QOS: VIGINTI
It feels like deja vú.
Nagising si Snow sa malambot niyang kama, her room suddenly spinning around her. Sumasakit ang ulo niya't ramdam na ramdam niya ang panghihina ng katawan. She weakly sat up and sighed. "Ano bang nangyari?"
Kapag pilit niyang inaalala ang mga nangyari noong nakaraang gabi, lalo lang siyang nahihilo. It's as if something drained her energy.
Last night, she can still recall Gluttony's toothache, taking Gluttony to Wrath's room to pull out his tooth, following a white shadowy-ghost-like thing, entering the room on the third floor and...
"Nahimatay ako. Damn.. pero paano naman ako nakabalik dito?"
Wala na siyang maalala.
Napabuntong-hininga si Snow at inayos ang pagkakasuot ng prosthetic leg niya. She glimpsed at the still sleeping Clockwork baby. 'Mukhang nagmana kay Sloth.' Lihim siyang napangiti at tumayo.
Bumungad sa kanya ang repleksyon niya sa salamin.
Snow White sighed.
"Dapat ko na yatang tanggalin ang salamin ko rito. Kanina mo pa ba ako tinititigan, Adoration?"
At katulad ng inaasahan niya, nagbagong-anyo ang kanyag repleksyon. Chandresh's figure stared at her from the other side of the mirror, his violet eyes admiring her beauty. Ngumiti ang binata. "Hindi ako sanay na tawagin mo akong 'Adoration', Your Majesty. I'd prefer you just call me Chandresh. And yes, I'm a bit guilty for admiring you as you sleep."
Hindi alam ni Snow kung magagalit ba siya o kung mababahala sa bisyo ng kasalanan. Just then, she remembered the closed door and giggles. Bumalik sa alaala niya ang sinabi ng tatlong batang babae sa kabila ng paglamon sa kanya ng kadiliman. Her heart pounded nervously. Was it just a dream? Sana.
Dahil hanggang ngayon, isang palaisipan pa rin kay Snow kung paano siya nakabalik dito matapos niyang mawalan ng malay.
Only one way to find out..
"Chandresh, napansin mo ba kung anong oras ako nakabalik dito? You watched me sleep, right?"
Mula sa salamin, kumunot ang noo ng prinsipe at marahang umiling. "Nang abutan kita rito, mahimbing ka nang natutulog. Lumabas ka ba kagabi, Your Majesty?" His eyes narrowed, "You shouldn't be wandering off at night.. mas mapanganib na ang panahon ngayon. Hindi na ligtas sa kahit saan, maging dito sa loob ng mansyon."
"Anong ibig mong sabihin?" Paanong hindi na ligtas sa mansyon ng Seven Deadly Sins?
Chandresh sighed. "Nabalitaan na ni Lucifer ang pakikipag-alyansa natin kay Hades.. he knows. The true King of Hell knows that we plan to take him down."
A chill ran down her spine. Mukhang nalalagay na nga silang lahat sa panganib ngayon. Ngayong nabalitaan na ng totoong hari ang pinaplano nilang rebelyon para ibalik ang balanse ng Underworld, paniguradong aatakihin sila ng Horsemen. Sisiklab ang isang digmaang magtatakda sa kapalaran ng Underworld at ng Eastwood. 'And Pestilence will surely lead them.'
The thought of fighting against the blonde horseman with bleached white armor suddenly pained her for no reason.
Huminga nang malalim ang dalaga. 'There's no turning back now.'
"We just need to be more careful. I'll start my training later this afternoon. Nasa baba na ba ang ibang sins?"
Tumango si Chandresh. He forced a smile and suddenly outstretched his hand. Nanlaki ang mga mata ni Snow nang tumangos ang kamay niya sa salamin.
"Tara."
Napasimangot si Snow. "I could just take the stairs, Chandresh. Baka makulong pa ako sa loob ng salamin."
He smirked. "Cerberus is sleeping outside of your room. Balita ko may lagnat raw si Cerby kaya mas mainitin pa ang ulo niya kaysa sa siraulo niyang amo." Nagkibit siya ng balikat, "Pero kung gusto mo talagang dumaan doon, sige. Madali akong kausap, Your Majesty."
Akmang aalis na sana si Chandresh nang mabilis na hinawakan ni Snow ang kamay niya.
"Damn it! Pahamak talaga kayo." She gritted her teeth in frustration and walked closer to him.
Mahinang natawa si Chandresh at hinila siya sa baywang para alalayan siya papasok sa salamin. When Snow finally passed through the mirror, she almost stumbled. Mukhang ibang dimensyon na naman ang pinasukan niya.
Chandresh held onto her and winked, "Sinabi ko bang nasa labas ng silid mo si Cerberus? Oops! I lied, Your Majesty."
Napanganga ang dalaga at binatukan ang kasalanan.
"ARAY!"
"Damn it, Chandresh! Dinala mo pa ako dito!"
"Kasalanan bang maituturing kung gusto kitang i-solo? My brothers always get your attention. I'm a bit jealous!" Pag-amin niya.
Napabuntong-hininga na lang si Snow. Mukhang wala na talaga siyang magagawa sa kalokohan ng magkakapatid. Instead of getting mad at him, she scanned the inside of the mirror.
Namangha ang dalaga sa nakita.
"Honestly, I thought the inside of the mirror looks plain and boring."
Ngumiti si Chandresh at iminuwestra ang paligid. "Amazing, isn't it?"
Tumingala si Snow at pinagmasdan ang kalawakan. It was a galaxy with bright stars twinkling over them. Voilet hues danced in the horizon like Northern lights. May ilang bulalakaw pang dumaan sa di-kalayuan. 'Parang Observatory ni Sloth.' she thought and noted how everything looks spectacular.
Nakatapak sila ngayon sa isang kulay puting platform na nakalutang sa kawalan. Then, she realized the platform was actually a path.
"Dito ka ba nakulong dati?"
"Yup."
Sinundan ni Snow si Chandresh nang maglakad na ito papunta sa isang crossroads. Mula rito, nakasangay ang iba pang mga daan. Ten white paths laid in from of them. Binasa ni Snow White ang road signs at ang mga nakasulat roon.
MIRROR CROSSROADS
This way to:
Tartarus Candy Shop
Mansion Dining Hall
Snow's Room
Chandresh's Bedroom
Maze of Mirrors
Fountain of Tears
Mansion Control Room
Sin's Segregation Office (Eastwood)
Sin's Segregation Office (California)
Hades' Castle (for emergencies only)
Arrows pointed to which path leads to which. Mukhang limitado lang ang kayang lakbayin ni Chandresh mula rito. Snow White pointed to a particular sign, "Bakit may papuntang Fountain of Tears dito? Wala namang salamin sa fountain, 'di ba?" Nagtataka niyang tanong. Sa pagkakaalala niya, naroon lang sa fountain ang portal sa lungga ni Fleur, ang obsessive water goddess ex-girlfriend ni Lust. Not unless...
"Water! So, you can even travel through the surface of water?" Manghang tanong ni Snow.
Chandresh shrugged. "Well, hypothetically speaking, yes. As long as it's stagnant. Mahirap kasing i-hack ang portal ni Fleur kapag umaagos o may gumagalaw sa tubig ng fountain."
Hindi na umimik si Snow hanggang sa tinahak nila ang daan papunta sa dining hall ng mansyon. She tried not to be distracted by the violet-themed universe above them. Mahirap isipin na may ganitong mga lugar sa loob ng mansyon. She smiled and admired everything. It's madness.. but it's beautiful.
"The crossroads change depending on where I need to go. Minsan mahirap kontrolin ang destinasyon, but I can basically travel through anywhere with a mirror or reflecting surface." Pagpapaliwanag ni Chandresh bago sila huminto.
"We're here, Your Majesty." He bowed down to her and smiled.
Narating na nila ang bukana ng isang salamin. Sa kabilang bahagi nito, nakikita ni Snow ang pitong magkakapatid na sabay-sabay na kumakain sa hapag. She smiled upon seeing her sins.
The Seven Deadly Sins.
Snow White touched the surface of the mirror. Like water, the image dispersed under her touch. Huminga siya nang malalim at mabilis na humakbang papalabas ng salamin.
"Your Majesty! Wait!"
*
"Tell me again, why is Gluttony eating like a pig?" Inis na tanong ni Pride habang nakamasid sa kapatid nilang halos lamunin na ang lahat ng nakahain sa hapag.
Umismid si Wrath, "Ilang libong taon na tayong magkasama, hindi ka pa ba nasasanay? Tsk."
Pride frowned and adjusted his eyeglasses. "Mas malala siya ngayon. Bullshit, I won't even be surprised if he eats the plates!"
Hindi na lang umimik ang panganay nang pati ang plato niya ng waffles ay inagaw ni Gluttony. Napabuntong-hininga siya't sumandal sa upuan. 'Mga kapatid ko ba talaga sila? Damn.'
The twins laughed.
"HAHAHA! Hindi kasi siya nakakain kagabi! Sumakit daw ang ngipin niya. Malamang kinarma!" They chorused.
Mula sa kabundok niyang pagkain, nag-angat ng ulo ang prinsipe ng katakawan at sinamaan ng tingin sina Envy at Greed.
"Stop laughing, you unflavorful bastards! Hindi niyo maiintindihan ang pagdurusang naranasan ko kagabi! It was torture!" Kinilabutan ito sa alaalang hindi siya nakakain kagabi. Panandaliang natulala si Gluttony na parang na-trauma dahil sa sakit ng ngipin. "I-It was a nightmare."
Walang umimik.
Huminga nang malalim si Sloth at inusog sa tapat ng kapatid ang plato ng toasted bread. "Gutom lang 'yan. Just eat and shut up."
The food-lover's eyes twinkled in delight as he started eating. Again.
Wrath rolled his eyes. "Torture? Tsk! I'll show you what fucking torture is. Dapat pala binunot ko na lahat ng ngipin mo. That would be fun."
Gluttony glared. "You're a son of bitch, Wrath."
"Gago. Magkapatid tayo."
"That's enough!" Huminga nang malalim si Pride. Tumahimik ang magkakapatid. Marahang hinilot ni Pride ang kanyang sentido at akmang tatawagin na sana si Snow para ipagtimpla siya ng tsaa nang may kusa nang nag-abot nito sa kanya.
"Tea? It helps calm your nerves, Mr. Pride."
Sandaling tiningnan ni Pride ang dalaga at kinuha ang inaalok nitong tasa. Hindi ugaling magpasalamat ng kasalanan kaya't tumango na lang ito. Humakbang papalayo si Llyria, bitbit ang tray.
Pride sipped on his tea and sighed. "What are you still doing here, Llyria? Inutusan kitang linisin ang private study ko kanina---"
"Already done. Nawalisan ko na rin ang bakuran, pinunasan ang mga plurera sa second floor hallway, at pinalitan ang bedsheets sa Pleasure Room ni Mr. Lust." She smiled sweetly and did a curtsey.
Sumipol si Lust at sinilap mula ulo hanggang paa ang bagong katulong.
"Now that's sexy! I like this new girl. Don't you, brothers?"
Bago pa man sila makasagot ang magkakapatid, nabulabog ang buong dining hall nang may bumagsak sa sahig kasabay ng pagsigaw ng isang binata.
"Your Majesty! Wait!"
CRASH!
Napalingon ang pitong kasalanan nang bumagsak sa sahig si Snow White. She groaned in pain. "A-Aray..."
Agad na tumayo si Pride para tulungan ang dalaga nang maunahan na siya ni Adoration. The sin came out from the mirror and rushed to her aid.
"Are you okay, Your Majesty?"
Snow White glared at the violet-eyed prince. "Hindi mo naman sinabi na nakasabit pala sa pader ang salamin! Akala ko naman pwede kong lakarin tulad ng sa full-length mirror. Damn it!" Tumayo siya't pinagpag ang suot na night dress.
Chandresh grinned sheepishly.
Snow cursed under her breath and noticed the sins staring at her. Mukhang nagulat ang mga ito na sa salamin siya dumaan. Snow White smiled in embarrassment. "Umm.. just pretend you didn't see that."
Saka niya lang napansin ang mga pagkaing nakahain sa hapag. It was a full-blown morning meal---complete with grilled squid, freshly-baked croissants, sunny-side up ostrich eggs, giant bacon strips, and glasses of lemon juice. Nagpakurap-kurap si Snow. Ngayon na lang ulit nakitang magkakasabay ang magkakapatid sa dining hall.
"A-Anong oras na ba? Sinong nagluto ng almusal niyo?"
Pride sipped his tea again before briefly answering, "Today is the annual Hollow Fest of Eastwood. Taun-taon, dumadalo ang Seven Deadly Sins sa kasiyahang ito. Unfortunately, our old maid woke up late this morning. It's a good thing Llyria was here to do her chores."
Ouch.
Binalingan ni Snow ang babaeng nakatayo malapit kay Pride. She was dressed in the same gothic black-and-white maid outfit Snow wore last time. Namuo ang tensyon sa loob ng dining hall at ramdam ito ng magkakapatid. The new maid smiled sweetly and greeted her, "Good morning, Ms. Snow White."
"Morning." Walang-gana niyang sagot.
Naglakad pabalik sa kusina si Llyria, bitbit pa rin ang tray na naglalaman ng takure at tsaa ni Pride. Nang madaanan niya si Snow, mabilis siyang bumulong, "I hope you had a good night's sleep. Balita ko nahirapan ka raw buksan ang mga pinto nitong dining hall kagabi para tulungan si Mr. Gluttony."
Snow White froze and remembered the keys.
'Posible kayang...?'
But before she could even ask the new maid, Llyria whistled past them and exited the dining hall. Naikuyom ni Snow ang kanyang mga kamao at napabuntong-hininga para pakalmahin ang sarili.
'Mukhang imposible nang bumalik sa normal ang mga bagay dito sa mansyon.'
---
These are outsiders, always. These stars—
these iron inklings of an Irish January,
whose light happened
thousands of years before
our pain did; they are, they have always been
outside history.
They keep their distance. Under them remains
a place where you found
you were human, and
a landscape in which you know you are mortal.
---"Outside History", Eavan Boland
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top