SEDECIM

Maririnig sa bawat sulok ng mansyon ang alunig ng musikang nagmumula sa kung saan. Suddenly, the dark corridors intensified with every note as Snow White walked out into the halls. Symphony No. 5, isa sa pinakasikat na likha ni Ludwig van Beethoven. 'Si Sloth iyon.. Malamang nasa Music Chamber na naman,' hinuha ni Snow bago namataan ang dulo ng buntot ng ahas ni Cerberus. Kumaliwa ang dambuhalang aso sa isang corridor.

"CERBERUS, GET BACK HERE, YOU BLOODY MUTT!"

Inis na sinubukan ni Snow habulin ang aso. She cursed under her breath when she almost tripped. Napasimangot siya sa hawak na metal pole na nahagilap niya sa Leisure Room. She saw this on their limbo rack and swiftly used it as her support. "Damn it! Imposible na talaga ang mga nangyayari ngayon!" At sa kasamaang palad pa, nawala niya yung librong pinahiram ni Pride! How on earth could she take care of this hellhound without it?!

Minsan naiisip ni Snow na nawawala na sa lohika ang buhay niya magmula nang tumapak siya sa mansyong ito. Masyadong maraming tanong at isa na rin ay ang: "Paano naman nakapasok ang aso na 'yon sa Leisure Room kung ni hindi nga siya kasya sa pinto?" Masyadong kumplikado. Masyadong palaisipan.

But that's the least of her worries now. Sa ngayon, kailangan niyang mabawi ang prosthetics niya!

'But how am I going to do that?' Napalinga-linga si Snow sa paligid hanggang sa mapadako sa Leisure Room ng kambal ang kanyang mga mata. Sa isang sulok ay may nakatabing scooter na halatang napaglipasan na ng panahon. It looked unused, malamang hindi na ito nagagamit ng kambal kaya tinambak na lang nila ito kasama ang mga lumang boxing gloves, baseball bats at skating shoes.

A scooter?

Snow White smiled..

Sa kabilang dako naman ng mansyon, lumabas si Gluttony mula sa Dessert Room niya. He had a smile and some ketchup on his face. Mayroon pa siyang hawak na buto ng hamon na kinain niya. "Ah! Buti na lang naisipan kong mag-camping dito kagabi... I wonder what's for breakfast?" Napatingin siya sa kanyang tiyan nang kumalam na naman ito. The food-lover started walking to the direction of the dining hall when something caught his eye. Nagpakurap-kurap si Gluttony, hindi makapaniwala sa nakikita, 'Nasobrahan na naman ba ako sa pudding, o talagang naka-scooter si Snow at papunta sa direksyon ko?'

Pero hindi eh. Talagang masasagasaan na siya ng dalaga habang matulin nitong pinapaandar ang itim na scooter!

Nanlaki ang mga mata ng binata.

"H-Hey! Pumpkin cake, anong ginagawa m-----?!"

Humarurot ang scooter sa kanya kaya't mabilis na tumabi si Gluttony. Pero bago pa man niya matapos ang sasabihin, naglaho bigla ang hawak niyang malaking buto ng hamon! From the other side of the hall, Snow White's voice echoed, "Pahiram muna! Bye!"

Napamaang na lang si Gluttony habang pinagmamasdang maglaho sa pasilyo ang dalaga. 'What in the name of chocolate syrup was that?'

*

Everything was a blur to her, at hindi na niya alintana ang pasikot-sikot na daan. The scooter roared past the portrait framed halls at nang mamataan ni Snow si Cerberus sa tapat ng pintuan ng Maze of Mirrors, agad niya itong sinigawan, "IBALIK MO ANG PROSTHETIC KO!" Ngunit tila ba walang narinig ang aso at agad na kumanan patungo sa private study ni Pride. Inis na binilisan ni Snow ang pagpapatakbo, "CERBERUS, IHAHAGIS TALAGA KITA SA LABAS NG BINTANA!"

"Woof! Woof!"

Bahagyang lumingon ang isa sa mga ulo ni Cerberus. The head snarled at her. Masama ang tingin sa kanya nito. 'Mukhang ginalit ko ang pinaka-kaugali ni Wrath sa kanila!' Napahigpit ang hawak niya sa handlebar ng scooter. Umalulong ang higanteng ulo at napamura na lang si Snow nang maglabas ito ng apoy mula sa kanyang bibig. Red flames curled into a fire ball..at papunta ito sa direksyon niya!

'May mas sasaya pa ba sa buhay ko?! Shit!'

Yumuko si Snow, bahagyang naiwasan ang bolang apoy bago pa man nito malapnos ang ulo niya. Instead, the fire ball burnt the crimson red carpet. Nag-iwan ito ng nakasusulasok na amoy at usok na alam niyang hindi magugustuhan ni Pride kapag nalaman niya ito. Ayaw na niyang isipin ang magiging reaksyon ng dakilang control-freak ng mansyon sa sandaling makita niya ang pinsala sa pinaka-iingatan niyang carpet. 'Baka pare-parehas niya kaming ihagis palabas planeta!' Naaaliw na isip ni Snow.

"WOOF!"

Huminga nang malalim ang dalaga, adrenalin coursing through her veins as she sped near Pride's private study. Nang akala niya ay maaabutan na niya ang aso, napamulagat siya nang bumukas ang pinto ng silid ni Pride. The mahogany door creaked open in a slow and nerve-wrecking way, like when a monster is going to jump out at you in horror movies. Napalunok si Snow sa naiisip ngunit agad ring nabawi ang kanyang atensyon nang ilaglag ni Cerberus ang kanyang binti sa sahig at nginatngat ito. Para bang sadyang nang-aasar. "Damn it!" Sa galit ni Snow ay huminto ito at kinuha niya ang hawak na buto ng hamon (courtesy of Gluttony) pagkatapos ay malakas itong ibinato sa direksyon ni Cerberus.

"DIE, YOU FUCKING PUPPY!"

Mabilis na dumaan sa ere ang malaking buto ng hamon, para bang isang javelin na walang tulis. It accelerated through the air between Cerberus and Snow, an impact that would surely damage someone.

Ngunit nang dumaan ito sa tapat ng pintuan ng private study, sakto namang lumabas ang bulto ng isang lalaking nakasalamin.

"What is all the noise a-----?!"

WHAM!

Head shot.

Napamura nang sunod-sunod si Snow nang kay Pride tumama ang buto ng hamon. Tumaksik pa ang salamin ng binata at natumba ito sa sahig dahil sa lakas ng impact. "Oh, bloody hell.." Mukhang nabukulan pa yata ang pinakamamahal na prinsipe. Mabuti na lang at sandali itong nawalan nang malay. 'Once he wakes up, he'll surely kill me!' Tumalim ang tingin niya kay Cerberus nang umalulong ito mula sa kabilang bahagi ng pasilyo bago mabilis na tumakbo paalis.

Mamaya na lang niya poproblemahin ang galit ni Pride, ang mahalaga ay mabawi na muna niya ang prosthetic leg niya!

Snow White chased the giant hound all around the mansion. Napadpad sila hanggang sa second floor, bago muling tumalon pababa ng first floor si Cerberus, tila ba may hinahanap. "Tsk! Baka hinahanap ang amo niya.. I'll murder Wrath for this! Siguradong siya ang may pakana ng paghihirap ko.." Maliksing kinontrol ni Snow ang scooter at idinaan ito sa railings ng grand staircase. The tires of the scooter scratched the wooden railings as she slid down rapidly. 

'Siguradong papatayin na ako ni Pride dahil dito!'

Sakto namang dumaan si Sloth sa hagdan, paakyat na sana ito nang makita si Snow na dumadausdos pababa ng railings. Napanganga ang binata sa ginagawa ng kanilang alipin, para bang walang maisip na sasabihin. Ipinagsawalang-bahala na lang ni Snow ang reaksyon nito. She's hellbent on capturing that dog!

"CERBERUS!"

The black dog vanished through a corridor at mabilis naman itong sinundan ni Snow, kasabay ng muling pag-ilag niya sa isang fire ball.

'He won't be getting away this time!' With the scooter, Snow White made a sharp turn. Ngunit, sa hindi inaasahang mga pangyayari, may biglang humapit sa kanyang baywang na naging dahilan ng pagkawala ng kanyang balanse. Biglang tumama ang scooter sa isang estatwa na naging sanhi ng pagkawasak nito. Namayani sa madilim na pasilyo ang pagkasira ng scooter at ng estatwang nabasag sa maliliit na piraso. It was a statue of Dionysius, and his stone head rolled next to Snow White's feet. Pero hindi iyon ang nakapukaw ng kanyang atensyon, kung hindi ang lalaking nakangisi ngayon sa kanya. In an instant, Snow's body hit the wall and his breath mingled with hers. Isang mapaglarong kinang sa kanyang mga mata.

"Not so fast, beautiful.. Or else, you might get hurt."

Dahil sa kawalan ng suporta sa pagtayo, hindi magawang kumawala ni Snow sa kapit sa kanya ng binata. Sinamaan niya ito ng tingin.

"Ano na naman ba ang trip mo, Lust?"

He chuckled at her feisty attitude at mas inilapit ang bibig sa kanyang tainga, "Can't I ask you to accompany me, my lady? You see, I'm feeling a bit lonely.." Puno ng pang-aakit ang kanyang boses at napasinghap si Snow nang himasin ni Lust ang kanyang mga braso. Nagsitayuan ang mga balahibo niya sa katawan. 'For pete's sake! Masyadong mapanganib ang lalaking ito!' Sinubukan niyang itulak papalayo si Lust pero hindi niya ito magawa.

Sumimangot na lang siya rito.

"Really? Kanina kasi noong dumaan ako sa kwarto mo, parang hindi ka naman 'lonely' base sa mga tunog na narinig ko.."

Lumawak ang ngiti ni Lust. "What are you talking about? Wala naman akong ginagawang mali! A sexy little witch bitch approached me last night! Naging gentleman lang ako at pinagbigyan siya! Wala akong ginawang masama...nag-jack-en-poy lang kami."

Umirap si Snow. "Hindi ako nainform na kailangan pala ng sound effects kapag maglalaro ng jack-en-poy. Bitiwan mo na ako at may kailangan pa akong habuling aso."

Tumawang muli si Lust, para bang nawiwili sa reaksyon ni Snow. "Aww.. Babe, don't be jealous! You have two options here: makikipag-date ka sa'kin nang kusa o makikipag-date ka sa'kin nang kinakaladkad kita habang nakakadena. Mamili ka."

'What the hell?!' Hindi na talaga makapaniwala si Snow sa lalaking ito!

"Lust! Get off me! I need to get my effin' prosthetics back!"

"As you wish."

Nang bitiwan siya ni Lust, agad na sumandal sa pader si Snow para hindi bumagsak. Hindi pa rin nawawala ang pagkawili sa ekspresyon ni Lust habang nakapamulsa ito sa harapan niya. His eyes met hers, and in that moment, she noticed the wicked glint in them. Parang may ginawa na naman itong kalokohan.

"So, you dare resist the Prince of Desire and Temptation? Sige, bahala ka." At bigla itong pumito na wari bang may tinatawag. Noong una ay naguluhan lang si Snow sa ginawa ni Lust, pero nang mapansin niyang yumayanig ang lupang tinatapakan nila, agad siyang napalingon sa kabilang dulo ng madilim na daan. Cerberus emerged from the darkness, at maamo itong lumapit kay Lust dala ang prosthetic leg niya. Cerberus dropped her leg, full of saliva, and Lust wiped it clean using a handerchief he fetched from his pocket.

"Woof! Woof!"

"Good boy, Cerby."

Nakanganga na lang si Snow habang pinapanood ang tagpong ito. "I-Ikaw ang nag-utos kay Cerberus na kunin ang binti ko?!" Mas malala pa pala siya kaysa kay Wrath! Pagak na natawa si Lust ay hinimas ang prosthetic leg ni Snow sa harapan niya. He hugged the leg like a teddy bear and grinned playfully. "It was a fun experience, wasn't it, baby?"

"YOU LITTLE BASTARD! I'M GOING TO FUCKING KILL YOU FOR THIS, LUST!"

"I love you too, babe. Now, can we have our date?"

Pakiramdam ni Snow umuusok na ang mga tainga niya sa galit. Tiningnan niya ang prosthetic leg niya sa kamay ni Lust at napabuntong-hininga. Mukhang wala na nga siyang magagawa!

"Fine."

Ngumisi si Lust sa tugon niya at pinitik ang kanyang mga daliri. Kasabay nito ay ang pagbabago ng kanilang paligid, at alam na ni Snow na nai-teleport na siya nito sa ibang lugar. Mukhang ang lahat ng magkakapatid ay may kapangyarihang mawala at lumitaw na lang kahit anong oras nila gustuhin. Napaupo si Snow sa sahig dahil sa kawalan ng makakapitan. Mahina siyang napamura at lalo lang siyang kinabahan nang makita ang pamilyar na paligid. Her eyes grew wide in horror as she stared at Lust.

"B-Bakit tayo nasa Pleasure Room?!"

Lust waved a hand dismissively at lumuhod sa harapan niya. Maingat niyang iniangat ang palda ni Snow at ikinabit ang prosthetic leg nito. His eyes were serious as he stared at her leg, tila ba malalim ang iniisip. Naiilang si Snow sa kanya. She wasn't used to letting other people see what she lacked. Her abnormality. Wala siyang binti at kailanman ay wala nang nakaalam sa bagay na iyon kung hindi ang mga magulang niya at si Mr. Boswell. Now, the seven brothers know that she's a handicap, at para bang mas "exposed" na ang kanyang pagkatao sa kanila.

It's like having a secret. Sa tuwing madaragdagan ang mga taong nakakaalam ng sikreto mo, mas namumulat ka sa kaaalamang desperado ka sa pag-unawa nila. Whenever you expose your deepest fears and vulnerability to others, you feel even more worthless than before.

At sa huli, mag-aalala ka kung may tao nga bang makakatanggap sa'yo bilang ikaw.

Ito mismo ang nararamdaman ngayon ni Snow.

"Porke't ba ako ang representasyon ng pagnanasa, puro kamanyakan at kalibugan na ang alam ko? That's quite judgemental of you, my little lamb. But I guess, being judgemental is the common denominator of everyone."

Natapos nang ikabit ni Lust ang kanyang binti. Nagulat na lang siya nang yumuko ito at halikan ang kanyang tuhod, kung saan nakadugtong ang kanyang artipisyal na parte. Lust planted a soft kiss on her knee that made her shiver. Tinulungan siya nitong tumayo at may tinurong espasyo sa sahig.

"Least do my filthy brothers know, the Pleasure Room isn't my favorite place."

Hindi mapigilan ni Snow na pagtaasan ng kilay ang binata. "That's surprising," puno ng sarkasmo niyang kumento. Napasimangot naman si Lust at iginaya siya papunta sa kung saan. "I expect you'd say that. Mahirap nga naman kasing paniwalaan. Tara, dadalhin kita roon."

"Saan?"

"Sa sarili kong bersyon ng langit."

Nanindig ang balahibo ni Snow sa sinabi niya. 'Is he crazy?!' Hindi niya lubos maisip kung ano ang "langit" para sa isang kagaya ni Lust! Instantly, erotic images flashed inside her mind at agad siyang napailing. Naramdaman niya ang pag-init ng kanyang mukha dahil sa hiya. 'Stop being judgemental, Snow!' Saway niya sa sarili. Lust smiled at her flushed face. Bago pa man siya makapagtanong, agad na bumukas ang isang sikretong lagusan sa sahig ng Pleasure Room. It was a circular staircase that descended deep into nothingness. Sa dilim ng ilalim, hindi na makita ni Snow ang dulo ng hagdan.

Wala na siyang nagawa nang hawakan ni Lust ang kanyang kamay at hatakin siya papunta rito.

Lumalamig ang paligid sa bawat hakbang nila pababa. Nawala na ang kakaunting liwanag na nagmumula sa Pleasure Room at tuluyan na silang binati ng walang hanggang kadiliman. "Lust, saan tayo pupunta?" Pinilit ni Snow na pakalmahin ang kanyang sarili. Dapat na siyang masanay sa madidilim na lugar lalo pa't mananatili na siya nang habambuhay sa mansyong ito.

"Shh.. Wag kang maingay. Baka marinig ka nila."

Napalunok sa takot ang dalaga. Pilit niyang iwinaksi sa isipan ang sinabi ni Lust. Hindi niya pinansin ang pakiramdam na para bang may iba silang kasama sa lugar na ito. Para bang may mga matang nakatitig sa kanya at kung makikinig siyang maigi, mapapansin niyang may humihinga malapit sa leeg niya. She forced back her fear and tightened her hold on Lust's hand.

At sa isang kisapmata, nagbago ang lahat.

Naglaho na ang kadiliman at napalitan ito ng ibang tanawin. Snow White felt the fine black sand beneath her feet, and the smell of saltwater reached her nostrils. Naririnig na rin niya ang paghampas ng mga alon sa dalampasigan. Ang nakakamangha rito, ay ang pagkinang ng maliliit na liwanag sa tubig. It was as if Christmas lights were in the water, blinking endlessly with different hues of blue. Napatingin siya sa kalangitan at napansin ang pagiging pula nito.

Parang isang canvas na binuhusan ng dugo.

"Lovely, isn't it?"

Naupo si Lust sa buhanginan. Humahalik sa kanyang mga paa ang tubig dagat. Maingat na tumabi sa kanya si Snow, and she studied his face. Nakatanaw si Lust sa malayo, may malungkot na ngiti sa kanyang mga labi. This is the first time she had seen him like this. Nasanay na nga siguro siya na puro pang-aasar at pang-aakit ang ipinapakita sa kanya ng prinsipe.

But here.. Lust is a different person.

"Nasaan tayo?"

Pinasadahan ni Lust ng kamay ang pinong buhangin na para bang itim abo sa ilalim nila. "This place has no name.. But I'd like to call it 'Suicide Beach'."

Suicide beach?

"May nagpakamatay na ba dito?"

Natawa si Lust, "Siguro. Minsan kapag mag-isa ako dito, naririnig ko ang sigaw at paghihinagpis ng mga taong nagpakamatay sa mundo ninyo.. I hear echoes of their despair and sometimes the sky turns a shade redder whenever they commit suicide. Para bang napupunta rito sa dalampasigang ito ang lahat ng kanilang negatibong enerhiya."

"And still, this is your favorite place?"

"Yes."

'Nawawala na rin yata sa katinuan ang isang ito.'

Pinagmasdan ni Snow ang pagkutitap ng mga maliliit na liwanag sa tubig. Naaalala niya rito ang mga alitaptap sa Library of Souls. Hindi kaya dito napupunta ang kaluluwa ng mga nagpapakamatay?

Para bang nabasa ni Lust ang iniisip niya.

"Hindi. I've already verified that. Naka-record sa amin ang mga taong nagpapakamatay at ang mga kaluluwa nila ay naise-segregate namin agad. My theory is, these little lights are the fragments of all their sadness. The fragments of who they were."

The fragments of who they were. Tumango si Snow sa narinig. Mahirap maunawaan ang lugar na ito, pero wala naman talagang madaling unawain sa mundo ng mga tao. Huminga nang malalim si Snow at para bang sa mga sandaling ito, nakaramdam siya ng kapayapaan. Mayamaya pa, umalingawngaw ang tinig ni Lust..

"Do you ever feel like you're being raped between your sanity and insanity?"

Napatitig sa kanya si Snow at sandaling nag-isip. "All the time. This place makes me feel insane. Minsan hindi ko na nauunawaan ang lahat, minsan nakakalimutan ko nang nawawala sa logic ang mansyong ito," tumingin sa kulay pulang kalangitan si Snow. Suddenly, she felt so small compared to everything. Isang tipid na ngiti sa kanyang mga labi, "pero aaminin kong sa nakakabaliw na lugar na ito...nahahanap ko ang katinuan ko."

Lust smiled at her. "You belong in the mansion..with us."

"I belong with demons?"

"No. You belong with creatures who don't give a shit if you don't have a leg. Ang pagkakamali minsan ng tao, pinipilit niyong mapabilang sa normal na lipunan kahit pa alam niyo naman sa sarili niyong hindi kayo tanggap doon. Can't you see that being abnormal is an awesome thing?"

Napapailing na lang si Snow, "Kasi abnormal ka rin?"

Lust laughed, "Abnormally handsome, yes."

Wala na talagang masabi si Snow sa isang ito. Tumahimik na lang siya at pinagmasdan ang mahinang paghampas ng alon sa kanyang mga paa. Tinitigan niya ang prosthetic leg niya. Ayaw man niyang aminin sa sarili, pero mukhang tama nga si Lust. Sometimes not "fitting in", is not a bad thing. Siguro nga. Sino bang makapagsasabi?

"Sa lugar na ito, pwedeng mamatay ang parehong mortal at imortal. Alam mo bang may sabi-sabi na mas mabilis kang mawawalan ng hininga kapag sinubukan mong magpakalunod sa dagat na ito? You see, Suicide Beach has a famous reputation in the Underworld."

"Talaga? Totoo ba?"

Nagkibit ng balikat si Lust at pumulot ng maliit na bato. He threw the pebble at the water, "I don't think so. I've tried drowning myself a hundred times.. But it seems that even the water doesn't want me." Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Lust habang tinititigan niyang lumubog ang batong inihagis niya sa tubig.

Nilamon agad ito ng dagat.

Huminga nang malalim si Snow at hinilig ang ulo sa balikat ni Lust. 'Maybe I shouldn't have judged him so easily..' Isip-isip niya at hinayaan na lamang mamayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

*
Samantala, nang magkaroon ng malay si Pride, galit niyang sinuot ang salamin at hinanap ang may sala. He angrily scanned his surroundings and that's when he saw the ham bone lying on the floor. Pinulot niya ito.

Buto ng hamon?

'Mukhang kilala ko na kung sino!'

Napasimangot si Pride at sa isang iglap, lumitaw siya sa dining hall kung saan tahimik na kumakain sa mesa si Gluttony. Gluttony's eyes darted at him, nagsalita ito habang ngumunguya ng French bread, "Hey, Pride! What brings you he---ARAY! ARAY! HOY, ANO BANG KASALANAN KO SA----ARAAAAY!"

Paulit-ulit na binatukan ni Pride ang kapatid gamit ang buto ng hamon, "AT MAY GANA KA PANG BATIIN AKO?! YOU LITTLE PRICK! COME BACK HERE!"

Tangay ang plato ng pasta, tinakbuhan ni Gluttony si Pride. Multi-tasking ito sa pagkain at sa pagtakas sa galit na kapatid na plano na naman siyang batukan sa ulo. Galit na hinabol ni Pride ang kapatid, hindi namamalayang umiikot lang sila sa mesa.

Nang dumating sa dining hall sina Sloth, Wrath, Envy at Greed, napataas ang kanilang mga kilay sa sitwasyon.

"BUMALIK KA DITO NANG MAPUGUTAN NA KITA NG ULO, GLUTTONY!"

"WALA AKONG KASALANAN SA'YO! AT BUSY PA AKONG KUMAKAIN DITO! HAHAHAHA!"

Envy turned to Greed, "Tara, makihabol na rin tayo?" Pilyong tumango ang kakambal at nakisali na rin sa gulo. Wrath glared at his childish brothers and asked Sloth, "Ano? Makikisali ka rin ba sa kanila?"

Kalmadong umiling si Sloth at humikab, "Nah. Babalik na lang ako sa kwarto ko. I need more bonding time with my bed."

---

You can hate your demons
with all that you are.
You can yell and scream,
curse them with all your heart.

But at the end of the day,
they're the only ones that can see your scars.
When you remove the mask that hides your face,
they're the only ones that really know who you are.

(Anonymous)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top