TRIGINTA DUO
The rain poured hard over the cityscapes, dark clouds covering the gloomy sky. Tila mga aninong umiindayog sa langit ang mga ulap na ito, hatid ang ulan at delubyong hindi inaasahan ng mga naninirahan sa lugar. As the deafening sound of thunder reverberated throughout the area, the first scream echoed amidst the storm. Umalingawngaw ang sigaw ng isang babae, hirap at para bang nakadaupang-palad si kamatayan.
Hindi ito nalalayo sa katotohanan, because Mr. Boswell's cold and lifeless eyes can be considered death as well.
"You've sinned. Let me guess, too much pride? It kills everyone."
Halos hindi na marinig ni Racquel ang tining ng lalaking nakatayo sa kanyang harapan. Kinakapos siya ng hininga habang pilit inaanninag ang anyo nitong natatakpan ng kadiliman. Bukod pa roon, aminado siyang mahirap ibigay ang konsenstrasyon dito kung nakapalibot ang kakaibang mga nilalang sa kanyang katawan. 'M-Monsters!', umubo ulit ang dalaga at pilit inaalala ang mga nangyari. She could only remember wisps of what happened, fragments that she couldn't piece out. Ang tanging alaala lang niya ay noong tumatawid siya ng kalsada, hindi niya namalayang may ten-wheeler truck palang paparating.
Now, here she is. Lying cold-blooded on the road, soaked in rain water. Naramdaman niya ang pagkagat ng lamig sa kanyang balat na unti-unting nawawalan ng kulay kasabay ng pagligo niya sa sariling dugo. Mukhang hindi na talaga siya binalikan ng hudas na truck driver. 'Wala naman talagang may pakialam.. Wala.' Mapait niyang isip at sinipat muli ang mga nilalang sa kanyang harapan.
"Lahat ng tao, namamatay.. It's only a matter of when and how."
Gustong tanungin ni Racquel kung sino ang lalaking ito. Gusto niyang tumakas at bumalik sa maliit na apartment na nasa kabilang bahagi pa ng bayan. Gusto niyang magtago sa ilalim ng mga kumot at isiping gawa-gawa lang ng kanyang malikot na imahinasyon ang pangyayaring ito. Pero nakalimutan nga pala ni Racquel na hindi napagbibigyan kung ano ang "gusto" mo. Life sucks like that.
Tick-tock. Tick-tock.
"AAAAAAAAAAAHHHH!"
She felt the wooden spikes pierce through her flesh, an ache that can never be relieved. Damang-dama ng babae ang paghiwa nito sa kanyang kalamnan, sa iba't ibang bahagi ng kanyang nanghihinang katawan. Hindi niya alam kung guni-guni ba niya, pero panandaliang nakaramdam si Racquel ng pag-alis ng kanyang kaluluwa. It felt like something inside you is being sucked out, forced to leave your body. She gasped her last breath, just in time to see sparks of fireflies dancing out of her chest.
Tahimik na pinanood ni Mr. Boswell ang paglipat ng mga alitaptap sa kanyang espesyal na treasure chest. The small wooden box had several engravings in ancient language. Nang dumapo ang huling alitaptap ng kaluluwa sa loob ng kahon, agad itong isinara ni Mr. Boswell at sinelyuhan panandalian.
"Pride has the greatest number of sins on his plate.. Too bad. He'll lose them all soon enough."
Alam niya ang posibleng mangyari sa magkakapatid kapag naubusan sila ng koleksyon ng pitong araw, sunod-sunod. Bukod pa rito, alam rin ni Mr. Boswell na may katangi-tanging sikreto ang magkakapatid. Ang sikretong nakapagbibigay sa kanila ng buhay na walang-hanggan. 'Taking their life spans isn't enough.. I need to strip them away of immortality.' Isip-isip ng pinakamahusay na clockmaker sa Eastwood at sinilip ang relo.
"Well, would you look at the time! Male-late na tayo. Kailangan pa nating ipadala ito."
Binitbit niya ang pinakabago niyang obra maestra, nakabalot na at nabahagyang nababasa ng ulan. Mr. Boswell sighed and grabbed the package, before turning away; his loyal clockwork monsters following suit. Kailangan na niyang umalis bago pa makarating ang mga pulis.
*
"Damn it!"
Mabilis na umilag si Snow nang kamuntikan na siyang mahiwa ng katana ni Wrath. The girl managed to jump back in time before it slashed through her neck. Sinamaan niya ng tingin si Wrath na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa kanya. She couldn't help but be a little conscious, "Sa pagkakaalam ko, wala namang dumi sa mukha ko. Stop staring." Pero imbes na iiwas ang mga mata, walang kahirap-hirap bumunot ng baril ang binata at pinaulanan siya ng bala. 'Shit!' mahinang napamura si Snow nang dumaplis ang isang bala sa kanyang braso.
BANG!
BANG!
Wrath flashed her a sadistic smirk.
"Don't let my eyes distract you, mortal."
BANG!
Natatarantang umiwas si Snow sa mga ito, her heart racing with every bullet. 'He's really a demon!' Hinihingal niyang hinigpitan ang hawak sa katangi-tanging sandata na ibinigay sa kanya ni Wrath, isang matalim na combat knife. Earlier this morning, she was greeted by Wrath's instructions to defend herself using a mere knife. Hindi inasahan ni Snow na ang prinsipe ng pagiging mainitin ang ulo ang magiging trainer niya ngayong araw. Mukhang sasakit na naman ang katawan niya mamaya.
'I think I like them better as kids!'
Hindi na alam ni Snow kung ilang araw na ang nakakaraan mula nang bumalik sa normal ang magkakapatid. Time doesn't seem to matter anymore in the mansion. She can vividly recall their reactions upon finding out that they've been forced to wear diapers. 'Mga baliw talaga,' bahagya siyang namula sa alaala. Ang natatandaan na lang ni Snow, iniwan niya ang pitong paslit sa sala para magpalit ng napkin (feminine needs) habang nagkakagulo at may sari-sariling mundo ang pitong bulinggit. Afterwards, noong bumalik siya sa kinaroroonan nila halos manigas siya sa kinatatayuan nang makita silang nakabalik na pala sa dati.
The seven sins were still in diapers! Kung paano naging flexible ang mga damit nila at ang diapers nila, hindi na ginusto pang alamin ni Snow.
"Well, this is..awkward." Pambungad na sabi ni Pride na nakasuot ng fitted black shirt, pilit itinatago ang hiya dahil tanging diapers lang ang suot nito sa pang-ibaba. He adjusted his glasses, face cherry-red. "A-Ah! N-Nagbalik na pala kayo sa normal..." Mabilis na nag-iwas ng tingin si Snow, sabay huli naman kay Sloth na nakasuot pa rin ng pajamas niya. He was still sleeping, nakabaluktot pa rin ang posisyon niya sa malambot na karpet---still sucking his thumb. 'Buti na lang may pajamas siya!' She thought, all too relieved.
"HAHAHAHA! ANG PANGIT MO, ENVY!"
"SAYS THE ONE WHO'S WEARING WET DIAPERS!"
Sinilip ni Snow ang kambal na nakaupo sa sahig, kalat-kalat ang basag na mga plurera at ilang picture frames sa paligid nila. Nanlaki ang mga mata ni Snow nang mapagtantong nakatitig sa kanya ang dalawang ito, may pilyong ngiti sa kanilang mga labi.
"Hello, Chione!"
"Hi, Mademoiselle!"
Umirap si Snow. "Sana hindi na lang kayo lumaki." Panandaliang nabaling sa iba ang atensyon ng dalaga nang may tumawa sa kanyang gilid. She turned, just in time to be face to face with a smirking Lust. Nang pasadahan ni Snow ang kabuuan ng binata, napalunok siya nang makitang nakadiapers lang din pala ito, tulad ni Pride! 'BAKIT BA KASI HINDI NAGSALAWAL YUNG IBA KANINA?!'
"Hey, baby! Tinawag mo ba ako?"
"H-Hindi ah!"
"Err.. Sabi mo kanina, 'lumaki' eh," Kumendeng pa ito sa harapan ni Snow, "I'm always big for you, my love." Sabay kindat. Agad na humakbang papalayo si Snow at akmang tatakbo na papalayo nang hinapit siya ni Wrath sa baywang, his fierce eyes piercing her in place.
"Where do you think you're going?"
Pinilit ni Snow na makakawala sa hawak niya. Ginugulo na naman ang isip niya ng mga alaala ng paghalik sa kanya ng demonyong ito. "Let me go! K-Kailangan ko pang magluto ng pananghalian niyo!" Pero agad na sumagot ang isang boses sa likuran ni Snow. Nakita niya si Gluttony, may makahulugang ngiti sa kanyang labi habang hawak pa rin ang milk bottle, "You said you care for us. Is it true, sugar-plum?"
Naaalala ni Snow ang pagrehistro ng gulat sa kanya noon. 'They remember?!' At dahil sa gulat, hindi na nasagot ni Snow ang tanong dala ng hiya at inis sa mga ito. Paniguradong aasarin siya ng magkakapatid.
'Actually, they're already doing a great job at that!', napabuntong-hininga si Snow at bumalik sa kasalukuyan nang kamuntikan na siyang tamaan ng bala sa noo. Gamit ang patalim, nagawang i-deflect ng dalaga ang ilan sa mga ito. Wrath looked irritated and impressed. "How the fuck did you know that that knife's a bullet-proof weapon?"
"What do you mean?"
Napasimangot ang binata at nakikita na ni Snow ang namumuong galit, "You know exactly what I mean! Hindi mo dapa-----!"
Pilyang ngumiti si Snow at nakahanap ng tiyempo. Mabilis niyang inatake si Wrath at itinutok sa dibdib nito ang patalim. "Kilala kita, Wrath. Hindi ka mag-aaksaya ng oras na mangolekta ng mga 'laruang' hindi matibay." Kinilabutan na naman ang dalaga nang bumalik sa alaala ang Torture Room nito. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may naririnig siyang nagsisisigaw sa loob nito kagabi nang mapadaan siya sa pasilyong 'yon. They'd probably find another dead body within the next few minutes. Wrath loves eliminating his immortal enemies.
"Tsk. Stupid mortal.."
"Call me 'stupid' again and I'll stab you."
Hindi natinag si Wrath, "Stab me, and I might just kiss you."
Umurong ang tapang ni Snow sa narinig. Natawa naman si Wrath at mabilis na inagaw sa kanya ang patalim.
"WOOF! WOOF! WOOF!"
Napalingon ang dalawa nang biglang pumasok sa Training Room si Cerberus. Black beady eyes stared at Snow like a piece of meat. 'Great! Noon, inakala niya akong buto, ngayon naman 'wag niyong sabihing gagawin niya akong karne?!' Naaalarmang sabi ni Snow at mabilis na humakbang papalayo sa kanila. Masama ang tingin ng higanteng aso kay Snow, though one of its three massive heads looked kind enough to nod at her. Nang nagsimula nang bumuga ng apoy ang tagapagbantay ng impyerno, mabilis pa sa alas-kwatrong tumakbo papalayo ang dalaga.
"WRATH, DO SOMETHING! THAT DOG'S GONNA KILL ME!"
Umirap lang sa kanya si Wrath. "HE'S A FREAKIN' PUPPY!"
"MUKHA BA AKONG MAY PAKIALAM?!"
The black serpent acting as Cerberus' tail hissed at her. Minsan talaga, may mood lang ang tutang ito. Sometimes he's kind enough to her, most of the times he still wants to kill her. O baka naman ito ang paraan ng "pakikipaglaro" ng gahiganteng halimaw na ito? Snow doesn't want to find out.
"WOOF! WOOF!"
Hinahabol na siya nito. Nagsisisigaw si Snow habang nagpapaikot-ikot sila sa maluwag na espasyo ng silid. Ilang sandali pa, nagawa na niyang makalabas dito, the door slammed shut on Cerberus' three faces. Hinihingal na napasalampak sa sahig ang dalaga. Umagang-umaga, pero pakiramdam niya ay nakapag-exercise na siya. She felt as if she competed in a 3K marathon!
"You look exhausted, Mademoiselle. Want me to help you with the laundry?"
Iniangat ni Snow ang tingin. Nagtagpo ang mga mata nila ng prinsipe ng kasakiman. "May trabaho ka ngayon, 'di ba?" Sa tagal na ni Snow sa mansyon, mukhang nakabisado na nito ang schedule nila sa shifts. Greed lended her a hand and helped her stand up. "I'm a gentleman, remember?"
Natawa nang pagak si Snow, "You're an immortal demon sin who lives by the remaining lives of other people's deaths. Ilang siglo ang tanda mo sa'kin at malamang ay marami na ring namatay na mortal dahil sa kasakimang dala mo. Tell me, can you still call yourself a gentleman?"
Nagkibit-balikat si Greed, "Yes."
Napangiti si Snow at naglakad na sa kabilang pasilyo. "Tara na, marami pa tayong labahin."
*
Ang laundry area ng magkakapatid ay matatagpuan sa pinakadulong bahagi ng mansyon---katabi ng dungeons. Kinikilabutan pa rin si Snow kada maiisip ang ginawa sa kanyang "challenge" nina Pride noon. Hanggang ngayon ay hindi maalis sa isip niya ang hitsura ng ilusyon na 'yon. It felt so real. How could it be an illusion? Napansin naman ni Greed ang pagkabahala sa mukha niya.
"Are you alright?"
"Ang sabi niyo, nabaliw ang huli niyong maid. Did she.." Napalunok muna ang dalaga at sinulyapan ang pinto ng dungeons, ang malamig at nangangalawang na metel na naghihiwalay sa kadilimang nakakubli sa loob nito, "Did she die in there?"
Sumeryoso ang mukha ni Greed. Nakarating na sila sa maaliwalas na silid ng laundry room ng mansyon, at hindi na nagulat si Snow sa kabundok na labahin. Mabuti na lang talaga at naipagluto na niya si Gluttony. Greed started helping her out with sorting clothes when he murttered, "Yes."
Inaasahan na ni Snow ang sagot na iyon. Hindi na dapat siya magulat sa mga ganito.
"May alam ka ba sa ilusyong ginawa ni Wrath sa'kin noon? R-Ramdam ko kasi na.."
"Na totoo ang babae sa ilusyon?"
Tumango si Snow. Napabuntong-hininga na lang si Greed at pinilit na ngumiti, "Our old slave.. Her name's Monique, kung tama ako ng pagkakaalala. Sometimes living an immortal life requires you to forget things. Anyway, nasiraan siya noon ng bait at kinailangan namin siyang i-"dismiss", or whatever Pride said."
Totoo nga ang babae sa ilusyong nakita niya. She may not be a real ghost haunting her, but somehow, the illusion felt real enough. Paano naman nagawa ni Wrath na gawing makatotohanan ang ilusyong iyon? Unless..
"Sinong pumatay kay Monique?"
Snow's heart hammered inside her chest as she anticipated his answer. Ngumiti nang alanganin si Greed.
"Si Wrath."
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top