DUO
Naging mabilis ang mga pangyayari para kay Snow White. Namalayan na lang ng dalaga na sinusundan na pala niya ang misteryosong lalaki papasok sa isang gubat. Hindi niya alam kung gaano katagal na silang naglalakad. Malayo na sila sa lungsod at sa wakas, nakikita na niya ang buwan sa kalangitan.
'When was the last time I saw the moon?' Hindi na niya matandaan. Memories already escaped her like water poured over a hand, slipping away and forgotten. Inobserbahan na lang niya ang paligid. Walang katao-tao. Siguro kung papatayin siya ngayon dito ng lalaking ito, he could easily get away with it---not that the useless judicial system can make him atone for his sins, anyway.
"Malapit na ba?"
Wala talaga siyang ideya kung bakit sila nandito. Malalago ang mga puno sa parteng ito ng kagubatan at napupuno ng natuyong dahon at sanga ang lupa. Snow can hardly see anything and her feet are killing her.
Hindi sumagot ang binata.
Ano pa bang aasahan niya? Hindi na talaga siya magugulat kung maglalabas na lang ito bigla ng itak at pagtatatagain si Snow. Wala na siyang pakialam. Bahala na kung saan siya mapadpad. Ito ang pinili niyang landas, at wala nang atrasan ito.
Darkness embraced her as they walked deeper into the forest. Maririnig mo ang mangilan-ngilang huni ng mga ibon sa di kalayuan at ang pagtunog ng mga dahon sa ilalim ng kanilang mga paa. The air grew colder, but it didn't affect her. Sanay na siya sa lamig.
Ilang beses pa siyang nadulas sa pababang bahagi ng daanan at nagalusan na ang kanyang binti. She was then worried that her prosthetic leg would give up. 'Ano na lang ang gagawin ko kung mangyari 'yon?' Ayaw na niyang isipin.
Makalipas ang higit kalahating oras, huminto ang lalaki.
"We're home."
Snow stared at his back. Home? Such a foreign word. Dala ng kuryosidad, sumilip siya sa harapan at napakunot ang noo sa nakita. The man smirked and stepped aside, showing her more of the view. Lokohan ba 'to?
"There's nothing here..."
Sa harapan nila ay ang isang malawak na kapatagan sa gitna ng masukal na gubat. The night sky stretched above the clearing, and the grass felt dry here. Ang nakaagaw ng kanyang atensyon ay ang malaking "crater" sa gitna ng field. May lalim itong nasa limang talampakan at parang isang buong football field ang lawak.
She turned to the man who smugly smiled at her.
"Wala akong nakikita." Simpleng sabi ni Snow.
"Iyon ay dahil ayaw mong makita. Close your eyes and look again, princess."
Iminuwestra ng lalaki ang crater sa kanilang harapan. Walang pagdadalawang-isip na sinunod ni Snow ang sinabi niya. She closed her eyes and took in a deep breath before opening them again. Sa pagkakataong ito, natigilan siya sa nasaksihan.
Unti-unting nagbagong anyo ang paligid. The empty crater was gone. In its place, a giant mansion materialized. Itim ang kulay nito at Gothic ang tema. Mula sa kinaroroonan niya, napansin agad ni Snow ang gargoyles sa bubong nito. Malaki ang mansyon na may tatlong palapag at para bang kastilyo ang disenyo ng labas nito. Nonetheless, the marvelous mansion is protected by a black iron gate with intricate designs; outside of these are elegant lamps that glowed an eerie yellow.
Humakbang siya papalapit at tinitigan ang itim na metal na korteng ahas na nakapulupot sa gate. It served as a lock.
"There is a difference between 'seeing' and 'looking', princess. You should now that by now." Tumabi sa kanya ang estranghero at may ibinulong ma mga salita. She can faintly distinguish the language as Latin, pero hindi niya makuha ang ibig sabihin nito. Mayamaya pa, bigla na lang gumalaw ang metal na ahas at unti-unting bumukas ang malalaking gates. 'What on earth is this?' Hindi siya makapaniwala sa mga nakikita niya.
The giant black bars creaked open and Snow felt a chill run down her spine. Tama ba itong ginagawa niya?
Naglakad na papasok ang lalaki at agad rin naman niya itong sinundan. Dumaan sila sa malawak na bakuran. Snow stared at the cobble stone way they are walking on. When the reached the front of the mansion, a spectacular marble fountain towered over them. Ang estatwang nakadisenyo dito ay isang anghel na putol ang mga pakpak. The statue stared back at Snow. Hindi niya maiwasang matakot dito.
"This way, Snow White."
Snow abruptly walked towards the man who stood in front of the mahogany double doors. Ngumiti sa kanya ang lalaki, "Welcome to our mansion." Kasabay ng pagbanggit ng nga katagang ito, bumukas ang mga pinto. Napapitlag ang dalaga nang bumungad sa kanya ang malamlam na ilaw na nanggagaling sa loob.
"This is..."
She stepped inside. Napapikit siya nang malanghap ang hangin. It smelt of jasmine and burned parchment. Makinang ang sahig at elegante ang buong mansyon. Napatingin siya sa chandelier na nakasabit sa itaas, millions of little diamonds dangling from the celing in gold drippings. "This is amazing," Snow White murmured and glanced down a hallway. May naririnig siyang mahinang musika. Parang pamilyar sa kanya ito.
Just as she was about to ask the mysterious man, he walked past her, "I'm glad you like it. Now, let me make the appropriate arrangements for our contract." At naglaho na ito sa kabilang pasilyo. Naiwang nakatayo roon si Snow, sa bestida niyang itim na puno ng disenyo at laso. Mayroon rin siyang neck choker, with a pendant of a silver apple. She silently cursed Mr. Remi for dressing her like a china doll.
'Gustung-gusto nila akong gawing manika..' Mapait niyang isip at naglakad-lakad. The junction where her prosthetic leg is attached painfully cutting through her knee cap. Bigla niyang naalala na hindi pa pala alam ng lalaking iyon ang tungkol dito. Huminga siya nang malalim at napagdesisyunang 'wag na lang sabihin ang tungkol dito.
'He doesn't need to know that I'm a freak. Baka palayasin pa niya ako dito.'
Sa kanyang paghihintay, patuloy ang musikang nanggagaling sa kanang pasilyo. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung ano ang musikang iyon. Snow White immediately walked towards the hall, entranced with the melody. Magmula noong bata siya, naririnig na niya ang musikang iyon. Back then, she would longingly stare at the Eastwood Music Academy, assessing the pieces on her own. Limang taong gulang lang siya nang mapadpad sa lugar na iyon, at magmula noon, lagi na niya itong binibisita. She wasn't able to study there, tough. Her parents would never let her.
Sa madilim na pasilyong naiilawan ng candle lights, hinanap ni Snow ang pinagmumulan ng musika. Every rythmn and note was beautifully crafted. 'Kung sino man ang tumutugtog, I bet he's an exceptionally talented pianist', puri niya sa kanyang utak.
Atlast, she reached a chamber at the end of the hall. May ilaw na nanggagaling sa silid na 'yon.
Tahimik na sumilip si Snow mula sa gilid ng pader at doon, nakita niyang isa palang music chamber ang kanyang narating. In the middle of the chamber, a grand piano sat illuminated by the soft glow of another chandelier. Dumako ang mga mata ni Snow sa lalaking tumutugtog.
The pianist's eyes were casted downwards, concentrating on the piano keys as his fingers expertly played each one. Dinadama nito ang musika at ang mahikang dala nito. Snow's heart beated calmly against her chest. His music sounded like it came from heaven.
Pero habang tinititigan niya ang lalaki, hindi niya maiwasang isipin na para bang malungkot ito. Para bang may iba pang dahilan kung bakit niya pinili ang piano piece na 'to. Snow White watched as the man poured his emotions with music.
The piano and the man became one.
Natapos ang musika.
Nag-angat ng tingin ang lalaki at nagtagpo ang kanilang mga mata. Snow silently gasped upon meeting a dep set of coal black eyes. Nakatitig lamang ito sa kanya na para bang binabasa ang kaluluwa niya. His lips are in a straight line, emotioneless. Hihingi na sana siya ng paumanhin nang biglang may magsalita sa kanyang likuran, "Ah, there you are. Kanina ka pa namin hinahanap."
Nang lumingin si Snow, nakita niya ang misteryosong lalaking nagdala sa kanya rito. She gulped and smiled awkwardly, "Sorry. I got bored."
"It's fine, princess. Now, shall we go back? Kailangan mo pang pirmahan ang kontrata." Isang mapaglarong ngiti ang gumuhit sa mukha nito. Snow White timidly nodded and glanced back at the pianist. Naglalakad na pala ito papalapit sa kanila. Hindi alam ng dalaga kung ano ang magiging reaksyon niya.
She stared at him, studied him like a specimen under a microscope, pero ni hindi siya nito dinapuan muli ng tingin.
The man who brought Snow White here nodded at the pianist, "Pumunta ka sa private study ko, Sloth. We need to formally welcome our new slave."
Sloth.
Teka...slave?
Hindi na maganda ang kutob ni Snow White dito. Pero imbes na panghinaan sa isiping magiging alipin siya ng mga ito, her eyes remained on Sloth who stood in front of them. Tamad na nakapamulsa ito at walang-ganang binalingan ang katabi niya, "Can't I just go back to my room? Nakakatamad pumunta sa private study mo, Pride. Baka tulugan ko lang ang ritwal."
'So, the man who brought me here is named Pride', gusto na niyang matawa sa naiisip. She wasn't much of a religious person, but their names sound awfully familiar!
Snow watched as Pride adjusted his eyeglasses once again, and glared hard at Sloth.
"For once, stop being such a lazy ass, brother. Kung ayaw mong sunugin ko ang pinakamamahal mong unan, pumunta ka sa ritwal."
Sloth tensed, "B-Brother, that's now necessary! Pwede bang maidlip muna ako tapos mamaya na lang ako----"
"Now."
Napabuntong-hininga si Sloth at nauna niyang naglakad papunta sa direksyong pinanggalingan nila Snow. She hesitantly watched him walk away at a leisurely place, hands in his pockets. Bago siya tuluyang makalayo, nagsalita ang dalaga.
"Für Elise."
Sloth stopped in his tracks, but didn't turn to look at her. Nagpatuloy lang si Snow White, "Für Elise by Ludwig van Beethoven. Iyon ang piyesang tinutugtog mo kanina, hindi ba?" Hindi siya maaaring magkamali. Snow can recognize that piece anywhere. It was actually one of her favorites.
Nagkibit lang ng balikat si Sloth at nagpatuloy sa paglalakad. Binalot ng katahimikan ang paligid kasabay ng pagbalot ng kadiliman ng pasilyo sa lalaki. Snow White sighed. Ano pa bang aasahan niya? She couldn't expect a nice treatment from anyone.
Nanigas na lang siya sa kanyang kinatatayuan nang hawakan ni Pride ang kamay niya. Snow met his eyes, but he wasn't looking at her, "We need to go, princess. Don't want to keep my brothers waiting, now, do we?" At marahan na siyang iginiya nito sa kung saanmang lupalop ng mansyon.
*
"Chione White."
Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang sabihin ito ni Pride. She sat across from him, dito sa loob ng kanyang private study. The room is actually a stunning place with bookshelves and ancient artifacts adorning the walls. May mangilan-ngilang paintings na agad rin niya nakilala kanina. 'Caravaggio paintings, and some from Picasso. He must also be an art enthusiast', she concluded earlier that evening. Mas lalo siyang nagulat nang mapansing authentic ang mga ito.
Pride sat in his red chair, with an air of confidence and power, his eyes never leaving hers as he pushed the parchment of paper closer to her. Sa loob ng silid, nakamasid lang ang iba pa niyang mga kapatid. Bale, pito silang lahat at mukhang hindi magiging madali ang alalahanin ang pangalan nila. She was never good with names, but now, hearing Pride say that particular name, caught her off guard.
"E-Excuse me?"
Pride smirked, "Chione White. That's your real name." Hindi ito isang tanong, isa itong statement. He knws her real name. 'How the hell did he found out?' Sigaw ng utak niya. She shifted uncomfortably in her chair. Nang mapansin ito ni Pride, napailing na lang siya, "No need to be shy, princess. If I'm not mistaken, Chione is the name of the Greek goddess of snow and winter winds."
"Y-Yes." But she didn't like it. Matagal na niyang kinalimutan ang pangalang ibinigay sa kanya ng kanyang inang hindi naman siya minahal. Mas gusto na niyang kilalanin ang sarili bilang "Snow White" kaysa "Chione White".
Pride waved his hand dismissively, "Names aren't of importance. Besides, Snow White is much more appealing. Nabasa mo na ang kontrata?"
Tumango si Snow. Nakasaad lang naman sa kontrata ang ilang rules at regulations. Nakalahad rin dito ang pagpapaubaya niya ng kaluluwa niya sa kanilang magkakapatid. She was selling her soul to demons. Napalunok siya sa naiisip. It doesn't need to a genius to figure out that they are devils in flesh.
Wala na rin naman patutunguhan ang buhay niya. Ngunit sa kabila nito, hindi niya pa ring maiwasang matakot.
'Snow, you're just going to be their slave..for an eternity. What's the worse that can happen?' What the fuck is she saying? Mapanganib ang buong sitwasyong ito! Pero siguro nga, wala na siya sa tamang pag-iisip kung kaya't madali niyang pinirmahan ang kontrata.
She signed it with her own blood.
Pinagmasdan niyang tumulo sa papel ang kanyang dulo (she cut herself using a dagger Pride handed her) at unti-unting namuo ang pulang likido, spelling our her name and signature to finish signing. Nang matapos ito, bigla na lamang naglaho ang kanyang pirma at kinuhang muli ni Pride ang kontrata. She watched in horror as he burned the contract in the nearby fireplace. Tumawa ito nang mahina nang makita ang reaksyon ng dalaga.
Pride smirked devilishly, "Now, we need to do the ritual, my princess."
Nanuyo ang lalamunan ni Snow.
"R-Ritual?"
Tumango lamang si Pride at naglakad papalapit sa kanya, "We need to bind your soul to ours." At sa pagkakataong iyon, bigla na lamang lumitaw ang isang pentagram sa kanyang kinauupuan. It glowed dangerously with the promise of hell knocking at her soul.
---
Past the near meadows, over the still stream,
Up the hill-side; and now 'tis buried deep
In the next valley-glades:
Was it a vision, or a wicked dream?
Fled is that music: ----Do I wake or sleep?
---"Ode to a Nightingale",
John Keats (1795-1821)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top