QOS: TRIGINTA
Famine, the black horseman of food shortage, malnutrition, and starvation.
Pinilit ni Snow na pakalmahin ang kanyang sarili sa presensiya ng horseman, pero mukhang hindi niya ito magagawa. Iniisip pa lang niyang ang lalaking ito ang may dahilan ng kakapusan sa pagkain sa iba't ibang panig ng mundo, hindi niya mapigilang humakbang paatras. Everyday, there are humans struggling with hunger. Some children suffer from malnutrition. Some just starve to death.
And now, Snow White is face to face with the culprit.
Famine watched them in amusement. "Wag niyo sabihing hindi niyo inaasahan ang pagdating ko? What a shame. I expected so much from the deadly sins.." nang dumapo ang kanyang mga mata kay Snow, lumawak ang kanyang ngisi. Tila ba kilala siya nito. "So, you're the girl, huh? Aish! Nauunawaan ko na kung bakit nagpapakatanga sa'yo si Pestilence. Hahahaha!"
Sa isang iglap, mabilis na pumasok ng mansyon ang kabayong likha mula sa mga anino.
Bago pa man makakilos si Lust, mabilis siya naibalibag ng horseman.
"Ouch! Damn banana condoms.."
Bahagyang nagkaroon ng bitak sa pader nang tumama roon ang katawan ng kasalanan. Pagak na natawa ang horseman at inangat ang kanyang kamay sa ere. Tila ba may kung anong pwersang nag-angat kay Lust sa lupa.
Famine was choking him. Lust cursed and glared. At habang tumatagal, napapansin na ni Snow ang pangangayayat ng katawan ng kasalanan. Lust gasped for breath as he was almost skin and bones..
"LUST!"
Walang pagdadalawang-isip na kinuha ni Snow ang pinakamalapit na plurera at ibinato ito sa lalaki. It crashed on Famine's head, but the horseman made no reaction. He turned to Snow ang glared at her. Danger danced in those deep set of eyes.
"Let him go, you bastard!"
"Aish! I don't know if you're brave or just plain stupid enough to attack a horseman. Mainam pang bumalik ka na lang sa silid mo---better yet, just leave this mansion." Mahinang natawa si Famine, "Mas magiging ligtas ka kung lalayas ka sa mansyong ito, Snow. Living with the deadly sins is a bad idea."
Pero hindi nagpatinag ang dalaga. Matapang niyang sinalubong ang titig ng horseman. "Don't tell me what to do!" Mabilis niyang kinuha ang pocket knife na nakatago sa bulsa ng kanyang bestida at sinugod ang horseman. Sa kasamaang palad, mabilis na nakailag si Famine.
He didn't look pleased with her action.
"Hindi nabanggit sa'kin ni Pestilence na may pagka-agresibo ka rin pala."
Mahinang napamura ang binata at sa isang kisapmata, unti-unti nang nilamon ng mga aninong mistulang itim na tinta ang mga binti ni Snow. She dropped the blade and yelled in pain..
"AAAH!"
Bumaba sa kanyang kabayo ang horseman. Mula sa kanyang kinaroroonan, pinanood ni Snow ang paglakad nito papalapit sa kanya. His black armor clung to him as a sinister look in his eyes surfaced.
"That recklessness will someday kill you, Snow.."
Pero imbes na saktan siya, huminga lang nang malalim si Famine at ipinakalat ang kanyang mga anino sa mansyon. Kumunot ang noo ng dalaga nang naglakad na ito papalayo sa kanya. Hindi pa rin siya makakilos dahil sa pagkakalingkis ng tinta sa kanya, ngunit hindi na rin siya sinasaktan nito. Both her legs---her prosthetic and normal one---were stuck.
'Ano naman kaya ang pumipigil sa kanya para saktan ako?'
Before she could even think about it, flames devoured the whole receiving area. Hinarangan ni Pride ang pasilyong daraanan ni Famine. Pride leaned on the wall and adjusted his eyeglasses. A calm smirk on his face. Ngunit nang magsalita ang panganay, ramdam ni Snow ang pagbabanta sa boses nito.
"Akala mo ba hahayaan kitang wasakin ang mansyon ko? Useless horseman. Kung tama ang pagkakatala sa Tartarian creatures record, ikaw ang pinakamahina sa kanila. The Bible forgot to mention that, I suppose."
Napasimangot si Famine. "What the fuck did you just say?"
Ngumisi si Pride. At sa mga sandaling ito, hindi alam ni Snow kung matutuwa ba siya o maiinsulto sa confidence na ipinapakita ng kasalanan. Mukhang sinasadya lang nitong galitin si Famine.
"You know exactly what I mean. Of all the horsemen, you have the most pathetic powers. Wala kang ibang alam gawin kundi gutumin ang mga mortal at tanggalan sila ng nutrisyon. Such a dramatic and stupid death, don't you think?"
Snow White sighed in frustration. Kung makakakawala lang sana siya sa kapit ng mga anino, malamang kanina niya pa binatukan ang panganay. 'Pride, what are you doing?'
Mukha namang tumalab ang ginagawa ni Pride. Kalaunan, dumilim lalo ang aura ni Famine at mukhang anumang oras ay gusto na nitong ilibing nang buhay ang kasalanan. He gripped his bronze weighing scales in one hand. The weapon glowed in pale light as Famine's eyes flickered dangerously. Literal na yatang naging salamin ng naglalagablab na apoy ang kanyang mga mata.
"Tingnan na lang natin kung masasabi mo pa 'yan kapag naging buto't balat ka na lang, Pride!"
At sa kumpas ng kanyang kamay, nagbagong-anyo ang antigong timbangan. Unti-unting humulma ang metal hanggang sa tuluyan itong maging latigo. Famine wasted no time and attacked the eldest sin. Mabilis namang nakailag si Pride.
"THE SEVEN DEADLY SINS SHOULD DIE!"
Dumaplis ang latigo sa balat ni Pride. Mabilis na naghilom ang sugat ngunit kapansin-pansin ang panghihina ng kasalanan. Mahinang napamura si Pride at sinumulang paulanan ng apoy ang horseman.
Famine laughed wickedly and deflected the fireballs with ease.
"Akala ko ba walang silbi ang kapangyarihan ko? Why don't you man up and fight me, you fucking bastard?"
Sa pagkakataong ito, hindi na nakailag si Pride sa pagpulupot ng latigo sa kanyang leeg. "Bullshit!" Pinilit niyang kumawala rito, pero sadyang matibay ang metal. The bronze whip started squeezing Pride's throat. Naging dahilan ito para mapalunod ang kasalanan. Napapailing na lang si Famine. "Akala ko ba ikaw ang kasalanan ng pagiging mapagmataas? Aish! I'm disappointed. Mukhang haka-haka lang ang mga kwento tungkol sa maalamat na mga kasalanan."
"G-Get out of my fucking---" napaubo si Pride habang kinakapos ng hininga, "---m-mansion! Or else I'll take out your eyes and make you swallow them!"
'A-Anong nangyayari kay Pride?'
Matagal na tinitigan ni Snow ang latigo. Matamlay itong nagpakawala ng kulay puting liwanag. Mukhang yari rin ito sa isang espesyal na metal, at katulad ng Sword of Sorrows, naaapektuhan nito ang sins. The deadly sins are powerless when harmed with the horsemen's weapons. Naikuyom ni Snow ang kanyang mga kamao. "Kung hindi makakawala si Pride sa latigo, posibleng matulad siya kay Wrath.."
Nakasalampak pa rin sa sahig ang nanghihina at nangangayayat na si Lust. At sa kamalas-malasan pa, nasa Segregation Office sina Adoration, Wrath, at Sloth.
Snow White scanned the floor until her eyes landed on the knife she dropped earlier. Mabilis niya itong kinuha at ibinato kay Famine.
But the ink black horse became his shield.
Famine's eyed shot at her. "Wala bang nakapagturo sa'yong isang kabastusan ang maghagis ng kutsilyo habang nakatalikod ang kalaban mo? Aish."
"AAAAAAHHH!"
Snow White screamed in pain as the shadows almost ate her alive. Unti-unting kumalat ang mga anino mula sa kanyang binti paakyat sa kanyang dibdib hanggang sa halos pigain na siya ng mga ito.
Napasimangot si Famine. Ngunit nang akmang ibabaling na niya sana ang kanyang atensyon kay Pride, something wrapped around his body. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang isang...
"Jumping rope?"
"Mas bagay sa'yo 'yan. Hahahaha!"
Mabilis na lumingon si Famine sa binatang nakatayo sa kabilang bahagi ng pinto. His eyes widened when he saw Grenvy laughing at him. Hindi ito pamilyar sa kanya. Kumunot ang noo ng horseman. "At sino ka naman?!"
Greed and Envy's merged persona smirked wickedly before taking out a giant weapon.
A machine gun.
"Ako ang tatapos sa kahibangan mo. DIE! DIE! DIE! HAHAHAHAHA!"
Halos mabingi na si Snow sa sumunod na pangyayari. Pinaulanan nila nang sunud-sunod na bala ang horseman hanggang sa tuluyan nitong pakawalan sa latigo si Pride. Famine's black horse deflected the bullets. Halos mabasag na ang mga plurerang nakadisplay sa receiving area ng mansyon. The bullets bore holes into the elegant walls at kamuntikan na siyang tamaan ng ilan sa mga ito. 'Malamang kinuha na naman nila sa mga gamit ni Wrath sa Torture Room. Tsk! Crazy twins.'
Famine rode on his horse and let his shadows reach Grenvy.
Sa isang iglap, natigil ang ingay na likha ng machine gun. Galit na binalingan ng horseman ang mga kasalanan.
"Do you really think you can defeat me?! Fucking idiots."
Nanghihinang tumayo si Pride. Nakasandal na siya sa pader upang suportahan ang sarili. Though, that satisfied smirk never left the eldest sin's face. "Who says we're gonna defeat you? Binibigyan lang namin ng oras ang kapatid namin."
Kumunot ang noo ni Famine.
"At ano naman ang ibig niyong---?!"
Natigilan siya sa pagsasalita nang marinig ang yabag ng mga paa na nanggagaling sa gitnang pasilyo. The hallway under the lavish staircase hummed with danger as the lights fickered. Binalingan nila ang direksyong ito. Nang masulyapan na ni Snow ang pigurang nakatayo sa hallway, humawi ang apoy na nilikha ni Pride. The maid watched in horror as the prince of food glared at the horseman with so much hatred.
Literal na nanindig ang mga balahibo ng dalaga nang mapansin ang ekspresyon nito.
Gluttony gripped a spoiled toasted butterfly until it fell on the floor. His eyes were wild and full of malice.
"My delicious heaven is gone.. You fucking spoiled all my food, Famine. I'll make you pay for that."
Ngayon lang ni Snow nakitang ganito si Gluttony. Her sweet and food-loving sin was gone. Napalunok ang dalaga. Samantala, mahina namang natawa si Grenvy at binigyang-daan ang nakababatang kapatid.
"At bakit ka naman natatawa?" She asked.
The merged twins smirked. "May rason kung bakit hindi namin hinahayang magutom ang kapatid namin. You see, Mademoiselle Chione, when Gluttony is hungry he becomes a monster.."
Nanlaki ang mga mata ni Snow. Binalingan niya si Pride na seryosong nakatitig sa kanya. "A-Anong ibig niyong sabihin?"
Huminga nang malalim si Pride.
"Kapag tinablan ng gutom si Gluttony, he becomes Foodzilla."
Food...zilla?
Pagak na natawa ang dalaga. Mukha namang naging distracted na si Famine kaya't kumawala na rin ang mga aninong nakalingkis kanina sa kanya. She turned to the sins---Pride, Lust, and Grenvy---and asked again, "Kapag nagiging Foodzilla si Gluttony, anong kailangan nating gawin?"
Sabay-sabay silang sumagot...
"Mag-evacuate."
---
I bowed my head in anguish sore
When Life made Death his bride;
“Soul, we are lost forever more!”
Unto my soul I cried.
“Nay, waste in wailing not thy breath,”
My soul replied to me,
“Behold! The child of Life and Death
Is Immortality!”
---"Immortality", Ellis Parker Butler
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top