OCTO
"This is a warning, Snow White. 'Wag kang magkakamaling pagkatiwalaan ang Seven Sins."
His words echoed throughout the four corners of her darkened room. Tinitigang maigi ni Snow ang lalaking kaharap niya sa kanyang salamin, walang bakas ng biro sa kanyang mukha. Mayamaya pa, natawa ang dalaga. Chandresh's expression turned into a confused one. "Bakit ka natatawa? Is there something wrong?"
Nang mahinto sa pagtawa si Snow, she grinned and raised an eyebrow at him, "Binabalaan mo akong huwag pagkatiwalaan ang magkakapatid. Sounds ironic knowing the fact that I don't even know who you are. Sino ka para pagkatiwalaan ko? You can't dictate my actions, Chandresh." At naglakad siya papalapit sa salamin, her eyes pinning him into place. Snow White had already been through one hell of a life, why should she trust someone who just appeared in her mirror? 'Kung ang sarili ko nga, hindi ko pinagkakatiwalaan'.
Sumimangot ang lalaki sa naging reaksyon niya.
"Don't be irrational! Alam mong mga demonyo sila. Those siblings are heartless bastards who don't even know the difference between up and down!"
"Atleast I know what they are. Hindi na ako magtataka kung patayin nila ako sa pagtulog ko. What about you? Ano ka ba talaga?"
Chandresh's jaw clenched. "I can't tell you. Not now... At hindi na iyon mahalaga. I'm trying to save you from them, Snow!"
"Save me?" Mas dumilim ang ekspresyon ng dalaga nang marinig ang salitang iyon. Naikuyom niya ang kanyang mga kamao, "How could anyone fucking save me when I can't even save myself? I'm not a princess nor am I some damsel in distress. Hindi ko kailangan ng prinsipeng magliligtas sa'kin dahil matagal ko nang tinanggap sa sarili kong mag-isa na lang ako!"
Namayani ang katahimikan. Chandresh looked at her with pity.
"Snow.."
Napatigil siya nang mapagtanto ang kanyang mga sinabi. Snow White's eyes widened in realization. Bigla na lamang lumabas ang mga salitang iyon nang hindi niya sinasadya. Marahan siyang napailing at naglakad papunta sa kanyang kama. Iniiwasan niya ang mapanuring tingin ng binatang nasa salamin. Ayaw niyang kaawaan siya nito o ng kahit na sino. Akmang matutulog na sana siya nang umalingawngaw ang boses ni Chandresh mula sa salamin.
"Hindi ka nag-iisa. I'll gladly be with you for as long as you want me to----"
"Sinasabi mo lang 'yan dahil naaawa ka. Shut up, Chandresh. I want to sleep in peace."
At hindi na niya narinig pang muli ang boses nito hanggang sa makatulog siya. Ayaw na niyang alalahanin pa ang mga nangyari at mas lalong ayaw na niyang tanggapin ang katotohanang tama ang mga sinabi niya. She's alone and she'll be alone for as long as she lives---or atleast until she dies. Hindi niya pwedeng asahan ang sinuman para iligtas siya sa kadiliman ng pagkatao niya.
*
Noong gabing iyon, hindi makatulog si Snow. Sinilip niya ang salamin at napansing wala na roon si Chandresh. 'Natulog rin kaya?' she crept out of her bed and walked out of the room. Kailangan niya lang siguro magpahangin. Huminga siya nang malalim at binagtas ang hagdan pababa sa first floor. Nakasarado ang lahat ng mga pintong nadaanan niya. "Malamang tulog na rin ang magkakapatid.." Pero agad rin siyang napairap nang maalalang lagi namang nakasara ang pintuan ng mga silid nila. It's like they all have their own secrets.
Nang makababa ng hagdan si Snow, napansin niya agad ang matamlay na liwanag na nagmumula sa mga kandilang nakasindi sa mansyon. The soft orange glow of fire greeted her, but it wasn't enough to warm her heart. Kahit pa gaano kaganda ang mansyong ito, Snow White knows that elegance and beauty is the synonym for everything deadly. Tahanan pa rin ito ng pitong kasalanan, isang maling hakbang at maaari siyang maglaho ng tuluyan sa mundong ibabaw---not that she minds, of course.
Nang puntahan niya ang malalaking double doors, mahina siyang napamura. "Locked."
'Sino ba ang nagla-lock nito tuwing gabi? Wala naman akong napapansin..' O baka naman hindi niya lang talaga pinapansin?
"Where are you going in the middle of the night?"
Napapitlag siya nang marinig ang boses. She spun around and tried to make out the figure that stood in front of her. Natatamaan ng liwanag ng mga kandila ang kanyang mukha na nagtataka. Snow White sighed in relief.
"I couldn't sleep. Magpapahangin lang sana ako sa labas."
Gluttony cocked his head to the side, like a bird studying her for the first time, "I don't think Pride would allow you to. Ipinagbabawal niya ang lumabas kapag gabi. Baka mapagdiskitahan ka pa ng mga kaaway namin."
Kaaway?
"The Seven Deadly Sins have enemies?"
"Of course! They'll kill you in a heartbeat the moment you step out of the house at night. Naiinggit lang sila sa kasikatan namin sa Underworld," at natawa nang mahina si Gluttony, "kung hindi naman mga kaaway namin, malamang baka mga ex-girlfriends ni Lust ang umatake sa'yo sa sandaling lumabas ka ng pintuang 'yan. They're all bittermelons and it's not even a tasty idea."
Tumango na lang si Snow. Mas mapanganib pa pala ang sitwasyong ito kaysa sa inaakala niya. 'Great. There are demons who'll kill me inside this mansion and they are bastards who will attack me outside. Ang saya naman ng buhay ko', isip-isip niya at naglakad papalayo sa front door. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"
Lumawak ang ngiti ni Gluttony. "Midnight snack, of course."
Snow looked at him quizically, "Um.. Kailangan pa ba kitang paglutuan ng pagkain?" Kung sakali, magiging pang-walong kain na ito ni Gluttony ngayong araw! At nakakapanlumong isipin na kung sakali, kailangan niya pang gumising ng hating-gabi para gawan ng pagkain ang binata.
Natawa si Gluttony.
"Nonsense! Hindi mo pa ba nakikita ang paborito kong kwarto sa mansyon?"
Ngayon, ang dalaga naman ang naguluhan. "Yung kusina?"
"Nope."
"Ah! Yung dining hall ba? Or baka naman yung refrigerator?"
Sumimangot sa kanya ang binata. "Ang ignorante mo talaga. Come, and I'll show you, you tasteless human." At tumalikod na ito para maglakad papunta sa pasilyong nasa ilalaim ng grand staircase. Wala nang nagawa si Snow kundi sundan si Gluttony sa kung saan man siya nais dalhin nito, the candles flickering around her.
As Gluttony led Snow White into the central hallway, napapansin niya ang ilang mga picture frame na maayos nakahilera sa magkabilang pader. Sa dilim ng paligid, hindi niya maaninag ang mga tao rito. 'Why is the mansion always so dark?' Paulit-ulit reklamo ng utak niya habang tumatagal ang pananatili niya sa tahanan ng pitong kasalanan. Just when she was about to ask Gluttony about it, narating na nila ang pintuang nasa dulo ng hallway.
Ni minsan, hindi pa siya napapadpad sa lugar na ito.
"Kapag diniretso mo ang daan na 'to, makikita mo ang dining hall at kusina," turo ni Gluttony sa pasilyong nasa kanan. Sunod naman niyang tinuro ang kaliwa, "this hall leads to the Maze of Mirrors and further down, is Pride's private study." Lumingon si Gluttony sa kanya, isang malawak na ngiti sa kanyang mukha, "but of course, ang tunay na kayamanan ay nasa likod ng pintong katapat natin."
Snow rolled her eyes, "Kayamanan? Let me guess, storage supply ng pagkain?"
Magiliw na umiling si Gluttony at may kinuhang susi sa kanyang bulsa, "Even better." Sinipat ni Snow ang susi at halos matawa nang makitang hugis mansanas ang dulo nito. Nang buksan ng binata ang pinto, iminuwestra siya nito sa loob.
At halos lumuwa ang mga mata ni Snow sa nakitang tanawin. Beside her, Gluttony smugly announced, "Welcome to my Dessert Room!"
Dessert Room.
Mukhang isang malawak na lupain ang paligid imbes na isang silid! Para bang napadpad na naman siya sa ibang dimensyon. Maingat na naglakad si Snow sa damuhang kumikislap sa liwanag na nagmumula sa kung saan. 'Artificial light sa ganito kalawak na lugar? This is madness'!
Ang ipinagmamalaking Dessert Room ni Gluttony ay may malawak na field na pinupuno ng iba't ibang mga halamang namumunga ng cupcakes at cookies. Hitik sa candy flowers ang lugar at nakakaagaw pansin ang naglalakihang mga candy cane na nagsisilbing mga poste. The sky is tinted to a soft pastel pink, matching the cotton candy clouds. May pretzel walkway ang lugar na patungo sa chocolate pond sa gitna at nakasalambitin sa ere ang iba't ibang flavors ng pizza---hawaiin, ham and cheese, and even pepperoni! Hindi pa dito nagtatapos ang pagkamangha ni Snow dahil napansin niyang sanga-sanga pa pala ang mga daan. And far across the distance, she can see...
"Are those ice cream mountains?!"
Tumango si Gluttony habang ngumunguya ng toasted bread. "Yup. Hindi ako makapagdesisyon kung anong flavor ang gusto ko, kaya nagpagawa ako ng sampung bundok---cookies and cream, rocky road, strawberry, and even smoked salmon ice cream!" Kumagat ulit ito sa toast niya at inalok kay Snow, "Gusto mo?"
Nang kakagat na sana ang dalaga, biglang inilayo ito ni Gluttony at tumawa nang malakas. "HAHAHA! Manghuli ka ng sa'yo!"
She glared at him. 'Bakit pa ba ako magtataka? He's Gluttony! Sakim sa pagkain. Tsk.' Pero hindi niya pa rin lubos maunawaan ang sinabi ng binata. Anong ibig nitong sabihin na manghuli siya?
At noon niya lang napansin ang kanina pa pala lumilipad sa ere. Butterflies---made of toasted bread. "What the heck?" Sinubukan niyang manghuli pero mailap ang mga ito sa kanya. Nang titigang maigi ni Snow ang paligid, halos mapahakbang siya papalayo nang makita niya ang sandamakmak na fried chicken, turkey at ham na humahakbang papalapit sa kanya.
"G-Gluttony?!"
The man stopped ravishing the cookie bush and stared at her, "Ah. Oo nga pala. Hindi sila sanay na may ibang pumapasok dito. Noon ngang aksidenteng pumasok dito si Pride last week, inatake siya ng mga porkchop eh. My food is only loyal to me."
Namutla ang dalaga habang papalapit nang papalapit sa kanya ang mga pagkain. Mukhang una pa siyang sasaktan ng mga fried chicken na agresibo! Mabilis siyang nagtago sa likuran ni Gluttony. Oo, gusto niyang magpakamatay, pero 'wag naman sana sa kamay ng mga pagkaing mukhang may ninja skills pa! She doesn't fancy the idea of being killed by roasted turkeys and porkchops. Kung hindi, ang mailalagay sa lapida niya ay "In the loving memory of Snow White... Cause of death: Food." Napangiwi ang dalaga sa naiisip. 'Shit, no.'
Pero heto at halos sakmalin na siya ng mga hamon!
"GLUTTONY!"
She held unto the hem of his pajamas for dear life. Natawa na lamang si Gluttony at umaktong parang knight in shining armor, matikas siyang humakbang sa harapan ng dalaga at ngumiti nang pagkatamis-tamis dito. "Don't worry, sweetie pie. I, Gluttony, will protect you with my life! Kahit ikamatay ko pa, hindi ko hahayaing saktan ka ng masasarap na mga putaheng ito!"
"Ha?"
"SA NGALAN NG PAGKAIN!"
Pero nang akala niyang espada o shield ang ilalabas ni Gluttony mula sa kanyang bulsa, napanganga si Snow White nang kutsara't tinidor ang hawak niyang mga sandata. 'My knight in shining armor's weapons are.. a spoon and a fork?' Nasapo na lang ni Snow ang kanyang noo nang madramang sugurin ni Gluttony ang mga fried chicken.
"Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatawa.." Naupo na lang siya sa isang tabi habang "nakikipagsagupaan" ang binata... O mas tamang sabihing "lumalamon"?
*
"BURP!"
Tahimik lang pinagmasdan ni Snow ang mga buto ng manok at hamon na nagkalat sa damuhan. Her attention was averted back to the man who walked towards her with a big smile on his face.
"Kamusta ang digmaan?"
Hindi nawala ang ngiti ng binata nang ilahad nito ang kamay sa kanya. "Ayos naman. Kinulang lang sa gravy, pero wagi pa rin. No need to worry about me, sugar pea." Ngumiti si Snow, tinabig ang kamay na inaalok ni Gluttony at tumayo nang mag-isa. "I wasn't worried about you. If anything, mas nag-alala ako sa mga pagkaing nai-massacre mo."
Naglakad sila papunta sa open field.
"Ingat sa damo. Mint flavored ang mga 'yan."
She stared at him disbelievingly. Pinili na lang niyang hindi magkumento rito dahil ngumunguya na naman ng waffle ang lalaki. Hindi na talaga siya magtataka kung kasing lawak ng Dessert Room na ito ang bituka ni Gluttony.
They spent the next hours lying on the grass and staring up the cotton candy clouds.
"Bakit ba hindi ka tumataba?" Kanina pa talaga siya binabagabag ng tanong na iyan.
"Mortal, hindi niyo ba alam ang salitang 'gym'?"
"May gym dito sa mansyon?"
Pero imbes na bigyan siya ng matinong sagot, isang makahulugang ngiti ang sumilay sa mukha ni Gluttony, "That's for me to know and for you to find out." Napapailing na lang ang dalaga at itinuon ang atensyon sa kalangitan. The mint grass felt soft beneath her. Kung may ganito naman palang lugar, bakit obligasyon niya pang ipagluto ang magkakapatid? Nasisiyahan siguro ang mga ito na pahirapan siya.
"Can you show me around the ice cream mountains?"
Umiling ang binata at tininggan siya, his elbows now supporting his weight as he stared down at her. "Next time. Sa ngayon, kailangan mo na munang matulog. You still need to cook our breakfast later." Bago pa man makaangal si Snow, Gluttony inched his face closer to her's. His sweet breath mingled with the air, dangerously closer than she'd prefer. Natatakpan ng maamong mukha ni Gluttony ang kalangitang kanina niya pa pinagmamasdan.
"What the hell are you doing?"
Gluttony leaned down, grazing her lips. Noong akala niyang hahalikan na siya, pilyo nitong ibinulong, "Sweet dreams, Snow White."
At napalitan ng kadiliman ang buong paligid. Hindi na niya kailangan pang pasadahan ng tingin ang lugar para malaman niyang nasa loob na siya ng kanyang silid. And with that, she fell into deep slumber.
---
The sun descending in the west.
The evening star does shine.
The birds are silent in their nest,
And I must seek for mine,
The moon like a flower,
In heavens high bower;
With silent delight,
Sits and smiles on the night.
Farewell green fields and happy groves,
Where flocks have took delight;
Where lambs have nibbled, silent moves
The feet of angels bright;
Unseen they pour blessing,
And joy without ceasing,
On each bud and blossom,
And each sleeping bosom.
---Night,
William Blake
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top