QOS: UNDEQUINQUAGINTA

Snow White stared at the arrows.

Maliksi siyang umilag sa mga ito. Sharp arrowheads buried themselves on the stone wall behind her. Halos magiba ba ang malalaking pader ng labyrinth. Mahinang napamura si Snow nang madaplisan siya ng isang pana sa braso. It tore through the fabric of her clothes and left a shallow wound. Sinamaan niya ng tingin ang horseman na nakamasid sa kanya.

His ash gray eyes were unreadable.

"I thought you said you couldn't hurt me?" She smirked.

Marahang napailing si Pestilence at iniayos ang korona sa kanyang ulo. That golden crown adorned his blonde hair neatly. Tila ba wala sa gitna ng isang digmaan ang binata. He leisurely rode on Stallio and looked down at her.

"After all the pain you've been through, sa palagay ko naman balewala na sa'yo ang sakit na hatid ng mga pana ko, my queen."

Beyond him, Snow White can see the moon. Natatakpan pa rin ng mga anino ang buwan at para bang hindi na niya muling masisilayan ang liwanag nito. Huminga siya nang malalim at ibinalik ang atensyon kay Pestilence.

Kanina niya pa sinusubukang lapitan ang horseman para mabasa ang kanyang Timeline, pero palagi siya nitong naitataboy papalayo. It's like he doesn't want her to read his Timeline!

Para bang may sikreto itong itinatago..

"Natatakot ka bang malaman ko ang kahinaan mo?"

A sad smile on his lips. "Maybe."

"You're being mysterious. Strategy mo ba 'yan para mapatay ako?"

"No. Because whether I'm mysterious or not, nasa deadly sins pa rin ang tiwala mo. Kahit naman anong gawin ko, you still won't see me the way I see you. You still won't trust a horseman."

Naikuyom ni Snow ang kanyang mga kamao. Hindi siya pwedeng magpaapekto sa binatang ito. Kung anuman ang koneksyong nararamdaman niya kay Pestilence, kailangan na niya itong tuldukan ngayong gabi. She can't let her guard down, the sins are counting on her.

"Tama ka nga siguro, Sir Pestilence. Nasa deadly sins pa rin ang loyalty ko, at hindi na magbabago 'yon. I'm sorry."

Kinuha ni Snow ang nakatagong patalim sa kanyang bulsa at akmang ibabato na sana ito sa horseman nang umalingawngaw ang isang makapanindig-balahibong pagsigaw sa gitna ng labyrinth.

Snow White's eyes widened.

She can recognize that voice anywhere!

Aksidente niyang nabitiwan ang patalim. The knife hit the ground with a soft 'clang' as she searched for him.

"SLOTH!"

Nanlamig ang katawan ng dalaga nang makita ang kalagayan ng kasalanan. Nanghihina at nakaluhod ang prinsipe. His face twisted in pain as the life slowly vanished from his eyes. 'N-No! What the hell's happening?!' Katabi nito si Llyria na hawak-hawak na ngayon ang scythe ni Death. Snow White's hands shook as a blinding light started engulfing them.

'Dadalhin niya ang katawan ni Sloth kay Lucifer!'

She needed to save him!

"Sumakay ka na!"

"A-Ano?"

Nabigla si Snow nang makita sina Pestilence at Stallio sa kanyang harapan. Iniaabot ng horseman ang kanyang kamay sa kanya. His face was serious. "Wala na tayong oras! If you want to save him, you have to trust me!"

"...."

"Snow, please.. kahit ngayon lang."

Wala na siyang nagawa. Isang kaaway nga si Pestilence, pero sa pagkakataong ito, mas lamang ang pagnanais niyang mailigtas ang kasalanan. Napabuntong-hininga si Snow at sumakay kay Stallio.

'Hindi kita hahayaang mamatay, Sloth..'

Ilang sandali pa, mabilis na nilang tinatahak ang daan papunta sa kinaroroonan nina Llyria at Sloth. At an inhuman speed, Stallio rode across the battlefield. Huminga nang malalim si Snow at itinuon ang atensyon sa harapan. Her dark locks flew across her face. Nang ilang metro na lang ang layo niya, huminto ang kabayo.

"Save him, my queen."

Mahinang sambit ni Pestilence. His ash gray eyes were sincere. She managed a small smile, "S-Salamat, Sir Pestilence." Mabilis na bumaba si Snow White at tinakbo ang distansya.

Adrenaline coursed through her blood. Hindi na niya ininda ang sakit na hatid ng kanyang mga binti.

She's going to save him.

And it it means killing the King of Hell himself, then so be it.

'Hang in there, Sloth.' At sa isang kisapmata, tuluyan na siyang nilamon ng liwanag kasama sina Llyria at Sloth.

*

Tick-tock..tick-tock..

Nang buksan ni Snow ang kanyang mga mata, sinalubong siya ng kadiliman. Naramdaman ng dalaga ang kakaibang lamig na hatid ng lugar na ito. Bigla siyang kinilabutan sa hindi malamang dahilan. Maingat siyang naglakad sa gitna ng kawalan.

This reminded her of that creepy room inside the mansion.. ang silid kung saan siya binasahan ng propesiya ng tatlong boses. Tila ba hanggang ngayon ay naririnig pa rin niya ang mga boses sa kanyang ulo. It stuck in her head like an untold memory..

'Life will stop at mightnight's flee
Hearts will break at the count of three...'

Hatinggabi noong tumakbo siya papalayo sa palasyo ni Hades nang i-terminate ni Pride ang kontrata niya bilang katulong ng deadly sins. Her life took an unexpected turn that night as she was brought to the hideout of their enemy. Pero ano ang tinutukoy ng propesiya tungkol sa 'hearts will break at the count of three'?

It was probably nothing...

"Sloth?"

Patuloy lang siyang naglakad.

At nang akala niyang wala nang katapusan ang kadilimang ito, bigla niyang naramdaman ang sahig sa ilalim ng kanyang mga paa. Soon, she was greeted by a flash of light and her own reflection.

Mirrors.

Kumunot ang noo ni Snow nang makita ang sarili niyang repleksyon. 'Bakit may mga salamin dito?' Huminga siya nang malalim at inilibot ang mga mata sa paligid. She was surprised to see so many mirrors lining up the walls..

Mirrors in different shapes and sizes, all in antique golden and silver frames.

'A past shall return to guide your goal
A gift of time and a wandering soul..'

The prophecy spoke of Boswell's return and about her being his heiress of time. Magmula noong nahanap niya ang clockwork baby sa dati nitong shop sa Eastwood, palagi na siyang ginagabayan ng kaluluwa ni Boswell. He even led her to the hideout of the Four Horsemen of the Apocalypse when she had nowhere else to go.

Doon ay unti-unti na niyang niyakap ang kapangyarihang ipinamana sa kanya ng clockmaker. She was so desprate to save the sins.. Snow White is willing to do anything for them.

Soon, she felt the cold floor vanish, replaced by a soft blood red carpet.

"Nasaan na ba ako?"

Nang huminto siya nang makita ang trono sa gitna ng marangyang silid na napapalibutan ng mga salamin. Isang antigong trono na yari sa kulay itim na bato.

Then, realization hit her.

Nasa loob siya ngayon ng kastilyo ng tunay na hari ng impyerno.

She's inside Lucifer's castle!

Nanlaki ang mga mata ni Snow nang makitang nakaupo roon si Sloth. His head hung low as the shadows danced on his sharp facial features.

"S-Sloth?"

Agad niyang nilapitan ang kasalanan. His skin felt cold against her touch. Napatakip ng bibig si Snow nang mapagtantong bangkay na lamang ito ng prinsipe. His body is now an empty vessel. At alam ni Snow na anumang sandali mula ngayon, posibleng dumating ang hari at sapian ang katawan ni Sloth.

Hindi niya hahayaang mangyari 'yon. She'll steal the scythe and take his soul back, even if it kills her.

Snow White desprately scanned the room for anything that can help them..

Pero hindi lang pala ang kasalanan ang nasa loob ng throne room ni Lucifer. Dahil sa pinakasulok ng silid, naramdaman niya ang pagtitig ng babaeng nakatali ang mga paa at kamay. Terrified eyes asked her for help as her pleas were muffled by the cloth covering her lips.

"Queen Persephone!"

'Leave all hatred, jealousy, and despair
For an innocent life you're meant to spare...'

Marahil, ito mismo ang tinutukoy ng propesiya.

To win the war, maybe she needs to save the queen first?

Biglang nabuhayan ng pag-asa si Snow White. Kung maililigtas niya si Persephone, they might have a chance to defeat Lucifer! "The Queen of Sins.." huminga nang malalim si Snow at sinimulan nang alisin ang mga kadenang bumabaon sa mala-porselanang balat ng reyna. Hindi niya alam kung anong ginawa nina Lucifer at ng alagad niyang si Llyria para igapos ang reyna, but Snow White knows she needs to save her first.

She's the only one who can help them.

"Ligtas ka na, Queen of Sins.. Y-You need to help me save Sloth and defeat---"

Pero agad na nanlata si Snow nang mapansin ang reyna. Kinakabahan siyang humakbang papaatras nang unti-unting natunaw ang balat ni Persephone. Her skin peeled off and showed her true self. Suddenly, those brown mortal eyes looked all too familiar. Suot nito ang damit ng reyna. Lalong naguluhan si Snow nang makilala ang dalaga sa kanyang harapan...

"Llyria?"

"MISS SNOW, TUMAKAS KA NA!"

"A-Ano bang pinagsasasabi mo? Akala ko ba alagad ka ni Lucifer? At nasaan si..."

Chills ran up her spine as she felt the presence of a powerful creature behind her. Mabilis na binalingan ni Snow White ang tronong kinauupuan ng bangkay ni Sloth. The sound of heels reverberated throughout the empty room. Mula sa likuran ng itim na trono, lumabas ang babaeng hinahanap ni Snow White.

She wore the clothes Llyria wore, and an evil glint sparkled her eyes as she gripped the scythe..

"It's amazing how easily you can fool everyone who thinks you're just an extra character, don't you think, Snow White?" Kumawala ang isang malalim na pagtawa sa bibig ng reyna. A devilish smile crept on her red lips. "Akala nila ay ang kaawa-awang reyna ang kinidnap ng isang hamak na katulong.. well, it was the opposite, of course. I had to ruin our bedroom and a leave a bloody crown so that Hades will think I was the victim."

Ibinaling ni Persephone ang kanyang mga mata kay Llyria

"Kinailangan ko pang gayahin ang hitsura niya para pagkamalan niyong si Llyria ang kumidnap sa'kin. HAHAHAHAHA!"

Napahakbang papaatras si Snow. Tuluyan nang naglaho ang imahe ng mabait na reyna. Naalala niya ang sinabi noon ni Fleur tungkol sa Queen of Sins---she went evil and caused terror in the Underworld. Posible kayang ang nakaraang ito ang dahilan kung bakit nagkakaganito ngayon si Persephone?

"Queen Persephone, alam kong ikaw ang Queen of Sins! You need to help us defeat Lucifer! Plano niyang sapian ang katawan ni Sloth at---"

"You still don't get it, do you?" Napasimangot ang reyna at humakbang papalapit sa kanya. Snow White can feel a tremendous amount of power from her.

"The moment you crossed the Bridge of Bones to be reunited with your sins tonight is the biggest mistake you've made, Snow. Dahil hindi mo alam na ang sandaling bumalik ka rito para tulungan sila ay ang sandaling mapapalapit ka lalo sa patibong na inihanda ko para sa'yo.."

Walang emosyong nilingon ni Queen Persephone ang salaming nakasabit sa pader. Snow White did the same and paled upon seeing her own reflection.

Her hair turned into crimson red, her tinted with black.. naging kulay pula ang kanyang mga mata at napansin agad ni Snow ang kulay itim na lasong nakatali sa kanyang buhok.

It was the same reflection she saw in her dream.

'N-No..'

In the mirror, Persephone smirked demonically at her.

"Welcome back, Queen of Sins."

'Never cross the bridge you fool!
The queen of sins shall forever rule...'

Umalingawngaw sa loob ng kanyang isipan ang huling linya ng propesiya.

Siya ang Queen of Sins.

'P-Paano nangyari 'to?'

Mabilis na humakbang papalayo si Snow White at kabadong tinitigan ang reyna. Her heart pounnded wildly inside her chest as she braved herself. Naikuyom niya ang kanyang mga kamao. Kung si Snow ang maalamat na reyna ng Underworld, iisa lang ang ibig sabihin ng lahat ng ito. Finally, the puzzle pieces are falling into place.

"I-Ikaw.."

Kaya pala lagi silang nauunahan ni Lucifer. Kaya pala pakiramdam niya ay lagi silang minamanmanan ng tunay na hari ng impyerno..

She stared at Persephone with pure hatred.

The queen is the strongest chesspiece--in every twisted way possible.

And in this gothic fairytale, it took the form of a king.

"Ikaw si Lucifer."

---

And now the day, raft that breaks up, comes on.

I think of a few bones
Floating on a river at night,
The starlight blowing in a place on the water,
The river leaning like a wave towards the emptiness.

---"Poem of Night", Galway Kinnell

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top