QUEEN OF SINS: INMEMORATUS MEMORIA

An Untold Memory.

---

"DAMN IT! IBALIK MO 'YAN!"

A servant's voice echoed in the crowded marketplace. The sun was at its peak and the air smelled of freshly baked bread. Maraming tao ang namimili ngayon dahil sa papalapit na piyesta sa bayan. Sa kadahilanang ito, tila ba walang nakakapansin sa paghingi ng tulong ng dalaga.

Snow White cursed under he breath and ran after the thief herself. Naiinis niyang inangat ang laylayan ng kanyang maruming bestida at nakipagsiksikan sa mga tao. She pushed through the crowd and ran as fast as she can. Maingat siyang umilag sa mga karwahe ng mga maharlikang dumaraan at pilit sinundan ang magnanakaw na tumangay sa ipinamili niyang pagkain.

"Bumalik ka rito!"

Hinihingal siyang napahinto sa parke at pilit hinanap ang lalaki. Mahinang napamura ang dalaga. 'Ano nang gagawin ko? Papagalitan ako sigurado ng mga amo ko kapag wala akong naiuwing pagkain!' Agad na nanlumo si Snow. Wala siyang pera pambili ng panibagong pagkain, kaya't imposible niyang mapalitan ang ipinamili nina Duke Faustino at ng kanyang matapobreng asawa.

Paniguradong paparusahan na naman siya ng mga ito.

Snow White closed her eyes.

"I hate my life."

Ilang sandali pa, may kumalabit sa kanya. Agad siyang naalarma at akmang aatakihin na sana ang sinumang mananakit sa kanya nang matigilan ang dalaga. Ash gray eyes made her stop. An easy smile graced the man's lips.

Kalaunan, may inangat itong telang naglalaman ng pagkain.

"Miss, sa'yo yata 'to? Narinig ko kasi ang paghingi mo ng tulong kanina. Then, I spotted the thief trying to climb a wall, so I stopped him and searched for you."

Snow White stared at the cloth bag he was holding out and shyly took it.

"S-Salamat..."

"Patterson."

Inilahad ng binata ang kanyang kamay. Snow White took his hand, "Patterson.. what a weird name. Ako nga pala si Snow White."

Mahinang natawa ang binata.

"Mas weird ang pangalan mo, Ms. Snow." Just then, he brought her hand to his lips and gingerly kissed it. "It's a pleasure to meet you."

Snow White felt her heart skip a beat.

"The pleasure is mine, Sir Patterson."

Sa pangyayaring iyon nagsimula ang istorya ng pag-iibigan nina Snow at Patterson. Namamasukan bilang isang alila ang dalaga habang anak naman ng heneral si Sir Patterson.

Days have passed, Patterson started meeting her. Every night, he would climb up her window and sneak her out of the house. Her blood red ribbon glinted under the moonlight as they talked about themselves. Ang mga nakaw na sandaling iyon mismo ay ang pinakamasayang mga sandali sa buhay ni Snow White.

Isang araw ay sinamahan pa siya nitong mamili sa palengke. Patterson rode a majestic white horse. Ngumiti ang dalaga at tinanong ang pangalan nito, pero pagak lang natawa si Patterson at napailing. "He doesn't have a name."

"Why?"

"Wala lang. Kailangan ba lahat ng hayop may pangalan?"

Sandaling natahimik si Snow. Just then, she blurted out. "Dahil ayaw mong magbigay ng pangalan para sa kanya, ako na ang gagawa nito. Let's call him Stallio!"

Kumunot ang noo ni Patterson. "Stallio? Bakit naman Stallio?"

"No reason." Kumindat si Snow at nagpatuloy na sa pamimili. Hindi nakalagpas sa pandinig ni Patterson ang mga bulungan ng ilang tinderang madalas nakakakita sa kanilang magkasama. Alam niyang hindi magtatagal at malalaman na rin ng kanyang ama ang tungkol dito..

One night, Patterson confessed under a dead.

"I know it's just been a few months since we met, but I just want you to know that it's been the best months of my entire life.. hindi ko na kayang ilihim ang nararamdaman ko para sa'yo, Snow. Mahal kita. Mahal na mahal.."

Nanlaki ang mga mata ni Snow White sa narinig. But she hurriedly avoided eye contact and sighed. "Sir Patterson, y-you deserve better. Hindi mo ba nakikita? Isa lang akong hamak na alipin. Kapag nalaman ng mga magulang mo ang tungkol sa akin---"

"Ano ngayon? I don't give a damn about other people's opinions, Snow. I love you.. and besides, to me," he grabbed her chin and made her look at him. Ngumiti nang puno ng sinseridad ng binata. Blonde hair and ash gray eyes made her heart skip a beat again, "to me, you are a queen. My queen.."

And in that moment, Snow White let him kiss her.

Because she loved him too.

But love never lasts. After a week, Patterson's parents found out. Katulad ng kanilang inaasahan, nagalit ang heneral at pinagbantan ang dalaga. Kamuntikan nang palayasin ng duke si Snow kung hindi lang siya nagmakaawa. She was an orphan and she had nowhere else to go.

Maliban kay Sir Patterson, wala nang ibang nagmamahal sa kanya.

Kaya't ganoon na lang ang gulat niya nang bigla siyang kinaladkad papalabas ng ilan sa mga tauhan ng ama ni Patterson at itinali sa isang maliit na entablado sa gitna ng bayan ng Eastwood. The ropes cut deep into her as she watched in horror.

"Let this be a lesson that there is no such thing as love! Nasa harapan ninyo ngayon ang isang babaeng patuloy na inaakit ang anak ko para makaangat sa buhay. A gold-digger and a disgusting slave!"

Everyone agreed. Everyone hated her.

Biglang kinilabutan si Snow nang naglabas ng isang malaking espada ang isa mga kawal.

"At ang sinumang tutulad sa babaeng ito ay haharap sa kaparehong kaparusahan.."

Ilang sandali pa, nagsisisigaw na sa sakit si Snow White habang tinataga ang kanyang binti. She cried out in pain when they cut her leg. The blood dripped over the wooden stage and pooled over her feet, staining her clothes. Hindi matigil ang mga luha sa kanyang mga mata hanggang sa tuluyan na siyang namanhid sa sakit.

Then, she passed out..

Kinabukasan, nang makauwi si Patterson mula sa misyong iniatas sa kanya ng ama, mabilis niyang pinuntahan si Snow nang marinig ang nangyari. He worriedly climbed up the window and knocked on the glass.

"Snow?! Snow!"

Nang hindi pa rin siya pinagbuksan ng dalaga, binasag na niya ang salamin ng bintana. Walang pagdadalawang-isip na pumasok si Patterson sa silid nilang mga alipin at nilapitan ang umiiyak na babae sa sulok. Snow White shook and tried to scoot away from him.

"Get away from me.."

Patterson's jaw clenched in anger when he saw her leg. Tuluyan nang naputol ng mga gagong iyon ang isang binti ng dalaga. He wanted to kill them--to cut all their motherfucking limbs off and stab them over and over again.. pero pinigilan niya ang sarili. Hindi makakabuti sa kalagayan nila ni Snow kung pangungunahan siya ng galit.

Kaya't niyakap na lang niya nang mahigpit ang dalaga at inalo.

"Shh.. it will be alright, my queen."

"N-Natatakot na ako, Patterson."

"Run away with me."

Natigilan si Snow sa narinig. Seryoso siyang tinitigan ni Patterson at masuyong hinaplos sa mukha. He loved her too much. "Run away with me. We'll escape everything together. Kaya kitang buhayin at bigyan ng maayos na tahanan.. pangako. My inipon na akong pera para sa kinabukasan natin at--"

"Hindi ba tayo mahahanap ng ama mo?"

Umiling si Patterson. Ramdam niya ang takot sa dalaga. He hated it. He hated how she feels scared.

"I promise you, Snow.. we will live happily ever after."

At pinanghawakan ni Snow White ang pangakong iyon.

Sana pala hindi na nila sinubukang tumakas. Sana pala hindi na nila sinubukang kalabanin ang kapalaran.

Weeks after, a tragedy broke their happily ever after.

"P-PATTERSON!"

Inatake sila ng mga kawal ng ama ni Patterson. They tried to kill her by using arrows, but Patterson immediately shielded her and took all the shots. Nakayakap lang siya kay Snow habang sinasalag ang bawat pag-atake---habang bumabaon sa kanyang laman ang mga pana.

Soon, he fell to his side.

Blood covered his body as he smiled weakly at her.

"I am at your disposal, my queen. H-Handa kong salagin ang kahit isang libong mga pana para lang p-protektahan ka, Snow.."

"Patterson!"

"...."

"D-Don't leave me.."

But it was too late.

Patterson's body went cold as his ash gray eyes lost their life. Hindi matigil ang mga hikbi ni Snow White habang yakap-yakap ang bangkay ng kasintahan. She screamed and cried all night. Begging for any god to save him. Pero nang unti-unti an niyang matanggap na walang diyos na magliligtas sa kanya, napalitan ng galit ang puso ng dalaga.

Soon, Lucifer came and smirked wickedly at her. Noong mga panahong ito, isang taong lobo ang ginagamit niyang soul vessel.

The devil grinned at her.

"Poor Snow White, looking all helpless and tired.. gusto mo bang gantihan ang mga mortal na gumawa nito sa kanya?"

Under the moonlight, Snow White's eyes went empty.

Sandali niyang binalingan ang bangkay ng kasintahan at walang pagdadalawang-isip na tumango. Noong gabing iyon, sumama ang dalaga kay Lucifer sa Underworld. Even if she has to sell her soul to the devil, she would do it. Sisiguraduhin niyang maipaghihiganti niya ang pagkamatay ng lalaking minamahal niya.

'They'll pay for what they did to you, Patterson. I promise..'

Snow White sold her soul to Lucifer, in exchange for revenge. Inihandog sa kanya ng hari ng impyerno ang kanyang kapangyarihan kapalit ng paglilingkod nito sa kanya. He even made her a prosthetic leg! The King told her to behave, but of course, Snow didn't give a damn about it.. ilang araw lang mula nang mamatay si Patterson, walang puso niyang nai-massacre ang tauhan ng kanyang ama.

Blood.

Screams.

Torture.

"Sinners deserve to die! HAHAHAHA!"

Snow White laughed and watched them die before her. At sa bawat mortal na napapatay niya, lalong nagiging masama ang kanyang kaluluwa. All sense of morality left her as she slowly succumbed to the darkness. Lucifer frowned when he noticed she was getting more powerful everyday and for the first time since he fell from heaven, the King of Hell felt threatened...

Dumating ito sa puntong hindi na niya makontrol si Snow.

Snow White became the Queen of Sins of the Underworld. An evil soul corrupted in the body of a mere girl. She killed thousands of creatures heartlessly and stepped over their corpses. A sadistic smile on her black lips.

Hindi lingid sa kanyang kaalaman, noong gabing iniwan niya ang bangkay ni Patterson para sumama kay Lucifer, lumitaw si kamatayan..

"This is troublesome, indeed."

Patterson.

Nakita ni Death ang kagustuhan nitong manatili sa mundo ng mga mortal. Patterson's spirit refused to let Death take him away. At sa kauna-unahang pagkakataon, napahanga si Death sa masidhing determinasyon ng kaluluwa ng isang mortal.

"Ano ang rason mo kung bakit ayaw mo pang umalis?" Death asked the spirit.

The ghost glared at him. Nakatayo siya sa tabi ng kanyang duguang bangkay.

"Hindi ko pwedeng iwan si Snow."

Mahinang natawa si Death. "Handa mong labanan ang kamatayan para lang sa isang babae?"

"Oo."

Death stared at Patterson's body and sighed. "Matapang mong iniligtas ang babaeng pinakamamahal mo.. but only your body died, Patterson. Ngayon naman ay pilit nilalabanan ng kaluluwa mo ang kamatayan. You are trying to conquer me, in order to get back to her."

"Please, just let me live. Kailangan ko siyang protektahan! I'll do anything!"

"Kahit maging horseman ka?"

Natigilan ang kaluluwa nang marinig iyon. Death sighed and paced back and forth, "Hindi ko dapat ito inaalok sa mga kaluluwang kagaya mo, pero dahil desperado kang mabuhay ulit, pagbibigyan kita. Your loyalty is truly remarkable, Patterson. It would be a shame if I don't make you a horseman.."

Sandaling natahimik ang kaluluwa ni Patterson. He remembered Snow White and how lonely she'll be.. hindi niya kayang mawalay sa dalaga. He won't break his promise. They will live happily ever after---no matter what.

"Fine. I-I accept being a horseman."

If it means he can still protect his queen, Patterson is willing to conquer death.

Ngumisi si Death at bumulong ng ilang mahika. Dumaloy ang kapangyarihang ito sa kanyang scythe. Ilang sandali pa, nagliyab sa kulay puting apoy ang katawan ni Patterson. The flames burnt him alive as Death patiently waited..

On the third night, a new horseman rose from the ashes. Nakasuot ito ng kulay puting armor at may ginintuang korona sa kanyang ulo. His ash gray eyes were sharp as Stallio ran towards him..

"Stallio!"

Pero nang sandaling mahawakan ng horseman ang alaga, bigla itong nag-ibang anyo. It truned into a ghost. Napamura si Patterson sa nangyari at mabilis na binalingan si Death.

"A-Anong ginawa mo sa kanya?!"

"Ikaw ang may gawa nito sa kanya, Pestilence." Napabuntong-hininga si Death at bumaba sa kabayo niyang si Osseus, "By the way, Pestilence ang pangalan mo, at isa ka na ngayon sa Four Horsemen of the Apocalypse. That white horse will be your companion. Binigyan kita ng pagkakataong mabuhay sa panibago mong katauhan kaya't inaasahan kong tutuparin mo ang obligasyon mo. I could've just let you died, but it would be a waste if we don't put your talents to use."

That calmed him down.

'Naninibago lang ako. I'll probably get used to this after a century or two..'

Huminga nang malalim si Pestilence at tinitigan ang kanyang mga kamay. Nararamdaman niya ang nananalaytay na kapangyarihan sa kanyang katawan. He stared at his horse and smiled sadly..

"It will be alright, Stallio.. ginawa ko ito para kay Snow. I agreed to be a horseman because I don't want to leave her. Tutuparin ko ang pangako ko sa kanyang poprotektahan ko siya."

Isa na ngayong ganap na imortal si Patterson---no. His name is Pestilence, the horseman who still hopelessly loves a certain Snow White.

Pinilit niyang hanapin si Snow, pero bigla na lang itong naglaho..

Where could she be?

Ngunit, ang hindi nito alam ay sa bawat araw na lumilipas, unti-unti nang nawawala ang kabutihan sa puso ng pinakamamahal niya.

Noong unang mga buwan sa paghahanap sa dalaga, nagpagala-gala lamang siya sa Eastwood at pinagmasdan ang buhay ng mga mortal. They couldn't see him, and that made him a little more depressed. Nangungulila na siya sa dati niyang buhay at sa kasintahang hindi na niya alam kung saan napadpad sa bayan.

Sa paglipas ng mga araw, unti-unting nawawalan ng gana ang horsemen. Tinatamad niyang tinatanggihan ang mga ipinapagawa sa kanya ng tinatawag nilang "Lucifer". Walang-gana siyang uupo sa isang tabi at tutulala. Nag-aalala na siya kay Snow White, and it's fucking killing him.

Pestilence became an unproductive and lazy immortal.

Everyday without Snow is another hole in his heart. All that pain, misery, and depression gave birth to another life...

"Sloth?"

Nanlaki ang mga mata ni Pestilence nang sumulpot sa kawalan ang binata at nagpakilala sa kanya. Humikab naman ang kasalanan at tinatamad na tumango. "Yeah. My name is Sloth, sin of laziness and all that bullcrap. Tinatamad na akong magpaliwanag. Tsk!"

Nang ikunsulta ito ni Pestilence kay Death, tinawanan lang siya ng kamatayan. "Alam ko ang tungkol sa pagkabuhay ng mga kasalanan dala ng masidhing kasalanan at emosyon ng mga mortal, but I didn't know it can be possible with immortals."

"How can we get rid of him?"

Tumalim ang mga mata ni Sloth kay Pestilence. "Dude, you've gotta be kidding me! Ilang oras pa lang akong buhay, papatayin mo na ako agad? Tsk."

Napapailing na lang si Death, "It's not easy to kill them. Sloth is a manifestation of your own sin, Pestilence. Kung ako sa'yo, sisipagan ko na ang obligasyon ko bilang horseman lalo't may digmaang magaganap sa Underworld."

"Digmaan?"

"Yes.. Lucifer is waging a war against the so-called 'Queen of Sins'. Ang Four Horsemen of the Apocalypse ang napili niyang humarap sa masamang reyna."

Pestilence nodded absent-mindedly. Gustuhin man niyang hanapin si Snow, mukhang kailangan na muna niyang tuparin ang kanyang trabaho bilang horseman. Kaya't iginugol na lang niya ang kanyang panahon sa pag-eensayo. He started practicing hitting his targets with his arrows. Walang mintis ang mga tira ni Pestilence. He shot arrows through the apples hanging on branches and killed birds.

Humikab si Sloth at bumaba mula sa pagkakaupo nito sa itaas ng isang sanga. Katatapos lang matulog ng kasalanan nang napagdesisyunan nitong panoorin ang pagsasanay ni Pestilence.

"So, this girl you're talking about---"

Bull's eye.

Pero ni hindi man lang kumurap si Sloth nang lumipad sa kanyang harapan ang matalim na pana bago ito bumaon sa puno ng mangga sa kanyang gilid.

"Her name is Snow White."

Tipid na sagot ni Pestilence bago itinabi kanyang sandata. It's quite ironic to think that the weapon that killed him is now his expertise. Habang abala si Pestilence sa pagliligpit ng kanyang kagamitan, patuloy na nagsalita si Sloth.

"You love her."

Humarap si Pestilence sa kanya at ngumisi, "I do."

"Bakit?"

"Does love need a reason? I don't think so. Kapag mahal mo ang isang tao, handa mong suungin ang anumang panganib para sa kaligtasan at kaligayahan niya. I love Snow, and that's why I'm facing the consequences of being a horseman."

Marahang tumango si Sloth at hindi na muling umimik. Huminga naman nang malalim si Pestilence at sumakay kay Stallio. Papalubog na ang araw at kailangan na niyang pumunta sa Underworld bago pa man sumiklab ang digmaan. Nang lingunin ni Pestilence ang kinaroroonan ni Sloth, he wasn't surprised when the sin vanished.

'Looks like he won't even help. Such a damn lazy ass.'

Nang sumapit ang pinakahihintay na digmaan sa Underworld, agad na tinabihan ni Pestilence ang tatlo pa niyang kasamahan. Hindi siya sumasama kay Death, kaya't ngayon pa lang niya nakilala ang dalawa pang horsemen na sina Famine at War. The Four Horsemen of the Apocalypse were at the frontline, ready for the Queen of Sin's attacks. Sa kanilang likuran, sumilay ang mga tore ng kastilyo ni Hades.

The land was ash gray and the sky smelled like rotten flesh.

Death's eyes narrowed. "Don't kill her, at all costs.. Lucifer's orders. Siya na raw ang tatapos sa buhay ng Queen of Sins."

Tumango silang tatlo.

Pero nang sumulpot ang babaeng kakalabanin nila, tila ba hindi na makahinga si Pestilence. His eyes widened in horror as he saw her. Bahagyang nag-iba ang kanyang hitsura, pero hindi siya maaaring magkamali. The evil queen who walked towards them in black fabric and cherry red lips is none other than the girl he loved more than his own life...

"S-Snow?"

Pero para bang hindi na siya makilala nito. Her dark eyes never showed any sort of recognition. Pestilence lowered his bow and arrow, just in time as the other horsemen started the attack.

"NO! STOP!"

Sinubukan niyang pigilan ang mga ito. 'Damn it, they're gonna hurt her!' Mahinang napamura si Pestilence at sinubukang salagin ang atake ng kanyang mga kasamahan. War glared at him in anger. "WHAT THE FUCK?! GET OUT OF MY WAY!" Matapang na nilabanan ni Pestilence ang pulang horsmen at binalingan ang dalaga.

"Snow, are you all ri---!?"

Ngunit naibalibag na siya nito papalayo. The Queen of Sins laughed demonically and smirked. "Walang lugar para sa mahihinang kagaya mo!"

Sumugod ang iba pang mga kawal ni Haring Lucifer. Nahihirapan man, sinubukang pigilan ni Pestilence ang mga ito na makalapit sa dalaga. 'No.. Snow White, w-what happened to you?' Hindi na niya alintana ang pagod ng katawan o ang mga sugat na natatamo niya.

He can't let them hurt her..

"Pestilence! Bullshit, kakampi mo kami!" Sigaw ni Famine nang pigilan niya ang kadenang pupulupot na sana sa binti ni Snow White na abala sa pagbali ng leeg ng isang kawal.

Pestilence frowned. "No, I will always be on her side."

But just as he let his guard down again, the Queen of Sins started choking him. Humagalpak nang tawa ang dalaga at sinakal si Pestilence. Her wild eyes were filled with hatred and despair. Hindi na niya makilala ang dalagang una niyang nakita noon sa pamilihan. But he knows she's still in there..

And he knows he has to save her before Lucifer kills her for good.

'Kailangan ko siyang mailigtas.'

At iisa lang ang alam niyang paraan.

Labag man sa kanyang kalooban, pinilit niyang kumawala sa pagkakahawak sa kanya ng dalaga. He rode on Stallio and created a distance between them. Nang masigurado niyang malayo na siya rito, kabado siyang kumuha ng pana. Pestilence gripped his bow and arrow with trembling hands. Malalim ang kanyang mga paghinga.

'I'm sorry, my queen.. this is the only way to save you from Lucifer.'

He shot the arrow.

Sa gitna ng digmaan, lumipad ang pana papunta sa direksyon ng dalaga.

Pero hindi siya nito tinamaan.

Napayuko si Pestilence at naikuyom ang mga kamao.. Because he can't do it. He missed that shot on purpose, because he can't hurt her, no matter what the reason is...

Hindi niya kayang saktan ang babaeng pinakamamahal niya.

Hindi niya kayang saktan si Snow White.

Pero sa kabila nito, pumunit ang pagsigaw ni Snow sa kabila ng ingay ng paligid. Gulat na binalingan ni Pestilence ang direksyon ng reyna at napanganga nang makitang hawak na ni Sloth ang pana---at mariin na itong sinaksak sa puso ni Snow White.

"SNOW!"

It was too late.

Pestilence's heart broke when he saw the blood on her chest. Napasigaw si Pestilence nang bumagsak ang katawan ng Queen of Sins at tuluyan nang nawalan ng malay ang dalaga. Humakbang papalayo si Sloth at bumaling sa kanya. The sin was calm and it fucking made his blood boil.

"YOU FUCKING KILLED HER!"

Akmang papatayin na sana ni Pestilence si Sloth nang matigilan ito sa kanyang sinabi.

"Ito ang plano mo para mailigtas siya kay Lucifer, hindi ba?"

Napayuko si Pestilence. Ilang sandali pa, siya na mismo ang kusang bumaba ng kanyang kabayo at binuhat ang bangkay ng babaeng mahal niya. He caressed her cold and pale face as he fought back the damn tears in his eyes. She's dead.

Snow White is dead..

"I will be alright, my queen.. I promise."

Nang matapos ang digmaan, magkasamang ipinuslit nina Pestilence at Sloth ang bangkay ni Snow White. They laid her on the grassy ground in the forest near of Eastwood, and watched her lifeless form in silence. Malayo na sila kay Lucifer, kaya't bahagyang nakahinga nang maluwag si Pestilence--still, his ash gray eyes never left her. He held her hand and kissed it repeatedly.

Ilang sandali pa, sumulpot ang horseman mula sa kadiliman.

Death frowned at them.

"Ano naman ang hihilingin ninyo?"

Si Pestilence ang unang makiusap, "Snow White doesn't deserve to die.. this is not the end of her fairytale, Death. Nagmamakaawa ako sa'yo, bawiin mo ang kaluluwang nawala sa kanya at i-reincarnate sa ibang panahon. Nang sa ganoon, hindi na siya guguluhin pa ni Lucifer at makakapamuhay na siya nang maayos at tahimik. I want her to survive and find her happiness.. even if it's not with me."

Napailing si Death na para bang hindi makapaniwala sa request nila.

"Mapanganib ang hinihiling mo, Pestilence. Isa pa, kakailanganin ko ng kapalit na kaluluwa. Once I take back Snow's soul, I will need to take a replacement someday. Dahil isa kang horseman, hindi ko ito pwedeng gawin sa'yo.."

"Then take mine."

Mahinang sambit ni Sloth habang nakamasid pa rin sa mapayapang ekspresyon ng namatay na dalaga. 'She looks like an angel, even in her death.' The sin met Death's gaze with serious dark orbs.. "Kaluluwa ko ang kunin mong kapalit. I'll be in your debt, if it means you can save this girl.."

Pagak na natawa si Death. "You don't even know her. Handa ka ba talagang magsakripisyo para sa isang dalagang hindi mo kilala, Sloth?"

He nodded. "Yes. So, just shut up and reincarnate her. Sa susunod na siglo ko na lang poproblemahin ang paniningil mo ng utang."

Pestilence managed a broken smile at him. "Salamat."

His ash gray eyes laid on her peaceful corpse again. 'Balang-araw, magkikita tayong muli, Snow White.. hihintayin kita, kahit ilang libong taon pa ang lumipas. I will wait for your return.. I will wait for you, my queen.'

That night, the deal was made, and the soul of the Queen of Sins was kept for reincarnation...

Pestilence waited.

Ilang daang taon na ang lumipas.

Napabuntong-hininga si Pestilence at naubos ang laman ng kopita. He adjusted the crown ontop of his head and tied a red ribbon to the end of his silver arrow. Malungkot siyang ngumiti. 'Kailan kaya kita makikita muli, my queen? I miss you so much.. every second without you is slowly killing me.'

He aimed at the sky and shot the arrow. Naglaho ang pana sa distanya hanggang sa hindi na niya makita pa ang kulay pulang lasong itinali niya rito.

Pestilence was about to get up and take his leave when someone spoke behind him.

"You still can't move on from her, can you?"

Pagak siyang natawa at nilingon ang kasalanan. "Himala yata at binisita mo ako. What is it this time, Sloth?"

The prince of laziness' serious eyes bore into his. At nang marinig na niya ang mga salitang lumabas sa bibig ng kasalanan, agad na natigilan ang horseman at natuod sa kanyang kinatatayuan.

"I've found her."

Walang inaksayang oras si Pestilence. The two of them immeditely travelled to Eastwood and located the place. Malalim na ang gabi at may mangilan-ngilang posteng nakapagbibigay ng liwanag sa kalsada. A few shops lined one corner as Pestilence and Sloth waited in an alley.

"Ano bang ginagawa natin dito?"

Sloth yawned. "Mukhang tama ang hula sa'kin ng three sisters of fate sa mansyon. Ngayong gabi, muling magbubukas ang mga pahina sa istorya ng pinakamamahal nating si Snow White. Nakatakas siya sa Clockwork's kanina.. ilang sandali mula ngayon, mapapadaan siya sa kalyeng ito."

Pestilence frowned. "Hindi natin siya pwedeng tulungan, Sloth. Hindi na maaalala ng kanyang kaluluwa ang nangyari noon. It's best if she stays away from her past and forgets about everything. Hindi ko hahayaang mapahamak siya dahil sa kapabayaan nating dalawa!"

If Lucifer finds out that they reincarnated the Queen of Sins, posible na namang magkaroon ng digmaan.

Ngumisi si Sloth. "That's exactly why I told my brother that he can find us a new maid here. Kailangan namin ng bagong katulong sa mansyon, kaya't nabanggit ko kay Pride na makabubuti sa kanyang tahakin ang kalyeng ito ngayong gabi."

Kabadong hinintay ni Pestilence ang pagpatak ng oras.

He watched in silence as a girl came running down the empty streets. Hinihingal ito't nakasuot pa ng kulay itim na bestida. The black dress emphasized her pale skin. Maikli pa rin ang buhok niya tulad noong unang beses na nagkrus ang kanilang mga landas nang nakawan siya ng pinamiling pagkain. Those chocolate brown eyes harbored a fierce determination that he will always fall in love with.

Pestilence's heart ached for her.

"Snow White.."

Bumalik ang lahat ng sakit at lahat ng mga alaala nilang dalawa. He wanted to run to her and hug her.. kiss her on the lips passionately and tell her that he's been waiting for her... All these painful years, he patiently waited for her return.

But he can't.

Nang makita na nila ang paparating na kasalanan mula sa kabilang bahagi ng kalye, malungkot na napangiti si Pestilence. He closed his eyes and sighed. Ilang sandali pa, naglakad na papalayo ang horseman. Bago pa man siya tuluyang makaalis, binalingan niya ang kasalanan.

"Hey, Sloth?"

"What?"

"Make sure Pride treats her like a princess.. give Snow the fairytale I have failed to give her many centuries ago. She deserves it."

At tuluyan na siyang naglakad papalayo. To Pestilence, Snow White will always be his queen. Hindi man niya naibigay ang istoryang ipinangako niya rito, patuloy pa rin niyang mamahalin ang dalaga nang palihim. He will be happy for her even if it fucking hurts.. even if he still wishes he can be someone else.

'Survive and find happiness, my queen.'

*

"The Road Not Taken."

Napamulat siya nang biglang may magsalita sa gilid niya. She furrowed her eyebrows upon seeing a man standing next to her. Nakahalukipkip ito at nakatitig sa kanya. 'Where the heck did he came from?' Nang hindi siya nakasagot, ngumisi ang binata at inulit ang sinabi, "The Road Not Taken. It's a poem written by Robert Frost. Have you read it, princess?"

She hesitantly nodded, "Yes. Magmula noon, hilig ko nang magbasa ng mga tula, pero anong kinalaman nito sa'kin? Sino ka ba?"

Nagkibit ng balikat ang misteryosong binata at inayos ang suot na salamin, "Mukhang nahaharap ang kaluluwa mo sa parehong desisyon. I can see you only have two options left in life to get out of this situation.. You can just lay here and wait for your death, or..."

Nanigas sa kanyang kinatatayuan si Snow nang maglaho ang lalaki. Naramdaman na lang niya ang mainit nitong hininga sa kanyang likuran, his mouth dangerously close to her ear, "..you can sell your soul to me and my brothers."

Bumilis ang tibok ng kanyang puso sa kaba. Ano bang pinagsasasabi ng lalaking ito? Napaisip si Snow, 'Is he making an offer to save me?' Kung ibebenta niya ang kaluluwa niya sa kanila para lang mabuhay, may magbabago ba sa kalagayan niya ngayon? Pagak siyang natawa sa naiisip. Malamang ang isang normal na dalaga, pipiliin pang mamatay kaysa makipagkasundo sa isang estranghero. This man might even be Satan himself.

Pero kailan pa ba siya naging normal? Definitely, Snow White is anything but normal. She was crazy and hopeless, yes. Yes, she is. Matapos ang lahat ng kalbaryong naranasan niya sa buhay, kahit ano paniniwalaan niya.

'I'm going to take the road less travelled by and see where it goes', she mused.

It's not like she has anything to lose. Bahala na. Tatahakin na lang niya ang landas na ito, wala man siyang kasiguraduhan kung saan ito patungo.

Once upon a time, the story never started...

Sa mahinang boses, sumagot si Snow White.

"It's a deal."

THE END.

There is one who you belong to,
whose love-there is no song for.
And though you know it's wrongful,
there is someone else you long for.

Your heart was once a vessel,
it was filled up to the brim;
until the day he left you,
now everything sings of him.

Of the two who came to love you,
to one, your heart you gave.
He lives in stars above you-
in the love who came and stayed.

---"Love Lost", Lang Leav

- - - - -

Thank you for reading this twisted and dark fairytale. Feel free to recommend this to others and spread the madness. I hope you support the SWATSDS book once it's published. Stay awesome!

---NoxVociferans

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top