QOS: DECIM

This chapter is dedicated to Ms. @Sablaon Angelica.

---

Natahimik ang magkakapatid nang marinig ang pangalan. Snow White watched in relief as Pride nodded his head in confirmation.

"I have no idea what he wants us to talk about or why he's inviting us for breakfast, but let's just hope it's nothing serious." Napabuntong-hininga ang binata at ipinitik ang kanyang daliri. "We leave in thirteen minutes. Dismissed."

Just like that, the medieval-styled room behind them vanished. Bumalik sa dati nitong anyo ang Conference Room kasabay ng pagbalik ng mga kasalanan sa kaniya-kaniyang silid. Nakahinga lang nang maluwag si Snow nang tuluyan na ring bumalik sa kanyang private study si Pride. Hindi siya nito pinansin at halatang nagtataka pa rin kung bakit sumulat si Hades sa kanya.

'My plan is finally working.' Snow White smirked and dusted her maid's outfit. Mabilis siyang tumakbo papunta sa kanyang silid at nagpalit ng damit. Kinuha niya ang punit na pahina at muli itong itinago sa kanyang bulsa.

"Ngayong nakuha ko na ang atensyon ni Hades, I can't mess up.. I can't let Sloth die." Bulong ni Snow sa sarili at tiningnan ang repleksyon sa salamin. Mapait siyang ngumiti sa babaeng nasa salamin.

"You look like shit, Snow. How are you gonna talk to the fake king of hell like this?"

Bakas sa mukha ng dalaga ang puyat at kawalan ng pahinga. Humikab siya't sinubukang ayusin ang magulong buhok. The red ribbon ontop of her head seemed out of place. Namumutla rin siya't nanghihina.

"Damn it."

"At bakit mo naman kakausapin si Hades?"

Nabigla si Snow sa boses na nagmula sa salamin. Nagpakurap-kurap siya't tinitigang maigi ang repleksyon. 'Teka, kailan pa gumalaw nang mag-isa ang repleksyon ko?!' Napaatras si Snow nang magkaroon ng sariling buhay ang kanyang repleksyon at naglakad papalapit sa kanya. She stumbled back in disbelief.

"L-Lumayo ka sa'kin!"

Pero habang papalapit nang papalapit ang repleksyon, napansin ni Snow ang pag-iiba ng hitsura nito. Napanganga siya nang biglang lumabas sa kanyang salamin ang binatang may kulay lilang mga mata.

Chandresh smirked at her as he crossed his arms over his chest.

"So, care to tell me why you're going to talk to Hades, Your Majesty?" He narrowed his eyes at her suspiciously. "May itinatago ka ba sa'min?"

Shit.

Pagak na natawa si Snow. "Aalamin ko lang kung bakit niya tayo inimbitahan ngayong umaga. Kung alam ko lang na mag-iimbita siya, sana hindi na lang ako nagluto ng agahan ni Gluttony." She lied smoothly as if it was her natural talent. Pero sa totoo lang, kanina pa kinakabahan si Snow. Her heartbeat raced in anxiety as Chandresh studied her.

'Hindi nila ako pwedeng mahuli!'

Kalaunan, tumango ang prinsipe at mahinang natawa. "Oh, okay. Tsk! Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit niya gagawin 'yon. It's not like that bastard to invite paranormal creatures like us for breakfast." Naglakad ito sa silid ng dalaga at walang sabi-sabing humiga sa kama ni Snow.

Chandresh closed his violet eyes. Kitang-kita ang pagod sa kanyang mukha. Hindi rin naman siya masisisi ni Snow. Akala niya siya ang manganganib mamatay ngayong araw.

Huminga nang malalim si Snow at naupo sa tabi niya.

"How did you even get here? Akala ko sinumpa na rin ang salamin ko rito."

Chandresh smirked, "Your Majesty, I can walk through mirrors. Kahapon ko lang natuklasan ang kakayahan kong 'yon. Amazing, isn't it?"

"No, it's not."

Nagmulat ng mga mata ni Chandresh at nag-pout kay Snow. "Bakit naman?"

She rolled her eyes at him. "Ngayong nakakapaglakad ka na sa pagitan ng mga salamin, pwede mo na akong guluhin dito kahit anong oras mo gusto. It's annoying, really." Pang-aasar niya sa binata.

"Ayaw mo ba 'non?"

"Ayaw."

"Pero---"

"Adoration, stop annoying me!"

But Chandresh grinned charmingly and kissed her hand. "It's an honor to annoy you, Your Majesty. Nakakaakit ka pa rin kahit naiinis ka na." Akmang hahalikan niya sana ulit ang kamay ng dalaga nang agad itong binawi ni Snow.

Silence fell between them.

She sighed. Mukhang kailangan na nilang pag-usapan 'to.

"Chandresh, a-akala ko talaga ikaw ang mamamatay.. I thought you volunteered yourself. I thought the other sins would vote against you! B-But Sloth..." Hindi na niya kailangang ituloy ang sasabihin. Halo-halo ang emosyong nararamdaman ngayon ni Snow. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya't hindi si Chandresh ang mamamatay, o magluluksa dahil si Sloth naman ngayon ang nasa panganib?

Hanggang ngayon, kapag naiisip niyang nagpresinta si Sloth para maglaho nang tuluyan sa mundo, naninikip pa rin ang dibdib ni Snow. Alam niyang mabigat ang dahilan nito..  still, she won't let him.

Napayuko si Chandresh. "Hindi ko rin alam ang rason ni Sloth.. He never told us anything after Envy dragged you out. Tahimik lang siya."

"P-Pinirmahan niya ba ang kontrata?"

Snow forced that question out. Kinakabahan siya't natatakot sa posibleng mangyari sa kasalanan. Sa sandaling mapirmahan na nito ang kontrata, huli na ang lahat. Wala nang magagawa pa si Snow para iligtas si Sloth. All her efforts to save a sin would be in vain. Naikuyom na lang ni Snow ang kanyang mga kamay. 'I won't let you die, Sloth..'

Chandresh noticed this and shook his head. A small smile on his lips.

"Hindi pa."

Nabunutan ng tinik sa dibdib ang dalaga. She sighed in relief. 'Hindi pa huli ang lahat... Kaya ko pa siyang iligtas.' Ngayon, mas naging determinado na si Snow para sa kanyang plano. She needs to talk to Hades and succeed---no matter what happens.

"Time's up, Your Majesty. Kailangan na nating bumaba. Baka maiwanan pa tayo ng karwahe."

Bumalik ang ngiti ni Chandresh at tumayo sa harapan ni Snow. Inilahad niya ang kanyang kamay na parang isang prinsipe at kumindat sa dalaga. "We don't want to miss breakfast at Hades' castle, do we?"

Snow White smiled and took his hand. "Let's go."

'King Hades, sisiguraduhin kong mapapapayag kita sa mga plano ko...'

*
Nang makababa na sina Snow at Chandresh, naroon na ang iba pang mga kasalanan. Mula sa kinaroroonan niya, naririnig na ni Snow ang pagtatalo ng kambal sa loob ng karwahe. She smiled secretly. 'Kahit kailan talaga ang dalawang 'yon.' Honestly, she would be more surprised if Envy and Greed weren't like this.

'Parang mga bata.'

Sa labas ng karwahe, nakaabang na si Pride. Nakasimangot ito't halatang hindi na nagpalit ng damit. He doesn't seem amused with Hades' invitation. At all. Inayos niya ang kanyang salamin nang makitang magkasama sina Snow at Chandresh.

"Just on time," malamig nitong sabi sa kapatid. Ni hindi man lang niya tinapunan ng tingin ni Snow nang tumango siya kay Mr. Bones para buksan nito ang pinto ng karwahe.

Chandresh smirked and took Snow's hand.

Wala nang nagawa si Snow nang iginiya siya ng kasalanan papasok. Nang maisara na ni Chandresh ang pinto, kumunot ang noo ng dalaga.

"Teka, nasaan si Pride?"

Bakit parang wala siyang planong sumakay sa karwahe?

Sa kanyang tabi, mahinang natawa si Greed at kumindat sa kanya. "Nandito  ako, pero si Pride pa rin ang hinahanap mo. You really know how to break a sin's heart, Mademoiselle." Walang emosyong umusog papalayo si Snow, pero agad rin siyang natigilan nang mapansing si Lust naman ang nakaupo sa kanan niya.

The prince of pornography flipped through his Japanese manga. "He's up in front, baby. Katabi ni Mr. Bones. Because our little brother Adoration is here, Pride gave him his seat inside this carriage---ARAY! What the fuck, Wrath?!" May tumamang dart sa kamay niya! Sinamaan ng tingin ni Lust ang kasalanang nakaupo sa tapat niya.

Wrath scowled at his brother, "Watch filthy your hands, brother. Kanina ko pa napapansing gumagapang na 'yan sa ilalim ng palda ni Snow. Tsk!"

Natawa si Lust at ibinato pabalik sa kapatid ang dart. "Too bad. My hands have a mind of their own."

"You're a fucking pervert, brother."

"Thank you! Ngayon mo lang ba napansin? Ilang siglo na tayong magkasama, Wrath!" Lust chuckled, "Magpatingin ka na nga sa optical. Baka malabo na ang mga mata mo, lolo. HAHAHAHA!"

"WHAT THE FUCK DID YOU JUST CALL ME?!"

"Lolo Wrath! Hashtag uugod-ugod! HAHAHAHA!"

Kumuha ng machine gun si Wrath na ikinataranta ng iba pa niyang mga kapatid. Sinubukang awatin nina Chandresh at Gluttony ang kapatid habang nagpustahan pa ang kambal kung sinong unang mapapatalsik papalabas sa karwahe.

'Mukhang hindi na aabot sa Tartarus si Lust.' Snow sighed.

Habang nagtatalo-talo ang mga ito, tahimik lang na sinilip ni Snow ang labas ng karwahe. May ibinilin pa muna si Pride kay Mr. Bones bago sila naupo sa harapan ng karwahe. 'I'm not stupid. Hindi basta-basta ibibigay ni Pride ang upuan niya kay Chandresh---he's too prideful for that! The most logical reason is: Pride is avoiding me.'

Hindi alam ni Snow kung dapat ba niyang ikaaliw o ikainis ang "cold treatment" sa kanya ng panganay.

Marahan siyang napailing sa naiisip. "Don't let him distract you, Snow. May misyon ka pa." Naibulong ng dalaga sa sarili nang umandar na ang karwahe. Nakadungaw lang siya sa labas ng bintana. Snow watched as they passed by the Fountain of Tears at the mansion's circular driveway.

Pinanood ni Snow ang papaliit na imahe ng gothic Victorian-styled mansion. Sa papasikat na araw, mas napansin ni Snow ang kagandahan nito sa kabila ng pagiging luma. It's elegant Baroque architecture and gargoyle statues gave off a creepy and haunted feeling. Patay pa rin ang mga punong nakapaligid sa bakuran nito. Cerberus slept peacefully at one corner. Katabi nito ang ilang malalalim na butas na malamang ay hinukay pa nito noong nakaraang gabi.

'Pasaway talaga ang asong 'yan.' Snow White giggled and admired the mansion of the Deadly Sins..

Home.

Hindi alam ni Snow kung bakit, pero sa kabila ng nakakatakot at misteryoso nitong hitsura, this mansion felt like home to her more than anywhere else in this mortal world. Her heart warmed with the idea of finally belonging somewhere.

A place that accepts all her madness.

'Kaya siguro hindi rin nila ako masisisi kung gustuhin kong protektahan ang mga nilalang na tumanggap sa'kin sa mansyong ito. These crazy sins are everything to me... I just can't lose them.'

Napadako ang mga mata ng dalaga sa lalaking natutulog sa kanyang harapan. Sloth leaned his head back on a pillow. Pero kapansin-pansin na hindi ito humihilik o anupaman.

Sloth is pretending to be asleep.

'Something is definitely wrong here,' isip-isip ni Snow at nanahimik na lang buong biyahe. Nang makarating na sila sa kagubatan ng Eastwood, napansin ni Snow ang pag-iiba ng ruta ng karwahe. Mabilis niyang kinalabit si Envy na abala sa paglalaro ng baraha kasama sina Greed at Gluttony.

"Akala ko ba sa Tartarus ang punta natin?"

Envy noticed the confusion in her eyes and smiled, "Yup!"

"Mali yata tayo ng dinaanan?"

"Nah. May short-cut kasi papunta sa kastilyo ni Hades dito. Masyado kasing trapik sa Underworld. Nagwewelga pa rin kasi ang mga mangkukulam dahil nauubusan na raw sila ng frog legs at pixie dust." Envy said and cursed under his breath when Greed presented his cards. "I always beat you in this game, brother... 5,672 - 4,260 na ang tally natin." Nakangiting kinuha ng prinsipe ng kasakiman ang ginto.

Envy grumbled. "I want a rematch!"

Gluttony sighed, dropped his cards when we realized Greed won (again) and grabbed a chocolate bar. Mag-isa niya itong kinain habang nag-aaway pa rin ang kambal. Kalaunan, binalingan niya ang kapatid, "Last month pa sila nagwewelga ah? Akala ko nagkasundo na sila ng pixie king tungkol sa pag-iimport ng pixie dust sa Tartarus?"

"Those fucking witches just want public sympathy," pagsabat ni Wrath habang pinupunasan pa rin ang machine gun niya. "At kailan pa ba nawalan ng gulo sa Tartarus? That place is almost as crazy as our mansion."

Tumango ang lahat biglang pagsang-ayon.

Nang silipin ulit ni Snow si Sloth, napansin niyang bahagya itong nagmulat ng mata. Mabilis niya itong tinawag, "Sloth, we need to talk abou---!"

"You might need this, Your Majesty."

Hindi na nakausap ni Snow si Sloth nang biglang sumingit si Chandresh at inabutan siya ng snorkel and mask. Kumunot ang noo ng dalaga. "Err.. para saan ito?"

Adoration grinned michievously.

"You'll see."

Bago pa man makapagtanong si Snow, naramdaman na lang niya ang unti-unting pagbaha sa loob ng karwahe. "Shit! Anong nangyayari?!" Natataranta siyang bumaling sa magkakapatid na kalmado pa ring ginagawa ang mga nakasanayan. Gluttony was still eating, Envy and Greed were still fighting, Wrath was still polishing his machine gun, Adoration was still admiring her, Sloth was still pretending to sleep, and Lust was still being Lust.

Parang balewala lang sa kanilang halos lamunin na ng dagat ang karwahe nila!

"DAMN IT! ANO NANG GAGAWIN NATIN?! MAMAMATAY TAYO! HOY?!"

Snow White screamed and tried to hold her breath. Mukhang siya lang talaga ang may pakialam sa mga nangyayari. 'This is madness! Bakit ba parang normal lang sa kanilang lumusong sa ilalim ng dagat?!'

These sins are crazy. Pure crazy.

Napatingin siya sa hawak niyang snorkel and mask. Alam niyang hindi ito sapat para mailigtas ang sarili niya sa pagkalunod, but it won't hurt to try, right? At isa pa, malapit na siyang maubusan ng hangin. Halos punuin na ng tubig ang buong karwahe. So with one last breath, Snow wore the snorkel and mask and sat back down.

Nakaupo lang sila sa loob ng karwahe. Lumulutang na ang buhok niya sa tubig at maging ang mga baraha nina Greed at Envy, nawala na rin sa ayos. The cards floated in the carriage like fishes.

Snow White watched in amazement as she was able to breathe underwater. 'Magic. Iyon lang sigurado ang dahilan kung bakit pa ako buhay ngayon.' Pinilit niyang pakalmahin ang sarili.

Nang sumilip ulit siya sa labas ng bintana, napansin ni Snow ang coral reef at ilang mga isdang pumapalibot sa karwaheng patuloy pa rin ang pagtakbo. Snow saw several people underwater. They had colorful tails and bright hair. May mermaid traffic enforcer pa!

Sa di-kalayuan, napansin ni Snow ang isang malaking kastilyo sa ilalim ng karagatan.

It was enormous! The pale white palace must be a thousand feet tall.

Manghang pinagmasdan ito ni Snow White. Napangiti siya nang may isda pang humalik sa ilong niya. She giggled underwater. Her voice was trapped in little bubbles. Kalaunan, unti-unting nawala ang tubig sa karwahe.

Mukhang nasa lupa na ulit sila.

She removed the snorkle and mask and took in a deep breath. Hinihingal na sinamaan ng tingin ni Snow ang magkakapatid na halatang na-bored lang sa pagdaan nila sa ilalim ng dagat.

"Bakit ba wala man lang nagsabi sa'king lulusong tayo sa tubig?!"

All of them shrugged.

Unang bumanat si Lust, "Aw. I forgot to bring you a swimsuit, baby! I'm sorry. Sa susunod naman pwede mo nang hubarin ang damit mo para hindi na mabasa." Sabay kindat niya sa dalaga. Inis na binatukan ni Snow si Lust na tawa pa rin ng tawa sa sariling kamanyakan.

Asar na lumabas na ng karwahe si Snow nang maramdaman niya ang pagtigil nito. Agad na ring sumunod sa kanya ang mga kasalanan na para bang walang nangyari. Ang masama pa, mukhang ang damit lang ni Snow ang nabasa!

May tilapia pang lumabas kasunod ni Gluttony. Agad itong ibinulsa ng binata at nagpatuloy sa pagkain ng fish crackers.

Before them, another castle towered. Kilala ni Snow ang kastilyong ito. The fortress of black stone was unmistakable.

"Hades' castle."

Mahina niyang bulong sa sarili. Huminga nang malalim ang dalaga at inihanda ang sarili. 'May misyon ako.. I need to talk to him.' And for the third time since they left the mansion, Snow White glanced at Sloth.

Pero mukhang wala pa rin itong planong makipag-usap.

She sighed.

'Ayoko na ulit dumaan sa short-cut na 'yon.'

Beside them, Pride cleared his throat.

"Get ready, sins. We're about to have a nice and friendly breakfast with Hades."

---

Mother, I'll never wake up from him
I have already travelled too far.
My mouth is the color of his mouth,
And his arms are no longer his arms
They're mute as smoke as my first white dress,
And the spear of his name, once ferocious,
Dissolves on my tongue
Like sugar, like birdsong, I whisper it:
"Hades."

---"Hades", Anonymous

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top