QOS: NOVEM
This chapter is dedicated to Ms. @Angelina Mendoza.
---
Nanlaki ang mga mata ni Snow sa narinig. Biglang lumuwag ang hawak niya sa quill at bahagyang naibaba na niya ito mula sa pagkakatutok sa leeg niya. Her attention was turned to the sin who spoke. The sin who volunteered to die and leave them behind in order to restore the balance of the Underworld.
Hindi siya mapaniwala.
'Sa lahat ng kasalanan...bakit siya?'
"S-Sloth... You must be fucking kidding me!"
But the look on his kind face told her that he's serious about it. Maging ang iba pa nitong mga kapatid, napatahimik. Ngumiti nang malungkot si Sloth at napabuntong-hininga. "I.. I have my personal reasons, angel. Ang mahalaga naman, nakahanda na ang lahat. Monique's spirit will guard the Library of Lost Souls when I vanish. Snow White, I'll leave the Music Chamber to you---"
"No."
Kumunot ang noo ng prinsipe ng katamaran sa sinabi ng dalaga. Snow White glared at him. Pain in her eyes. Hindi ba niya nakikitang hindi siya sang-ayon sa desisyon niyang 'to?! Bullshit! They really are crazy!
'But I'm crazier.'
"Sloth, the Music Chamber will be empty without you. Ano ba kasing pumasok sa isip mo't nag-volunteer kang mamatay?!" Nanginginig na sa emosyon ang mga kamay ni Snow. Sinubukang agawin ni Envy ang matalim na quill na halos tumusok na sa kanyang balat, pero hindi ito binitiwan ni Snow. "Kaya pa nating maghanap ng ibang paraan! T-There must be another way to restore the balance!"
Desparation sparked within her.
'Bakit ba ang dali sa kanilang tanggapin ang kamatayan?!'
Nakakatawang isipin. Ang walong magkakapatid na ito ang nagbibigay sa kanya ng rason para pahalagahan ang buhay. Pero huli, mukhang sila rin ang walang pakialam kung may mawala sa mansyong ito. Oh, the irony.
Inis na huminga nang malalim si Pride.
"Maupo ka na, princess."
Snow White glared at him. Wala siyang panahon sa pagiging bossy ng isang 'to. She has no fucking time to deal with his bullshit. "No. Not unless you tell me what else we can do!"
"I already told you, we have no other option."
"Then let's just fight Lucifer and his Horsemen! Pumayag tayo sa digmaang binabanta sa'tin ng hari ng impyerno! Tutal naman---!"
Pride adjusted his eyeglasses. Mukhang hindi na ito natutuwa sa kakulitan ni Snow. "Snow, this is MY mansion. My mansion, my fucking rules! I'm in charge, so do NOT fucking tell me what to do, and what not to do. Understood?" Kalmado ngunit may halong pagbabanta sa boses ng panganay.
Lalong namuo ang tensyon sa loob ng silid nang hindi nagsalita si Snow. Matapang niyang sinalubong ang mga mata ng kasalanan.
"Technically, it's not your mansion, Pride. Kung hindi mo pa napapansin, hindi lang ikaw ang nakatira rito. Do you fucking hear me?! Hindi ikaw ang palaging magdedesisyon para sa mga kapatid mo!"
Kapansin-pansin ang pag-aalala sa eskpresyon ng iba pang kasalanan. Kilala nila ang nakatatanda nilang kapatid. Kilalang-kilala. Among them, Lust sighed and closed his porn magazine, 'Wrong move, baby. Tapakan mo na ang lahat, 'wag lang ang ego ng siraulong 'yan. Tsk!' Sa kanyang tabi, nagkatinginan ang kambal. Both look equally bothered with the situation.
Gluttony stopped eating. Huminga naman nang malalim si Wrath at bumalik sa pagkakaupo. "Shitty lover's quarrel." Mahina niyang bulong na halatang walang-ganang makigulo. Meanwhile, Chandresh and Sloth were silently watching Pride and Snow's argument.
Naikuyom ni Snow ang kanyang kamao. 'Does he really think I'll just sit back and watch Sloth die?! Nababaliw na nga sila!' Inis na pinunit ni Snow ang kontrata sa harapan ni Pride. "Alam kong ayaw niyo ring may mawala sa inyo. You're just scared to admit it, Pride. Naduduwag lang kayong kalabanin ang Horsemen of the Apocalypse... tama ba ako?"
Dumilim ang ekspresyon ng binata.
A chill ran up her spine when Pride spoke, "Stop being an idiot. You really don't understand how much is at stake, do you?"
Napalunok si Snow. Nagulat na lang siya nang biglang magliyab ang quill sa kamay niya. She backed away in alarm and watched the flames engulf the poor quill. Pinanood niya itong maging abo hanggang sa matapakan na ito ni Pride.
Pride walked towards her.
At sa bawat paghakbang ng demonyo, nagbago ang imaheng nakikita niya sa paligid.
Flames circled them as a war sparked chaos.
Napuno ng sigawan ang paligid. Kitang-kita ni Snow ang ilang anino ng mga taong unti-unting ninanakawan ng buhay. Ang ilan sa kanila ay buto't balat na habang ang iba naman ay lubhang bumilis ang pagtanda. Nanindig ang balahibo ni Snow nang mapansin ang sunod-sunod na pagbagsak ng mga mortal na ito. Humans dropped dead as if Death himself stole their souls.
"A-Anong nangyayari?"
"This is what happens when we go against the Four Horsemen of the Apocalypse, princess.. People are gonna die. Eastwood will suffer from its consequences. Isa-isa silang babawian ng buhay at walang-awang papatayin... Iyon ba ang gusto mo?"
Pinilit ni Snow na pakalmahin ang kanyang sarili. 'Pride is just messing with my head... This isn't real.'
"This won't happen! Mananalo tayo sa digmaan. Y-You won't let this happen.."
"What makes you think I can't? Wala akong pakialam sa mga mortal, princess. Pero dahil madadamay ang trabaho namin, it's best to just sacrifice one sin for the sake of everyone..." Malamig na sabi ni Pride at inayos ang salamin sa mata, "Mas malaking gulo kung kakalabanin namin sila, Snow. We can't win against the Horsemen."
Bullshit.
Kaya ba hahayaan na lang nilang mamatay si Sloth? How the heck could Pride be so heartless?!
At sa kauna-unahang pagkakataon mula nang pumasok siya sa mansion, Snow White is doubting Pride's decisions. He's the logical one, but is logic enough to save his brother?
'No. It damn can't.'
Hindi pa rin nagpapatinag si Snow. Hindi siya titiklop sa pagmamanipula ni Pride. She glared at him, "Hindi sa lahat ng pagkakataon, mapapasunod mo ako, Pride. Yes, I have fucking sold my soul to the Seven Sins, but you are still not the boss of me! Kung wala kang pakialam sa buhay ng kapatid mo, pwes, ako meron!"
Naglaho ang ilusyon.
Nanatiling nakatitig si Pride sa dalaga. Nakasimangot pa rin ito't mukhang nagtitimpi na lang kay Snow. Bago pa man makaisip ng paraan ang dalaga para matakasan ang kaparusahang paniguradong ipapataw sa kanya ng kasalanan dahil sa katigasan ng ulo niya, she felt a hand grab her arm.
"I'll talk some sense into her, brother. Continue the meeting without us." Envy said.
Nagulat si Snow nang halos kaladkarin na siya nito papalabas ng silid. "What?! N-No! Envy, bitiwan mo 'ko!" Pero sadyang mas malakas ang binata kaysa sa kanya. She was swiftly dragged outside the ancient room.
Nang makalabas sila sa makalumang pinto, narating na nila ang Victorian-styled hallway ng mansyon. Mukhang ang mahikang ginamit nila ay para lang sa loob ng Conference Room. Gone were the torches and medieval-themed round table.
Galit niyang binawi kay Envy ang kanyang braso. "What the heck? Babalik ako sa loob!"
Pero nakakadalawang hakbang pa lang si Snow, tumama na agad siya sa isang invisible barrier. "Aray!" Mahina siyang napadaing sa sakit. It was keeping her from returning to the Conference Room.
Envy smirked.
"Can't do that, Chione. Kung hindi kita ilalayo kay Pride, baka masibak ka na sa pagiging maid slash bride namin. That would be quite disappointing, wouldn't it?"
'Nasisiraan na nga ng bait ang mga lalaking ito!'
"Envy, Sloth is gonna die! 'Wag mo sabihin sa'king wala ka ring pakialam kung may mamatay sa inyo?" Pinaningkitan ni Snow ng mata ang kasalanan. Sa kanilang lahat, si Envy ang pinakaunang nakipag-kaibigan sa kanya. He's the friendliest one of all with mischievous personality up his sleeves. Nagtaas ng mga kamay si Envy bilang depense. "Chill. Hahaha! Syempre naman may pakialam ako."
"Pero?"
Napabuntong-hininga si Envy. He suddenly looked defeated, "Pero hindi natin dapat pinapangunahan ang mga desisyon ni Pride. Sa ilang siglo na naming kasama ang hudas na 'yan, natutunan naming magtiwala sa kanya. May rason kung bakit siya ang panganay sa'min at kung bakit siya ang head ng mansyong ito, Chione."
"Aside from being an ego-loving manipulative bastard?"
Envy nodded, "Unfortunately, yes."
Pero mahirap pa ring paniwalaan ang mga sinasabi ni Envy. Snow White stared back at the door of the Conference Room. Hindi siya mapakali ngayong may posibilidad na mamatay si Sloth. Sa oras na pirmahan na ito ang kontrata, huli na ang lahat. Maglalaho nang tuluyan ang demonyong mahilig matulog at magpatugtog ng musika.
The musician will die, leaving his piano behind..
An empty music chamber.
That thought alone terrified Snow White. "A-Ano ba kasi ang trip ng isang 'yon at gusto niyang magpakamatay?!" Nanginginig pa rin ang mga kamao niya. Hindi na umimik pa si Envy.
Ilang sandali pa, bigla na lang natigilan ang binata nang may mapansin sa likod ng isang vase. Agad niya itong pinuntahan at kinuha. Nagtatakang sinilip ni Snow ang hawak ng kasama. She furrowed her eyebrows. "Isang ahas?"
It was a green snake.
It's emerald skin glinted off the light coming from the chandelier while its beady black eye stared at Snow in curiosity. Napasimangot ang dalaga nang akmang tutuklawin sana siya nito.
Natawa si Envy. "Hindi ka ba takot matuklaw? Vixen's poison killed a dinosaur before. Kaya nga na-extinct na ang mga T-rex sa mundo ninyo eh."
"I'm not even afraid of death. Bakit naman ako matatakot sa tuklaw ng ahas?"
"Point taken," huminga nang malalim si Envy at pinagmasdan ang ahas. Pumulupot si Vixen sa leeg ng binata at unti-unti siyang sinakal. The snake hissed at him. Magsasalita pa sana ang kasalanan nang mapansin niyang hindi mapakali si Snow. Nanlaki ang mga mata ni Envy nang kunin pa nito ang malaking vase at akmang ihahampas sana sa invisible barrier na nilikha niya.
"Shit! Chione, are you out of your mind?!"
Kinuha niya ang plurera at mabilis na ibinalik sa lagayan. Snow White rolled her eyes at him. "We have to stop Sloth from signing that contract!"
Napakamot na lang ng ulo si Envy. 'Chione could really be a bit too stubborn sometimes---it's attractive and irritating. Hindi na talaga nakakapagtakang nauubos na rin ang pasensiya ni Pride sa kanya.' Pinagmasdan ni Envy ang pag-upo ni Snow sa gilid ng hallway. She looked lost and hopeless.
Snow White wanted to save him.. to save Sloth.
Pero anong magagawa niya ngayon?
Kailangan niyang kausapin si Monique. Kailangan niyang---
Knock! Knock! Knock!
Natigilan sina Snow at Envy nang sumingit sa pagitan nila si Mr. Bones at kumatok sa pinto. Mukhang kay Snow lang talaga tumatalab ang barrier na nilikha ng binata. 'Nakabalik na pala siya! Bakit parang ang bilis?' Meanwhile, Snow White spotted a letter in his hands.
Bumilis ang pintig ng puso niya nang malaalala ang kalokohang ginawa kaninang madaling-araw.
May ipinadalang sulat si Snow kay Mr. Bones, saying it was from Pride.
Oops.
'Please don't let me get caught.' Tahimik at kinakabahang pinagmasdan ni Snow ang pagbubukas ng pinto. Nang lumabas si Pride para kausapin si Mr. Bones, agad na nag-iwas ng tingin si Snow. Kapag nalaman talaga ng panganay ang ginawang paglilinlang ni Snow gamit ang pangalan niya, she's dead. Literally.
Kumunot ang noo ni Pride sa ginawang pang-aabala ni Mr. Bones sa meeting nila. "What is it?"
Walang-imik na inabot ni Mr. Bones ang isang itim na sobre. Pride nodded and grabbed the letter. Wala na siyang inaksayang oras at inis na binasa ang nilalaman nito.
Pero bigla ring naglaho ang inis na 'yon nang matapos niyang basahin ang nilalaman nito.
Pride blinked and sighed. Tumango siya kay Mr. Bones, "Prepare the carriage. We leave in fifteen minutes."
Mr. Bones bowed and walked away.
"Fifteen minutes? Anong meron, Pride?" Tanong ni Envy na nagtataka rin sa nabasa ng kapatid.
Napabuntong-hininga ang panganay. "Unfortunately, we have to postpone our business. We're all invited to have breakfast at Tartarus."
Napanganga si Envy. Mula sa loob ng silid, biglang sumilip si Gluttony na halatang excited sa narinig.
"Did you say breakfast?! Ano pang ginagawa natin dito?! TARA NA, ALIS NA TAYO!"
Napasapo na lang si Pride ng noo niya nang isa-isa nang naki-tsismis ang iba pa niyang mga kapatid.
"Tartarus? Baka habulin na naman ako ng mga ex ko doon. Hahaha!"
"What the fuck?" Wrath mumbled, unamused. "Sino namang ang gagong mag-iimbita sa'tin nang ganito kaaga? Tsk."
"Well, we'll be at the casino if you need us." Masayang sabi ni Greed at nakipag-highfive pa sa kakambal. Mukhang may pinaplano na naman silang kalokohan.
Nanahimik naman si Sloth. Mukhang malalim ang iniisip. Snow White frowned at him. She needs to talk to him later.. Chandresh threw a suspicious look at the letter. "Sinong nag-imbita?"
Pride adjusted his eyeglass and sighed.
"Si Hades."
---
Pause, in the lane, returning home;
'Tis dusk, it will be still:
Pause near the elm, a sacred gloom
Its breezeless boughs will fill.
Look at that soft and golden light,
High in the unclouded sky;
Watch the last bird's belated flight,
As it flits silent by.
---"Stanzas", Charlotte Bronte
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top