QOS: TREDECIM

Hindi naniniwala sa karma si Snow.

Kung totoo ito, eh 'di sana matagal nang kinarma ang nanay niya sa pagpapabaya niya noon sa dalaga o kaya sana kinarma si Boswell sa lahat ng ginawa niya para lang maging tagapagmana niya ng oras si Snow (not that she still has a grudge on him; mind you, he gave Snow her new life). But the bottomline is---Snow White thinks karma is another bullshit made my hyperactive human minds.

Pero ngayong uuwi na sana sila sa mansyon matapos ang agahan sa palasyo nina Hades, Snow is starting to doubt whether the magical rule of karma is real or not. 'This is madness! Mukhang kinakarma na ako agad dahil sa ginawa ko..'

"Any luck? Baka naman magawan pa natin ng paraan?" Nakasimangot na tanong ni Adoration habang nakatitig sa karwahe.

Pero nang buksan ni Mr. Bones ang compartment ng karwahe, bumulwak ang tubig alat at ilang tilapia mula rito. May seaweeds pang sumabit sa gulong ng karwahe at kapansin-pansin na may tumubo nang corals sa mga paa ng mga kabayo.

Mr. Bones shook his head in dismay. Mukhang hindi na nila ito magagamit. Sa tabi niya, napabuntong-hininga si Pride at inayos ang salamin sa mata. "Kaya ayokong dumadaan sa short-cut eh. Poseidon probably cursed our carriage for passing through his territory. Baka nga may galit pa rin siya dahil hindi pa nababayaran ng isa nating kapatid ang utang niya sa hari ng karagatan." Pride glared at Greed.

Napakamot naman ng ulo si Greed at mahinang natawa. "Hey! Babayaran ko na...maybe next century."

Napasimangot si Pride.

"Kasama 'yong interest?"

"Of course not, brother!" Ngumisi si Greed sa kalokohan niya. Umirap si Snow. Alam niyang malabo pa sa mata ni Pride na bayaran ng prinsipe ng kasakiman ang utang niya kay Poseidon. When it comes to money, Greed is as greedy as he is cursed to be!

"Teka, teritoryo ni Poseidon ang dinaanan natin kanina?" Mahinang natawa si Snow, "Eh 'di 'yong kastilyong nakita ko kanina ay ang Lost City of Atlantis?" Pagbibiro niya.

Pero walang tumawa.

Pride nodded at her, "Yup. Matagal nang nakalubog sa tubig ang Atlantis. Natalo kasi noon sa casino si Poseidon kay Pestilence. The Lost City of Atlantis was submerged underwater ever since."

Napanganga si Snow.

"And we're not allowed to enter the city of Atlantis, thanks to my greedy twin. Tsk!" Envy butted in.

Umismid si Lust. "Hindi niya talaga babayaran 'yon. In simple terms, we're banned from passing through any bodies of water for the next millennium. Malas natin. Hahaha!"

Umusog papalayo si Snow nang mapansing nakangisi na naman ang manyak sa kanya. His hands inched closer to poke Snow's chest kaya agad niyang sinipa ang hindi dapat sipain sa kasalanan.

"ARAY!" Pagdaing niya, "Fuck it, Snow! Nasaktan mo 'yong mga anak natin! Have mercy on them, woman!"

"Shut up, Lust. Can't you see? Seryoso ang sitwasyon."

"Seryoso rin naman ako sa'yo ah. Want a demonstration in my Pleasure Room?" Lust smirked and winked at her, "Give me a night, and I can make you moan in happiness, baby."

Ngumuso si Lust para halikan si Snow. Snow White blushed as she noticed Lust's appearance under the pale Underworld sunlight. There's just something about him that's too sinfully charming---pero syempre hindi niya 'yon sasabihin. 'Ano bang nangyayari sa'kin?' Marahan siyang umiling. Bago pa man dumaplis ang bibig ni Lust kay Snow, mabilis na pumagitna si Gluttony na kumakain na naman ng roasted black swan ("take-out" niya ito mula sa dining hall ni Hades).

"Brother, stop being a damn pervert! You should respect my sweetpea, you hentai bastard." Tumalim ang tingin niya sa kapatid. "Disrespect her again and I'll let my fried chicken warriors murder you."

Napasinghap si Lust. "Excuse me, brother! Nirerespeto ko ang lahat ng mga babae ko. In fact, sinasamba ko ang mga katawan nila tuwing gabi... But of course, once Snow agrees to have a night with me, siya lang ang sasambahin ko," Lust licked his lips sensually, "baka nga magpalit na ako ng religion."

'This is seriously getting out of hand.'

Natigil lang ang pag-aaway ng dalawa nang tumikhim si Pride. He glared daggers at his two brothers. Kapansin-pansin ang pagdilim ng aura nito nang marinig ang usapan nila. "Kung tapos na kayong pag-agawan ang maid natin, kailangan na nating umalis."

Nababagot namang sumunod kay Pride ang mga kasalanan. They followed Pride towards the other side of Hades' castle. Mabilis na sinabayan ni Snow sa paglalakad ang panganay, "Saan tayo pupunta?"

"Mansion." Tipid nitong sagot sa kanya.

Snow White rolled her eyes at his coldness. "At saan naman tayo dadaan?"

"Tartarus."

Iyon lang at hindi na siya muling kinibo nito. Masama pala talagang magtampo si Pride. Bago pa man sila tuluyang makalayo, sinilip muna ng dalaga ang kinahinatnan ng karwahe nila. And just like that, Mr. Bones, the carriage and its horses vanished in thin air. Kumunot ang noo ni Snow. 'Saan naman sila pumunta? It's not like they can still pass through the short-cut we took!'

At sa hindi inaasahang pagkakataon, sumabay sa paglalakad niya ang prinsipe ng katamaran. He looked deep in thought as he answered her, "Ipinagawa muna ni Mr. Bones ang karwahe sa pinakamalapit na repair shop sa Tartarus. Pride used his powers to teleport them there." Sagot nito na para bang nabasa ang iniisip niya.

Snow White stared at him. Hindi pa rin siya sigurado kung okay na ba si Sloth. Still, talking to him again brought a smile to her lips.

"Now that we can win the war, hindi na natin kailangang magtanggal ng kasalanan sa mansyon. Y-You don't have to volunteer yourself anymore, Sloth. Matatalo natin si Hades at ang Horsemen."

Sloth's dark eyes scanned her face for a moment. Para bang hinahanap nito ang katotohahan sa ekspresyon ng dalaga. Bahagyang kinabahan si Snow. Teka, bakit ba siya kinakabahan? Oh, right. She's guilty. Either that, or another emotion is surfacing her. And Snow White is scared to discover this new emotion..

Tipid na ngumiti ang prinsipe. The musician and lonely sin who played the piano when she first stepped inside that gothic mansion.

"Marami ka pang hindi nauunawaan, angel... It's not as simple as it sounds."

Hindi na umimik pa si Snow. Lalo lang siyang naguluhan. Ano naman ang kailangan pa niyang unawain?

*

"Come one, come all! This is the best lemon store in the Underworld! We have lemon grass, lemon syrup, lemon cake, lemon pops, lemon tea---"

"Wait!" Napahinto si Gluttony sa tapat ng isang tindahan ng mga lemon. "May lemon tea pala? How can you turn a sweet lemon into a tea?"

Snow noticed that the store had fresh and juicy lemons growing from inside the shop. Sinipat ni Snow ang mga lemon at napasimangot nang mapansing kumikislap pa sa malamlam na liwanag ng kalangitan ang mga ito. They seem to good to be true. At sa hindi malamang dahilan, bigla siyang natakam nang makita ang mga produktong gawa sa lemon. Even the girl selling them had an unusal name on her name plate: "Lemon Tea".

Ngumiti ang tindera sa prinsipe at naglabas ng tea pot at tea cups mula sa kawalan. "Yes, sir! Isa ito sa best-sellers namin. Lemon tea is a sweet mixture of happiness and mischief. Anyone who drinks this will have an instant bond of chaos!" She opened the lid and let the fragrance of fresh lemons reach their noses.

Huminga nang malalim si Snow. The scent was heavenly!

"Do you two want a free taste?"

"YES PLEASE!" The food lover's eyes twinkled in delight.

'Naku, baka maubos pa ang laman ng tea pot kay Gluttony.' Snow sighed.

Nang akmang pagsasalinan na sila ni Ms. Lemon Tea ng tsaa, bigla silang tinawag nina Pride.

"Damn it, Gluttony! We don't have time for food! Mamaya na 'yan pag-uwi." Asik nito sa kanila. Napapailing na lang si Snow sa kasungitan ni Pride ngayon. She pushed aside the fact that he didn't even addressed her. 'Don't let yourself get distracted, Snow. Pride will always love his ego more than you.'

Ouch.

Samantala, napabuntong-hininga naman si Gluttony. "Can't. Magagalit na naman ang baliw kong kapatid. Tsk! He's so effin' unflavorful." Napasimangot ito at sinilip ang direksyong pinuntahan nina Pride at ng iba pa niyang mga kapatid. Mahinang natawa si Snow, "Masanay ka na. Tara, baka hinihintay na nila tayo. You know how impatient Pride and Wrath is..."

Pero agad silang hinarangan ni Ms. Lemon Tea. May bitbit na itong dalawang glass bottles. "Wait! Since you can't have a free taste, then let me give this to you. Sa inyo na 'to..."

Ibinigay niya kina Snow at Gluttony ang dalawang bote na naglalaman ng tsaa. A pair of black tinted bottles with the golden words "Lemon Téa" engraved on the glass. It looked expensive enough to make Snow White doubt this. Kung may natutunan man siyang importanteng bagay na sa mansyon, iyon ay 'wag basta tatanggap ng mga pagkain o inumin mula sa kung sino. They might be cursed!

"No. We can't accept this." Ibinalik ni Snow ang bote sa tindera.

But Gluttony only pouted. "Aw. Come one, sugar lemon! Libre na nga eh. Hindi dapat tayo tumatanggi sa grasya!"

'Easy for you to say. Hindi ka kasi na-trauma sa poisined apple.' Snow crossed her arms over her chest. "Gluttony, hindi pwede. Uuwi na ta---"

Pero mabilis na ibinalik ni Gluttony ang bote sa mga kamay ni Snow at nagpasalamat sa misteryosong tindera. The sin then dragged her towards the direction where Pride went. Kamuntikan pa silang mabunggo ng ilang goblins na abala sa pagbabasa ng dyaryo.

"See? Cheer up, cheesecake! Wala naman siguro itong lason." Ngumiti nang malawak si Gluttony.

Kalaunan, napabuntong-hininga na lang ang dalaga. Ano pa nga bang magagawa niya? Kapag dating sa pagkain, bawal mong kontrahin ang numero unong food advocate ng mansyon. "Fine. Pero hindi ako ang unang iinom nito ha? At 'wag kayong sabay-sabay na iinom ng lemon tea. Ayoko nang maulit ang impyernong naranasan ko noong Drinking Day."

That memory is still fresh in her head. Iba ang nainom ng Seven Deadly Sins kaya't imbes na malasing, bumalik sila sa pagkabata. To make the long story short, those seven deadly toddlers frustrated her enough to the point of insanity! Yup. It was chaos.

Sa pagmumuni-muni ni Snow, hindi na niya namalayang naglaho na pala ang kasama niya.

Snow White scanned her surroundings. She was at an alley, with no sign of the sins. Napupuno ng gift shops at paranormal boutiques ang bahaging ito ng Tartarus (Mermaid pants, 25% discount if you're a werewolf!).

Hindi niya alam kung nasaan siya.

"Shit."

'Nasaan na ba si Gluttony?!'

Pinakalma ni Snow White ang kanyang sarili. Sana pala ay hindi na siya humiwalay kina Pride kanina! Ni wala man lang siyang mapa ng...

She smirked.

"Actually, I do have a map of the Underworld!"

Kinapa niya ang pilas ng pahinang ninakaw niya sa Library of Lost Souls. Katulad ng inaasahan ni Snow, detalyado ito at kasama sa nasasakupan ng mapa ay ang Tartarus marketplace. Binasa niyang maigi ang maliliit na sulat. Magically, the words magnified as she concentrated on reading them. Para bang naka-zoom in siya sa mga larawang nakaguhit dito.

Naghanap ng landmark si Snow.

There, she saw "Wancy Wendigo's Wonderful Wardrobes". Mabilis niya itong natunton sa mapa. In a few seconds, she traced the exit. Ngumiti nang malawak si Snow White at ibinulsa muli ang mapa.

"This should be easy."

With her hopes high, Snow White walked through the busy alley of Tartarus. Pinilit niyang mag-focus sa mga kalyeng kailangan niyang daanan. She can't afford to be distracted with all the paranormal things around her! Binilisan niya ang paglakad. 'Malapit na akong makalabas dito!'

But karma seems to be mocking her again.

"Aray!"

Nabunggo siya ng isang lalaki. The impact was enough to push her to the ground. Dahil dito, aksidenteng nabitiwan ni Snow ng bote ng lemon tea. Nanlaki ang kanyang mga mata at napapikit. She expected the bottle of tea to crash in front of her and splash on the pavement...

But it didn't.

May sumalo nito.

As Snow White gazed up at the man. Inilahad ng binata ang kanyang kamay kay Snow. His other hand held the bottle of lemon tea. Hindi na nagdalawang-isip pa ang dalaga at tinanggap ang tulong nito.

His musculine voice broke the silence.

"Tartarus isn't a place for humans, my queen. You should be careful next time," inabot ng lalaki ang bote kay Snow at ngumiti. Snow White scanned his armor. Unti-unting bumalik sa alaala ng dalaga ang painting na ipinakita sa kanya ni Wrath. And in a split second, she recognized this man. Bago pa man siya makapagsalita, marahang kinuha ng binata ang kanyang kamay at masuyong hinalikan ito.

"I'm Pestilence. Nice to meet you again, my queen."

---

"MAYBE---
in our next life
I'll be the witch
and you'll be the convict.
MAYBE---
we'll wear different faces
and speak different tongues,
call ourselves by other names.
BUT CERTAINLY---
you'll be you and I'll be me.
I will find you
in every single lifetime
and I will love you
over and over again
our souls are not meant to be apart.

---"A Promise: Even in Death, I Will Find You", Anonymous

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top