QOS: QUADRAGINTA

Death rode on his pale horse.

Sa katahimikan ng kagubatan, umalunig ang ingay na hatid ng mga yabag ng  kabayo. Nagtatagisan ang liwanag at dilim. Maging ang mga aninong likha ng mga puno ay tila humahawi para bigyang-daan ang horseman. The morning rays seeped between the canopy of trees and reflected off his deadly scythe as Death saw the town up ahead.

"Eastwood."

He can smell the sins of humans. It disgusts and excites him. Kung hindi lang siya paparusahan ni Lucifer sa oras na pumatay siya nang walang pahintulot, baka kanina niya pa na-massacre ang lugar na ito.

Kaya't nang mabalitaan niya kanina sa Tartarus na siya ang pinagbibintangang pumatay sa mga factory workers kanina dito sa Eastwood, Death wasted no time and made Osseus cross the borders of Underworld.

He felt an unwanted presence somewhere.

Tumalim ang mga mata ni Death. 'May hindi tama rito,' he thought and walked into the streets. Agad na nagsitakbuhan papalayo ang mga taong nakakita sa kanya. Kalmadong tinahak ni Death ang daan papunta sa isang pabrika ng pagkain.

Nagkalat ang dugo sa paligid.

He jumped off his skeleton horse and kicked a corpse's body. Bumulwak ang dugo mula sa malaking hiwa nito sa kanyang tiyan. May ilang bangkay pang nakasabit sa mga kable ng kuryente. Some were slumped against their backs, jaws ripped out. Their expressions looked terrified and their clothes had cuts on them. Seryosong pinasadahan ng mga mata ni Death ang paligid.

Ang kapansin-pansin pa, nagkalat ang mga basag na salamin.

"Ten workers were murdered.. A bit messy, but nice job."

Walang-emosyon niyang sabi. Nakatayo siya sa gitna ng massacre. Ilang sandali pa, mahinang natawa ang horseman. Death smirked and turned his head to a dark corner in the factory.

"Ngunit magbalat-kayo man ang isang ahas, tumutuklaw pa rin ito, hindi ba? I know you're there.."

Just then, the dead bodies vanished.

Naglaho ang dugo at ang masangsang na amoy ng nabubulok na laman. Napalitan ito ng isang makapanindig-balahibong katahimikan, ngunit naroon pa rin ang mga salamin. Mayamaya pa, umalingawngaw sa paligid ang mabagal na pagpalakpak ng isang binata. Footsteps emerged from the dark corner as he revealed himself to the horseman.

Nasinagan ng araw na nagmumula sa kalapit na bintana ang mukha ng kasalanan. Mukhang kanina pa siya nito hinihintay.

Violet eyes.

"Paano mo nalmang isang ilusyon lang ang mga bangkay?"

Iniangat ni Death ang kanyang patalim--his scythe that had killed thousands before. "Hindi niyo dapat minamaliit ang kakayahan ng isang horseman. Kaya naming kumilatis ng mga simpleng ilusyon, Adoration."

Chandresh sighed and crossed his arms over his chest. "Mukhang nagkamali nga ako... are you gonna kill me now?"

"Nasaan ang mga kapatid mo?" Naghihinalang sinilip ni Death ang pabrika. Ngunit bukod kay Adoration, wala na siyang maramdamang ibang presensiya. Napasimangot ang horseman. 'Is he a fool to face me alone? Tsk.'

Nagkibit ng balikat si Chandresh. "Nah. I'm alone. Poor me! Mukhang tuluyan na akong pinagtabuyan ng mga kapatid ko."

Hindi pa rin siya kumbinsido.

"You started a rumor to lure me out. Ipinagkalat niyong may pinatay ako dito sa Eastwood para tawagin ang atensyon ko. Tsk! Ano ang dahilan kung bakit mo ako pinapunta rito?"

Matagal bago sumagot ang binata. Sa kabila ng nakamamatay na katahimikan, kalmadong hinarap ng kasalanan ang horseman.

"I want to help you take down my brothers."

Kumunot ang noo ni Death. 'Is he nuts?' He studied him like he was a puzzle. Mahirap isipin na isang kasalanan pa mismo ang magkakanulo sa kaniyang mga kapatid. Nonetheless, this amused him.

"You're willing to betray your brothers, eh? Interesting."

Chandresh smirked as if he didn't care.

"Oo. Sawang-sawa na akong palagi nila akong pinagtatabuyan. Do you know how fucking frustrating they are? Mas mainam nang mamatay silang lahat."

Marahang tumango si Death. "You seem to hate them. May kinalaman ba ito sa hindi nila pagtanggap sa'yo nang pormal ka nang naging kasalanan? I've heard that they didn't treat you well.." Napahinto sa kanyang harapan si Chandresh at inilahad ang kanyang kamay. His eyes were cold and unforgiving. "I'll tell you about their weakness and in exchange, spare me. 'Di baleng patayin niyo silang lahat. Ayokong madamay sa kanila."

Death laughed.

"How selfish."

"I am. So what?"

'A traitor among my enemies..' Ngumisi si Death. Nang akmang makikipagkamay na sana siya sa kasalanan, binasag ng boses ni Pride ang katahimikan.

"NOW!"

Before he could even have time to think, Chandresh suddenly disappeared through a piece of broken mirror. "A-Anong--?!" Nanlaki ang mga mata ni Death nang biglang hinablot mula sa kanyang likuran ang kanyang scythe.

"At dahil selfish ako, akin na lang 'to ha?"

He spun around and glared at Chandresh who held his weapon. Naikuyom ni Death ang kanyang mga kamao. 'He tricked me!'

Pang-asar na ngumisi ang kasalanan. "Kahit naman gustong-gusto na akong ilibing nang buhay ng mga kapatid ko, I won't give them the satisfaction of getting rid of me. Hahaha!"

Death remained silent. Kung gumamit ng teleportation spell si Adoration, he would've predicted it. Mabilis niyang binalingan ang sahig na napupuno ng mga basag na piraso ng salamin. 'So, he can travel through mirrors? Bullshit.' Pagak na natawa ang kamatayan. His aura grew darker as the mirrors flew away from him. Shards of glass suspended in the air---before turning into dust.

"MALI KA NG KINAKALABAN!"

Umatake si Death sa kasalanan. Nagkabitak-bitak ang sahig sa ilalim ng mga paa ni Adoration. Sinubukan niyang agawin ang kanyang scythe nang bigla itong umilag. The sin used the weapon and slashed it at him. Pero sa kasamaang-palad, nasangga ito ni Death nang walang kahirap-hirap.

"GAAAAAAH! FUCK!"

He twisted Chandresh's arm until he successfully pried it away from him. Sinipa niya ang binata na naging dahilan upang tumagos ito sa ilang pader ng pabrika. Death dusted his armor and smirked.

"Let's go back, Osseus."

Sinubukan niyang tawagin ang kabayo, pero hindi ito lumapit. Nang lingunin ni Death ang direksyon ni Osseus, mahina siyang napamura nang makitang nakalingkis na rito ang ilang kadena. And it wasn't any ordinary chains.

"Leaving too soon, Death?"

This is bad..

The skeleton horse tried to break free from the chains, but Greed and Envy held him down. Nagpupumiglas ang kabayo at pilit kumakawala sa mga kadenang likha sa mahika. Sa harapan ng kambal, kalmadong nakatayo ang panganay. An arrogant look on his face.

"Habang abala ka kanina sa pakikipag-usap kay Adoration, I had the twins bind your horse. You let your guard down, Death.." Pride adjusted his eyeglasses and continued, "Now that you don't have your horse, what are you going to do now?"

Pero imbes na matakot, ngumisi lamang ang horseman. Bakas ang nagbabadyang panganib sa kanyang mga mata.

"You leave me with no choice.."

Huminga nang malalim ang lalaki at sinimulan nang bumulong ng incantation. Nabuo ang isang pentagram sa kanyang paanan, a pale light emerged from under his feet. Naramdaman nina Pride ang kapangyarihang dumadaloy sa horseman.

'Shit.'

Sa isang iglap, lalong nagwala si Osseus. Binalutan ng liwanag ang kabayo habang na para bang sinasapian ito. Lalo itong naging agresibo sa puntong hindi na ito makontrol ng kambal.

"Damn it! What's happening?!" Envy's eyes widened when the horse' bones started cracking..

Sa isang iglap, naibalibag papalayo si Greed. Dumaing sa sakit ang kasalanan. Ngunit nang makita niya ang halimaw sa kanilang harapan, Greed almost regretted letting go of those chains. "N-NO!"

The monster was made out of bones. It was twice the side of Death's horse.  Mabilis na inatake ng halimaw sina Envy. Its sharp talons grazed his skin, making it bleed. Droplets of blood stained the floor.

"B-Bullshit.. PRIDE, LOOK OUT!"

Sinubukan nitong saksakin si Pride, ngunit mabilis na nakailag ang panganay. He cursed under his breath and summoned flames. Nilamon ng apoy ang pabrika habang kalmadong pinagmamasdan ni Pride ang reaksyon ng horseman.

Napailing na lang si Death. "Playing with fire? Tsk. How pityful! Hindi kayo karapat-dapat makalaban ng Horsemen." Humawi ang apoy sa paglakad ng kamatayan. His eyes shone wild with the need to kill.

Iniangat ni Death ang kanyang scythe at akmang aatakihin na sana ang panganay nang mapansin niyang nag-iba ang hulma nito. Kumunot ang noo ng horseman nang biglang naglaho ang kanyang armas.

"M-My scythe?!"

Pride smirked.

"Tell Lucifer that we're ready for the war. Magiging handa ang deadly sins sa anumang patibong na nakahanda sa amin." Kinuha ni Pride ang totoong scythe mula sa nagliliyab na apoy. Kuminang sa liwanag ang patalim nito. Death could see his reflection as he realized what happened.

'It was an illusion.. ang hawak na scythe kanina ni Adoration ay isang ilusyon.'

Pero dahil mataas ang antas ng ilusyong ito, hindi namalayan ni Death na peke na pala ang hawak niya. Tumalim ang kanyang mga mata kay Pride. Mukhang tama nga ang impormasyong nakuha nila.. the eldest sin was an expert illusionist.

He fooled him!

'Mukhang mahihirapan akong bawiin ang scythe.. Damn it.'

Napasimangot si Death. Mukhang hindi umaayon sa kanya ang sitwasyon. Pinagmasdan niyang muli ang mga kasalanan. It looks like they planned to disarm them. Kailangan niya itong ipaalam sa hari..

"Babawiin ko ang scythe ko sa pagsapit ng ikatlong babala. Until then, I expect you to take good care of it, Pride.."

Bumalik sa dati nitong anyo si Osseus. Binalot ng itim na usok ang paligid kasabay ng pagsakay ni Death sa kanyang kabayo. The pale horseman smirked and vanished into the dark forest..

*

Snow White felt her blood run cold.  Matapos niyang mag-almusal, iniwan siya ni Pestilence sa sala. The horseman promised to come back, and since she had nothing else to do (dahil hindi naman siya makakapaglakad nang maayos), Snow sat down cradling her baby. Hindi na niya namalayan kung ilang oras na ang lumipas. Sa kalagitnaan ng kanyang pag-iisip, bigla na lang bumukas ang pinto sa kabilang dulo ng hallway. Sumunod rito ang yabag ng mga paa sa madilim na pasilyo.

"Sir Pestilence?"

But instead of the white knight, Snow White's eyes widened when she saw the pale rider standing in front of her. Kinilabutan si Snow nang makita ang mga mata ni Death. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, para bang gusto niyang lumayo sa nilalang na ito. She remembers the curse he put on Sloth.. Napalunok ang dalaga.

Mukhang namang hindi nagulat si Death nang makita siya.

"Ang pusong nalilito sa papanigan ay hindi makakaligtas sa papalapit na digmaan, binibini."

Nagpakurap-kurap si Snow.

His eyes held secrets that piqued her curiosity. Huminga nang malalim ang dalaga. Before he could walk away, she called him, "Wala na bang ibang paraan para matanggal ang sumpa mo kay Sloth? Please.. h-he doesn't deserve to die. Ako na lang ang patayin mo."

Kapag hindi nila natalo si Lucifer sa gabi ng Sinner's Moon, Death will take his soul and offer his body to the king. Kapag nagkataon, lalong magkakagulo ang buong Underworld at hindi na nila mapipigilan ang Imbalance. Maaaring hindi na nga konektado si Snow sa mga kasalanan, pero hindi ibig sabihin nito ay papabayaan na niyang mapahamak ang magkakapatid.

Death stopped in his tracks but didn't even look at her.

"The deal is between the sin of laziness and me. Hindi ka dapat nakikialam, Snow White. Iyan ang rason kung bakit ka laging napapahamak. Tama ba ako?"

She frowned. Mukhang wala talagang planong makipag-usap nang matino ang isang ito. Bago pa man tuluyang makaalis si Death, bahagya itong bumulong sa hangin. It was barely audible, but Snow White still heard it.

"Mukhang hindi mo pa natutuklasan ang regalong iniwan sa'yo ng clockmaker. Shame."

Regalo?

Lumipas ang ilang minutong pinagninilayan ni Snow ang sinabi niyang 'yon. Sa hindi malamang dahilan, bigla siyang kinabahan. Naaalala na naman niya ang huling pagtatagpo nila ni Mr. Boswell. 'He made me the heiress of time.. but what does that even mean?' Siya ang inatasan nitong mangalaga sa naiwan niyang mga orasan.. pero nang balikan niya ang Clockworks, all the clocks were missing...except for one. Binalingan ni Snow ang Clockwork baby sa kanyang tabi. Tinitigan niya itong maigi.

Was it just a coincidence that she found him?

Probably not.

All this time, Snow White had been desprately thinking of a way to save the sins.. pero ni hindi niya naalala ang maliit na detalyeng ito. At sa daloy ng kanyang istorya, ang maliliit na detalye mismo ang nakakapagligtas sa kanila. Mukhang oras na para paglaanan ni Snow ng atensyon ang "pamanang" iniwan sa kanya ni Boswell.

Because whether she's the sins' slave or not, Snow White is not giving up.

"Mukhang malalim ang iniisip mo. I'd like to assume that you're thinking about me, but I know it's impossible, my queen."

Napabalik siya sa kasalukuyan nang may inilapag si Pestilence sa kanyang harapan. Tinitigan niya ang saklay na may pricetag pa galing sa Tartarus market. Did he really buy these for her? Napangiti si Snow.

"Babayaran na lang kita."

Napailing ang horseman. "Just stay alive and find happiness. That's enough payment for me."

"Too bad. Mahihirapan akong gawing 'yon."

"Ang alin? Ang mabuhay o maging masaya?"

"Pareho."

Napasimangot si Pestilence. Mukhang hindi nito gusto ang ideyang mamamatay si Snow. Mukhang anumang oras ay magta-tantrums na ang binata kapag binanggit niya pa ulit ang pagpapakamatay. She finds it charming and adorable---well, for a horseman. May kirot pa rin sa kanyang dibdib tuwing naaalala niya ang malamig na ekspresyon ni Pride, but Snow couldn't deny the fact that her heart still aches for that prideful bastard. Napabuntong-hininga si Snow.

She needs to focus. Damn it!

"Kilala mo ba si Jeremy Hans Boswell?"

Ngumiti si Pestilence. He adjusted his crown ontop of his bleached blonde hair and sat beside her, "He made you his heiress of time, didn't he?"

Napanganga si Snow sa sinabi nito.

"P-Paano mo alam?"

"Marami akong alam tungkol sa'yo. I honestly think I know you better than you know yourself, my queen."

Shit.

Natigilan ang dalaga. Ano bang iniisip niya? She can't trust him. Pestilence is still an enemy.. Oo, siguro nga hanggang ngayon ay may trust issues pa rin si Snow, pero hindi na niya ito maaalis. Sa dinami-rami ng kasinungalingang dumaan sa buhay niya, she learned to keep her guard up---all the time, no matter who she encounters.

"My queen?"

But a part of her really wants to trust those ash gray eyes. So badly.

Ilang sandali pa, si Pestilence na ang bumasag sa katahimikan..

"Pinaplano mong tulungan ang Seven Deadly Sins para matalo kami at mapatay niyo si Lucifer, hindi ba?"

Shit.

Nag-iwas ng tingin si Snow. Baka mapalayas siya nang 'di oras sa hideout ng Four Horseman of the Apocalypse. She has nowhere to go..

"What are you talking about? Wala na akong pakialam sa deadly sins."

"You still bite your lower lip when you lie." Mahinang natawa si Pestilence, "that's how people know you're lying, my queen. Matagal mo nang mannerism 'yan, mula pa noong..."

"Noong?"

He cleared his throat, "N-Nevermind."

Hindi na muling nagtanong si Snow. Napabuntong-hininga siya't kinuha ang saklay na nakapatong sa coffee table. Nakakapanibago mang gumamit nito, but she can manage. Nagsimula na siyang maglakad-lakad papalibot sa sala. Nararamdaman niyang nakamasid pa rin sa kanya si Pestilence habang tinititigan niya ang mga lumang display.

While studying the paintings, Snow White couldn't help but confirm something. "Bakit mo ba ako sinusundan?"

"Don't flatter yourself, my queen. Maganda ka, pero hindi naman palaging sa'yo umiikot ang existence ko." He joked.

Pero seryoso pa rin si Snow. Walang-emosyon niyang nilingon ang horseman. "Alam kong galing sa'yo ang pulang laso.. you stole it from my room while I was sleeping, which implies that either you broke into my room while I was doing my chores or you've been watching me while I sleep. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mabahala sa katotohanang ito, Sir Pestilence."

Ash gray eyes never left her.

"Good observation."

"Bakit?"

Huminga siya nang malalim, "You can consider it a mannerism of mine. May ilang pagkakataong pakiramdam ko ay kailangan kitang bantayan.. I'm protective of you, but you don't have to be terrified. I won't hurt you, my queen. I can't."

Naramdaman ni Snow ang pamilyar na sensasyon sa puso niya. Kumunot ang kanyang noo. She stared at him intently, as if deciphering him.

"Sino ka ba talaga?"

Isang tipid na ngiti lang ang iginawad sa kanya ni Pestilence.

"Some secrets should never be revealed, my queen. It's best for you to not know."

Hindi na umimik si Snow. Binalingan na lang niya ang iba pang dekorasyong nakapatong sa may fireplace. Napupuno ng alikabok ang ilan sa mga ito. It's like a collection of objects from the mortal world---old bibles, a telephone, papyrus scrolls, and other objects Snow was sure she had only seen before in books.

Narinig niya ang boses ni Pestilence sa kanyang likuran.

"Ang ipinagtataka ko ay bakit nandito ka pa rin? I left the door unlocked earlier, para hindi ka mahirapang tumakas kung sakali.. I was honestly expecting you'd be gone when I return."

Snow White smiled. 'Why the heck is he like this?' Nang hindi lumilingon, mahinang sumagot si Snow. "Paano ako tatakas kung hindi ako makalakad kanina?"

Soon, she can feel his presence behind her. Bumilis ang tibok ng puso ni Snow. Napalunok siya nang magsalita ulit ang horseman..

"Ngayong nakakalakad ka na nang maayos, binibigyan kita ng permisong tumakas dito, Snow White. I will not stop you if you want to run away from me.. I will not stop you if you want to leave and run back into his arms.."

His arms.

Napapikit si Snow. Pride's face suddenly flashed before her eyes. Huminga siya nang malalim at hinarap si Pestilence.

The pain in his eyes is unmistakable.

Pinilit niyang ngumiti. "I have nowhere to go, Sir Pestilence. Ano pang saysay kung babalik ako sa mansyon nila?"

"Pero gusto mong bumalik."

Hindi na alam ni Snow kung ano ang dapat niyang isagot. Matagal siyang tinitigan ni Pestilence na para bang binabasa nito ang kanyang iniisip.. Snow White knows that she should probably he terrified now that she's standing in the presence of a deadly horseman, but she doesn't even feel threatened.

"I should be abandoning you," panimula ng binata, "I actually kick you out of our hideout or kill you. Alam kong tatraydorin mo kami, at alam kong dapat na kitang palayasin dito---"

"H-Hindi ko--"

"---but I won't."

Natigilan si Snow.

Inis na napabuntong-hininga si Pestilence. "Tutulungan kitang tuklasin ang abilidad na ipinamana sa'yo ng clockmaker. This will help you during the war, and it will help you understand the situation better, my queen. I will help you defeat Lucifer."

Nanlaki ang mga mata ni Snow White. Para siyang nabingi sa sinabi nito. "T-Tutulungan mo ako?"

"Yes."

"Damn it, Pestilence! I'll just betray you! I'm your enemy. Katulad ng sinabi mo, nasa deadly sins pa rin ang katapatan ko! K-Kaya bakit mo ito gagawin?"

"Whether I help you or not, you're going to do something reckless again. Posible mong ikapahamak ang mga gagawin mo, at hindi ko pwede hayaang mangyari ulit 'yon. I can't fucking let you die.." Sumeryoso ang mga mata ng horseman, "I want you to survive the war, my queen. I want you to live... that's why I'm willing to sacrifice myself to help you."

Matagal na hindi nakaimik si Snow. Hinahanap niya ang anumang indikasyong nagsisinungaling si Pestilence, pero puno ng sinseridad ang kanyang mga mata. Her gut is telling her to trust the man standing in front of her, but her mind keeps reminding her he's the enemy. 'Pero sa kalagayan ko ngayon, wala na akong ibang pwedeng asahan..' huminga nang malalim si Snow.

She needs to understand her powers as Boswell's heiress and Pestilence is offering his help.

Sana lang ay tama ang isusugal niyang ito..

"Okay." Bahagyang lumayo si Snow sa horseman, "pero paano mo naman ako tutulungang alamin ang iniwang pamana sa'kin ni Boswell? He never left any clues."

With that, Pestilence smirked.

"Actually, he's been guiding you eversince."

"A-Ano?"

Bahagyang nilingon ng binata ang natutulog na clockwork baby. At nang mga sandaling iyon, biglang lumabas ang isang puting anino sa sanggol. The white shadow filled the air and took the form of Mr. Jeremy Hans Boswell, the greatest clockmaker in Eastwood. Ngumisi si Mr. Boswell at pasimpleng sumandal sa sopa habang nakatitig sa dalaga.

"Long time no see, my little Snow."

*

Huminto ang isang karwahe sa tapat ng abandonadong daan sa pinakadulong bahagi ng Taratarus. The elegant black carriage looked normal, aside from the golden markings carved on its sides. Walang ibang nilalang sa paligid at nakamamatay ang katahimikang namamayani sa lugar. Muli na namang nagbabadya ang masamang panahon sa Underworld kasabay ng pagiging abo ng lupain.

Death knelt down on his knees and greeted the King of Hell himself.

Natatakpan ng makakapal na kurtina ang karwahe kaya't hindi niya maaninag ang pigura nito. But he can feel the tremendous power radiating off him.

"King Lucifer, it seems that the sins are planning to disarm us. Kanina lang ay nagawa nilang kunin ang scythe ko." Inis na naikuyom ni Death ang kanyang mga kamao. Agad niyang pinakalma ang kanyang sarili sa presensiya ng hari, "They used their illusions and ability to pass through mirrors. Pinaghahandaan nila ang papalapit na digmaan laban sa atin at sa pakiwari ko'y, pipigilan ka nilang kunin ang katawan ni Sloth sa gabi ng Sinner's Moon. Should we teach them a lesson?"

"I have expected this from them. Foolish sins! Deliver the third warning three days from now."

Nandinig ang balahibo ng horseman sa boses ng hari. Kapansin-pansin na maging ang messenger nito ay napaatras dala ng takot. Binalot ng tensyon ang paligid..

Agad na yumukod si Death, "Masusunod po, Kamahalan."

After that, he heard the carriage being transported away. Huminga nang malalim si Death at binalingan ang kabayong nakatitig pa rin sa karwahe ng hari ng impyerno.

Ramdam ng horseman na may mas malaki pang plano ang hari. Isang planong ni hindi alam ng kanyang mga horsemen.

"Mas mapanganib ang kasamaang hindi nakikita."

---

Two words there are, both short, of beauty rare,
Whose sounds our lips so often love to frame,
But which with clearness never can proclaim
The things whose own peculiar stamp they bear.
'Tis well in days of age and youth so fair,
One on the other boldly to inflame;
And if those words together link'd we name,
A blissful rapture we discover there.

---"Charade", Johann Wolfgang Goethe

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top