatakas na ako sa kanya!' Sigaw ng isip ni Snow habang pilit ginigising ang sarili sa bangungot. Nagpaikot-ikot siya sa kama, at pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga nang maayos.
Tick-tock.. Tick-tock..
Snow White jolted awake by the sound of a clock. Hingal niyang sinipat ang paligid at namalayan niyang nakabalik na pala siya sa kanyang silid. It was still dark. "P-Pero paanong---?"
"That lazy sin brought you back here in the middle of the night. Para raw kumportable kang matulog."
Napalingon siya sa nagsalita at hindi na siya nagulat nang makita si Chandresh sa kanyang salamin. 'Binuhat ako ni Sloth papunta dito?', hindi niya makapaniwalang isip. Naaalala niya bigla ang nangyari kanina, ang pagdala sa kanya ni Sloth sa "happy place" nito. Her cheeks felt hot upon the memory of his kiss and how his arms wrapped around her as he slept. Akala talaga niya ay kinabukasan pa siya makatakas sa nakakahiyang sitwasyong 'yon.
"Tapos kinikilig ka naman? Your Majesty, demons use deception to lure their prey. Keep that in mind." Seryosong sabi ni Chandresh na ngayon ay kababakasan na ng pag-aalala ang mga mata. Nag-iwas ng tingin si Snow at napabuntong-hininga. "You can't control me, Chandresh."
"I'm not trying to. 'Control' is different from 'concern'. Kahit kailan naman, hindi nagiging sapat ang mga payo ng iba para maapektuhan ang desisyon mo. Everyone has a choice.."
At naglaho na muli ito sa salamin. Tahimik lang na naupo sa gilid ng kama ang dalaga at maingat na tumayo. Having a prosthetic leg can be a pain in the ass sometimes, but it's better than having nothing.
Tick-tock.. Tick-tock..
Nanlamig ang buong katawan ni Snow nang marinig ang tunog na 'yon. Pamilyar at nakakapanindig-balahibo. 'This can't be..' Nanlaki ang kanyang mga mata nang maalala ang tunog ng mga orasang ginagawa ni Mr. Boswell. Living in his workshop for years made her ears trained to differentiate the sound of his clocks. Alam na alam ni Snow ang nakabubulabog na tunog ng mga ito. Mabilis siyang lumabas ng silid at bumaba sa may sala. Sinusundan niya ang tunog na tila ba tumatawag sa kanya.
Her heart pounded inside her chest, her hands trembling from anxiety. Malalalim ang kanyang paghinga habang pilit hinahanap ang pinagmumulan ng ingay. Hindi kaya guni-guni niya lang ito?
Tick-tock.. Tick-tock..
Her eyes scanned the dark living room. Nakasindi ang ilang kandila sa paligid ngunit halos hindi rin niya maaninag ang silid. Humakbang papalapit si Snow sa isang gilid at agad na tumayo ang kanyang mga balahibo nang makita ang isang antigong wallclock dito. Its black frame made it look elegant and deadly all the same, polished to perfection. The minute hand carefully crafted. The sound deafening and nerve-wrecking.
Hindi siya maaaring magkamali.
Isa ito sa mga likha ni Mr. Jeremy Hans Boswell.
"Pero anong ginagawa nito dito?"
May kung anong bumubulong kay Snow para hawakan ito. At nang madampian ng kanyang balat ang orasan, nagulat na lamang siya nang maging abo ito! The magnificent clock disintegrated into a pile of black ashes. Napahakbang papalayo si Snow, ngunit bago pa man siya makaalis, biglang gumalaw ang abo at bumubo ng isang anyo.
The figure then materialized into human flesh, with eyes of a cold-hearted vessel. Isang walang emosyong ngiti ang sumilay sa mukha ng binatang nakatayo ngayon sa harapan ni Snow. She can feel her blood ran cold and her body turned stiff.
"Hello, little Snow."
"A-Ano.. P-Paanong...?"
"A witch's magical abilities can be very useful," tumalim ang tingin ng lalaki sa kanya at tuluyan nang binalot ng takot si Snow White nang sabihin nitong, "I told you... you can run, but you can NEVER hide from me."
The clockmaker smirked wickedly.
---
She, then, like snow in a dark night,
Fell secretly. And the world waked
With dazzling of the drowsy eye,
So that some muttered 'Too much light',
And drew the curtains close.
Like snow, warmer than fingers feared,
And to soil friendly;
Holding the histories of the night
In yet unmelted tracks.
---"Like Snow",
Robert Frost
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top