QUINQUAGINTA QUINQUE

Sumapit ang ikaanim na gabi. Kasabay ng paglagas ng dahon ng ilang matatandang puno ay ang paggalaw ng anyo ng isang halimaw sa diliman ng bayan. Natatakapan ng makakapal na ulap ang matamlay na buwan, sadyang nakikiayon sa mga kaganapang mangyayari. The starless sky harbored no emotion tonight, and if you can listen closely, you'd hear several cries in a distance. Pagmamakaawa ng ilang naghihingalo---kung inabutan sila ng kamatayan sa daan o may nagplano na nito para sa kanila, walang makapagsasabi.

"AAAAAAHH!"

Sa sentro ng lungsod, puminit sa katahimikan ang sigawan ng ilang paslit. Nakakapanindig-balahibo ang boses nilang tila kinakayod ng matatalas na kuko. Nobody bothered. Nobody tried to save them. Dahil ang mahalaga lamang para sa mga taong nakasaksi sa pagdudurasa nila ay ang mailigtas ang kanilang mga sarili. People are selfish like that.

"That's why many of them deserve to die."

Ngumisi si Pride sa gitna ng kaguluhan. Bahagyang napunit ang kanyang damit dahil sa pagbabagong-anyo kanina. Kung nasa tamang pag-iisip lamang ang prinsipeng ito, malamang ay kanina pa siya nakapagkumento. He'd always like to keep things in organized and clean. Pero sino bang makapagsasabi na ang lalaking ito rin ang lalaking pundasyon ng pitong magkakapatid? Pride is gone, and what's left of him is only a mere puppet for the witch to use.

'Ano bang ginagawa ko dito?'

Pero agad ring nanahimik ang tinig na 'yon sa kanyang loob. Namalayan na lang ni Pride ang paghakbang niya sa ilang bangkay at ang pagsilid niya ng kaluluwa ng mga ito sa kanyang sarili. The bodies of dead sinner sprawled on the cemented floor like garbage. Kumislap sa kanyang harapan ang sari-saring liwanag na nagmumula sa mga ito. The light that resembled fireflies flickered in front of them. Wala siyang maramdamang kahit anong emosyon habang pumapasok ang mga ito sa kanyang katawan. 'Empty.. Like my favorite room.'

Pumasok ang mga liwanag na ito sa kanyang dibdib, ang ilan ay dumaan sa kanyang mga kamay na napupuno ng dugo--parehong tuyo at sariwa.

Sa likod ng kanyang isipan, ramdam ni Pride na mayroong mali sa sitwasyong 'to. Una sa lahat, isang paglabag sa kanilang tungkulin ang pumatay ng makasalanan kahit hindi pa nila oras. If Lucifer found out about this, paniguradong impyerno nga ang patutunguhan ng magkakapatid. They were only give instructions to collect and get the life spans of sinners who already died. Pero habang pinagmamasdan niya ang kumukutitap na mga ilaw, hindi maiwasang tanungin ni Pride kung may halaga pa ba kung ano ang tama...dahil hindi na niya alam kung ano ito.

'Magulo.. N-Nasaan na ba ang mga kapatid ko?'

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Pride nang maalala ang kanyang mga kapatid. Ang kanyang pabayang mga kapatid. Sa pagkakatanda ni Pride, walang ibang alam gawin ang anim na 'yon kung hindi ang maging sakit sa ulo sa kanilang panganay. Now, as Pride stares at these firefly lights, naaalala na niya ang isa pang malaking pagkakamali sa pangyayaring ito. 'Each light represents a sin.. Magiging lason sa katawan ko kung kukunin ko ang nakalaang life span nila..'

That's how it works.

Nabuhay silang magkakapatid ng ilang siglo, magmula noong nabuo ang unang kabihasnan sa mundo. Sa ilang daang beses nilang pagtatrabaho, natuklasan ng magkakapatid na hindi nila pwedeng samsamin ang nakalaang buhay ng iba. It all happened when Greed "accidentally" took Envy's light for himself. Ang buong akala ng prinsipe ng kasakiman ay hahaba lang lalo ang kanyang buhay at pareho lamang ito ng epekto sa mga liwanag na natatanggap niya. But instead of being a benefit, it became liability. Greed was sick for several days. Naging lason ang liwanag sa kanyang katawan.

Nanlaki ang mga mata ni Pride habang tinititigang maigi ang mga ito.

'Damn it! Hindi 'to pwede!'

Pero bago pa man makagalaw paiwas ang kanyang katawan, naramdaman ni Pride ang pagpulupot ng mga kamay sa kanyang braso. Nang silipin niya ang katawan nito, hindi na siya nagbigla nang makitang nakangiti sa kanya si Morticia. Isang nakakalokong ngiti habang mas inilalapit ng dalaga ang kanyang sarili sa nakatatandang kasalanan. "What's the matter, Mr. Prideful? Can't wait to have me? 'Wag kang mag-alala, kapag natapos na ang trabaho mo dito, masosolo mo na ako..." Mapang-akit nitong bulong sa kanyang tainga. Morticia even licked the blood off his cheek.

"Say you love me, Pride."

"...."

"Say it!" Bumaon ang kanyang matatalas na kuko sa braso ng prinsipe. Matalim at pamatay ang kanyang tingin.

Wala pa ring maramdaman si Pride. Well, this is normal, right? Kahit na hindi niya maintindihan kung paano siya napadpad sa sitwasyong 'to. Huminga siya nang malalim at tumango. Hinayaan na lamang niya ang pagpasok ng sari-saring liwanag sa kanyang katawan. Pride adjusted his eyeglasses and tried hard not to notice the fact that there are a hundred dead bodies beneath their feet.

"I love you, Morticia."

At sa patuloy na pagpasok ng mga liwanag na ito sa katawan ng prinsipe, unti-unti na niyang nararamdaman ang lason sa kanyang katawan. 'I was already poisoned by this witch.. Now, I'm being poisoned to death,' hindi na alam ni Pride kung ano ang mauunang tumapos sa kanya: ang pagtataksil niya sa mga kapatid, ang lason sa katawan niya, o ang pangungulila sa dalagang may kulay tsokolateng mga mata.

But for now, it didn't matter. He doesn't even remember any other name aside from Morticia's. 'Something really feels wrong here..'

Sa huli, nagpaubaya na siya sa mga plano ng tadhana.

*
"Sabihin niyo sa'king hindi 'to nangyayari.. Tell me this is all just one twisted dream and that I'm just actually sleeping inside one of my mermaid-leathered coffins!"

Walang ni isang umimik sa ibinulong ni Envy sa sarili. Pinanood nila ang pagpapaikot-ikot nito habang naglalakad. Halata ang pagkabahala sa mukha ng prinsipe habang patuloy na namamatay ang mga ilaw sa kanilang monitor. Nagkatinginan sina Greed at Gluttony, parehong alam na maging sila ay naaapektuhan na sa mga nangyayari. Hindi na nila matatakasan pa ang nalalapit na katapusan. None of them expected this sudden turn of events. "Kung hindi ako nagkakamali, kanina pa nakarating sa Tartarus sina Sloth. They should've broken her curse by now! What the heck is happening?" Bulong ni Greed sa kapatid na isinantabi na nang tuluyan ang kinakaing hamon.

Umiling lang sa pagkadismaya si Gluttony. "Baka hindi nila nabasag ang sumpa ni Snow? 'Yon lang ang nakikita kong dahilan kung bakit wala pa rin tayong nakokolektang kaluluwa... This is really unflavorful!" Pilit mang itinago ng kapatid, agad ring napansin ni Greed ang pangamba sa likod ng mga mata nito. Napabuntong-hininga na lang ang prinsipe ng kasakiman at ibinalik ang atensyon sa kakambal na hindi pa rin mapakali.

Alam ng magkakapatid ang plano. Alam nila ang tungkol sa sumpa ni Snow. That's the reason why Sloth talked to them in the first place. Bukod

"Darn it, twin! Just fucking sit down! Pati ako nagiging tensyunado dahil sa'yo!"

Pero para bang walang narinig si Envy at patuloy pa rin ito sa paglakad. Sa totoo lang, nahihilo na silang panoorin ito. Patuloy pa rin ito sa pagkausap sa sarili. Mukhang malapit na ring mabaliw.

"Tell me this is just a damn nightmare.. Tell me this----!"

"Oh, for the love of porn, OO BINABANGUNGOT KA! We're all gonna die soon, anyway! Pwede bang maupo ka na, Envy?!" Huminga nang malalim si Lust at sumandal sa upuan, "Geez. Sumasakit ang ulo ng mga sperm cells ko dahil sa'yo." Napapailing na lang nitong sabi na para bang ito ang pinaka-interesanteng bagay na dapat nilang bigyan-pansin sa mga sandaling ito. Nagkatinginan ang tatlong magkakapatid at napabuntong-hininga.

Greed smirked, "Kahit magunaw ang planeta, Lust will be Lust. Always the perverted bastard."

Pero kahit sa ganitong pagkakataon ay hindi nila magawang ngumiti. Sa wakas ay tumigil na sa paglalakad si Envy, nanlaki ang kanyang mga mata na para bang tinamaan siya ng kidlat. The idea hit him so fast, he barely thought about it, "Kung hindi pa rin nababasag ang sumpa ni Snow, shouldn't Sloth and violethead be here by now? Paniguradong ibabalita nila 'to agad sa'tin."

Tumango si Gluttony at napahimas sa baba, "This only means that they're still inside Hades' castle... Pero kung hindi si Snow ang gumugulo sa koleksyon natin, e 'di sino?"

Binalot ng sandaling katahimikan ang apat na sulok ng Control Chamber. Nagpalitan ng makahulugang tingin ang apat na kasalanan. Alam nilang pare-pareho ang iniisip ng bawat isa. Kung hindi pa nakakabalik dito sina Sloth at Chandresh (kung si Snow nga ang halimaw na namemeste na naman sa kanila), ang ibig sabihin lang nito ay maaaring nahuli na sila ng dakilang clockmaker. Pero kung tama nga ang kanilang hinala na naroon pa rin ang tatlo sa kung saan man sila nagpunta, given what happened earlier today, this only means one thing...

"Pride is finishing the job for Boswell." Naibulalas ni Greed at napasapo sa kanyang noo. Pakiramdam niya ay hindi na matatapos pa ang problema nila sa kwentong ito.

*
Snow White stood in the middle of nowhere, Chandresh and Sloth were talking about something. Matagal na niyang sinukuan ang pag-intindi sa kanilang pinag-uusapan, hindi pa rin maalis sa kanyang isip ang sinabi ng kanyang "pinakamamahal" na ina. Sariwa pa rin sa dalaga ang mga salita ni Christina, and she knows that those words couldn't be erased from her emotional history. Nakaimprinta na ito sa kanya, na parang isang tattoo kagaya ng sa kanyang leeg.

'Si Boswell lang ang nakakaalam kung paano alisin ang sumpa..' Ang isiping 'yon ang nanatili sa kanya. Pero ngayon, habang tumatagal ang pananatili nila sa impyerno (na isang malaking canvas ng katahimikan at kalungkutan), napagtanto ni Snow na hindi pa rin siya ginugulo ng halimaw sa kanyang loob. Had the monster lost track of time in this damned place? Baka naman hindi lang nito alam na oras na pala para kunin ang kaluluwa ng mga makasalanan?

Or maybe, just maybe, hell invalidates the curse?

"Baka hindi tumatalab ang sumpa dito sa impyerno." Hindi alam ni Snow kung matutuwa ba siya o malulungkot. After facing her wicked mother, it's hard for her to keep her emotions in check. Maihahalintulad ang epekto ni Christina sa isang bagyo... Whenever she encounters her, it feels as if her heart had just been damaged again. Over and over again. At ngayon, hindi na niya alam kung paano pa ba dapat pamahalaan ang kanyang mga emosyon.

Dumako ang mga mata niya kina Sloth at Chandresh. Ang isa sa pitong kasalanan na nagbigay kulay sa buhay niya sa mansyon, at ang lalaking sumulpot na lang bigla sa kanyang salamin. Ngayong naiisip niya ito, she wondered what the rest of the sins were doing. And then, there's Pride. Napalunok si Snow, unti-unting naging malinaw ang pag-uusap ng dalawa.

"...must be guarded. Wala tayong ideya kung paano makakalabas dito. Kung hindi pa tayo aalis ngayon, malalaman ni Hades na napasok natin ang teritoryo niya." Napabuntong-hininga si Sloth, pinasadahan ng kamay ang kanyang magulong buhok.

Chandresh frowned and scanned the sky of fire above, "Unless we can fly, I can't think of any other way to get out of here. Pero kahit naman tubuan tayo ng pakpak, malamang masunog ang mga 'to bago pa man tayo makalabas. Can't you just use your teleportation thing?"

"Psh. You know completely well that it won't, Chandresh. Kung alam ko lang na makukulong tayo dito sa impyerno ng habambuhay, sana nagdala ako ng unan at kumot."

Snow White fell silent. 'Paano nga ba makakaalis dito?' Sa ibabaw nila, nakalatag ang walang katapusang apoy na naghihiwalay sa dalawang dimensyon. The fire sky bazed above, steady and dangerous. Nasa gitna sila ng kawalan. Ano naman kaya ang pwedeng makatulong sa kanila para makalabas? She scanned the empty void again, until her eyes found Sloth's. Agad na napangiti si Snow nang may ideyang sumulpot sa kanyang isipan.

"Err.. Why are you smiling like that?" Naguguluhang tanong ng kasalanan habang nakakunot ang noo.

"You can manipulate fire, remember?"

Tumango si Sloth, hindi alam kung saan ang punta ng usapang 'to. Even Chandresh looked perplexed. "Ano namang kinalaman 'non, Your Majesty? It's not like we can manipulate the fire above and make it disappear.. It's crazy and impossible!"

Ngumisi lang si Snow. Mukhang hanggang ngayon ay walang tiwala sa kanya ang isang 'to. Itinuro ng dalaga ang apoy sa kanilang itaas.

"Crazy? Yes. Impossible? No.. Hindi natin magagamit ang kapangyarihan ni Sloth para pawalain ang apoy. Pero kung iisipin natin, if it's possible for him to create a destructive ball of fire, malamang ay posible ring makalikha ng hagdan o lubid mula rito."

Pagkasabi niya ng mga salitang 'yon, biglang natigilan ang dalawang binata. Napasapo na lang si Chandresh sa kanyang noo, "She has a point, you know." Samantala, ang bunsong kasalanan naman ay napabuntong-hininga, cursing under his breath. Bakit nga ba nakalimutan niya ang maliit na nadetalyeng 'yon? He's one of the Seven Deadly Sins, of course he could manipulate fire and mold it into something useful! 'Damn it.'

"Kulang lang ako sa tulog, kaya 'di ko naisip 'yon." The lazy prince yawned. Kalaunan, ibinuhos ni Sloth ang kanyang konsentrasyon sa pagmamanipula ng apoy na nakabalot sa kalangitan. Mas mahirap pa palang pakialaman ang apoy dito sa impyerno. Hindi na siya magtataka, Lucifer won't make it easy for anyone. Matapos ang ilang subok, sa wakas ay nahulma ang apoy at bumaba ito sa kanila bilang isang nagliliyab na lubid. The rope made of solid fire, hot and burning, twisted in front of them. Konektado ang kabilang dulo nito sa apoy na kalangitan, hinihintay na lamang ang kanilang susunod na aksyon.

"Psh. Sana lang isang escalator o elevator man lang ang ginawa mo. That would've been more practical than a stupid rope." Chandresh snorted.

Tumalim ang tingin ni Sloth sa kasamahan, "Kung uubusin ko ang enerhiya ko para gumawa ng elevator para sa'yo, we won't be able to open that firewall above us, bastard. Kung nagrereklamo ka, maiwan ka na lang."

Hindi na umimik pa si Chandresh at bumaling na lang kay Snow. Hindi nito gusto ang walang kwentang lubid na likha ni Sloth, pero mas lalo niyang hindi gusto ang ideya na maiiwan siya rito mag-isa.

"You never fail to amaze me with that smart mouth of yours, Your Majesty."

Kumindat sa kanya ang prinsipeng may kulay lilang mga mata. Tipid lang na ngumiti si Snow at pinanood silang kumapit sa lubid na ito. Dahan-dahan siyang humakbang papalayo sa dalawang lalaki. She had already made up her mind.

Sloth noticed this.

"What are you waiting for? We need to go! Hindi ko alam kung hanggang kailan ko makakayanang kontrolin ang apoy na 'to.. Hell's fire isn't an easy element to deal with."

Pero umiling lang ang dalaga. Alam niyang kailangan na niya itong sabihin.

"Hindi ako sasama sa inyo."

Yes, Snow White had already made up her mind. Mas ligtas nga naman kung manatili siya rito, hindi ba? This is were she belongs---in hell. 'This way, I can't be a threat to them.. Wala akong ibang masasaktan,' mapait na ngumiti si Snow nang rumehistro ang gulat sa mukha ni a Sloth at Chandresh.

"S-Snow---?"

"Are you crazy, Your Majesty?!"

Huminga siya nang malalim at pinilit na magpaliwanag, "Leave. Mas makakabuti ito para sa lahat. I-I don't want to hurt anyone anymore.. This is the end for me." Pero habang sinasabi niya ang mga katagang 'yon, pakiramdam niya ay lalong bumibigat ang kanyang loob. Sa kabila ng lahat ng ito, alam niyang unti-unti nang nawawasak ang kanyang puso.

"Just go."

Funny.. She wasn't even aware she still had a heart, not until now.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top