QUADRAGINTA

"Minsan, nagdududa talaga akong magkapatid tayo."

"Shh! They'll hear us, you dimwit!"

Napasimangot si Envy sa sinabi ng kapatid. Wrath immediately pulled him behind a building when several werewolves passed by. Napabuntong-hininga na lang si Envy sabay silip sa magulong lansangan ng unang palapag ng Tartarus. Nang makarating sila sa lugar na ito, agad nilang tinunton ang daan patungong palasyo ni Hades. Unfortunately, on the way there, they saw some clockwork monsters roaming around the area. 'Mukhang tama ang hinala ni Wrath.. Malamang nasa loob ng emperyo ni Hades ang iba pang halimaw,' isip-isip ni Envy at yumuko nang lumingon sa direksyon nila ang isang halimaw. Ang ipinagtataka lang nila, bakit parang balewala lang sa iba pang nilalang na may clockwork monsters sa paligid?

"What can you expect? These bastards don't give a damn even if Santa Claus pops out of nowhere!" Pagdadahilan ni Wrath kanina. Napapailing na lang si Envy. 'I miss my devil twin already.' Bakit ba kasi siya lang ang sinama ni Wrath? Tsk.

"Kung liliko tayo doon sa shop ng matandang shoemaker, we'll make it out of sight easier. There's a shortcut there, just underneath the gnomes' apartment."

Envy raised an eyebrow. "Paano mo naman nalaman 'yon?"

Nagkibit ng balikat si Wrath. "Wala ka nang pakialam. Tara na!"

At mabilis silang lumabas mula sa kanilang pinagtataguan. They pulled their cloaks over their heads and blended in the crowd of low-class demons. Kung kasama siguro nila si Lust ngayon, malamang hindi sila makakapagtago. Baka hindi pa sila nakakailang hakbang, dumugin na sila ng mga fangirls nito. Mabilis nilang tinahak ang daan papunta sa naturang shop nang biglang may umagaw sa kanilang atensyon. Chains started emerging out of nowhere!

"Envy, sa likod mo!"

With demon reflexes, Envy managed to dodge the attack just in time. Napamura na lang siya nang mapansing isa pala ito sa mga sibilyang demonyo kanina at mukhang hindi siya nag-iisa. From the corner of Envy's eyes, he can see several more creatures nearing them. Mga werecat, mangkukulam at ilang incubus. 'Bakit nila kami inaatake?'

Namalayan na lang ni Envy ang paglalabas ni Wrath ng mga granada. Mabilis silang umilag nang bumulusok pababa ang malalaking braso ng isang clockwork monster na naging dahilan para mawasak ang sidewalk. The two brothers cursed under their breaths at nang akmang sisilaban na sana ni Envy ang buong paligid, sumigaw si Wrath, "Wala tayong oras para tapusin sila! RUN!" Nag-aalangan man, agad na sinunod ni Envy ang sinabi nito. 'Just when things are about to get interesting!' Kasabay ng mabilis niyang pagtakbo papalayo ay ang malakas na pagsabog na yumanig sa buong Tartarus.

Humarang ang isang kalansay sa daanan ni Envy bago pa man niya marating ang sinasabing shortcut. He easily recognized him as Fred from the casino. 'Kamag-anak yata ni Mr. Bones ito!' "Fred, anong---!?!"

Dinambahan siya ng kalansay at pinagsasaksak sa braso. Napasigaw sa sakit si Envy sa lalim ng mga sugat, the blade piercing his skin and drawing out blood. Galit na ibinalibag ng prinsipe ang katawan nito. Bones smashed hard against an opposite wall.

"Why the fuck are you doing this?!"

Fred reassembled himself.

"N-Napag-utusan lang." Nanghihinang tumayo ang kalansay. His eyeless face frowned back at him. "Hades ordered us to kill the Seven Sins. Hindi na kayo ligtas sa lugar na 'to, Envy." Nakita ni Envy ang paghigpit ng kalansay sa hawak na patalim bago niya ito inihagis papalayo. Fred gave him a hesitant smile.

"Go."

Wala nang nagawa si Envy kung hindi tumakbo papalayo sa lugar na iyon hanggang sa makita na niya ang sinasabing apartment ng mga garden gnome. Sinipat niya ang paligid. Nang masiguradong walang nilalang doon, naupo siya sa isang tabi at sinimulang pagalingin ang kanyang mga sugat. It's amazing how much blood poured out of his demon body. 'We're lucky we're still immortal..' Pero alam niyang kapag nagpatuloy ang kawalan nila ng koleksyon sa susunod pang mga araw, baka hindi na siya swertehin sa susunod. His healing abilities will be in danger.

"Damn those witches! Muntik na nila akong inilibing nang buhay!"

Wrath stumbled on his feet, trying to catch his breath. Napangiti si Envy, "Looks like those witch-chicks are into you. Susunod ka na ba sa mga yapak ni Lust?" Namutla si Wrath sa narinig at matalim na tingin ang ipinukol sa kapatid. "Whatever. Let's just go to Hades' hideout and kick his sorry ass."

Envy smirked.

*
"Mademoiselle, you need to concentrate!"

Pag-ilang ulit nang narinig ni Snow ang mga salitang 'yan mula kay Greed. Maliksi siyang yumuko sa atake ng binata at sinipa ang binti nito. Greed twisted his body and slashed his baton in the air, stopping just before it hit her face. Relieved, Snow White sighed. "I'm not used to using sticks in a fight."

Ngumiti si Greed at tumango. "Kapag nakikipaglaban ka, you need to improvise. Hindi naman lahat ng kailangan mo, maibibigay sa'yo ng pagkakataon."

Snow smiled. "I'll keep that in mind."

Kumindat naman sa kanya ang prinsipe at iginiya siya nito sa gilid kung nasaan ang dalawa pang kasalanan.

Kanina lang, biglang lumitaw sa sala sina Gluttony, Greed, at Lust. Hindi naitago ni Snow ang tuwa nang makita ang mga ito. Sa kabila ng lahat, pinili ni Sloth na mag-monitor sa Control Chamber, leaving her with the three sins. Kani-kanina lang ay inaya siya ng mga ito na mag-training. Hindi na niya alam kung gaano katagal na nila itong ginagawa, pero ang nakikita niyang papalubog na araw mula sa malaking bintana ang isang indikasyon na malapit na naman siyang magdusa.

Lust sat gracefully on a chair while reading his porn magazines. "Tapos na ba kayong maglandian---I mean, mag-training?" He grinned. Umirap naman si Snow sa sinabi nito, "Jealous already?"

Lust stood up. "Hoy! How dare you, babes?! Hindi ako nagseselos! Ang macho at ma-appeal na si Lust, magseselos? Psh! Nonsense!"

Snow White raised an eyebrow. "Then I guess you don't mind if I sit next to Gluttony." At nilagpasan niya ang sex addict para maupo sa tabi ng binatang kumakain ng sandwich. Lust pouted and cursed under his breath. Padabog siyang bumalik sa pagbabasa ng magazine niya.

"Nagseselos siya." Mahinang sabi ni Gluttony, tumigil panandalian sa pagnguya.

"He'll get over it."

Namula si Gluttony nang magtama ang mga mata nila ni Snow. Agad siyang lumunok at may kinuha mula sa gilid niya. Iniabot niya ito sa dalaga, "Here. G-Ginawan kita ng sandwich.. I'd figured that you'd be hungry after training." Nanlaki ang mga mata ni Snow sa sinabi niya. 'Wala naman ako sa ibang dimensyon, di ba?' Hindi talaga siya makapaniwalang si Gluttony, ang masibang kasalanan na kayang lumamon ng chocolate-fudge mountain, ay ginawan siya ng pagkain. Napangiti na lang ang dalaga at tinanggap ito.

"Magpapasalamat sana ako sa'yo, kaso baka biglang bumangon si Pride at sitahin ako sa pagsabi ng mabuting salita. He'd go control-freak on us again."

"Baka ihagis niya tayo palabas sa mansyon." Gluttony smiled back.

"O baka ihagis niya tayo palabas ng planeta."

Natawa silang dalawa sa naiisip. It was nice to take things lightly for a change. 'On the second thought, iyon pala talaga ang gusto namin.. An angry and dominant Pride is better than a sick one.' Malungkot na sabi ni Snow sa sarili at sinimulang kainin ang sandwich. While she was eating, Greed and Lust were talking about the incident.

"Hanggang ngayon, hindi pa rin normal sa Suicide Beach. I can't figure out why the death of a single mortal is affecting my favorite place---err, bukod sa Pleasure Room, of course." Lust leaned back on the chair. Napapailing naman si Greed sa sitwasyon, "Baka naman hindi mortal ang namatay?"

"That's just crazy, bro."

Sandaling katahimikan ang namayani sa paligid bago nakisingit ang matakaw sa tabi ni Snow.

"Maybe.. Whoever committed suicide is half."

Snow watched as the three brothers' expressions changed. Mas lalong binalot ng tensyon ang silid. Napatayo nang maayos si Greed, nakasimangot, "How can you say so?"

"It's just a guess.. Nag-iiba lang ang kulay ng Apple-pie Beach----"

"SUICIDE BEACH!" Lust corrected.

"----err, whatever. Anyway, nag-iiba lang ang kulay ng langit ng beach mo kapag may namamatay na mortal, 'di ba? And you've been visiting that place for centuries! Pero ngayon lang naging ganito kalala. That's an indication that whoever died is a mortal, but not just an ordinary mortal. Moreover, kapag namamatay ang mga imortal, may mga hindi maipaliwanag na pangyayaring nagaganap. Kaya baka half-mortal/immortal ang nagpakamatay." Sabay kibit-balikat ni Gluttony. Nagkatinginan naman sina Greed at Lust, nauunawaan ang sinasabi ng kapatid.

'Minsan talaga kapag hindi fried chicken ang nasa utak niya, matalino talaga ang siraulong 'to,' Lust silently concluded and thought of the possibilities.

Tahimik lang na nakikinig si Snow. Ano bang kinalaman ng mga nangyayari sa Suicide Beach sa nangyayari sa koleksyon ng magkakapatid? Konektado kaya ang dalawang pangyayaring 'to o baka naman "bad omen" lang ang problema ni Lust sa beach niya? Huminga nang malalim si Snow at pinagmasdan ang sandwich niya. Pakiramdam niya at nawawalan na siya ng ganang kainin ito. Inuusig na naman siya ng konsensya. When will this guilt ride end? Kailangan na niyang makausap si Chandresh. Hopefully, he'll have some answers.

Pero bago pa man siya makatayo, napansin ni Snow ang pag-iiba ng pakiramdam niya. She felt uncomfortable. Noon niya lang napansin ang mga pantal sa kanyang balat. Nahihirapan na rin siyang huminga. "W-What the--" she dropped the sandwich and felt her chest cavity constrict with pain.

"Mademoiselle?"

"Baby!"

"S-Snow, what's happening to you?"

Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang maalala ang kinain. Mabilis siyang bumaling kay Gluttony, "M-May peanuts ba 'yong sandwich?!" Nagtatakang tumango si Gluttony. "Uh.. Yeah. That's my super special, super nutty peanut butter sandwich made with passion! Why?"

"I-I'm allergic to peanuts.."

Napanganga si Gluttony.

Snow felt her allergy taking over. Abnormal na nga siya, lalo pang nagiging abnormal ang katawan niya tuwing nakakakain ng mani. Agad siyang dinaluhan ni Greed at sinimulan nang gamitin ang healing abilities nito. Ngayon, alam na niya kung bakit ipinaghiwalay ang kambal. The twins' healing abilities are above average for any demon, at malamang nahulaan na ni Wrath na kakailanganin nila ang abilidad ng mga ito para sa mga hindi inaasahang sitwasyon.

'Sana pati ang sumpa ko, mapagaling nila.. But that's impossible.'

*

"Chandresh?"

The sun is almost vanishing beyond the horizon, and that's when Snow White was able to sneak back into her bedroom. Ilang sandali pa, nagliwanag ang salamin at lumitaw dito ang binatang may kulay lilang mga mata. He worried asked her, "Anong nangyari sa'yo?"

Wala sa sariling tinakpan ni Snow ng kamay ang mga braso niyang may bakas pa rin ng ilang pantal. "It's just an allergy."

"Allergy?"

"Sa mani."

Tumango na lang ang binata at napabuntong-hininga. Inihanda na ni Snow ang sarili sa posible nitong sabihin. Handa na sana niyang tanggapin na ang tanging paraan lang para matigil ang sumpa at mailigtas ang magkakapatid ay ang magpakamatay. Oo, kanina pa bumabagabag ang bagay na iyon sa utak ni Snow. 'If worse comes to worst, killing myself is the last option, right?' It all makes sense. Kung hindi sila makakahanap ng lunas ni Chandresh, matatapos lang ang lahat ng ito kapag inuuod na siya sa ilalim ng lupa. That way, Mr. Boswell won't be able to use her body to finish the Seven Sins.

"Your Majesty.. I-I can't think of anything."

She expected as much. Pagkasabi ni Chandresh ng mga salitang iyon, para bang tuluyan nang gumuho ang pag-asa ng dalaga. Huminga siya nang malalim at naikuyom ang mga kamao. Mukhang kailangan na niyang tanggapin ang mapait na katotohanan. 'Why is my life so depressing?' Her nails dug deep into her palms, creating small wounds..pero wala ito sa sakit na nararamdaman ni Snow sa kanyang kalooban.

"But I think I found something interesting."

Snow raised her head and watched Chandresh have a mental battle before continuing, "Hindi dapat ako ang nakakulong sa salaming ito."

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Snow, ilang siglo na ang nakakaraan mula nang mabuhay ako sa mundo ng mga mortal. Hindi ko na maaalala masyado, pero ang tumatak lang sa isip ko ay nanggaling ako sa maharlikang pamilya."

Mukhang interesante nga ang kwentong ito. Bukod doon, nararamdaman ni Snow ang paglakas ng kabog sa kanyang dibdib. All her life, she's been searching for answers. Posible kayang may makuha siya sagot sa sasabihin ni Chandresh? Can this be connected to her?

"So.. You're a prince?"

"Yes."

"Not surprising." Sa mga kilos at pananalita minsan ni Chandresh, nahuhulaan na ni Snow na may iba rito. Malamang impluwensiya ng pagiging dugong-bughaw. Ngumiti lang sa kanya ang binata at nagpatuloy,  "Noon pa man, may mga kwento na tungkol sa isang mansyon sa gitna ng kagubatang ito. The villagers say that demons reside here. I sent my men to investigate on the matter, pero wala ni isang bumalik sa kanila. Isang gabi, ako na mismo ang nagtungo dito sa kagubatan."

Parang mahikang nagbago ang imaheng nasa salamin. Fog swirled around inside the mirror. Para niyang pinapanood ang mga eksenang nangyari sa nakaraan. Chandresh suddenly wore clothes that had an aristocratic touch to it, napapalamutian siya ng ginto at mga mamahaling alahas. His angelic face showed signs of concern and bravery. Nakasakay siya sa isang puting kabayo habang tinatahak ang daan papasok sa pamilyar na kagubatan. His disembodied voice narrated the scenes, "Noong una, wala akong mahanap na mansyon. Inabot na ako ng gabi pero parang nagpapaikot-ikot lang ako sa gubat. Then, something in the dark suddenly scared my horse."

Pinanood ni Snow sa salamin ang pagkataranta ng kabayong sinasakyan ng prinsipe. Nawalan ng kontrol dito si Chandresh at ilang sandali pa ay nahulog ito mula sa pagkakasakay. The white horse staggered back into the darkness beyond, leaving a confused prince behind. Kinuha ng prinsipe ang kanyang sandata, a sword that looks very similar to that of Wrath's. Alerto ang binata habang sinusuyod ang kadiliman sa likod ng mga puno't halaman.

"Pero imbes na halimaw, isang dalaga ang nakadaupang-palad ko.."

Ipinakita ng salamin ang isang babaeng natatakluban ng balabal ang ulo. Ngumiti ito sa prinsipe at magalang na nagsalita, "Naliligaw ka ba, kamahalan?" Prince Chandresh hesitated, "May hinahanap akong mansyon." Agad namang tumawa ang babae at naglakad papunta sa isang direksyon. "Sundan mo ako." At unti-unti nang nagbago ang kapaligiran nila. Agad na nakilala ni Snow ang kakahuyang tinatahak ng dalawa, ang parehong daan kung saan siya dinala noon ni Pride para makapasok dito.

When they were at the gates, the woman whispered, "Tulog na ang mga amo ko.. If you want to defeat those demons by yourself, sundan mo lang ang tunog ng mga orasan." At nauna nang pumasok sa loob ang misteryosong babae. Prince Chandresh's eyes widened at the Gothic-styled mansion that looked no more than a thousand years old. Matapang niyang pinasok ang loob ng mansyon. Nilamon agad siya ng kadiliman at ang kakaibang tunog ng mga orasan.

Tick-tock...

Tick-tock..

Tick-tock.

"I followed the sound. Napasikot-sikot ako sa mga pasilyo at kamuntik ko nang mabasag ang ilang plurera dahil sa kadiliman ng lugar.."

Pigil-hininga si Snow habang pinapanood ang mga sumunod na pangyayari. Prince Chandresh had been led to an unknown part of the mansion. Pumasok siya sa loob ng silid na iyon, at ang unang nakapukaw sa atensyon ng binata ay ang eleganteng salamin sa pader. Snow gasped when she saw the markings on that antique mirror. 'This is impossible..'

"That's the interesting part, Snow.. Nang makita ko ang tatak sa leeg mo kaninang umaga, I went a trip down memory lane and realized I've seen that symbol before.. Iyan ang naka-imprinta sa salaming nakita ko, ilang siglo na ang nakakalipas."

'An hourglass with seven beads.'

Mabilis ang mga sumunod na pangyayari sa alaalang nakakubli sa salamin. Prince Chandresh was about to exit the dark room when a voice called for him, "Royalty, Royalty, the Prince of all.. Come closer and speak to the mirror on this wall."

Tuluyan nang nanlata si Snow nang lumitaw ang mukha ni Mr. Boswell sa salamin. "D-Don't---!" Pero alam niyang wala ring silbi ang kanyang reaksyon dahil nakalipas na ang pangyayaring sunod na nakita niya sa salamin. The moment Chandresh stepped closer to the mirror, agad siyang inabot ni Mr. Boswell. Biglang lumabas ang kanyang kamay mula sa salamin at sinakal si Chandresh na naging dahilan para mabitawan nito ang sandata. Sinubukang manlaban ng prinsipe ngunit nahatak na siya ng nilalang na nasa salamin.

Sa isang iglap, nakakulong na ito roon. Chandresh stood inside the mirror, trying to break the glass. Lihim na napangiti si Mr. Boswell na ngayon ay nagkaroon na ng anyo. "Poor little prince.. You'll be stuck in there for eternity. Enjoy."

"FUCK! LET ME OUT OF HERE, YOU MONSTER!"

'S-Si Boswell talaga ang dapat nakakulong sa salamin?!'

"K-Kung hindi naman pala ang magkakapatid ang nagkulong sa'yo diyan. Bakit ka galit sa kanila?" She inquired.

"Personal reasons. I'll tell you next time."

Nang akala ni Snow ay tapos na ang mga rebelasyon sa gabing ito, napamulagat siya nang biglang ipinakita ng salamin ang pagsulpot ng misteryosong babae sa tabi ni Mr. Boswell. The clockmaker smiled at her as she revealed her face..

"Mabuti na lang at nakahanap ako ng perpektong kapalit mo."

"Good job, Christina."

Nanlamig ang buong katawan ni Snow sa nakikita. Those hauntingly familiar set of eyes never once left her nightmares. Ang makita niyang muli ang hitsura ng babaeng ito ay sapat na para mapasalampak sa sahig si Snow White. Nanginginig na pala ang kanyang mga kamay sa kaba at pagkataranta sa nalaman. Chandresh then appeared in the mirror, nag-aalala ang kanyang ekspresyon. "Snow, what's the matter? Kilala mo ba ang babaeng 'yon?"

Nanghihinang tumango si Snow White.

"She's my mother."

---
And yes I'm a coward 
I'm weak and powerless 
In every family there's always one reject 
A role I try desperately not to assume 
But here I am, writing my heart out like it matters 
I could never get everything i need to say out 
With words or on paper or through actions 
And maybe you'll be angry 
Or maybe you won't even care 
Maybe tears will flood your eyes 
Or maybe you'll never hear 

But either way life goes on 
And just know that I'm sorry 
I'm sorry that you met me 
I'm sorry i couldn't find reasons to smile 
I'm sorry that i died.

---"I'm sorry that I died",
Anonymous

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top