QUADRAGINTA DUO

"WE'RE UNDER ATTACK!"

Nagkatinginan sina Snow at Sloth. Alam nilang madalas ay natataranta si Gluttony sa maliliit na bagay at nae-exaggerate nito ang mga pangyayari ("IT'S THE END OF THE WORLD!" sabi nito noong naubusan sila ng pagkain sa refrigerator, "MAGUGUNAW NA ANG TARTARUS!" noong inagaw ni Wrath ang huling liyempo sa hapag, etc.), at sa pagkakataong ito, hinihiling ni Snow na isa na naman ito sa mga pakulo niya. But the look on the food-lover's face was quite convincing.

"Brother, nawalan na naman ba ng ketchup sa kabinet?" Sloth yawned.

Natatarantang iwinagayway ni Gluttony ang kanyang mga kamay at sinamaan ng tingin ang kapatid, "Damn you, Sloth! Inaatake nga tayo---!"

Ilang sandali pa, narinig ni Snow ang pwersahang pagbukas ng mga gate ng mansyon kasabay ng bahagyang pagyanig ng lupa. Nanlamig ang buong katawan niya sa isipin, 'Inaatake na ba kami ng mga kampon ni Mr. Boswell?' Lalo lang bumigat ang kanyang pakiramdam. The weight on her chest only intensified.

"Sloth, anong gagawin natin?!"

"Fuck this!"

Agad namang tumayo si Sloth at akmang magte-teleport na sana sa labas nang hawakan siya ng dalaga sa braso. "Sloth, may kailangan akong sabi----!"

"It's time to use your combat skills, Snow. Kailangan nating depensahan ang mansyon." Seryoso nitong sabi at mabilis nang naglaho sa kanyang harapan. Nang lingunin ni Snow ang kinaroroonan ni Gluttony, napansin niyang wala na rin ito. Mukhang mapapasabak sila ngayon! Sa mga nalaman ni Snow, hindi na talaga siya nagtakang alam ni Mr. Boswell ang lokasyon ng mansyon ng Seven Deadly Sins. He's been here before, and now, he's using his minions to wreck havoc.

"Wala na talagang normal na nangyayari sa buhay ko!"

Namalayan na lang ni Snow na tinatangay na pala siya ng kanyang mga paa sa pasilyong magdadadala sa kanya sa main doors. Suddenly, the hallway felt colder than usual. Hinihingal man, ramdam ng dalaga ang paglakas ng kabog sa kanyang dibdib. Nang marating na niya ang bukana ng eleganteng mansyon, napamaang si Snow nang makita ang mga nilalang na nakapalibot sa kanila.

"It seems that those clockwork-fuckers aren't the only ones who want us dead. Mukhang nakapila na sila para pugutan kami ng ulo."

Beside her, Lust eyed the army with a grave expression. Napatingin siya sa hawak nitong patalim na mukhang galing pa mismo sa mga "koleksyon" ni Wrath. Tulad ng sinabi nito, mukhang hindi lang ang clockwork monsters ang poproblemahin nila ngayon. Snow White stared in horror as a dozen creatures---werewolves, mummies, cyclops and witches---surrounded the mansion of the Seven Deadly Sins, ready to attack. 'Mukhang pati ang mga taga-Tartarus, naiimpluwensiyahan na ni Boswell..' Mapait nitong isip bago sumiklab ang gulo.

"Don't let them in!"

Sigaw ni Sloth nang sinimulan na siyang kuyugin ng mga higante. The demon prince swiftly jumped high in the air and kicked their heads before strandling them. Sumunod naman sina Gluttony at Greed na pinatamaan ng apoy ang mga lobong pawang limang beses na mas malaki sa kanila. Their sharp teeth tried to ripped off their flesh. Gluttony managed to kick one off him before breaking its hind leg.

'This is madness!'

Umatake ang ilang mga bruha, nakasakay sa kanilang broomsticks at may ibinubulong na mahika. "Shit!" Napatalon papalayo si Snow nang biglang sumulpot ang mga sanga mula sa kung saan. Napadaing pa siya nang madaplisan pa siya ng mga tusok nitong mukhang nakamamatay. Natawa ang mga mangkukulam, "HAHAHAHA! Poor maid!"

The witches laughed as the circled the mansion from high up in the air.

Mabilis na kinuha ni Snow ang lubid ng malalaking kurtina at naghanap nang pwedeng sakyan. Chaos went on around her and the sounds of spells and swords clashing erupted from everywhere. Isang malakas na pagsabog ang sumira sa isang bahagi ng Fountain of Tears habang nakikipagbuno naman si Lust sa isang mummy. 'Think, Snow.. You need to help them!' Just then, an idea came to mind. Agad siyang tumakbo sa gitna ng bakuran at pumito.

"WOOF! WOOF!"

Ilang sandali pa, lumitaw mula sa bakuran ang dambuhalang aso. Sa kauna-unahang pagkakataon, natuwa siya nang makita ang alaga ni Wrath. Its dark fur shone under the scorching sun, three heads barking at her while its snake-like tail knocked off some enemies. Napangiti si Snow at mabilis na sumakay sa likuran ni Cerberus. Mabuti na lang talaga at minsan, matino ito. Snow smirked, "Come on, boy! We have some witch-fishing to do!"

"WOOF! WOOF! WOOF!"

Mabagsik na nilapa ni Cerberus ang ilang cyclops na nagtangkang umatake sa kanila. One of its heads angrily barked and made a fireball---na tumama sa ulo ng isang mummy. Lalong umingay ang paligid at kasabay nito ay ang pangbibingwit ni Snow sa mga bruhang nasa ere. The rope successfully wrapped around the broomstick.

"Anong ginagawa mo, morta---AAAAH!"

'And that's how you improvise,' she smugly thought.

Bumulusok pababa ang katawan ng isang bruha nang nagawang hatakin ni Snow ang sinasakyan nitong walis, na naging dahilan para mawalan ito ng balanse. Inulit niya ito sa iba pang mangkukulam na sinubukan siyang patamaan ng ilang mga botilyang sumasabog kapag tumatama sa lupa.

"Paano ba sila nakapasok dito?!" Sigaw ng dalaga sa gitna ng ingay at pagpaslang sa mga nilalang na ito. Lust cursed under his breath and punched a mummy who attempted to tackle him to the ground, "Ang Seven Sins ang bumubuhay sa mansyo---Damn it!" With great force, Lust threw the mummy away like a rag. Napangisi ang prinsipe ng pagnanasa nang lumagapak ang kaaway sa maze, "Kami ang bumubuhay ng mansyon, baby. Humihina ang depensa nito ngayong hindi kami kumpleto."

"Kaya pala.." Pinasadahan ng dalaga ng tingin ang paligid. Mukha namang sisiw lang sa tatlong magkakapatid ang laban na 'to kahit pa marami silang pinoproblema. Alam ni Snow na malamang ay sinadya na naman ito ni Mr. Boswell. 'That fucking bastard!'

"GRRR! WOOF! WOOF!"

Muntik nang mawalan ng balanse si Snow nang nagpaikot-ikot si Cerberus, maging ang ahas nitong buntot ay naging agresibo. "W-What's wrong, Cerby?" Lumingon ang isang ulo ng higanteng aso sa likuran ni Snow. Cerberus' canines flashed a deadly impression. Mabilis na napansin ni Snow ang lobong nakasampa sa likuran ng tagapagbantay ng mga harang ng impyerno. The werewolf stood on its two hind feet, tall and towering. Abuhin ang kulay ng balahibo nito at mukhang tadtad ng galis ang balat. Umatake ito kay Snow, nakalabas ang matatalim nitong mga pangil na mukhang pupunit ng laman.

Mabilis na tumalon pababa si Snow at hinarap ang halimaw. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa lubid at nag-isip ng paraan para maigapos ang lobo. 'I'm seriously not trained to deal with werewolves!' When the giant wolf attacked, she immediately sent a roundhouse kick on its face. Gamit ang liksing natutunan sa training, nagawang umilag ni Snow sa pananakmal nito. When she tried to land a hit again, Snow was taken aback when the giant creature was soon joined by several others.

Limang werewolves na ngayon ang nakapalibot sa kanya.

'Ano nang gagawin ko ngayon?' Pilit niyang pinakalma ang sarili at nag-isip ng paraan. Nang makita niya ang maze sa di-kalayuan, lihim siyang napangiti.

"Catch me if you can, stinky dogs!"

Sa distansya, walang kahirap-hirap na ibinalibag ni Gluttony ang ilang kaaway na nagtangkang pumasok sa mansyon. He smirked and conjured up flames that later on engulfed his enemies. Napadako ang mga mata niya nang tumakbo papalayo ang ilang mga lobong lalapitan na sana niya. 'They're running away from me already? Awesome!' Pero agad ring naglaho ang kanyang ngiti nang mapansing sinusundan pala ng mga ito si Snow na patungo sa madilim na maze. Napanganga na lang ang binata nang makita ito. "SUGAR-PLUM! 'WAG KANG PUMUNTA---"

Hindi na niya ito makita.

"---diyan.."

Huli na nang maglaho na ang mga ito sa likod ng masukal na halamanan. The hedges immediately moved on its own, sealing the entrance of the garden maze. Napabuntong-hininga na lang si Gluttony at sinundan ang kanyang sugar-plum. It looks like she need a knight with a shining spoon and fork again.

*
Wrath tried to break the chains that bounded them to the walls, but it was no use. Mahina siyang napamura. Kung anumang mahika ang ginamit nina Boswell dito, they've done a pretty good job at it. "Alam mo ang nakakaasar pa dito? Imbes na sa mga kulungan, talagang sa guest room pa nila tayo kinulong! Bullshit with Hades and his fucking antics!" The second eldest growled and tried to bite off the metal. Desperado na siyang patayin ang isang 'yon! Sisiguraduhin niyang wala nang paglalagyan ang kayabangan ng bwisit na 'yon!

Sa kabilang banda, tahimik namang nakatitig sa sahig si Envy, mukhang malalim ang iniisip. Napansin ito ng kapatid.

"Hoy! Mamamatay na nga tayo dito, tapos ikaw nagmumuni-muni pa diyan? What the fuck, brother?"

"I'm thinking of the possibilities."

"Possibilities of what?"

Napapailing na lang si Envy, "Of everything that's going on! He's using our maid against us, brother.. Mukhang talo na tayo."

Sa mga salitang ito, tuluyan nang tumigil sa pagpupumiglas si Wrath. Kumunot ang kanyang noo. 'Ano bang pinagsasasabi ng gagong 'to?' Pagak siyang natawa, "Why the heck is Snow involved? Imposible ang sinasabi mo." Pero bakit parang masama ang kutob ni Wrath dito?

Envy glared at him.

At ipinaliwanag na niya rito ang napakinggan kanina. Nang masuri ni Wrath ang sitwasyon maging ang kakaibang mga kilos ni Snow nitong mga nakaraang araw, sumiklab ang galit sa kanyang loob. Mukhang naglilihim nga sa kanila ang dalaga. Huminga nang malalim si Wrath. Ayaw man niya itong gawin, pero malamang ito rin ang gagawin ni Pride kung siya ang nahaharap sa parehong sitwasyon.

"Kausapin na muna natin, Wrath.. Maybe she's ju----!"

"I'll deal with her when we get home."

*
Hindi alintana ni Snow ang pananakit ng mga paa. Naaalala niya ang unang araw niya sa mansyon, 'yon din kasi ang unang araw na dinala siya dito ni Envy. She can vaguely remember the maze being this dark and creepy, pero sa pagkakataong ito, wala na siyang pakialam. Nasanay na siya sa panganib na bumabalot sa mansyon. Now, all she could think about is the sound of werewolves hauling at her from a distance. Malapit na ang mga ito.

"Damn it!" Mabilis siyang yumuko nang may sangang humarang sa kanyang daan. Lumingon siya sa likod at nakita ang unti-unting paggalaw ng halamanan. Her eyes spotted the wolves. Nang makita siya ng mga ito, mabilis silang sumugod kay Snow. Dumoble ang kabang nararamdaman ng dalaga habang papalapit ang mga ito sa kanya. Huminga siya nang malalim, 'You can do this Snow!'

At mabilis niyang tinali sa isang sanga ang kabilang bahagi ng lubid. She jumped out of the way, just in time before their claws pierced her skin. Hinila niya ang lubid at tumakbo paikot sa mga lobong ito. Snow White slid under them and looped the rope around their own mouths before tying it up. Kamuntikan pa siyang kagatin ng isa sa mga ito.

Napangiti siya nang makitang nakabuhol na ang mga lobong ito, hindi makakilos at nakatali ang mga bibig. Nagpupumiglas ang mga lobong ito, lalo na noong unti-unti silang nilamon ng halamanan. The maze has a life of its own. "And you'll soon lose yours." Tumakbo sa kabilang direksyon si Snow at hinanap ang daan papalabas. Kung hindi siya makakaalis agad sa labyrinth na ito, nangangamba siyang dito na rin siya mamamatay.

Pero bago pa man siya makalayo, naramdaman niya ang pagpulupot ng mga ugat sa kanyang paa. "Shit!" Sinubukang kalasin ni Snow ang mga ugat na ito, pero wala itong silbi. Mahigpit itong nakakapit sa kanyang binti at unti-unting bumabaon sa kanyang balat. Napadaing sa sakit si Snow, nawawalan na siya ng balanse sa prosthetics niya.

"SNOW!"

Nakita niya ang binatang tumatakbo papalapit sa kanya.

"Gluttony? Anong ginagawa mo di---AAAAAAAHHH!"

Tuluyan na siyang iniangat sa lupa ng higanteng ugat. It was trying to pull her in. Nanlaki ang kanyang mga mata nang palibutan siya ng mga halamang mukhang naaaliw sa paghihirap niya. "Bitiwan niyo ako! Damn it!" Nang silipin niya si Gluttony, napasapo na lang siya sa kanyang noo nang pumulupot na rin sa prinsipe ang ilang ugat. "Mukhang dito na nga kami mamamatay.." What a lame death!

"It's too early to end your fairytale, don't you think?"

Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Namalayan na lang ni Snow ang pagkalas ng mga ugat sa kanyang binti at ang paglayo ng mga halamang gustong lumamon sa kanya.  Sinubukan niyang tumayo, pero agad na nanghina ang kanyang mga tuhod.

That's when a pair of arms gently wrapped around to support her. Sa panghihina ni Snow, halos hindi na niya maiproseso ang mga pangyayari.

"Salamat, Gluttony.."

"Umm.. Snow? Nandito ako."

Napamulagat na lang si Snow White nang makitang nakatayo sa isang gilid ang kausap. Nakangiti at mukhang napagod rin sa pagpupumiglas sa mga buhay na ugat. Napanganga na lang ang alipin. 'Teka, kung hindi si Gluttony, e 'di sino...' Agad niyang tiningnan ang tagapagligtas niya. Their eyes met in what felt like an eternity.

She missed those eyeglasses. She missed that arrogant smile.

Overall, she missed him.

"P-PRIDE?!"

---

Sadness has its own beauty, of course. Toward dusk,
Let us say, the river darkens and look bruised,
And we stand looking out at it through rain.
It is as if life itself were somehow bruised
And tender at this hour; and a few tears commence.
Not that they are but that they feel immense.

---"Sadness",
Donald Justice

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top