QOS: VIGINTI QUINQUE
Thunder rolled over the horizon as the twin sins' game of real-life chess started. Dumako ang mga mata ni Snow sa malawak na kalangitan. Gray storm clouds and a flash of lightning. Huminga siya nang malalim. 'Bakit ba ako laging nalalagay sa mga ganitong sitwasyon?'
Her eyes averted to the battlefield. Nagsisimula na ang laban sa pagitan nina Greed at Envy.
"Pawn to B3!"
Sigaw ni Envy kasabay ng paghakbang ng isang pawn papasulong sa mga kalaban. The man clad in white armor gazed emotionlessly at Greed's black army. Pigil-hiningang pinanood ni Snow ang mga sumunod na pangyayari.
Sunud-sunod na umatake ang mga kawal alinsunod sa utos ng dalawang kasalanan. Lumipad ang mga pana at ilang mga patalim. Napuno ng dugo ang lupang kinatatayuan nila.
"Kailan mo kaya tatanggapin na mas magaling ako sa'yo sa chess, Greed? HAHAHAHA!"
"Shut the fuck up, brother! Naaawa lang ako sa'yo kaya pinagbibigyan lang kita! Inggit ka lang eh."
"Sakim kang siraulo ka!"
"Pogi naman! Bwahahaha!"
"Kambal tayo!"
"Lugi ako!"
"GRRRR! LET'S SEE ABOUT THAT, YOU MORON!"
"BRING IT ON, YOU FREAK!"
'Damn these two! Kailan kaya sila titigil sa pag-aaway?' Napabuntong-hininga si Snow at walang ganang sumandal sa kanyang upuan. Mahina siyang napamura nang lalong bumaon ang jumping ropes sa kanyang balat. 'Shit! This is madness!' Hindi man lang ba nila naisip na hindi rin niya maiinom ang hinanda nilang tsaa dahil nakatali pa rin siya? Snow couldn't even move a muscle.
Such a waste of good tea and pastries.
"Bishop to D5!"
"Rook to C7!"
Makalipas ang ilang tira, nagawang patayin ng isang itim na knight ang pawn ni Envy. Napapitlag ang dalaga sa pagsigaw nito ng sakit. Ngunit katulad ng inaasahan ni Snow, naging isang chess piece ang pawn bago pa man ito lumagapak sa lupa. The lone pawn laid still on the ground as the war continued. Greed and Envy laughed as they barked orders at their armies. Their soldiers didn't seem to mind, as along as they win.
"PARA SA HARI!"
"HANGGANG KAMATAYAN!"
Napuno ng sigawan at ingat na likha ng mga espada ang lugar. Nanindig ang balahibo ni Snow nang mapugutan ng ulo ang isang puting rook. Gumulong pa ito sa direksyon niya. She kicked it away. "Kapag natamaan talaga ako dito mga lumilipad na ulo, I'm gonna kill you two!" The twins only laughed at her.. Soon, the war got only crazier as their chess pieces got fewer. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maunawaan ni Snow kung paano nila nakakayanang isakripisyo ang mga buhay nila nang paulit-ulit para lang sa kanilang mga hari.
'Kanilang mga hari na mukhang malapit nang magtatrums.' she smirked and watched as both of them looked pissed. Nagkalat ang black and white chess pieces sa lupa. 'Dapat nag-eensayo ako sa training room! I'm wasting my time just being their audience...'
Then, an idea came to her mind.
Bago pa man niya mapigilan ang sarili, pagak na natawa si Snow na nakaagaw ng kanilang atensyon. "HAHAHAHAHA!" Pumailanlang sa paligid ang malakas na pagtawa ng dalaga kasabay ng pananahimik nina Greed at Envy. Nagkatinginan ang magkapatid at sabay na nagkibit ng balikat.
"Nilagyan mo ba ng drugs ang tsaa ni Chione?"
"Nah. I forgot to buy some. Baka nababaliw na ang reyna natin."
"I agree, brother."
Snow White smirked. "After playing chess again and again for the past few centuries, it gets boring, doesn't it? Alam ko kung anong makakapagpabalik ng excitement sa laro ninyo."
Kumunot ang noo ng kambal, hindi makapaniwala sa sinasabi ni Snow. What on earth could be more exciting than real-life chess with cool costumes? Naningkit ang mga mata ni Envy. "Ano?"
Silence. And then...
"Isali niyo ako."
Napanganga ang kambal sa suhestiyon ni Snow. Maging ang Clockwork baby ay panandaliang nahinto sa paglalaro ng tsaa nang marinig ang sinabi ng kanyang "mommy". Surprised washed over their faces, but Snow continued, "What's chess without a queen? Alam nating lahat na ang queen ang pinaka-makapangyarihang chess piece, tama ba ako?"
It was true. Although the game ends when the king is captured, the queen is considered the most powerful one. She can move anywhere---diagonally and in a straight line. Walang limitasyon ang kayang lakbayin ng isang reyna sa larong chess.
'Playing real-life chess is better than just sitting around here tied with a jumping rope.'
Mukha namang napukaw na niya ang interes ng dalawang binata. Lumawak ang ngiti sa mga labi nina Greed at Envy. The black king chuckled and snapped his fingers. "As you wish, mademoiselle." At kasabay nito, naalis ang mga lubid na kanina pa pumapatay kay Snow. Huminga nang malalim ang dalaga at mabilis na naglakad papunta sa battlefield chessboard nila. Her prosthetic leg adjusted.
She stood in between the white and black painted land. Hati ang kanyang kinatatayuan, katulad ng pagiging hati ng kulay ng kanyang damit. Snow White sighed, "Since I'm both the queen of black and white, hindi ako susunod sa mga utos ninyo."
Natahimik ang kambal, halatang naguguluhan.
Snow White smirked.
"Attack me. Use your chess pieces and try to kill me. Matira ang matibay. The last chess piece standing will win."
Envy sighed. "Chione, hindi 'yan kasali sa rules---!"
"Too bad." Kinuha ni Snow White ang dalawang espadang nakakalat sa lupa---isang puti at isang itim---a challenging look in her brown eyes. "Because I don't play by the rules, I play by the roles!" At kasabay nito at sinugod na ni Snow ang puting rook sa di-kalayuan. Envy cursed under his breath and order his rook to move away.
Walang inaksayang oras si Snow at inatake ang chess piece. She slashed her swords and stabbed the rook on his chest. "GAAAAAAH!" Napasigaw sa sakit ang lalaki at bumalik sa pagiging normal na chess piece. Snow White grinned at the twins.
"What's the matter, my kings? Nakakapanibagong makita kayong naduduwag." Pang-aasar niya sa kambal.
Agad na nagbago ang ekspresyon nilang dalawa. Greed smirked like a dark prince and ordered his bishop to attack her with arrows. Mabilis na umilag si Snow at sinalag ang mga pana. Tumalon siya sa ere at paulit-ulit na pinagtataga ang bishop. Naibalibag siya nito papalayo.
"OUCH! D-Damn it!"
Nanghihinang tumayo si Snow at hinarap ang kalaban. Sa kabilang dulo ng lupain, nakangisi sa kanya ang kambal.
"Try and beat us then, Chione."
"Don't hold back the madness, mademoiselle."
At sabay silang natawa. Sa isang iglap, pinalibutan na siya ng mga buhay na chess pieces. There were only five of them left.. ngumisi si Snow at sinimulan na silang atakihin. She used both swords to cut the throat of a pawn. Nang akmang babaliin ng isang itim na rook ang kanyang braso, mabilis na iwinasiwas ni Snow ang makakintab niyang patalim sa paanan nito. His legs came off as the rook died.
"Not there! What the fuck?! Knight to D6!"
"NO! Pawn to E4!"
Natataranta na ang kambal. Mahinang natawa si Snow. Mukhang dahil sa kanya, lalong nagulo ang laro nila ng chess.
'I never thought playing chess is a good physical exercise.' she taught and rode on a white horse. Sinakal niya ang isang kabalyero na naging dahilan upang mawalan ito ng balanse. The knight crashed on another pawn and fell down with a thud.
Pinabilis niya ang pagpapatakbo sa kabayo hanggang sa madaanan niya ang isang puting bishop. Snow White screamed and chopped off his head in one swift movement.
Bumagsak ito, na nagiging hudyat ng pagtatapos ng laban.
Snow White jumped off the horse and returned exactly to where she stood earlier.
Sa pagitan ng dalawang black and white tiles.
Hinihingal niyang sinilip ang ekspresyon ng kambal. Tuluyan na silang natuod sa kanilang mga trono. Halatang hindi makapaniwala sa nangyari. Snow White winked at them.
"Checkmate, twins."
The queen wins.
*
Hindi pa rin matigil sa pagtatantrums ang kambal hanggang sa tuluyan silang makalabas ng Leisure Room. Nakasimangot ang dalawa at parehong nakahalukikip. It was already midnight, and the Clockwork baby slept soundly in Snow's arms as they walked through the hallways.
"Dapat pala ganoon palagi ang training ko. Envy, sa susunod nga---"
"Ayaw."
Umirap si Snow. 'Bitter pa rin ba sila dahil natalo sila ng pinag-aagawan nilang reyna?' she turned to Greed. "Greed, the next time we play chess---"
"Wala nang 'next time'."
Napabuntong-hininga si Snow. Pero nang akmang aakyat na sila ng hagdan patungo sa ikalawang palapag, nakarinig sila ng yabag ng mga paa. Soon enough, Gluttony caught up with them. Hinihingal at halatang natataranta. "Sugar-plum! B-Brothers! Kailangan n-nating tulungan si Wrath!"
Masama ang kutob dito ni Snow. 'Ano naman ang nangyari kay Wrath?' Mula nang makauwi sila, hindi na ito muling lumabas sa kanyang Torture Room. It's like Wrath was shutting everyone out---even her. Bumigat ang pakiramdam ni Snow.
"What happened?" Greed asked.
Halata ang pagkabahala sa mukha ni Gluttony, "H-Hindi pa rin gumagaling 'yong sugat mula sa pakikipaglaban niya kay War! The injury made by the Sword of Sorrow is slowly killing him.."
"Shit." Envy murmured.
Gluttony lowered his head, "Right now, Wrath is bleeding to death."
Nanlaki ang mga mata ni Snow. Bumalik sa kanyang alaala ang malaking sugat na likha ng espadang iyon. It cut through his chest, making blood drench his clothes. Mukhang tama ang hinala niyang iba ang epekto sa sins ng mga sandata ng horsemen. Piniga ng kaba ang puso ni Snow. "Tawagin niyo si Pride! Damn it, nasaan si Wrath?! Ano bang kailangan nating gawin?!"
No... Damn it. She can't let anyone of them die. Not again.
"Any injury inflicted by the legendary Sword of Sorrows will leave a permanent damage to any demon---even to the cardinal sins. May mahika ang Sword of Sorrows, at ayon dito, kinakansela ng mga sandata ng horsemen ang kakayahan nating maghilom ng sugat."
Mabilis silang lumingon sa itaas ng staircase. Pride sighed and closed the book he was reading. He adjusted his eyeglasses and added, "Kinikinita ko nang mangyayari ito."
"Then what the heck should we do?" Snow was anxious. Hindi siya mapakali.
Kalmado namang tumugon si Pride. "The only way to help Wrath's body heal is to reverse the enchantments made by the Sword of Sorrows. Sa siglong ito, tanging isang witch bloodline lang ang may kakayahang gawin iyon. Fortunately, the last witch of that bloodline is still alive..."
"Sino?"
Pride hesitated.
"Si Morticia..."
Natahimik ang lahat. Maging si Snow ay hindi na malaman kung namali lang ba siya ng dinig o sadyang nagkamali ng binanggit na pangalan si Pride. She laughed dryly and turned serious, "You're joking, right?"
Pero hindi nagbago ang ekspresyon ng panganay. "I wish I was, princess."
Bago pa man siya makapagsalita, bumaba na ng hagdan si Pride at inutusan ang kanyang mga kapatid. "Greed, tawagin mo si Mr. Bones. Kailangan nating pumunta sa Tartarus. Envy, alalayan mo si Wrath at baka matumba pa ang gagong 'yon. If he resists, hit him on the head with a giant hammer until he loses consciousness. Gluttony, gisingin mo ang iba nating mga kapatid at sabihin mo kay Lust na hinaan ang panonood ng porn sa kwarto niya. And Snow?"
"W-What?" Lutang pa rin ang dalaga. Of all the witches in the world, WHY MORTICIA?! Buong akala niya ay patay na ang bruhang 'yon! Heck, she taught she vanished a long time ago!
Pride sensed Snow was uncomfortable. Napabuntong-hininga siya, "Make me two cups of tea."
"Dalawang tasa ng tsaa ang iinumin mo?"
"No. Ang isa para sa'yo." He smirked, "Para kumalma ka."
Napasimangot si Snow. Pero kahit sampung tea cups siguro ang ubusin niya, hindi pa rin siya kakalma.
No. She has to push aside her anger...for Wrath's sake.
*
The carriage of the Seven Deadly Sins parked near the "Boo-tique", a few blocks away from the beerhouse Snow had been to. Nakakatuwang isipin na buhay na buhay pa rin ang lasangan sa Tartarus sa kabila ng banta ng Imbalance. Tahimik na naglakad sina Snow, Pride, at Sloth sa unahan, habang hirap na inalalayan nina Chandresh at Lust ang walang malay na si Wrath. Naiwan sa karwahe ang kambal, si Gluttony at si Llyria. Snow was hesitant to leave her baby with the new maid, but she had no choice. 'Subukan niya lang talagang saktan ang baby ko.'
"Shit! Ang bigat namang ng isang 'to! Psh." Adoration complained.
Natawa naman si Lust, "Hey, Pride! After this, I'm gonna buy some condoms at the gargoyle pharmacy over there. Naubusan ako ng stock sa Pleasure Room ko."
"Our brother us injured and all you can think about is your fucking stock of condoms?"
"Wag niyo nga akong husgahan! I do it for research!"
Sloth yawned, "Research my ass. Walang maniniwala sa'yo, Lust. Ipusta ko pa ang mga unan ko." Tinatamad nitong sabi.
Napabuntong-hininga ang panganay at patuloy na naglakad. Lumiko sila sa isang eskinita. Snow White finally spoke, "Akala ko patay na si Morticia?"
Pride answered briefly, "You think stabbing herself with her own magic is enough to kill a witch? Think again, princess. Hindi basta-bastang mangkukulam si Morticia. She's a descendant of a powerful magic bloodline."
Napasimangot si Snow. Bakit ba parang balewala sa kanila ang mga nangyari noong nakaraang digmaan? Morticia is an enemy! That obsessive witch bitch poisoned Pride and almost killed her! 'Paano ba ako kakalma kung makakaharap ko na naman ang bruhang 'yon?!' Just thinking of Morticia made Snow's blood boil.
Kalaunan, huminto sila sa tapat ng isang maliit na store. Nakapatay na ang mga ilaw at mukhang walang tao sa loob. Napapalibutan ng hardin ang paligid ng tindahan at may ilang mga potion pang nakadisplay sa may bintana.
"Sigurado ba kayong nandito siya?" Snow asked.
Pride nodded and walked towards the frontsteps. Kumatok siya't marahang nagsalita.
"A low-class illusion. Hindi mo kami malilinlang, Morticia. Either you let us in or I burn this place to ashes."
Umalingawngaw ang malakas na pagtawa ng mangkukulam. Ilang sandali pa, naglaho ang ilusyon ng abandonadong tindahan. Napalitan ito ng isang magarbong mansyon na yari sa kahoy. Morticia was sitting by the front porch, watching them in amusement. Hindi pa rin nagbabago ang hitsura nito. Her short and curly black hair seemed wilder than before. Her mischievous eyes landed on them as a sadistic grin graced her lips.
"I was expecting you'd come."
Naikuyom ni Snow ang kanyang mga kamao dala ng galit.
'This is gonna be a long night..'
---
From childhood's hour I have not been
As others were; I have not seen
As others saw; I could not bring
My passions from a common spring.
From the same source I have not taken
My sorrow; I could not awaken
My heart to joy at the same tone;
And all I loved, I loved alone.
---"Alone", Edgar Allan Poe
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top