QOS: UNDEVIGINTI

Llyria.

That name stuck on Snow's head even after cooking Gluttony's dinner that evening. Sa kasamaang-palad, abala ang ibang magkakapatid kanina kaya't hindi pa sila nakakapagpakilala sa bagong maid.

Sa katunayan, matapos silang batiin ng dalaga, mabilis siyang iniwan ni Chandresh para samahan si Llyria sa private study ni Pride. He turned to her apologetically.

"Your Majesty, diyan ka lang ha? I'll just escort her there."

"Um.. sure."

Snow White was left dumbfounded---with a sleeping clockwork baby in hand---as she watched the sin carry her luggage.

'Pero sa pagbibitbit ng Clockwork baby, ni hindi siya nag-alok na tulungan ako?'

Huminga nang malalim si Snow at marahang umiling. Humarap siya sa kabilang bahagi ng kama niya at pinagmasdan ang clockwork baby na mahimbing pa ring natutulog. It was almost midnight, but she suddenly found it hard to sleep. "Lalong gumugulo sa mansyon.. why the heck would Pride even hire a new maid?"

'Damn it, Snow! You're sounding so immature.'

She sighed. Malamang pagod lang siya. Yes, that's it. Napagod lang si Snow sa pag-aalaga ng clockwork baby. It's nothing. Bukas, babalik na sa normal ang lahat... Sana.

Pero nang akmang matutulog na sana ang dalaga, napapitlag siya nang makarinig ng isang pamilyar na sigaw.

"AAAAAAAAH! PANCAKES! IT HURTS!"

Kumunot ang noo ni Snow at mabilis na kinuha ang lampara sa ibabaw ng night stand. Ano naman kaya ang problema ni Gluttony? Napabuntong-hininga na lang ang dalaga at agad na bumaba sa unang palapag ng mansyon. Snow White wore her silk night dress as she took two steps at a time down the grand staircase.

Bitbit ang lampara, nagmamadali siyang lumiko sa isang hallway at kinatok ang pinto ng dining hall. The polished wooden doors felt cold under her knuckles. It was locked.

"Gluttony?"

Sandaling katahimikan ang namayani sa loob habang pilit pinapakinggan ni Snow ang nangyayari sa binata. Whether or not it's something serious, Snow White is worried for the food-lover.

"Gluttony?!"

Ilang sandali pa, narinig na ni Snow ang boses niya. Lalong kinabahan ang dalaga nang nahimigan ang panghihina ng kasalanan na tila ba unti-unti na siyang nawawalan ng lakas.

"S-Sweetpea! H-Help me... I'm dying!"

"Shit!" Natatarantang sinubukang buksan ni Snow White ang mga pinto. "GLUTTONY!" Nasaan na ba ang ibang mga kasalanan?! Bastards.

Hindi na alam ni Snow ang gagawin niya. She tried breaking down the door again, but it was no use. Antigo ito at halatang binabalutan ng mahika para magtagal ng ilang libong taon. She cursed under her breath. Akmang tatakbuhin na sana ni Snow ang kwarto ni Pride para hiramin sa kanya ang mga susi nang makarinig siya ng pagkalansing sa kanyang likuran.

'What the hell?'

Snow White spun around, just in time to see a set of keys lying on the ground. Nanlaki ang mga mata niya. "Paano 'to nakarating dito?" Nanginginig niya itong pinulot.

"S-SUGAR-PLUM! ARAY! HUHUHU!"

"Damn it, Gluttony! Kung na-impatso ka lang pala na naman, I'm gonna murder you!" Snow White hurriedly used the keys to unlock the doors of the dining hall.

Nang mabuksan na niya ang mga ito, tumambad sa kanya ang isang tanawing hindi niya aakalaing makikita niya. Kailanman. Snow White blinked to make sure she wasn't dreaming. Or maybe this is just another illusion made by Pride?

There, Gluttony sat at the table with a hundred dishes and delicious pastries---untouched.

Oo, hindi man lang yata nabawasan ang mga pagkaing ito.

Snow White blinked.

"Tama na ako ng pinasukang dining hall, o baka naman nasa ibang mansyon ako?"

Gluttony raised his head and pouted at her. Kapansin-pansin na halos mangiyak-ngiyak na ang kasalanan at hawak nito ang gilid ng kanyang pisngi. "MUFFIN BERRY! DUMATING KA! HUHUHU!"

"Err... What the fuck, Gluttony? Akala ko naman namamatay ka na dito!"

"Namamatay na nga ako!"

"Sa dami ng pagkain? Tsk!"

Mukhang nasayang lang ang pag-aalala niya. He looks perfectly fine! Namaywang si Snow at mabilis na sumimangot sa kasalanan. She momentarily motioned to the food on the table. Kanina niya pa hinanda ang mga ito ah?

"At bakit hindi ka pa kumakain? And don't tell me you're on a diet because we both know it's impossible for you to do that!"

"That's the problem, honey-lemon! I-I think the food gods are punishing me! Hindi ako makakain.. sumasakit ito!" Sabay turo sa pisngi niya.

Just then, it clicked.

Napabuntong-hininga si Snow at mabilis na nilapitan si Gluttony. Maingat niyang sinilip ang loob ng bibig ni Gluttony at lihim na napangiti nang makumpirma ang hinala niya. She laughed at him and smiled, "Hindi ka mamamatay at lalong hindi ka pinaparusahan ng 'food gods'."

"T-Talaga?"

"You just have a toothache."

Maluha-luhang tumitig sa kanya ang binata. Gluttony is one of the Seven Deadly Sins that plagued the earth for thousands of years---but now, he just looks so vulnerable. 'Para siyang bata.'

"What's a toothache?"

Napanganga si Snow.

"Ngayon pa lang ba sumakit ang ngipin mo?!"

He nodded.

Napabuntong-hininga si Snow. 'Ilang libong taon na ba ang isang 'to?! Ngayon pa lang talaga sumakit ang ngipin niya?' Mukhang mas nagiging magulo na nga ang mansyon. She sighed and sat beside him, patiently explaining it like a teacher. "Malamang sumakit ang ngipin mo dahil sa hilig mo sa matatamis. Do you even brush your teeth?"

"Um..why do I need to brush my teeth?"

Napanganga si Snow. "H-HINDI KA NAGTU-TOOTHBRUSH?!"

Umiling si Gluttony. "I'm a sin, remember? We're not like humans. We don't need hygiene, medicine, or anything the normal human body needs." At sinubukan nitong kainin ang isang chocolate cake. Kaso, mabilis ring dumaing ng sakit si Gluttony at halos gumulong na sa carpet.

"ARAAAAAY! DAMN, IT HURTS! HUHUHU!"

Ibinalik ni Snow ang atensyon sa hapag. Mukhang hindi makakakain nang ayos si Gluttony hangga't hindi siya nabubunot ang sira niyang ngipin. "May dentista ba sa Tartarus? O baka naman pwedeng sa Eastwood ka na lang magpabunot?" She asked him.

Umiling si Gluttony. "Naka-maternity leave ang Tooth Fairy sa Underworld at pakiramdam ko walang talab ang mga simpleng kagamitan ng mga mortal sa amin. I don't think human dentists will be glad to pull out the teeth of immortal customers. Baka singilin pa tayo nang mahal."

Oo nga pala. Paano nga ba nakalimutan ni Snow ang bagay na 'yon? Whenever the sins have mortal transactions, si Greed ang namamahala sa "finances" nila. No matter how ironic it sounds, siya ang nagsisilbing "treasurer" ng magkakapatid.When Snow asked Pride about this, iisa lang ang naging katuwiran niya:

"My brothers have no limits when it comes to buying products from the mortal world. Those idiots buy anything they like. On the contrary, kuripot si Greed, kaya't madali niyang nalilimitahan ang gastos nila. Kaya nga't siya ang humahawak ng ATM card namin."

Crazy but it's logical.

"Kung ganon, saan ka naman pwedeng magpabunot ng ngipin?"

Just then, an idea came to Snow's mind. Mabilis niyang hinila patayo si Gluttony at kinaladkad papunta sa pangalawang palapag ng mansyon. They passed by the dim hallways, and stained-glass windows that were illuminated by the moonlight.

"H-Hey! Saan tayo pupunta?"

"Basta."

Mabilis na napahinto si Gluttony at pinaharap sa kanya si Snow. Sumeryoso ang ekspresyon ng binata at hinawakan sa magkabilang balikat si Snow White. Kumunot ang noo ng dalaga sa ikinikilos ng kasalanan.

His eyes bore into hers as he spoke, "Strawberry, masyado pang maaga. I-I'm not ready yet. Don't get me wrong! I-I like you.. a lot. I like you more than blueberry cheesecakes, Snow White. Pero mas gusto kong gawin natin 'yon pagkatapos ng kasal natin. I promise, I'll make sure you'll have the sweetest honeymoon in my Dessert Room, I'm gonna lay you down on a bed of waffles and---!"

"SHIT! Gluttony, ano bang sinasabi mo?!"

Gluttony blinked. "Um.... So you're not going to take away my virginity?"

Napanganga si Snow sa iniisip ng lalaking ito. Mukhang nahahawa na talaga sila kay Lust! Malala na talaga ang virus ng kalandian sa mansyong ito. She made a mental note to find a solution for that. Snow White rolled her eyes at him. Uminit ang kanyang mga pisngi sa kahihiyan.

"Dadalhin lang kita sa dentista."

"Ah! Okay. That makes sense---well, it doesn't. Kailan pa nagkaroon ng dentista sa mansyon?"

Snow White smirked. "You'll see."

*

Snow White knocked on his bedroom door.

Ilang sandali pa, naiinis na lumabas si Wrath at sinamaan sila ng tingin. Snow didn't even bother that he was topless. She glared at him and pointed at Gluttony. "Your brother has a toothache. Kailangan mo munang maging dentista."

Namutla ang prinsipe ng katakawan nang mapagtanto ang pinaplano ni Snow.

Pagak na natawa si Wrath at sumandal sa hamba ng pintuan. His sharp eyes stared at her. "And why would I fucking do that? Just let him die. Makakatipid pa tayo sa gastos sa pagkain."

Dati-rati, makakaramdam ng takot si Snow tuwing kakausapin si Wrath. He's the kind of guy that makes you want to believe in devils and all the bad stuff in between. Mainitin ang ulo, palamura, at may pagka-sadista.

'But no matter how heartless he seems, I've learned that Wrath also cares for his brothers.' she thought.

Bago pa man padabog na isara ni Wrath ang pinto ng kwarto niya, mabilis na hinarangan ni Snow ng paa ang pintuan. Her prosthetic leg didn't even feel anything as she glared back at him. "Let's make a deal."

Wrath smirked. "A deal, huh? You really know how to get my attention, Snow."

Huminga nang malalim si Snow.

"Ako ang magpapaligo kay Cerby ng dalawang linggo, basta bunutin mo ang ngipin ni Gluttony."

Sandaling natahimik si Wrath. Mayamaya pa, pagak siyang natawa at ngumisi nang malawak. "Deal. Kahit bunutin ko pa lahat ng ngipin niya."

Mukhang aatakihin na sa puso ni Gluttony sa sinabi ng kapatid. He frowned at his elder brother. "Damn you, brother! Wala ka ba talagang awa sa'kin?!"

"Wala."

"You don't even have tools for dentistry! Tsk. Ano naman ang gagamitin mo para bunutin ang ngipin ko?"

Parehong natigilan sina Snow at Gluttony nang may kinuha si Wrath sa loob ng kanyang silid. Nakangiting ipinakita sa kanila ng kasalanan ang isang dambuhalang chainsaw. Its sharp teeth-like blades flashed as Wrath's eyes glimmered in wickedness.

"This!"

Natuod sa kinatatayuan niya si Gluttony. Mukhang anumang oras ay hihimatayin na ito. Snow White sighed. "Wrath, kahit plais lang. You're just gonna pull out ONE tooth."

"Fine. I'll pull out twenty-one teeth---"

"ONE."

Baka mamaya naman mabungi na si Gluttony. That would be an even bigger problem. Paniguradong hindi sila patatahimikin ni Gluttony sa pagtatantrums nito kapag nagkataon.

'Let's just hope Wrath can pull out his brother's sweet tooth without being too bloody.'

*

Nang pabalik na si Snow sa kanyang silid, saka lang niya napansing kanina pa pala niya hawak ang mga susi ng mansyon. She stared at the set of keys---keys of different shapes, designs, and sizes---and frowned. 'Sino naman kayang nag-iwan nito kanina sa hallway?'

Hindi maganda ang kutob niya sa mga nangyayari ngayon.

Now that the Deadly Sins are starting a rebellion against Lucifer and the Horsemen, paniguradong mas maraming kababalaghan ang mangyayari sa Eastwood at sa Underworld. Naalala niyang bigla ang tanawing nakita niya sa Tartarus noong isinama siya ni Pestilence sa beer house.

Snow remembered the way the land decayed into a gray and lifeless form.

Na tila ba unti-unting sinisira ng Underworld ang sarili nito.

"Nakakatakot palang mawalan ng balanse ang isang mundo." Huminga siya nang malalim at hinigpitan ang pagkakahawak sa mga susi. Kailangan na niya itong isauli kay Pride. Paniguradong magagalit ito kapag nalaman niyang na kay Snow ang mga susi ng mansyon.

But before she could even knock on Pride's bedroom door, something caught her attention.

May puting aninong mabilis na naglaho papunta sa third floor ng mansyon. Like a ghost of someone she used to know.

'Namamalikmata ka lang, Snow. It's just a ghost.'

Mahina siyang napamura. Naikuyom niya ang kanyang mga kamao at sinubukang pigilan ang sarili. Pero namalayan na lang niyang tinatangay na siya ng mga paa niya paakyat sa ikatlong palapag.

"Damn my curiosity."

She doesn't care if it kills her. Kailangang alamin ni Snow ang mga misteryong bumabalot sa mansyong ito. Pakiramdam niya ay may kailangan pa siyang alamin. May kailangan pa siyang unawain. And maybe, just maybe, this can be the key to win the war against the King of Hell.

Tumakbo si Snow White at pilit inaninag ang nakita niyang anino sa gitna ng kadiliman. Hinihingal niyang inilibot ang mga mata sa hallway.

'Nasaan na ba 'yon?'

A flash of light caught her attention. Bago pa man niya makita nang maigi ang liwanag, bigla na lang itong naglaho. Dumako ang mga mata ni Snow sa pinakadulong pinto ng kanang hallway. Envy's voice suddenly repeated inside her head, like a warning etched from memory.

Most of the rooms at the third floor of the mansion are cursed.

Iyon ang dahilan kung bakit naka-lock ang mga ito.

Huminga nang malalim ang dalaga. "I guess it won't hurt if I check them out, right?" Naglakad siya papalapit sa kulay itim na pinto. Kapansin-pansin ang eleganteng mga disensyo ng pinto. A polished black door with faces of angels carved onto its wood. It depicted the figure of three women clad in cloaks. Base sa senaryong ipinapahayag ng disenyo, sinasamba sila ng mga mortal at ginagabayan ng mga anghel. Skeletons laid near them.

Creepy.

Naka-lock ang silid. Malamang may sumpa rin ang kwartong ito katulad ng iba. Sinasadya itong itago sa kanya ng magkakapatid.

"But I know have the keys to open all the rooms in this mansion." Matapang na hinanap ni Snow ang susi ng pinto. Paulit-ulit niyang tinitigan ang mga ito sa malamlam na liwanag na nagmumula sa kalapit na bintana. Just then, she found one that resembled the designs of the door.

'Wala nang atrasan 'to, Snow. You took the road not taken, and now, there's no turning back.'

Snow White slowly unlocked the mysterious room.

It creaked open. Darkness laid ahead. Huminga nang malalim si Snow at nagtungo sa loob nito. Agad siyang binalot ng nakapangingilabot na kadiliman hanggang sa kusang magsara ang pinto sa kanyang likuran. She waited for something to happen. Anything. Pero ano nga bang aasahan niya sa isang isinumpang silid?

"Hello? May tao ba rito?"

Stupid, she knows. Malamang kung mayroon man siyang ibang nilalang na kasama sa silid na ito---hindi ito tao.

Biglang kinabahan si Snow.

'Damn it, Snow! Now you're fucking trapped!' saway sa kanya ng utak niya. Sinubukan niyang kapain kung nasaan ang seradura ng pinto, pero mukhang pinaglalaruan siya ng silid. She found herself in the middle of nowhere.

No way out.

"Shit."

Bago pa man siya tuluyang mabaliw, nakarinig siya ng mahihinang halakhak sa di-kalayuan. The laughter sounded from that of a child's---getting louder and louder with each passing second.

"Sinong nandiyan?!"

Several giggles erupted in space beside her. Bigla na naman itong naglaho.

Hinintay ni Snow ang mga susunod na pangyayari. She braved herself and yelled to no one.

"My name is Chione White, and I'm the slave and bride of the Deadly Sins!"

Silence followed. Pigil-hiningang pinakinggan ni Snow ang anumang tunog na magmumula sa kung-saan. Hindi niya alam kung mga espirito ba ito o mga nilalang mula sa Tartarus.

"Alam namin."

The three girls' voice chorused and as they giggle again. Snow decided to push her luck.

"Alam niyo rin bang nawawala na sa balanse ang Underworld ngayon at na plano naming magsimula ng rebelyon laban kay Lucifer?"

Giggles.

"Alam namin.. at alam rin namin ang kalokohang ginawa mo, Snow White."

Kung normal na dalaga lang siguro si Snow, malamang kanina pa nanindig ang balahibo niya. She tried to focus. 'Alam nilang ginamit ko ang pangalan ni Pride para kontakin si Hades? Sino ba 'tong mga nilalang na ito?' More or less, these creatures seem to know everything going on inside this mansion.

"I-I had no choice... Kinailangan kong gawin 'yon para mailigtas si Sloth. Hindi ko kakayanin kapag may namatay sa kanilang magkakapatid. That's why I decided to just let Hades make an alliance with us so that we can win the war against the King of Hell. Masama ba 'yon? Masama bang ginusto ko lang naman protektahan ang mga taong tumanggap sa'kin?"

"Hindi. Pero masamang ikaw ang gumawa ng desisyon para sa kanila." One of the voices answered.

"Hindi ka dapat nakialam. Pride is the eldest because he's the wisest among them." Another said.

"Don't you trust him? Don't you trust your lover?" The third voice mocked.

Sabay-sabay silang humagikhik. Nararamdaman ni Snow ang presensiya nila sa kadiliman. Naikuyom niya ang nanginginig niyang mga kamay. "A-Ano bang dapat kong gawin?" She hates it when her voice breaks. Ayaw niyang magpakita ng kahinaan sa iba, ngunit lagi siyang dinadaya ng kanyang boses at mga mata.

Ilang sandali pa, sumagot ang tatlong boses.

"Panindigan mo ang iyong naging desisyon, mortal. Pero kailangang handa ka ring harapin ang kahihinatnan ng padalus-dalos mong pagkilos. You cannot escape your fate, Snow White, but we'll leave you with this advice...

Life will stop at midnight's flee
Hearts will break at the count of three
A past shall return to guide your goal
A gift of time and a wandering soul
Leave all hatred, jelousy, and despair,
For an innocent life you're meant to spare.
Never cross the bridge, you fool!
The queen of sins shall forever rule!"

Umalingawngaw sa madilim na silid ang boses nga tatlong batang babae. Their giggles grew louder as Snow suddenly felt dizzy. Nanghihina niyang sinubukang maglakad pabalik sa pintong hindi na niya maaninag nang bigla siyang nawalan ng malay.

Snow White laid unconscious in the Room of Fortune---the cursed room of the three sisters of fate.

---

you treat them as if
they have a heart like yours
but not everyone can be
as soft and as tender as you
you don't see
the person they are
you see the person
they have the potential to be
you give and give till
they have taken everything
out of you and leave
you empty.

---rupi kaur

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top