QOS: TRIGINTA TRES
"The soldiers are ready, my Lord."
Wika ng isang werewolf sa kinikilala nilang hari ng impyerno. Inside the extravagant interior of the castle, he looked out of place in his dirty human form. Pero katulad ng iba pang mga nilalang ng Underworld, may panganib sa kanyang mga mata. Sa kabilang dako naman, walang emosyong tumango si Hades. He was sitting on his throne, contemplating on how to disarm the Horsemen. Kung may dapat man silang paghandaan maliban kay Lucifer, iyon ay ang Four Horsemen of the Apocalypse mismo.
"Very well. Oh, and keep an eye out for those horsemen. Naipakalat na ba ang batas na naisulong ko?"
Tumango ang taong-lobo at bahagyang yumukod. "Alam na ng buong Tartarus ang gagawin kapag nakita nila ang mga horsemen. The guards are also keeping an eye out for them, but there's just one problem.."
"Ano?"
"T-The Imbalance."
Napabuntong-hininga si Hades at pinilit pakalmahin ang kanyang sarili. Inaasahan na niya ito. Now that the sins have gone against Lucifer's wishes, tuluyan nang nawawalan nang balanse ang dalawang mundo--ang buong Underworld at ang bayan ng Eastwood. The Imbalance is slowly destroying everything, and if they don't make it in time, mas malalang gulo ang naghihintay sa kanila.
Ngayon pa nga lang ay naaapektuhan na ang kaharian ni Hades. Just a few hours ago, the goblins informed him that their crops are dying. Kumakalat na ang pagkawasak sa kanlurang bahagi ng Underworld. It won't take long until it devours everything...
'Win this war or give up the crown.'
Mahinang napamura si Hades.
"Doblehin mo ang reward sa sinumang makakadakip sa alinmang horsemen. Hindi tayo titigil hangga't hindi natin napapabagsak si Lucifer." Utos ni Hades sa kanyang tauhan. The werewolf nodded and dismissed himself.
Kasabay 'non ay ang pagpasok ng kanyang asawa sa throne room. Nanlaki ang mga mata ni Hades nang makita ang sugat sa braso ni Persephone. Agad siyang tumayo at sinalubong ang babae.
"What happened?!" Akala ba niya ay bumili lang ng damit si Persephone sa Tartarus?
His distressed queen held onto him. Nanginginig ang kanyang katawan sa takot, "A-Ang horsemen.."
Shit.
"Nasaan sila?!"
"I-Inaatake nila ang Tartarus! They're killing your soldiers and burning the marketplace!"
Makalipas ng ilang sandali, narinig na ni Hades ang isang malakas na pagsabog. Agad siyang dumungaw sa labas ng bintana. Nanlaki ang mga mata ng hari nang makita ang sunog sa may pamilihan. Nagkakagulo ang mga nilalang doon at mula rito, naririnig niya ang yabag ng mga kabayo.
Hades yelled at his guard.
"Inform the deadly sins about this. Now!"
*
Habang tinititigan ni Snow White ang kahon, naalala niya ang isang librong nabasa niya noon sa Eastwood. She couldn't help but feel like she was holding something similar to "Pandora's box", the origin of all evil on earth. Ayon sa Greek mythology, si Pandora ang pinakaunang babaeng nilikha ni Hephaestus alinsunod sa utos ni Zeus. In fact, Pandora originally opened a jar (called "pithos"), not a box. Pero dahil sa pagkakamali sa pagsasalin-wika ng mitolohiyang ito, naging kahon ang nakasanayan. This version was then adapted and further influenced Jewish and Christian theology.
Snow White sighed and delicately touched the rosewood lid.
"Parang Pandora's box nga dahil lumabas kanina dito si Famine." Nang maalala niya ang pagkawasak ng mansyon kanina, lalong kinabahan si Snow. Should she open this? Paano kung may portal pala dito ang horsemen at isa na naman itong patibong?
Napasimangot ang dalaga. Sitting on the edge of her bed, she traced the antique lid until her hands found the joint. Her mind is yelling at her to just throw it away---but her gut is telling her not to.
"Bahala na."
Maingat at kinakabahang binuksan ni Snow White ang kahon. Napapikit siya't hinanda ang sarili kung sakali mang may aatake na naman sa kanila. Her hands shook nervously until she finally opened the innocent looking box.
But nothing came out.
Nothing killed her...
"Yet."
Nang magmulat ng mga mata si Snow, nabunutan siya ng tinik sa dibdib. But something looks off about the contents. 'A-Anong ginagawa nito dito?' her eyes narrowed when she saw a suspicious red ribbon inside the box. Kinuha niya ito at tinitigang maigi.
Nostalgia hit her.
"T-This is the same ribbon Pride gave me."
Agad niyang kinapa ang kanyang buhok. She realized that all this time, she forgot to wear this. Nanlaki ang kanyang mga mata. Paano naman ito napunta dito? Nagmamadali siyang nagpunta sa drawers niya't hinanap ang pulang laso. She swore she kept it in there! She always does.
Nothing.
Sinilip niyang muli ang kahon. Imposible namang mapunta ito rito, pwera na lang kung...
"Pwera na lang kung may nagnakaw nito dito sa kwarto ko."
She doesn't know why that thought alone terrified her. Masama ang kutob niya rito. Mukhang minamanmanan siya ng isang horseman, at sinadya nitong nakawin ang red ribbon ni Snow nang hindi nito namamalayan. And right now, that horseman is letting her know about him. Ipinadala niya kay Snow ang ribbon para ipaalam sa dalaga na nakabantay siya sa kanya.
At sa Four Horsemen of the Apocalypse, iisa lang ang naiisip niyang posibleng gumawa nito...
"Pestilence."
He's stalking her!
Damn it. Kailangan niya itong sabihin kina---
"SHIT!" Halos mawalan ng balanse si Snow nang yumanig ang buong mansyon kasabay ng malakas na pagsabog na nagmumula sa unang palapag. Mahina siyang napamura. Inaatake na naman ba ang mansyon?
'Damn! Where are those sins?!'
Agad niyang iniwan ang kahon at tumakbo pababa ng hagdan. There, she noticed smoke coming from the left wing of the mansion.
'Ang private study!'
Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Snow at mabilis na binuksan ang pinto. Umubo siya't pinilit maaninag ang paligid. "Hoy! Ano na naman bang kalokohan ang ginawa niyo?" Pagtawag niya sa mga ito. None of her sins answered. Inis na sinipa ni Snow ang isang librong nagkakalat at inilibot ang kanyang tingin.
"What the hell...?"
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang mga kadenang nasa sahig. Ang parehong mga kadenang ginamit ni Wrath para itali si Grenvy kanina!
'But where the fuck are they?'
Just then, she saw something---or someone---move from the corner of her eye. Napaatras si Snow White nang makitang bumangon ang isang lalaki. Nang unti-unti nang maglaho ang usok, saka niya lang napagtantong nakatitig pala ito sa kanya. Nanlamig ang kanyang katawan nang makita ito. Mukhang alam na niya kung saan napunta ang walong prinsipe...
"T- This is madness."
The eight sins are gone.. replaced by a dashing prince clad in black robes.
Chandresh's lovely violet eyes stared back at her. Half-lidded eyes and that sleepy look from Sloth. Ngunit nang tinitigan niya itong maigi, napansin niya ang panganib at pagiging sadista sa likod ng mga ito, katulad ng kay Wrath. Ngumisi ang binata, a sinful smirk that reminded her of Envy's. Nakasuot siya ng salamin, katulad ni Pride, pero malakas ang karisma nito at wari bang isang totoong prinsipe ang postura, katulad ng kay Greed. He eyed her tenderly and licked his lips.
"Why do you look surprised, my sweet lady?"
Sweet. Just like how Gluttony likes it.
Napalunok si Snow at humakbang paatras. Sa kasamaang-palad, natisod siya ng librong sinipa niya kanina. Nawalan siya ng balanse, pero bago pa man siya tuluyang lumagapak sa sahig, the stranger's strong arms caught her just in time.
"I'll always catch you, baby." He winked and chuckled sexily.
'K-Kalandian ni Lust.'
Shit.
Snow White concluded the worst possible scenario in her freaking fairytale...
The souls of the eight deadly sins are now merged in one man's body.
---
Now it is time to say what you have to say.
The room is quiet.
The whirring fan has been unplugged,
and the girl who was tapping
a pencil on her desktop has been removed.
So tell us what is on your mind.
We want to hear the sound of your foliage,
the unraveling of your tool kit,
your songs of loneliness,
your songs of hurt.
---"Silence", Billy Collins
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top