DUODEQUINQUAGINTA

Snow stared at him for a few seconds, wondering if Pride was messing with her. Hindi pa rin makapaniwalang ito ang paboritong silid ng panganay na kasalanan. Paniguradong may ibang silid na lubhang mas nakakatawag-atensyon. Sloth has his stargazing room (na nalaman niyang ang pangalan pala ay ang "Conservatory"), Gluttony has his never-ending food storage of a Dessert Room,  Wrath with his deadly Torture Room,  Envy with his creepy coffin-filled cemetery, Lust and his beloved Suicide Beach, at kung hindi siya nagkakamali, Greed has his "Treasure Island" locked up inside the mansion walls (masyado nga lang siyang sakim para ituro kung saan ito matatagpuan).

At habang nakatitig si Snow sa mga pader ng silid na ito, walang kabuhay-buhay o kahit pintura man lang, naiisip niyang siguro nga ay nababaliw na rin ang panganay.

Napansin ni Pride ang ekspresyon niya. Nakita ni Snow ang pagsimangot nito.

"You don't believe me."

Nahihiya siyang ngumiti, "Err.. O-Of course I do----!"

"Lying won't do you any good, Snow White. Siguro naman ay natutunan mo na ang leksyon na 'yon."

Natigilan ang dalaga sa sinabi ni Pride. Ilang sandali siyang nanahimik bago nakapagsalita, "Ang hindi ko lang maintindihan, bakit ito ang paborito mong kwarto sa mansyon? There are amazing rooms inside this mansion. Minsan kapag nadadaanan ko ang mga kwartong naka-lock pa rin, naiisip kong may panibagong istorya sa likod ng mga pintuang 'yon. This place seems like a wonderland, but your room is just so empty, Pride. Bakit?"

Ayaw mang aminin ni Snow, pero nakakapanibago para sa kanya na ihayag ang sariling opinyon sa harapan ng lalaking ito.

With what she said, Pride smiled and stood up. "Come here," at inilahad niya kay Snow ang kanyang kamay. Naramdaman ni Snow ang pag-init ng kanyang mga pisngi ngunit agad rin niyang inilapat ang kanyang palad dito. Pride gently pulled her to her feet, kumikirot man ang mga sugat niya, hindi na ito ininda ni Snow.

He dragged her to an opposite wall, her hand in his.

'Paano ba pakalmahin ang puso?' Mahinang napamura sa isip si Snow White. Ano bang nangyayari sa kanya? This is madness at its best!

Huminga nang malalim si Pride at inilapat ang kamay ni Snow sa pader. Nang makita niya ang pagtataka at kuryosidad sa mukha ng dalaga, napailing na lang ang nakatatandang kasalanan. 'She had always been as curious as a cat..' He mused to himself. "Anong nakikita mo?"

"Ginagago mo ba 'ko, Pride? This is just a plain wall.." Pagtataray nito sa kanya.

Umirap na lang si Pride at nagpatuloy, "Anong nararamdaman mo?"

Mabilis na namula ang mga pisngi ni Snow sa katanungang 'yon. "A-Anong nararamdaman? W-Why the hell are you asking t-that?"

Pride chuckled at her foolishness. He adjusted his eyeglasses and smirked, "Nararamdaman mo diyan sa pader. I'm not asking you about your feelings for me yet, so you better control your hormones, princess."

Nahihiyang umiwas ng tingin si Snow at tiningnan ang pader sa kanyang harapan. "This wall just feels bare. Almost lifeless."

Tumango si Pride at inilapit ang kanyang bibig sa tainga ni Snow. His body inched closer to hers, at nararamdaman ng binata ang kaba ng kanyang prinsesa. Napangisi siya lalo. Gusto niya ang epekto niya sa dalagang ito--no matter how foolish and reckless she can be.

"Tulad ng sinabi ko kanina, this room is as empty as I am. Katulad ko ang silid na ito, o mas mainam nang sabihin.. Repleksyon ko ang silid na 'to, Snow. This is what I am, inside and out. Plain, lifeless, and empty."

"Pero bakit ito ang paborito mo?" Kumunot lalo ang noo ni Snow.

"Well, let's just say that this room is my escape from the chaos happening inside this mansion. Ito lang ang lugar kung saan ako nakakapag-isip nang walang gumugulo sa'kin. May kinalaman rin ito sa gampanin ko sa'ming magkakapatid."

"Paano?"

In the faint light, nasulyapan ni Pride ang mga mata ni Snow White. Katulad ng ibang mortal, kulay tsokolate ang mga ito. Though, Pride would admit.. Snow White has the loveliest set of chocolate brown eyes.

"Ako ang pundasyon naming magkakapatid, princess. If anything happens to them, I can fix them. Kapag dumating ang panahong ikinakatakot namin, I'm the only one who can restore everything.. Iyon rin siguro ang dahilan kung bakit ako ang ginagambala ni Boswell." 

"Paano naman niya nalaman 'yon?"

Nagkibit ng balikat si Pride. "That's already a given fact. Alam ng halos lahat ng nilalang ng Tartarus ang bagay na 'yon. Hindi na ako magtataka kung sinabi sa kanya ni Morticia." Pagkasabi ng binata ng pangalan ng dakilang mangkukulam na tumutulong kay Boswell, lalong sumama ang timpla ni Snow. Naaalala niya ang unang beses niyang nakita ang bruhang 'yon. Huminga nang malalim si Snow at matapang na sinalubong ang mapanuring mga mata ni Pride. She leaned against the wall and looked up at him. "Pride, dalawang araw na lang at mawawalan na kayo ng kapangyarihan.. Ano nang gagawin natin?"

Nag-iwas ng tingin si Pride. Noon lang napansin ni Snow ang mga pantal sa katawan niya. 'Akala ko ba magaling na siya?' Pinilit niyang iwaksi sa isipan ang bagay na 'yon. Maybe she's just overthinking.

"Hindi natin kontrolado ang susunod na mga mangyayari, princess." Mahinang tugon ni Pride, his eyes telling her something that she couldn't comprehend. Huminga nang malalim ang kasalanan at tumitig sa kanya, "Kapag dumating na ang araw na 'yon, don't trust anyone. Not even me." Seryoso ang boses nito, may babala sa bawat pantig ng kanyang sinabi.

Masama ang kutob ni Snow sa ikinikilos ni Pride. Ano na naman bang problema ang kahaharapin nila?

"Pride----?"

"For now, I have to give you something."

Iniangat ni Pride ang kanyang ulo. Her eyes widened when he smiled at her. Bumilis ang tibok ng puso ni Snow, like a monster wrecking havoc inside her chest.

At sa loob ng madilim at walang laman na silid na 'yon na repleksyon ng kasalanang namamalagi roon, naramdaman ni Snow ang paglapat ng mga labi ni Pride sa kanya. Hindi niya maintindihan ang sinasabi sa kanya ng binata, pero sa likod ng takot at pangamba..

Snow White is willing to accept him, no matter how empty and lifeless he is.

Sa kalagitnaan ng kanilang halik, hindi namalayan ni Snow ang paglilipat sa kanya ng liwanag ni Pride. The soft glow that radiated inside him slowly transferred into her. 'Kapag dumating na ang tamang panahon, mauunawaan mo ang sinasabi ko, Snow..' Mahinang bulong ni Pride sa kanyang isipan.

Pride deepened the kiss.

---

What is she like?
   I was told—
   she is a
   melancholy soul.

She is like
   the sun to night;
   a momentary gold.

A star when dimmed
   by dawning light;
   the flicker of
   a candle blown.

A lonely kite
   lost in flight—
   someone once
   had flown.

---"The Wanderer",
Lang Leav

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top