EPILOGUS
Tahimik na nakamasid si Christina sa kalangitang gawa sa apoy. Hell had never been so silent. Matagal niya itong pinagmasdan bago siya bumaling sa dalagang nakaupo sa isang tabi. "Hindi ka ba naiinis sa kanila? Patuloy silang mabubuhay habang tayo naman ay nandito sa kawalan. Aren't you even angry at the ones you left behind?"
Sandaling napatingin si Monique sa itaas bago ngumiti sa nakatatanda. Her soft features are genuine as she answered her, "Imbes na magalit, dapat tanggapin na lang natin kung saan sila masaya.. Let's let them live in peace." Sinapo ni Monique ang kanyang dibdib, kung nasaan ang kanyang puso.
"They deserve to live..they deserve to find happiness.. Kailangan nating tanggapin ang bagay na 'yon, Christina."
Hindi na lang umimik ang ginang at napabuntong-hininga. A small smile formed on her lips as she remembered her only child. Sana ay maging masaya na ang kanyang anak, sa kabila ng paghihirap nito. Sa kabila ng ginawa ni Christina sa kanya.
'Patawarin mo ako, anak.'
*
Seven days.
Eksaktong pitong araw na ang lumipas magmula nang inilagay nila ang katawan ng dalaga sa kabaong na yari sa salamin. Mr. Jeremy Hans Boswell stared at the girl and noticed several bouquets of flowers by her side. Ang ilan dito ay nalalanta na. Her body wasn't even decaying. Magic, perhaps? Napabuntong-hininga ang clockmaker at binuksan ang kanyang kabaong.
"Ikaw ang tagapangalaga ng mga orasan ko.. I trust that you will take care of my masterpiece, Little Snow."
Papasikat na ang araw. Ngumiti si Mr. Boswell at kinuha ang itim na libro at maliit na orasan sa kanyang bulsa. He gently placed the black book and the pocket watch in her hands. Huminga nang malalim si Mr. Boswell at ibinulong ang ilang mga salita. Nararamdaman niya ang pagdaloy ng kanya enerhiya. Unti-unti nang nanghihina ang kanyang katawan.
Hinaplos niya ang gilid ng mukha ni Snow White.
"You are the heiress to the throne of time. Hindi ko man makamit ang buhay na walang-hanggan, gusto kong alagaan mo ang mga memoryang maiiwan ko sa mundong ito, Snow. That would be enough for me. And I pray that this would be enough to atone for my sins..."
At hinalikan niya ang noo ng dalaga.
Remi felt his warm lips turn cold. Isinasalin na niya ang kanyang natitirang enerhiya sa babaeng ito, at gamit ang itim na mahika, ipinagdarasal niyang maging sapat ito para mailigtas ang dalagang kinupkop niya ng ilang taon.
Snow White felt like a little sister to him, despite his twisted attitude towards her.
Sana lang ay mapatawad siya nito.
"Gumising ka na, Snow... Hinihintay ka na nila. Hindi pa tapos ang kwento mo."
Iyon lang ang naibulong ng clockmaker bago naramdam ang pagbigay ng kanyang katawan. Age finally crept into him, his skin slowly wrinkled. Naging puti ang kanyang buhok at nagbagong-anyo ang kanyang panlabas na hitsura. Mr. Jeremy Hans Boswell felt his organs failing him, his heart beating to a stop.
At kasabay ng unang pananalaytay ng liwanag sa kalangitan, ay ang pagbagsak ng kanyang nanghihina at matandang katawan. The clockmaker of Eastwood fell into death the same time Snow White opened her eyes.
A tear slipped down Remi's face.
*
Isa na namang tahimik na umaga para sa magkakapatid. Ibinigay ni Chandresh ang kanyang almusal kay Gluttony ay nagmamadaling kinuha ang mga rosas na ilalagay niya sa tabi ni Snow ngayong araw. Just when he was sneaking out the door, mabilis siyang sinita ni Wrath.
"Mukhang may plano ka na namang unahan kami, you bastard!" Asik nito sa kanya.
Chandresh smile nervously and made a ran for it. 'Aba, anong akala niya? Hahayaan ko na naman siyang masolo si Snow? Never!' Naaliw na isip ng binata habang tinatahak ang daan patungong sentro ng garden maze. Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na siya roon. Ngumiti siya at naglalakad papalapit sa mahal nilang dalaga nang-----
"Hi Chandresh!"
Natuod sa kanyang kinatatayuan ang prinsipeng may kulay lilang mga mata. Nalaglag na rin yata ang kanyang panga. Nagpakurap-kurap siya.
"S-Snow..?"
"Oo. Bakit ganyan ang mu-----?"
"AAAAAAAAAHHHHHH!"
Sa kanyang pagsigaw, nabulabog na yata ang buong kagubatan. Pride glared out the window of his private study. "Ano na naman bang problema ng isang 'yon?!" Naiinis niyang tinahak ang daan papalabas ng mansyon. There, he saw the other sins gathering out, halatang nabigla rin sa narinig. The twins looked at each other, curiosity twinkled in their eyes. Pero sapat na ang pagkakakilala ni Pride sa kanyang mga kapatid para makita ang kalungkutang nakakubli pa rin sa likod ng mga ito. They were all struggling to live. Snow White had always been their soft spot.
Now, she just left them.
She's gone.
"What do you think it is, Envy?"
"Mukha ba akong manghuhula? Tsk! Let's go check it out!"
At sumunod na rin silang lahat sa kambal. Maging si Wrath, na mukhang galit na naman sa hindi malamang dahilan, dragged himself outside. Sloth yawned and asked their eldest brother, "Tingin mo natuklaw ng ahas ang isang 'yon?"
Magmula noon, sakit ng ulo sa kanila si Chandresh.
Umirap si Pride. "Kawawa yung ahas."
*
Pride, Wrath, Envy, Greed, Lust, Gluttony, and Sloth finally reached the center of the garden maze. Isa itong circular clearing kung saan payapa ang paligid at nasisinagan ng araw ang lugar. Hindi mo iisiping mayroong ganitong klase ng lugar sa gitna ng mapanganib at madilim na maze. Pride would like to call it, "the eye of the storm". Because it really is. Baka nga ito ang pinakapayapang lugar sa mansyon.
Pero pawang hindi sila handa sa kanilang nakita.
Nanlaki ang kanilang mga mata nang makita nila ang dalagang nakaupo sa altar. Her short black hair swayed lightly in the wind as her face was illuminated by the radiance of sunshine. Nakangiti ito sa kanila. Mapupulang mga labi. And when Pride saw those chocolate brown eyes, pakiramdam niya ay gusto na niyang lumuhod para sambahin ang dalagang ito.
Because Snow White smiled warmly at them, an angel in the flesh.
"Wala bang tutulong sa'kin? I don't have my prosthetic leg, you idiots!"
'I-Is this an illusion?'
Pero naroon na si Chandresh upang alalayan ang dalaga. Nang makabawi sa pagkagulat ang kambal, agad silang tumakbo at sinalubong ng yakap ang dalaga.
"MADEMOISELLE!"
"CHIONE!"
Dali-dali na ring sumunod ang iba. Maging si Gluttony nakalimutan na ang kanyang kinakaing sandwich.. "H-How did this happen? Paanong..?" Natigil sa pagsasalita si Pride nang makita ang kalansay sa lupa. Nilapitan niya ito.
Pride was sure this was here yesterday!
Nabigla na lang siya nang may iniabot na libro sa kanyang harapan.
Pride adjusted his eyeglasses and gulped when he saw Snow White staring at him.
"He resurrected me..if that's even possible. Hindi ko alam kung paano, pero naramdamam ko ang enerhiya niya." Malungkot na dumako ang mga mata ni Snow sa kalansay ng clockmaker, a small smile on her lips at napapailing na lang ito, "Hindi ko alam na posible pala siyang maging mabuti. That's a major plot twist."
'He transferred his remaining life force.. A sacrificial spell.' Ni hindi alam ni Pride na posible pala ito.
Pride took the book and smiled.
"I'm glad you're alive, princess."
Bago pa man makasagot ang dalaga, agad siyang inakbayan ni Lust at kinindatan ito. "Baby! Na-miss kita! Lalo ka yatang gumanda. Ganyan ba talaga kapag nabubuhay ulit? Wanna accompany me to my Pleasure Room toni----OUCH!" Napadaing na lang si Lust nang batukan siya ni Wrath. The sin of anger smirked at Snow, "Gumaganda ka nga."
Gluttony hugged her from the side, "And you smell sweeter than candy, sugar-plum!"
Namula ang mga pisngi ng dalaga. Bakit ba parang naging mas malandi na sila ngayon?!
Lihim siyang napangiti.
Snow White is happy that Pride managed to revive them. Masaya siyang mabigyan ng isa pang pagkakataong makapiling ang mga binatang ito. Sloth pinched her cheek and grinned at her, "Ngayong buhay ka na ulit, you'll have to clean the mansion and cook breakfast for us again, angel." Wika nito nang may mapupungay na mga mata. Is he seriously flirting with her?
'Angel?'
Lalo yatang namula ang mukha ni Snow sa bagong palayaw.
Bago pa man makapagsalita si Snow (which is a bit of a hassle since she was leaning on the marble altar for suppport), biglang humarang sa kanila si Chandresh at sumimangot. "Wait right there, brothers! Hindi ko kayo hahayaang pagurin si Snow lalo pa't kakagising lang niya!" He growled at them. Napabuntong-hininga na lang si Snow. 'Mukhang mas naging overprotective si Chandresh..'
Lust rolled his eyes. "Aba! Sinong nagbigay sa'yo ng karapatang tawagin kaming mga kapatid mo?! You never wanted us to be related in the first place!"
Napanganga ang dalaga sa narinig. Mukhang siya lang talaga ang nagulat.
"T-Teka... Magkamag-anak kayo?!"
"Yeah. About that..."
Chandresh smiled apologetically at her. May kinuha ito sa bulsa ng kanyang pantalon at sabay hablot ng itim na libro mula kay Pride. Tahimik niyang pinagmasdan ang binata habang sinusuri nito ang mga pahina. He stopped at a certain page and attached the piece of paper on it. Pinahawak niya kay Snow ang libro at nilingon ang pitong kasalanan.
"I am letting myself be consumed by my sin."
Napanganga ang pito.
Kumunot ang noo ni Snow sa narinig. Ano bang sinasabi niya? Agad niyang binalingan si Pride. The eldest sin sighed and explained everything, "May dahilan kung bakit si Chandresh ang ikinulong ni Boswell sa salamin at kung bakit namin siya hinayaang makulong roon. Kapatid namin siya..pero hindi niya tinanggap ang tungkulin niya noon bilang isang kasalanan."
Snow White's jaw dropped.
Wrath frowned, "Noong nalaman namin sa propesiya na isa sa aming magkakapatid ang magiging sanhi ng pagkamatay naming lahat, we all assumed it was Chandresh so we locked him inside that fucking mirror. Akala namin siya ang magiging problema namin." Wrath laughed. Pasimpleng nag-iwas ng tingin si Pride at umubo.
'Si Chandresh...ay isang kasalanan?'
Nang balingan niyang muli ang katabi, napasinghap na lang si Snow nang mag-ibang anyo ang prinsipe. Well, he was still the same Chandresh she grew to care for, pero mas naging malakas ang karisma nito. His violet eyes became a shade darker, and Snow can feel michief and power radiating off him---katulad lang ng sa pitong kasalanan.
Mukhang tinanggap na nito ang kanyang katungkulan.
Chandresh smirked at Snow and kissed the back of her hand. Narinig niya ang pagpo-protesta ng iba pang mga kasalanan dahil sa ginawa ng kanilang kapatid.
Chandresh's violet eyes bore into Snow's. Her heart skipped a beat at his intense gaze. This is madness!
"Some call me Idolatry, but I'd rather be known as Adoration. Iginagagalak kong makilala ka sa panibago kong anyo, Your Majesty. Asahan mong sasambahin kita habambuhay." At kumindat pa ito sa kanya.
Halos magwala na si Lust sa ginawa ni Chandresh (yes, she will still be calling him that!) at maging ang kambal ay nagpipigil na lang na ihagis ng Jupiter ang panibagong kasalanan. Snow White smiled nervously as the sins' possessiveness took over. Mabilis niyang sinilip ang nakasulat sa propesiya.
Ang inilagay na papel ni Chandresh ay ang huling linya nito...
"She who has lips as red as blood and skin as fair as snow, shall signal the end of the era of seven, too late. A brother to cause the downfall and..."
Snow White gulped.
"...a forgotten sin will appear, the number eight."
It all makes sense. "The end of the era of seven.. Dahil magiging walo na kayo? Sige, naglolokohan na talaga tayo dito eh!" Snow White sighed in frustration. Pasakit na nga sa kanya ang alagaan ang pitong kasalanan, ngayon naman ay may dadagdag pa?!
Chandresh laughed. Muli nitong kinuha ang aklat sa kamay ni Snow at may hinanap muling pahina.
"You want something more twisted, Your Majesty? Read this.."
Naiinis na kinuha ni Snow ang aklat at binasa ang nakasulat doon. Napanganga siya nang makitang konektado ito sa nauna. 'Bullshit! Ilang propesiya ba ang mayroon?!' Pakiramdam ni Snow ay nanlalata na siya. Baka naman pwedeng mamatay na lang ulit? Err.. She was just joking, of course. And before any of them can protest, Chandresh (or Adoration) pulled her close and kissed her!
Snow White's eyes grew wide.
Nang bitiwan siya nito, agad na kumindat si Chandresh at ibinulong, "I just did everyone a favor, Your Majesty. Do you really think we're going to let Pride have you all to himself?" Kumunot ang noo ni Snow lalo na noong ngumiti ang anim pang kasalanan. Teka, ano bang problema nila?
Mahinang napamura ang panganay. Nakakuyom na rin ang kanyang mga kamao at matalim ang tingin kay Chandresh. He adjusted his eyeglasses and sighed, "Kung sinuman ang dalagang mapipili ni Adoration, ay ang siyang magiging Deathly Bride ng walong kasalanan. All he needed to do was seal it with a kiss." Iyon nga ang nabasa ni Snow sa propesiyang itinuro ni Chandresh, though she can't understand anything!
"Anong ibig sabihin ng 'non?"
Sinamaan ni Pride ng tingin ang kanyang mga kapatid. Lahat silang pito ay natatawa! Mukhang masaya na naman sila.
"Babes! May pag-asa pa akong maka-score sa'yo! BWAHAHAHA!"
"Ayos lang 'yan, Mademoiselle! Sa akin ka lang, hindi ba?"
"Chione, wala ka nang takas! Hahaha!"
"Let's polish machine guns together, Snow."
"I'll have my bed ready for you, angel."
"Sugar-plum! Magiging magulo 'to! Hahahaha!"
Pinalibutan siya ng mga kasalanan habang ang kanilang kuya naman ay mukhang asar-talo. Ano ba talagang nangyayari? Pride sighed, again. Parang gusto na niyang lunurin sa Pacific Ocean ang mga kapatid.
"The Deathly Bride. It means... you are engaged to us. A-All of us."
Oh.
Nalaglag ang panga ni Snow sa narinig. Mukhang pinagplanuhan na ito ni Chandresh noon pa! Pasaway talaga. Sabagay, ano nga bang inaasahan niya? She's the princess in this dark and twisted fairytale. Gusto sana niyang sabihin na namuhay sila ng "Happily Ever After" pero alam ni Snow na mukhang hindi ito mangyayari kung makakasama mo habambuhay ang mga binatang ito.
"Aww.. Don't be jealous, Pride. A little competition won't hurt, would it?"
She smirked and kissed Pride's cheek. Namula ang panganay at nahihiyang nag-iwas ng tingin. Tumalon sa saya ang puso ni Snow nang hawakan nito ang kanyang kamay.
"Well, let's see where this crazy story will lead us then, princess."
---
Snow White and the Deadly Sins
written by: NoxVociferans
Two paths emerged in front of her
And yet, Snow White cannot travel both
Being a princess long she stared,
Then took the one where darkness grow.
A mansion materialized from emptiness
A fortress of sadness and despair
Snow White ran into the waiting arms
Of the Seven Deadly Sins living there.
Pride was a bit too full of himself
The devil wore his smirk and glasses
A dominant sin who controls them all
And manipulated her heart, nonetheless.
The second sin cares too little of the girl
for Snow had always challenged his anger
But when Wrath abused her lips one night
Her feelings for him had gotten a lot softer.
Envy's eyes had been fierce and daring
He promised her his love and eternity
Snow had felt their connection at once
And even counted coffins at his cemetery!
"Greedy of your attention," he'd always say
Greed always charms her with his smile
A fairytale prince clad in riches and sin
Made her want to stay for a while.
Lust is a bastard who loves her curves
Or is he in love with his condoms and porn?
Snow doubts his sex drive will always win
For he had "tenderly" kissed her, beyond norm.
Where there is food, there will be Gluttony!
Knowing his stomach cannot accept defeat
Snow cooks his meals and sits with him
His sweet concern making her heart beat.
And then, there's Sloth who captivated her
The angel's music had pulled her strings
Whenever he's near she gets the feeling
His dreams are where her heart for him sings.
Unexpectedly, the eighth sin had fallen
Head over heels in love with Snow White
Adoration had taken his spot in being a sin
For he wanted to be with her in light.
The girl should be telling this with a sigh
Her heart had made a choice eversince
Two paths emerged in front of her, and she---
Snow White took the one less traveled by,
And that has made all the difference.
------THE END------
Yes, there will be a Book 2. Kindly wait for further announcements and thank you for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top