QUADRAGINTA SEPTEM
Sa ilang gabi ng pagbabagong-anyo, nalaman ni Snow na ang emosyon ng kanyang diwa ay hindi nangingibabaw sa halimaw na kumukontrol sa kanya. It's like being disembodied, caged away from your physical body. Ilang beses na niyang sinubukang bigyan ng konsensya ang halimaw na itinatak sa kanya ni Boswell, but all those attempts failed miserably. Pero ngayon, habang umiilag siya sa mga atake ni Lust at ng iba pang kasalanan, alam ni Snow na nangingibabaw na ang pangamba sa kanya.
'This is madness!'
Sa madilim na kagubatan, umalingawngaw ang ingay ng machine gun. Tumalon papalayo si Snow at binalanse ang sarili sa isang sanga. Down below, she can see four shadows staring at her----four of the seven demons she serves. Narinig niya ang mahinang pagmumura ni Lust. "Hold still, damn it!" Sa isang iglap, lumagablab ang malalaking apoy na gumuhit sa malaking punong kinaroroonan ni Snow.
'I need to get out of here! Paniguradong papatayin ako ng apat na 'to!'
Pero mukhang iba ang gusto ng halimaw. Instead of running away, the monster roared and landed on the forest floor. Hindi nito alintana ang apoy na pumapalibot sa kanya. Naaninag ni Snow ang matatalim na mga mata ni Greed. Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang pumasok siya sa mansyon, nakaramdam siya ng takot sa binata.
Kapag nalaman niyang si Snow ang halimaw na kaharap nito ngayon, paniguradong hindi na siya tatawaging 'mademoiselle'.
"Die, you worthless creature!"
Sa isang kisapmata, napasigaw ang halimaw---hindi makilala ni Snow ang sarili niyang boses sa bibig nito. "GAAAAH!" Bumaon ang isang patalim sa tagiliran ni Snow at bumulwak mula rito ang kanyang dugo. The knife dug through the monster's dry flesh. Nanginginig niyang tinanggal ang kutsilyo. Paniguradong galing ang isang 'to sa Torture Room ni Wrath.
Bago pa man siya makabawi, agad siyang inihampas sa isang puno ni Gluttony. Her knight with a shining spoon and fork stared down at her coldly. Hindi na makilala ni Snow ang mga kasalanang ito..
'Parang kailan lang kumakain pa tayo sa ice cream mountains,' pagak na natawa si Snow sa naiisip. Pero isang makapanindig-balahibong atungal lang ang kumawala sa bibig ng halimaw. Gluttony and Lust neared her. Nasa likuran nila si Greed na wala ring emosyon ang mukha.
"Kung saan ka man pinulot ni Boswell, you'll surelly see what happens when you go against the Seven Deadly Sins."
Isang mala-demonyong ngiti ang pumunit sa bibig ng prinsipe ng kasakiman. She watched in horror as his fingers turned into claws. Tumakbo siya papalayo para umilag sa pag-atake nito. Soon enough, Lust laughed and started throwing fireballs at her direction. His husky and sadistic laughter tore through the forest's silence.
'Shit!'
Nagulat na lang si Snow nang sumugod ang halimaw. Dahil dito, nabigla ang tatlong magkakapatid. 'Damn it! Watch out!', she yelled inside her head. Mabilis niyang hinablot si Greed at ibinato papalayo---saktong natamaan si Lust at maging si Gluttony na naging dahilan para mahulog ang dala nitong sandwich. 'What the fuck? Pati sa ganitong sitwasyon, nakuha pa niyang magdala ng pagkain?!' Hindi alam ng dalaga kung matutuwa o matatawa ba siya.
Nakabibingi ang huni ng mga ibong nagambala sa pamamahinga. Unti-unting binalot ng makapal na usok ang kapaligiran. The blazing embers crawled up the tall trees and hid the night sky from view. Tanging itim na usok at galit na lamang ang natira..
'Stop! P-Please.. I don't want to hurt them!'
Halos magmakaawa na siya sa kanyang sarili. Binalot siya ng kaba nang muling bumangon ang tatlong prinsipe. The monster eyed them one by one and grinned wickedly. Panandaliang dumako kay Envy ang mga mata ni Snow. Bakit ba hindi siya nito inaatake? 'Wala na akong oras para alamin 'yon,' mapait niyang sabi sa sarili sabay silip sa kalangitan. Malapit nang magliwanag.
Lagot na.
Sinubukang tumakas sa madilim na kagubatan si Snow, her mouth open in mid-scream when Gluttony threw something at her. Nanlaki ang mga mata ng halimaw nang mapagtantong ang hawak nitong sandwich kanina ang binato sa mukha niya. 'Shit! This is peanut butter!' She realized when the monster choked on it.
"Akala mo makakatakas ka sa'min?!" Naiinis na sabi ni Lust. Nakakapanibago para kay Snow na makita itong hindi nakikipaglandian sa kanya. Even the playboy sin is losing his temper, and she finds it rare. Very rare. Bumaling si Greed sa kakambal. "BULLSHIT, ENVY! TUMULONG KA NGA DITO!" Hindi alam ni Snow kung namamalikmata lang ba siya, pero nakita niya ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Envy. Pero bakit?
Envy nodded and half-heartedly snapped his fingers. Kasabay nito ay ang paglitaw ng ilang blades. Kuminang sa apoy ang talim ng mga ito. Seryoso ang mukha ng kasalanan nang lumapit ito sa halimaw.
Bago pa man siya makagalaw, nagkabitak-bitak na ang lupa sa paanan ni Snow. Napasinghap siya sa kanyang isip nang makita ang walang katapusang apoy sa ilalim ng mga bitak na ito. She screamed when the voices of tormented souls echoed throughout the dark forest. 'Kung hindi 'yan ang impyerno, hindi ko na alam kung ano!' Nanghihinang lumuhod ang halimaw, umaalunig sa kanyang utak ang sigaw ng mga kaluluwa.
Bumubulong. Nang-uuyam. Naghihinagpis.
"NOW!"
Hindi na namalayan ni Snow ang pagpalibot sa kanya ng apat na kasalanan. Halos hindi na rin niya makita ang mga ito dahil sa tindi ng apoy at usok. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang kalamnan---isang indikasyon na malapit na siyang bumalik sa normal. Napapikit na lang ang dalaga. 'What's happening with my life?'
She can hear them. She can feel their anger. Baka nga mas mabuti nang mapatay siya ng mga ito. Ano pa bang ikinakatakot ni Snow? Her life has been a living hell. Maybe it's time to accept her tragic fate..
"SHIT! ENVY!"
"BROTHER, WHAT THE FUCK ARE YOU DOING?!"
"HOY!"
Narinig na lang niya ang pagtama ng metal sa metal. Napapitlag ang halimaw nang makitang nasalag ng mga patalim ni Envy ang pag-atake sa kanya nina Greed. Their blades fell to the ground, some fell to the lake of hellfire below. Nanlaki ang mga mata ng halimaw nang pati ang apoy na pinakawalan nina Lust at Gluttony at nagawang tablan ng pag-atake ni Envy. The fire dispersed into wisps of smoke, barely reaching her.
'A-Anong nangyayari?' Hindi makapaniwalang bulong ni Snow sa isip niya.
Nang magtama ang mga mata nila ni Envy, nakita niya ang emosyon sa likod ng mga ito. Kung kanina ay hindi sigurado ni Snow ang pag-aalinlangan niya, ngayon ay kitang-kita na niya ito. Envy's eyes expressed a thousand emotions all at once---almost making him vulnerable. Pero ang pinakanangibabaw dito ay hindi awa o pagkasuklam.
It was genuine concern.
Para bang sinasabi sa kanya ni Envy na kailangan na niyang umalis. Kailangan na niyang tumakas---at naunawaan ito ng dalaga.
Binagabag ng sandamakmak na mga tanong si Snow. Pero sa huli, iisa lang ang nangibabaw sa kanya..
'Envy.. Why are you doing this for me?'
Dahil dito, hindi na nagdalawang-isip ang halimaw at mabilis na tumalon, ilang talampakan ang taas sa ere, at ginamit ang kapal ng usok para makatakas sa mga kasalanan. The wind felt nice and deadly at the same time. Ilang sandali pa, nakikita na ni Snow ang pagliliwanag ng kalangitan mula sa distansya.
She cursed under her breath as her tattoo stained her skin with pain again. Mabilis niyang tinahak ang daan pabalik sa mansyon, nanghihina at malapit nang mawalan ng malay. Nahihirapan siyang huminga and she silently cursed her allergy for that.
*
Pinanood ni Envy ang papalayong bulto ng halimaw. Ang papalayong bulto ni Snow White, ang mortal na naging bahagi ng buhay nilang magkakapatid. 'I hope she'll be safe,' he thought and sighed. Patuloy lang na naglagablab ang apoy sa kapaligiran nila. Nasusunog na ang mga puno at nagsisiliparan na papalayo ang mga ibon. Kasabay nito ay ang pagguhit ng liwanag sa kalangitan.
When the smoke cleared, he can feel the glares coming from his three brothers.
Bago pa man siya makapag-isip ng dahilan, naramdaman na ni Envy ang malakas na pagsuntok sa kanya ng kakambal. The pain swelled on his left jaw as he stumbled back in surprise. Nang tingnan niya ang kakambal, agad siyang sinalubong ng inis nitong ekspresyon.
Bihira lang ito para kay Greed. As far as Envy knows, his brother isn't one to follow Wrath's footsteps and short temper.
"YOU LET THAT MONSTER GET AWAY! WHAT THE FUCK, ENVY?!"
Bago pa man siya masuntok muli ng kakambal, agad silang pinigilan nina Gluttony at Lust. Pagod na nagsalita ang prinsipe ng kamanyakan, "Killing each other won't solve anything. It's useless----parang condom na may butas." Isang tipid na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Lust. Bumaling naman si Gluttony kay Envy na hindi pa rin nagsasalita. Nang hingian siya ng paliwanag ng mga ito, iisa lang ang naisagot ni Envy: "Namali lang ako ng hagis."
Oo, namali lang ng hagis.
'Tsk. Even I won't believe myself with that lame excuse!' Napabuntong-hininga na lang si Envy nang sisihin siya ng mga kapatid niya. Sino ba namang nasa katinuan ang maniniwalang namali siya ng hagis kaya natamaan niya ang atake ng mga ito?
He's a liar. A bad one.
Pero hindi maaatim ni Envy na sabihin sa mga kapatid niyang sinadya niyang salagin ang atake ng mga ito para makatakas si Snow. He can't tell them that Snow White is actually the one terrorizing them---not yet. Actually, the only reason he was dragged into this is to protect her.
Pero sa sitwasyong 'to, habang papalapit na ang pagsapit ng ikapitong araw, mukhang may sari-sarili nang desisyon at plano ang magkakapatid.
"Sayang yung sandwich ko!" Reklamo ni Gluttony habang inaapula nila ang apoy.
Lust rolled his eyes. "Shut the fuck up! Buti sana kung makakatulong 'yan sa'tin!"
But maybe, it will.
*
Tahimik ang buong mansyon. Hindi na ito bago para kay Pride. For centuries, this mansion is as empty as its inhabitants. 'We're demons. Always were, always will be,' bulong sa isip ng panganay sa mga kasalanan. Ganoon pa man, iba ang gabing ito. Ramdam niyang may mangyayaring hindi maganda sa susunod na mga oras. Kung tama man o mali ang instincts ni Pride, walang paraan para malaman ito.
"Kung kaya lang sana nila nang wala ako.." But he doubts that. 'Those idiots can't even manage to operate the system properly.'
Napabuntong-hininga na lang si Pride at inayos ang salamin sa mata. Marahan niyang isinara ang pintuan ng kanyang Anatomy Room of Humans, Monsters, and Everything in Between at naglakad sa mga pasilyong naiilawan ng mangilan-ngilang kandilang nagkalat sa pamamahay nila. The faint glow of the candles gave the mood a dim and depressing touch. Just the way he wants it to be.
Sinilip ni Pride ang kanyang kamay.
Sa unang tingin ay wala itong laman, pero kapag tinitigan mong maigi, makikita mo ang matamlay na liwanag na nagmumula dito. 'Kailangan kong gawin ito..' Pride forced the energy back inside and rounded a corner. Nang mapadako sa bintana ang kanyang mga mata, napahinto sa paglalakad ang kasalanan nang makita ang isang 'di inaasahang tanawin.
"Snow?"
'Anong ginagawa niya sa labas?'
Nang mapansin niyang halos hindi na makatayo ang dalaga at may dugong dumadaloy mula sa kanyang tagiliran, mahinang napamura si Pride at nagmadaling nag-teleport sa kinaroroonan nito.
The frontyard of the mansion glowed with the pale sunrise in the distance. Sa kabila ng kagandahan nito, halos matumba na si Snow White sa pananakit ng kanyang katawan. Napangiwi siya sa sakit nang kumirot ang mga sugat na natamo. The deep cut Greed made on her side didn't help much. 'Akala ko ba sakim siya sa atensyon ko?' Mapait na isip ni Snow. Mayamaya pa, pagak siyang natawa na para bang nasisiraan na ng bait. "Wala akong karapatang magalit sa kanila.. hindi nila alam."
Though a small voice inside Snow is telling her that Envy knows. Naaalala ng dalaga ang pag-aalala sa mga mata nito kanina nang "tinulungan" siyang tumakas ng prinsipe ng pagkainggit. Hindi siya pwedeng magkamali. 'Alam niya..'
And it will only be a matter of time until all of them unveils her secret.
"Shit."
Dahil sa hilo, tuluyan nang nawalan ng balanse si Snow. Mahahalikan na sana niya ang damuhan kung hindi lang dahil sa mga brasong pumulupot sa kanyang beywang. Her half-lidded eyes found his. Lihim na napangiti si Snow nang makita ang lalaking nagdala sa kanya sa mansyong ito. Malinaw pa sa alaala ni Snow ang gabing dinala siya rito ni Pride noong mga panahong wala siyang mapuntahan---ang parehong gabi ng pagtakas niya kay Boswell.
"Pride.."
"We should get you inside, princess."
Iyon lang ang narinig ni Snow bago maglaho ang paligid. Kasabay nito, naglaho sa hangin ang simoy ng bukang-liwayway at ang payapang kulay ng kalangitan. She tried to stay awake, but her system failed her. Namalayan na lang ni Snow na tuluyan na siyang nawalan ng malay.
*
"A voice said, look me in the stars, and tell me truly, men of earth.."
Naalimpungatan si Snow sa boses na iyon. Alam niya ang sinasabi nito. Those lines are from one of the poetry books she managed to read in the private study while cleaning. Noong una ay hindi maunawaan ni Snow ang kahulugan nito.. O baka naman ayaw lang niyang unawain?
"..If all the soul-and-body scars, were not too much to pay for birth." Pagtatapos ni Snow sa tula. Ano nga ba ang kabayaran kapag isinilang ka? There's just something about the right combination of words that makes her heart skip a beat. Nang magmulat siya ng mga mata, sinalubong agad siya ng tatlong bagay: katahimikan, kadiliman, at ang malalalim na mga mata ni Pride.
The eldest sin nodded at her, "Kung nagawa mong kumpletuhin ang mga linya sa tula ni Robert Frost, malamang ayos na nga ang pakiramdam mo."
Nanghihinang umupo si Snow, halos wala siyang maaninag sa paligid. "B-Bakit ang dilim?" Alam niyang hindi angkop sa ganitong sitwasyon, but the thought of them being inside a dark room together makes her nervous. Kailan pa ba siya kinabahan kay Pride? Nakakapanibago. But in a twisted and crazy mansion like this, anything can happen. Anything.
"We're inside my room."
Napanganga si Snow sa narinig. Kung kanina lang ay kinakabahan siya, ngayon ay triple na ang kabang kumikiliti sa puso niya. Snow White forced to remain calm. Bago pa man siya makapagsalita, inunahan na siya ng malalim na boses ng binata, "Before you jump into conclusions like most women do, dinala kita dito dahil nanghihina ka kanina. Nawalan ka ng malay dahil sa dami ng dugong nawala sa'yo.."
Napapailing na lang si Snow nang bumalik sa kanya ang alaala ng mga nangyari. All this stress is too much for her. Wala namang nakalagay na ganito sa kontrata niya noong pumasok siya sa mansyon ah? Napabuntong-hininga na lang ang dalaga.
"Bakit ba ang kumplikado ng lahat? Why can't my story be like those shitty fairytales where you get a pair of glass slippers and a fairy godmother?"
Sa kadiliman ng paligid, naaninag ni Snow ang pagngiti ng kausap. "Una, ang simpleng buhay ay hindi matatawag na buhay. Living is a synonym for surviving. Kung hindi ka handang harapin ang mga hamon ng buhay, mabuti pang tumalon ka na lang sa tulay." Snow can hear the humor in his voice. Mahinang natawa ang katulong at hinayaang magpatuloy si Pride, "And for the record, you can't have a story with glass slippers and a fairy godmother because your fairytale is different from Cinderella's. Hindi mo pwedeng asahan na pareho ang magiging paglalakbay ng dalawang magkaibang bida sa dalawang magkaibang istorya."
Napayuko si Snow. Mukhang tama siya. Kung sabagay, kailan pa ba nagkamali si Pride?
Sinubukan na lang niyang ibahin ang usapan. "Err.. Ngayon ko lang napuntahan 'tong kwarto mo."
"Obviously." Ilang sandali pa ang lumipas bago idinagdag ni Pride sa isang mahinang boses, "this is actually my favorite part of the mansion."
"Talaga?" Hindi naitago ni Snow ang kuryosidad sa kanyang boses. Mukhang lahat silang magkakapatid ay may paboritong silid sa mansyon. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mapapadpad si Snow sa paboritong silid ng panganay. Now, she wonders if this is as extravagant as Gluttony's Dessert Room or as creepy as Envy's cemetery.
"Gusto mo bang makita?" Tanong ni Pride sa kadiliman. Tumango naman si Snow at hinintay ang kung anumang mahika. Narinig niya ang pagpitik ni Pride ng kanyang mga daliri at agad na nagliwanag ang buong silid.
'What the hell?'
Snow White felt her excitement vanish. Noong sinabi ni Pride na ito ang paborito niyang silid sa mansyon, inaasahan talaga niya ang pagiging malaki nito o ang pagkakaroon ng di-kapani-paniwalang landscape---or anything spectacular! Pero nang buksan na niya ilaw (Oo, iisa lang pala ang ilaw sa kwarto na ito. Isang maliit na bombilya), Snow felt herself shocked and disappointed. Pinagmasdan niya ang apat pader. Walang disenyo at normal lang ang laki ng espasyo. Walang kahit bintana!
"This is...empty."
Baka naman pinaglololoko lang siya ni Pride? Paano niya naging paboritong 'to? Kahit kama pala, wala! Nakahiga lang sa sahig kanina si Snow.. There's nothing to see!
Pero umiling ang panganay na kasalanan at ngumiti. "Yes, this room is empty. Just like me."
'Mukhang kahit si Pride ay may tinatagong ka-"emo"-han,' Snow White concluded.
---
Indeed, indeed, I cannot tell,
Though I ponder on it well,
Which were easier to state,
All my love or all my hate.
---"Indeed, Indeed, I Cannot Tell",
Henry David Thoreau
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top