QUINQUAGINTA SEX
"Just go."
Snow White knew she was doing everyone a favor. Wala siyang naaalalang pagkakataon na naging mabuti siyang mortal, kaya't hindi na rin siya magtataka kung dito sa kawalang ito ang huling hantungan niya. 'Pinapaaga ko lang ang katapusan,' paulit-ulit niyang bulong sa isip niya. Since she had been a burden to the seven sins, might as well try not to kill them right? Batid ng dalaga na kung totoo ngang napapawalang-bisa ng impyernong ito ang kung anumang sumpang ibinigay sa kanya ni Boswell, maaaring ito lang ang pagkakataon niyang mapigilan ang masasama nitong plano. Snow White can't just risk transforming into a monster again and stealing the rest of their collection.
'Bahala na.'
But just when she was about to take another step back, nabigla na lang siya nang umalingawngaw sa puting kawalan ang boses ni Sloth. Nakasimangot ito, halatang hindi nagustuhan ang kanyang sinabi.
"Stop joking around. Kailangan na nating umalis."
Pagak na natawa si Snow at napahawak sa kanyang tattoo sa leeg. From the corner of her eye, she can see Chandresh shift uncomfortably on his heel. Mukhang hindi rin nito inaasahan ang magiging desisyon niya. Poor Chandresh.
"Didn't I make myself clear? Iwan niyo na ako. Hindi ako sasama sa inyo pabalik.. I-I like it here."
That's partially a lie. Hindi niya gusto ang nakababaliw na lugar na ito (she honestly doubts she'll last a day or a week or a year), pero sa dinami-rami ng pinagdaanan ni Snow sa buhay niya, masasabi niyang mas payapa pa ang impyernong ito. Ang makasama ang mga taong mapanghusga at walang pakialam sa kapwa nila---iyon ang tunay na impyerno. Huminga nang malalim si Snow at sinubukang pigilan ang emosyong tumatagos sa kanya. Sloth and Chandresh still watched her. Ilang sandali pa, bumulong ang binatang nagmula sa kanyang salamin.
"B-Bakit?"
"Kailangan ba may rason?"
"Lahat ng bagay, may rason. Alam mo 'yan."
Snow bit the inside of her cheek until it bled. Hindi na rin niya maramdaman ang sakit na dala nito dahil sa kabog ng kanyang puso sa dibdib. Kaba at takot----iyan mismo ang pumupunit sa kanyang kalooban sa mga sandaling ito.
"Ito ang pinakamainam na gawin. We can't break the curse, and it seems that Boswell's control over me doesn't work here.. Hindi na ako makakasagabal pa sa trabaho niyo." She turned from Chandresh to Sloth and smiled sadly, "I won't be able to see you again, either. Pakisabi sa mga kasalanan----"
"Shit. Bullshit! Snow, cut it out. Aalis na tayo!"
"Sloth, hindi mo ba ako narinig? I am not---!"
"Shut up."
Nagulat si Snow nang sumiklab ang inis sa ekspresyon ni Sloth. Nakasimangot pa rin ito at napapailing sa kanyang sinasabi, but she can vaguely see a hint of worry behind those eyes. Kahit sa huling pagkakataon, hindi pa rin makapaniwala si Snow na mukhang anghel ang isang 'to. This lazy prince is the personification of angelic. 'It's too bad I won't see him anymore. I won't see any one of them..'
"Sasama ka sa'min." Pinal na wika ni Sloth at humakbang papalapit sa kanya. Naging alerto ang dalaga. Soon, Snow White found herself running away, deep into the endless horizone of emptiness. At habang tinatahak niya ang daang walang patutunguhan, napapaisip si Snow kung paano siya makakatagal sa lugar na ito nang hindi nasisiraan ng bait. You can't see the souls and the monsters, but you can feel them around you. Hinihingal na si Snow, pero hindi siya tumigil sa pagtakbo. Umaasa siyang naligaw na niya ang dalawa.
'Dito naman ako magaling, 'di ba? Sa pagtakbo at pagtakas,' she mentally laughed at herself.
Wala talaga siyang kwenta.
Sa isang iglap, nawalan ng balanse si Snow. "Shit!" Hindi na niya napigilan ang paglagapak niya sa lupa nang kumirot sa sakit ang binti niya. The junction connecting her prosthetic leg was hurting like hell, alam ni Snow na masyado na niya itong naabuso sa nakalipas na mga oras. 'Damn it! Not now!' Natataranta niyang nilingon ang pinaggalingan. Bumungad sa kanya ang puting kawalan, tuluyan na siyang nakalayo mula kina Chandresh at Sloth.
"Ito naman ang gusto ko, 'di ba?" Mahina niyang sabi sa saril, at hindi na siya nagtangka pang tumayo.
Now, Snow White is all alone. Hindi na niya muling makikita ang mga demonyong 'yon. Mapait siyang napangiti. 'I never even got a chance to tell the other sins goodbye..' How can a smile feel so fake?
*
Tick-tock.. Tick-tock..
Clocks. Lots of them.
Sa totoo lang ay nabibingi na si Hades sa tunog ng mga orasang ito. 'Kung wala lang sanang silbi ang mortal na 'to, malamang ginawa ko na siyang alipin,' naiinis niyang isip habang naglalakad sa mga pasilyo. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at huminga nang malalim para kumalma. "Isipin mo na lang na kapag namatay na ang magkakapatid, kikilalanin ka ng lahat bilang nag-iisang hari sa emperyong ito," mahina niyang pagkumbinsi sa sarili habang pilit isinasawalang-bahala ang ingay ng mga orasan. He can't even remember Boswell bringing in any of his timepieces.
Papunta na sana sa throne room niya ang tinaguriang "hari" nang makasalubong niya ang dalawang nilalang na abala sa sarili nilang mundo. Hades frowned, "Public display of affection is prohibited in my castle, Morticia. Lumandi na lang kayo sa ibang parte ng palasyo ko."
Nag-angat ng tingin ang bruhang nakalingkis sa braso ni Pride. She glared at Hades and tightened her hold onto Pride's muscular arm. "Fuck off, Hades. Una sa lahat, hindi naman sa'yo ang palasyong 'to. You're just Lucifer's temporary replacement, remember?" At isang mapang-asar na ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi. Sa kanyang tabi, walang imik naman si Pride. Walang emosyon o kahit anong indikasyon ng pagkainis---a direct contrast from Hades' murderous expression.
"I'm not a fucking temporary replacement! AKO ANG HARI NG IMPYERNO! I'LL MAKE YOU PAY FOR THAT INSULT, FILTHY WITCH!""
Morticia rolled her eyes, "Nice! Alam mo ang problema, Hades? I don't care. My sweetest Pride is here to protect me anyway, right love?"
Tumango lang ito.
Malakas na natawa si Hades. His lips twisted into a wicked grin. "Pathetic. Hanggang kailan mo ba lolokohin ang sarili mo, Morticia? Kahit yata baliktarin mo pa ang Tartarus, hindi ka kailanman mamahalin ng kasalanan na 'yan." At lalong lumawak ang ngiti ni Hades nang makita ang galit at sakit sa likod ng mga mata ng kausap. 'Pathetic, love-struck fools, indeed..' Pero sa likod nito ay alam niyang pati rin siya ay nabiktima ng pag-ibig. But surely, his obsession with Persephone isn't as toxic as Morticia's obession with Pride, is it?
"Bastard! I'll kill you!"
At naglakad na papalayo si Morticia, hila-hila ang panganay na na kasalanan na wala pa ring ekspresyon ang mukha.
Nagpatuloy na lang sa paglalakad sa madidilim na mga pasilyo ang "hari" ng palasyong ito. Pakiramdam ni Hades ay bumalik ang kanyang inis nang makita na namang nakaupo si Mr. Jeremy Hans Boswell sa kanyang trono. The clockmaker wore a white suit with a blood red necktie. Kasalukuyan nitong pinaglalaruan ang isang maliit na pocket watch sa kanyang kamay.
"Umalis ka sa trono ko." Pagbabanta ni Hades dito. Pero ang labis niyang ikinabigla ay ang marahang pag-iling ni Boswell. "I like it here. Besides, ngayong nalalapit na nating mapatay ang pinakaiingatang mga trabahador ni Lucifer, you'll have the entire hell to rule over."
Although the idea seems tempting, alam ni Hades na nagdadahilan lang ito para maupo sa pinakamamahal niyang trono. 'He's really pushing his luck!' Naikuyom na lang ni Hades ang kanyang mga kamao. "Kapag hindi gumana ang mga plano mo, I'll make sure to personally fry you down in hell."
Tumango na lang ang lalaki na nagsisimula na ngayong sipatin ang pocket watch. Kung kasama ito sa napakarami pang mga bagay na ipinupuslit sa black market ng Tartarus, wala na siyang planong alamin.
"Oh, the plan will work, alright. Walang magiging sagabal sa mga plano ko. Ang hinaharap ay nakaukit na sa bato ng tadhana. No need to worry, Hades."
"Siguraduhin mo lang."
Pero masama ang kutob niya sa sinabi ni Boswell. 'When the seven sins are gone, I'll make sure to dispatch this pest!' Bago pa man siya makipag-away pang muli para sa kanyang pinakamamahal na trono, nagsslita ang kanyang kakampi, "Go check on them, Hades. Make sure they'll never get out of that hell prison. Iyon ang gawain ng isang hari, hindi ba?"
Hades wanted to punch his face. 'Fucking calm down, or else Persephone is gonna kill me for losing control again!' Wala nang nagawa pa ang tinaguriang hari kung hindi ang sumunod sa utos ng isang hamak na mortal. Isang mortal na napupuno ng poot at paghihiganti. Hades is not even sure if he's mortal o not. It doesn't really matter as long as Boswell collaborates with him to take them down.
Muling naglaho sa kadiliman si Hades, his silk black robes bellowed behind him. Malalaki ang kanyang mga hakbang habang patungo sa pinakasentro ng palasyo. Several guards and slaves bowed down to him. It actually felt good---he felt superior. At balang-araw, pati si Lucifer mismo ay yuyuko sa kanya.
But just when Hades slipped down the staircase, agad siyang napahinto nang maramdaman ang patalim sa leeg. Napasimangot siya nang mapagtanto kung sino ang pangahas na ito. 'I hate this damn sin.'
Wrath's voice broke through the stillness, an sharp edge in his every word. Ngumisi ito nang nakakaloko habang ibinabaon ang kutsilyo sa leeg ng mortal na kaaway.
"Never let your guard down, Hades. You just might regret it."
Kasabay nito, narinig ni Hades ang pamilyar na pagtahol. Napatiim-bagang siya sa mga nangyayari. 'Fucking great. Now my old puppy's here, too?'
*
Hindi alam ni Snow kung gaano katagal na siyang nakaupo roon, naghihintay ng kung anumang himala. Still, she knows that there'll be nothing of the sort. The silence slowly killed her. Kaya siguro maraming makasalanang nababaliw. Nakakatuwa lang na dito napupunta ang natirang esensiya ng mga mortal na sadyang nagpagapi sa kanilang mga masasamang ugali. It can't be helped, she already knew that.
Ang hindi lang niya inaasahan ay ang pagkakabitak-bitak ng lupa sa kanyang paanan.
"T-Teka! Anong nangyayari?!"
Nanlaki ang mga mata ni Snow nang tuluyan nang gumuho ang puting sahig. "AAAAAAAAAHHH!" Sigaw ng dalaga habang pilit kumakapit sa dulo ng namuong hukay. Kasabay nito ay ang paglagablab ng apoy sa nagbabagang lawa. She can still see hands and bones sticking out from the surface. The temperature burn her alive. Now, she stared in horror as she witnessed everything.
'Fuck! Walang tutulong sa'kin sa lugar na 'to!'
She certainly can't expect Chandresh or one of the Seven Sins to swoop her away like some shitty princess in a fairytale! Mukhang nasasabik na rin siyang patayin ng impyerno!
"Ano pang silbi ng paglaban?'
Habang tumatagal, unti-unti nang nanghihina ang mga kalamnan ni Snow White. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Malayo na ang kanyang narating sa kanyang paglalakbay.. Mukhang panahon na para wakasan nito. Nobody will miss her anyway.
Bitiwan ni Snow ang kanyang kapit sa gilid ng malalim at nagliliyab ba hukay. Screams and mourns of the dead reached her ears.
Pero bago pa man siya mahulog doon, nagulantang na lang si Snow nang hawakan siya ng isang estranghero. She felt herself being pulled up, away from death and the lake of hell.
'Sloth? Chandresh?'
Pero nang magmulat siya hg mga mata, nalaglag ang kanyang panga.
Because now, Snow is face to face with a former maid of the Seven Deadly Sins. Ngumiti ito sa kanya, isang mahinhin at mala-anghel na ngiti. Instantly, she knew why Sloth had fallen in love with her.
"Monique."
---
a thousand times, till death
finds them, they may
discover it again, in other
lines
in other
happenings. And for
wanting to know it,
for
assuming there is
such a secret, yes,
for that
most of all.
---"The Secret",
Denise Levertov
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top