SEXAGINTA UNUM

Isang malakas na pagsabog ang gumimbal sa mansyon. Naging sanhi ito ng pagkaalarma ng iba pang kasalanan. Chandresh heard footsteps running towards the front doors. 'Mukhang magsisimula na ang katapusan. This is too troublesome, even for me!' Huminga siya nang malalim at mabilis na binulsa ang kapirasong papel na kanina pa niya hawak. Agad niyang hinahanap si Snow, ignoring the madness outside. Kailangan niyang protektahan ang kanyang pinaka-iingatan. Kailangan.

"Snow! Your Majesty?!"

Chandresh found her in the Music Chamber. Ang kaninang pagkataranta ay agad na napalitan ng matinding pagseselos nang makita niyang kasama nito si Sloth. 'That lazy bastard!' Ilang sandali pa, dinaluhan niya ang mga ito, pinipilit na isantabi ang kanyang nararamdaman. Still, the violet-eyed prince found it hard to do so. Bakit ba kasi sila magkasama?!

Nang makita siya ng dalaga, agad ring naglaho ang inis ni Chandresh. Bakit nga ba napakaganda ng babaeng ito? Snow White is the epitome of beauty and----

"Chandresh! Kailangan nating depensahan ang mansyon. W-We can't let them win.."

Marahang napailing si Chandresh. 'Focus, damn it!' Heto na nga ba ang sinasabi niya. Alam niyang sa desisyon niyang ito, lalo siyang mahihirapang kontrolin ang kanyang kalooban. Binalingan niya si Snow at tumango. Determinado na siya. Kailangan nilang manalo sa digmaang ito.

"Let the war begin."

*

Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Nang makarating sila sa bungad ng mansyon, saktong naroon na sina Lust at Gluttony na abala sa pagtira ng mga patalim sa mga halimaw na lumilipad sa itaas ng mansyon. Snow White gaped upon seeing the creatures flying overhead. They looked like pterodactyls with razor-sharp wings! 'Meron palang ganyan sa Tartarus?!' Dapat ay hindi na talaga siya nagtaka!

"Snow, look out!"

Naalarma si Snow at maliksi siyang umilag sa apoy na bumulusok papunta sa kanya. It burnt the floor beneath were she stood. Tiningnan ni Snow ang pinanggalingan nito ay halos manlaki ang kanyang mga mata nang makita si Morticia. She stood at the other end of the lawn, a smirk on her face. Napansin rin ni Snow na nakabukas na ang malalaking gates ng mansyon, at napakaraming clockwork monsters ang pumapalibot sa kanila! Bukod pa rito ang sandamakmak na mga halimaw ng Tartarus!

'Damn it! This is madness!'

"Paparating na dito si Boswell. He wants to talk to you, bitch." Asik ni Morticia at pinitik ang kanyang mga daliri. In a matter of seconds, steel vines crept upon Snow. Napaatras siya at inis na umilag nang muling umatake ang mga kaaway. Just in time, Wrath and the twins came running out of a corridor. Nanlaki ang mata ng kambal sa kanilang nakita.

"Greed...we're doomed."

"Bullshit. Wag mo nang ipaalala!"

Kumunot ang noo ni Snow at mabilis na nilingon ang magkakapatid. Bakit hindi pa sila lumalaban?! "Anong ginagawa niyo?! Papatayin nila tayo! We need to do something!"

Wrath frowned, "Babe, wala na kaming kapangyarihan. Our chances of winning his fucking war is slim. We need a strategy to take them down!" Hindi na nila pinakinggan ang pagrereklamo ni Lust sa gilid ("GAGO KA WRATH! I'M THE ONLY ONE ALLOWED TO CALL HER THAT! NANGHAHAMON KA BA NG AWAY?!"), at nag-isip ng posibleng paraan para matalo ang mga ito. Snow White glared at the monsters who were just waiting for a signal. But from who? 'Sino ba ang namumuno sa kanila?' Inilibot ni Snow ang kanyang mga mata hanggang sa dumako ang mga ito sa binatang nasa harapan ng Fountain of Tears.

His sharp eyes glared back at her. Hindi alintana ang dugong nakakapit sa kanyang damit o sa mga sugat sa braso. Her heart constricted.

"P-Pride..."

Mukhang alam na niya kung sino ang heneral ni Boswell sa labang ito.

Pinilit ni Snow na pakalmahin ang sarili. It just felt so wrong seeing Pride on the enemy's side. Nasaan na ang binatang nag-alok sa kanya ng panibagong buhay sa mansyong ito? Hindi na niya ito makilala. But a part of her still whispered that he is still in there. An idea came to her. Mabilis niyang binalingan si Wrath na abala sa pakikipag-usap sa mga kapatid. Mukhang bumubuo na sila ng planong pabagsakin ang mga ito kahit pa wala na silang kapangyarihan. Hangga't hindi pa sinisira ang mga bagay o parte ng mansyon kung saan nila isinilid ang kanilang mga kaluluwa, the brothers will remain immortal for a day or so.

Wala na silang dapat aksayahing oras.

"Wrath, hold them off as much as you can. Susubukan kong kausapin ang kapatid niyo."

Gluttony's eyes widened. "Are you nuts, candy pie?! Sa tingin mo ba matatauhan pa siya?" Sabay tingin kay Pride mula sa gilid ng kanyang mga mata. The food-lover sighed. "Err... F-Fine. I don't want to fight that tasteless idiot anyway. Baka una niyang sirain ang Dessert Room ko!"

"Paano kung hindi siya makinig sa'yo? Mukhang mahihirapan ka sa plano mo, Mademoiselle!"

"Ayoko mang aminin ito, pero may tama ang kakambal ko. Paano kung saktan ka niya, Chione?"

Isang matapang at determinadong ngiti ang pinakita ni Snow. Hindi siya pwedeng panghinaan ng loob. "It's worth a shot. Isa pa, may tiwala akong hindi ako sasaktan ng kuya niyo." Sana. Isang malaking sana.

Kasabay nito ay napalingon ang lahat ng halimaw nang magsalita si Pride sa isang malalim na boses, his eyes dead serious. "Show no mercy." Iyon lang ang lumabas sa bibig niya bago sumiklab ang gulo. The clockwork monsters started running towards them at maging ang ibang mga halimaw---mummies, vampires, zombies, demons, trolls and even witches---ay nagsimula nang lusubin ang mansyon. Wrath grabbed his shiny machine gun and kicked a troll in the face. Isang mapanganib na ngisi ang naglaro sa labi ng prinsipe. "THIS IS GONNA BE FUN!"

Umirap ang iba pang mga kasalanan nang sumugod na sa gulo si Wrath, punching faces and shooting nearby monsters with his beloved machine gun. Mukhang tuwang-tuwa ang prinsipe ng galit at hindi alintana kahit pa wala na silang kapangyarihan. 'Seriously? What the heck happened to strageties?!' Reklamo sa isip ni Snow.

Nagkibit ng balikat si Sloth. "Kapag tumalab ang plano mo at natauhan na si Pride, pakibatukan siya para sa amin."

"Noted."

Snow was about to leave when Sloth put a hand on her shoulder. Isang hindi maipaliwanag na ekspresyon ang naroon.

"Kung sakaling mawalan tayo ng kontrol sa labang 'to, I just want to tell you... Pride is the only one who can save us."

'Paano?' Pero hindi na ito tinanong pa ni Snow. Mukhang malalim ang ibig sabihin nito. Sana lang ay hindi na umabot pa sa puntong 'yon.

"Ibabalik natin si Pride, Sloth. Ipinapangako ko 'yan sa inyo." At tiningnan niya sa huling pagkakataon ang mga kasalanang pinaglilingkuran niya. Ang bilis talaga ng panahon.

Bago pa man makapagreklamo si Chandresh sa pagpayag nito sa kabaliwan ni Snow, tumango na ang dalaga at mabilis na tumakbo papalayo.

'Hindi ko kayo bibiguin!'

*

Naglaho na sa gitna ng gulo si Snow. Patuloy naman sa pag-atake si Wrath sa kanilang mga kalaban. Sinusubukan naman ng ilang clockwork monsters na sirain ang mga haligi ng mansyon, slabs of stone flying with the impact. Si Morticia naman ay patuloy lang sa pagsunog sa kanilang bakuran! Napuno ng galit ang kalooban ng natirang mga binata.

"With or without powers, we can still kick their asses... Right, my devilishly annoying twin?" Baling ni Envy sa kakambal. Ngumisi nang nakakaloko si Greed at sabay nilang kinuha sa isang sako ang mga laruang ipinahiram sa kanila ni Wrath.

Soon enough, the twins charged into battle, armed with assault rifles and hand grenades. Napapitlag ang isang bampira nang sumabog ang isang granada sa kanyang paanan. Pumunit sa katahimikan ang malakas na pagsabog nito kasabay ng paglipad ng ilang lamang-loob. Yup, it was disgusting and awesome at the same time.

Nang atakihin sila ng ilang clockwork monsters, Greed jumped ontop of it and started pounding on its head with a giant hammer. "Oo, halimaw ka.. Pero mukha ka pa ring malaking tabla ng kahoy para sa'kin! HAHAHAHAHA!" Nagwala ang halimaw at sinubukang alisin si Greed sa pagkakasampa nito sa kanya. Nawalan ito nang balanse at natisod sa nakalaylay na tela ng isang mummy. The clockwork monster roared as it crashed to the ground. Mabilis na nakatalon papalayo si Greed. Kasabay ng pagbagsak ng halimaw ay ang pagkaipit ng lang mga lower-class demons sa bigat nito. Greed smirked and bowed in a gentleman-like manner, nasa kamay pa rin nito ang malaking martilyo, "At iyan ang obra ng isang gwapong karpintero."

Envy rolled his eyes.

"Pasikat ka talagang bwisit ka. Akala mo ikaw lang?!" Naiinis at naaaliw nitong wika bago itinutok sa mukha ng isang zombie ang hawak na flame-thrower at sinilaban ang mukha nito. The zombie ran around in circles as his head bursted into flames. Nabunggo nito ang ilang duwende at natumba ang mga ito na tila ba mga domino. Naglakad papalapit sa isang clockwork monster si Envy, isang ngisi sa kanyang mga labi. "Watch and learn, brothers." Huminto ito panandalian at siniko ang isang demonyong aatakihin sana siya mula sa likuran, ni hindi man lang nilingon ng kasalanan ang napatumbang kaaway. Envy made his mental computations and aimed the flame thrower beneath the clockwork monster.

"Oops!"

Ilang sandali pa, nag-aapoy na ang pwetan ng halimaw at bahagyang nakuha ang atensyon ng iba pang mga kaaway.

Kinuha ni Chandresh ang oportunidad na ito at mabilis na binaril ang iba pang mga kaaway. One by one, the monsters fell down and screamed in pain. "This is too easy." Pero hindi maiwasang mag-alala ng prinsipeng may kulay lilang mga mata kay Snow. Kani-kanina lang ay naglaho na ito sa kanyang paningin. Chandresh would never forgive himself if anything happened to her.

*
Hinihingal si Snow at pakiramdam niya ay bibigay na rin ang kanyang mga binti. Hindi kalayuan ang destinasyon niya, but it was hard to run halfway across the lawn with several monsters and bullets to dodge! "Damn!" Napamura na lang si Snow nang kamuntikan na siyang madaplisan ng pag-atake ng isang demonyo. The flames barely touched her skin. Mabilis siyang lumusot sa ilalim ng isang clockwork monster at hinila ang telang nakalawit sa isang mummy. The mummy spun around as Snow pulled the cloth. Napatingin muli sa kanyang itaas si Snow, the flying beasts still over them.

"Ano na naman bang binabalak mo? Hindi ka talaga nadadala, 'no? How stupid!" Morticia yelled at her. The witch growled in anger and started murmuring attack spells. Sinamaan lang siya ng tingin ni Snow at nagbalik sa konsentrasyon.

"Here goes nothing."

At saktong pagbulusok pababa ng isang lumilipad na halimaw, naitali ni Snow ang tela sa bibig nito. Natangay ang dalaga nang umangat sa ere ang pterodactyl-monster. Isang malakas na sigaw ang kumawala sa bibig nito pero hindi na 'yon ininda pa ni Snow. She stared at the ground below her feet, ilang daang talampakan rin ang taas niya sa kanila.

"Thanks for the lift, monster!" Ngumiti siya at mabilis na binitiwan ang hawak sa tela.

The wind swept her hair, and Snow White had a sick feeling while falling to the ground. Habang bumubulusok siya pababa, isang malakas na pagpito ang ginawa ni Snow gamit ang kanyang mga daliri.

"WOOF! WOOF!"

Napangiti siya nang sakto namang sinalo siya ni Cerberus. She scratched the part behind one of its large ears. "Good boy." At dinala siya nito sa kanyang destinasyon nang hindi inaabala ng iba pang mga halimaw. Ibinaba siya ng higanteng aso sa tapat ni Pride na nakangisi sa kanyang direksyon.

"You're a crazy mortal doing a stunt like that."

Wala pa ring emosyon sa likod ng mga mata nito. Napalunok si Snow. Why does her fucking heart ached for him?

"Pride, itigil mo na ang kalokohang 'to! Can't you see? Ikaw mismo ang sumisira sa mansyong pinaka-iingatan mo! Y-You're going to kill them!" Hindi na napigilan pa ni Snow ang pagbuhos ng kanyang mga emosyon. Alam niyang kayang-kaya ni Pride na patayin ang kanyang mga kapatid. Sloth was right. There's no use in fighting this sin.. He's invincible. Maybe she'll even die by his hands too.

Nang walang sinagot ang lalaking kaharap niya ngayon, inis na sumigaw si Snow. "Damn it! Ano ba?! Pride, alam kong hindi mo r-----!"

"Tanga ka kung inaakala mong masosolusyunan ng pag-uusap ang gulong 'to."

Her eyes widened at what he said. Mabilis pa sa alas-kwatrong inatake siya ni Pride. Napasigaw na lang sa sakit si Snow nang daplisan siya ng patalim na hawak nito. The blade cut her left cheek, blood oozing out of the wound. Shit! Ano nang gagawin niya ngayon?!

"P-Pride! Snap out of it!"

Pero mukhang kahit anong mga salita ang sabihin niya sa kasalanang ito, wala pa rin itong epekto sa kanya. Mabilis na umatras si Snow nang muli siyang sinubukang saktan ni Pride, the blade only a few inches from her face. Kung hindi niya mapipigilan ang binatang ito, malamang nga ay katapusan na nila. Unti-unti, nawawalan na ng pag-asa si Snow White. How could she save him? "Pride, please! N-Nagmamakaawa ako.. Tama na."

Noon lang niya napansin ang ilang sugat at pasa sa mga braso ni Pride. She froze on the spot, remembering that he was as powerless as his brothers now. Malamang ay hindi na gumagana ang kanilang healing abilities o kung tumatalab man ito, sadyang mabagal na at hindi na nakakayang paghilumin ang mga malalim nilang mga sugat. 'Paano na lang kaya sila?' Nag-aalala niyang binalingan ang gulong nasa kanilang likuran. Kinabahan si Snow nang hindi na niya mahagilap ang ibang mga kasalanan.

Habang tumatagal, hindi niya maiwasang matakot para sa kanila.

"You're as vulnerable as your brothers now, Pride.. Pero alam kong nasa katinuan ka pa rin. Alam kong hindi mo rin sila gustong masaktan."

Matapang niyang sinalubong ang malamig na tingin ng prinsipe ng pagiging mapagmataas. Her heart only ached for him more when he showed no emotion. Nawala na nga nang tuluyan ang kasalanang minahal niya. Nang akala niyang hindi na ito magsasalita, nagulat na lang si Snow nang mahina itong tumugon.

"I'm only doing them a favor. Wala na rin naman kaming rason para mabuhay pa..."

"A-Anong ibig mong sabihin?"

Pride's eyes darted off to somewhere across the battlefield. "Ilang siglo na kaming namamalagi sa mundo. Alam mo ba ang pakiramdam 'non? Paulit-ulit lang ang ginagawa namin, araw-araw, sa loob ng ilang daang taon. Sa paglipas ng panahon, nilalamon lang kami ng mga kasalanan namin...at hindi 'yon masaya."

Naalala ni Snow ang mga sandaling nakakasama niya ang bawat isang kasalanan. Si Sloth ay tuluyan nang nalulunod sa kanyang silid na puno ng mga anino at kalungkutan, heartbroken by Monique's death; kung minsan ay naroon ito sa kanyang Observatory tuwing hindi siya makatulog dala ng konsensiya. Si Lust ay ilang ulit nang sinubukang  magpakamatay sa Suicide Beach, only to be rejected by the waves. Si Gluttony ay nakakahanap lang ng kapayapaan sa kanyang Dessert Room, kung saan niya natatakasan ang malupit na reyalidad. Wrath has his Torture Room, where he can dwell on his own murderous thoughts. Si Greed ay mayroong Treasure Island, at ayon kay Envy, doon nagtutungo ang kakambal sa tuwing gusto nitong mapag-isa. Envy, on the other hand, revealed that he already had several coffins ready for them; inihahanda na ang posibilidad na mamatay silang magkakapatid. At si Pride.. Pride had nothing but his small and empty room. His favorite room, that reflected his heart.

Empty.

Naroon na ang ebidensiya. Lahat sila ay napapagod nang mabuhay nang walang-hanggan. Pare-parehong pagod at malungkot. Iyan ang Seven Deadly Sins. It's quite ironic, how these brothers can be so different and yet so similar at the same time. Being lonely is their common demoninator, kahit pa pilit nila itong itinatago.

Napabuntong-hininga si Snow at napayuko. Hindi na nga siguro siya magtataka kung gusto na nga nilang mamatay o maglaho man lang sa mundong ito. Living a hell of a life for centuries isn't healthy, even for a demon. Pero iisa lang ang pinanghahawakan ni Snow White.

"Hindi sa'yo nakasalalay ang desisyon nila, Pride. Kung anumang lason ang nasa katawan mo ngayon, alam kong naaapektuhan lang nito ang panghusga mo. You value your brothers too much to make such a reckless choice for them.. The real Pride, my Pride, wouldn't do that."

Humakbang papalapit si Snow sa kasalanan.

"Sinabi mo noon sa'kin, lahat tayo may pagpipilian, 'di ba? Pinigilan mo akong gawin ang isang maling desisyon noong gabing 'yon.. Now, it's my turn to stop you from going down the path I almost took, from making a mistake I almost did."

Hindi kamatayan ang sagot sa mga suliranin. Snow White had already proven that. Hindi gumalaw sa kanyang kinatatayuan si Pride, ni hindi humakbang papalayo. Nang akmang aabutin na sana ni Snow ang kamay ng binata, napatigil na lang siya nang marinig ang isang pamilyar na boses.

"It's a pleasure to see you again, Little Snow."

Nanigas sa kanyang kinatatayuan ang dalaga. She spun around, just in time to see Mr. Jeremy Hans Boswell smirking down at her.

---

Too often we don't realize
What we have until its gone
Too often we wait too late to say
"I'm sorry, I was wrong."
Sometimes it seems we hurt the ones
We hold dearest in our hearts
And we allow stupid things
To tear our lives apart.

---"The Little Things In Life",
Jolene Daniels


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top