QOS: TRIGINTA QUINQUE
The candlelight flickered in the middle of the room. Walang hanging pumapasok sa loob ng silid-aklatan, pero kapansin-pansin ang pagbabago ng liyab ng apoy sa lampara. Hindi na nagtaka rito si Snow. Nasanay na siya sa mga kababalaghang nangyayari sa loob ng mansyon. She stared at the flame and sighed. Its fine and elegantly carved metal design suited well for the gothic-themed mansion.
"I never knew looking for a shitty spell is this hard."
Napabuntong-hininga siya't pinigilan ang paghikab. Pagod niyang inulit basahin ang nilalaman ng mga pahina ng isang lumang ritual book ("The Forgotten Rituals of the Paranorm, 17th Edition"). But no matter how many times she tried, she couldn't find anything here.
She slammed the leather-bound book shut and placed it ontop of the pile beside her. May isandaang libro na yata siyang binasa, pero wala pa rin siyang mahanap na spell para maibalik sa normal ang Deadly Sins.
'Hindi ko ba pwedeng i-chainsaw na lang ang katawan ng baliw na 'yon?'
Great. Now she's thinking like Wrath. Kung nandito lang sana ang prinsipe ng galit, malamang magiging proud pa ito na lumalabas na ang pagka-sadista ni Snow.
She tiredly stared at the circular bookshelves surrounding her. Abot-langit ang taas ng mga librong ito at tila ba naglalaho sa isang kalawakan ang kisame ng Library of Lost Souls. Tiny balls of light danced in the middle of the darkness. Maganda sana ito, kung hindi lang siguro siya ginugulo ng mga kaluluwang ito habang humihingi ng tulong.
The first time she had seen this library, Snow thought it was magnificent. Sino ba namang hindi matutuwa sa isang library na tila ba walang katapusan? Pero agad na nagbago 'yon nang patayin ni Sloth ang ilaw. As soon as Snow White was devoured by the darkness, the souls of those who are neither sinners nor saints haunted her. Narito sa Library of Lost Souls ang kaluluwa ng mga mortal na hindi nila alam kung saan nila ise-segregate.
These souls are neither good nor evil.
The undecided ones.
Halos mabaliw siya sa paghingi ng mga ito ng tulong sa kanya. Their voices screamed inside her head, until she was left unconscious. Pero sa pagkakataong ito, unti-unti nang nasasanay si Snow sa makapanindig-balahibo nilang pagpaparamdam. She's living with the eight deadly sins, so of course, she needs to get used to this mess.
Plus, she likes it better with the lights off.
"Kung magpupunit ka na naman ng pahina, Sloth would'nt forgive you."
Lumitaw sa kawalan ang kaluluwa ni Monique. Kalmadong nakatayo ang dalaga katabi ng isang bookshelf habang nakasimangot kay Snow. 'Oo nga pala. Sloth summoned his ex-lover to guard his library.' Wala nang ganang makipagtalo si Snow. She forced a smile at Monique.
"Kahit siguro magnakaw na naman ako dito, hindi mo ako isusumbong, Monique."
She raised an eyebrow. Monique really looked like an angel. Nauunawaan ni Snow kung bakit siya minahal ni Sloth. Posible kayang hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin siya kay Monique? Snow White lacks experience in this kind of thing, but she knows that feelings don't fade that easily.
"At bakit naman kita pagtatakpan?" The pretty spirit asked curiously.
Ngumisi si Snow, "Oh, please. Ni hindi mo nga ako sinumbong noong pinunit ko yung pahina ng mapa ng Underworld. If you wanted Sloth to get mad at me, you would've told him about it. Thanks, Monique."
Nag-iwas ng tingin si Monique. Despite being a little bitter about Sloth's affection, nararamdamam ni Snow na may mabuting puso ang babaeng ito.
"I-I only did that because of Sloth.. ayoko na siyang bigyan ng sakit ng ulo. He's had enough problems on his mind."
Tumango si Snow at ibinalik ang mga mata sa panibagong librong binabasa niya. "By any chance, may alam ka bang spell na makakapagpahiwalay ng mga kaluluwa?"
"Bakit?"
"The deadly sins are tangled in one."
Kumunot ang noo ni Monique. "So, that's why Sloths hasn't come here today.. makes sense. Let me guess, lemon tea?"
"Yup."
"Sana kanina mo pa sinabi. I know just the spell!" Monique rolled her eyes and vanished in thin air.
Ilang sandali pa, lumitaw ulit si Monique sa tabi ni Snow at ibinagsak ang isang makapal na libro sa harapan ng dalaga. Pinagmasdan ni Snow ang cover nito at binasa ang nakasulat, "'Souls and Everything You Need to Curse Them'? Creepy title." Isa itong kulay abuhing aklat. Bakas ang kalumaan nito at nababalutan pa ng alikabok. Snow White wiped the dust off and started scanning the yellowing pages. Habang ginagawa niya ito, tahimik lang na nakamasid sa kanya si Monique na tila ba malalim ang iniisip.
"Itinatabi ni Sloth ang ganyang mga libro sa ilalim ng bookshelves. He has a secret storage room for forbidden spell books."
"Forbidden?"
Lalong kinabahan si Snow. Huminga siya nang malalim at ibinalik ang atensyon sa aklat. Soon enough, she stumbled upon a page about soul binding. At the bottom part, she read the words in faded ink:
THE PROCESS OF SOUL DISINTEGRATION
Binasa ni Snow ang nilalaman 'non. It described the conditions and characteristics of merged souls. Sa malamlam na ilaw ng Library of Lost Souls, napahinto siya sa pagbabasa nang madaanan ang ilang pangungusap. Mabilis siyang lumingon kay Monique na para bang hindi na nagulat sa kanyang reaksyon. "Ibig sabihin nito, kung hindi natin mapaghihiwalay ang kaluluwa nila, their body will die?"
"Or their souls will go evil and the deadly sins will become monster, yes."
'Mabuti na lang pala at nanalo ako sa laro namin. Kundi, baka hindi ko mapilit si Sin para paghiwalayin ang mga kaluluwa sa katawan niya.'
Napabuntong-hininga si Snow White at binasa ang spell. Pursigido niya itong pinag-aralan kahit pa halos pumikit na sa antok ang kanyang mga mata. When the grandfather clock inside the mansyon struck at midnight, napapailing na lang si Monique. "Matulog ka muna. You can do the spell tomorrow."
"Wouldn't it be too late?"
Umiling ito, "It takes 72 hours before the souls go evil. You still have time, so do yourself a favor and take a nap."
"Mukhang mas marami kang alam sa spell na 'to kaysa sa'kin," ngumiti si Snow at binibit ang lampara at libro. She can feel exhaustion taking over her with every passings second. Marahang napailing si Monique, "I've studied all the books here since Sloth summoned me. Wala akong magawa kundi pakinggan ang pagsusumamo ng mga kaluluwa dito, so I decided to just do a bit of reading."
'She read a thousand books, and she calls that a 'bit' of reading?'
Still, something is bothering her.
"Monique?"
Lumingon sa kanya ang kaluluwa. Her pale face is the only indication that she's just a spirit. Huminga nang malalim si Snow at matapang na nagtanong. Magbabaka-sakali na lang siyang mas maraming alam si Monique tungkol kay Sloth.
"Alam mo ba kung bakit isinumpa ni Death si Sloth?"
The girl stared at her for a few second before looking away. "I.. I don't know much about it. Pero noong buhay pa ako, naririnig ko na kay Sloth ang tungkol rito. I've heard him talking about 'being in debt' with the horseman. Base sa pagkakaunawa ko, matagal na silang may pinag-usapan. Hindi man ipinapakita ni Sloth, pero alam kong matagal na rin niyang pinaghandaan ang posibilidad na mamatay. H-He's cursed to die during the night of the Sinner's moon."
"That's thirteen---no, twelve. Twelve days from now." Mahinang bulong ni Snow. Agad rin naman itong narinig ni Monique.
"Save him. P-Please, save Sloth."
Snow White stared at the girl pleading in front of her. At sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ni Snow ang kahinaan sa likod ng kanyang mga mata. Mapait na ngumiti si Snow White at tumango. She needs to be brave if she wants to save the sins.
Kailangan nilang patayin ang horsemen (if that's even possible) at talunin mismo ang totoong hari ng impyerno.
"I will, don't worry.. Salamat, Monique."
At sa isang kisapmata, naglaho na ang kaluluwa ng dating katulong. Snow White sighed and left the Library of Lost Souls.
*
Pagkagising ni Snow, agad niyang napansin ang isang bagay...
"Nasaan ang baby ko?!"
The Clockwork baby is missing! Mabilis siyang tumayo at hinanap sa silid ang sanggol. She looked under the bed, inside the cabinet, behind the curtains, but she saw no sign of that little clockwork! Kabadong lumabas ng silid si Snow White at nagmamadaling dumaan ng hallway. Sa kasamaang palad, nakaharang na naman si Cerberus sa kanyang daraanan.
"ARF!"
The giant three-headed hellhound barked at her. Napasigaw si Snow nang may lumabas pang fireball sa isa sa mga ulo nito. Mabilis siyang nakailag---pero daplisan ang estatwa ni Aristotle. 'Shit. Pride's gonna be pissed off for sure!' She sighed, "Cerby, nakita mo ba ang Clockwork baby ko?"
Nagkatinginan ang tatlong ulo. The serpent that served as the demon dog's tail hissed at her. Ilang sandali pa, umalulong ang tatlong ulo ng dambuhalang aso. Snow White's eyes widened when Cerberus' sharp teeth flashed in front of her and bit her prothetic leg.
"AAAAAAAAH! D-DAMN IT, YOU STUPID DOG! PUT ME DOWN!"
Nagpupumiglas si Snow mula sa pagkakasalambitin niya. Halos maalog-alog na ang utak ng dalaga habang tumatakbo pababa ng hagdan si Cerberus. She feels like she's gonna get sick! Nahihilo na siya. Let's face it, hanging upside-down from the mouth of a giant monster dog isn't fun at all! Kulang na lang yata ay ibalibag siya ni Cerberus o ilibing na naman sa isang hukay. Damn, she doesn't want to remember that!
Nang huminto sa may sala ang aso, mabilis na inabot ni Snow ang clasp sa kanyang prosthetic leg at pinilit itong tanggalin. Nang kumalas ito, agad siyang bumagsak sa sopa at mahinang dumaing sa sakit.
She glared at Cerberus.
"What the hell was that for?!"
Pero tuluyang naglaho ang galit ng dalaga nang makita ang Clockwork baby na abala sa paglalaro ng mga bola. Mukhang galing ang mga ito sa Leisure Room nina Greed at Envy. She sighed in relief, "Baby!" Pagtawag niya rito.
Nandinig ang kanyang balahibo nang pumulupot ang mga bisig ng isang binata mula sa kanyang likuran. Snow White froze as Sin nuzzled her neck. His lips gazed her skin in a teasing manner.
"Tawag mo 'ko, sugarpie?"
Snow White frowned.
"You're not an infant, Sin."
"But I'm still your baby, right?"
Bago pa man makalayo si Snow, mahigpit siyang niyakap ni Sin. Mahinang natawa ang binata at bumulong sa kanyang tainga. "Dinala ko rito si Sin jr. para makapaglaro naman siya. He was looking for you when he woke up, at dahil responsable akong daddy, inalagaan ko siya nang mabuti, mommy Snow."
Umirap ang dalaga. "Sin jr? Seriously? Tsk! That's a stupid name given by a stupid man."
"But you love me anyway." Marahang hinalikan ni Sin ang pisngi ni Snow at seryosong nagsalita, "I need my good morning kiss, angel. Right now."
"S-Shut up!"
"Make me. Kanina pa kita hinihintay magising. I even cooked you some breakfast, babe." Sin smirked, "Kung sakaling gutom ka, kumain ka ng hotdog and eggs sa dining hall.. pero kung ayaw mo 'non, ibang hotdog and eggs na lang ang ihahain ko sa'yo. Magkainan na lang tayo sa dining hall, mommy..."
'Is he really flirting with me?!'
Snow can feel her cheeks reddened. Inis siyang kumalas sa pagkakalingkis ni Sin, umusog sa kabilang dulo ng sopa, at namaywang. Matalim niyang tinitigan ang binatang hindi pa rin mawala-wala ang malawak na ngiti sa kanyang labi. Snow frowned and spoke, "Whatever you say, and whatever you do, it will NOT change my mind. Kailangan ka pa rin nating ibalik sa normal."
Sin sighed and ran a hand through his locks. Napasandal siya sa sopa at ipinikit ang mga mata.
"That's just sad. I kinda like being perfect."
Perfect.
Siguro nga iyon ang perpektong adjective na posible niyang gamitin kay Sin. He's the perfect combination of the sins! Lahat ng katangian nila ay nakuha ni Sin, and she has to admit, this asshole is doing a good job in being a sinner. Pero tuwing naaalala ni Snow ang lahat ng pinagdaanan niya sa loob ng mansyon, kasama ang walong magkakapatid, napagtanto niya ang isang mahalagang aral..
"There is no such thing as a perfect fairytale."
Kumunot ang noo ni Sin sa narinig. Huminga nang malalim si Snow at marahang ngumiti, "Ang Deadly Sins.. sine Pride, Wrath, Greed, Envy, Lust, Gluttony, Sloth, at Adoration.. lahat sila ay may kamalian at pagkukulang. They have their flaws, but that's what makes them special. Madalas, hindi sila nagkakasundo at nagkakagulo araw-araw sa mansyon, pero ni minsan ay hindi ko ginustong magbago 'yon. As you can see, I'm an imperfect protagonist myself.." she gestured to her leg. Na kay Cerberus pa ang prosthetic leg niya kaya't mukhang kailangan na naman niyang gumamit ng saklay.
Still, Snow White's eyes remained on Sin, "Kung perpekto ang istorya mo, where's the fun in that? Imperfection defines a story, Sin. Hindi man sila kasing perpektong kagaya mo, ang walong siraulong 'yon pa rin ang pipiliin ko. I want my eight deadly sins back."
Matagal na hindi nakaimik ang kasalanan. Kalaunan, napabuntong-hininga siya. He raised his hands up in defeat. A proud look in his eyes. "You have the guts, the brain, and a heart of a true royalty. That's what I admire about you most, Chione White."
"Thank you, Sin."
He sighed. "Do the spell already. Baka maakit ka pa sa'kin at magbago pa ang isip mo."
She laughed and grabbed a blade from her pocket. Pero bago pa man niya ito mahiwa sa kanyang palad, nabulabog sila nang may kumatok sa pinto. Mr. Bones rushed towards them and handed her a letter. Agad niyang binasa kung kanino ito galing.
"From Hades?"
Ano naman kaya ang sasabihin nito? It was addressed to the deadly sins. Nagtatakang iniabot ni Snow ang sulat kay Sin na agad rin itong binasa. His violet eyes hardened and she can see his jaw clenched. Nang mag-angat ito ng tingin, kitang-kita ng dalaga ang pagkabahala sa likod ng mga ito.
"Do the spell, and be quick. Ipinapatawag tayo sa Tartarus."
"Bakit?"
"Dahil kailangan na nating maghanda sa nalalapit na digmaan. We're gonna hunt down those Horsemen and hope to make it out alive."
---
Only the poet is missing,
The lonely one who looks on,
The bearer of human longing, the pale image
Of whom the future, the fulfillment of the world
Has no further need. Many garlands
Wilt on his grave,
But no one remembers him.
---"The Poet", Hermann Hesse
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top