QUINQUAGINTA TRES

"PRIDE, WHAT THE HECK IS WRONG WITH YOU?!"

Napahakbang papalayo si Lust nang ngumiti sa kanya ang nakatatandang kasalanan. Kung normal lang sana ang sirkumstansya nila ngayon, baka inasar pa niya ang kapatid. Sadly, this wasn't a genuine smile or anything like that---it's a creepy one. 'Sabagay, lagi namang creepy ang control-freak na 'to!' Sigaw ng kanyang utak kahit pa alam niyang iba ang nangyayari. Tila ba hindi na niya mahanap sa halimaw na 'to ang kanilang kapatid. Pride stared at them from across the private study, his eyes sharp and lifeless.

Mahinang napamura si Lust nang ibinato sa kanila ang isang bookshelf. The wooden bookshelf smashed into the opposite wall, kasabay ng pagkawasak nito ay ang paglipad ng ilang mga aklat at dokumento. Sa gilid ng kanyang mga mata, nakita ni Lust ang pagkagulat ng kambal. Greed frowned and turned to Envy, "Naniniwala na akong hindi si Pride ang isang 'to. To think that he would've murdered us if we lay a finger on his books!"

"Told you so!"

Nang umatake muli ang kanilang panganay, mabilis na ipinitik ni Envy ang kanyang daliri na naging sanhi upang kumawala ang ilang nag-aapoy na kadena mula sa sahig ng mansyon. The blazing chains curled unto Pride's form and wrapped painfully around his body. Kumawala ang isang nakagigimbal na sigaw sa kanyang bibig.

Ngumisi si Lust. "Good job, Envy! Now, we just have to talk to him at magiging maayos na ang---!"

Nang lalapitan na sana nila si Pride, Lust was taken aback when he broke out of the chains!

'What the fuck?!'

Nanlaki ang mga mata ni Lust nang sinakal ni Pride ang kambal. He was too damn fast! Both of his hands started crushing their necks. Mabilis na umaksyon ang prinsipe ng temptasyon at inatake ang kapatid mula sa likuran. He throw several knives at his direction. "SNAP OUT OF IT, PRIDE!" He yelled as the blades soared through the air, about to pierce this demon's skin. Pero imbes na bumaon sa kanyang likod, mabilis na ibinalibag ni Pride ang kambal at sinalo ang mga kutsilyo. His lips twisted into a smirk as he effortlessly held the knives between his fingers. Inayos nito ang kanyang salamin at nagsalita, "Iyan lang ba ang kaya niyo? Tsk. Such disappointments."

"Shit!"

Ibinato nitong muli kay Lust ang mga patalim. Nang akala niyang tatama na ang mga ito sa kanya, Gluttony jumped in front of Lust and blocked the blades with a food tray. Napanganga na lang si Lust nang bahagya pang tumagos sa tray ang mga kutsilyo. Napasimangot si Gluttony at bumaling sa kapatid, "Fighting Boswell and his clockwork monsters is tasteless enough.. But how in the name of peanuts can we fight our own brother?"

Naikuyom ni Lust ang kanyang mga kamao. 'Good fucking question!' Sana lang ay alam niya ang sagot doon dahil wala rin siyang ideya. Hindi niya rin alam kung anong nangyayari sa panganay nila. Bigla na lang itong nagwala kanina. Heck, Pride even blew up the whole living room! Mabuti na lang at hindi pa (masyadong) nawawasak ang private study. Ang pinakamamahal nitong private study.

Napapailing na lang si Lust. "He's freaking possessed! Magtawag na lang kaya tayo ng albularyo?!" Sinilip nilang mula si Pride na kasalukuyang abala sa pagsira ng ilang mamahaling paintings. He burned each of them leisurely!

Nang akmang kakausapin ulit nila ang nakatatandang kasalanan, wisps of smoke filled the room. Napaubo silang apat nang pinuno nito ang apat na sulok. It smelled like rotten apples and frog legs! Nang dumako muli ang kanilang mga mata kay Pride, napansin nilang hindi na ito nag-iisa.

"I'm glad you took good care of my boy for me, sins! Nakakatuwa naman. Imbitado kayo sa kasal namin... that is, if you're still alive by then."

Nanlisik ang mata ng apat na kasalanan nang makita nila si Morticia, holding Pride's hand. Ang kanilang kapatid naman ay walang imik at wala pa ring emosyon. The witch's sarcastic smile made Lust want to kill her. Wala na siyang pakialam kung babae ang bruhang ito! Akmang susugurin na sana siya ng kambal nang humalakhak ito. "Not too fast, twins." At sa isang kisapmata, sinalag ni Pride ang mga atake nina Greed at Envy.

The twins were taken aback. Sunud-sunod silang pinaulanan ng atake ng kanilang panganay, like a killer on strike. Nang magsawa na ito, may ibinulong na enchantments si Pride. Tuluyan nang napaatras sina Greed at Envy nang binalot ng kadiliman ang buong silid. Napapitlag sila nang marinig ang pagbagsak ng malaking chandelier sa kanilang harapan. Shards of crystals showered them, tumama ang ilang bubog sa kanilang mga braso.

Umalingawngaw ang pagtawa ni Morticia.

"Pride, don't you dare fucking go with that witch!" Sigaw ni Envy at pilit pinakiramdaman ang presensiya ng kanilang kapatid. The atmosphere felt heavier than before. Masama ang kutob niya sa maaaring mangyari.

"Brother----!"

Pinigilan siya ni Greed, "Envy.. wala na sila."

Kasabay ng mga salitang ito, bumalik sa normal ang private study. Naglaho na sina Pride at Morticia. Nagkatinginan ang magkakapatid. Pare-pareho ang ekspresyon nila. Maging si Gluttony ay nawalan na ng ganang kumain matapos ang kaganapang 'yon. "Ano nang gagawin natin ngayon?"

Napasalampak na lang sa isang sopa si Lust at hinimas ang kanyang sentido. "I should've known it was all just a damn illusion! Possessed or not, pakitang-gilas pa rin ang gagong 'yon!"

Napabuntong-hininga na lang ang kambal. Binasag ni Greed ang katahimikan, "Mukhang wala na ang pundasyon natin."

*
Akala ni Snow ay magiging mas maayos ang pakiramdam niya sa ikalawang beses ng pagbiyahe nila papuntang Tartarus. Pero nang bumulusok na naman pababa ng bangin kanina ang kanilang karwahe, halos isuka na naman niya ang kanyang mga bituka. "AAAAAAAAHHHHH!" She can clearly remember the feeling of being jerked in the air again, baka nga naalog na ang kanyang utak! Sa kabila nito, habang nakikipagsagupaan pa rin si Snow sa malupit na pwersang tinatawag nilang "gravity", Sloth and Chandresh remained calm and composed! Mukhang siya lang talaga ang naaapektuhan sa biyahe!

When they reached Tartarus (at nang matapos na niyang isuka ang laman ng tiyan niya) isang matalim na tingin ang ipinukol niya kay Chandresh na tawang-tawa sa hitsura ng dalaga.

"This isn't fair! Bakit hindi ka nahihilo?! Dapat nagsusuka ka rin!"

Nagkibit lang ito ng balikat at ngumiti. Snow White felt the urge to roll her eyes. Nahinto lamang ito nang mapansin niyang kausap ni Sloth si Mr. Bones. Their chauffeur nodded and went off. Pinanood pa nila ang papaalis na imahe ng itim na karwahe hanggang sa maglaho na ito sa patay na lupain. At ngayong naiisip ni Snow ang bagay na ito, agad niyang binalingan si Sloth. "Bakit tayo tinutulungan ni Mr. Bones? I thought his loyalty lies with Pride?"

Nagsimula na silang maglakad papunta sa malaking business district nang sumagot si Sloth sa mahinang boses. His eyes scanned the area, alerto at halatang pinapakiramdaman ang paligid. "Sabihin na lang nating personal na nalaman ni Mr. Bones ang pagbabago ng ugali ng amo niya.."

Kung iniisip ng kasalanang ito na sapat na ang sagot niyang 'yon para mapawala ang kuryosidad niya, he's terribly wrong.

"Anong nangyari?"

Sloth sighed, "I'm not suppose to te-----"

"Pride killed Mrs. Bones."

Pagsagot ni Chandresh mula sa kanyang tabi. Nanlaki ang mga mata ni Snow sa narinig na naging dahilan para mapatigil siya sa paglalakad. Baka naman nabingi lang siya? "W-What?" Imposible! Snow felt her hands tremble. Mahirap paniwalaan ang sinabi Chandresh! Pero sa ekspresyon ng prinsipe, mukhang hindi naman ito nagbibiro. Sa kabilang banda naman ay napasapo ng kanyang noo si Sloth at sinubukang ayusin ang impormasyong ibinagsak sa dalaga, "Kahapon lang ay napansin naming aligaga si Mr. Bones and he's only like that when either Pride or his wife was in danger kaya kinuha namin ang mga susi sa drawer ni Pride.. Nang sinilip namin ang  anatomy room kung nasaan ang asawa niya, we were surprised to find Mrs. Bones lifeless."

Parang tuluyan nang nawalan ng hininga si Snow sa napagtanto. "..at si Pride lang ang may access ng kwartong 'yon."

Sloth nodded, halata ang pag-aalinlangan sa isasagot. "Exactly."

Nanlamig ang buong katawan ni Snow sa nalaman. Alam niyang hiwalay lagi ang mag-asawang Bones---Mrs. Bones was assigned to guard Pride's anatomy room habang si Mr. Bones naman ay sumusulpot lang tuwing kailangan ang serbisyo niya. Hahanga na sana si Snow sa tindi ng koneksyon nila sa isa't isa, considering that they can sense that the other's in danger even though they were worlds apart. Pero naglaho rin ang paghangang ito nang malaman ang nangyari kay Mrs. Bones. Napalitan ng lungkot at galit ang kanyang kalooban. "Damn Boswell.." Malamang ang halimaw na 'yon ang may kontrol kay Pride! He's the reason behind all this!

"Your Majesty, you need to control your emotions. Kailangan pa nating wakasan ang sumpa mo. Kung may kinalaman nga ang nga si Christina sa nangyayari sa'yo, you need all the emotional strength to face your own mother in hell."

Hinawakan ni Chandresh ang kamay ni Snow. She stared at him and sighed. Ano pa nga bang magagawa niya? Napaubo naman si Sloth na nakatawag sa kanilang atensyon. "Kapag nawala na ang sumpa mo, mababawasan ang problema naming magkakapatid. We can easily take Boswell down without anyone interferring with our soul collection."

Napayuko si Snow. Bumigat ang pakiramdam niya sa sinabi ni Sloth. In fact, pakiramdam ng dalaga ay kasalanan rin niya ang lahat ng ito. "Hindi ba kayo galit dahil naglihim ako sa inyo? You should all hate me by now, Sloth.. I'm a monster. I'm useless. I should die.."

Totoo ang lahat ng 'yon. Until now, Snow finds it hard to accept it. Ngunit habang pinapakinggan at pinapanood niya ang unti-unting pagguho ng buhay ng iba, hindi niya maiwasang isipin na gumuguho na rin ang katapangan niya. The wall she built around herself is slowly crumbling down, exposing the little girl inside. Paano pa niya makakayanang harapin ang nanay niya nito?

Nabigla na lang si Snow nang mahinang natawa si Sloth. She stared at him like he was a madman. Ano bang nakakatawa sa sinabi niya? Nang magtama ang kanilang mga mata, nakaramdam si Snow ng kapayapaan. He always looked like an angel.

"How could we ever be mad at you, Snow White? Hindi kami nagkakasundo ng mga kapatid ko sa maraming bagay.. But when the crazy thing is, forgiving you is an exception."

"P-Pero----"

"You're not a monster, you're not useless, at hindi naman siguro kita sasamahan sa impyerno kung sa tingin ko'y hindi ka karapat-dapat mabuhay."

Hindi na makapagsalita si Snow. Hindi na niya alam kung ano ang itutugon sa sinabi ni Sloth. Sa kabila ng lahat, napangiti na lang si Snow. Her heart skipped a beat with his words. Siguro ngayon ay kaya na niyang harapin ang kanyang ina.

*
Hindi inaasahan ni Snow na magiging tahimik ang paglalakbay nila patungong kastilyo ni Hades. 'Wala nang aatake sa'min?' Hindi niya maiwasang tanungin sa sarili. Not that she wanted a crowd of monsters attacking them, but this just seems too easy. Napabuntong-hininga ang dalaga. Baka naman masyado lang siyang nag-iisip? O baka naman sadyang nawawalan na siya ng konsentrasyon dahil sa nalalapit nilang pagkikita ng kanyang "pinakamamahal" na ina? That last option was enough to make her want to throw up again.

"We're here." Anunsiyo ni Sloth.

Hades's empire was protected by a giant stone fortress. Sa likod ng pader na ito, halos malula si Snow sa naglalaking tore ng palasyong nakakubli roon. They sky above them reminded her of Suicide Beach at kung pakikinggan mong maigi, maririnig mo ang mga sigawan at paghampas ng latigo sa di-kalayuan. The place smelled like death. Napalunok si Snow at pinilit na palakasin ang kanyang loob. "What if the king of hell doesn't want any visitors? Malay natin kung may visiting hours lang pala ang lugar na 'to.." She tried to humor them.

Ngumisi si Sloth, "Unfortunately, that bastard's not the king of anything. Kung ang pagpasok naman natin sa loob ang inaalala mo, I actually have an exclusive access pass to visit him anytime."

Umirap si Chandresh, "Tsk. Talaga lang ha?"

Hindi na umimik pa si Snow..

Ilang sandali pa, halos mabulabog ang buong Tartarus sa sunud-sunod na pagsabog. Maging ang mga clockwork monsters at mga alipin ni Hades ay nagmamadaling pumunta sa main gates ng kastilyo. The explosions caused chaos. Nakabibingi ang tunog na likha ng mga ito. Dahil sa kaguluhan, naging alerto ang mga gwardiyang nakabantay sa paligid.

"Guard the main gates! May nagtatangkang pumasok!"

"Yes, sir!"

Nang marinig nila ang yabag ng mga paa nila papalayo, agad na pumuslit sa likurang gate sina Snow, Chandresh, at Sloth. Walang kahirap-hirap nilang napasok ang lungga ni Hades. Nang makapagtago sila sa likuran ng ilang estatwa, napangiti si Snow sa kasalanan. "Sinadya mo ba talagang magbaon ng explosive pillows mo?"

Nagkibit ng balikat si Sloth, "Maybe, maybe not."

'Baliw na talaga ang magkakapatid na 'to!'

Nang makita nilang walang nagbabantay sa mga pasilyo, agad nilang tinahak ang daan patungo sa sentro ng palasyo. Habang tumatakbo sila papunta sa kanilang destinasyon, hindi maiwasang isipin ni Snow ang pakakahalintulad ng kastilyong ito sa mansyon ng Seven Deadly Sins. Elegante at napapalamutian ng sari-saring estatwa at mamahaling paintings. Ang ipinagkaiba lang ay mas malaki at moderno ang estilo ng kastilyo ni Hades. Iyon, at ang katotohanang mas mabigat ang aura ng lugar na ito. If Pride's happy place felt empty and lifeless, this castle felt extremely empty, lifeless, and dangerous!

"In there!" Chandresh yelled.

Nang marating nila ang isang malaking silid sa sentro ng kastilyo, napamaang na lang si Snow nang makita ang spiral staircase sa sahig. The stone stairwell led down deeper into the core of this empire. Walang inaksayang oras ang dalawang binata at tumakbo pababa ng misteryosong hagdan. Huminga na lang nang malalim si Snow at sumunod sa kanila. She forced herself to stay calm. Ilang sandali na lang at magkikita na sila ni Christina.

Nasanay na si Snow sa mansyon kung kaya't hindi na bago sa kanya ang bumungad na kadiliman pagkababa nila. Ilang sandali pa ay nagliwanag ang paligid at nagkaroon ng mga sulo sa gilid ng mga pader.

"Err.. So, what are we expecting to find here?" Pagbasag ni Snow sa katahimikan.

"The entrance to hell." Kaswal na sagot ni Sloth na para bang normal nang sabihing hinahanap niyo ang lagusan patungo sa impyerno sa loob ng kastilyong napapaligiran ng mga kaaway. Yup, that's completely normal!

Nang marating nila ang dulo ng hagdan, nakita sa loob ng isang silid ang lagusang sinasabi ni Sloth. Naikuyom ni Snow ang kanyang mga kamao at agad siyang binalot ng takot. The place glowed with the fire burning deep inside a large hole. Pakiramdam niya ay mapapaso siya kung susubukan niyang lumapit. Mas malala pa ang lugar na ito kaysa sa kung saan mang lugar sa loob ng mansyon ng magkakapatid.

Lumapit doon si Chandresh. "This is way too eas---ARAY!" Agad rin itong napatalon paatras nang tumama siya sa isang bagay. Kumunot ang noo ni Snow. Wala naman siyang nakikita! Napabuntong-hininga na lang si Sloth at tiningnang maigi ang kabuuan ng silid. Para bang sinusuri niya ito. Kalaunan, inanunsiyo niya, "Hindi ako maaaring magkamali. May mahikang harang ang lugar na 'to."

Tumalim ang tingin sa kanya ni Chandresh, "Salamat sa babala. Sana naman inagahan mo ang pagsabi!"

Snow ignored them both and walked towards the barrier (well, hindi naman talaga niya ito nakikita). Dinama niya ang harang na nakapalibot sa lagusan. Pulido ang pagkakalikha sa harang na 'to. An invisible shield that keeps them away. Ipupusta ni Snow ang kanyang prosthetic na si Morticia ang may kagagawan nito. "Anong kailangan nating gawin para makapasok?"

Alam ni Snow na iba ang oras nila dito sa Tartarus. Sa totoo lang ay hindi nga niya sigurado kung anong oras na. Mabuti na lang at nahabol nila ang pagkagat ng dilim kanina sa mundo ng mga mortal. Still, she doesn't even know if her curse will happen outside mortal limits. Ayaw nang alamin pa ni Snow ang bagay na 'yon.

"Can't tell. Tingnan ko kung kaya kong pawalain." Nilapitan na rin ni Sloth ang harang at hinawakan ito. Agad siyang napasimangot, "Advanced magic. Matagal nang ipinagbawal ang ganitong mga harang."

"Why?"

"Complications. Lucky for us, alam ko kung paano pansamantalang buksan ang harang na 'to."

Bago pa man makapagtanong si Snow, Sloth already pulled a dagger out of his pocket. Mabilis niyang itinarak ang patalim sa kanyang palad hanggang sa dumaloy ang sariwang dugo mula rito. Sinimulan na nitong ipatak ang kanyang dugo sa harang habang may ibinubulong na mga salita. Hindi maunawaan ni Snow ang kanyang sinasabi and Chandresh looks as confused as she was. Natigilan sila nang marinig ang mga yabag ng kung sinumang paparating. Footsteps echoed, descending towards where they are! Shit.

"Sloth, hurry!"

Bulong ni Snow sa binatang ibinubuhos pa rin ang konsenstrasyon sa ginagawa. Ilang sandali pa, biglang nagliwanag ang harang sa parte kung saan pumatak ang dugo ng kasalanan. Lumaki ito nang lumaki. An opening glowed before them, and Snow can feel the intense heat radiating from the entrance. Napalunok na lang sila habang nagmamadaling pumasok sa loob.

"Jump!"

Sloth whispered to them. Tinitigang maigi ni Snow ang apoy sa ilalim ng hukay. Napalunok siya at ipinikit ang kanyang mga mata. Her nerves are killing her! 'Kailangan ko 'tong gawin!' At kasabay nila Chandresh at Sloth, tumalon si Snow papasok sa lagusan ng impyerno.

For a moment, she felt like Alice jumping inside a rabbit hole. Mahinang natawa sa kanyang isipan si Snow nang maisip niyang siya nga lang siguro ang prinsesang magtatangkang tumalon papunta sa impyerno.

"AAAAAHHHHH!"

Hindi na naawat ni Snow ang sigaw sa kanyang bibig habang bumubulusok siya pababa. Her body felt weightless as she defied gravity. Halos mapaso siya sa init ng apoy na nasa ilalim ng hukay na ito. Nang buksan niya ang kanyang mga mata, nakita niya ang paglamon sa kanila ng nagngangalit na apoy. The pain sorched through her. She felt like burning alive!

Pero agad ring nawala ang sensasyong ito.

When Snow White opened her eyes, napansin niya ang puting kawalan. Maging sina Sloth at Chandresh ay nagtataka sa oryentasyon ng lugar.

"Erm.. This is hell?" Alanganing tanong ng binatang may kulay lilang mga mata. Nagkibit ng kanyang balikat si Sloth, "Sa totoo lang, hindi rin ako sigurado." Mukhang ito rin ang unang pagkakataon na makarating dito ng prinsipe ng katamaran.

Sinilip ni Snow ang kalangitang nasa itaas nila at napasinghap nang makitang naglalagablab na apoy pala ito. Doon sila nahulog kanina! Pero kung ito nga ang impyerno, nasaan ang ibang makalsanan? Shouldn't there be demons torturing the sinners or crying souls? Minsan talaga, hindi naisasabuhay ang inaasahan mong makita. Expectations suck.

"Snow?"

Natigilan si Snow White nang marinig ang boses na 'yon. Pakiramdam niya ay naubusan siyang bigla ng hangin sa katawan. Nang lingunin niya ang nagsalita, nakaharap muli ni Snow ang babaeng kinasusuklaman niya. Her face turned pale she stared at those deep brown eyes----the eyes she, unfortunately, inherited. Bago pa man makapagsalita si Snow, nabigla na lang siya nang lapitan siya ni Christina.

Isang malutong na sampal ang iginawad nito sa anak. Then, her mother started yelling..

"Pati ba naman sa impyerno, hindi kita matatakasan?!"

---

Downward to night, but not of moon and cloud,
  Not night with all its stars, as night we know,
  But burdened with an ocean-weight of woe
  The darkness closed us.

---"Inferno",
Dante Alighieri

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top