QOS: DUODEQUINQUAGINTA
Lucifer watched them from the castle.
A pair of black beady eyes that harbored no soul witnessed the war below the labyrinth. Sa madilim na kalangitan, nakaantabay pa rin ang buwang tuluyan nang nilamon ng mga anino. The stars were like specks of light, holes punctured on a black cloth. It made no difference..
Anupaman ang inihanda ni Pride, hindi pa rin siya matatalo nito.
'Kamatayan ang naghihintay sa sinumang lalapastangan sa hari ng impyerno.'
Napabuntong-hininga ang hari at sandaling binalingan ang dalagang nakatali sa kanyang likuran. Kanina pa natuyo ang mga luha ng babae at sumuko na sa pagpupumiglas.
"Tonight, on the night of the Sinner's Moon, I shall reveal myself."
Soon.
Very soon.
*
Pride saw the confusion in Snow's eyes. 'She looks adorable when she's confused,' a voice inside his head whispered. Marahang napailing ang binata at isinantabi na muna ang pangungulila sa kanilang dating katulong. He tore his eyes away from her lips and cleared his throat.
Huminga nang malalim si Pride at inayos ang kanyang salamin sa mata, "I have already planned everything, princess. Every single decision I made in the past is all part of the grand finale."
It was hard, but it was all necessary.
"Grand finale?"
Bago pa man makapagtanong pa si Snow, sumulpot na lang bigla si Wrath sa kanilang gilid. "Can I keep this after the war? It'd be waste if I don't display this baby in my Torture Room.." Ngumisi ang kasalanan at iniabot kay Pride ang scythe na ninakaw nila noon kay Death.
'Kahit kailan talaga sakit ng ulo ang mga 'to!' Napasimangot si Pride, "Fine. Pero siguraduhin mo lang na hindi masisira ang mansyon ko sa oras na bawiin ito ni Death."
Pagak na natawa si Wrath, "Can't promise anything! Hahahaha!" Bumaling ito kay Snow at hinalikan siya sa pisngi.
"About time you fucking showed up, babe! Kanina ka pa namin hinihintay." Kumindat ang prinsipe ng galit sa dalaga. The other sins gave her their attention. In fact, Lust even sent her a flying kiss while fighting off War!
"BABY, ANG SEXY MO!"
Namula si Snow dala ng kahihiyan.
'The fuck?' Pride almost wanted to murder his own brothers. Pinakalma ng panganay ang kanyang sarili at itinuon ang atensyon sa digmaang nagaganap. May kinuhang pito si Pride mula sa bulsa ng kanyang tuxedo.
The high-pitched sound broke the noise and caught everyone off guard.
Sandaling katahimikan ang namayani sa paligid.
"Can I borrow your pocket watch for a sec, princess?"
Kalmadong hiniram ni Pride ang pocket watch ni Snow at tinitigan ito. Nagtataka man, wala nang nagawa ang dalaga kundi ipahiram ito. The sin had a smug look on his face as he counted the seconds..
"Three."
"Two."
"ARF! ARF!"
Yumanig ang lupain ng labyrinth kasabay ng pag-alingawngaw ng tahol ng higanteng aso. "CERBY!" Snow White stared in surprise as Cerberus came running towards them. The three-headed dog stood beside Wrath and lowered itself. Umilag pa sina Greed at Envy nang magpakawala ng fireballs ang isang ulo ng dating tagapagbantay ng lagusan ng impyerno. Bumaba mula sa likuran nito ang mangkukulam na iritadong inayos ang kanyang nagulong buhok. Morticia scoffed and glared at Wrath.
"THAT STUPID DOG OF YOURS RUINED MY HAIR!"
Wrath smirked at his hellhound, "Good boy, Cerberus! Sana 'aksidente' mo na ring sinunog ang buhok niya." Pang-aasar pa nito lalo. Napasimangot ang mangkukulam. Nagsisisi na talaga siyang ginamot niya pa ang siraulong ito! Umirap si Morticia at lumapit kay Pride. A seductive smile replaced all irritation on the witch's ruby red lips.
"Nakahanda na ang lahat, darling." Kumindat ang bruha.
Marahang tumango si Pride.
Snow White was left dumbfounded. Baka naman namamalikmata lang siya? Kunot-noo niyang tinitigan ang panganay. Naghihinala na siya sa mga pangyayari. With Pride, everything is always unexpected.
"What the heck is she doing here?"
Pride knew Snow needs an explanation.
"Morticia is here to help us, princess. Bago pa man tayo pumunta sa kanya para hingin ang kanyang tulong sa pagpapagamot kay Wrath, nakausap ko na si Morticia. Sinadya niyang tanggihan ang paghingi mo ng tulong noon dahil ako mismo ang nagbilin nito sa kanya. We kept our transactions a secret to not raise any suspicion. Delikado na at baka matunungan ni Lucifer ang mga plano natin.. Even the sins only found out about it last night, after our Last Supper."
Naalala ni Snow White ang panahong nakikiusap siya kay Morticia para tulungan siya nito. So, all this time, the witch was already helping them out?
"T- Teka, kung tinutulungan mo na kami noon pa, para saan naman 'yong bote ng tubig mula sa Fountain of Youth?"
Morticia flipped her hair and smiled, "Remember when I told you that someone instructed me to get it? Si Pride ang nagpakuha 'non. Natuklasan naming maaaring gamitin ang kapangyarihan ng Fountain of Youth para paghilumin ang sugat na matatamo nila galing sa mga sandata ng horsemen."
Ibinalik ni Snow White ang kanyang atensyon sa digmaang nagaganap. Napansin niyang naghilom agad ang mga sugat na natamo ng kambal habang nakikipaglaban kay War. The cuts made by the Sword of Sorrows vanished. Mukhang napansin rin ito ng horseman at bahagyang napaatras.
Pride had a satisfied look on his face.
"Pero paano niyo naman nainom ang tubig mula sa Fountain of Youth?" Snow White asked, still not believing her eyes..
Humikab si Sloth at sumagot, "Hinalo ni Pride ang tubig na 'yon sa alak na ininom namin kagabi sa huling hapunan namin sa kastilyo ni Hades. May ginamit na spell si Morticia para manatili sa dugo namin ang healing properties ng tubig, thus making us immune to the horsemen's attacks."
Pinaulanan sila ng mga pana ni Pestilence. Nanlaki ang mga mata ni Snow nang mabilis na bumulusok sa kanila ang mga nagliliyab na pana.
"Chione, look out!"
Hinagisan siya ni Envy ng isang espada na agad rin niyang nasalo. Snow White clutched the heavy metal and blocked the fire arrows. Isa-isa niyang sinalag ang mga pana kamuntikan nang bumaon sa kanilang mga katawan. Mas naging maliksi siya dahil sa training niya sa hideout ng horsemen. All the while, Pestilence watched her with a proud expression on his face.
Pride didn't like the way he looked at her.
Inis na napabuntong-hininga si Snow. "Pride, patay na ang mga kawal ni Hades!Mas maliit na ang tyansa nating matalo ang horsemen!" Nakatitig siya mga bangkay. Kahit pa sabihin nating "immune" na ang magkakapatid sa sandata ng mga horsemen, naroon pa rin ang katotohanang nanghihina sila dahil sa kawalan ng koleksyon ng sinner's souls.
Without an army, it's hard to tilt the odds to their favor.
But the eldest sin already prepared a solution for that.
"Patience, my princess. An army is on its way."
Dalawang ang rason kung bakit niya ibinilin kay Morticia na ipahanap kay Snow White ang Fountain of Youth---una, ay para makakuha ng sample nito para inumin nila, at pangalawa, gustong kumpirmahin ng panganay ang kanyang hinala.
'At mukhang tama nga ang hinala kong si Fleur ang tagapangalaga ng Fountain of Youth sa siglong ito.'
Kaya't noong araw na 'yon, sinundan ni Pride si Snow White. He waited silently behind the bushes until Snow White emerged from the Fountain of Tears---with a bottle of the water from the Fountain of Youth in hand. Nang makumpirma ng panganay ang lokasyon ng maalamat na tubig, hinintay niyang makaalis si Snow White bago nilapitan si Fleur.
The water goddess was surprised to see the eldest sin.
"At ano naman ang kailangan mo?"
"You're the caretaker of the Fountain of Youth. Nakita kong bitbit ni Snow ang boteng 'yon. I figured that since it was full, it's safe to say that she had been successful in finding the legendary fountain."
Napahalukipkip si Fleur.
"At ano naman ngayon kung ako ang tagapangalaga nito?"
Pride adjusted his eyeglasses and elegantly sat on a rock inside her cave.
"Kailangan namin ang tulong mo, Fleur."
Napabalik sa kalukuyan si Pride nang mapansing nababasa na ang kanyang sapatos. Just in time, the goddess of the Fountain of Tears appeared and nodded at him. "Paparating na sila, Pride. Tsk! Siguraduhin mo lang na tutupad ka sa kasunduan natin." Pagtataray nito.
Lust popped out of nowhere and frowned. "Hey, brother! Paano mo naman napapayag 'yang malditang 'yan na tumulong sa'tin?"
Nagkibit-balikat si Pride na para bang hindi na mahalaga kung paano niya napapayag si Fleur. "I set you up on a date with her."
The water goddess laughed.
"Yup! Isn't it exciting, baby? Masosolo na kita. May permiso na ako ng kuya mo." Sabay kindat ni Fleur.
Napanganga si Lust.
"WHAT?! BINUBUGAW MO NA AKO NGAYON?! PRIDE NAMAN!"
"Isipin mo na lang na para ito sa kapakanan ng lahat, Lust."
"FUCK YOUUUUUUU! ANAK NG BANANA FLAVORED CONDOMS!"
Mahinang natawa ang iba pang mga kasalanan.
But Snow's attention was somewhere else. Nakatanaw lang siya sa direksyong pinanggalingan nina Cerberus kanina. Sa hindi malamang dahilan, naramdaman agad ni Snow ang kanilang presensiya. Maging ang mga horsemen ay natigilan.
Beyond the darkness, like Pride said, an army emerged.
Lumawak ang ngiti ni Haring Hades nang makita ang kanyang hukbo.
"Finally!"
A hundred paranormal creatures marched towards them, all carrying weapons and clad in armor. Nakatatak sa kanilang mga baluti ang simbolo ng kaharian ni Hades. Lahat sila ay handa nang ipanalo ang digmaan at paglingkuran ang kanilang hari.
From the corner of her eyes, Snow White noticed Death took a step back.
"I-I killed them!"
Sila ang mga sundalong pinatay noon ni Death nang inihatid nito ang third warning.
Napapailing na lang si Fleur. "Fortunately, Pride already anticipated this. Nahulaan na niyang may trahedyang mangyayari sa mga kawal ni Hades, kaya't hiningi niya ang tulong ko. Remember the two main properties of the Fountain of Youth? It can heal all wounds---"
"And resurrect the dead." Pagtatapos ni Snow White sa sinasabi ng diyosa. Gamit ang kapangyarihan ng tubig, nagawang buhayin ni Fleur ang namatay na mga sundalo.
Fleur smirked at her. "Glad to see you in one piece, Snow."
Tumango na lang si Snow. She's still damn speechless!
Pero ilang sandali pa, umalingawngaw naman ang malakas na pagtawa ni War. Napalingon sa kanya ang mga kasalanan. The red rider laughed demonically and rode on his crimson horse. Itinuro niya ang hukbo ni Hades gamit ang Sword of Sorrows. "You think a fucking army like that can defeat us? You've gotta be kidding me! HAHAHAHA!"
Tumalim ang mga mata ni Wrath sa lalaking lumikha sa kanya. Snow White held his arm, at sinubukan niyang pakalmahin ang kasalanan.
"Don't be reckless, Wrath. Hindi ka katulad niya..."
Wrath's wild eyes turned to her. Immediately, they softened. "Fine. But I'm still gotta fucking kill him."
"Did we miss anything?"
Napalingon sina Snow sa bagong boses. And just like that, a smile crept unto her lips upon seeing the pale ghost of the girl. "MONIQUE!"
At hindi lang si Monique ang narito ngayon..
Dahil lumitaw mula sa iba't ibang lagusan ng labyrinth ang mga leprechauns mula sa Treasure Island ni Greed, fried chicken warriors mula sa Dessert Room ni Gluttony, sina Mr. at Mrs. Bones, at ang ahas ni Envy na si Vixen.
All of them are prepared to take the horsemen down.
"Paano niyo laman ang daan sa labyrinth?" Nagtatakang tanong ni Snow nang mapansing hindi sa dinaanan nila kanina sumulpot sina Monique. The dead maid smiled and turned to the eldest sin, "Itinuro sa'min ni Pride."
Pride nodded, "I designed this labyrinth myself, so I can still remember the shortcuts and secret passages."
Realization struck Snow White. Kaya pala may lagusan sa loob ng mansion.. nakalimutan na nga pala niyang matagal nang pinakakatiwalaan ni Lucifer ang Seven Deadly Sins bago pa man sumiklab ang digmaang ito. The King himself probably made Pride an architect for his labyrinth a few hundred years ago.
Pride prepared for everything.
The grand finale.
"I'm damn speechless and impressed, Pride. Mukhang pinagplanunahan mo na nga ang lahat ng ito."
She expected no less from the eldest sin.
He adjusted his eyeglasses and smirked at her. "I still have a job for you, princess. Ikaw ang magiging susi ng tagumpay natin ngayong gabi.." Marahan siyang nilapitan ng panganay at binulungan.
Snow White's eyes widened upon hearing his request.
"M-Me?!"
His eyes chellenged her. "Do you think you can handle it?"
Huminga nang malalim ang dalaga at binalingan ang iba pang mga kasalanan. Nakatingin ang lahat sa kanya na para bang nakasasalay kay Snow ang katapusan ng digmaang ito. 'There's no turning back now.'
Snow White's eyes flared in determination.
"Of course, I can!"
Tumango si Pride at hinawakan ang kamay ni Snow. Kalmado niyang hinarap ang Horsemen at binalingan ang pinakamataas na tore sa kastilyo ni Lucifer. Aside from defeating the horsemen, and Lucifer himself, they need to save the queen. Pride's eyes sharpened, sensing the danger that awaits them.
"Hail and farewell, King Lucifer."
'Because your reign ends tonight.'
*
Huminga nang malalim si Snow White. It's finally time to put all that training to use. Ilang metro mula sa kinaroroonan niya, abala ang Four Horsemen of the Apocalypse sa pakikipaglaban. None of them seems to be paying attention to her. 'That's good. Mas madali ko silang malalapitan nang hindi mapapansin.'
Binalingan ni Snow ang clockwork baby na mahimbing nang natutulog sa isang gilid. Boswell's spirit nodded at her, "You can do it, little Snow. Remember what I taught you."
'Mr. Boswell..'
Nauunawaan na ni Snow kung bakit ipinamana sa kanya ang kapangyarihan nito. Nakakatuwang isipin na unti-unti nang napagtatagpi ng dalaga ang piraso ng kanyang buhay---unti-unti na niyang nabubuo ang kanyang pagkatao.
And with that, she ran towards the horsemen.
Nabigla si Famine nang biglang sinalag ng dalaga ang kanyang mga atake kina Mr. at Mrs. Bones. The black rider glared at the girl, "Aish! Dapat matagal ka na naming pinatay!" Naiinis nitong sabi at ininangat ang mga kadena.
"Marami tayong bagay na pinagsisisihan."
Snow White smirked and gripped her dagger. Naramdaman niya ang malamig nitong metal sa kanyang balat. She stood her ground, and mocked the horseman. "What? You can't hit a girl? Hindi ko alam na duwag rin pala ang dakilang horsemen. Such a shame!"
Napansin niyang sumiklab ang galit sa mga mata ni Famine.
"Hah! Let's see if you can survive this!"
Mabilis na ibinato ni Famine ang kanyang mga kadena sa direksyon ni Snow White. The cold metal chains cut through the air and almost sliced her skin. Mabilis na nakailag si Snow White at pumito. Ilang sandali pa, biglang sumulpot ang isang ulo ni Cerberus at kinagat ang kadenang hawak ni Famine.
"ARF! ARF!"
The other two heads growled at the horsemen. Mahinang napamura si Famine nang may kumawala pang fireballs mula sa bibig ng higanteng aso.
"DAMN! LET GO OF MY WEAPON, YOU STUPID MULTI-HEADED DOG!"
Sinubukang bawiin ni Famine ang kadena pero agad rin siyang natuod sa kanyang kinatatayuan nang talian nina Mrs. Bones ang kanyang mga binti gamit ang ilang lubid. Maging ang kabayo nitong si Umbra ay nahuli ng mga leprechauns ni Greed. Mabilis namang tumakbo papalapit si Mr. Bones at pinaghahampas si Famine sa ulo gamit ang isang braso niya.
"OUCH! OUCH! THE HECK?! BAKIT BA AKO INAATAKE NG MGA KALANSAY?!"
Sinamantala ni Snow ang pagkakataong ito at inilapat ang mga daliri sa noo ng horseman. 'Hindi ako pwedeng magkamali.' She closed her eyes and followed the sound of the clocks...
Tick-tock.
Tick-tock..
"I'm allergic to gold." Mahinang sabi ni Famine kay Pestilence nang mapadaan sila sa isang shop sa Tartarus. Walang ibang nakakarinig sa kanila. The streets were empty and even the businessmen scrambled back to their houses when the horsemen walked by.
Pagak na natawa si Pestilence sa sinabi ni Famine. "Ikaw lang ang kilala kong allergic sa ginto. What happens when you touch it?"
Hindi umimik si Famine.
...
Mabilis na nagmulat ng mga mata si Snow White. 'Famine is allergic to gold?' Well, it's worth a shot..
"GREED!"
Binalingan siya ng kasalanan na abala sa pakikipaglaban kay War. Somehow, the sin managed to flash a charming smile at her, "What is it, Mademoiselle? I'm a bit busy here!"
"Pahiram muna ng kwintas mo!"
"Eh? Bakit?"
"BASTA!"
Wala nang nagawa si Greed. Labag man sa kanyang kalooban, he pulled the golden necklace off his neck and threw it to Snow White. Agad na nasalo ng dalaga ang ginintuang kwintas at inilapat sa noo ni Famine. Napasigaw sa sakit ang horseman nang dumampi sa kanyang balat ang ginto.
Nanghihina siyang napaluhod sa lupa at umubo. His skin grew sickly pale as he stared at her, confused..
"T-That's..."
"Gold."
"Paano mo nalaman?"
"Your Timeline.. nakita mo sa isang oras sa buhay mo na sinabi mo kay Pestilence ang allergy mo sa ginto. I figured that it was more than just an allergy.. nakapagpapahina sa'yo ang ginto, hindi ba?"
His silence was enough answer for her.
One horsemen down, three to go.
Naalala ni Snow White ang ibinulong sa kanya kanina ni Pride... "Use your powers as the heiress of time, and find clues about the horsemen's weaknesses. We win half the battle once we disarm the horsemen, princess. Sa'yo nakasalalay ang tagumpay natin."
Hinanap ng kanyang mga mata si Pride. There, she saw him staring at her as he instructed the others on what to do. Nang magtama ang mga mata nila ng kasalanan, lalong lumakas ang kutob ni Snow na planado na nga ni Pride ang lahat ng ito mula pa noong una.
He knew everything..
*
'One horseman down, three more to go.'
Tahimik na pinagmasdan ni Pride ang digmaang nagaganap sa kanyang harapan. He watched in silence as Snow White helped the twins defeat War.
Kailangan lang alamin ni Snow White ang kahinaan ng iba pang horsemen at maipapanalo na nila ang kalahati ng digmaan---the other half, they need to defeat Lucifer.
Naalala ulit ni Pride ang panahong lumapit sa kanya si Sloth para i-volunteer ang sarili. The night before their voting. Nang maipaliwanag nito ang sumpang ipinataw sa kanya ni Death at ang posibilidad ng pag-angkin ni Lucifer sa katawan ni Sloth sa gabi ng Sinner's Moon, agad na pinagnilayan ni Pride ang matagal nang bumabagabag sa isipan niya..
"Snow White mentioned before that Boswell called her his heiress of time," mahinang sabi ni Pride habang makatanaw sa labas ng bintana. His were hands at his back as he contemplated on it, "Hindi ba't ang alam nating kapangyarihan ni Boswell ay ang abilidad niyang makakita ng Timelines?"
Pride did some investigation on that clockmaker before. Ilang libro na rin ang nabasa niya na nagkukumpirma sa "existence" ng pambihirang kakayahang ito.
Sloth frowned. "Do you think he passed down that ability to Snow?"
"Yup, and we might use it to our advantage."
Natigilan si Sloth nang marinig iyon. Kumunot ang noo ng prinsipe ng katamaran at marahang napailing. "You must be delusional, Pride! Ni hindi alam ni Snow kung paano gamitin 'yon. Sa nabasa kong libro sa Library of Lost Souls, the only way she can learn that is to feel desprate enough to awaken that ability. Kahit na ipinamana sa kanya ito ni Boswell, kailangang mai-trigger ng isang masidhing emosyon ang kapangyarihan ni Snow."
It was true.
Sa anumang abilidad na nakahihigit sa normal na kakayahan ng isang mortal, nagsisilbing mitsa ang masidhing emosyon para makontrol ito. Emotions play an important part in cojuring up spells and illusions---that's why Pride is always calm. Once he lets his guard down, posible siyang mawalan ng kontrol sa kanyang kapangyarihan. And in Snow's case, she needs something as strong as desparation to awaken the ability Boswell left her.
Desparation.
"Hangga't nasa tabi tayo ni Snow, hindi niya mararamdaman ang emosyong iyon. We are all ready to risk our lives for her, so she doesn't need to feel desprate about anything, Sloth."
"But she's desprate to save us---!"
"And that's not enough. Snow White feels secured and happy inside this mansion. We spoiled her too much."
"H-Hindi ah!"
"Yes, we did. We love Snow White--and we are all guilty of that sin." Huminga nang malalim si Pride at panandaliang ipinikit ang mga mata. "Kaya't para magising ang kanyang abilidad, I'm afraid we need to 'unspoil' our deadly bride."
Kaya't kinailangang piliin ni Pride ang isang mahirap na desisyon.
'Kailangan niya munang lumayo sa amin.'
Snow White needed to awaken her abilities, and being separated from the sins is their only chance of doing that.
'Someday, you'll understand why I had to do these things, princess.'
Kinabukasan, umakto si Pride na tila ba walang pakialam kung may mamatay sa kanyang mga kapatid. He was acting like a heartless jerk, and that's all part of his plan. As expected, Snow White got angry and they got into a verbal fight. Kinailangan pa siyang hatakin papalabas ni Envy bago pa man siya makapanakit.
"Aren't you being too hard on her, Pride?" Lust frowned at him when the door of the Conference Room slammed shut.
Huminga naman nang malalim si Pride at kalmadong nagsalita.
"This is all part of the plan, brothers.. minsan kailangan nating saktan ang pinakamamahal nating prinsesa upang mahanap niya ang kanyang sarili."
Alam ni Pride na ginamit na pinasok ng dalaga ang kanyang private study at ginamit ang kanyang pangalan upang makipag-alyansa kay Hades. 'Does she really think I can't sense when someone's been here? My princess is really underestimating me.'
Alam niya ang kasinungalingan ni Snow White.
Alam niyang may ginawa itong labag sa kanilang kontrata.
Pero kailangan niyan hayaang magkamali si Snow White. Yes, Pride needed her to make a mistake---a mistake that can someday save them.
"This is the termination of our contract. You are no longer the maid of the Seven Deadly Sins.. paalam, Snow White."
Noong gabing iyon, hinayaan niyang tumakbo papalayo sa kanya si Snow White. Pride knew that the curse of their little contract will force her to stay away from them. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ng panganay habang pinagmamasdan ang espasyong naiwan ni Snow White. She's running away from him, and it fucking hurts.
It hurts because Pride knows he needs to do this.
He needs to let her go.
'This is only a temporary goodbye, princess. Our paths will meet again. If it's really meant to be, you'll come back to me.'
Walang-araw na hindi niya inisip ang kalagayan ng dalaga. Kay Sloth niya nabalitaan ang pananatili nito sa pangangalaga ng horsemen. Kamuntikan nang sumugod doon si Pride nang malamang nagiging "malapit" sina Snow White at Pestilence. But of course, Sloth laughed and stopped him from ruining his own plans.
"Pestilence isn't as evil as you think he is."
"Tsk! Bakit mo ba siya ipinagtatanggol?"
Nagkibit ng balikat noon si Sloth. A knowing smile on his lips, "I just know. Besides, you need to trust her. Hayaan na muna nating i-train siya ng horseman at ni Boswell. No need to get all jealous, brother!"
"I AM NOT FUCKING JEALOUS!"
"Sabi mo eh. Hahahaha!"
Pilit pinakalma noon ni Pride ang kanyang sarili. Napasimangot na lang siya sa inis. "Just make sure he doesn't lay a finger on her. Baka mapaaga pa ang digmaan."
Humikab si Sloth. "Whatever you say, Pride."
Again, Pride had to remind himself that this is all part of the plan.
'Our paths will meet again. If it's really meant to be, you'll come back to me...'
And tonight, on the night of the Sinner's Moon, she did.
Bumalik sa kasalukuyan ang kamalayan ni Pride at walang kahirap-hirap na umilag sa kamuntikang pagbaon ng Sword of Sorrows sa kanyang dibdib. Sinamaan ng tingin ni War ang kasalanan, "Fucking coward! You're losing this war!"
The eldest sin elegantly dodged the arrows that paralyzed soldiers. Ngumisi siya't binalingan ang direksyon nina Snow White.
"It seems that the tables have turned, War.."
Kasabay nito ay ang pagbagsak ni Death mula sa kanyang kabayo. Nanlaki ang mga mata ng kulay pulang horseman nang mapansin ang panghihina sa nilalang na binansagang "kamatayan". "Shit." Mahinang napamura si War nanag mapansing nakatayo roon sa malapit si Snow White. Vixen was coiled around the girl's arm as she stared at the weakened horseman.
Snakes.
Mukhang nahanap na rin ni Snow ang kahinaan ni kamatayan.
'With their Timelines exposed to her, the horsemen cannot hide their weaknesses.'
Pride smirked.
"Two down, two to go."
Sumiklab ang galit sa mga mata ng horseman at akmang ihahataw na sana ang kanya ang higanteng espada nang bigla itong salagin ng isang machine gun. The heavy blade clashed with the metal gun as the sin laughed sadistically.
Wrath grinned like a fucking psycho.
"Hindi pa kita nababawian sa ginawa mo sa'kin, War. Shall we settle our shitty hatred for each other now?"
War's eyes darkened beneath that red helmet as he gritted his teeth in anger.
Patuloy pa ring umaalingawngaw sa loob ng labyrinth ang mga pagdaing ng sakit at ang nakabibinging tunog ng pagtama ng metal sa kapwa nitong metal. Swords clashed and the horses gone wild. Lalong naging agresibo ang natitirang horsemen. Sa kabilang dako naman, unti-unti nang nanunumbalik ang lakas nina Famine at Death.
'Only one way to permenantly kill them..'
Hinigpitan ni Pride ang kanyang hawak sa scythe ni Death---a scythe that can end any creature in the Underworld, even Lucifer himself. Pride ran at full speed. Pumunit sa hangin ang patalim na handang kumitil sa buhay ng mga imortal.
"Bon voyage, horsemen!"
But the blade never reached them.
"What the fuck?!" Mabilis na binalingan ni Pride ang may-ari ng kamay na pumigil sa kanya. His eyes narrowed upon seeing a familiar girl. Katulad ng nai-describe sa kanila ni Chandresh, naglaho na ang mabait at masiyahin nitong ekspresyon sa mukha. Her face twisted into something so evil that even Pride doubts she's still mortal.
"L-LLYRIA?!"
She smirked and swiftly took the scythe. "Mind if I borrow this?" Humagalpak nang tawa ang dalaga at naglaho sa hangin. Ilang sandali pa, pumunit naman sa gitna ng ingay na likha ng digmaan ang pagsigaw ng isang binata.
"GAAAAAAAAAH!"
Pride spun around, just in time to see his brother kneeling in pain. In the middle of the battlefield, napadaing sa sakit ang kasalanan kasabay ng pagwawala ng kanyang mga anino. The shadows under his bed slowly vanished--taking his soul away with them. Hinigop ng scythe ang kaluluwa ng immortal. Nang mamatay ang soul vessel ng binata, unti-unting naglaho ang buhay sa kanyang mga mata. All of them stared at horror as Llyria clutched the scythe beside him..
"SLOTH!"
No. Damn it, this isn't part of Pride's plan!
May ibinulong na mahika si Llyria. Unti-unti na silang nilalamon ng pulang liwanag.
'T- Tumatakas siya!'
Ngunit bago pa man tuluyang mawala sina Llyria at Sloth, mabilis na tumakbo sa kanilang kinaroroonan si Snow White. Naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari at sa isang kisapmata, tuluyan nang naglaho ang tatlo.
---
NOW they sing the hero loud; --
But they sing him in his shroud.
Torch he kindled for his land;
On his brow ye set its brand.
Taught by him to wield a glaive;
Through his heart the steel ye drave.
Trolls he smote in hard-fought fields;
Ye bore him down 'twixt traitor shields.
But the shining spoils he won,
These ye treasure as your own.--
Dim them not, that so the dead
Rest appeased his thorn-crowned head.
---"To The Survivors", Henrik Ibsen
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top