QOS: SEDECIM

Hindi lingid sa kaalaman ni Snow White na imortal ang seven---err...eight deadly sins.

Yet, seeing the evidence of it still amazed her. Marahan niyang tinitigan ang pitong lalaking naka-black suit sa larawan. It was an old sepia photo, probably captured by those ancient cameras displayed in antique shops. Napasimangot ang dalaga at itinuro ang tanawin sa likod ng mga kasalanan.

"Is that the Eiffel tower under construction?"

Pride sipped his cup of tea and calmly nodded. Sumandal siya sa sopa at ibinaling ang atensyon sa dalaga. "Nagtatayo kami ng branch ng Segregation Office namin noon sa Paris nang maisipan nina Greed na magpa-picture sa ginagawa noong Eiffel tower. Who would've thought that it'll be a famous landmark? Lucky us." He smirked.

Tumango si Snow White. She was speechless. 'Then again, everything in this mansion makes me speechless.'

Huminga siya nang malalim at ipinagpatuloy ang pagbubuklat ng photo album ng magkakapatid. Snow White scanned the pictures, some still in black and white.

'May camera na ba sa mga panahong 'to?!'

Mangha niyang pinagmasdan ang kasaysayan ng mga kasalanan. May pictures pa sina Gluttony noong panahon ng Han Dynasty sa China! The old Chinese temple stood behind them. Nakaakbay ang kambal kay Gluttony na may hawak na bowl ng noodles.

Nang titigang maigi ni Snow ang background, kapansin-pansin na may kahalikan si Lust na Intsik. Base sa kanyang pananamit, mukha itong maharlika. Napairap na lang si Snow White. 'Wala talagang expiration date ang kalandian ni Lust.' she thought.

Different periods in time. Same deadly sins.

May ilang larawan ding kuha noong panahon ng mga Kastila. Snow laughed when she saw the sins wearing matching 'barongs'. May picture rin na nakasakay si Pride sa isang kalesa habang inaaway ni Wrath ang kutsero.

"Tsk. Hindi niya kasi alam ang daan papuntang Eastwood! Humans are as ignorant as shit. That's why I torture them." Naiinis na sabi ng binatang katabi ni Snow.

Nakasimangot lang si Wrath sa larawan. Then, he pointed to another one just below it. "This one was taken in Eastwood in the late 1800's."

Snow's curiosity piqued. Nang dumako ang mga mata niya sa larawan, bigla siyang kinabahan. Nanlaki ang kanyang mga mata at bumilis ang pintig ng puso ni Snow White nang makilala ang pamilyar na shop sa background.

"Ang Clockwork's... Ibig sabihin matagal na pala itong nakatayo sa Eastwood?"

Tumango si Wrath. Seryoso na ang kanyang ekspresyon. "Nalugi ang matandang negosyanteng nagpatayo ng gusaling 'yan. It had been abandoned until Boswell came into the picture. Binuhay niya ang Clockwork's. Over the years, that bastard owned it and did some magic to protect it from paranormal attacks. Despite being an immortal too, Boswell eventually earned his reputation as the youngest clockmaker in Eastwood and the rest is shitty and boring history..."

Bumigat ang pocketwatch sa bulsa ng dalaga. Sa hindi malamang dahilan, bumalik na naman sa mga alaala ni Snow ang tunog ng mga orasan at ang pag-iyak ng isang sanggol noong nilabanan niya si Pestilence.

Pride noticed her being uncomfortable and snatched the album from her hands.

"Alright, that's enough, princess. Hindi mo pa nadidiligan ang mga halaman sa hardin."

"Pero---"

"And clean my private study again. May alikabok pa sa mesa ko."

"What the fu--?!"

"And the Anatomy Room. May honeymoon ngayon sina Mr. and Mrs. Bones, so I need you to polish my vampire skulls."

Napanganga si Snow. Wrath chuckled and whispered, "They're celebrating their 500th wedding anniversary."

Bumalik sa kasalukuyan si Snow at sinamaan ng tingin si Pride. "This mansion is too big to clean in one day, Pride! Wala ka bang planong pagpahingain ako? Kailangan pa nating pagplanuhan ang digmaan!" Sa pagkakaalala ni Snow, magmula nang maging alipin siya ng Seven Deadly Sins, ni hindi siya nagreklamo sa ipinapagawa sa kanya---well, most of the time.

Pero iba na ang sitwasyon ngayon.

They need to win the war and defeat Lucifer and the Horsemen. Ngayong may ideya na siya sa kapangyarihan ni Pestilence, kailangan pang mag-training ni Snow White. Pero paano naman niya matatapos ang kanyang mga gawain sa mansyon? Time is running out.

Napabuntong-hininga si Pride at tumayo sa kanyang upuan. Ngumisi siya sa dalaga at inayos ang salamin sa mata. "I already found a solution for that, princess. For now, get back to work." At naglakad na ito palabas ng sala.

Wrath shrugged. "Better do what he says, PRINCESS. Or else I get to punish you.." pang-aasar ng kasalanan. "Hmm.. Benjamin is feeling lonely in my Torture Room, Snow. Baka gusto mong samahan?" A wild and deadly glint in his eyes. Napatayo nang wala sa oras si Snow.

"No thanks, Wrath."

One good advice when you're inside the mansion? Never test Wrath. Minsan mas nasisiraan pa ng bait ang sadistang ito kaysa sa kanyang mga kapatid. Hell will literally break loose once he gets angry.

*
'Paano ba ako nakatagal sa lugar na 'to?'

"If I survived depression, I can survive cleaning the mansion of the Seven Deadly Sins." She motivated herself.

Hindi na pinansin ni Snow ang pawis sa gilid ng kanyang noo. She was fucking exhausted with all the household chores! Kanina lang ay inayos niya ang mga gamit ni Pride sa magulo at antigo niyang private study. Then, she watered the dead flowers in the garden (pero kinailangan niya munang makipaghabulan kay Cerberus nang nakawin nito ang kumakantang watering can).

Ngayon naman ay tinatapos niyang punasan ang mga plurera sa third floor ng mansyon. 'I still need to clean the Anatomy room after this.' Huminga siya nang malalim at kinuha ang huling vase. It was a century-old Roman ceramic with designs depicting the apocalypse. How ironic! Hindi alam ni Snow kung paano at saan nakuha ng sins ang mga kagamitang ito sa mansyon, but she figured out that it was best not to ask.

Nang akmang pupunasan na sana niya ang loob nito, something inside moved.

"SHIT!"

Napaatras si Snow nang lumabas roon ang isang berdeng ahas. Its black bead-like eyes stared at her as it hissed again. Kumunot ang noo ng dalaga nang makilala ito. "Vixen? Anong ginagawa mo rito?"

Envy's snake started crawling away.

Hinawakan ito ni Snow at mabilis na isinilid sa isang banga. She frowned when Vixen attempted to attack her and placed the lid ontop of the jar.

"Not so fast, little devil."

Huminga nang malalim si Snow at sinimulan nang maglakad pabalik sa hagdan. Bitbit niya ang jar hanggang sa marating niya ang silid ng kambal sa kanang bahagi ng pasilyo. She had never been to the twins' room before. Kumatok ang dalaga.

"Envy?"

Walang sumagot.

Snow let out an irritated sigh. She knocked again. 'I don't have time for this!' Makalipas ang ilang minuto, sa wakas lumabas na rin ang kasalanan. "Envy" smiled at her teasingly. "Chione! Anong ginagawa mo rito? Did you miss me already?"

Kumindat pa sa kanya ang kasalanan.

Snow's poker face didn't change. Akala ba nila maloloko siya ng mga ito? "Nice try, Greed. Bakit ba suot mo ang damit ng kakambal mo?"

Mabilis na naglaho ang ngiti ni Greed sa sinabi ni Snow. Napabuntong-hininga ang kasalanan at inayos ang pagkakahawi ng buhok. His lips curled into a charming smile. "I knew green wasn't my color. That's why I prefer red, Mademoiselle." At mabilis nitong hinalikan ang kamay ni Snow.

Suddenly, she remembered Pestilence doing the same thing a few days ago. Mabilis na binawi ni Snow ang kamay mula sa pagkakahawak ni Greed. Her heart pounded nervously. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Mademoiselle, ayos ka lang?"

No. Damn no.

"Yes. M-Medyo pagod lang ako."

Noong mga sandaling 'yon, mabilis na sumulpot si Envy na mukhang kakagising lang. Humikab si Envy at itinulak papalayo ang kapatid. He turned to Snow, "What can I do for you, Chione?"

Iniabot ni Snow ang banga. "Sa'yo yata 'to."

Envy immediately smiled when he saw Vixen inside. Mabilis na pumulupot ang ahas sa leeg ng binata.  Napapailing na lang ang kasalanan. "Kanina pa kita hinahanap! Tsk. Stupid snake. I think I should return her to the forest." Envy smirked, "Gusto mo ba akong samahan, Chione?"

"Forest? Nakatira si Vixen sa labas ng mansyon?"

Nakatinginan ang kambal at sabay na natawa. Envy then started walking to the stairs. Lumingon siya kay Snow, as if challenging her to follow him to who-knows-where.

"Sino bang nagsabing sa labas lang ng mansyon mayroong gubat?"

At naglakad na ulit papalayo ang prinsipe ng pagiging mainggitin.

Naiwang nakatayo si Snow mag-isa sa hallway. Nakikipagdebate pa siya sa utak niya kung susundan ba o hindi ang kasalanan. Then again, what's her life without another adventure?

Sinundan niya si Envy.

*
Narating nila ang unang palapag ng mansyon. Walang-imik na sinundan ni Snow si Envy papunta sa kaliwang bahagi ng mansyon. Vixen hissed as its owner nagivated the path. Pinagmasdan ni Snow ang mga pintong nakasara.

Nadaanan na nila ang private study ni Pride, ang Control Room, at Maze of Mirrors. Nang hindi na siguro ni Snow kung nasaang parte ng mansyon na sila, agad siyang nagtanong. "Hindi ko na alam kung nasaan tayo, Envy. It's like the hallways are changing positions everyday."

"Actually, they do." Ngumiti sa kanya si Envy, "Marami ka pang hindi nalalaman sa mansyong ito... Look! We're here."

Snow White's jaw dropped when a door materialized in front of them. Hindi tulad ng ibang mga pinto, kulay berde ang pintura nito. Envy adjusted Vixen on his shoulder and grabbed a key from his pocket. May disenyong ahas at mga dahon ang susing yari sa pilak.

'Every key to every door inside this mansion is unique. Just like the sins.'

Nang mabuksan na ni Envy ang pinto, bumungad sa kanila ang preskong ihip ng hangin. There was a blindling light as Envy escorted her inside. Snow felt soft grass under her feet.

"Welcome to my Greenhouse, Chione."

And the sound of the wilderness welcomed her, too. Nang makapag-adjust na ang mga mata ni Snow sa liwanag, agad siyang namangha sa lawak ng kagubatang ito. Mas akma yatang tawaging "forest" ang lugar na 'to kaysa sa "greenhouse". Tall trees towered over them, almost reaching the skies above. Napupuno ng damo at mga halaman ang lugar at tila ba sinasabayan ng kanyang bestida ang indayog ng hangin. Purong luntian ang nakikita ng kanyang mga mata. The leaves literally sparkled under the light!

Everything in Envy's greemlnhouse seems too perfect...

And yet, Snow White knows it's all a fake.

Beyond this "peaceful" forest lies something dangerous. Sa pananatili ni Snow sa mansyon, natutunan niyang 'wag pagkatiwalaan ang hitsura ng lugar.

Sa di-kalayuan, namumukadkad ang ilang mga bulaklak na ngayon pa lang nakita ni Snow. Rare flowers that had odd colors of gray and black... All dull and lifeless. Nang akmang pipitasin na sana ni Snow ang isang bulaklak, mabilis siyang pinigilan ni Envy.

He gaze turned dead serious.

"Kapag pumitas ka ng bulakalak sa gubat na 'to, you'll fall into eternal sleep. Titigil ang tibok ng puso mo sa lason at hindi ka na magigising."

Mabilis na lumayo si Snow sa mga bulakalak. Napalunok siya. Kamuntikan na 'yon!

'Self-reminder: don't fucking touch a flower unless you want to commit suicide again.'

"So, bukod sa sementeryo, meron ka rin pa lang gubat.. I guess you love the color green too much?" Snow White asked him.

Ibinaba na ni Envy ang alagang ahas at pinanood na gumapang papalayo si Vixen bago bumaling kay Snow. His mischievous smirk showed. "Aside from our bedrooms, each sin has more than one special room inside this mansion, Chione. Bukod pa roon ang mga silid na 'standard' katulad ng Control Room at Conference Room."

She nodded. "But why are most rooms locked up?"

"Hindi namin masyadong ginagamit---o sinadya naming i-lock. Ang ilan sa mga silid ay pinoprotektahan ng mahika para walang makapasok."

Kumunot ang noo ng dalaga. "Bakit naman?" Here she is again, asking too many questions that will poison her in the end.

Dumako ang mga mata ni Envy sa kawalan. He stared at the Greenhouse's horizon as if seeing something she can't. "Let's just say that some rooms are too dangerous, even for us sins... Lalo na ang mga silid sa ikatlong palapag. They are the cursed ones.. that's why only Pride has the keys to all the rooms, of course. Naiinggit nga ako sa kanya eh." He laughed.

Just then, Envy outstretched his hand to her. "Follow me. I'll give you a tour. Nga pala, 'wag mong tatapakan ang mga pulang bato."

Agad na napatingin si Snow sa lupang tinatapakan niya. A few meters away, she spotted red rocks scattered on the grass. "Anong mangyayari kapag tinapakan ko 'yan?"

Nagkibit ng balikat si Envy, "Kakailanganin na naming ihanda ang libing mo. Don't worry, you'll get a discount on one of my coffins. O baka gusto mong gamitin ulit 'yong glass coffin na ginamit mo noong namatay ka noon? Hahaha!"

"Damn you. Tara na nga!" Naiinis na kinuha ni Snow ang kamay ni Envy at nagpatianod sa ganda ng kagubatan. There's really somethimg enchanting about this place that she couldn't put a finger on. Bago pa man siya tuluyang makalayo, narinig na naman ni Snow ang iyak ng isang sanggol at ang tunog ng mga orasan.

Tick-tock.

Tick-tock..

'Time is telling me something.. but what is it?'

---

"Hope" is the thing with feathers
That perches on the soul
And sings the tune without the words
And never stops at all.

And sweetest in the gale is heard
And sore must be the storm
That could abash the little bird
That kept so many warm.

I've heard it in the chilliest land
And on the strangest sea
Yet, never in extremity
It asked a crumb of me.

---Emily Dickinson

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top