DUODESEXAGINTA

"Nahanap mo na siya?"

Inis na binalingan ni Chandresh ang binatang kanina pa sumusubok sa kanyang pagtitimpi. His violet eyes narrowed at Sloth, "Kung tinulungan mo kaya ako?! We would have better chance of finding her if you'd actually help!" Matapos nito ay huminga siya nang malalim at pinasadahan ng tingin ang kawalan. Everything looks the same! It's like being trapped in a sheet of paper. Blank and lifeless. 'Paano naman namin siya mahahanap sa lugar na 'to?' Hindi maiwasang mag-alala ni Chandresh para sa dalaga. Alam niyang natatakot lang si Snow sa mga nangyayari.. She's doubting herself again, and it's not healthy for her.

Naikuyom ng prinsipe ang kanyang mga kamao. Pakiramdam niya ay gusto nang sumiklab ng galit sa kanyang loob, "I'll kill Boswell for making her life a living hell.."

Sloth yawned, "Too bad. Nauna na kaming pumila para sa karangalang patayin ang hudas na 'yon." Sa totoo lang ay pinaplano niyang hiramin ang ilang laruan ni Wrath para pahirapan si Boswell---unless his other brothers gave anything left of that man for him to torture.

Tumigil sa paglalakad si Chandresh. Panandaliang nawala sa kausap ang kanyang atensyon nang may maalala. "The prophecy.. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan ang ibig sabihin nito."

Sloth studied him with half-lidded eyes, seryoso ang ekspresyon niya at nawala ang anumang bakas ng katamaran. Don't get him wrong, nag-aalala rin siya para kay Snow.. But honestly, he believes that she needs her time alone. Kailangan na munang patatagin ni Snow ang kanyang mga emosyon para hindi ito maging balakid sa mga susunod pang kaganapan. 'Sometimes, we need time alone in order to pick up those broken pieces of ourselves.'

Ibinalik ng prinsipe ng katamaran ang atensyon kay Chandresh, "You're better off not playing dumb, Chandresh. Alam ba ni Snow ang sikreto mo?"

"A-Ano bang sinasabi m----?!"

"You know as much as the prophecy as I do."

Violet eyes pierced through him. Lihim na ngumisi si Sloth. He knew he hit a nerve. It's about time, anyway. Huminga siya nang malalim at nagpatuloy, "Kung tama nga ang sinabi ni Christina na may kinalaman ang sumpa ni Snow sa propesiya, hindi na 'to nakakapagtaka. It was only a matter of time until the confirmation."

Napasimangot si Chandresh, "One of the sins will cause the downfall of the others. Base sa mga kaganapan sa mansyon, si Pride ang ginagamit ni Boswell para patayin kayo."

"Obviously. Buti hindi kinalawang ang utak mo sa ilang siglong pagkakakulong sa salamin."

"Tsk! I never regret my decisions."

Sandaling katahimikan ang dumaan sa kanila. Hindi sila kumportableng pag-usapan ang bagay na ito, lalo't wala ang iba pang kasalanan. Isang maselang sikreto ang inilalahad ng propesiya at hindi na sila magtataka pa kung aksidente itong nalaman ni Boswell noong sinaunang panahon pa. Years ago, that bastard of a clockmaker had ears inside the mansion---being trapped inside a magical mirror gave you that privilege.

"Boswell only wants to get his revenge on the Seven Deadly Sins.. Ikinulong namin siya noon dahil nanggugulo siya sa koleksyon namin. Somehow, he found out that stealing the sinners' life spans and converting them with the help of a few spells can make him outlive time. Dala na rin siguro ng obsession ng gagong iyon sa oras kaya ginusto niya ang buhay na walang hanggan," paglalahad ni Sloth at ginulo ang buhok, "Instead of killing him, we trapped him in a mirror. Ako ang nag-suggest ng bagay na 'yon para may manakot sa mga susunod pang mga katulong kung mapapadpad sila sa maling mga kwarto o hallway. The maids we had before were too nosy and mostly cowards."

Umirap si Chandresh, "You just trapped him in that mirror as a punishment! May reputasyon kayong mahilig sa mga kakaibang parusa. Hindi na ako magtataka sa inyong mga demonyo."

"Shut it."

"Seems that you made a mistake, centuries ago! Ngayon, ang nilalang na pinag-tripan niyong ikulong sa loob ng salamin ay aksidenteng nalaman ang tungkol sa propesiya at sa sumpa, ginamit ang isa sa mga katulong niyo, at ngayon naman ay pinapahirapan si Snow! You all deserve to die, if you'd ask me."

Naikuyom ni Sloth ang kanyang mga kamao. Hinahamon talaga ng isang 'to ang pasensiya niya!

"Nobody's asking you, you pretentious bastard."

Hindi na umimik pa si Chandresh. Kahit pa gusto niya pang makipagsumbatan sa nilalang na 'to, finding Snow is his priority as of this moment. Hindi mapapatawad ni Chandresh ang kanyang sarili kung may mangyayaring masama sa dalagang kanyang hinahangaan. 'She needs me..' Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Ilang sandali pa ay naramdaman niyang sumusunod sa kanya si Sloth.

*

Matagal bago nakapagsalita si Snow. Hindi siya makapaniwala sa natuklasan niya. Ang hirap isipin na ang prinsipeng pundasyon nila, ay ang siyang wawasak sa magkakapatid. Still, a small voice inside her mind told her to see things logically. Malinaw pa sa sikat ng araw ang pag-iiba ni Pride. Boswell is using him to fufill his plans of eliminating the sins. Ngunit kahit na ganoon, pakiramdam ni Snow ay may kulang sa mga piyesa ng palaisipang ito.

"A-Ayokong maniwala. Pride even saved me when those monsters in Tartarus attacked! Noong gumaling siya, he was acting normal!" Hindi na napigilan ni Snow ang pagtaas ng kanyang boses. Kailan nagkaroon ng pagkakataong kontrolin ni Boswell ang panganay na kasalanan? This is madness!

'And that kiss..' Umiling si Snow. Pati ba naman sa mga sandaling ito, aalalahanin niya ang halik ni Pride? Yup. This is truly madness!

Pero napasimangot na lang si Monique, may luha pa rin sa kanyang mga mata. "Look, hindi ko rin alam! Ang mahalaga ngayon ay mailigtas mo sila.."

Snow glared and pushed the girl away.

"Bakit ako magtitiwa sa'yo?! Kung tama ang pagkakaalala ko, inutusan noon ni Pride na patayin ka! Wrath killed you when you went insane, and I bet the other sins weren't too nice either!"

Tama naman, hindi ba? If anything, Monique should be mad at the Seven Deadly Sins! Pinatay siya ng mga ito, ilang dekada na ang nakararaan, tapos ngayon ay sasabihin nito sa kanyang kailangan niyang mailigtas ang magkakapatid? Snow White may be a depressed and lame girl, but she's not stupid enough to accept Monique's words without a clear motive.

Pero imbes na mainis o magalit, isang malungkot na ngiti lang ang sumilay sa labi ng babaeng ito na may nakakairitang kagandahan.

"I-I understand why they killed me.. Hindi naman ako umasa noong magtatagal sa mansyon. Nakalimutan ko na nga kung paano ako napadpad doon.."

Hindi pa rin kumbinsido si Snow, "Then, why are you doing this? Why are you telling me to help the ones who killed you?" Gustong malaman ni Snow ang kasagutan sa mga tanong na ito. Bukod sa mahirap paniwalaan ang ikinikilos ni Monique, lalong mahirap maunawaan ang mentalidad ng tao. People did things that they shouldn't do. Ang daming tao sa mundo ang namimigay ng tulong sa mga batang lansangan at pulubi, kahit pa alam nila sa mga sarili nila na wala rin silang maihahaing maayos na pagkain sa hapag. How could some humans give so openly what little they had on their own plates?

"Love."

Bumalik ang atensyon ni Snow sa babaeng kausap. Monique's smile was genuine. Sad, but genuine. Kababakasan sa mga mata ng dating katulong ang sinseridad.

"I loved Sloth, or atleast, I thought I did.. Mahirap husgahan ang sariling emosyon kapag nasa loob ka ng mansyon," mahinang natawa si Monique at nagpatuloy, "sa kanilang lahat, si Sloth lang ang nakasundo ko. He seems less of a deadly sin than of a normal boy. Hindi ko sigurado kung kailan nagsimula, o kailan nagtapos... But one thing is for sure," Hinawakan ni Monique ang mga kamay ni Snow. Hindi pa rin naglalaho ang ngiti sa kanyang labi, and for a moment, Snow wondered why she was here in hell. "...Ginagawa ko 'to dahil ayokong mapahamak ang magkakapatid. I have no attachment to any of them aside from Sloth, pero paniguradong malaki ang magiging epekto sa kanya kapag napahamak ang mga kapatid niya."

Bahagyang napanganga si Snow. 'How the fuck could someone as pure as this girl be trapped in hell?' At lalong namangha rin siya sa sinabi nito. Nakakabagabag lang na naisip ni Monique ang samahan nilang magkakapatid. If any one of them gets injured badly (or dies), magiging domino effect na ito sa lahat.

Dahil kahit gaano pa pagtakpan ng pitong 'yon ang katotohanan, Snow White knew they have a strong bond. Huminga siya nang malalim at tumango.

Bahala na.

"Paano ko sila maililigtas?"

Lalong gumaan ang ngiti ni Monique. Then, she started speaking in a hushed voice, na tila na natatakot siyang may makarinig sa kanila. Her blue eyes were frantic, and almost regretful. "Nalaman ko ang sikreto ng magkakapatid.. A-Alam ko kung paano sila mapapatay nang tuluyan ni Boswell sa sandaling sumapit ang ikapitong araw.. A hundred years back, I was cleaning the statues near Pride's private study when I heard them. Nakasara ang pinto, so curiosity got me and I----"

"You opened the door at sumilip ka sa loob?"

"Y-Yes.."

Tumango si Monique at bahagyang nag-iwas ng tingin dahil sa hiya. Hiya sa ginawa niya. Snow couldn't blame her, though. Madalas rin naman siyang nalalagay sa alanganing sitwasyon dahil sa "impulses" niya. Pareho lang silang tinatangay ng kuryosidad. Ang ipinagkaiba nila ni Monique? Snow was lucky enough to live.

Lalong naging tensyunado ang dating kasambay.

At inilahad na nito kay Snow ang kanyang natuklasan---ang sikreto sa pagbagsak ng pitong kasalanan. It turns out, the secret or rather, "secrets" had been inside the mansion all along..

'It was so simple!' Snow White thought as she listened to Monique. Kung iisipin mong maigi, iyon na nga mismo ang pinaka-praktikal na gawin ng magkakapatid para matakasan ang kanilang kamatayan.

*
"SNOW!"

Nag matapos ang kanilang pag-uusap ni Monique, agad na napalingon si Snow White sa pinanggagalingan ng boses. Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa blangkong sahig at pinanood sina Chandresh at Sloth na tumatakbo papalapit sa kanya. 'How did they even find us?' Hindi maiwasang isipin ng dalaga.

"Your Majesty, don't get me worried like that again!" Napangiti na lang si Snow nang yakapin siya ni Chandresh. His arms almost crushed her, at kinailangan niya pang suwayin ito para makahinga siya. The violet-eyed prince laughed. Dumako ang mga mata ni Snow sa kinaroroonan ni Sloth.

At nakita niya itong nakatuod sa kanyang kinatatayuan, eyes wide in shock as he stared at the woman in front of him.

Monique smiled and stepped closer to Sloth. Panibagong luha sa kanyang mga mata.

"Sloth.."

"M-Monique?"

Napangiti si Snow nang magyakapan ang dating magkasintahan (or from what Snow can conclude their relationship was). But still, Sloth didn't looked as happy as Monique did. Baka dahil sa pagiging tamad niya? She read in a book before that depression and loneliness is categorized under "sloth". 'Pero sana man lang ngumiti siya!' Naiiritang sigaw sa isip ni Snow.

"Sloth, kamusta k----?!"

"We have to get going. It was nice seeing you again, Monique."

Sa mga salitang binitiwan ni Sloth, napanganga sina Snow at Chandresh. 'I can't believe it! Ilang taon niyang minahal ang babaeng 'to! Hindi na nga ako magugulat kung hindi pa rin siya nakaka-move on! Then he acts all casual?!' Naiirita na talaga si Snow sa nangyayari. She wasn't good with the matters of the heart, pero hindi niya mapigilang manggalaiti sa tagpong ito. Monique looked as surprised as they were.

Sloth could feel their shocked expressions, even if he doesn't look at them. Napabuntong-hininga na lang siya at ngumiti sa dalagang nasa harap niya. Monique's hands slipped off his arms. Nakikita niyang naguguluhan rin ang dating kasintahan sa ikinikilos niya.

But in all honestly, maski si Sloth ay naguguluhan..

Because missing the person you once loved was different from seeing her in a place like this. Nang masilayan nito kanina ang maamong mukha ng dalaga, Sloth's heart jumped in happiness and anticipation---pero wala na rito ang pagmamahal. 'When did that stopped?' Sumasakit ang ulo ni Sloth sa kakaisip. Namalayan na lang niyang iba ang nagiging reaksyon niya.

'Ano bang nagbago?'

Tinitigang muli ni Sloth si Monique na para bang nainis at nasaktan----err, talagang nainis at nasaktan.

"Monique, h-hayaan mo akong magpaliwana---!"

"Bakit ba parang hindi mo na ako mahal?"

Nag-iwas ng tingin si Sloth, at nagnilay. Bakit nga ba? Then, the answer came up. Sinalubong niya ang malalalim nitong mga mata, kasing bughaw ng langit. Her looks had been the primary reason he actually "felt" something for her before.  Napabuntong-hininga na lang si Sloth at hinawakan ang mga malalamig na kamay ni Monique (kahit pa unti-unti itong naglalaho at bumabalik sa anyo nito). Nothing's stable here in hell. Nothing.

"I still do, Monique. Hindi ganoon kadaling pawalain ang pagmamahal. But the thing is, I've already accepted things since you died.. I've learned to move on from you, because holding onto your memories only intensified the pain of your death." Iyon ang totoo. Thinking about Monique every single day became toxic to Sloth. Kada maaalala niya ang dalaga sa bawat sulok ng mansyon at sa mga piyesang tinutugtog niya sa piano, if felt as if he was destroying himself. Hindi rin nakatulong ang araw-araw nilang pagkikita nina Wrath at Pride. Maybe, just maybe...being a demon prince means leaving the fragments behind. All of it. Napagtanto niya lamang ito noong gabi ng taunan niyang pagpupuyat.

'That night..changed something.'

Panandaliang dumako ang mga mata ni Sloth kay Snow. Ibinaling naman niya ang kanyang tingin sa babaeng minahal niya ng buong puso. Minahal.

"I-I can't believe this!"

Napalitan ng galit ang mga mata ng dalaga at mabilis na tinabig ang mga kamay ng kasalanan.

Napanganga na lang lalo si Snow nang makita ang sakit at poot sa mga mata ni Monique. Lalapitan na niya sana ito nang bigla niyang binigyan ng malutong na sampal si Sloth.

"Akala ko mahal mo pa rin ako! All this time, Sloth?!"

"Sa paglipas ng panahon, magigising ka na lang isang araw at maiisip mong unti-unti na palang nababawasan ang pagmamahal mo sa isang mortal. Ilang taon ka nang patay, Monique.. and you almost killed my brothers that night. Kaya ka nandito, hindi ba?"

Natahimik si Monique. Nagpatuloy lang si Sloth, "You're in hell because you were obsessed with me. Nang malaman mo ang sikreto namin, sinubukan mong gamitin ito para patayin ang anim kong kapatid. That way, you'll have me all by yourself..that's what you said. Kaya ka rin nawala sa katinuan."

Nanginginig na sa galit at pagkabalisa si Monique. Her tears never stopped. Humakbang papalapit si Sloth at sinubukan siyang hawakan.

"It's time we both moved on. It's time we both let go."

And it's time Sloth stops blaming himself for her death.

Nag-angat ng tingin ang dalagang may kulay asul na mga mata at mapait na ngumiti.  Tumango lang ito at saka humakbang papalayo, then she ran away. Until nilang pinanood ang paglaho nito.

Napangiwi si Chandresh sa natunghayan. "Ouch. That must hurt..a lot." Ngumisi ito at inakay si Snow para lapitan ang kasalanan. Huminga lang nang malalim si Sloth at himinas ang pisngi bago tumango. "We need to get out of here, and there's no use in arguments." His deep set of coal-black eyes met Snow's.

Umirap lang ang dalaga at tiningnan ang direksyon kung saan tumakbo papalayo si Monique. Hindi na niya ito mahagilap. Napabuntong-hininga si Snow White at tumango kay Sloth, "I wasn't planning to argue. Sasama ako sa inyo."

At sa sandali ring iyon, ginamit ni Sloth ang kanyang kapangyarihan. The fire coiled from above them and dropped as a solid fire rope. Sabay-sabay silang kumapit doon sa naglalagablab na lubid habang minamanipula ni Sloth ang apoy sa kalangitan. He was shortening the rope, pulling them upwards in the process. Sinilip ni Snow ang kabuuan ng impyerno sa kanilang ibaba. Napasinghap siya nang makitang lumalaki ang hukay kung saan naroon ang lawa ng apoy. It was almost engulfing the entire flooring!

'Kapag pumalpak ang plano naming 'to, paniguradong sasaluhin kami ng lawa ng apoy!'

At mukhang lumalaki na ang mga apoy mula sa hukay, almost licking their feet! Kamuntikan nang mapaso sina Snow at Chandresh.

"Sloth! Kailangan na nating makalabas dito!"

Narinig nila ang mahinang pagmumura ni Sloth habang pilit ibinubuhos ang konsentrasyon sa ginagawa. Nang silipin ni Snow ang apoy na harang sa kanilang itaas, napansin niya ang bahagyang paghawi nito na para bang kurtina. Pero makalipas ang ilang sandali, kahit pa ilang daang talampakan na ang taas nila mula sa lupa, hindi pa ring tuluyang bumubukas ang lagusan. 'Shit!' Napapikit na lang si Snow nang umalingawngaw ang pagsusumamo ng mga kaluluwang narito sa impyerno. Their screams and wails pierced through the stillness, and Snow can feel her mind going numb. Nanindig ang kanyang mga malahibo nang tila ba may mga kaluluwang bumubulong sa kanyang tainga.

'Never underestimate  hell.'

Chandresh wasn't doing a good job at keeping his calm either. "Damn it! Kung mamamatay na tayo dito, I'd like to tell you, Your Majesty.. That I-----"

Pero paano naman sila makakalabas dito? Hindi na pinakinggan pa ni Snow ang anumang tunog mabilan sa pagkabog ng kanyang puso sa kaba. Her heart pounded wildly inside her ribcage. Nagmulat siya ng kanyang mga mata, wishing to all the saints out there that someone would come to their rescue. Oh, the irony!

Kaya ganoon na lang ang gulat ng dalaga nang makitang papalabas na sila sa impyernong ito. Her eyes widened in shock as she watched the rope being pulled out of hell. Pinalibutan sila ng nakapapasong apoy, halos hindi na sila makahinga. Ang nakakapagtaka pa, maging si Sloth ay nagulat sa nangyari. 'Akala ko ba kontrolado niya ang apoy?' Napasigaw sa sakit si Snow White nang sinalubong sila ng nakakasilaw na liwanag. Did the saints really hear her plea? Ang buong akala niya----

"BABY!"

Nope. Not a saint.

Nagmulat agad ng mga mata si Snow nang marinig ang boses na 'yon. Hindi na siya nagtaka pa nang makita ang nakangiting mukha ni Lust, his seductive eyes glued on her. Teka, ano bang ginagawa niya rito?

"L-Lust?"

Napahinto sa pagsasalita si Snow nang buhatin siya ni Lust. Bridal style. Kumindat pa ang pangahas na kasalanan sa kanyang direksyon, "Babe, forgive me for being such a hot actor! Ginawa lang namin 'yon para makita kung ano ang magiging reaksyon ni Pride." Alam niyang ang tinutukoy nito ay ang panahong nalaman nila ang sikreto ni Snow. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang nagawa nilang paniwalain si Snow na itinatakwil na siya ng mga ito. 'Still, it's a relief that they're not mad at me..' At ngayong naiisip niya ang sinabi Lust, mukhang tama nga sila ng naging desisyon. Pride made a judgement on her and ordered her execution without talking to his brothers about it. That's not like him at all.

Sumikip na naman ang dibdib ni Snow nang maalala ang panganay. Ibinaling na lang niya sa madilim na silid ang kanyang atensyon. Ilang metro na ang layo nila mula sa lagusan ng impyerno. Chandresh and Sloth stood there, trying to kill Lust with their glares.

Pero parang walang pakialam (o wala naman talaga) ang prinsipe ng kamanyakan at nagsimula nang maglakad.

Humigpit ang hawak sa kanya ni Lust. Did he just squeezed her butt?!

She cried in protest, hitting his musculine chest. "IBABA MO NGA AKO! LUST! YOU LITTLE PERVERT! KAYA KONG MAGLAKAD MAG-ISA!"

Lust winked at her. "Kapag natapos ang kaguluhang 'to, I'll make sure hindi ka na makakalakad pa kada umaga. Rawr!"

Snow's eyes widened in disbelief. Pakiramdam niya ay umiinit na ang kanyang mga pisngi sa hiya.

Tinahak nila ang daan palalabas ng silid, pero agad rin silang napahinto. Tila ba may harang silang natamaan. Dahil dito, binitawan na siya ni Lust at hinimas ang naumpog na noo. "Aw.. Fuck. Ano 'yon?!" Naalala bigla ni Snow ang invisible force field na pumigil rin sa kanilang makapasok dito. 'Ang akala ko napawala na nila?' But when Snow White touched the empty space in front of her, naramdaman niya ang pagiging "solid" muli nito. Chandresh and the sins noticed too. Napasimangot ang prinsipeng may kulay lilang mga mata. "Mukhang may rason kung bakit nila inilagay ang harang na 'to.. It's not intended to keep us out. It was probably build to keep us in."

Sinubukan nilang basagin ang harang na ito, pero walang nangyari. Mukhang tama ang hinala ni Chandresh.

"Who gave you permission to speak, violet?" Nang-aasar na wika ni Lust.

"Call me that again and I'll shove your sorry ass in hell!" Chandresh growled.

'Damn. 'Wag mo sabihing plano pa nilang mag-away?' Snow White sighed. "Kailangan nating makalabas dito. Sloth, can't you disable it?"

Napailing ang prinsipe ng katamaran. "I used too much energy getting us out of hell. Wala na akong magagawa pa."

Binalingan ni Snow si Lust na ngumiti lang sa kanya. "Err.. Baby, sorry but shields and spells aren't my line of expertise."

At mas lalo namang walang magagawa si Chandresh. Napayuko na lang si Snow at sinandalan ang harang na humahadlang sa kanila para makatakas ng silid na ito. From where she is, nakikita pa rin niya ang paglagablab ng mga apoy ng impyerno, a soft red-orange glow from deep within. 'Paano naman kaya kami makaka----'

Natigil ang kanyang pag-iisip nang biglang nawala ang kanyang sinasandalan. Snow White yelped in surprise nang may mga kamay na sumalo sa kanya.

"Looks like my damsel in distress needs her knight with a shining spoon and fork."

Nang lingunin ni Snow ang kanyang likuran, nagtama ang mga mata nila ni Gluttony. The food-lover smiled and helped her regain balance. Napangiti na lang ang dalaga. "Himala yata at wala kang dalang pagkain."

"Naubos ko na."

Kasabay nito ay ang bahagyang pagyanig ng lupa dala ng pagsabog sa itass. Nagkatinginan sila lima. Mukhang mapapasabak na naman sila sa aksyon. Soon enough, Snow White, Chandresh, and the sins ran up the darkened stairwell. Hindi na nila alintana ang dilim ng lugar habang mabilis nilang tinatahak ang daan paakyat at papalabas sa silid ng lagusan ng impyerno. Sumalubong sa kanila ang liwanag at bangkay ng ilang sundalo ni Hades.

Snow White was immediately pulled to the side, just in time to avoid several arrows. Tiningnan ni Snow ang kanyang paligid. Mukhang dumaan ang isang kalamidad sa silid na 'to. Ang mga pader at sahig ay tuluyan nang nagkabitak-bitak. 'At paano nagkaroon ng butas doon?' Baling niya sa pader na may napakalaking butas. It's as if someone or something broke in.

"WOOF! WOOF!"

At noon lang napagtanto ni Snow ang presensiya ni Cerberus sa silid. The giant dog tossed the soldiers away, shooting fireballs in three directions. Sa ibabaw nito, minamanduhan ni Wrath ang pag-atake ng higanteng alaga. Napapitlag na lang ang dalaga nang biglang umalingawngaw ang ingay ng machine gun sa gilid niya. She stared at Envy who smiled warmly at her, hawak nito ang machine gun ni Wrath. Ang pinakamamahal at pinaka-iingatang machine gun ng kapatid nito. 'I'm surprised Wrath even allowed them to use it!'

"We'll protect you, Chione. 'Wag kang mag-alala."

Sa kanan naman ni Snow ay natawa si Greed at inagaw kay Envy ang machine gun. Pinisil ng prinsipe ng kasakiman ang pisngi ni Snow at nagsalita, "I won't let them take you away, Mademoiselle. Akin ka lang, hindi ba?"

Hindi na nakaimik pa si Snow nang sabay nilang sinalag ang pag-atake ng mga kaaway. The twins worked in sync, two demons who are experts in close combat. Pinanood lang ni Snow ang paglalaro ng mga ito habang ibinabalibag ang ilang gwardiya. Mukhang kontrolado nga nila ang sitwasyon. At kung magiging totoo si Snow sa kanyang sarili, inaamin niyang na-"miss" niya ang kambal. She missed Lust, Gluttony, and Wrath, too. She missed them all. Snow White missed the Seven Deadly Sins... And of course, she misses their eldest too. 'Bullcrap. Ito na nga ba ang sinasabi ko sa pagiging attached eh!' Suway niya sa sarili.

Huminga siya nang malalim at hinayaang sumiklab ang kaguluhan sa kanyang paligid. Sa kabilang dulo ng silid ay nakikipaglaban sina Sloth at Lust kay Hades. Blue flames engulfed their bodies, but the two sins brushed them off like dust on a cloth. Mabilis na umilag si Snow nang kamuntikan na siyang tamaan ng espada ng isang kaaway. Sa inis niya, dinampot niya ito at sinugod ang kalaban. The blade soon ripped through flesh, the head of a soldier fell on the floor. Pinunasan ni Snow ang dugong tumalsik sa kanyang pisngi.

Napansin niyang nakatingin sa kanya ang kambal, isang makahulugang ngiti sa kanilang mga labi.

Kumunot ang noo ni Snow. "What?"

"Wala." Sabay nilang sabi, though their eyes told her that they were proud of her. Malamang ay ipinagmamalaki siya ng mga ito dahil hindi nasayang ang kanilang pagte-training sa dalaga. She's more than capable to defend herself.

'But can I defend myself from my inner demons?' Wala sa sariling napahawak sa kanyang leeg ang dalaga, sa parte kung nasaan ang kanyang marka. Gamit ang duguang espada, tiningnan niya kung ilang bilog na lang ang nasa itaas ng hourglass. She cursed under her breath when she realized only one remained.

One day left.

Nahigpitan niya ang pagkakahawak sa espada, nanginginig ang kanyang mga kamao sa kaba at galit.

Napaisip si Snow. Dapat nga sigurong nagpaiwan na lang siya sa impyerno.. But after what Monique told her, alam niyang mas lalong walang mangyayari. Pride is finishing her job. Siya na ang ginagamit ni Boswell para patayin ang sarili niyang mga kapatid. Napagtanto ng dalaga na isa lang pala siyang "decoy" sa mga plano ni Boswell. Malamang ay matagal na nitong gustong manipulahin ang panganay sa mga kasalanan. "Checkmate," she murmured. Kung hindi siya nagkakamali, sa chess, ang "checkmate" ay ang paghuli sa hari. In this case, Boswell had managed to get to Pride.

Ang ipinagtataka na lang ni Snow, ay kung bakit naging normal pa rin ang pakikitungo nito sa kanila noon? Was it all an act? Kung tama ang hinala ni Chandresh, magmula noong gumaling sa kanyang sakit si Pride, something changed in him. But how could she believe in that when Pride kissed her moments after?

Oh, what a twisted fairytale this is!

"Snow, look out!"

Natumba si Snow nang itinulak siya ni Chandresh. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang malalaking spikes na nanggaling sa kung saan. Bumaon ang mga ito sa pader, black metal spikes glinted deadly at her. Paniguradong sa mga kabaong ni Envy ang hantong niya sa oras na matamaan siya ng mga ito. Chandresh got off her. Tinulungan siya nitong tumayo, at nang hanapin ni Snow ang pinanggalingan ng mga ito, tumalim lalo ang kanyang tingin nang makita ang bruha.

Morticia stood a few meters across the room, bahagyang hindi nakaayos ang mga damit nito.  Nakangisi ang mangkukulam sa kanya, an eyebrow raised. "Sayang. Kung wala lang sanang pakialamerong sumagip sa'yo, I'd surely celebrate your death by now."

Hindi niya personal na kilala ang babaeng ito, but that wasn't an excuse. Morticia makes her blood boil. 

"Bakit ba parang may personal kang galit sa'kin? The last time I checked, I never did anything to spoil your hair."

Umirap si Morticia. "I just hate stupid mortals like you." At may ibinulong itong enchantments. 'Tsk. Mukhang magkakasundo sila ni Fleur!' Napahakbang papalayo si Snow nang lumitaw ang ilang naglalakihang mga blade sa kanyang harapan. The objects hurled towards her with incredible speed. "Shit!" Umilag si Snow sa ilang atake. Mabuti na lang at agad siyang tinulungan ng kambal ma tila ba natutuwa pa sa malalaking blades!

Inis na naikuyom ni Morticia ang kanyang mga kamao. Pero bago pa man siya makakilos, a man stepped from behind her.

"Don't get so worked up, love. I'll take care of this."

Pakiramdam ni Snow ay tuluyan na niyang nakalimutang huminga. Hindi niya maialas ang mga mata sa bagong-dating. Everyone in the room stopped fighting. His presence was enough to make them stare in respect. Maging ang kambal na kanina pa naglalaro ng machine gun ay napahinto.

His footsteps resonated within the central room. A strong aura that can make you cower in fear, authority in those dark eyes. Hindi maalala ni Snow kung kailan nagtanggal ng salamin ang panganay. Heck, she can't even remember his hair messier than normal! Pero ang kanyang mga mata.. 'His eyes are the same shade of brown, almost black. Emptiness.'

He was always trying to hide his empty heart.

Isang walang ekspresyong tingin ang ibinigay sa kanila ni Pride. Sa isang kumpas ng kanyang kamay, nahawi ang lahat. Halos matumba sila sa lakas ng pwersang taglay ni Pride. The eldest sin then sent flames in their direction. Sinubukang umilag ni Wrath sa mga ito, pero ganoon na lang ang gulat ng prinsipe nang sundan siya ng apoy. "DAMN IT! PRIDE, SNAP OUT OF IT, YOU IDIOT! MGA KAPATID MO KAMI!" Mabilis na sinalag ni Wrath ang mga ito gamit ang sariling apoy. The ground cracked beneath them, pero tila walang narinig si Pride.

He was too powerful.

Natawa si Morticia, halatang naaaliw sa mga pangyayari. "Mga kapatid? Pride doesn't have any. He only needs me!"

Umaktong nasusuka si Lust. "Yuck."

Ibinaling ng mangkukulam ang galit sa sex addict at inis na ibinato rito ang ilang mga patalim na nakalutang sa ere. Morticia is getting good at object manipulation. Mahinang napamura si Snow nang daplisan siya ng mga ito. Mukhang may plano talaga siyang patayin ng bruhang 'to!

"FUCK!"

Bumaling si Snow sa kinaroroonan ni Pride. Kinakalaban na nito ang kambal. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang dugong dumadaloy mula sa braso ni Envy. Greed hesitated with his attacks, but Pride gave no mercy. Nang akmang patatamaan na niya ang mga ito gamit ang hawak na patalim, mabilis na pumagitna si Snow. 'Shit! I can't let this happen!' At sa isang iglap, nagtama ang kanilang mga sandata. Their swords clashed and Snow felt the force Pride exerted. Tumalim ang tingin nito sa kanya. Napalunok si Snow.

"Pride! Ano bang nangyayari sa'yo?! They're your brothers, remember?!"

Iwinasiwas ni Pride ang kanyang espada sa binti ni Snow. Masyadong mabilis kaya't hindi siya nakailag. Muntik na siyang nawalan ng balanse, mabuti na lang at ang prosthetics niya ang natamaan nito. She gritted her teeth in annoyance.

"Ikaw ang pundasyon ng Seven Deadly Sins! Damn it! How can your brothers survive this if you're not strong enough to resist?!"

Paano ba nangyari ang lahat ng ito? Panandaliang dumako ang mga mata ni Snow kay Morticia. Then, she remembered something.

"T-The kiss..."

Morticia's lips curled. Naaalala ni Snow ang unang pagkakataong nakita niya ang babaeng ito. Iyon ang mga sandaling hinalikan niya si Pride. Malakas ang kutob ni Snow na kung anuman ang nangyayari kay Pride ngayon, Morticia used the kiss to control him. A spell? A jinx? Naaalala ni Snow na bahagyang dumadaing ng sakit si Pride magmula nang mahalikan siya ni Morticia. Then, he collapsed and became sick. Maybe Pride was resisting whatever spell Morticia did to him.. Baka sadyang naghintay lang ng pagkakataon si Morticia para kontrolin ito nang tuluyan.

"You did this to him.."

Bumabaon ang mga kuko ni Snow sa kanyag mga palad. Puno ng poot ang kanyang mga mata. Boswell clearly instructed her to do so. Nasa plano niya itong lahat. Hindi na nga siya magugulat kung sadyang hinintay lamang nila ang tamang oras para sirain si Pride. Mr. Jeremy Hans Boswell is a patient man and a fucking bastard.

'Pride..'

Snow stared at Pride and smiled sadly. Wala pa ring emosyon sa mga mata nito. Snow felt tears forming in her eyes. Tila ba hindi na niya kilala ang binatang ito. Alam niya, hindi ito ang oras para maging emosyunal. But seeing the sin she loves being destroyed inside-out, is too much to bare.

Si Pride ang papatay sa kanilang lahat. At wala na siyang magagawa roon.

"Hindi ko alam kung naririnig mo ako o kung nasa tamang pag-iisip ka pa," Snow raised her sword, "pero ipinapangako kong gagawin ko ang lahat para mapalaya ka sa kontrol nila, Pride. Ililigtas kita, tulad ng pagligtas mo sa'kin mula sa buhay na puno ng kalungkutan noon.. If it weren't for you, I wouldn't be here. Utang ko sa'yo ang buhay ko, kaya pati ito ay itataya ko para sa'yo."

Kailangan na nilang tumakas. Pero hindi nila ito magagawa kung kakalabanin pa nila si Pride.

Shs sighed. Mabilis na ibinato ni Snow ang kanyang espada sa direksyon ni Morticia. The witch easily dodged it and rolled her eyes again. "You missed."

Snow smirked.

"I didn't."

At kasabay ng mga salitang 'yon, tumama ang espada sa lubid na nagsisilbing suporta ng engrading chandelier. Tumalon papalayo si Snow White. The blade cut the rope, and in a blink of an eye, the chandelier fell on Pride. The crystal structure crashed on the sin, fragements of glass showered the room.

Napanganga ang ibang mga kasalanan.

"Tara na!"

Sigaw ni Snow at sumakay na sa likod ni Cerberus. Tumango na lang sila at mabilis na sumunod sa dalaga. Even Chandresh was speechless! Mabilis silang tumakas sa mansyon. Mukhang may silbi pa rin ang malaking butas sa pader na gawa ni Cerberus.

Sapat na ang pinsalang ginawa ni Snow para bahagyang tumigil ang gulo. Sapat na ang pagkakataong ito para makatakas sila. Alam ni Snow kung gaano kalakas si Pride. It would take more than that to actually hurt him. Napabuntong-hininga siya at dinama ang paghampas ng hangin sa kanyang mukha habang binabaybay nila ang daan patungo sa bangin, pabalik sa Eastwood...pabalik sa mansyon.

Hindi na siya nahilo sa biyahe.

---

Long ago I wished to leave
" The house where I was born; "
Long ago I used to grieve,
My home seemed so forlorn.
In other years, its silent rooms
Were filled with haunting fears;
Now, their very memory comes
O'ercharged with tender tears.

---"Regret",
Charlotte Bronte

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top