QUINDECIM
Isang malakas na pagkulog ang naging hudyat. The black clouds moved like an impending storm, as the first clash of metal erupted. Hindi makapaniwala si Snow habang pinapanood ang sagupaan ang dalawang kaharian. The white and black pawns were first to engage into battle. Nakasuot sila ng kulay itim at puting baluti at may hawak na mga espada. Nanlaki ang mga mata niya nang masaksihan ang pagdanak ng dugo.
Several bodies fell down.
Tila ba tuod na nakatayo lang sa isang gilid si Snow, walang magawa. Ni hindi niya nga alam kung paano magkakaalis sa lugar na ito. Naaalala niya ang sinabi ni Greed kanina. 'They want me to be their queen?! This is madness!' Pero mayroon nga bang normal na nangyari kay Snow White sa kwentong ito? She doubts it.
"PARA SA HARI!"
"GAAAAAAAAH!"
Napapangiwi na lang si Snow habang naririnig ang pagsigaw ng ilan at ang paglagapak ng kanilang mga katawan sa kung saan. She had an idea that pawns are commonly used as a "sacrifice", but seeing how much blood is splattering everywhere, para na siyang naaawa sa mga ito. "Mukhang handa talaga silang mamatay para sa baliw nilang mga hari.."
Ang nakakatuwa pa, kahit na parang hindi nila sinusunod ang iba pang rules ng larong chess, mukhang nakapattern pa rin ang kanilang mga atake.
One square forward. No one goes back.
Pumunit sa maingay na paligid ang pagtagos ng metal sa dibdib ng isang puting kawal. His red blood stained his armor, and his eyes wide open. Nabitiwan nito ang hawak na sandata habang bumaon naman ang patalim ng kaaway sa kanyang katawan. Mukhang hindi pa nakuntento ang itim na pawn at hinugot pa ang espadang ito bago mabilis na iginiya sa leeg ng puting kawal.
His head fell off.
Napapikit ang dalaga dahil sa nakita. Paano nasisikmura nila Greed at Envy ang ganitong mga pangyayari?
"They're not dead, Chione.. If that's what you're worried about."
Napatingin si Snow kay Envy na nakatitig sa kanya. Halos hindi niya makilala ang puting hari sa kabilang dulo ng lupain, at nakakapagtakang narinig pa rin niya nang malinaw ang boses ng binata. Snow's eyes darted towards the center of the land.
Noon niya lang napansin na wala na pala ang mga katawang nagkalat sa lupa. Ang natira na lang ay ang iilang kawal na tagumpay sa kanilang pagsakay kanina.
"Saan sila napunta?"
"They're only chess pieces, mademoiselle."
Umalingawngaw naman ang boses ni Greed mula sa kanyang kanan, ilang metro ang layo at napapalibutan ng rooks. Snow White looked closer and saw what she needed to see. "Kaya pala.." Hindi nawala ang mga katawang namatay kanina.. Bumalik lang sila sa kanilang dating anyo. The white and black pawns merged back into their original shapes as wooden pieces. Nanatiling tao naman ang mga nanalo sa labanan.
'No wonder Envy and Greed are fine with sacrificing these poor men..'
"Give up, brother. Alam mong mas magaling ako sa'yo pagdating sa larong ito. Bitter ka lang na natalo kita kahapon! HAHAHAHA!"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
Pang-aasar ni Greed sa kapatid. Nakitawa sa kanya ang mga kawal niya sa itim na kaharian, their laughter bellowed in the air. Malakas at nang-uuyam. Napairap na lang si Snow, "Heto na naman sila.." At katulad ng kanyang inaasahan, hindi rin nagpadaig si Envy sa pakikipagdebate, "You were just lucky! Kaya ka lang naman nanalo ay dahil nagtago ka sa likod ng knight mo buong laro! You're a freakin' coward, Greed! When will you grow some balls? HAHAHAHA!"
"HAHAHAHAHAHAHAHA!"
Snow can now see the vein popping on Greed's forehead.
"HINDI AKO NAGTAGO! IT'S CALLED STRATEGY, YOU BRAINLESS LUNATIC! NAKALIMUTAN MO NA BANG HINDI DAPAT MAHULI ANG HARI SA LARONG ITO?!"
"WHO ARE YOU CALLING A BRAINLESS LUNATIC, YOU BLABBERING MORON?! OO, NAAALALA KO!"
"TALAGA?!"
"OO NGA SABI!"
"CONGRATS! MAY UTAK KA PALA, KAPATID! BWAHAHAHAHA!"
Envy held a fist in the air, halos mamula na ang kanyang mukha sa inis, "BISHOP TO E5!" Pagkasabi ng mga katagang 'yon, mabilis na kumilos ang puting bishop at sumugod sa isang itim na kawal. He moved diagonally, his speed almost unbelievable. Sa isang iglap, nagawa niyang ibaon ang malaking pana sa noo ng lalaki. Tumagos ito, at dumaloy ang sariwang dugo. Pumatak ang dugo ng itim na kawal sa lupang tila ba hinihigop ang likidong ito. In a matter of seconds, the black pawn became a normal chess piece.
Hindi lingid sa kaalaman ng iba, ang "bishop" na tinutukoy sa chess ay hindi tumutukoy sa isang lalaking may katungkulan sa simbahan. In medieval chess (shatranj) the bishop was known as "alfil" or the elephant. Ang isa pang translasyon nito sa paglipas ng panahon ay ang pagtawag ng Slavic languages sa bishop bilang "strelec" o "archer" sa Ingles. This archer-type of bishop is the one being adopted in the twin sin's game.
Greed smirked.
"In the art of chess, we anticipate our opponents moves," Tumango ang binata sa rook na agarang gumalaw, his pattern an L-shape. Sa isang iglap, nagapi ng kabalyero ang bishop. Umatungal ang itim na kabayong sinasakyan nito kasabay ng paghati ng espada sa katawan ng kaaway. The white bishop's body was sliced into half, his guts everywhere. Nataksikan ang itim na knight, ngunit hindi niya ito ininda at yumukod kay Greed bilang paggalang. Greed spoke, "in order to win, we need to think ahead of our enemy, brother."
Walang emosyong ngumiti si Envy. "Mukhang iba ang rason mo ngayon kung bakit gusto mong manalo."
"Tsk. Paano mo naman nasa----"
"We have the same mind. We're twins, afterall." Envy replied, giving Snow a small glance. Sunod umatake ang puting kabalyero na mabilis na napaslang ang isang itim na kawal. The man let out a horrifying yell, as the game continued. Halos hindi na masundan ni Snow ang sumunod na mga pangyayari, at tila ba sumiklab ang isang digmaan. These chesspieces were still following their patterns, ngunit masyado nang mabilis ang pagkilos ng mga ito.
"This is giving me a headache." Pagrereklamo ni Snow habang pilit na hinahanap ang daan paalis ng lugar na ito.
"KNIGHT TO C7!"
"PAWN TO H5!"
"ROOK TO A4!"
Umalingawngaw ang palitan ng sigaw ng magkapatid habang unti-unti nang nauubos ang kanilang mga kawal. Pigil-hininga si Snow nang may panang dumaplis sa kanyang pisngi. "Damn it! Mag-ingat naman kayo!" Galit niyang sigaw sa dalawang matalim ang tingin sa isa't isa. Envy cursed under his breath, "Kita mo na?! Muntik nang tinamaan ng bishop mo si Chione! And you call yourself a chess player?!"
Umirap si Greed, "It wasn't my fault that I have a stupid chesspiece! Madali namang solusyunan 'yan," Binalingan ni Greed ang itim na bishop na hinihintay ang kanyang susunod na utos.
"Kill yourself."
Nanlaki ang mga mata ni Snow sa gulat. "A-Ano?!" Ngunit imbes na umagal, agad ring yumukod ang itim na bishop sa kanyang hari at dinampot ang isang espada sa lupa. Mabilis niya itong itinarak sa sariling dibdib hanggang sa maging isang ordinaryong chesspiece na rin siya. Dito na napatayo ang dalaga, "It's not even your move! Wala kayong kapangyarihang hatulan ng kamatayan ang sarili niyong mga alagad!"
Natahimik muli ang paligid.
Nagkatinginan sina Greed at Envy bago sabay ba humagalpak ng tawa ang kambal.
"Hahaha! Mademoiselle, nasabi na namin ito sa'yo.. We play by the roles, not by the rules."
"Yes. Playing by the rules is damn boring, don't you think, Chione? If the king's mean are to be reckless and incompetent during war, sa tingin mo ba hindi niya hahatulan ang mga ito ng kamatayan? We're just being realistic."
Realistic?!
Napamaang si Snow sa narinig. Yup, nababaliw na nga talaga ang dalawang ito!
At mas lalong hindi na siya nagtaka nang magpatuloy ang nakamamatay na laro nila. Patindi na nang patindi ang tensyon sa paligid habang pakaunti nang pakaunti ang mga kawal. Napamura si Envy nang nasa tapat na niya ang isang itim na knight, ang huli sa mga kawal ni Greed. The white king glared at the black knight, who had his deadly sword pointed at him. Isang utos na lang mula kay Greed at tapos na ang laro. They weren't actually playing by standard rules, but as long as the crown on top of their heads remain, hindi matatapos ang laro.
"You lose, brother." Isang mapaglarong ngiti sa mga labi ni Greed habang nakatanaw siya mula sa kabilang bahagi ng lupain.
Napangisi si Envy, "But it's not your turn."
Kumunot ang noo ni Greed, "What are you talking about? Wala ka nang moves na maaaring gawin para tapusin ang laro."
"Really? Pawn to D8."
At kasabay ng pagtapak ng kawal sa kabilang dulo ng chessboard ay ang pagyanig ng lupa. A scream erupted from the white pawn's lips. Napasigaw siya sa sakit at tila ba binabali ang kanyang mga buto sa katawan. Mayamaya pa, nagulat ang lahat nang ibang anyo na nakatayo sa kanyang pwesto. The white pawn became a bishop clad in shining white, with a bow and arrow in hand.
Napapailing na lang si Greed. "I freaking hate promotion!"
Kapag ang isang pawn at narating ang kabilang dulo ng chessboard, maaari itong mai-"promote" sa ibang ranggo. In this case, the white pawn was promoted into a bishop. At maaari na nitong atakihin ang knight ni Greed sa sandaling magkaroon ito ng pagkakataon.
"Damn it.." Sumsakit na ang ulo ni Greed. Even if he managed to catch Envy with his Knight, siya naman ang delikado kapag natira ang puting bishop na ito na, sa kasamaang palad, ay abot siya sa pag-atake. They are not playing by mortal rules. No. Dahil para makapag-determine ng panalo sa laro nila, kailangang magapi ang isa habang ang isa naman ay ligtas. Ito ay para malinaw ang panalo. Yup, they have modified their game cleverly. Kahit pa maghabulan sila dito ni Envy, iisa lang din ang kahihinatnan ng sitwasyon...
"Draw."
Sabay nilang sabi.
Snow White frowned. "Sa tinagal-tagal niyo diyan, sa draw lang din pala kayo mauuwi!" Sadya nga yatang immature ang dalawang ito. But still, they wouldn't be the twin sins of they aren't, right?
Naglaho na ang mga kawal.
Sabay siyang nilapitan nina Greed at Envy.
"W-What are you two doing?" Bago pa man siya makahakbang paatras, nahigit na nila si Snow sa magkabilang braso.
"You are our queen, Chione. Let's play another game? This time, nasa digmaan ka na rin.." Inosenteng tugon ni Envy.
"H-Ha?!"
"He's right, mademoiselle. Kailangan mong matutong pumatay sa laro naming ito. You will be our greatest asset, so don't you dare run away." Kumindat naman sa kanya si Greed.
'ISASALI NILA AKO SA DIGMAAN?!' Napalunok si Snow sa naiisip. Ni hindi nga niya kayang matagalan ang panonood sa mga ito! "S-Sandali, nagkakamali kayo.. I-I can't----!"
"No excuses." Sabay nilang sabi.
Agad na pumalag si Snow, sinubukan niyang sipain ang dalawa, ngunit nailagay na siya ng mga ito sa isang malaking kabayo. Pero bago pa man sila makapagsimula ng panibagong laro, isang malakas na tunog ang nakapukaw ng kanilang atensyon.
"WOOF!"
Kumunot ang noo ng dalaga. Teka, si Cerberus 'yon ah? Nagpalinga-linga silang tatlo. Wala silang makita. Hanggang sa nagkatinginan sila at sabay-sabay na tumingala. And there, in the pale gray sky, Cerberus was digging a hole! Yes, a hole in the sky. Mukhang natugan ng asong kung nasaan man silang dimensyon, mahahanap niya ito sa ilalim ng Leisure Room. Napaatras si Snow nang kumahol muli ang aso, at nakita niyang muli ang buntot nitong serpente.
"Cerberus! Ano bang ginagawa mo dit------AAAAAAAAAAAAAAAHHH!"
Mabilis na lumundag patungon sa kinaroroonan nila si Cerberus at tinangay si Snow. Tumalon ito pabalik sa butas sa langit hanggang sa magbagong muli ang paligid. Nasa loob ulit sila ng Leisure Room, the flooring having a giant hole in it. Ibinaba siya ng aso sa isang sopa at dinilaan ang kanyang binti. She frowned. "Bakit mo ba ako nilabas doon? Ano bang kailangan mo?"
"Woof!" Tumingin sa kanyang ang tatlong higanteng mga ulo at sabay-sabay na kinagat ang kanyang prosthetic leg. She cursed out loud, shocked at the sudden attack. Hanggang sa naramdaman na lang niya ang pagkalas ng kanyang artipisyal na binti.
And the enormous dog even ran away with it.
"CERBERUS, IBALIK MO ANG PROSTHETIC LEG KO!"
"WOOF! WOOF!"
At tuluyan na itong naglaho sa hallway habang si Snow naman ay nanggagalaiti sa inis.
---
The world's light shines, shine as it will,
The world will love its darkness still.
I doubt though when the world's in hell,
It will not love its darkness half so well.
---But Men Loved Darkness Rather Than Light,
Richard Crashaw
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top