TREDECIM

Snow White is a hundred percent sure that she had already faced hell several times in the past. Ngunit, bakit sa mga sandaling ito ay tila ba nakikipagtitigan siya sa impyernong nakakubli sa kulay itim na mga mata ng asong ito? Mabuti na lang sana kung isang ulo lang ang tinititigan siya ng masama, 'but it looks like I have all three of its heads' attention'. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili, kahit pa alam niyang anumang sandali ay maaari siyang lapain ni Cerberus.

Snow gulped and forced her eyes away from the giant canines full with saliva.

"N-Nice, doggy.. Hindi kita sasaktan. Sa totoo lang, mas malamang nga na ikaw ang makapanakit sa'kin, but-----"

Umalulong muli ang dambuhalang aso. Nayanig ang chandeliers sa nilikhang ingay nito at nawala sa ayos ang ilang paintings na nakadisplay sa pader. Noon lang napagtanto ni Snow na halos sakupin na pala ni Cerberus ang espasyo sa antechamber. 'Nababaliw na nga talaga si Wrath!' In her head, she's killing him with an axe over and over again. Sino ba namang nasa matinong pag-iisip ang gawing alaga ang asong tagapagbantay ng mga harang ng impyerno?

Cerberus's owner? Only Wrath is crazy enough to be qualified for the position.

Nagpalinga-linga si Snow, naghahanap ng sinumang mapaghihingian ng tulong kung sakaling sakmalin siya ni Cerberus. Lalo lang siyang napasimangot nang mapagtantong wala sa paligid ang magkakapatid. Snow cursed under her brearh, "Damn it. Paano ko naman papaamuhin ang halimaw na it-----

---AAAAAAAAAAAAAAAHHH!"

In a matter of seconds, Cerberus's giant teeth sunk into the collar of her dress. Namalayan na lang ni Snow ang pag-angat ng kanyang mga paa sa lupa. Gumasgas ang kanyang bagong prosthetics sa railings ng hagdan, nanlaki ang kanyang mga mata nang matuluan siya ng laway ni Cerberus. Sa leeg ni Snow ay naramdaman niya ang malalalim na paghinga ng halimaw na nakapagpatayo ng kanyang balahibo. It's soft black fur felt deadly against her back.

"SHIT! PUT ME DOWN, YOU STUPID DOG!"

Snow White struggled against the monster, her limbs dangling in the air. Nang maramdaman niyang tila may nakamasid sa kanya, napasinghap ang dalaga nang mapansing nakatitig sa kanya ang dalawa pang ulo ni Cerberus. One head gave her a deadly stare, while the other gave her a calm and almost apologetic look. Para bang tulad ng magkakapatid, iba-iba rin ang personalidad ng bawat ulo ng asong ito.

"Hoy! Narinig mo ba ako?! I-Ibaba mo ako! Isusumbong kita kay Pride!"

Cerberus growled.

"CERBERUS! PUT ME DOWN!"

Umalulong muli ang dalawang ulo sa magkabilang gilid ni Snow. Napatakip siya ng kanyang mga tainga sa tindi ng ingay. It felt like her eardrums are going to explode!

Hindi na muling kumibo si Snow. 'Baka kapag nanahimik ako, hahayaan na ako ng asong ito', isip-isip niya. Pero agad na naglaho ang pag-asang iyon nang biglang tumakbo si Cerberus patungo sa sentrong pasilyo. Pinunit ng sigaw ni Snow ang tahimik na mansyon habang dala-dala siya ng alaga ni Wrath. Mas malala pa ito kaysa sa isang rollercoaster---depende na lang kung ang nasakyan mong rollercoaster ay mayroon ding balahibo at matatalim na ngipin.

"SAAN MO AKO DADALHIN?!"

Everything became a blur at halos masuka na si Snow sa pwesto niya. Patuloy lang na tumakbo sa pasikot-sikot na mga pasilyo si Cerberus, nalagpasan na nila ang Dessert Room, Library of Lost Souls at isang silid na mukhang game room. They passed by several other doors and corridors, and by the time Snow knew she was going to throw up her lunch, biglang nagbago ang paligid. Binati sila ng matinding liwanag na nanggagaling sa isang pinto. Nang makapad-adjust ang kanyang mga mata, napaawang ang bibig ni Snow sa lugar.

"This is the backyard.."

Muntik na niyang makalimutan na mayroon nga palang backyard ang mansyon. But unlike any other "ordinary" yards, ang bakurang ito ay patay ang paligid. Walang kulay ang damo at mga halaman, maging ang malaking puno ay matagal nang nalagasan ng mga dahon. The place looked like a scene from a horror movie, at hindi niya alam kung dapat pa siyang mapanatag sa impormasyong iyon.

'Wala na talagang normal na nangyari sa buhay ko!'

Snow stared up, just in time to see the sun fading in a distance. Sinubukan niya uling makakawala kay Cerberus ngunit sadyang mas malakas ito kaysa sa dalaga. Napasinghap siya nang marinig ang unti-unting pagpunit ng kanyang damit mula sa pagkakakagat ng aso rito. "Cerberus! Bakit ba tayo nandito?! Damn it! Put me down this instant!"

Gumalaw ang malalaking mga paa ng halimaw. Nanlaki ang mga mata ni Snow nang makita kung saan ito papunta.

Sa isang malaking hukay sa lupa.

Agad na nagwala si Snow, masama ang kutob niya sa mangyayari. "BITIWAN MO AKO!" Ngunit imbes na sa tuyong damuhan siya ibagsak ng dambuhalang halimaw, sa loob mismo ng hukay siya nito inihulog. Snow White screamed upon falling into the hole.

'SHIT!'

Hanggang sa mapadaing na lang siya sa sakit nang lumapat ang kanyang likod sa isang matigas na bagay. Nanghihina niyang sinipat ito, at napamura nang mapagtantong bumagsak pala siya sa isang kabaong. 'What the fuck is a coffin doing here?!' Pinilit niyang tumayo, ngunit dala na rin ng pagod sa pagtakas kay Mrs. Bones kanina sa anatomy room, pagod na napahiga na lang si Snow sa nakabukas na kabaong. Tumingin siya sa kanyang harapan, kasabay ng pagdilim ng maliit na langit na nakikita niya, ay ang paglitaw ng tatlong ulo ni Cerberus sa itaas ng hukay.

She glared at the dog.

"BAKIT MO NAMAN AKO HINULOG DITO?! AT MAY KABAONG PA TALAGA!" Ugh. Pareho sila ng amo nito---nakakairita at masarap ipatapon sa Saturn.

"Woof!" Malakas na pagtahol ni Cerberus bago naglaho sa kanyang paningin. Sinubukan ni Snow na mag-isip ng paraan para makalabas siya sa hukay na ito ngunit wala man lang kahit anong makakatulong sa kanya. She's trapped, and the lack of space is slowly suffocating her. Tila ba mas sumisikip ang paligid habang binabalot siya ng kadiliman sa loob ng malalim na hukay.

Pero bago pa man siya makahanap ng paraan, bigla na lang sumara ang glass case ng kabaong. Sinubukan niyang buksan ito ngunit tila ba kinakapos siya ng lakas. Through the glass, Snow White saw Cerberus throwing dirt inside the hole. Nanlaki ang mga mata niya at halos maghyperventilate na siya sa isiping ililibing na siya nang buhay ng demonyong aso.

Tinatabunan na ni Cerberus ang hukay na kinalalagyan niya.

Unti-unti, natakpan na ang tanawin ni Snow sa loob ng glass coffin. The starless night sky became smaller, until it vanished from view. Tanging ang lupa na lang na kumukubli kay Snow sa malamig na kabaong ang nakikita niya.

"Ganito pala ang pakiramdam ng mga patay," napabuntong-hininga siya at pilit na pinapakalma ang sarili. Mapait na ngumiti si Snow White, "pero atleast, mas tahimik dito sa ilalim ng lupa."

Being buried alive? Check.

*
Hatinggabi na, ngunit nakatanaw pa rin sa labas ng bintana si Envy. Nababagot siya at tinalo na naman siya ni Greed sa chess kanina. Hindi naman nalalayo ang tally nila sa nakalipas na mga siglo: 124, 307 times nang nanalo si Envy sa chess, samantalang 124, 308 times nang panalo ang kanyang kakambal. "Tsk. Lamang ka lang ng isa! I demand a rematch!" Envy blurted out earlier na ikinatawa naman ng isa, "HAHAHA! Being bitter, brother? Tanggapin mo na kasi na mas magaling ako sa'yo!" Mayabang na wika ni Greed bago lumabas ng Leisure Room. Naiwang mag-isa si Envy na nagmumukmok.

Napabuntong-hininga siya. "That bastard."

Babalik na sana siya sa kanyang silid nang mapansin ang isang kakaibang bagay. Tinitigang maigi ni Envy ang kanilang bakuran. "Teka, kailan pa nawala ang hukay na ginawa ko?" Mabilis na binuksan ni Envy ang bintana at lumabas rito. Tumama ang malamig na hangin sa kanyang balat, at kinailangan pa niyang ayusin ang suot na V-neck bago tinahak ang daan papunta sa tuyong damuhan. Above him is a starless night, with the moon at its last phase.

Noon lang napansin ni Envy ang apat na pares ng mga matang nakatitig sa kanya.

Ang tatlo ay pagmamay-ari ng asong si Cerberus habang ang isa naman ay sa kanyang amo. Wrath frowned upon seeing Envy.

"Anong ginagawa mo dito?"

"I should be asking you the same thing, brother."

Umiling si Wrath at dinapuan ng tingin ang asong tahimik na nakatingin sa lupa, para bang guilty sa isang kasalanan, "Kinaladkad ako rito ni Cerberus. He wanted to show me something, but I can't seem to find out what." Napangisi si Envy sa narinig. Kinaladkad ng dambuhalang aso ang magagalitin nilang kapatid? Well, that's new. Madalas baliktad ang sitwasyon ng mag-among ito.

"Nawawala ang hukay na ginawa ko dito kahapon. Unless..."

Sabay na napatingin ang magkapatid kay Cerberus. Tumahol ang isang ulo, ang gitnang ulo naman ay nanatiling tahimik, habang ang nasa kaliwa ay nakadungaw sa isang partikular na bahagi ng lupa.

Napabuntong-hininga ang magkapatid.

"Kaya pala hindi nakapagluto ng hapunan si Chione."

Wrath kicked a rock, "Who the heck cares? Hindi ko naman kinakain ang mga niluluto niya. Malay ko ba kung may plano siyang lasunin ako?"

Envy frowned, "Just help me get her out. Malamang bored na siya sa ilalim ng lupa." Sabay pitik ng kanyang mga daliri at ang paglitaw ng dalawang pala. Inis na kinuha ni Wrath ang isa at sinimulan na nilang hukayin si Snow.

Ilang sandali pa, binuksan na ni Envy ang harapan ng kabaong gawa sa salamin at sinilip ang loob nito. Agad na huminga nang malalim ang dalaga at natatarantang umupo na para bang nalunod sa dagat. She struggled to catch her breath, at nang makita niya ang dalawang binata, agad siyang napasimangot.

"NASAAN ANG ASONG IYON?!"

Natawa si Envy at hinawakan sa balikat si Snow para pakalmahin siya. "Chill, Choine! Siguro naman hindi sinasadya ni Cerberus."

Tumalim ang titig niya sa binata, "IKAW KAYA ANG ILIBING KO NANG BUHAY! TINGNAN NA LANG NATIN KUNG MASASABI MONG HINDI SINASADYA!"

Envy raised his hands up in defense.

Tumikhim si Wrath, "Psh. Malamang napagkamalan kang buto ni Cerberus kaya ibinaon ka niya sa lupa. With that body of yours, I won't be surprised if you'd be Mrs. Bones' replacement."

"What on earth are you saying?!"

"Did being buried alive affected your hearing?  At huwag mong sisisihin ang tuta ko!"

"TUTA?! Tuta pa ang tawag mo sa halimaw na 'yon?!"

"Damn, yes! Cerberus is just a freakin' puppy, so don't be blaming him on your stupidity!"

Sa isang kisapmata, umalis na sa kanilang harapan ang lalaki.

Napamaang ang dalaga sa sinabi ni Wrath. Iniinsulto pa rin siya nito na para bang hindi siya nanatili ng anim na oras sa loob ng kabaong na iyon! Naiinis niyang naikuyom ang kanyang mga kamao. Hinawakan naman ito ni Envy, kasabay ng pagsilay ng isang tipid na ngiti sa kanyang mukha. "You need to rest. I'll walk you to your room."

Napabuntong-hininga si Snow at nagpalinga-linga sa paligid. Nasa ilalim pa rin sila ng hukay at halos hindi na niya maaninag ang katabi. "Fine. Pero anong ginagawa ng isang kabaong dito? At para saan ba 'tong hukay na ito?"

Envy grasped her hand tighter, the small smile never leaving his lips.

"May koleksyon ako ng mga kabaong"

"A-Ano?" Hindi makapaniwala si Snow sa narinig.

"May masama ba roon? At tinesting ko lang naman kung astig bang tingnan ang isang libingan sa bakuran. No need to worry your pretty little head, Chione."

At namalayan na lang ni Snow na nakalabas na pala sila ni Envy sa loob ng hukay. Wala na siyang lakas nang igiya na siya ng binata patungo sa kanyang silid. Snow fell asleep in an instant.

---

But little by little,
as you left their voices behind,
the stars began to burn
through the sheets of clouds,
and there was a new voice
which you slowly
recognized as your own,
that kept you company
as you strode deeper and deeper
into the world,
determined to do
the only thing you could do—
determined to save
the only life you could save.

---The Journey,
Mary Oliver

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top