QOS: QUADRAGINTA UNUM

"Long time no see, my little Snow."

Snow White could recognize that voice anywhere. Isang mapait na alaala ng pagtawag sa kanya ng clockmaker habang tahimik siyang nakatulala sa kanyang kulungan noon. In the darkness, Snow White hated hearing Boswell's voice. It terrified her and caused her so many nightmares years ago.

Pero ngayon, nawala na ang takot na 'yon.

She can almost say she missed his voice---no matter how badly he treated her before..

"M-Mr. Boswell?"

Baka naman namamalikmata lang siya? Because surely, how can she still see him despite knowing the fact that he's already dead! Ngunit nang tinitigan niyang maigi ang katawan ng clockmaker, napansin ng dalaga ang pagiging maputla nito. His body was almost transparent, almost like..

"A ghost."

Lumawak ang ngiti ni Boswell. Katulad noon, puno ng panganib ang kanyang mga mata. He was still wearing that fucking white suit.

"Close, but not quite. Sabihin na lang nating hindi lang ang deadly sins ang marunong gumamit ng mahika upang makapagsalin ng kaluluwa sa mga bagay."

Kumunot ang noo ni Snow sa sinabi nito. Just then, she remembered something. Mabilis niyang kinuha mula sa bulsa ng kanyang damit ang pocketwatch na iniwan sa kanya noon ni Boswell at tinitigan ito. Gumagana na ulit ang maliit na orasan. Napasimangot si Snow nang maunawaan ang lahat.

"You gave me your life, but transferred part of your soul in this pocketwatch. Iyon ang rason kung bakit mo ako gustong bumalik ng Clockworks.. you wanted me to find that clockwork baby so you can have another soul vessel."

Naalala ni Snow ang panahong pinasok nina ni Chandresh ang lumang tindahan ng mga orasan. Nahanap niya ang isang relo sa loob ng dati niyang kulungan. Nang itapat niya ang pocketwatch sa orasan, biglang sumulpot ang clockwork baby kapalit nito. It's like the pocketwatch triggered something to revive that clockwork baby.

Mr. Jeremy Hans Boswell nodded and turned to the sleeping clockwork.

"Katulad ng sinabi ko sa'yo noon, nakikita ko ang hinaharap. I knew you'd need help someday, so I transferred a part of my soul in that pocketwatch.. nang itinapat mo ang pocketwatch sa kanya, it triggered a spell to bring him to life. Ngayon, sisidlan ng kaluluwa ko ang sanggol na iyan. He's alive, only because my soul is inside him.."

Binalingan ni Snow si Pestilence na tahimik lang na nakikinig sa kanila. "At paano mo nalamang kasama na pala natin dito si Mr. Boswell?"

The blonde horseman shrugged. "Nagpakita siya sa'kin nang hinihintay kitang magkaroon ng malay. That was before I gave the baby to Famine, of course. Kapag nalaman ng ibang horseman ang tungkol dito, we're dead."

"Why?"

"They're not in good terms with the clockmaker."

Napailing na lang ang kaluluwa. "It's not my fault they can't appreciate the beauty of my clocks. Nang makasira sila noon ng isa sa pinakamamahal kong orasan, I planted a nuclear bomb inside this hideout."

Pestilence sighed. "Ilang dekada rin bago namin naibalik sa dati ang lugar na ito. War is still mad at you, though."

"I don't give a shit."

'Great. Mukhang magkakilala na pala sila. How is that even possible? Tsk.' Huminga nang malalim si Snow at humalukipkip. Napasimangot siya sa dating amo. "Ikaw ang puting aninong nakita ko noon sa hagdan at sa may festival, hindi ba? And I'm pretty sure you're the one who led me here.."

Binalikan ng mga alaala ni Snow ang gabing tumakbo siya papalayo sa palasyo ni Hades. 'This explains why the clockwork baby was there when the white shaddow appeared..' she thought. "Noong gabing 'yon, sinadya mo akong dalhin sa harapan ng hideout ng Horsemen."

Tumango si Boswell.

'Damn it. Walang nagbago sa kanya.. he's still manipulating me!' Pero agad ring napawi ang inis ni Snow. Kung hindi dahil kay Boswell, baka tuluyan na siyang naligaw sa Underworld. Baka hanggang ngayon ay nagpapagala-gala pa rin siya sa Tartarus nang walang lugar na mapupuntahan. She was silently thankful that the clockmaker brought her to Pestilence's arms.

"I know what you're thinking."

Napayuko si Snow.

"S-Salamat."

Napabuntong-hininga lang si Boswell. "Don't thank me yet. Hindi pa kita natuturuan kung paano gamitin ang kapangyarihang ipinamana ko sa'yo. It seems that you've been to busy flirting with those sins lately that you've forgot your obligation as my heiress, little Snow. Such a pity." Naririnig ni Snow White ang pagkadismaya sa boses ng lalaki.

Well, he's Boswell. He's always an arrogant asshole.

*

"The past is the foundation of who we are, while the future is the uncertainty of what we can be.."

"What about the present?"

"It bridges them."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwalang nakatayo sa kanyang harapan ang kaluluwa ng lalaking nagpahirap noon sa kanya. The young clockmaker still had the face of his "young" self. Sa pagkakaalam ni Snow, nang isinalin ni Boswell ang natitira niyang "life span" kay Snow, tumanda si Jemery Hans Boswell hanggang sa tuluyan na itong maglaho. But right now, he looks as youthful as she last remembered him to be. She doesn't really know how to react.

"Paano kung hindi ko magawa?" Nag-iwas ng tingin si Snow. Kanina pa niya iniisip ang bagay na 'yon. Paano kung nasayang lang ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya ni Boswell?

'Heiress of time.. it sounds impossible.'

Sa madilim na silid na napapalibutan ng mga lampara, naaninag ni Snow ang pagsimangot ng clockmaker. His eyes were sharp, but he remained calm.

"You're doing it again."

"What?"

"Doubting yourself."

Naikuyom ni Snow ang kanyang mga nanginginig na kamao. Hindi na niya namalayang lalong bumibigat ang kanyang pakiramdam tuwing naiisip na mawawalan na naman siya ng silbi. Mukhang hanggang ngayon, naroon pa rin ang maliit na parte ng kanyang pagkataong takot magkamali.

Damn it.

'Not at a time like this, Snow. Paano mo maililigtas ang sins kung ni wala kang ginagawang paraan para makatulong sa kanila?' her mind scolded her. For now, she's gonna take the risks being the Boswell's heiress.

Noong ibinalik niya ang kanyang atensyon kay Boswell, napansin ni Snow na seryoso pa rin itong nakatitig sa kanya. His eyes were reading her again, and it only made her more uncomfortable.

"Time is what makes a person whole. At kung may dapat ka mang matutunan, ito ay ang pahalagahan ang bawat segundo nito. So, stop wasting my precious time and listen.."

Tick-tock.

Tick-tock.

Tick-tock.

Nanlaki ang mga mata ni Snow nang marinig ang tunog ng mga orasan. Pero paano nangyari 'yon? She was pretty sure that there aren't any clocks around! Pinilit hanapin ni Snow ang pinagmumulan ng tunog. Her mind started wandering like a lost puppy, searching for something that shouldn't be there.

Naramdaman niya ang malamig na kamay ng clockmaker.

"Concentrate and follow the sound.. sa oras na mahawakan mo ang balat ng nilalang na nais mong basahin ang nakaraan, magiging mas madali na ito para sa'yo. But the tricky thing is, you can't be sure about what you are going to see.."

Katulad nga ng sinabi ni Boswell, para bang nakaramdam ng kakaibang sensasyon ang kanyang balat nang hawak siya nito. She kept her eyes closed all the time, trying to read something from him.

"W-Wala akong mahanap. Pinagloloko mo lang ba na naman ako?"

"At bakit naman kita lolokohin?"

Napasimangot si Snow. "Geez. I don't know... Baka dahil kamuntikan mo na kaming patayin dati? No offense." Pilosopo niyang sagot na ikinatahimik naman ng kaluluwa.

Ilang sandali pa, pinakiramdaman ni Snow ang kanyang sarili. Lalong lumalakas ang tunog ng mga orasan.

Tick-tock...

A flash of light.

A memory.

Mabilis na nabitiwan ni Snow ang kamay ni Boswell at hinihingal na lumayo sa kanya. "W-What the hell was that?" Para bang bigla siyang naubusan ng lakas nang makita ang eksenang iyon sa kanyang isip. Bahagya pang sumakit ang ulo niya! Damn it.

But Jeremy Hans Boswell only smirked, "Anong nakita mo?"

Napalunok si Snow.

"N-Nakita kitang ikinukulong ako sa maliit kong selda. You were dragging me inside that cage like how I remembered it... Pero ang ipinagkaiba sa nakita ko, nasa perspective mo ang memoryang iyon. I-It was like I can see through your eyes in that memory!"

Naaalala ni Snow ang nakaraanng 'yon. Matapos siya kuhanin ni Boswell sa kanyang ina, agad siyang nagpumiglas nang pinilit siya nitong ikulong sa loob ng maliit na kulungan sa basement ng Clockwork's shop. Snow White had been so young back then when Boswell dragged her, locked her up, and left her alone in the darkness. Bakit sa dinami-rami ng mga pwede niyang makita, ang alaalang 'yon pa talaga?

It seems that Boswell had read her mind.

"Hindi mo agad mapipili ang mga nakikita mong oras sa buhay ng sinumang nilalang. It's gonna drain your energy and make you sick for a few weeks. But with enough practice, you'll get better at it."

"A-Ano ba talaga ang nakita ko kanina?"

"It's called a 'Timeline'. Ang bawat nilalang, mapa-mortal man o imortal, mayroong ganito. Your ability is to see through their souls, and into their timelines. Ang tunog ng mga orasan sa utak mo ang masisilbing hudyat na mababasa mo ang mga nangyari, nangyayari, at mangyayari pa lang sa buhay ng isang nilalang."

Tumango si Snow. Bukod dito, may isa pang bumabagabag sa isip niya. Hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa kanyang saklay.

"Pero kung magagawa kong makita ang kinabukasan nila, shouldn't I be able to prevent it? Mas madali nating mapaghahandaan ang digmaan kung makikita ko na agad ang mga mangyayari."

"You can't."

"Why not?"

Boswell sighed. "That's one downfall of your power, little Snow. Hindi mo malalaman kung ang makikita mo sa kanilang Timeline ay ang nakaraan, kasalukuyan, o ang kinabukasan nila. Maaari mo lang piliin ang mga alaala, pero walang makakapagsabi kung mula sa aling oras ang mga alaalang ito."

Huminga nang malalim si Snow. Mukhang hindi niya kontrolado ang abilidad niya. She's still restricted.. 'but it's better than nothing.' Habang papalapit na ang digmaan, desparado  nang gawin ni Snow ang lahat para hindi maging pabigat sa sins.

Snow White will master her powers and become a stronger heroine..

Nang sa ganoon, magkaroon na ulit siya ng karapatang lumaban kasama ang mga kasalanan.

Ipinikit ni Snow ang kanyang mga mata at hinanap muli ang kanyang konsentrasyon. "Let's do it again, Mr. Boswell. Hindi ako susuko."

Napangiti si Boswell sa dalaga. She's grown so much since the time she escaped his shop. Marami nang nagbago sa dalaga, pero mukhang hindi pa rin nagbabago ang katapangan at katigasan ng kanyang ulo. Naging saksi siya ng istorya ni Snow, at sa pagkakataong ito, panahon na para matuklasan ni Snow ang ipinamana niyang abilidad sa kanya.

'No posion apple needed for this princess, indeed..'

"Try again, little Snow. That's how you'll be able to save yourself.."

*

"Shit!"

Nahihirapang umatras si Snow White nang mapansing hindi man lang nagasgasan ang armor ni Pestilence sa ginawa niyang pagtira. Mahinang natawa ang horseman at inayos ang korona sa kanyang ulo, "If you want to defeat a horseman, you have to do better than that, my queen."

Nanlaki ang mga mata ni Snow nang iniangat ng binata ang kanyang sandata. Gray eyes stared at her as he raised his bow and arrow.

"T- Teka, hindi mo naman gagawin 'yan, 'di ba---!"

Too late.

Mahinang napamura si Snow nang dumaplis ang pana sa kanyang pisngi. Naging dahilan ito para dumaloy ang dugo mula sa maliit na sugat. Her pale face was a magnificent contrast against the crimson blood dripping down her cheek.

Ngumisi si Pestilence.

"Sinong may sabing hindi kita kayang saktan?"

'He's crazy!' sigaw ng isip ni Snow bago siya maliksing umilag sa mga pana. Nahihirapan siyang gawin ito nang nakasaklay, but she can't really do anything about it. Her prosthetic leg is destroyed and she needs to fight.

"What's the matter, my queen? Hahaha!"

Pinaulanan na siya nito ng mga nagliliyab na pana habang nakasakay ito kay Stallio. The white horse circled her at a deadly pace. Mukhang sineseryoso talaga ni Pestilence ang training nila. 'At paano ko naman masasalag ang mga atake ni Pestilence?! I don't even have a weapon!'

"This is madness!"

Tumalon siya't hindi ininda ang kirot sa kanyang binti. Nararamdaman na niya ang init ng apoy na lumiliyab sa lupa.

Mabilis na naghanap ng paraan si Snow para makakawala sa horseman. Habang tumatagal, lalo na siyang nauubusan ng hininga dahil sa tindi ng apoy. Mula sa kanyang kinaroroonan, Snow White could see Mr. Boswell leaning against a dead tree, watching their training.

Huminga nang malalim si Snow.

Soon, she smirked.

"Don't be too cocky, Sir Pestilence.."

"Anong---?!"

Malakas na ibinato ni Snow White ang kanyang mga saklay. Nanlaki ang mga mata ng horseman nang lumipad ang mga ito sa ere---pero sa kasamaang-palad, ni hindi siya nagalusan ng mga ito. The blonde shook his head in disappointment.

"Tsk! Too bad. It looks like you missed!"

She smirked.

"No, I didn't."

Bago pa man makailag si Pestilence, naramdaman na lang niya ang papalapit na presensiya ng mga saklay sa kanya. Nagmistulang "boomerang" ang mga ito at bumulusok pabalik sa direksyon niya. He spun around, just in time as polished wood hit his face.

"GAAAH!"

Nawalan ng balanse si Pestilence at natumba mula sa kanyang puting kabayo. Stallio neighed and stared at his owner. Supladong binalingan ni Pestilence ang alaga niya. "W-What are you looking at, Stallio?! Tsk! Stupid horse." Namula ang kanyang mga pisngi sa kahihiyan. Damn! Paano siya nalinlang ng simpleng trick?

Snow White sat on the ground, sweat dripping on her forehead as she struggled to stand up.

"Napansin ko kasing iba ang kurba ng mga saklay na binili mo. I figured that it can be used as a boomerang to deceive the enemy and knock him off his horse. Mukhan namang epektibo. Hahahaha!" Snow White laughed at him.

Pestilence frowned.

"H-How dare you fucking laugh at me?!"

"May pagkalampa ka rin pala, Sir Pestilence. Hahaha! How cute."

"C-Cute...?"

Okay, so the fearless and deadly Horseman of the Apocalypse who had conquered lands, burned villages, and killed thousands of men---is cute?

Mukhang nawawala na rin sa katinuan ang dalaga.

'She's crazy,' Pestilence thought. Pero hindi rin nagtagal, nakisabay na rin siya sa pagtawa ng dalaga.

The two of them laughed and smiled at each other.

Matapos ang pagsasanay niya kay Boswell kanina, napagdesisyunan ni Pestilence na dalhin si Snow sa training grounds nila sa labas ng hideout. Of course, he needed to blindfold her---delikado na at baka maipagkalat pa nito ang lokasyon nila. So, for the next few hours of daylight, Pestilence taught Snow White some tips in combat. Tinuruan pa siya nito kung paano ang tamang paghahawak ng espada.

It seems ironic, but her enemy is helping her!

'May malalim pa siyang rason..' panandaliang isinantabi ni Snow ang ideyang iyon at tinanggap ang alok na tulong ng horseman. She steadied herself on one crutch and sighed. "Kailangan na nating bumalik sa hideout niyo. Kapag nalaman nina War na tinulungan mo ako sa training, baka mapaaga pa ang katapusan ng mundo." Seryoso niyang sabi.

Matagal na nag-isip si Pestilence. It looks as if he was having a mental debate. Kalaunan, napabuntong-hininga ang horseman.

"I want to take you somewhere, my queen. May gusto akong ipakita sa'yo."

Kumunot ang noo ni Snow White. Wala siyang maisip na dahilan para ipasyal siya ni Pestilence---pero may maliit na parte sa kanyang pagkatao na nagsasabing sumama siya sa binata. His ash gray eyes were promising her.. napabuntong-hininga si Snow at tumango.

"Pero kung pinaplano mo ako patayin sa malayong lugar, I'll haunt you for all eternity." Seryosong sabi ni Snow habang inaalalayan na siya nito sa ibabaw ni Stallio.

But Pestilence remained calm and kissed the back of her hand. His warm lips grazed her skin and left an unsual sensation behind..

"I will not harm you. You have my word, my queen."

That's enough to ease her doubts.

Bago pa man siya tuluyang makaalis, tumikhim si Jeremy Hans Boswell at iniabot kay Pestilence ang isa pang saklay ni Snow. The clockmaker eyed the horseman suspiciously. "Bring her back in one piece, horseman."

Namuo ang tensyon sa pagitan nila.

"Hindi mo na kailangang ibilin sa'kin 'yan, Jeremy."

Pestilence frowned and grabbed Snow's clutch. Sa sandaling naibigay na ni Boswell ang saklay sa horseman, mabilis niyang inilapat ang kanyang daliri sa noo ng puting kabalyero. Boswell smirked as his index and ring finger rested on Pestilence's forehead.

Pero agad ding nawala ang ngiti ng clockmaker.

Bumaba ang kanyang kamay.

Boswell sighed. "I knew it."

Iisa lang ang ibig sabihin nito.. nabasa ni Boswell ang Timeline ni Pestilence and from the look on his face, it doesn't look good. Pero sa kabila nito, nanatiling kalmado ang horseman.

"Hindi mo dapat binabasa ang nakaraan ng isang nilalang. Don't you know the meaning of privacy?"

Walang-emosyong nagkibit ng balikat si Boswell. "Privacy is just an excuse to lie. At hindi ka dapat nagtatago ng kanyang sikreto." Sumulyap kay Snow ang clockmaker na tila ba may gustong sabihin sa kanya.. Snow White's heart pounded nervously. 'Damn. Ano bang nakita niya kay Pestilence?'

Pero bago pa man siya ito matanong, mabilis na sumakay ng kanyang kabayo ang horseman at iginiya si Stallio sa kabilang bahagi ng patay na kagubatan.

Soon, Snow White found herself being taken away by the white rider..

*

Unfortunately, they had to cross the Tartarus market.

Kabadong pinagmasdan ni Snow ang mga pamilihan at ang ilang mga nilalang na mabilis na humawi para bigyang daan ang horsemen. Nakikipag-away pa sa kanila ang ilang paranormal creatures dahil "banned" na raw sa lugar na ito ang Four Horsemen of the Apocalypse.

"Ang lakas naman ng loob niyang dumaan dito!"

"Ha! I'll tell King Hades all about this! Tingnan na lang natin kung makakapagyabang ka pang gago ka. Hahaha!"

Pero agad ring tumahimik ang lalaki nang inilabas ni Pestilence ang kanyang pana. His ash gray eyes stared coldly down at him. Kuminang sa matamlay na liwanag ang kanyang ginintuang korona. Bumigat ang tensyon sa pagitan nila nang kalmadong magsalita ang horseman..

"On the count of three, I want you to stay out of my way. Or else, I'll shoot a fire arrow into your fucking mouth."

Napanganga ang lalaki. Mukhang nakainom pa ito base sa pagewang-gewang niyang paghakbang papaatras. "H-Hindi mo gagawin 'yon!"

"One."

Lalong tumalim ang mga mata ni Pestilence.

"Two."

Nothing.

"S-SHIT! AYOKO PANG MAMATAY!"

Bago pa man matapos ni Pestilence ang pagbibilang, kumaripas na ng takbo ang lalaki. Sa katunayan, nahati pa sa dalawa ang katawan niya! Bat-like wings emerged from his upper body as he flew away.

'Isang manananggal?'

Mabuti na lang at wala nang nagtangkang pumigil ulit sa kanila. Huminga nang malalim si Snow. Napansin ito ng binatang nakaupo sa kanyang likuran.

"Don't worry. The spell will make you invisible to them for a few more minutes, my queen."

"Stop calling me that! I am nobody's queen."

"Nah. I'll call you whatever I like."

"Tsk! Bahala ka na. Just stop smiling like that!"

"As you wish, my queen." Kumindat sa kanya si Pestilence na agad ring ikinaiwas ng mga mata ni Snow. Hindi siya dapat maging kumportable dahil kaaway pa rin nila sina Pestilence, hindi ba? Damn.

Nang ilang metro na lang ang kailangang nilang tawirin sa magugulong lansangang ng Tartarus (na napupuno ng mga shops na nagtitinda ng mga sapatos ng mermaids, at shaving cream ng werewolves), Pestilence narrowed his eyes on the road and guided Stallio to an alley.

Sumeryoso ang ekspresyon ng horseman na agad na ipinagtaka ni Snow White.

"Bad timing."

"Anong meron?"

"Hades and his convoy. Tsk! I should've known they'll be doing rounds today. Magmula mang inatake namin ang village area, lalong naging madalas ang pagbabantay nina Hades."

Tumango si Snow. Habang nakakubli sa kadiliman, tahimik na pinagmasdan ni Snow ang pagdaan nina Hades. Sakay ng kanyang kulay itim na kabayo, walang emosyong ininspeksyon ng hari ang kanyang sinasakupan. Some shop owners even greeted him in respect.

'Kung hindi ko talaga alam na proxy lang si Hades, aakalain kong siya talaga ang totoong hari ng Underworld."

Hinintay nilang makadaan sina Hades at ang kanyang mga tauhan. Nang akala ni Snow na tuluyan na silang nakaligtas, agad na dumako sa kanilang direksyon ang reyna ng Underworld. Nanigas si Snow sa kanyang pwesto nang bumaling sa kanila si Persephone. Nanlaki ang mga mata ng reyna nang makita sila, and it almost made her stomach churn in dread..

She gulped.

Umiling-iling si Snow. 'Damn it! Baka magsumbong siya!'

But Persephone frowned and said nothing to her husband. Pero bakas pa rin ang takot ng reyna nang makita sila. 'Bakit hindi niya kami sinusumbong? And better yet.. how can see even me?' Hindi alam ni Snow ang dapat niyang maging reaksyon dito. Sa ilang pagkakataong naka-engkwentro niya ang reyna ng Underworld, she always had the impression that Persephone was Hades'  spoiled queen.

But now, she's having second thoughts. Nang sumilip ulit siya sa lansangan, napansin ni Snow ang paglawak ng ngiti ng reyna nang makita ang ilang mga bata. She timidly greeted them with a smile and bought them some fruits from a shop. Napahinto si Hades at masuyong nakatitig sa kanyang asawa. His eyes were filled with admiration and passion.

Nauunawaan na ni Snow kung bakit hindi siya sinumbong ng reyna. Beyond that "spoiled queen" image, a kind-hearted maiden extended her warmth to others. 'Hindi niya gustong magkaroon ng gulo dahil ayaw niyang madamay ang mga batang narito,' Snow White felt sick. Bakit ba ang bilis niyang husgahan ang reyna? She seems like a caring person---perhaps that's the reason Hades loves her so much.

Snow White sighed in relief. "Tsk! That was close.."

Pestilence nodded. "Mabuti ang puso ng reyna, pero na kay Hades pa rin ang katapatan niya. Let's just go before she changes her mind."

Hindi na nakipagtalo pa si Snow.

*

Hindi alam ni Snow ang bahaging ito ng Underworld. It turns out, marami pa siyang hindi natutuklasan sa lupaing ito. Sa matamlay na liwanag ng lugar, hindi malaman ni Snow kung ilang oras na ang lumipas mula nang nag-training sila ni Pestilence.

All throughout their journey, no one spoke.

Stallio stopped in his tracks.

'Bakit naman kami nandito?' isip-isip ni Snow. Ilang sandali pa, kinuha ni Pestilence ang isang pana at itinali ang isang pulang laso rito. He smiled and raised his bow. In one swift motion, the arrow shot upwards and far across the horizon. Nang maglaho na ito sa paningin ni Snow, hindi niya maiwasang usisain. "Para saan naman 'yon?"

"Basta."

At nagpatuloy na ulit siya sa paglalakbay..

Pero ngayong narating na nila ang kanilang destinasyon, hindi mapigilan ni Snow na mamangha sa nakikita.

"What is this place?"

"This is my happy place."

Naririnig ng dalaga ang ngiti sa kanyang boses. With Pestilence's assistance, bumaba si Snow White at pinasadahan ang ng tingin ang lugar.

Walang ipinagkaiba ang lupaing ito sa iba. It was a barren land, with death trees and occasional cracks (where you can see the souls getting tortured in hell, no matter how creepy that sounds).

Ngunit ang nakapukaw sa atensyon ni Snow White ang ang napakaraming panang nakabaon sa lupa. The arrows were all over the place! 'One thousand? No.. maybe even more!' Ang ilan sa mga ito ay mukhang luma na, habang ang iba naman ay bago pa. But all of them--every single one of the arrows--had a red ribbon tied to its end. Napalunok si Snow. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya.. this is just crazy!

"Every arrow represents a time when I got my heart broken."

Naramdaman ni Snow ang presensiya ni Pestilence sa kanyang likuran. Naroon na naman ang lungkot sa kanyang boses.

Ibinaling muli ng dalaga ang mga mata sa mga pana.

"It seems like you've loved over a thousand girls, Sir Pestilence. Hindi ko alam na may pagkababaero ka rin pala." Pabiro niyang sabi.

Mahinang natawa ang horseman at bumulong malapit sa kanyang tainga. His hot breath sent a shiver down her spine..

"Actually, I've loved only one.. Ang lahat ng mga panang ito ay para sa kanya. And I don't think I can love any other girl except for her."

"She's a lucky girl."

"Maybe she is."

Nakatulala lang si Snow White sa isang libong mga pana. Ibig bang sabihin nito, isang libong beses na rin siyang nabigo sa babaeng minamahal niya?

Red ribbons.

Something so familiar to her...

'H-Hindi kaya..?'

Napapikit siya't mabilis na iniba ang usapan. Pinilit ni Snow pakalmahin ang nagwawala niyang puso. This isn't good.

"May alam ka ba sa Queen of Sins?"

Kumunot ang noo ni Pestilence nang tanungin niya ito. For a moment, she thought she saw recognition dawn on her face the moment she mentioned it. "I've heard the legends, but I have never seen her in person. Bakit mo natanong?"

Huminga nang malalim si Snow at matapang na sinalubong ang kanyang mga mata. Hindi niya dapat sinasabi sa horseman ang kanyang mga plano, pero sa pagkakataong ito, wala na siyang ibang maaaring pagkuhanan ng impormasyon. Habang nasa training sila kanina, nagpaulit-ulit sa isipan ni Snow ang sinabi noon sa kanya ni Fleur. Siguro nga isang alamat lang ang reynang iyon, pero wala namang masama kung magbabaka-sakali siya, hindi ba?

This may be their only chance to defeat Lucifer, once and for all.

"Kailangan ko siyang hanapin. If the Queen of Sins still exist, and if she is as powerful as the rumors says she is, gusto kong hingin ang tulong niya para matalo si Lucifer.."

This might be their only chance to win. Kung totoo ngang kayang tapatan ng kapangyarihan ng Queen of Sins ang kay Lucifer, malaki ang posibilidad nilang manalo kapag nahimok nila itong umanib sa kanila.

Napailing si Pestilence na parang isang kalokohan ang sinabi niya. "I think that mansion made you crazy."

"I think it did. Ngayon, tutulungan mo na ba akong hanapin siya o kailangan pa kitang talunin ulit sa training?"

He frowned. "Are you stepping on my ego, my queen?"

"Maybe. So, help me or help me? It's your choice, Sir Pestilence."

Napabuntong-hininga si Pestilence. Pero kitang-kita ni Snow ang ngiting naglalaro sa kanyang mga labi.

"You're not giving me much of a choice, are you, my queen?"

---

Lying, thinking
Last night
How to find my soul a home
Where water is not thirsty
And bread loaf is not stone
I came up with one thing
And I don't believe I'm wrong
That nobody,
But nobody
Can make it out here alone.

---"Alone", Maya Angelou

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top