"Drinking Day: An Untold Story"
A SWATSDS fanfiction,
written by: dreadfulsinner
---
Snow White 's POV
It's been a year since I became their slave. We all came back to normal after what happened, at pawang kinalimutan nadin nung iba ito.
As usual, ako ang naglinis ng buong mansyon at sa ngayon tinapos ko ito ng maaga dahil ngayon ang Drinking Day nilang magkakapatid.
Dahil wala nang may gustong maulit ang nangyari last year, ikinulong ako ni Pride kanina sa kwarto ko para di ko daw ulit magawa ang 'kasalanan' kong iyon. Pero eto ako ngayon nasa harapan ng dining table na may mga nakakalat na mga bote at mga prinsipe ng kasalanan na may kanya-kanyang mundo.
"Akala ko ba ayaw nyo akong palabasin ng kwarto? Bakit pinatawag nyo ko?" Pagtatanong ko kay Pride, madalian ko silang sinulyapan isa-isa.
Si Gluttony na may hawak na bote ng alak sa parehas na kamay na inaagaw pa ang hawak na alak ng kanyang magagaliting kapatid. Ang kambal naman ay nagkakantahan sa isang sulok na magkaakbay habang may sinusunog na kurtina. Si Lust naman ay naliligo sa alak ng literal at si Sloth ay kinukulit ulit ang panganay sa pamamagitan ng bubbly at cheerful nitong ugali kapag nalalasing. Inayos ni Pride ang salamin nya at tumitig sakin ng deretcho, not minding his brother who've been poking his arms. Medyo napangiti ako, naalala ko noong naging mga bata sila, ganyan din si Sloth sa kuya nya. I like them better when they're kids.
"I want you to refill our bottle of wine again princess" Sabi nya sakin at tinuro ang bote na nasa harapan nya kaya lumapit ako at kinuha iyon
"Refill this bottle, nothing more, nothing less. Ayusin mo ang trabaho mo princess, alam kong parehas nating ayaw na mangyari ang katulad ng dati"
I mentally rolled my eyes. "Kung ayaw nyong mangyare ang katulad ng dati bakit ako parin ang pinapasalinan mo ng alak?"
"Because you are available. I can't leave them while they're drunk"
Anito sabay turo sa iba pa nyang kapatid na nagkakagulo na. Napabuntong hininga nalang ako at tumango sa kanya. Kinuha ko ang bote ng wine at pumunta na sa Kusina para lagyan ulit ito ng laman.
"Don't you dare to make us kids again stupid mortal"
Napaigik ako nang maramdaman ko ang mainit na hininga sa may leeg ko. Marahas akong napalingon kay Wrath at tinulak sya papalayo na ikinasimangot naman nya.
Medyo pagewang-gewang na syang maglakad at namumula nadin ang pisngi nya dala narin sa kalasingan. Di ko nalang sya pinansin at itinuloy ang pagsasalin ko nang marinig ko syang magsalita
"Ignoring me you little pest?"
"Bakit ba?" Ani ko pagkaharap ko sa kanya hawak ang may laman nang bote. Nagkatitigan lang kame, wala syang sinabi. Medyo nakakailang kaya nagpalinga linga ako. "Dalhin mo na yan doon"
Napaangat ulit ako ng tingin sa kanya na nakatalikod na pabalik kaya sinundan ko nalang sya papabalik sa Dining table. Ano problema nitong demonyong to? Nung nakita kami nung iba pang kasalanan ay umupo na sila, anticipating the drink in my hand.
Makahulugang ngiti ang iginawad sakin ng kambal "Bakit magkasama kayo ni Wrath?"
Tanong ni Envy na may nakakairitang ngiti sa muka nya na sinegundahan naman ni Greed ng isa pang tanong "Bakit ang tagal nyong dalawa?"
"Anong merooooon?"
Sabay nilang sabi at nagtawanan sila, napatingin ako kay Wrath na nakaupo na at nakita kong nakatitig sakin ang mga mata nya, napaiwas ako ng tingin at tinaasan ng kilay ang kambal habang inilalapag ang Bote sa tapat ni Pride.
"Walang meron maliban nalang sa hawak kong wine na nilagyan ko ng lason"
Sabi ko kaya napatigil sila ng tawa at tumingin sakin ng deretcho nang may seryosong muka.
"She's just bluffing you stupid, nandon ako para tignan kung may nilagay nanaman ba syang kung ano sa inumin natin. I will never let a mortal to ruin Drinking day again"
Mahabang lintanya ni Wrath at inisahang lagok ang isang baso ng beer. Si Lust naman ay biglang tumayo at idinuro ako at si Wrath
"BAKIT SYA PA ANG NAGBANTAY SAYO KUNG PWEDE NAMANG AKO!? Don't you love me anymore babe? Pwede naman tayong magquality time habang nandoon tayo sa kusina!"
Hiyaw nya. Tawa lang ng tawa ang kambal at si Wrath naman ay di' sya pinansin at nakatuon parin sakin ang mata nya na para bang inaantay ang magiging reaksyon ko.
Si Gluttony naman ay nanahimik lang na nakaupo, medyo namumula rin sya-- kitang kita iyon kahit nakayuko sya.
Napahilot sa sentido nya si Pride at inayos ulit ang salamin sya. "Enough! Stop these nonesense!"
Ani ng panganay kaya 'medyo' nagbehave ang anim. Isa-isa silang sinalinan ni Pride ng alak at ng matapos sya ay itinabi nya sa kanya ang wine na nasa harapan ko, nakatayo ako sa gilid ni Pride.
Tumayo sya habang hawak ang baso nya at nagsimulang magsalita
"Let's all have a toast for---"
"Wait!"
Natigil sa pagsasalita si Pride nang sumigaw si Greed --a freak'ng wrong move. Napatiim bagang si Pride at matalim na tinignan ang ang kambal na ngayon ay ngingisi-ngisi.
Nagkatinginan muna sila at humagikgik at Sabay na humiyaw ulit nang mga salitang di inaasahan ng lahat-- kasama na ako:
"Painumin natin si Snow!"
Napatayo si Wrath at sumigaw "Are you out of your mind moron! She's a mortal! She can't drink our drinks!"
Gluttony also yelled while standing "We don't know what will happen to her after drinking our formulated alcoholic beverage!"
"SIGE LASINGIN NATIN SI SNOW TAPOS AKO NA ANG MAGHAHATID SA KANYA SA KWARTO NYA MAMAYA!" Pagsegunda ni Lust na ikinasimangot ko
Humikab lang si Sloth at inubos na ang wine na nasa baso nya. Napahilot naman sa sentido nya si Pride looking at the commotion in the dining room again. Lumipas ang ilang minuto bago Lumingon sakin si Pride at tinanong ako.
"Do you want to try it?"
"Ha?"
Nabibingi ba ako o talagang inaalok ako ni Pride na uminom? Well, this is not my first time drinking an alcohol but its been years since my last. Simula nung napunta ako sa pader ni Boswell hindi na ako naka inom ng alak-- miski tubig nga wala.
Napatingin sakin ang lahat nang itanong sakin yun ni pride. Napayuko ako at napatitig sa alak na nasa harapan ko, di ko alam pero may kung anong bumubulong sakin na dapat akong uminom. Pero formulated daw ito para malasing ang isang demonyong katulad nila, hindi ito katulad ng isang ordinaryong alak lang. Well, there's nothing wrong on trying it right? As if naman na mamamatay ako kung iinom ako nyan.
I sighed and looked at Pride in the eyes. "One shot only"
The twins cheered after hearing those words from me, I smiled a little while looking at them giving me a chair to sit on and a glass of wine. Pinaupo nila ako sa harapan ni Pride at Sya na din ang nagsalin sa baso ko na kasing dami lang ng isang lagok na tubig.
"But brother are you sure about this? I mean, this is the first time we will let a mortal to drink a wine for a demon"
Nagaalalalang tanong Ni Gluttony sa panganay. "I know. We will just give a her a little since we don't know what will happen to her. Consider this as a small experiment". Sabi nito at ngumiti nang nakakaloko, tch ano pa bang aaasahan ko sa mga demonyong ito?
"Ehem. Now, let's all have a toast for the Seven Deadly sins and for Snow White "
"Cheers!"
Sabay sabay nilang sabi at ininom ang laman ng baso. Pero hindi ko pa nilalapat sa bibig ko ang baso dahil tinitigan ko muna itong mabuti.
Nagkibit balikat ako at uminom ng kaunti muna. Nakatingin pa silang lahat sakin, inaabangan kung ano ang mangyayare sa katawan ko.
Well it did'nt taste bad, I loved the aroma too. Wala rin akong naramdamang kakaiba kaya napangiti ako at tinignan sila
"Cheers!"
Sigaw ko at ininom lahat ng nasa baso ko, they also cheered aside from pride and sloth that is just smirking to me, di ko alam kung bakit pero medyo kinabahan ako sa expression ng muka nya pero ayos lang.
Walang masakit, wala akong nararamdaman at lalo nang walang kung ano mang kakaiba ang nangyayare sakin kaya ayos lang to. Siguro?
----
3rd person's POV
The clock striked its long arm at the big number Seven, just in time when the six men layed on the floor and chair at the Dining hall. Isang hudyat kay Pride na mayamaya ay dapat na nyang dalhin ang mga ito sa kani-kanilang mga kwarto.
'Damn you, high alcohol tolerance' He thought.
Napalingon sya sa dalagang kaakbay ng nakahiga sa upuan na si Lust, kahit na 'medyo malapit' na ang kamay nito sa dibdib nya ay di nya ito pinapansin dahil busy itong uminom. Napailing nalang si Pride.
The words 'One shot only' did not happened after her first glass a few hours ago. Panay ang salin sa kanya ng ibang kapatid ni Pride-- naiingit kasi sila na si Pride ang nagsalin ng inumin sa baso ni snow kaya sinalinan nila nang sinalinan ang baso ni Snow hanggang sa malasing ang dalaga.
Pinagmamasdan nya ang dalaga, inaabangan kung ano ang magiging epekto nito sa kanya pero sa nangyayare kay Snow ngayon ay muka syang isang 'normal na lasing'.
Matagal nang gustong malaman kung ano kaya ang magiging epekto ng inumin nila sa mga mortal pero hindi nya alam kung kanino ito susubukan, nawala na rin ito sa isip nya nang magkaroon sila ng problema nitong nakaraan. But Alas! Now he can find the answer to his curiosity thanks to Snow White.
Tumayo si Snow sa kinauupuan nya at lumapit kay Pride. Kinuha nito ang bote na nasa harapan ng lalaki pero nang mapagtanto nyang wala itong laman ay sumimangot ito at lumingon kay Pride.
"P-pwide (Pride) *hik* nasan yung ibang alash?" (Alak)
Napangiwi ang binata sa namumulang dalaga, panay ang pagkurap ng mapupungay nitong mata. The light of the chandelier gave Pride a better view of Snow's innocent smile
"I think that's enough for you. Remember, we still don't know it's effect on you princess"
She pouted at Pride and sitted on the floor infront of him
"B-but I want more! Prince Pwaaaaaaaaayyd! I want moreee!!!"
Pag atungal nito sa harapan ng binatang nakayuko sa kanya. Napangalumbaba si Pride at tinititigan si Snow
"No more beer. Just go back to your room and sleep"
Lalo itong sumimangot at lumapit sya kay Pride nang nakaluhod. He saw Snow's collar on her dress dropped that showed her bare collarbone and the strap of her brassiere that made Pride to look away from the pleading 'princess'.
"Pleaseeee"
"No, now get up and wash yourself. Magpahinga kana"
He firmly said to her and helped Snow to stand up. Inakay nya ang dalaga papunta sa may pinto
"Alis. Bumalik ka na sa lungga mo"
Pagtataboy ni Pride kay Snow. She gave him the sweetest smile she can give with a salute hand gesture as she turn her back to the sin and started walking side by side.
'Cute'. He blushed as he thought about it
Pumasok muli ang kasalanan sa loob ng dinner hall at pinagmasdan ang mga kapatid nya.
Mahimbing na natutulog si Sloth sa ibabaw ng mahabang lamesa na ginawang unan ni Gluttony ang tyan na nakaupo habang may hawak-hawak pang bote ng alak. Si Wrath naman ay nakikipaglaban sa antok at kalasingan na nakaupo sa upuan, katapat nya si Lust na nakadantay sa upuan habang umuungol kahit tulog. Ang kambal ay sa sahig natumba at magkayakap at mamasa-masa ang mga mata, nagiyakan kase sila kanina nang malaman nila na 'kambal pala' sila
"Bastards"
Bulong ni Pride. Sinimulan nyang gisingin ang magagaliting prinsipe at sumunod ang iba
"Wake up sleepyheads! Ihahatid ko na kayo sa kwarto nyo" aniya at niyugyog ang mga nakaupo at sinipa ang mga nasa sahig.
"Ughhh s-snow" pagungol ni Lust nangyugyugin sya ni Pride at niyakap ang sarili
Tumayo naman ang sumusuray-suray na si Wrath at tinutukan ng nahugot nyang swiss knife mula sa kung saan ang kapatid
"How dare you to have wet dreams about Snow you Sex-addict bastard!"
Hiyaw nya at akmang susugurin si Lust na medyo nadilat na nang hawakan ni Pride ang kamay nito at tinanggal ang kutsilyo sa kamay nito.
"Drink a cold water"
Anito na sinunod naman ng mga kapatid nya.
Medyo namulat na din yung iba at akmang ihahatid na ni Pride si Sloth sa kwarto nya nang
[sound effect ng pagsabog]
May biglang sumabog sa may left wing ng mansion na medyo malakas na nakapagpawala ng epekto ng pekeng pagkalasing sa lahat ng magkakapatid. Bigla ring tumayo sina Greed at Envy nang marinig ang pagsabog, nagkagulatan silang dalawa nang mapagtanto nila na magkahawak sila ng kamay. Nagkatinginan nalang sila at tumawa
"What the heck was that!?"
Iritadong tanong ni Wrath. Si Gluttony naman ay biglang tumayo at nagtanong
"Where the hell is Snow!?"
Napatingin sa kanya ang lahat at narealize ang pwedeng nangyari kani-kanina lang kaya agad silang nagteleport papunta sa kwarto ni Snow na sa ngayon ay may sirang pinto, basag na salamin at sirang kama. Sa isang pitik ni Pride ay nabuong muli ang mga nasirang gamit at nahagilap ng mga binata ang napadapa sa sahig sa ilalim ng kama si Snow-- already in her pajamas. Hinila nila ito papalabas ng ilalim ng kama at tyaka ipinaharap sa kanila.
"Hey, hey Snow wake up! Are you okay?"
Ani Lust nang daluhan nya ito. Tumabi sa kanya ang kambal na pinagaling ang mga gasgas at sugat ni Snow mula sa pagsabog ng kung ano. Nakapalibot din sa dalaga ang iba pang kasalanan na nagaalala at inaabangan kung ano ang mangyayare-- dahil sigurado sila na may kinalaman ang pagsabog sa epekto ng inumin sa mortal
Nagulat silang lahat nang dumilat si Snow at kumandong kay Lust at inilingkis ang mga braso nito sa batok ng binata
"Wanna play with me baby?"
She said with a smirk and licked her lower lip. Lust supposed to have a boner but he did not. Instead, he was focused-- they are all focused with Snow's eyes.
"B-blue? Her eyes are blue?"
Ani Gluttony. Hinila ni Wrath papalayo kay Lust at marahas syang ipinaharap sa kanila at nagiba naman ngayon ang kulay ng mata nya: Flaming Red
"Don't touch me you filthy demon or else I will f*cking kill you!"
Galit na asik ni snow sa binatang may hawak sa kanya at bago pa man din magwala si Wrath sa sinabi sa kanya ng dalaga ay agad nang hinila papalayo ni Greed si Snow dito.
"H-hey chill! What's happening to you mademoiselle?"
Tinitigan sya ni Snow sa pamamagitan ng mga berde nitong mata at inilahad ang kamay nito sa mga binata
"Give me your money"
"What the hell?" Sagot ni Envy sa kanya. Hinawakan uli sya ni Envy at nakita ng lahat ang pagbabago ulit ng kulay ng mata ni snow, from green to cyan.
"Bakit ako lang nakapajama!? Aalis ba kayo? Sama ako! Gusto ko din nyan!"
"Ng alin? Ha?"
"Ng suot nyong pangalis!"
Anito sabay turo sa mga suot nila na jeans, turtleneck at polo etc.
Naguguluhan man pero hinawakan sya ni Gluttony.
"Apple pie don't creep us out. How are you feeling?"
Her violet eyes stared at the sin pouting her lips, saying
"Im hungry"
Panay ang hawak, hila, pagtatanong at pagaagawan nila kay Snow, maliban nalang kay Sloth na tamad na tamad na nakatanaw sa lima. Inayos ni Pride ang salamin at sinuway ang mga kapatid
"Stop it don't touch her!"
Napalingon sa kanya ang lahat kasama na ang nagugutom na si Snow.
"This is the crazy effect of the demon's drink to her"
---
After the conclusion Pride made, they all agreed (dahil lang sa sinabi ito ni Pride kaya napilitan silang umo-o) that no one will touch Snow except Sloth. Mas mabuti na para sa dalaga na matulog nalang sa buong maghapon kesa sa maging pabago-bago pa ulit ang ugali nito. Kaya nang makatulog na si Snow ay umalis na sila sa kwarto nito at bumalik sa kanya-kanyang kwarto na may himig ng pagmamaktol.
Due to the alcohol intake, anyone who'll touch Snow will let her to imitate them. Paraan ng pagsasalita, kinaugalian, mismong ugali, kinagawian, so on and so forth. Lahat iyon ay magagaya ni Snow kapag hinawakan sya. Ang tanging palatandaan nila dito ay ang pagpapalit nito ng kulay ng mata
Lust = Blue
Envy = Cyan
Greed = Green
Wrath = Red
Gluttony = Violet
Sloth = Gray
Pride = Black
Sa ngayon dahil di nila alam kung hanggang kelan ito tatagal napagdesisyunan ng lahat (wala nang pamimilit ni Pride) na huwag munang pakilusin ang dalaga, kapag bumalik nalang sya sa ulirat tyaka nila ito paggagawain ng gawaing-bahay ( o gawaing-mansyon sa bokabularyo ng dalaga ) pero ayon kay Pride:
"Based on the amount of alcohol she take, it may last for 24 hours or more. Let's just hope that the effect will fade away soon"
6 na ng hapon pero nasa kwarto parin si Snow, nakahiga pero dilat ang mata na tila ba'y bigat na bigat sa katawan at di ito maigalaw.
Samantala naman ang magkakapatid na Gluttony, Greed at Lust ay nakatambay sa sala set nila. Nagbabasa ng Magazine si Lust habang nakahiga sa mahabang sofa, nasa dulo nito si Greed na may malalim na iniisip at katapat nila sa isang upuan ay si Gluttony na kumakain ng Honey Glazed donut. Panay ang pasimpleng lingon nila sa isa't isa na pinapakiramdaman ang iba. Pride made them all busy like him to kept them away from the girl, he know them and he's sure that if one of his brothers on daytime got his chance, for sure he'll touch Snow and who knows what will happen to them.
Nang tumayo si Gluttony ay nagangat agad sila ng tingin.
"Saan ka pupunta?"
"Ano gagawin mo?"
Sabay nilang tanong. Nagtatakang lumingon si Gluttony sa kanila at ipinakita ang walang lamang box ng donut sa kanila. "Pupunta akong Dessert room. Sama kayo?"
Makahulugan nitong ngiti. Bumalik nalang ang dalawa sa ginagawa nila- takot lang nila sa mga manok nitong lakas maka-Jackie Chan at Bruce Lee.
Nagsimula syang maglakad papunta sa dessert room at nang nasa harapan na sya ng pintuan, imbes na ipasok ang kanyang susi, nagteleport sya agad agad sa loob ng kwarto ni Snow. Sa isang iglap bumungad sa kanya ang tamad na tamad na dalaga na hindi parin bumabangon ng higaan nya. Ni hindi parin ito nakakapagpalit man lang ng suot nya. Nilapitan sya Ni Gluttony at umupo sya sa dulong bahagi ng kama nya.
"Hey Gluttony"
"Apple pie"
Ngiting pagbati ng binata na sinagot naman ni Snow ng tipid na ngiti.
"Gusto mo bang kumain?"
Tanong ni Gluttony at pasimpleng hinawakan ang kamay ng dalaga. Lumingon sa kanya ang lila nitong mga mata at umupong nakaharap sa kanya sa higaan
"T-talaga! Tara kain tayo! Gluttony nagugutom nako" She said with pouting her lips and caressing her tummy
Napangiti si Gluttony at nagsabi sa kanya na kapag naghilamos sya at nagpalit ng damit ay dadalhin nya ito sa Dessert room. Napahagikgik sya nang tumalon sa tuwa si Snow at nagmamadaling pumasok sa banyo ng kwarto nya. He dropped his body on the soft bed with a smirk on his face
'You're a smart and flavorful man Gluttony' Aniya at masayang sinolo si Snow.
Samantala, nang umalis si Greed kasama ang kakambal nito para maglaro ay agad na nagtungo si Lust sa kwarto ni Snow. Ang panganay nila ay nasa trabaho nito, malamang ay nagbabantay din si Wrath sa Soul chamber at si Sloth naman ay tulog.
'Masosolo ko si Snow' Pagbungisngis nya, pero nawala din ang ngiti nya nang pumasok sya sa kwarto ng dalaga. Walang tao dito at napagtanto nya na naisahan sila ng matakaw nyang kapatid, malas lang ni Gluttony at naiwanan nya ang box ng donut sa higaan ni Snow.
"GLUTTONY YOU SON OF A--"
Malalaking hakbang ang ginawa nya papunta sa pinakamamahal na Dessert room ng kapatid at nagulat sya nang nakita nya rin doon ang kambal at si Wrath na sa kasalukuyang nakikipagbangayan sa matakaw nilang kapatid sa may pintuan ng kwarto. Kitang kita rin niya si Snow sa loob na masayang lumalantak ng pagkain
"Get her out of here you Hungry Moron! We have a training today!"
"No! Makikipaglaro samin ni Greed si Snow!"
"Kumakain pa kame ano ba!?"
Nakisali si Lust dito at nakipagsagutan din sya
"Hoy itigil nyo na yan at sakin sasama si Snow!"
Nagbabangayan silang lahat doon. Halatang gustong samantalahin ang pagkakataong ito na magiging kapareho nila ng ugali --or should we say na makakasundo nila ang dalaga kaya gusto nila itong makasama.
Nagulat sila nang lumabas si Snow sa kwarto na humihikab.
"Ayoko nang kumain, inaantok na ako"
Marahas na lumingon ang lima sa nakasandal na si Sloth sa kabilang dingding.
"Bilin ni Pride na ako lang hahawak sa kanya kaya wag na kayong magtalo talo dyan at bumalik nalang kayo sa kwarto nyo"
Anito at sasabayan na sana si Snow sa paglalakad nang bigla nilang hilahin si Snow mula sa kapatid. Pinagpasapasahan ng mga kamay nila ang dalaga na kanina pa nagpapalit ng ugali at kulay ng mata at iyon ang bumungad kay Pride.
"What the hell is going on here!?"
Natigil ang mga lalaki at bumitaw kay Snow pero hindi parin humihinto ang pagpapalit ng kulay ng mga mata nya kaya medyo lumayo sila dito. Maya maya pa--
[sound effect ng pagsabog]
Biglang lumiwanag si Snow at may sumabog na kung ano na nakapagpaupo sa pito. Hinihimas pa ni Lust ang pwet nya nang tumayo sya kasama nung iba pero dinaluhan agad nila si Snow nang nakita nila itong nakahandusay sa sahig.
"Snow!"
Unti-unting dumilat ang kanyang mga mata na nagaadjust pa sa liwanag.
"O-ouch"
Sambit nya sabay hawak sa ulo nya. Throbbing head pain welcomed her, kahit na mahigit isang araw na ang nakalipas ay ngayon nya lang naramdaman ang hang over. Paglingon nya sa magkakapatid ay nagtaka sya kung bakit di maipinta ang muka nila -lalo na si Lust.
"B-bakit nakasambakol ang mukha nyo dyan?"
Pride smiled as He saw the most beautiful pair of brown eyes from her face. He patted her head
"Welcome back princess. You slept for almost a day and you didn't get a chance to spend it with them that's why they look like that"
Nagtatakang nilingon ni Snow ang baling nya mula sa mga namumulang kasalanan (sa di nya malamang dahilan) papunta sa panganay na nagaayos ng salamin nya.
"What happened?"
"You don't remember anything?"
Umiling sya sa tanong nila. "I'm not surprised. Well then, seems like ngayon mo lang mararamdaman ang hangover mo kaya pumunta ka na ng kwarto mo"
Nagsimula nang tumalikod ang mga kasalanan sa kanya.
"Teka lang! Ano bang nangyare? Ano yung epekto non' sakin?"
Tanong nya na nakapagpalingon sa iba. Lust told her everything.
"Di mo naman sinabi sakin na may wild side ka rin naman pala babe! Ngayon kung gusto mo, ituloy natin yung 'play' na sinabi mo sakin kagabi?" He asked with a playful and seductive smirk on his face.
"Erase that smug look on your face, dapat pala akong magpasalamat kay Sloth dahil iniligtas nya ako mula sa iyo"
Ani ng dalaga at iniwanan ang binata doon. Lust clutched his left chest and dramatically said "ouch".
In just a snap everything came back to normal pero kailangan nang magingat ni Snow. Dahil mukang kahit hindi drinking day, mapapainom o sabihin nalang natin na papainumin sya ng mga kasalanang gustong mangyari muli ang nangyare.
Lust: Why are you looking at like that?
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top