QUADRAGINTA QUATTOUR
"Chandresh! Bilisan mo na ngang kumain!"
Natatarantang sabi ni Snow sabay tingin sa pinto ng kanyang silid. Kada may naririnig siyang mga yabag, kinakabahan ang dalaga sa mga posibleng mangyari. If one of those sins would suddenly pop up, malamang hindi alam ni Snow kung paano ipapaliwanag sa kanila ang presensiya ng lalaking lumalamon ng ham and cheese sandwich ngayon sa kanyang kama. Sinamaan niya ito ng tingin nang nagreklamo pa ito sa lasa.
"Cha---"
"I'd prefer rye bread over white bread," sabay kagat nito sa sandwich at lalong sumimangot, "May hinalo ka ba dito sa tinapay? Where do you even buy these things?"
"Chandre---!"
"You know, I've forgotten about a lot of things.. Pero sigurado talaga akong hindi dapat ganito ang lasa ng sweetened ham. And the cheese is---!"
Napasapo na lang si Snow sa kanyang noo. Parang gusto na niyang ihagis pabalik ng salamin ang isang 'to. "THEN DON'T EAT, DAMN IT! ANG DAMI MONG REKLAMO!" Nang mapagtanto ni Snow na napalakas ang boses niya, agad niyang tinakpan ang bibig at mahinang napamura nang marinig sina Greed sa labas ng kanyang pinto.
"Mademoiselle, are you alright?"
Nagmamadaling pumunta sa pinto si Snow at alanganing ngumiti. "A-Ayos lang ako. M-May malaking daga lang.."
"Really? Do you want me to check on it?"
"NO!"
Kumunot ang noo ni Greed at nang nagtangka itong sumilip sa loob ng kanyang silid, Snow White pinched his cheek and nervously laughed. Bahagyang namula ang mga pisngi ni Greed sa ginawa nito. A blush, perhaps?
"H-Hahaha! No. I can handle it, Greed. Baka naman namamalikmata lang ako kanina.."
Naningkit ang mga mata ng binata, mukhang hindi pa rin kumbinsido. "Sigurado ka ba? Baka----"
"I'm fine, Greed!"
At mabilis na niyang isinara ang pinto. Napasandal pa roon si Snow at hinintay ang tunog ng paglalakad nito papaalis bago napabuntong-hininga. She quickly locked the door and turned to Chandresh. Napameywang si Snow nang makitang nakayuko na ang prinsipe at halatang guilty. Hindi na nito tinapos ang kinakain niyang sandwich.
"Muntik na tayong mahuli! Chandresh, alam ko namang naninibago ka sa pagiging tao ulit, but you just can't irritate the hell out of me and draw attention!"
Napuno ng katahimikan ang silid bago nagtama ang kanilang mga mata. Aaminin ni Snow na hanggang ngayon ay nakakaramdam siya ng hiwaga sa kulay lilang mga mata ng prinsipe. How could anyone have majestic violet eyes and get away with it? Ang mas nakakairita pa rito, kumportable ang pakiramdam niya kada tinitingnan niya ang mga ito. Isang malungkot na ngiti ang ibinigay sa kanya ng binatang nakakulong dati sa kanyang salamin at itinabi nito ang kinakaing sandwich. He looked sincere and guilty at the same time, "I guess I'm not used to living in the real world anymore. O baka sadyang umiiral ang pagiging 'prinsipe' ng pagkatao ko. Either way, I'm sorry.. Your Majesty."
Bahagyang yumukod sa kanyang harapan si Chandresh na ikinabigla naman ni Snow. 'He's really a prince--in every sense of the word,' isip-isip niya. She sighed and averted her eyes to the sunlight coming from the window.
"Tama na ang drama. Pareho tayong may mali.."
At iyon ang totoo. Ipagkaila man ni Snow sa sarili niya, alam niyang naii-stress na rin siya sa mga nangyayari. Kagabi lang pagkatapos niyang palayain sa salamin si Chandresh, naging halimaw na naman siya. Katulad ng dati, halos wala na naman siyang maalala. Nagising na lang siya na nakahiga sa sahig at puno ng sugat ang katawan. Chandresh immediately rushed to her aid earlier and helped her. Pagkatapos nito ay nagmadali siyang bumaba para ipagluto ng almusal ang magkakapatid (actually, kay Gluttony lang talaga) at mabilis na gumawa ng sandwich para sa prinsipe.
'And the rest is history,' sinilip ni Snow ang repleksyon sa salamin at nakitang apat na lang ang beads na naroon sa itaas ng tattoo. If they can't find anything in the next four days, mukhang mas malaking problema pa ang kakaharapin nila. Napapailing na lang ang dalaga. Nandito naman na si Pride. Magiging ayos naman na ang lahat, 'di ba?
"Hindi kaya may kinalaman ang magaling kong ina sa sumpa na 'to?"
Nabigla si Snow sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Kung anu-ano na lang talaga ang naiisip niya. Maging si Chandresh ay parang napaisip dito. He sat on the edge of her bed and tapped his chin, "Patay na siya, 'di ba? At kung may alam man siya sa nangyayari sa'yo ngayon, bakit hindi niya pinigilan si Boswell?"
Pagak na natawa si Snow at naupo sa tabi niya. "Malamang dahil wala siyang pakialam sa'kin. For all I care, sana itinapon na lang niya ako sa basurahan noong sanggol ako. Kahit kailan naman, hindi ako tinanggap ng mundo."
"Stop saying that."
Tumaas ang kilay ng dalaga. "Stop saying what?"
"Tsk. Stop talking as if you're the only one with problems.. Naisip mo na bang may iba pang mas malala ang sitwasyon sa'yo? Hindi lang ikaw ang minalas sa buhay, Snow. Don't depress yourself thinking that the world hates you."
Snow White stared at him. Mukhang may pinanghuhugutan rin ang lalaking 'to. In that brief moment, she wondered if being a prince is also a burden for him. Ano nga bang buhay ni Chandresh bago siya nakulong ng ilang siglo sa salamin? Huminga na lang siya nang malalim at isinantabi ang mga naiisip niya. Alam ni Snow na may tamang panahon para alamin ang lahat. Sana lang ay dumating ang tamang panahon na 'yon bago pa mahuli ang lahat.
"Look, just forget about what I said. Wala na rin namang kwenta kung iisipin pa natin 'to dahil patay na si Christina," pagtatangka ni Snow na tapusin ang usapan. Pero mukhang hindi papatinag si Chandresh. Snow could almost see the gears in his head working.
"Snow, can't you see? Kung may alam ang nanay mo sa sumpa, baka alam rin niya kung paano 'to mapawala!" Nakangiting sabi ni Chandresh na para bang nabuhayan ng pag-asa. 'Kung may alam man siya sa sumpa ko ngayon, atleast naiintindihan ko na kung bakit ipinamigay na lang niya ako kay Boswell noon.'
"She's dead. Hindi natin siya makakausap, pwera na lang kung may ouija board ka sa bulsa."
"Your Majesty," nabigla na lang si Snow nang hawakan ni Chandresh ang kanyang mga kamay. His hands felt warm. Chandresh smiled, an attempt to reassure her, "you can't run away from your mother forever."
"H-Hindi mo ako naiintindihan!"
"Snow, baka ito ang---!"
"Ayoko!"
Marahas na binawi ni Snow ang kanyang mga kamay. Napabuntong-hininga na lang si Chandresh at tumango. Alam nitong hindi na niya mapipilit pa ang dalaga, "Fine. We'll search things up in the Library of Lost Souls. Pero kapag wala talaga tayong mahanap, kailangan mo nang harapin ang takot mo. Christina might be the missing piece we need..unless you want your seven sins to die."
Natigilan si Snow nang marining 'yon.
'There's got to be another way!'
Pero paano nga kaya kung wala nang ibang paraan? Paano kung wala silang mahanap na ibang lunas? Napipilitang tumango si Snow. Bahala na. Imposible naman nilang makausap ang patay, 'di ba?
Ganoon pa man, alam ni Snow na hindi niya maaatim na makaharap ang babaeng 'yon. Kung galit man siya rito dahil sa pagpapabaya nito sa kanya, mas dumoble pa ang galit niya ngayon dahil sa nalamang nakaraan nito.
Tinitigan ni Chandresh ang dalaga. Mukhang malalim na naman ang iniisip nito. Base sa ekspresyong ipinapakita ni Snow, alam niyang naguguluhan na rin ito sa mga nangyayari. Still, he can see a veil of fear concealing the girl inside. Pilit niyang tinatakasan ang nakaraan, kahit pa alam nilang dalawa na konektado pa rin ito sa kanilang kasalukuyan. Minsan, hindi na alam ni Chandresh kung bakit niya gustong protektahan ang babaeng 'to.
'Baka tuluyan na lang din akong nabaliw sa ilang siglong pagkakakulong sa salamin na 'yon..' Isip-isip niya.
A small smile crept on Chandresh's lips as he placed his hand ontop of hers, "We'll figure it out, Your Majesty. I promise."
*
Ilang oras bago mananghalian, pinili ni Snow na magwalis na lang muna sa bakuran bago mapasabak muli sa pagluluto. Pinagmasdan niya ang likod-bahay (o tinatawag niyang likod-"mansyon") at napangiwi sa dami ng tuyong dahon na tumatakip sa patay na damo. Leaves of different shades of orange to brown scattered everywhere! Halos takpan na ng mga ito maging ang hukay kung saan siya ibinaon dati ni Cerberus. 'Damn. Ayoko nang maalala 'yon..' Napabuntong-hininga na lang si Snow at sinimulan nang walisin ang mga dahon. "Nakakapagtaka lang talaga dahil puro patay naman na ang mga puno dito. Tsk!"
Overhead, the sky was tinted a marvelous blue. Sa kauna-unahang pagkakataon magmula nang mapadpad siya sa mansyong ito, walang itim na ulap sa kalangitan. Maaliwalas at buhay na buhay---isang malaking kabaliktaran ng mansyong puro pagluluksa at pagkamatay ang ipinapakita.
Nang mangalahati na siya sa trabaho, napaupo sa isang gilid si Snow at nagpunas ng pawis. "Hay! Minsan talaga sasabihin ko na sa kanilang kumuha ng isa pang katulong!" Pero kapag naiisip niya 'yon, parang gustong tumawa ni Snow. Another maid to endure such torture and horror in the mansion of the Seven Deadly Sins? 'Wag na lang pala. Baka mabaliw lang ito. Actually, Snow White is surprised that she isn't mental herself---yet. Sa mga sandaling 'yon, naisip bigla ni Snow ang katulong na nawala sa katinuan, ang parehong katulong na minahal ni Sloth: si Monique.
'If memory serves me right, nabaliw siya dahil sa mga nalaman niya..'
Nalaman ni Monique ang sikreto ng Seven Deadly Sins. Iyon ang kayang linawin ni Snow sa sarili. 'Yon rin ang dahilan kung bakit kinailangan siyang patayin ni Wrath. Napahawak sa kanyang leeg si Snow.. Kung darating ba ang katapusan ng pitong araw, kakailanganin ba niyang pigilan ang sarili na matuklasan ang sikreto nila?
Nagdududa si Snow doon.
'Boswell is always a step ahead of us.. Malamang mayroon na siyang plano para gawin 'yon..'
And then, there's Pride. Hindi maitago ni Snow ang tuwa ngayong magaling na ito. Now that he's back, he'll have to carry the burden of everything. Paano ba nagagawa ni Pride 'yon? At isa pa----
"Overthinking can cause an early death.. pwera na lang kung ako ang iniisip mo."
Napaangat ng ulo si Snow nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Halos mapabalikwas siya nang makitang nakatayo si Pride sa kanyang harapan. She immediately stood up and rolled her eyes. "May rason ba ako para isipin kita? The last time I checked, your name is 'Pride', not 'Narcissist'!"
Pride adjusted his eyesglasses. Isang pagod na ngiti ang iginawad nito sa dalaga, "Mukhang hindi mo na napipigilan---"
"N-Napipigilan ang ano? HOY, HINDI KITA INIISIP! 'WAG KANG ANO!" Gusto nang sabunutan ni Snow ang kanyang sarili. Ano bang sinasabi niya? At bakit ba siya kinakabahan?!
The eldest sin blinked several times, saka ito natawa sa reaksyon ng kanilang alipin. "What the hell are you saying? Hahaha!" Matapos ang ilang nakakahiyang segundo, ipinagpatuloy na ni Pride ang sasabihin. Ngayon ay seryoso na ang ekspresyon nito, "Tulad ng sinasabi ko kanina bago mo ako pinigilan, mukhang hindi mo na napipigilan ang pag-iibang-anyo mo sa gabi. I tried conjuring up some spells to prevent you from escaping your bedroom, but it was no use. Mukhang mas malala pa ang sumpa kaysa sa inaasahan ko."
Napaiwas ng tingin si Snow. Alam na niya ang kasundo nito.
"W-Wala na naman ba kayong nakolekta kagabi?"
Umiling si Pride. Noon lang napansin ni Snow ang eyebags nito. Mukhang hindi nakatulog kagabi ang panganay dahil sa krisis na kinakaharap nila, at kasalanan na naman 'yon ni Snow.
Napayuko na lang siya sa hiya at sama ng loob. Baka naman pwede pa niyang lunasan 'to sa pagpapakamatay? Maybe then, everything will get better. Kaso, magkikita sila ng pinakamamahal niyang ina sa lawa ng apoy. That's the downside of suicide---it's still a sin. "Siguradong nagsisisi ka nang ipinasok mo 'ko dito sa mansyon niyo."
Matagal bago nakasagot si Pride.
"Mansyon natin.."
Snow White turned to look at him, pero nakatalikod na ang binata sa kanya. Ramdam ni Snow ang pagbilis ng kabog sa kanyang dibdib sa sumunod nitong mga salita.
"..and I don't regret anything."
At naglakad na papalayo si Pride.
---
In going from room to room in the dark,
I reached out blindly to save my face,
But neglected, however lightly, to lace
My fingers and close my arms in an arc.
A slim door got in past my guard,
And hit me a blow in the head so hard
I had my native simile jarred.
So people and things don't pair any more
With what they used to pair with before.
---"The Door in the Dark",
Robert Frost
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top