QOS: SEPTEMDECIM
Snow White doubts if they're still inside the mansion.
Envy's Greenhouse was like one of those enchanted forests she had read in books---if not, better. "Ang ganda.." Wala sa sarili niyang sabi nang mapadaan sila sa hardin ng mga halaman.
Hindi na namalayan ni Snow na tinatangay na pala siya ng kanyang mga paa papalapit sa mga ito. Giant human-eating plants snapped their teeth at her, pero hindi pa rin kumikilos papalayo ang kanyang katawan. Her mind went completely numb as she smiled at the deadly plants.
"Kill me. Go ahead.."
Nakatulala at nakangiti lang ang dalaga nang pumulupot ang mga ugat nito sa kanyang mga binti. The roots almost crushed her prosthetic leg but Snow White calmly stood still. Ilang sandali pa, unti-unti na siyang kinakaladkad ng mga ugat papalapit sa higanteng pitcher plants at venus fly traps. Ipinakita ng mga ito ang matatalim nilang mga pangil.
They lifted her up.
Nararamdaman niya ang pagdaplis ng kanyang balat sa mga bibig nila. Black chemicals boiled inside their mouths, sending off smoke in the form of gray fog. Unti-unting naramdaman ng dalaga ang pagdaloy ng dugo sa kanyang braso.
Snow White smiled sweetly.
"Kill me.. Just kill me---"
"CHIONE!"
Napabalik sa reyalidad si Snow nang marinig ang boses ni Envy. Bago pa man rumehistro sa kanyang utak ang mga pangyayari, the sin snapped his fingers and glared at the human-eating plants. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang magliyab ang mga halaman. The poor killer plants shrieked in a demonic voice and burned to ashes.
The embers danced in her eyes as Snow White was soon hurling downwards.
Nabitiwan siya ng mga nasusunog na halaman.
"AAAAAAAAH!"
She hated screaming. Pero kahit na anong gawin niya, mukhang hindi na ito maaalis ni Snow---lalo na kung bumubulusok na ang katawan niya pababa. She shut her eyes and waited for the pain to surge through her body like a tidal wave.
Pero nahinto ang kanyang pagbagsak.
'W-What the hell?'
Snow White was suspended in midair. Nang magmulat siya ng mga mata, agad niyang nakita si Envy na npabuntong-hininga. The sin looked relieved and frustrated. "The Greenhouse enchants outsiders and let the plants eat them. Hindi ko nga pala nasabi sa'yo."
Marahang nakatapak sa lupa si Snow. Ibinaling niya ang kanyang atensyon sa mga halamang naging abo. The fire died down when there was nothing left but ashes. "W-What the fuck are those?!"
Ngumisi si Envy. "Mutant plants. Inalagaan ko sila rito matapos nilang ma-expose sa radiation noong nag-leak ang isang nuclear power plant sa Japan. Cool, right?"
"I almost died!"
"That's part of the fun, Chione. Ano pang silbi ang mabuhay kung hindi ka makakaramdam ng konting 'excitement' paminsan-minsan? Humans only live a short life.. hindi niyo ito dapat sayangin sa pagsunod sa mga kritiko." Nakangiting sabi ni Envy. Huminga nang malalim ang dalaga at pinagmasdan ang tahimik na kagubatan. Maingat niyang iniwasan ang mga pulang bato at lumapit kay Envy.
"Mukhang nagmana sa inyo ang mga halaman dito. Poisonous and mischievous."
He smirked, "Actually, you haven't seen anything yet. Sa Greenhouse na 'to, nagkalat ang tinatawag ninyong 'suicide plants' sa mundo ng mga mortal. The Gimpy Gimpy or the 'suicide plant' is considered the most poisonous plant on earth. Matatagpuan ito sa Australia. Kapag nahawakan ito ng anumang hayop o sinumang tao, makakaramdaman ang biktima ng sensasyon na para kang nakahawak sa asido o kinukuryente. It brings so much pain to whoever touches it. In the end, some people would actually prefer to commit suicide than to live with the pain brought by the Gimpy Gimpy plant."
Natahimik si Snow. Hindi niya alam na may ganoon palang halaman sa mundo ng mga tao.
Napasimangot siya. "Kung puro lason lang pala ang laman ng Greenhouse mo, bakit hindi mo sila alisin?"
Envy sighed. Kalaunan, naglakad na ito papalayo na siya namang sinundan ni Snow. Umalingawngaw sa pagitan ng mga huni ng ibon ang sagot ng binata.. "Every forest as its poisonous plants. Kung aalisin ko 'yon, hindi na magiging buo ang Greenhouse ko. Just like memories, you just can't remove the bad ones just because you don't like them. Ang mga masasamang alaalang ito ang bumubuo sa pagkatao natin---whether we like it or not."
'Whether we like it or not...'
Naaalala ulit ni Snow ang memoryang bumabagabag sa kanya. Naikuyom na lang ng dalaga ang kanyang mga kamao. Alam niyang hindi na niya pwedeng takasan ang nakaraan. For as long as she could remember, Snow White had been running away from her painful past.
Pero mukhang patuloy pa rin ang pagtakbo ng oras para sa kanya.
Sinilip niya ang sirang pocketwatch sa bulsa. And in that moment, Snow White knew only one place can provide the answers...
'Kailangan kong bumalik sa Eastwood.'
*
"Umm.. Your Majesty, don't get me wrong. Handa akong suungin ang Underworld at paamuhin si Cerby para sa'yo... pero bakit ulit tayo nandito?"
Chandresh had his eyebrows furrowed in curiosity. Sa malamlam na liwanag na nagmumula sa isang lumang poste, his dark violet eyes stared at her soul. Huminga nang malalim si Snow at tinitigan ang shop sa kabilang bahagi ng kalsada. "May kailangan akong alamin.." she smirked the sin, "Natatakot ka bang baka multuhin tayo ni Mr. Boswell, Chandresh?"
The prince of adoration frowned, "Who wouldn't be? That crazy old clockmaker probably cursed this place! Baka nga nakaabang na pala ang mga clockwork monsters sa'tin eh. Baka mapahamak ka pa. This is too dangerous, Your Majesty!"
"Too bad. I'm starting to fall in love with danger." At tumawid na ng kalsada ang dalaga.
Chandresh sighed and mumbled, "Sana ako na lang si 'danger'."
Snow pretented she didn't hear that. Nakatuon lang ang kanyang atensyon sa lumang gusali na nabuhay muli matapos mamatay ni Jeremi Hans Boswell.
'Sa pagkakaalala ko, nasunog ang Clockworks shop noon. Seeing it still here amidst the tragedy is a clockwork mystery.' Snow White thought and studied the old bronze sign.
Katulad ng inaasahan nila, walang mga sasakyang dumaraan sa lugar. Every house in the neighborhood had their lights out. Every human living within the vicinity is asleep. Sinilip ni Snow White ang buwan sa kalangitan at napansing halos hindi na ito maaninag dahil sa mga ulap. The nightsky suddenly looked emptier than it actually is.
Sumilip sa may bintana si Chandresh.
"Ano ba talagang hinahanap mo rito, Your Majesty?"
Bumalik sa mga alaala ni Snow ang histura noon ng lugar na ito. The glass windows would display a hundred clocks all at once---wall clocks, pocket watches, desk clocks, grandfather clocks and many more. Sa pagsapit ng hatinggabi, sabay-sabay na gagana ang mga ito. Aalingawngaw ang tunog ng mga orasan na siyang pupukaw sa atensyon ng mga dumaraan.
Tick-tock...tick-tock...
People would stop walking down the streets and gaze at the magnificent Victorian and antique clocks made by Mr. Boswell. The sound would enchant them to enter the shop and buy one.
Naaalala pa rin ni Snow ang malawak na ngiti ng binatang clockmaker at ang isang libong orasang nakasabit sa kahoy na pader.
Sa isang kisapmata, naglaho ang imaheng naaalala ni Snow sa Clockworks.
Now, an empty shop laid in front of her. Napupuno na ng alikabok ang sahig at inaagiw na ang mga sulok ng silid. Naglaho na rin ang mga orasan.
Wala nang natira.
"Nami-miss mo na ba ang lugar na 'to?" Mahinang tanong ni Chandresh habang nakatitig sa kanya. Seryoso ang mga mata ng kasalanan.
Napasimangot si Snow. "Ano bang sinasabi mo?"
Adoration reached out. Naramdaman ni Snow ang pagpunas nito sa kanyang pisngi. Doon lang napagtanto ni Snow White na pinunasan pala ng binata ang mga luha niya. Umiiyak siya nang walang kamalay-malay. What the heck is happening to her?
"Unlike words, tears don't lie."
Nag-iwas ng tingin si Snow. "Then maybe I am crazy. Hindi ko alam kung bakit ko iniiyakan ang Clockworks. Kinulong niya ako dito noon."
"Boswell can foresee the future, Your Majesty. Noon pa man, alam na niyang mapapadpad ka sa mansyon namin.. alam na niyang mangyayari ang lahat ng ito."
Huminga nang malalim si Snow at bumaling ulit sa bintana ng shop. She waited for something magical to happen. O baka naman siya lang itong umaasang mabibigyan siya ng kasagutan ng lugar na ito?
Siguro nga hindi na dapat niya balikan ang nakaraan.
Snow White turned around. "Umuwi na tayo, Chandresh."
Hindi na umimik pa si Adoration at sinundan siya. Pero ilang sandali pa, umalingawngaw sa katahimikan ng Eastwood ang pamilyar na tunog ng orasan.
Tick-tock.
Tick-tock.
Natigilan ang dalawa at nagkatinginan. Adoration's mouth fell open. "T-Teka.. saan nanggagaling 'yon? Wala nang mga orasan sa Clockworks!"
Snow's heart pounded wildly as she remembered something. "Wala nang mga orasan sa shop... Pero hindi pa natin nakikita ang storage room ni Boswell sa ilalim nito."
Tick-tock.
Tick-tock.
The sound was getting louder and louder with each passing second. Bumaling si Snow sa Clockwork's at naikuyom ang mga kamao. Kailangan niyang alamin ang katotohanan. At ang tanging magagawa na lang niya ay suungin ang panganib. "I'll follow the sound. Stay here---!"
"Nah. I easily get bored without you." Ngumisi ang kasalanan. "Sasama ako."
Maya-maya pa, pinasok na nina Snow White at Chandresh ang lumang gusali. With the sin's powers, they easily broke the door. Nang lumakas na naman ang tunog ng mga orasan, tumakbo na papuntang storage room si Snow. She grabbed the hem of her dress and ran down the stairs.
'Kaya mo 'to, Snow.. maging matapang ka.'
Pilit na bumabalik sa kanya ang mga alaala ng mga panahong ikinulong siya rito ng clockmaker. Mga panahong naging alipin siya nito. Halos hindi na makahinga ang dalaga. Boswell's dark voice echoed inside her skull.
"Kiss my feet and crawl back into your cage!"
'Shit.' Marahan siyang umiling at pinagtuunan ng pansin ang mga pasilyo. Chandresh flickered a small violet fire on his palm as they walked deeper into the place. Nakaramdam ng pangingilabot si Snow.
Tick-tock.
Tick-tock.
She opened the door to the storage room. Kinakabahan niyang sinilip ang loob nito. Binabalot pa rin sila ng kadiliman at walang ibang tunog maliban sa orasan.
"Over there! Look.." itinuro ni Chandresh ang sentro ng silid.
It was Snow's old metal cage.
Ang kulungan kung saan siya ikinulong noon ng ilang taon ni Mr. Boswell. Nanginginig na ang kanyang mga kamay. Tila ba naaalala ng katawan ni Snow ang mga paghihirap niya sa kulungang 'yan. How the sound of a thousand clocks would drive her to the point of insanity.
Hinawakan ni Chandresh ang kamay ng dalaga. He gave it a squeeze and smiled reassuringly. "We all have dark parts in our past, Your Majesty. Ang pagharap sa mga ito ang lalong nagpapalakas sa'tin."
She nodded.
Humakbang sila papalapit sa kulungan. Sa liwanag ng apoy na nagmumula sa mga palad ni Chandresh, Snow noticed an object inside the cage.
"A wallclock?"
Lumapit siya at sinilip ang orasan. Pero hindi gaya ng inaasahan nila, hindi na ito gumagana. Napasimangot ang dalaga.
Just then, the sound started again.
Tick-tock..
Tick-tock.
Nanlaki ang mga mata ni Snow nang mapagtantong nagmumula ito sa kanyang bulsa. Mabilis niyang kinuha ang pocketwatch at tinitigan itong maigi.
It was working again.
'What in the world...?'
At nang maglapit ang pocket watch at ang relong nahanap nina Snow, nagsimula na ang mahika. She gasped in shock when the wallclock started ticking again. Sabay na umalingawngaw ang ingay na nagmumula sa dalawang orasan. When their seconds hands finally ticked to twelve, a blinding light caused both Snow White and Chandresh to move away.
Tick-tock.
Tick-tock.
Kasabay ng liwanag na ito, namayani ang pag-iyak ng isang sanggol.
When the light finally vanished, Snow White blinked and focused on the clocks---only to find something really odd. Napanganga siya nang makita ang pocketwatch at ang kaninang wallclock.
Chandresh cursed under his breath.. "Di ba wall clock 'yan kanina? B-Bakit nating clockwork monster?!"
Nilapitan ni Snow White ang umiiyak na halimaw. It was made out of wood, it's face resembled that of a clock's. Walang mga mata at ilong. Tanging bibig lang ang naaninag ni Snow. Naaalala niya bigla ang mga clockwork monsters na umatake sa kanila noon.
No. This is not like those destructive ones.
Muling ibinulsa ni Snow ang pocketwatch at kinarga ang sanggol. Agad itong tumahan sa paghawak ng dalaga. Snow White smiled.
"This is not a Clockwork monster, Chandresh.. this is a Clockwork baby."
---
"My bones
are stained with sin
scorched from trials
broken by betrayals,
cold in loneliness
soaked with blood
and still we keep
on fighting."
---Anonymous
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top