QOS: TRIGINTA SEPTEM

A burst of light filled the living room.

Eight souls floated in the air before her. Pinagmasdan ni Snow ang unti-unting paghihiwalay ng kanilang mga kaluluwa. Kalaunan, hindi na niya nakayanang titigan nang matagal ang liwanag at mabilis siyang napapikit. 'Damn.. ganito ba ang lahat ng spells?'

Silence.

Tanging ang pagpatak ng kanyang dugo sa carpet ang maririnig sa buong silid. Nanunuot pa rin ang sakit ng kanyang sugat sa palad---the same cut she made in order to draw out blood for this spell. Pero nang magmulat ng mga mata ang dalaga, agad rin niyang kinalimutan ang sakit. Snow White smiled.

"Anong nangyari? Oh, there you are, baby! May dumating bang condom delivery dito?" Natatarantang tanong sa kanya ni Lust. Umirap si Snow. "Seriously, Lust? Mas nag-aalala ka pa sa banana-flavored condoms mo kaysa sa nangyari sa inyo?"

Lust winked at her. "Baby, protection is better than procreation! Pwera na lang kung gusto mong magka-Lust junior agad tayo... hmm. We can set arrangements for that tonight." He smirked and licked his lips suggestively.

Napabuntong-hininga na lang si Snow. Hindi na talaga magbabago ang manyak na ito..

"Ouch.. my head hurts, Sugarcup! I need first aid! Pakikuha yung chocolate-coated popcorn sa kusina!"

"The fuck, Gluttony? Tsk! Kahit kailan talaga walang pinipiling oras 'yang katakawan mo." Galit na binalingan ni Wrath ang kapatid na hawak-hawak ang kanyang tiyan sa gutom.

She turned to the twins, who were still confused.

"Avarice, bakit parang pakiramdam ko naghalo yung katawan natin? Nalugi yata ako."

"HOW MANY TIMES DO I HAVE TO TELL YOU TO STOP CALLING ME THAT, YOU ENVIOUS JERK!"

"GREEDY ASSHOLE! EH YUN NAMAN TALAGA ORIGINAL NAME MO EH! PANGIT MO!"

"KAMBAL TAYO!"

"NALUGI AKO!"

"NAGSISISI AKO!"

"PANGIT MO!"

Natigil lang ang pag-aaway ng dalawa nang mahinang natawa si Snow White. She has to admit, na-miss niya ang pagbabangayan nina Greed at Envy sa mga simpleng bagay. Mas gusto niya ang dalawang ito kaysa kay "Grenvy".

Greed eyed her and frowned, "What are you laughing at, Mademoiselle?"

"You look happy, Chione. Naka-drugs ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Envy.

Pero napailing lang si Snow White. "I'm just happy to see you all back to normal." Mabilis namang tumabi sa kanya si Chandresh at hinalikan ang likod ng kamay ni Snow. His violet eyes were sincere and curious. Mukhang wala talaga silang naaalala sa nangyari.

"Ano ba talaga ang nangyari sa amin, Your Majesty?"

"It's nothing." She's gonna keep it her little secret for now.

"Keeping secrets from us now, princess? That's against our contract, you know."

Napalingon si Snow sa nagsalita. Hindi na siya nabigla nang makita niyang nakatayo sa kanyang harapan si Pride.

"It's nothing, really. Sabihin na lang nating nagkabuhol-buhol kayong walo kaya't panandaliang gumulo rito sa mansyon."

"Lemon tea?"

"Yup."

Pride nodded. Mukhang nauunawan na niya ang ibig sabihin ng dalaga. He adjusted his eyeglasses and handed her her prosthetic leg. "Nakita ko 'tong nakakalat sa may pintuan. Don't lose it again." Tipid nitong sinabi. She thanked him and started wearing her prosthetics again when the eldest sin read the letter from Hades.

Ilang sandali pa, napabuntong-hininga si Pride at inanunsyo sa kanyang mga kapatid, "King Hades summons us at Tartarus. We'll leave after lunch."

Namuo ang tensyon sa sinabi ni Pride. Hindi man nila ipinapakita, pero alam ni Snow na may ideya na sila kung para saan ito. 'We need to win this war against Lucifer and his horsemen.' She balled her fists in determination. Siya ang naging tulay sa kaguluhang ito, kaya't paninindigan niya ito. She will make sure they win, whatever it may cost her.

Pasimpleng dumako ang mga mata ni Snow kay Sloth na kanina pa walang imik.

*

After doing her part of the chores, agad na nanghiram si Snow ng mga libro sa Library of Lost Souls (of course, tinatarayan muna siya ni Monique). Bago pa man ang lahat, kailangan nilang bayaran ang bruhang si Morticia para sa serbisyo nito noong ginamot niya si Wrath. As much as Snow doesn't want to give a damn about that witch, she doesn't want to get on her bad side.

Baka mamaya kapag hindi niya naibigay hinihingi nito, umanib pa siya kina Hades. Morticia is a bitch witch and Snow decided that displeasing her isn't a good idea.

In fact, she wants to gain Morticia's trust.

Kung ipapanalo nila ang digmaang ito, kakailanganin nila ang lahat ng tulong na kaya nilang kunin.

'Making our old enemy an ally. Perfect, isn't it?' Snow White thought and rounded a corner. Pero agad siyang natumba nang tisurin siya ni Llyria.

"Damn it!"

The books scattered on the floor. Napasimangot si Snow at sinamaan ng tingin ang bagong katulong, "Kung nagagawa mong isingit sa schedule mo ang pagsira sa araw ko, then I guess you have a lot of time to spare." Venom laced her voice as Snow White picked up the books.

"Sorry, Ms. Snow! Hindi ko talaga sinasadya."

"Save it. I'm not in the mood, Llyria."

Napabuntong-hininga si Snow para pakalmahin ang kanyang sarili. Tahimik namang binasa ni Llyria ang mga titulo. She can literally hear that sweet smile in her voice. "Bakit mo naman hinahanap ang Fountain of Youth?"

"None of your business."

She rolled her eyes. Bago pa man makapaglakad papalayo si Snow White, pinigilan siya ng sinabi ni Llyria.

"Hindi na updated ang mga librong 'yan. Ang Fountain of Youth ay pabago-bago ng lokasyon. Every decade or so, someone is assigned to guard it. Nang sa ganoon, walang makakahanap sa fountain."

Snow White hesitated. Dapat ba niyang pagkatiwalaan ang mga sinasabi ni Llyria? Her eyes landed on the years imprinted on the covers. Luma na nga ang mga ito, at ang ilang scrolls ay nailimbag pa noong 1500's Huminga nang malalim si Snow at binalingan ang kasama, "Paano mo nalaman?"

Llyria shrugged. "Mahalaga pa ba 'yon?"

"Tsk! Llyria, I'm serious here. Kailangan kong kumuha ng tubig mula sa Fountain of Youth para ibayad kay Morticia."

"And that's why I'm leading you down the right path, Ms. Snow. Kaysa naman sayangin mo ang oras mo sa pagbabasa ng mga librong 'yan. I've been told that we'll leave after lunch. Ilang oras na lang mula ngayon.." kalmadong sabi ni Llyria.

And she's right. Snow has only a few hours to actually find the legendary fountain. 'Kung hindi lang talaga ako desperadang kunin ang tiwala ni Morticia para manalo kami sa digmaan, hindi ko ito gagawin.' Pero ngayong mas malaking banta na ang naghihintay sa kanila, Snow White realized that she needs all the help available. Humigpit ang pagkakahawak niya sa mga libro. Matapang niyang sinalubong ang mga mata ni Llyria.

"Tell me.. where is the Fountain of Youth now?"

*

Ang "Fountain of Youth" ay isang maalamat na bukal na pinaniniwalaang makapagpapabalik ng kabataan ng isang nilalang. It reverses the aging process and makes anyone who drinks it younger and healthier. This legendary fountain was mentioned in several writings such as in Herodotus' during the 5th century BC. Magmula noon, naipalaganap sa buong daigdaig ang kwento ng Fountain of Youth. Throughout the centuries, people sought the fountain but eventually fail.

Sa pagkakaalam ni Snow, walang nakakaalam kung saan ito o kung totoo ba talaga ang Fountain of Youth.

'Pero noon naman, hindi rin ako naniniwala sa mga mangkukulam, bampira, at mga taong-lobo. So I woudn't really be surprised if the fountain does exists,' Snow thought and took in a deep breath to ease her nerves.

Pero ang hindi pa rin niya maunawaan ay kung bakit siya pinapunta ni Llyria dito.

"Sabi ko na nga ba pinaglololoko lang ako ng isang 'yon." Nakasimangot niyang tinitigan ang estatwa ng anghel sa Fountain of Tears.

Oo, nasa harap siya ng Fountain of Tears sa harapan ng mansyon ng Seven Deadly Sins.

The stone fountain stood in the middle of the empty circular driveway. A cobblestone path beneath her feet, as she walked closer towards the fountain. Hanggang ngayon, tila ba nakatitig pa rin sa kanya ang anghel na estatwang putol ang mga pakpak. Snow White stared at her reflection in the stagnant water and sighed. "Wag mo sabihing ito ang Fountain of Youth? This is crazy. Really crazy!"

Ibinalik ni Snow ang kanyang mga mata sa crystal na boteng ibinigay sa kanya ni Morticia.

Just then, something moved in the water.

Napaatras si Snow, pero huli na ang lahat. Agad siyang hinila ng isang kamay na yari sa tubig at kinaladkad papunta sa tubig. Her screams were muffled by the water, pulling her deeper.

Halos malunod na si Snow White. She can feel the oxygen slowly leaving her system.

'Malapit na talaga akong mabaliw sa mansyong 'to!'

Soon, Snow White found herself in a new dimension. Nanghihina siyang naupo sa isang malapad na bato at inubo ang tubig na aksidenteng pumasok sa kanyang mga baga. She feels like she's been tossed inside a washing machine with tons of shitty detergent.

'T- Teka, nasaan yung bote?'

"You're looking quite pale, Snow. Naii-stress ka na bang maging katulong sa mansyon nila? Maybe you should resign?"

Nang mag-angat ng mga mata si Snow, she found herself staring at the lovely water goddess of the Fountain of Tears. Hindi pa rin kumukupas ang kagandahan at maamong mukha niya. She held the crystal bottle between her fingers and smirked down at her.

Snow White smiled. "It's nice to see you too, Fleur. Naka-move ka na ba kay Lust?"

Napasimangot ang diyosa. Half her body was submerged in water as she neared her. Mukhang hindi nito gustong pinapaalala na ginawa lang siyang pampalipas oras ni Lust noon. She was one of his ex-girlfriends. Snow White witnessed first-hand how desprate and jealous Fleur can get when it comes to Lust. 'Malakas kasi talaga ang karisma ng manyak na 'yon.' isip-isip ni Snow.

"Ugh. Don't get all cocky with me, Snow White! Baka maisipan pa kitang patayin dito para hindi ka na makabalik sa mga kasalanan."

"Sorry, hindi na tumatalab sa'kin ang death threats, Fleur. I've already been through hell and back."

Fleur rolled her eyes and raised the bottle. "Pathetic mortal.. Tsk! Para saan naman 'to?"

"Kailangan kong kumuha ng tubig mula sa Fountain of Youth. War got in a mess last time, so we have to call Morticia for help. Hiningi niya 'yan bilang kabayaran ng panggagamot niya. Do you know where it's located?" Walang patumpik-tumpik na tanong ni Snow. She doesn't have time to elaborate everything. Ilang oras na lang at aalis na sila papuntang Tartarus.

But the water goddess only stared at her boredly. "You're already here."

"H-Ha?"

Iminuwestra ni Fleur ang katubigang pumapalibot sa kanila. "The water inside this cave is the Fountain of Youth.  Kumuha ka na at lumayas ka na sa teritoryo ko."

"Really?!"

"Do I look like I'm joking around?" Pagtataray ni Fleur. Mukhang bitter pa rin ito dahil kay Lust.

Mahinang natawa ang bride ng deadly sins.

Snow White scanned the place as if she were seeing it for the first time. Isang malaking kweba ang lungga ni Fleur. Nakalubong ang kalahati nito sa tubig, samantalang may ilang mga stalactites at stalagmites na nagmimistulang palamuti rito. The sharp rock formations mesmerized Snow as they glimmered like crystals.

Ibinato sa kanya ni Fleur ang bote na agad din niyang nasalo.

Sinimulan nang kumuha ni Snow White ng tubig nang magsalita ulit si Fleur, "Narinig ko ang gulong nangyayari ngayon sa mansyon.. how foolish of Pride to even let this happen! Hindi niyo kayang talunin si Lucifer. I've seen what he can do, and the sins are nowhere near as powerful as the King is."

"So, you're against the idea of this rebellion? Salamat sa suporta ha."

"Obviously. Para lang kayong magpapakamatay."

Naikuyom ni Snow ang kanyang mga kamao. "Wag nating diktahan ang kahihinatnan ng digmaang ito, Fleur. This is the only way to save all of them. If we can finish off Lucifer, then the balance will be back... Walang mamamatay sa walong magkakapatid."

Pero napailing na lang ang diyosa.

"You're selfish, kaya ayaw mong may mamatay sa kanila."

Napanganga si Snow sa sinabi nito. Ilang sandali pa, tumalim ang mga mata ni Fleur sa dalaga. Humalukipkip siya't nagpatuloy sa pagsasalita, "Haven't you even thought of the possibility that maybe the sins don't mind dying? Ilang siglo na silang nabubuhay sa mundo, Snow. Naranasan na nila ang lahat ng hirap at pagdurusang kaakibat ng imortalidad nila. Hindi ba pumasok sa isip mo na baka pagkakataon na pala ito para makapagpahinga na sila? For immortals, death is salvation. Besides, isa lang naman ang kailangang mamatay sa kanila. Hindi 'yon kawalan."

'Hindi kawalan?'

Snow White glared at her. How can she be so heartless?

"Sinasabi mo bang dapat na lang namin patayin ang isa sa kanila?"

"No."

Napasigaw sa sakit si Snow White nang bigla na lang siyang sinakal ni Fleur. Aksidente niyang nabitiwan ang bote na naging dahilan upang mabasag ito. Her body was lifted off the ground as she tried to release herself from Fleur's grip. Pakiramdam niya ay mababali na ang lalamunan niya. The goddess' eyes challenged her.

"Ang ibig kong sabihin ay hindi ka dapat gumagawa ng mga desisyon para sa kanila! You're too curious, and that's your weakness. Hindi mo dapat ipinagyayabang ang posisyong meron ka ngayon, Snow White, dahil hindi magtatagal, mawawala sa'yo ang lahat."

Marahang napailing si Fleur na para bang dismayado ito sa kanya, "Kapag nalaman nila ang ginawa mo, I'm afraid there wouldn't be a 'happily ever after' for you anymore."

Hindi na makahinga si Snow.

Her lungs ached for air as she desprately tried to get away from Fleur. Pero higit sa lahat, natatakot siya sa mga sinabi ng diyosa. Sa kabila ng kaba, pinilit niyang makapagsalita. "P-Paano mo nalaman?"

Fleur sighed, "The triplets of fate always leave a mark.. nababasa ko sa kaluluwa mo ang propesiyang inilahad nila. Sa pagkakataong ito, hindi mo na matatakasan ang kapalaran mo."

Nanlaki ang mga mata ni Snow at para bang bumalik na naman sa kanyang alaala ang boses ng mga batang naglahad ng propesiya sa kanya. She found herself inside that dark room again, as they whispered her tragic fate..

"Life will stop at mightnight's flee
Hearts will break at the count of three
A past shall return to guide your goal
A gift of time and a wandering soul
Leave all hatred, jealousy, and despair
For an innocent life you're meant to spare.
Never cross the bridge, you fool!
For the queen of sins shall forever rule!"

Nanindig ang balahibo ni Snow nang maalala ang mga salitang iyon. 'The queen of sins?'

Tila ba nabasa ni Fleur ang iniisip niya. She sighed and released her hold. Bumagsak sa batuhan ang katawan ng dalaga, nanghihina at hinahabol ang hininga. The water goddess sighed, "Like the Fountain of Youth, the Queen of Sins is an old legend... Scriptures described a maiden who sold her soul to Lucifer, in exchange of power. She eventually became the evil queen of the Underworld. Naging kanang kamay siya ng hari ng impyerno hanggang sa tuluyan siyang maglaho sa hindi malamang dahilan. She was his greatest warrior and some even testified that she's more powerful than the King himself."

"Tinawag akong 'queen of sins' ng kambal. I-Is there a possibility that--"

"Of course not. Wala akong nararamdamang kakaiba sa'yo. You're nothing special, Snow, so don't flatter yourself."

Okay. At least that lessens her complications.

Fleur had a serious look on her face, "Hindi ko alam kung bakit binanggit ng propesiya mo ang tungkol sa kanya, pero masama ang kutob ko rito." Sa isang kumpas ng kanyang mga kamay, bumalik sa dati ang crystal na bote. Water filled the bottle as the goddess handed it back to Snow. "Nalalapit nang kumilos ang tadhana, Snow White. Sa pagkakataong ito, wala ka nang magagawa para baguhin ito.. because this time, your prince charming cannot save you."

At the same time her hand touched the bottle, Snow White felt herself being sucked inside the portal again.

*
"Princess?"

Agad na pabalik ng kasalukuyan si Snow nang hawakan ni Pride ang kanyang kamay. Walang ekspresyon ang mukha ng binata, pero bakas ang pag-aalala sa mga mata nito. Typical Pride, his eyes always tell her a different story. "Iniisip mo ba ang papalapit na digmaan?"

'Actually, iniisip ko kung anong gagawin mo kapag nalaman mong nakialam ako sa desisyon mo.'

But of course, she can't say that. Natutunan ni Snow White na hindi lahat ng iniisip natin ay ligtas sabihin. Some thoughts are meant to be kept a secret. Huminga siya nang malalim at ngumiti.

"Pride, whatever happens, we need to win.."

Napabuntong-hininga si Pride.

"Hindi ako magsisinungaling sa'yo, Snow. Kahit pa kasama natin sina Hades, walang kasiguraduhang mananalo tayo sa digmaang ito. Against the horsemen, me and my brothers are powerless. Their weapons can destroy us." He adjusted his eyeglasses and stared off at a distance. Tila ba malalim ang iniisip ng panganay.

Lalong kinabahan ang dalaga. Masasayang lang ba ang lahat ng ginagawa niya? 'No. Damn it.. i-it can't end like this!' Mabigat sa puso niyang isipin na hindi niya maililigtas si Sloth o ang sinuman sa kanila. She suddenly feels useless and she fucking hates it. Hindi. Hindi siya papayag na may mamatay sa kanila. Napalunok siya't pinagmasdan ang iba pang mga kasalanan na abala sa pagkain.

The clock struck 11:40 pm.

They were eating a late-night dinner inside Hades' castle. All twelve of them, including Llyria, Hades, and Persephone, seated around the long table. Matapos ang kanilang training kanina kasama ang mga kawal ni Hades, hindi na naalis sa isipan ni Snow ang sinabi sa kanya ni Fleur.

She stared at the eight sins.

'Am I really selfish?'

If selfishness means wanting them all to live and survive another day, then yes. Maybe she is selfish.

"Sometimes, I think letting Sloth die is a better option."

Gulat na napatingin si Snow kay Pride. Walang ganang humigop ang panganay ng kanyang tsaa at nagpatuloy sa pagsasalita. It terrifies her how fucking calm he is...

"Sloth probably told you about his curse.. nakatakda na siyang mamatay, kaya't nag-volunteer siya sa akin noon. Gugustuhin pa raw niyang mamatay nang maaga para ibalik ang balanse ng Underworld kaysa mamatay mismo sa gabi ng Sinner's Moon."

"Bakit naman?"

"Sinner's Moon is when Lucifer will try to take over Sloth's body."

Napanganga si Snow White sa sinabi niya. Nabitiwan niya ang kanyang mga kubyertos dala ng gulat. "A-Anong ibig mong sabihin?"

"Sa gabi ng Sinner's Moon, sisingilin ni Death si Sloth.. he will take his soul away and offer his empty body to Lucifer. Sa gabing iyon, kakailanganin ni Lucifer ng bagong katawan kaya't ang kay Sloth ang kukunin niya. Lalong magiging mapanganib ang lahat kapag nasapian na ni Lucifer ang katawan ni Sloth. Hindi man niya ito ipinapakita, ngunit pantay lang ang kapangyarihan namin ni Sloth.. if anything, I fear that he is even more powerful than I am." Dumako ang mga mata ni Pride sa prinsipe ng katamaran, "Sloth's origin gave him tremendous power. He was born out of the depression and misery of a desprate man. Madalas, tinatamad lang siya. Pero kapag naangkin na ni Lucifer ang katawan niya, no one will stand a chance against him, not even us."

'Shit. A-Ang ibig sabihin nito...'

"Yan ba ang dahilan kaya gusto niyong mamatay noon si Sloth?"

Pride nodded, "It was his idea. Para mapigilan namin si Lucifer na makuha ang kapangyarihan niya. Pero ngayong nagrerebelde na tayo sa hari ng impyerno, mukhang mahihirapan na tayong ipanalo ang digmaang ito. It's too dangerous. Hindi lang ang balanse ng Underworld ang nakasalalay sa mga desisyon natin, Snow.. kundi ang kaligtasan ng lahat."

"P-Pero pwede pa nating iligtas si Sloth, hindi ba?"

Nag-iwas ng tingin si Pride. "Yes. But that means killing Lucifer. And let me remind you, wala pang nakakakita sa tunay na hari ng impyerno."

"Kapag hindi natin napatay si Lucifer sa gabi ng Sinner's Moon, kailangan niyo akong patayin para hindi niya ako saniban. After Death takes my soul away, burn my body to ashes. Nang sa ganoon, wala nang magiging problema.." Mahinang sabi ni Sloth mula sa kabilang bahagi ng mesa. Snow looked at him desprately. Mas malaki pa pala ang nakataya sa digmaang ito..

"Hindi mangyayari 'yon. We're gonna kill Lucifer."

Pagak na natawa si Wrath. Marahas niyang sinaksak ang isang turkey gamit ang hawak niyang kutsilyo at tumitig sa dalaga. A serious and deadly look in his eyes. "Madaling sabihin, mahirap gawin. In fact, all this shitty drama could've been solved if we had only killed Sloth! Magmula nang magrebelde tayo kay Lucifer, puro kamalasan na ang inabot natin."

"Wrath--"

"Don't try to disagree, Pride!" Singhal ni Wrath, "Pakaunti na nang pakaunti ang mga makasalanang kaluluwang kinokolekta natin araw-araw sa Segregation Office. We're getting weaker every single fucking day! At this rate, we might all get killed before Sinner's Moon!"

"That's enough."

Umalingawngaw sa buong dining hall ang kalmadong boses ng panganay. He glared at his brother.

Naramdaman ni Snow ang tensyong namumuo sa pagitan nila. She stared at the other sins.. would they have preferred to let Sloth die? Si Snow na lang ba talaga ang may gustong iligtas silang lahat? Naikuyom ni Snow White ang kanyang mga kamay. Nanginginig na pala ang mga ito at nahihirapan na siyang mag-isip. She doesn't know what to do anymore. Fuck, she doesn't know what to feel anymore!

Paano ka lalaban kung nag-iisa ka lang?

Damn it.

Hades cleared his throat, breaking the silence among them.

"We'll defeat Lucifer and restore the balance of the Underworld. Our army is ready. Wala tayong dapat ikatakot."

"What about the Horsemen? Baka nakakalimutan mong kaya kaming sugatan ng mga sandata nila. At kung hindi ako nagkakamali, your so-called 'army' was powerless against their attacks in Tartarus, YOUR HIGHNESS." Pang-aasar ni Wrath bago nilagok ang alak sa kopita.

"Now that I think about it, hindi mo ugaling makipag-alyansa sa ibang nilalang, King Hades. You're just as prideful as our eldest brother." Mahinang sambit ni Greed, "kaya't nakakapagtakang nagka-interes ka para makipagtulungan sa'min. How on earth did you come up with that idea?"

Shit.

Napalunok si Snow at mabilis na binalingan ang pagkaing hindi pa nagagalaw sa kanyang plato. Hades glanced at her, but she tried to look oblivious. Hindi siya pwedeng magpahalata.

Ilang sandali pa, nagsalita si Llyria. "Hmm.. sino nga bang nagbigay ng ideya na 'yon sa hari? Why don't you ask your bride, maybe she has a clue..."

Fuck.

Natigilan ang lahat.

Snow can feel their eyes burning at her, expecting an answer. Huminga siya nang malalim at pilit pinakalma ang sarili, "H-Hindi ko alam ang sinasabi mo."

Napasimangot si Pride sa kanya.

"Princess, what did you do?"

"I-I didn't do anything.."

Tumayo si Pride at inis na napabuntong-hininga.

"You're a bad liar, Snow White."

Nanlaki ang mga mata ni Snow at mabilis niyang binalingan ang iba pang nasa hapag. The sins all looked confused. Ilang sandali pa, Hades excused himself---sa kasamaang palad, nalaglag ang isang liham mula sa bulsa ng kanyang robe. Pinulot ito ni Envy at kumunot ang noo nang mabasa ang nilalaman nito.

"Pride, you wrote a letter to Hades?"

Oh, shit.

"No.. but I have an idea on who did it."

Galit na binalingan ng panganay ang kapatid at inilahad ang kamay para kunin ang sulat. Snow's heart beated nervously inside her chest. Nakayuko lang siya habang binabasa ni Pride ang sulat na pineke ni Snow.

Soon, the letter burned in flames.

"So, you proposed an alliance to Hades and even faked my fucking signature?"

The coldness in his words made her feel pathetic. Alam niyang higit sa lahat, ayaw na ayaw ni Pride na may nakikialam sa mga gamit at mga desisyon niya. He doesn't like other people dictating him what to do. His ego won't let it. Nanghihinang tumango si Snow. Kinakabahan niyang sinalubong ang talim ng tingin ni Pride.

He was angry.

Very angry...

"Ginawa ko 'yon para sa inyo! D-Dahil ayokong may mamatay sa inyo---"

"At sa tingin mo ang pagsulong ng isang digmaan laban kay Lucifer ang makakabuti sa lahat?! Damn it, Snow! This is exactly the reason why I didn't want you to mess with my decisions!"

"And let you kill off your own brother?! Pride, mas pipiliin kong makipaglaban para iligtas kayong lahat!"

Nang tingnan ni Snow ang reaksyon ng iba pang mga kasalanan, nabigla siya nang ni wala man lang sumang-ayon sa kanya. They all looked at her with pity and.. disappointment. Snow White can feel her eyes sting. Alam niyang darating ang araw na malalaman nila ang kalokohang ginawa niya, pero hindi niya pa rin ito napaghandaan.

Hindi niya napaghandaan ang sakit.

Pride cursed under his breath. His eyes sharpened.

"Pero sa ginawa mong 'yan, lalong napapahamak ang mga kapatid ko. You're dragging all of us into a war! You decided to do it without even consulting me or any of my fucking brothers! And moreso, you lied.." Agad itong nag-iwas ng tingin. His jaw clenched.

Snow had never seen him so angry.. it made her feel guilty. So fucking guilty.

"Tulad ng sinabi ko kanina, lying is against our contract."

Nanlaki ang mga mata ni Snow nang marinig ang mga katagang 'yan. Alam niyang ang tinutukoy ni Pride ay ang kontrata niya sa pagiging katulong sa mansyon. Natatakot siya sa mga posibleng nangyari. Damn it, she's terrified.. how could she ruin her own fairytale?

"P-Pride, please.."

"Wala na akong magagawa, princess."

Ilang sandali pa, nakaramdam siya ng biglaang panghihina. Kinakapos na siya ng hininga at para bang may paulit-ulit na sumasaksak sa kanyang ulo. "A-AAAAAAAH!" She screamed in pain and stumbled to the floor. Umalunig ang ingay na nagmula sa nabasag niyang mga plato. She couldn't breath... She couldn't feel anything! Nahihirapan niyang pinagmasdan si Pride na walang emosyong nakatitig sa kanya.

'Bakit?'

Snow White felt her tears escape.

"A-Anong nangyayari sa'kin...?"

Napabuntong-hininga si Pride. Marahan siyang napailing. His disappointment feels like a knife to her heart.

"This is the termination of our contract. You are no longer the maid of the Seven Deadly Sins. Paalam, Snow White..."

---

Then in my agony I turned
And made my hands red in their gore.
In vain - for faster than I slew
They rose more cruel than before.

I killed and killed with slaughter mad;
I killed till all my strength was gone.
And still they rose to torture me,
For Devils only die in fun.

---"The Immortals", Isaac Rosenberg

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top