QOS: DUODECIM
"I want an alliance to bring Lucifer down."
Hades sighed. "Gusto mo akong makipagkasundo sa Deadly Sins para pagbagsakin si Lucifer?"
"Yes. At hindi mo pwedeng sabihing ako ang nagbigay ng ideya sa'yo.. No one must know that I started all this."
Crazy things had followed Snow White eversince she chose to take this path. Ngunit sa lahat ng mga kakaibang bagay na nangyari sa buhay niya, nakasisigurado si Snow na ang pakikipag-alyansa kay Hades para isang rebelyon ang isa sa pinaka-kakaibang pangyayaring naranasan niya. Huminga siya nang malalim at hindi natinag sa mapanghusgang mga mata ng hari. She won't back down on this.. she needs to save her sins.
'And if that means war, then I'll find a way to ensure our victory.'
"And what if I don't want to?"
Napasimangot si Snow. "I doubt that, King Hades. Unang-una sa lahat, ito na ang pagkakataon mong talunin si Lucifer at angkinin ang trono ng sinasakupan mo. With our help, we have a better chance at defeating him. Aren't you tired of ruling over a kingdom that is not really yours?"
Alam ni Snow na delikado ang kanyang ginagawa. Kung hindi papayag makipag-alyansa ni Hades, malamang ay mapaparusahan pa siya nito at malalaman nina Pride ang kalokohang ginawa niya. All her efforts will be in vain.
"Do you believe this is what's best for them?" Tanong ni Hades.
Handa niya itong isugal.
Handang isugal ni Snow ang buhay niya para protektahan ang mga kasalanan at ang mansyon.
She nodded, "Yes."
Makalipas ang ilang sandali, nabigla si Snow nang tinalikuran siya ni Hades. Nagsimula na itong maglakad papalayo na ikinabahala ng dalaga.
"Sandali! Paano ang---?"
"We have a deal, Snow White. Sa ngayon, kailangan muna nating balikan ang mga kasalanan at baka maghinala pa sila. Ako nang bahala sa alyansa natin.."
"Anong sasabihin mo kina Pride?"
Hade smirked. "I'm the King of Hell.. I can handle a little manipulation."
Napanganga si Snow sa sinabi ng hari. Unti-unting nawala ang kaba sa dibdib niya't malawak siyang napangiti. Mukhang umaayon na nga ang lahat sa mga plano niya.
'Hades is desprate to take Lucifer down.. and I'll use that to my advantage in order to save the sins.'
Binigyan sila ng dalawang pagpipilian ni Lucifer para maibalik ang balanse ng mundo---either kill a sin or start a war they cannot win. Ang ikinakatakot nila Pride ay hindi nila matatalo si Lucifer at ang kanyang Horsemen kung sakali ngang sumiklab ang gulo. Eastwood and the entire Underworld will have to face deadlier consequences if they lose...
"Pero sisiguraduhin kong mananalo tayo sa digmaang ito, Pride."
Pababagsakin nila si Lucifer sa tulong ng kanyang alagad na si Hades.
*
Nang makabalik na sila sa dining hall, nakaupo na roon ang magkakapatid. Napalitan na rin ang mantel ng lamesa at naibalik sa ayos ang lahat. Halos mangalahati na ang mga pagkain sa hapag at akmang kukunin sana ni Gluttony ang raspberry blood pancake sa plato ni Snow nang paluin ni Adoration ang kanyang kamay.
"Geez. Pati ba naman pagkain ni Snow kakainin mo? Tsk!"
Gluttony pouted.
Mahinang natawa si Snow White at bumalik sa kanyang upuan. Ibinigay niya ang pancake kay Gluttony at tipid na ngumiti. "You can have it. Busog na ako."
"Really?! Thanks sugar-plum!"
Sumandal si Snow White sa kanyang upuan at pinanood ang mga kasalanan. Mukhang abala pa silang lahat sa usapan nila. But still, she couldn't help but feel the eyes of someone staring at her. Nang lingunin ni Snow ang lalaking nakamasid sa kanya, nagtama ang mga paningin nila ng prinsipe ng pagiging mapagmataas.
Pride eyed her suspiciously.
"Saan ka galing?"
"Himala yata at kinakausap mo na ako."
"Tsk. That doesn't answer my question, princess. Don't test my patience!"
Ngumiti si Snow. "I just needed to use the restroom."
Tumango ang panganay at inayos ang kanyang salamin sa mata. Mukhang hindi pa rin ito kumbinsido sa sinabi ng dalaga. "Bakit kasama mo si Hades?"
Napatingin na rin sa kanya ang iba pang mga kasalanan. Maging si Sloth ay seryoso nang nag-aabang sa isasagot ni Snow.
'Damn it! Think, Snow!'
"H-He... He showed me where the bathroom is."
Silence.
Umalingawngaw ang mahinang pagtawa ng hari ng impyerno sa kabilang dulo ng lamesa. Hades sipped on his goblet and nodded at them. "Muntikan nang maligaw kanina ang katulong ninyo. You should be thankful I showed her the way.. getting lost inside the castle is like getting lost in the deepest pits of insanity." Seryoso nitong sabi.
Mukhang may itinatago ring misteryo ang palasyong ito.
Nonetheless, nagpapasalamat si Snow at mukhang naniwala naman kay Hades ang mga kasalanan. Nakahinga nang maluwag si Snow nang tuluyan na nilang iniba ang usapan.
'Fate seems to take my side today.'
The King of Hell then addressed Pride. Sumilay ang isang ngiti sa mga labi ni Hades nang magsalita siya, "I have to apologize for the mistake, Pride. I had mistaken the letter earlier. Mula pala ito sa president ng Wizard's Foundation na nanghihingi ng abuloy para namatay nilang kasamahan.."
Pride nodded, "So, you thought I sent you a letter... Iyon ba ang rason kung bakit mo kami pinapunta rito?"
Natahimik ang buong dining hall. Snow White pretended to be interested in a piece of salamander cream pie when Hades spoke again. "Nabalitaan ko kay Lucifer ang suliraning kinasasangkutan ninyo, Pride. It seems that having eight sins is bringing too much trouble for everyone... It tilted the balance of the Underworld, didn't it?"
Pride stiffened. Mukhang hindi nito inaasahang magsisimula ang usaping ito mula sa hari. Sa pagkakakilala nila kay Hades, wala itong pakialam sa problema ng iba. Plus, he hated the sins. He wouldn't give a shit even if Lucifer fried the eight sins in the flames of hell. 'Mukhang may personal agenda ang isang 'to.' Marahang tumango si Pride, "At ano naman ang interes mo sa problema namin?"
"Pride's right. Ano naman ang pakialam mo, Hades?" Wrath remarked.
Bahagyang sinilip ni Hades si Snow White. Ngumiti ang hari at walang emosyong simulan ang negosasyon.
"I'll offer you a deal, Pride."
Tumalim ang mga mata ni Pride. Wala siyang tiwala sa isang 'to. Hades isn't someone you'd mess with and live to tell the tale. Siya ang itinalagang "hari-harian" ni Lucifer para sa mga rasong walang nakakaalam.
"What kind of deal?"
"Tutulungan ko kayong manalo sa digmaan."
The atmosphere inside the dining hall felt heavier than usual. Napansin ni Snow White na mukhang hindi kumportable ang ibang kasalanan sa sinabi ni Hades. Beside her, Sloth cursed under his breath. "Makipag-alyansa kay Hades? That's just plain stupidity..."
Snow White balled her hands into fists on her lap. Pinili niyang 'wag umimik at umasang pumayag sila.
Hades continued, "Think about it, Pride.. Defeating Lucifer and the Four Horsmen of the Apocalypse would save everyone, including yourselves. O baka naman ayos lang sa inyong mawalan ng kapatid?"
Nakita ni Snow ang pagbabago sa ekspresyon ng magkakapatid. Napansin niyang panandaliang nag-iwas ng tingin ang panganay at tila nag-isip nang malalim.
Alam ni Snow na sa katulad niya, ayaw rin nilang may mawala sa mansyon.
Bumaling si Adoration kay Pride. Violet eyes were serious. "May punto si Hades.. kung magagawa nating talunin si Luci---"
"Hindi natin alam ang posibleng maging resulta ng mga padalus-dalos nating desisyon, Adoration. Thinking recklessly would only lead to chaos."
Natamaan si Snow sa sinabi ni Pride. Huminga siya nang malalim at pigilan ang sariling magsalita. She would love to spark another argument with the sin, but she can't risk them being suspicious of her. Mabuti nang si Hades ang gumawa ng paraan para mapapayag si Pride. Mas malakas ang impluwensiya nito kaysa sa kanya.
Lust sighed. "Look, as much as I hate this Hades bastard---no offense Your Highness," ngumisi siya sa direksyon ng hari at bumaling ulit kay Pride, "Don't you think it's worth a shot?"
Tumango ang ibang kasalanan. Lahat maliban kay Sloth na hindi pa rin umiimik. Nag-aalala na si Sloth para sa kanya. It's not like him to keep his opinions to himself. May kung anong bumabagabag sa kanya.
Pumalakpak si Hades. "See? If I were you, I'd consider this Pride. Let's take him down.. In the end, you'll be able to restore the balance and save a sin. Isa pa, matutulungan niyo akong pangalagaan ang trono ko sa impyernong ito. It's a win-win situation."
Pigil-hiningang hinintay ni Snow White ang sagot ni Pride. 'Please, Pride.. this is for the best. Kailangan nating iligtas ang mga kapatid mo.' Sa hindi inaasahang pagkakataon, bumalik sa mga alaala ni Snow ang nangyari noon.
Every sin has a soul vessel, maaaring isang bagay o nilalang. Dito nila inilalagak ang kanilang kaluluwa para mapangalagaan ang imortalidad nila. Break the soul vessel, and you'll be killing a sin. They keep it a secret among themselves at sa pagkakaalam ni Snow, iniiba-iba ng Seven Deadly Sins ang soul vessels nila kung kinakailangan. Sa kasamaang-palad, nang makontrol nina Morticia si Pride, the eldest sin used this information to kill his brothers.
But in the end, Snow White managed to save his soul.
Pride is the foundation of the Seven Deadly Sins. Siya ang may obligasyong pangasiwaan ang mga ito at may kakayanang i-resurrect ang kanyang mga kapatid kung sakaling mamatay sila. Pride's obligations go deeper for his unconditional love for his brothers---but of course, he won't admit that to anyone. Not even to his princess.
'Alam kong mahirap, Pride.. but responsibility is a part of being the eldest sibling.'
Kinakabahang pinagmasdan ni Snow si Pride. Kung sakaling hindi gumana ang plano niyang ito, hindi titigil si Snow. She'd do anything to save a sin. Hindi niya hahayaang may mamatay sa kanila..
"Fine."
Napanganga si Snow White sa narinig. Even the other sins looked shocked to hear Pride's response. 'B-Baka naman namali lang ako ng dinig?' Tinitigang maigi ng dalaga ang kasalanan.
Seryoso ito't may bakas pa rin ng pag-aalinlangan sa kanyang desisyon.
"Honestly, I'm against the idea of staring a war to restore the balance and I don't trust you, King Hades," napabuntong-hininga ang kasalanan at tiningnan ang kanyang mga kasama. Nang mapadako ang kanyang mga mata kay Snow, panandaliang huminto si Pride at ngumiti. Snow White's heart fluttered at his attention. Inayos ni Pride ang kanyang salamin sa mata at bumaling muli kay Hades, "pero kung may iba pang paraan para maiwasan namin ang pagsasakripisyo ng kapatid, then I'm willing to be reckless. Just for once."
To say that Snow is relieved is an understatement. Sa gilid ng kanyang mga mata, napansin niyang ngumisi si Hades at iniangat ang kopita ng alak. "Then it's settled. A toast, for our new alliance!"
Inangat nila ang kanilang nga kopita. Snow White held the golden goblet designed with obsidian gems. She watched in admiration as the sunlight seeping through the stained-glass window reflected off her cup. There's just something about the situation that brought a sense of peace to the Underworld.
At sa pagkakataong ito, masasabi ni Snow na mukhang naaayon na ang lahat sa kanyang mga plano.
'I just hope nothing bad happens.'
---
We live on a flying rock,
Surrounded by seven other flying rocks
That go around the same giant fireball,
And somehow
Never crash into each other.
And out of all eight rocks
Only ours can sustain an atmosphere,
That breathes life
Into the lungs of majestic lionesses
Vibrant birds and butterflies
And eight billion human beings.
---"And You Call Me Crazy?", Nikita Gill
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top