QOS: TRIGINTA DUO

Matagal nang alam ni Snow White na kung sakali mang mawasak ang mansyon, Pride will fix everything. He always does. Malaki ang obligasyon at kapangyarihang ibinigay kay Pride bilang panganay, and that gave her some sort of assurance.

Matapos nilang kuyugin ang kawawang si Gluttony (na hindi matigil ang pagda-drama dahil sa nawasak niyang Dessert Room), mabilis na sinimulan ni Pride ang ritwal. He adjusted his eyeglasses and sighed in frustration. "Let's just hope the rooms won't get messed up once I fix the mansion. Baka aksidente ko pang mapagpalit ang private study ko sa Pleasure Room ni Lust."

Kumuha siya ng punyal mula sa kanyang bulsa at sinugatan ang palad. Blood dripped on the grass as soft glow of light emitted from the ground beneath his feet. Mas dumilim ang kulay ng mga mata ni Pride nang sinimulan na niyang banggitin ang spell.

'Hindi na naman ako pamilyar sa lenggwahe. Maybe it's Latin again?' Snow White thought and stepped away from him. Maging si Llyria ay bahagyang lumayo nang makita ang seryosong ekspresyon ni Pride. Mas mainam nang 'wag guluhin si Pride habang nag-aayos ng mansyon---baka napagpalit-palit pa nito ang mga silid nila. That would be crazy.

Staring at the damage in front of her, Snow couldn't help but question..

"Kaya ba talagang ayusin ni Pride ang mansyon?"

Chandresh stood beside her, with a bored look on his face. Hindi tulad ng kanyang mga kapatid, para bang wala siyang pakialam sa nangyari. He looks completely unaffected. 'Bitter pa rin ba siya sa mga kapatid niya dahil gusto siyang palayasin ng mga 'to?' Hindi masyadong napapansin ni Snow ang interasksyon nilang magkakapatid, but she can feel that the Seven Deadly Sins and Chandresh (Adoration) aren't getting along well.

"No worries, Your Majesty. Walang bagay na hindi kayang ibalik sa dati ni Pride. If he can reincarnate the souls of his brothers, of course he can fix a destroyed mansion."

'Pride is that powerful, huh?'

Tumango si Snow at ibinalik ang tingin sa nasirang mansyon. Gumuho ang second at third floors nito at nabasag ang gargoyle statues. Debris scattered on the ground in front of them, and she can even see some broken vases and ornaments from where she stood. Nagkapira-piraso ang chandelier sa receiving area at nasira ang ilang mamahaling paintings. Mahirap paniwalaan, pero mukhang malakas talaga ang kapangyarihan ni Foodzilla.

Napabuntong-hininga si Gluttony. "Damn it. He did something to me.. that unflavorful bastard!"

Wrath snorted. "Sa susunod nga na gutumin ka, remind me to kill you so you won't destroy the whole fucking mansion!"

"Si Famine kasi!"

"Nanisi ka pa."

"The fudge? Bullshit, Wrath! I-I didn't mean to.."

"Let's just hope Pride can fix this. Kapag hindi tumalab ang mahika, lulunurin kita sa Suicide Beach."

Tumawa nang sabay sina Grenvy at Lust. "HAHAHAHAHA!"

Umirap si Wrath. "Ako lang ba nawi-wirduhan diyan sa nangyari kina Envy at Greed? Tsk! One idiot is enough, two is too much."

"Hey!"

Natahimik si Gluttony. Nagpapaawa siyang tumingin kay Snow na parang isang batang naghahanap ng kakampi. "You know I didn't do this on purpose right, cranberry pie?! I swear in the name of chocolate, may ginamit sa'king mahika si Famine para mawalan ako nang kontrol!"

He made this irresistable puppy look.

Snow tried not to cringe at the food-inspired nickname. Nasanay na rin siya sa mga palayaw na ibinibigay sa kanya ng prinsipe ng pagkain.

"Of course, you didn't."

"Thank yo---"

"Pero nasira mo pa rin ang mansyon, kaya hindi muna kita ipagluluto ng isang linggo."

Gluttony sulked. Sa gilid ng kanyang mga mata, napansin ng dalaga na tahimik lang na nakamasid sa kanila si Sloth.

Snow White watched in awe as the mansion started rebuilding itself. Binalot ng kulay pulang liwanag ang mansyon hanggang sa unti-unting nabuo ulit ang mga estatwa't chandelier. The crumbled Victorian walls assembled itself and ashes formed figures of broken vases. Umihip ang malakas na hangin hanggang sa mapapikit na lang si Snow sa nangyayari. It felt like a tornado warped the gothic black mansion back to normal. Nanindig ang balahibo ni Snow White at kamuntikan na niyang mahulog ang Clockwork baby na karga niya.

Pride's magic almost knocked her off her feet. It was too powerful.. and too dangerous.

"Done."

Nang magmulat ng mga mata si Snow, napangiti siya nang makitang buo na ulit ang mansyon. It looked just like how it used to. Hindi maiwasang alalahanin ni Snow ang gabing nakita niya ang mansyong ito sa unang pagkakataon. Her heart warmed with that memory.

'It looks just like home.'

Nang lumingon siya kay Pride, napansin ni Snow ang pawis na tumagaktak sa gilid ng mukha ng kasalanan. He glared at his brothers.

"D-Don't you dare destroy the mansion ag---"

"PRIDE!"

"MR. PRIDE!"

Hindi natapos ni Pride ang kanyang sasabihin nang bigla siyang bumagsak sa damuhan. Hinihingal at mukhang namimilipit sa sakit. Snow White and Llyria ran towards him. Nag-aalalang hinipo ni Snow ang kanyang noo. Halos mapaso siya sa init nito. It literally felt like fire danced on the surface of his skin. Nanlaki ang kanyang mga mata ni Snow, "N-Nilalagnat ka!"

Llyria's eyebrows creased in worry. "Kailangan ko siyang bimpuhan! Snow, get a basin of water and a cloth. Ako nang maghuhubad ng damit niya."

"W-What the fuck? Seryoso ka ba?!"

"Oo. Now, hurry up!"

Napanganga si Snow White sa narinig. 'Argh! Ako pa talaga ang inutusan niya?!' Kahit na natutulog ang Clockwork baby sa mga bisig niya, hindi na niya napigilang magtaas ng boses.

"DAMN IT! Naiisipan mo pang manyakan si Pride sa ganitong sitwasyon?!"

Llyria's sweet smile faded. "I'm trying to help here! Bakit pa pinaghihinalaan mo ang pagmamabuting-loob ko?"

"Pagmamabuting-loob o pagiging oportunista?"

"You're just jealous."

Snow White curled her hands into fists. Tuluyan lang siyang kumalma nang tumabi sa kanila si Wrath. The sin of anger sighed and spoke, "Kung magsisigawan rin naman kayo, can you fucking do it somewhere else? Pride isn't in good shape. The spell drained his energy. Kailangan lang niyang magpahinga."

Natahimik sina Snow at Llyria. Both maids stepped away from the eldest sin. Hinayaan na nilang buhatin nina Sloth at Gluttony ang nanghihina nilang kapatid papasok sa mansyon. Wrath turned sharply at Grenvy. Sa isang kumpas ng kanyang mga kamay, nagkaroon ng kadena ang leeg ng kambal. Wrath gripped the chain and growled, "Wag mong subukang tumakas. This is bullshit! Now we have to find a way to separate you two.."

Grenvy smirked. One eye green, one eye gold. "At paano mo naman gagawin 'yon?"

"Simple. Kapag hindi pa rin umayos ang kalagayan ni Pride sa loob ng tatlong oras, gagamitin ko ang chainsaw ko sa Torture Room. I'm gonna cut you into half." A sadistic look in Wrath's eyes.

Namutla si Grenvy sa narinig. Wala na itong nagawa nang simulan na siyang kaladkarin ni Wrath papasok sa mansyon na parang isang preso. 'Let's just hope Pride gets better soon.' Snow was about to follow them when Llyria passed her. Binunggo pa siya nito sa balikat at ngumiti nang matamis kay Snow.

"Oops."

Saka lang niya napansing hawak pa rin ng bagong katulong ang libro kung saan niya pinunit ang mapa ng Tartarus noong gabing sinulatan niya si Hades. Kinabahan si Snow White. 'Shit. Bakit ba masama ang kutob ko sa plano ng babaeng 'to?'

"Better watch your back, Ms. Snow."

At iniwan na siya nito.

Natuod sa kanyang kinatatayuan si Snow White. Hindi pwedeng malaman nina Pride na siya mismo ang nakipag-negosasyon kay Hades para makipag-alyansa sa kanila. Hindi nila pwedeng malamang si Snow ang dahilan kung bakit sila pinupuntirya ng Four Horsemen of the Apocalypse ngayon.. ang nagpasimula ng rebelyon.

She was sure that the sins won't be too happy about it.

"Your Majesty?"

Napabalik siya sa kasalukuyan nang tawagin siya ni Chandresh. The violet-eyed prince looked at her worriedly. "Kanina pa kita tinatawag. Should we get inside?"

"U-Um, yeah. S-Sige, mauna ka na sa loob."

Nag-aalangan man, sinunod ni Chandresh ang sinabi ng dalaga at nauna nang pumasok sa loob ng mansyon. The polished mahogany double doors creaked shut as she was left alone in the yard. Huminga nang malalim si Snow White at pinilit pakalmahin ang sarili. "Get a hold of yourself, Snow. Walang mangyayaring masama.. ginagawa mo ito para sa kanila. That's not a sin, right?"

Pero ni hindi man lang umimik ang Clockwork baby na mahimbing pa rin ang tulog. She forced a smile and started walking back inside.

Pero nang akmang dadaan na siya sa pintuan, nahagip ng kanyang mga mata ang pamilyar na kahon sa doorstep. Kumunot ang noo ni Snow nang titigan itong maigi. "Shit! A-Anong ginagawa nito dito?" Hindi siya maaaring magkamali! Ito 'yong kahon na kung saan nagtago kanina si Famine bago sila nito inatake.

She stared at the wooden box for a few seconds and gulped.

'May aatake na naman ba sa'min? Lalabas na naman ba dito ang isang horseman?'

Pinakiramdaman ni Snow ang kahon. Unlike earlier, she felt no creepy presence.

Alam ni Snow na ang pinaka-lohikal na dapat niyang gawin ay tawagin sina Wrath para tingnan ang kahon at siguraduhing walang horseman na lalabas mula rito.

But damn her curiosity...

Her gut is telling her otherwise. Napabuntong-hininga si Snow at mabilis na pinulot ang kahon. "I'm gonna regret this later." At saka siya mabilis na pumasok sa mansyon at nagtungo sa kanyang silid.

She just hopes that nothing will come out of it this time.

*

"Magigising pa ba siya o kailangan na natin siyang paglamayan?"

Walang-ganang tanong ni Sloth habang nakapikit. He was sitting on a couch, leaning against its backrest like the prince of laziness he is. Sa unang tingin, aakalain mong kalmado ang kasalanan---but if you look closer, you can see the subtle irritation on his face. Sa kabilang bahagi ng silid, napabuntong-hininga si Chandresh at inalis ang mga mata sa salamin. "He's still alive, you know. Kapag narinig ni Pride ang sinabi mo, he'll probably kill you."

Napasimangot lalo si Sloth. "Kill me? It's better if he killed YOU. Tutal naman, sa obsession mo kay Snow nagsimula ang kaguluhang ito."

Tumalim ang mga mata ni Chandresh. His violet eyes flashed dangerously as he glared at his brother.

"The last time I checked, I'm not the only one obsessed with her. Pare-pareho na tayong nilalamon ng mga kasalanan natin, so don't you go on blaming everything on me."

Bago pa man makasagot si Sloth, Pride stirred in his sleep. Agad na tumayo si Wrath mula sa katapat na sopa. Kanina pa siya naiinip na magising ang magaling nilang panganay. He's the second eldest, but he doesn't have the patience to handle bullshit---especially from his beloved brothers.

"Pride?!"

"...."

"Holy mother of shit! Hoy, Pride, gumising ka na diyan! Thirty more minutes and I'm gonna get my freakin' chainsaw. Kanina pa ako nababagot mag-babysit sa mga 'to! Psh."

Hindi na niya pinansin ang malakas na pagtawa ni Greed---err.. Envy. Greed and Envy---GRENVY. 'Tangina, nakakalito na.' Napabuntong-hininga si Wrath at nilapitan si Pride. After two and a half hours of sleeping like Sleeping beauty, he seemed to have regained his energy. But he still wouldn't move his ass.

"PRIDE!"

Wala pa rin.

Naikuyom na ni Wrath ang kanyang mga kamao at akmang sasapakin na ang kapatid nang pigilan siya ni Sloth. The sin lazily shook his head. "Ako nang bahala rito." At bumaling siya kay Pride. Huminga muna nang malalim si Sloth at kalmadong nagsalita...

"Pride, kinain ni Cerberus yung mga paintings nina Pablo Picasso at Vincent Van Gogh. Baka nga dina-digest na niya ngayon. Bukas-makawala, masasama na 'yon sa dumi niya."

And just like magic, Pride's angry eyes opened. Mabilis siyang umupo at sinamaan ng tingin ang mga kapatid. Makapanindig-balahibo ang panganib na hatid ng panganay.

"ARE YOU OUT OF YOUR MINDS?! Bakit niyo hinayaang kainin ng asong 'yon ang mamahalin kong paintings?! Bullshit! Do you know how long it took me to fucking steal those from mortal museums?!"

Ngumisi si Sloth. 'If there's anything you need to do to wake him up, it's to step on his pride.'

"Glad you're awake, brother."

"Where are my damn paintings?" Puno ng pagbabantang tanong ni Pride. Mukhang papatay na ang binata habang inaayos ang pagkakasuot ng kanyang salamin.

Wrath shrugged, "Chill. Mr. Sleepyhead only said that to wake you up."

Knock! Knock!

Napalingon sila nang bumukas ang pinto ng private study. Iniluwa nito si Gluttony na may bitbit na popcorn at softdrinks. Inosente siyang nagpakurap-kurap, halatang walang kamalay-malay sa mga nangyayari. "Uh.. did I miss anything? Kumuha lang ako ng pagkain ko, nag-aaway-away na ulit kayo."

Bumalik na sa dati niyang "mood" ang prinsipe ng pagiging matakaw. Mabuti na lang at noong naayos na ni Pride ang mansyon, bumalik na rin sa dati ang mga pagkaing napanis ni Famine. Gluttony spend the last two and a half hours inside his Dessert Room---stress-eating.

Grenvy smirked.

"Kapag tumaba ka talaga, tatawanan ka na lang namin. BWAHAHAHA!"

Napasimangot ang limang kasalanang nasa loob ng silid. Ilang sandali pa, pumasok na rin sa loob si Lust. Magulo pa ang buhok nito't mukhang pawisan. "Sorry brothers, I had an emergency." Sabay ngisi nito nang nakakaloko.

Napabuntong-hininga na lang ang lahat nang makita ang marka ng lipstick sa gilid ng leeg ni Lust. Of course no one believed him. Sa bokabularyo ni Lust, ang "emergency" ay katumbas ng kamanyakan. Wala talaga itong pinipiling oras o sitwasyon. Lust will always be a pervert, whether the mansion is destroyed or not.

Inis na bumalik sa kanyang upuan si Wrath.

"Well, now that we're all here, let's talk about how we're gonna split those two idiots over there." Sabay turo kay Grenvy na kasalukuyang nakakadena sa isang upuan (Oo, mukhang may galit talaga sa kanya si Wrath).

Pride stared at the merged twins. Kitang-kita nila ang mga katangian nina Greed at Envy sa lalaking ito.

He sighed.

"Masama talaga ang epekto sa'ting mga demonyo ang pag-inom ng lemon tea. No wonder Hades banned it from the Tartarus market."

Natahimik ang paligid. Kumunot ang noo ni Gluttony sabay kain ng popcorn. Nasa kalagitnaan siya ng pagnguya nang magtanong siya, "L-Lemon tea? Yun 'yong binigay sa'min 'nong tindera sa Tartarus!"

Tumalim ang tingin ni Wrath sa kanya. "And you didn't even know of its side effects?! Bullshit, Gluttony! Kahit ano na lang talaga, basta pagkain o inumin, wala kang patawad eh!"

"Malay ko bang may side effects 'yan?! It's free! Bastos naman kung hindi ko tatanggapin."

"Matakaw ka lang talaga. Psh! You already destroyed the mansion, now this!"

Namuo ang tensyon sa pagitan ng magkapatid. Napasandal sa sopa si Pride at hinilot ang kanyang sentido. 'Minsan, hindi ko na maalala kung paano ako nakatagal sa mga kapatid kong ito.' Kakatapos lang niyang ibalik sa dati ang mansyon, ngayon naman ay magiging referee siya ng mga away nila? Damn. Pride really needs a break from all this madness!

After a few moments of silence, Chandresh spoke..

"Pero paano 'yon nainom nina Greed at Envy?"

"Llyria accidentally served it to me earlier when I asked for tea. Hindi ko ito nainom dahil um.. na-distract ako--"

"Na-distract, o nakipaglandian kay Mademoiselle Chione? Tsk, tsk, tsk!"

Ngumisi si Grenvy. Pride glared at him.

The others just stared at them awkwardly. Inis na tumikhim ang panganay at iniwasan ng tingin ang pang-asar na ekspresyon sa mukha ng kambal. His face flushed at the memory of his little "make-out" with Snow White. He adjusted his eyeglasses and spoke casually, "Katulad nga ng sinasabi ko, Llyria found the bottle of your lemon tea in a cupboard, and the rest is history."

No need to go into details.

"Bakit hindi na lang natin sila hayaang ganyan? Para isang sakit ng ulo na lang ang po-problemahin natin araw-araw. Hahahaha!" Pagtawa ni Lust.

"Dalawa."

"Huh?"

"Kasi kasama ka."

"Gago ka, Wrath!"

Umiling si Pride. "No. Magiging delikado para sa kanila ang ganito. The rules of the Underworld states that only one soul can live in one body. Kapag naging dalawa ang kaluluwa sa iisang katawan, magiging unstable ito at dalawa lang ang posibleng kahinatnan; either the body becomes unstable and die.. or both the souls go evil."

Dahil iisang kaluluwa lang ang natural na kayang dalhin ng anumang katawan---mortal man o imortal---magkakaroon ng mga kumplikasyon. In some cases, creatures who have two or more souls inside their body die.. hindi nakakayanan ng katawan ang sobrang kaluluwa, kaya't namamamatay ang katawan. However, in special cases, nabubuhay ang katawan---pero ang namamatay ay 'yong mga kaluluwang nasa loob nito. The souls rot inside the body, turning evil.

Kapag hindi nila pinaghiwalay sina Envy at Greed, mas malaking problema ang kakaharapin nila.

The others understood that.

Marahang tumango si Sloth, "May spell bang makakapagbalik sa kanila sa normal? Err.. kahit na pareho silang abnormal, that is."

Matagal na nag-isip si Pride. He was trying to recall his century's worth of knowledge from all the books he had read. 'A spell that can separate two souls...?'

Pride smiled.

"I know one. But I don't think---"

"Great! Simulan mo na. Kapag napaghiwalay na natin sina Envy at Greed, we need to plot ways on how to murder Famine!" Galit na sabi ni Gluttony at halos inubos na ang dalang popcorn. Again, stress-eating.

'Matindi talaga ang galit niya kay Famine.'

"Gluttony, hindi ganoon kasimple ang spell. And with all the energy drained out of me, things might go wrong." Hindi pa nagagawa ni Pride ang paghiwalayin ang dalawang kaluluwa, kaya't hindi niya sigurado kung gagana ito. But the sins all looked at him expectantly.

"Ikaw pa ba? Bilisan mo na. Tsk! I still have to watch some porn." They all glared at Lust. Ninenerbyos na natawa ang kasalanan, "H-Haha, I mean.. cook some corn! Yeah. I still have to cook some corn."

"CORN?! Hala, sama ako!"

Nagningning ang mga mata ni Gluttony.

Binalingan ni Sloth si Pride. "Bakit Pride? Hindi mo ba kaya?"

That hit his ego. Inis na tumayo si Pride at taas-noong sumagot, "What are you talking about? Tsk. Ako nang bahala rito." Buong pagmamalaki niyang sabi at pinuntahan ang kinaroroonan ni Grenvy. Hindi niya hahayaang matapakan ang pride niya. Besides, what's the worst that could happen? He's Pride. He can fix anything!

Pride frowned and started the incantation.

Pigil-hiningang hinintay ng anim pa niyang kapatid ang mga susunod na pangyayari. Pride tried to concentrate, but his body was still too weak. He chanted the incantation and saw Envy and Greed's souls getting out of the body---pero hindi na niya nakayanan pang kontrolin ang mga ito.

"Pride! What's happening?!"

A blinding light caught them in the midst of an explosion.

Napasigaw sa gulat ang mga kasalanan nang lamunin sila ng liwanag na ito. Yumanig ang mansyon at nabulabog ang paligid. And when the light vanished, the eight deadly sins were gone...

---

I think that I shall never know
Why I am thus, and I am so.
Around me, other girls inspire
In men the rush and roar of fire,
The sweet transparency of glass,
The tenderness of April grass,
The durability of granite;
But me- I don't know how to plan it.

---"A Fairly Sad Tale", Dorothy Parker

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top