QUINQUAGINTA DUO
Everything happening inside this mansion is madness... Matagal nang natuklasan ni Snow ang katotohanang 'yon. Sa ilang linggo niyang pananatili sa pamamahay ng Seven Deadly Sins, hindi niya maiwasang isipin na isa itong malaking pagbabago mula sa nakasanayan niyang buhay. For once in her life, Chione White finally experienced being alive---kahit naging alila siya ng pitong kasalanan.
'Pero mukhang matagal pa matatapos ang istorya ko..' Mapait niya wika sa isip.
Hindi niya pa rin maiwasang magulat sa mga sorpresang hatid ng araw na ito. Hindi na niya namalayan ang mahinang pag-"click" ng lock ng malalaking double doors ng mansyon. Chandresh pushed the towering doors, lumikha ito ng ingay na nakapagpakaba sa kanila. "Tara na!" Natatarantang kinuha ng binata ang kamay ni Snow at hinila siya papalabas ng lungga na tinatawag na niyang "tahanan". Ramdam ni Snow ang pagkabahala at takot ng lalaking nagmula sa kanyang salamin. 'That time seems so far away now..'
Pumuno sa katahimikan ng paligid ang ingay ng mga susing hawak ni Chandresh. The sun is still up in the clear blue sky, pero alam ni Snow na hindi magtatagal at lulubog na rin ito sa distansya. 'I'll be a monster again! He needs to take me as far away from here as possible!' Kritikal na ang sitwasyon nila. If Snow White lets that monster loose, malamang nga ay katapusan na ng pitong baliw na 'yon! Even though they tried to kill her, a small voice inside of her still reminded Snow of her growing affection. Heto na nga ba ang problema kapag attached ka na. 'Complications and just plain bullshit!'
Habang tumatakbo sila pababa ng marble staircase na maghahatid sa kanila sa paanan ng mansyon, hindi niya maiwasang lumingon sa kanyang likuran. Binabagabag na naman siya ng kanyang kuryosidad.
"Wait, a-anong ibig mong sabihin kanina? Anong nangyayari kay Pride?"
Chandesh stared at her with a frustrated look, "Snow, we'll explain everything later! Kailangan na nati-----"
Yumanig ang lupa sa isang malakas na pagsabog. Nanlaki ang mga mata ni Snow nang mapansing nanggagaling ito sa direksyon ng private study ng panganay na kasalanan. "PRIDE!" Shit! What the heck is happening?! Kinagat ni Snow ang kanyang labi sa kaba hanggang sa magdugo ito. Nagtangka siyang tumakbo pabalik sa loob nang hawakan ni Chandresh ang braso niya. His firm grip complemented his words, "Hindi tayo pwedeng bumalik, Your Majesty! Kapag nalaman niyang nakatakas ka, mas magiging malala ang sitwasyon!"
Violet eyes glared at her. Seryoso ang ekspresyon sa maamo nitong mukha.
Naikuyom na lang ni Snow ang mga kamao sa emosyon. How can Chandresh expect her to leave Pride in this situation?! Oo, hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya, pero hindi iyon rason para hayaan na lang niya ito. Dumagdag pa sa kanyang pag-aalala ang nangyayari sa anim pang magkakapatid. 'Paano kung nagpapatayan na pala sila sa loob?!' Snow White can feel herself getting even more anxious. She was only pulled out of her reverie when Chandresh forced her to face him. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang mga balikat at pinilit na mahuli ang kanyang atensyon. "Snow, magtiwala ka sa'kin! Walang mangyayaring masama sa mga demonyong 'yon. They're immortals, remember?"
"...."
"Pero kapag hindi ka umalis ngayon, malamang ay may mangyari na ngang masama sa kanila. You're still cursed! Trust me on this, okay? Ipinapangako ko, babalik rin ang lahat sa normal."
At sa pagitan ng mga sandaling iyon, nahanap ni Snow ang tiwala sa binata. There's just something in those fierce violet eyes that calm the ranging storm inside her. Ayaw man niyang lisanin ang mansyon nang nagwawala ang kanyang mga amo, may tiwala siya kay Chandresh. Marahan siyang tumango.
Ngumiti sa kanya ang kasama at hinila na siya papasok sa isang karwaheng hindi na niya namalayang naroon. Kahalintulad nito ang nasirang karwahe noong nagpunta sila ng Tartarus---a black steel carriage with elegantly engraved designs. Tahimik ang mga puting kabayong ngayon lamang niya nakita. Naghihintay na rin pala si Mr. Bones sa kanila.
'This is it, Snow.. There's no turning back now.' Kumbinsi niya sa sarili at sumakay sa karwahe.
Nang sumunod sa kanya si Chandresh at isinara na nito ang pinto ng sasakyan, agad niyang naalala ang isang bagay.
"Akala ko kasama si Sloth?"
Matataranta na sana si Snow nang nagsimulang kumaripas ng takbo papalayo ng mansyon ang sinasakyan nila nang may kumalabit sa kanya mula sa kaliwa. She jumped in surprise when she saw the sin lazily smiling at her, his eyes half-lidded and intense. "Stop missing me. It makes me want to cuddle with you." Sabay hikab nito at yakap sa isang unan. Nagpakurap-kurap si Snow at marahang umusog papalayo sa kasalanan. Napasimangot ang dalaga at sinamaan ito ng tingin.
"Baka naman pwede niyo nang ipaliwanag sa'kin ang nangyayari ngayon?" Pagtataray niya rito. Well, yes. She's worried sick for them---but that doesn't mean that she'll forgive them easily. 'Parang kanina lang halos atakihin na ako sa puso dahil sa pananakot nila sa'kin! Parang kanina lang gusto niya akong patayin, tapos ngayon may gana pa siyang tabihan ako?!' Ramdam ni Snow na malapit nang bumigay ang kanyang brain cells sa kaguluhang nagaganap.
Nagkatinginan sina Chandresh at Sloth sa magkabilang gilid niya at sabay silang natawa sa reaksyon ng dalaga.
Humikab muli si Sloth at kumindat sa kanya. "I'm a bit lazy to talk right now. Si Chandresh na muna ang magpapaliwanag ng lahat.." Ngayon lang napansin ni Snow na tila ba puyat na naman ang kasalanang ito. Lalo pa siyang napasimangot nang inihilig ni Sloth ang kanyang ulo sa balikat niya. His mop of messy black hair rested on her shoulder.
Chandresh cursed under his breath and sighed, "Lazy-ass bastard.."
Bahagyang dumako ang mga mata ni Snow sa labas ng karwahe. Papalayo na sila sa mansyon. Nakaramdam siya ng lungkot habang pinagmamasdang lumayo ang estatwang anghel ng Fountain of Tears. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kay Snow kung bakit putol ang dalawang pakpak nito.
'Siguro pinangarap niyang umalis, pero dahil malupit ang mundo, they cut off her wings and forced her to stay on the ground..'
The old angel statue seemed to watch the carriage disappear into the woods beyond. Isang himala na nakabukas ang malalaking gates ng mansyon.. Tila ba inaasahan na ang kanyang pag-alis.
*
Noong araw na napagdesisyunan niyang tapusin ang kanyang paghihirap, inaasahan na ni Christina kung saan siya pupunta. 'Death is the destination of everyone,' she bitterly thought. That's the irony of life----some people try to avoid dying, but in the end, everyone will be segregated. Ang malaking katanungan na lang ay kung saan ka dadalhin ni kamatayan. Huminga siya nang malalim at pinagmasdan ang apoy sa kalangitan.
"Hindi na ako nagtaka. Suicide is a sin anyway."
Ilang araw (o taon, dahil wala namang oras sa dimensyong ito) nang naglalakad ang ginang sa kawalan. Minsan, pakiramdam niya ay walang katapusan ang lugar na 'to at lagi lang siyang bumabalik sa kung saan siya nagsimula. Sa kanyang pananatili, marami na siyang nakilalang kapwa makasalanan. Lahat sila ay tuluyan nang nabaliw at dumadaing ng sakit kahit pa wala namang nagpapahirap sa kanila. Some cried blood, but it never lasted.
Napapailing na lang si Christina. "I never imagines hell would be like staying inside an asylum."
Kawalan.
Isang malaking kawalan ang impyernong ito. Walang hangin, walang kahit ano. Kulay puti ang paligid at wala ni isang nilalang maliban na lang sa mga makasalanang gumagala paminsan-minsan. Everyone is out of their mind and sometimes, Christina can even hear their cries of help. Kamakailan lang, para siyang namamalikmata at nakita niyang lumitaw ang lawa ng paghihirap. Isang malaking kumunoy ng nagbabagang apoy, karamihan ng makasalanan ay nalulunod doon. Pero nagtagal lang 'yon ng ilang sandali bago bumalik sa dati ang lugar. A blink of an eye, and everything is empty again.
Malapit na siyang mawala sa katinuan.
"Kung hindi ba ako umalis sa mansyon ng seven sins, magiging mas maayos ba ang kalagayan ko?"
Iyan ang tanong na matagal nang iniiwasan ni Christina. Ngayon ay hindi na siya natatakot tanungin 'yan sa sarili. Why would she be afraid? She's already in hell.
Naaalala niya ang unang beses na makilala niya ang pitong kasalanan. Ilang siglo na ang nakakalipas nang mangyari 'yon...
Christina had been an orphan for as long as she can remember (hindi na nga niya matandaan kung 'yon ba talaga ang pangalan niya). Ilang ulit na niyang pinagtangkaang bawiin ang buhay niya at nang gabing sinilaban niya ang kanyang sarili, a man walked towards her and extinguished the fire. Nasa kagubatan siya noong gabing iyon at hindi niya inaasahan ang pagdating ng isang estranghero.
"Instead of wasting your life, follow me. We need a maid. Masyado nang marumi ang mansyon ko."
Ang mga salitang 'yon ang nagdala sa kanya sa mansyon. The man who spoke to her wore glasses and an astonishingly elegant black suit. Wala sa wisyo si Christina nang pinirmahan niya ang kontrata. Nang makilala niya ang anim pang kasalanan, iisa lang ang naisip niya, 'Demons.. Gagawin nilang impyerno ang buhay ko.'
Bakit nga ba siya pumayag na maging katulong nila sa nakakatakot at makapanindig-balahibong mansyon na 'yon?
Siguro masyado siyang nadala ng emosyon niya noong gabi ng kanyang tangkang pagpapakamatay. She was too depressed to think about anything else. Kalaunan, pinagsisihan niya ang pagpasok bilang katulong nila at naisip niyang mas maganda pa nga sigurong magpakamatay na lang. 'Suicide is better than being the maid of the Seven Deadly Sins..' Christina concluded. Atleast she won't have to endure a lifetime of hell with those demons!
Isang gabi ay narinig niya ang boses na nanggagaling sa isang salamin. Iyon ang gabing nakadaupang-palad niya si Jeremy Hans Boswell, ang clockmaker na ikinulong nila sa salamin. Noong mga panahong 'yon ay wala na siyang pakialam kahit ano pa ang kapalit. She was too desprate. She wasn't going to spend the rest of her eternity cooped inside that godforsaken mansion! Ginusto niyang makatakas ng mansyon----kahit pa kapalit nito ay ang pagtulong niya sa lalaking makalabas ng salamin..
..at ang ipagkanulo rito ang magiging anak niya.
*
Snow White stared at Chandresh. Kani-kanila lang ay nagsimula na itong magpaliwanag ng mga nangyayri. Nahihirapan siyang iproseso ang mga sinabi nito. 'Sumasakit na yata ang ulo ko sa sinasabi niya!' She mentally complained.
"Teka, ang ibig mong sabihin.. si Pride ang dahilan kung bakit pinilit mo 'kong ilabas ka sa salamin noon?"
Sa gitna ng kanilang pag-uusap, hindi na alintana ni Snow ang pagliko ng karwahe sa kagubatan. Sa totoo lang, wala na siyang pakialam kahit pa alam niyang tatalon na naman sila sa bangin mamaya. All she could focus her attention on was the fact that Chandresh knew that Pride wasn't himself before all this shit happened!
Tumango sa kanya ang katabi. Seryoso pa rin ang ekspresyon nito. "Noong bumalik ka ng kwarto mo, I felt his aura was.. different. Naramdaman ko ang panganib na hatid ni Pride. I was alarmed that time and all I could think about was protecting you." Pag-amin nito, sabay iwas ng tingin.
Pilit na inaalala ni Snow ang pangyayaring 'yon. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtantong naganap ang lahat nang gumaling si Pride sa sakit niya. If memory serves her right, iyon rin ang araw na sinagip siya ni Pride mula sa pag-atake ng mga nilalang ng Tartarus sa mansyon. When she returned to her room, Chandresh acted weird and demanded her to release him from the mirror. Nagkakatugma-tugma man ang mga nangyayari, tila ba hindi pa rin kumbinsido ang dalaga. "H-Hindi masama si Pride. Imposibleng nag-iba siya noon! He was acting normal! Nagpapahatid pa siya ng tsaa kada hapon! K-Kilala ko siya.."
"Acting normal, huh? Hindi 'yon ang napansin namin nang ipinag-utos ka niyang patayin."
Nabigla na lang si Snow nang bumangon mula sa kanyang pagkakahiga si Sloth. Naupo ito sa upuang katapat niya at napasimangot. "Kilala mo ba talaga ang kapatid ko? Because from what I can see, your emotions for him are making you blind."
Binalot muli ng kaba ang kalooban ni Snow. How could he say such things?! Huminga siya nang malalim at hindi nagpatinag sa malalalim na mga mata ni Sloth.
"Kung totoo ngang wala sa sarili si Pride, care to explain why that happened?" She challenged.
Napabuntong-hininga na lang ang dalaga binata sa inaakto niya. Nagsalitang muli si Sloth, a bit more impatient than usual. "Damn it, Snow! Hindi namin alam kung anong nangyayari sa kanya, so stop forcing this on us. Noong gumaling siya sa sakit niya, naramdaman ko na ring may nag-iba sa ikinikilos ni Pride. Believe me, I've known that prideful asshole for centuries.."
"That's why I told Sloth about it while I was in the Library of Lost Souls. Sinabi ko rin sa kanya ang tungkol sa sumpa mo..." Pagsingit ni Chandresh sa usapan. Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya kay Snow, "nagkasundo kami ng hari ng katamaran. I haven't told you that before.. Forgive me, Your Majesty." Kumislap ang pagmamahal sa mga mata ni Chandresh. His violet eyes bore into hers again at sa pagkakataong ito, ramdam ni Snow ang paghanga sa likod ng kanyang mga mata. 'His eyes are always expressing hidden emotions..those damn beautiful violet eyes.' Nag-iwas ng tingin si Snow. Kailangan niyang pagnilayan ang mga nangyayari. Kailangan niya ng oras upang pagtagpi-tagpiin ang mga impormasyong ito.
A thousand questions popped into her head. Napabuntong-hininga na lang siya at sumandal sa sopa ng karwahe.
"How did you two know each other?" Baling niya kay Chandresh bago dumako ang kanyang mga mata kay Sloth.
Humikab lang muli si Sloth at bumalik sa pagkakahiga. "It's a damn long and boring story. Tsaka na natin pag-usapan. Mag-ingat ka lang because he seems to admire you too much."
Hindi na umimik pa ang dalaga. Naguguluhan pa rin siya sa sitwasyon. She has no choice but to patiently wait for the story to unfold. Sana lang ay hindi maging trahedya ang katapusan nito.
And as Snow White's eyes drifted out the window, she saw the sun slowly descending on the horizon. Kasabay nito ay ang paghapdi ng kanyang marka sa leeg.
---
could other stronger love exist
than that which swells within my breast?
anticipating moment soon that we
may share at last!
will seem like resurrection then,
as when the dead shall rise again.
for life was such without you near;
a foretaste of the grave.
---"Oh God of My Idolatry",
Anonymous
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top