QUADRAGINTA TRES

Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Snow. Nang makabawi siya sa pagkagulat, agad niyang niyakap ang binata. "Y-You're back!" Mas lalong hindi na niya alintana ang panganib na hatid ng hardin na 'to ngayong nandito na ang panganay sa magkakapatid. Her heart skipped a beat when he chuckled. Kailan pa na naging ganito ang epekto ng control-freak na 'to sa kanya? She can't remember. It felt like an eternity since she saw him. His scent still lingered---fresh parchment with a hint of musculinity. 'Pero akala ko may sakit pa siya?'

"Are you done hugging me yet, princess?"

Namula ang dalaga nang marinig ang mga salitang 'yon. Mabilis siyang kumalas mula sa pagkakayakap niya dito at yumuko. "Paano ka gumaling? The last time I saw you--" Pero mabilis siyang pinutol ng binata, "Do you really think a mere sickness can harm me?" He smirked. Magsasalita pa sana si Snow nang biglang sumingit sa kanila si Gluttony. "Let's postpone the celebration. Mukhang nahihirapan na sina Greed at Lust doon!"

At sabay-sabay nilang nilisan ang madilim at misteryosong maze.

*
"Nasaan na ba si Gluttony?!"

Sigaw ni Greed sa kalagitnaan ng pag-ilag sa atake ng dalawang cyclops. Nanlaki ang mga mata ng prinsipe ng kasakiman nang bumuhat ng malalaking bato ang mga ito at ibinato sa kanila. Lust managed to deflect their attacks and sighed, "Maybe he took a snack break?"

Napapailing na lang si Greed. Kung sabagay, wala rin naman kasing pinipiling oras ang gutom ng kanilang kapatid. 'If so, sana naman bilisan na niya ang paglamon!' Naiinis nitong isip at pinanood ang pagsalag ng mga mangkukulam sa fireballs na likha ni Cerberus. Dadaluhan na sana ito ni Greed nang mapansin ang mga nilalang napapalapit sa kanila. One particular person caught their attention.

'I-Is this an illusion?'

Nagkatinginan sina Greed at Lust, parehong hindi makakilos sa pagkabigla. Lumapit sa kanila si Gluttony at Snow na pawang nakangiti. Pride rolled his eyes at their reactions, "Let's just get this over with." At seryoso nitong binalingan ang mga kaaway. Pride adjusted his eyeglasses and glared at them. Namutla ang ilang mga halimaw nang makita ang binata.

"Stay out of my mansion."

Puno ng awtoridad nitong sabi bago iminuwestra ang kamay. Sa isang iglap, nilamon ng malalaking apoy ang buong paligid. Napasinghap sina Snow nang nagkabitak-bitak ang lupang tinatapakan nila. Napansin rin ito ng mga kaaway na kababakasan na ng takot ang mga ekspresyon. They watched in horror as the sky turned into black ink, the ground melting into a pool of lava below their feet. Umalingawngaw ang ilang makapanindig-balahibong sigaw mula sa di-kalayuan.

Hell on earth.

Dahil dito, walang pagdadalawang-isip na nagtakbuhan papalabas ng malalaking gates ang mga nilalang ng Tartarus. The heavy black iron barrier closed behind them.

Napalunok si Snow sa kaba. "A-Anong gagawin natin?! We're going to burn alive!" Sigaw nito sa magkakapatid na kalmado lang nakatingin sa kanilang panganay. Lumingon sa direksyon niya si Pride at napangiti, "Nakalimutan mo na ba ang kakayahan ko, Snow?"

"Ha?"

At sa isang pitik ng kanyang mga daliri, naglaho na ang mahikang lumilikha ng ilusyon. Snow White blinked, speechless. 'He's an expert at making illusions.. Bakit ko nga ba nakalimutan 'yon?' Sa kanyang tabi, napahagalpak sa tawa ang apat na demonyo, halatang nang-aasar sa naging mga ekspreyon. Maging si Sloth ay nagpipigil na lang din ng tawa. Napabuntong-hininga na lang ang dalaga. 'Atleast we're alright..' Pero tuwing naaalala niyang malamang ay nakakulong ngayonsa kastilyo ni Hades sina Envy at Wrath, all that relief suddenly fades away.

"Nasaan sina Envy at Wrath?"

Nang tanungin 'yon ni Pride sa kanila, agad ring nanahimik ang mga binata. Tanging si Sloth lang ang naglakas-loob na magsalita, "Pag-usapan na lang natin sa loob ng mansyon. You have a lot of catching up to do, brother."

Sumang-ayon silang lahat.

Habang naglalakad papasok sa mansyon ang magkakapatid, lihim na napangiti si Snow. Pride is back.. Everything will be alright.

*
Tahimik na pinagmasdan ni Mr. Jeremy Hans Boswell ang kanyang mga likha. Nakatayo ang mga ito sa kanyang harapan, bahagyang nakayuko ang mga ulo. Parang kailan lang ay nakakulong siya sa loob ng kanyang pinakamamahal na Clockwork's Shop. Now, here he is---sitting on a throne like how a king should. "Time flies when you're having fun." Naibulong na lang nito sa sarili. Biglang bumalik sa kanyang alaala ang buhay niya bago mangyari ang lahat ng ito. Ang buhay niya bago siya makulong sa loob ng salamin.

'Ang mga alaala ay produkto ng oras,' he reminded himself.

Several centuries ago, Mr. Boswell was a human, a mere clockmaker. Hindi na niya maalala ang iba pang kaganapan sa kanyang buhay, yet the only memory he could recall is when he felt encaged in his own works. Napapalibutan siya ng kanyang mga obra maestra, ngunit ang isang katotohanan ang gumapi sa kanyang katinuan.. Ang katotohanang hindi niya madaya ang oras. Remi couldn't live as long as his timepieces. And the thought of leaving his clockworks behind as he rotted away into ashes is something he couldn't accept.

He is afraid of dying.

Isang araw, nabago ang kanyang buhay nang mapulot niya ang librong itim. Remi Boswell read the enchantments and spells. Nang mabasa niya ang patungkol sa pagkamit ng buhay na walang-hanggan, agad niyang sinimulan ang pangongolekta ng mga kaluluwa ng mga makasalanan. Soon, he started absorbing their remaining life spans and became invincible. He became obsessed with souls and how he can cheat on time itself.

It was his ambition to live as long as time could.

But that soon changed when the Seven Deadly Sins caught him.

Naikuyom ni Remi ang kanyang mga kamao sa galit. Malinaw pa sa alaala niya ang sinabi sa kanya ni Pride noon, ilang daang taon na ang nakakalipas: "Mortals can't escape death. Hindi mo pwedeng takasan ang huling hantungan.. You can only make the best of your life before we collect your soul." Iyon na lang ang huli niyang narinig bago siya nito isinilid sa salamin. Hindi na siya nakatakas pa noon dahil sa maze na ginawa nila sa silid. Ilang daang taong nakakulong ang kanyang kaluluwa sa Maze of Mirrors, his reflection wandering towards nowhere.

Ngunit nabuhayan ulit siya ng pag-asa nang may tatanga-tangang katulong ang napadpad sa silid na iyon. From there on, Mr. Jeremy Hans Boswell vowed to kill the Seven Sins---no matter what it takes.

"History repeats itself. Now, I'll use Snow White like how I used Christina. Poor, poor Christina."

Noong nakipagkasundo ang ina ni Snow sa kanya, ni hindi nito isinaalang-alang kung magiging masaya ba ito sa labas ng mansyon. Christina learned the hard way that living outside the mansion with humans is even more terrifying than living inside the mansion with demons. Napangiti si Remi sa naiisip at agad na umalis sa inuupuang trono nang marinig ang mga yabag ni Hades.

Remi doesn't fancy taking over Tartarus. Mas gusto niyang ang mundo ng mga tao ang pagharian niya.

He was afraid of dying..

"Now, death fears me."

*
Matapos mailahad kay Pride ang mga nangyari, matagal itong nanahimik. Although he remained calm on the exterior, kapansin-pansin ang paulit-ulit na paghawak nito sa salamin at pagsapo sa sentido. Snow White and the others knew that Pride is feeling aggitated like the rest of them. Kalaunan, huminga ito nang malalim at nagsalita, "Kailangan na muna nating itakas ang dalawa. If Wrath and Envy had managed to gather information, that might help us in the long-run against Boswell. We'll continue with our operations until we figure out what's going on." Tumango ang lahat.

Nang isa-isa nang umalis ang magkakapatid sa private study ni Pride, Snow White found the courage to walk up to him. Hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman niya habang kaharap ang panganay na kasalanan. 'Inamin ko sa kanya ang lahat ng nalalaman ko noong may sakit siya..' Hindi alam ni Snow kung narinig ba ni Pride ang mga sinabi niya, but now's a good time to find out.

"Pride? About what I said----"

"Sit down, princess. No need to get all nervous." Isang kalmadong ngiti ang ibinigay sa kanya ng binata. Sa mga sandaling iyon, napawi ang kabang nararamdaman ni Snow..medyo. Huminga siya nang malalim at naupo sa tapat nito. "Yung mga sinabi ko.. N-Narinig mo ba?"

Pride adjusted his eyeglasses. His calculating eyes met hers. "Ano sa tingin mo?"

Napayuko si Snow. Mukhang alam na niya ang sagot doon. Sino bang niloloko niya? Malamang nga narinig ni Pride ang lahat! Isang himala na lang ang makakapagligtas sa kanya mula sa kaparusahan nito. 'Damn guilt.. Stop clawing inside me!' Ngayon naman ay nakakulong sina Envy at Wrath sa puder ni Hades. Pakiramdam ni Snow ay kasalanan niya pa rin 'yon.

"You lied to us."

"A-Alam ko.. Itinago ko sa inyo ang katotohanan. B-But I have my own reasons for---"

"You've been selfish."

Parang tinarak ng punyal si Snow sa puso. Bakit ba mas masakit kapag ibang tao na ang nagsasabi?

Naramdaman ni Snow ang paghapdi ng gilid ng kanyang mga mata. Hindi na niya namalayang nanginginig na pala ang kanyang mga kamay. She tried so hard to stay strong.. Pero hanggang kailan nga ba niya kayang magpakatatag? Hanggang kailan nga ba niya kayang dayain ang sarili? Mas mainam na nga yatang magpakamatay na lang. She unconsciously touched the tattoo on her neck. Mag-iibang anyo na naman siya mamayang gabi. How twisted could her life possibly be?

"But things won't change just because we want it to. Hindi natin kayang baguhin ang mga bagay na nangyari na. What's done is done, princess... We could only prevent things from getting worse."

Nag-angat ng ulo si Snow sa mga salitang iyon. Noon niya lang napansin na nakatitig pala sa kanya si Pride. Walang emosyon sa kanyang mukha, ngunit nangungusap ang kanyang mga mata. Tama ba ang narinig niya? Baka naman nabibingi na si Snow?

"H-Hindi mo ako papatayin?"

"Isa kang mahalagang piyesa sa labang ito, Snow. We don't know what the consequences are if we make rash decisions. Sa ngayon, I'll lock you up in your room tonight and see if I can find a spell to cure you. Mahalagang magkaroon ng koleksyon bago pa man mahuli ang lahat."

Tumango si Snow. "Alam na ba nila Sloth?"

Matagal bago nakasagot si Pride. "Mas mainam kung tayong dalawa na muna ang nakakaalam ng katotohanan.. Unless, you've told anyone else?" Sa tanong na 'yon, napaiwas ng tingin ang dalaga. 'Alam ni Chandresh! Damn,' pero pinili na lang niyang manahimik. Hindi niya alam kung may ideya ba si Pride sa lalaking nakakulong sa kanyang salamin, pero siguro naman hindi na mahalaga kung alam ni Chandreh o hindi. What could possibly happen? Chandresh is trapped inside her mirror. He can't do any harm.

Matapos ang pag-uusap nila, mabilis na lumipas ang maghapon. Tulad ng nakasanayan, ginawa ni Snow ang mga gawaing-bahay (o gawaing-"mansyon") at nagtungo sa kanyang silid.

"Chandresh!" Pagtawag niya sa kaibigan. Sa isang iglap, nagliwanag ang salamin at ipinakita nito ang binatang may kulay lilang mga mata. Chandresh bowed down to her in greeting, as a prince would to his princess. "Mukhang masaya ka ngayon, Your Majesty? Have you found a cure to your curse?"

Naupo sa gilid ng kanyang kama si Snow, hindi maitago ang kasiyahan. "No, but even better.." At ikinuwento na nito ang mga nangyari. Tahimik lang na nakinig si Chandresh sa dalaga, tila ba may malalim na iniisip. Nang matapos sa pagdaldal si Snow, napitlag na lang siya nang may kumatok sa kanyang pinto. She hurriedly ran towards it and spotted Pride outside of her doorway.

"Pride? A-Anong ginagawa mo dito?"

"I want my tea served at exactly an hour from now. Understood?"

'Shit, oo nga pala!'

"O-Of course."

At umalis na ito. Nang maisara na niya ang pinto, napasapo na lang si Snow sa kanyang noo. How could she be so careless? Nakalimutan na niyang ipaghanda ng tsaa si Pride!

Lumingon siya sa silid. "Chandresh, I'll be right ba---"

"Kailangan mo akong ilabas dito sa salamin, Snow. Iba ang kutob ko sa mga nangyayari ngayon."

Napanganga si Snow White sa narinig. Nagtama ang mga mata nila ni Chandresh. Seryoso ang ekspresyon nito at parang nababahala. 'Anong meron?' Hindi maisip ni Snow kung ano ang nakapagpabago bigla ng mood nito. She walked closer to the prince. "Bakit? May problema ba?" Bigla niyang naalala ang ginawang pagtulong ng kanyang ina kay Boswell para makatakas sa salamin. Ayaw mang aminin ni Snow, pero kinakabahan siya sa mga posibleng mangyari. Will history repeat itself? Will she make the same mistake her mother made?

"Snow, you need to get me out of here and quick!"

Inilapat ni Snow ang kanyang kamay sa salamin. Ano bang nangyayari kay Chandresh? "What's wrong, Chandresh? Anong panganib ba ang ikinakatakot mo? Hindi kita maintindihan.."

"Just trust me, Snow.. Please. I'll explain everything once this is over. Mas matutulungan kita kung nandiyan ako sa tabi mo.. Mas mapo-protektahan kita."

Gustong matakot ni Snow sa mga nangyayari. Gusto niyang matakot sa ikinikilos ni Chandresh.. But her instinct's telling her to trust him. Inilapat ni Chandresh ang kanyang kamay sa salamin, katapat ng kay Snow. The barrier never felt so solid.

Napapikit na lang si Snow. Tama nga ba itong gagawin niya?

"Just tell me what I need to do."

Napangiti si Chandresh, his eyes full of love and admiration. "Thank you, Your Majesty."

Napapikit na lang si Snow. Tama nga ba itong gagawin niya?

"Just tell me what I need to do."

Napangiti si Chandresh, his eyes full of love and admiration. "Thank you, Your Majesty."

*

Hindi alam ni Snow kung ilang oras niyang kinalkal ang mga bookshelves kanina Library of Lost Souls para makahanap ng librong makakatulong sa kanila. Matapos niyang ihanda ang tsaa kanina ni Pride ay mabilis niyang pinuntahan si Sloth para hiramin ang susi dito. Idinahilan niyang gusto niyang linisin ang silid-aklatan ng prinsipe ng katamaran kaya't pinayagan rin siya nito. 'But of course, since I still have a trauma from the souls here, I won't dare!' Napangiti na lang si Snow nang makita ang hinahanap. A few minutes later, she's been dashing around the mansion to collect her needed ingredients.

"Sana naman gumana.." Mahinang sabi ng dalaga habang iginuguhit ang isang simbolo sa salamin gamit ang sarili niyang dugo. Hindi na ininda ni Snow ang sakit.. Ang iniinda na lang niya ay ang papalubog na araw. 'Magiging halimaw na naman ako.'

"Kung may alternative naman pala para makalabas ng salamin na 'yan, why didn't Boswell used this method? Bakit kinailangan niya pang maghanap ng ikukulong diyan sa loob?" She asked.

Napapailing na lang si Chandresh, "Kung hindi ako nagkakamali, this is only temporary. I might just last for a few days before my soul gets sucked up in here again."

Tumango na lang si Snow at inihalo ang toad eyes na nakuha niya kanina sa anatomy room. Mabuti na lang at pumayag si Mrs. Bones na kunin niya ito. Hindi na lang niya sinabi kung para saan..

"Anong una mong gagawin kapag nakalabas ka ng salamin?"

"I'll take over the world and kill the Seven Deadly Sins! BWAHAHAHA!"

Napahinto si Snow. Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi ni Chandresh. Nang akmang tatakbo na sana siya papalayo, biglang tumawa si Chandresh---a genuine laugh. "Biro lang.. Hahaha! Do you really think I'd do that? I'm not evil, Snow. I'm not like him."

Napabuntong-hininga na lang si Snow. "May tiwala ako sa'yo, Chandresh."

At sinimulan na niya ang ritual. Snow struggled to recite the spells on this book. Ilang sandali pa, unti-unting lumabo ang imahe ni Chandresh sa salamin. Snow White immediately poured the mixture on the mirror and waited. Habang hinihintay ang mga pangyayari, hindi niya maiwasang kabahan. Paano kung hindi gumana?

Suddenly, the mirror emitted a blinding violet light. Napapikit si Snow at hindi na niya namalayang naging lagusan na pala ang salamin.

Nagmulat na lang siya ng mga mata nang maramdaman ang pagyakap sa kanya ng dalawang bisig. When she stared at him, Chandresh flashed her a charming smile. Puno ng pagmamahal ang kanyang mga mata. Hinaplos ng binata ang kanyang pisngi.

"Ang yakapin ka ang pinakamagandang nangyari sa'kin sa nakalipas na siglo. Thank you, Snow."

---
On the other side of a mirror there's an inverse world,
where the insane go sane; where bones climb out of the
earth and recede to the first slime of love.

And in the evening the sun is just rising.

---"Antimatter",
Russell Edson

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top