CHRISTMAS SPECIAL: Snow White and the Nutcracker Prince [PART 2]
Sorry for the delay.
---Kuya Nox.
* * * * * * * * * *
[PART 2/2]
*
Sa madilim na lungga ng hari ng mga daga, nagpalakad-lakad si Wrath sa throne room. Ang kanyang trono ay gawa sa purong ginto at papalamutian ng kulay itim na mga bato. A logo adorned the center of it's backrest, a red emblem with a taunting black mouse stained on it. Katabi ng kanyang trono ay ang royal pet niyang higanteng aso na may tatlong ulo. Cerberus snored softly while he rested on the giant pillow. Paminsan-minsan ay nagbubuga ito ng apoy sa kanyang pagtulog at "aksidenteng" natatamaan ng fireballs ang ilang sundalong daga.
But Wrath minded none of this.
"Snow is finally in Christmas Land. About time." Isang pilyong ngiti ang namutawi sa kanyang labi, his black cape cascading behind him.
"Um.. Sir? Paano naman yung iba pang mga hari? I've heard that they're planning a rebellion against you---?"
Wrath's giant mouse ears twitched upon the voice. Galit siyang bumaling sa alilang naglilinis ng sahig. "KINAKAUSAP BA KITA?"
Namutla si Hades nang magalit ang hari. Agad siyang napayuko at halos halikan na ang sahig na tinatapakan ni Wrath. "N-No, Your Highness. Forgive me."
Napasimangot si Wrath at sinipa ang timba ng tubig sa tapat ni Hades. "Know your place, slave. Tsk!" At agad siyang nagtungo sa malaking bintana ng kanyang palasyo. Mula rito ay natatanaw na niya ang buong kaharian, maging ang iba pang mga lugar na kanyang nasakop. From a distance, he can see the outline of the Sugar-plum Fortress. Naikuyom niya ang kanyang mga kamao.
"Kahit magsama-sama pa ang mga kapatid ko, hindi nila ako mapipigilan."
*
"Now that everything's clear, let's have a buffet!"
Natigilan ang lahat sa sinabi ni Sugar-plum Fairy King, a.k.a. Gluttony. Napailing na lang si Pride sa asta ng kapatid at inayos ang malaking koronang nakapatong sa ulo niya, "That's why people are always wondering why you're not fat. Frankly, mas magugulat ako kung hindi pagkain ang laman ng utak mo." Natawa ang kambal sa hirit ng kapatid. Samantala, napasimangot naman si Gluttony sa narinig. "There's a thing called 'metabolism', brother! At hindi puro pagkain ang laman ng utak ko!" Napahalukipkip ito.
Umirap naman si Lust. "Talaga lang ha? Ipupusta ko ang condoms ko na kahit sa pagtulog, kasama mo pa 'yung stuffed turkey mo."
Namula si Gluttony. "H-Hindi kaya! I'm only concerned with our health! Paano tayo aatake bukas sa kaharian ni Mouse King kung kumakalam ang mga sikmura natin?! Psh!"
"Oo na lang." Sabay na sabi ng kambal at tumawa nang malakas.
"HAHAHAHAHAHA!"
"Oh, for the love of bedsheets! I'm trying to sleep here!"
Pinanood ni Snow ang mga tagpong ito. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. 'Parang kanina lang tulog ako.. Ngayon napasama pa ako sa digmaan laban sa pesteng Mouse King na 'yon.' Napabuntong-hininga siya. Agad naman itong napansin ni Chandresh at ngumiti sa kanya. "Gusto mong pumasyal sa palasyo? I've heard that the annual Cotton Candy Festival is starting." Sa tono ng pananalita ng binata, mahahalata mong sabik itong masolo ang dalaga.
Tumango si Snow. "Sige."
Lihim na napangiti ang nutcracker prince at masuyong yumukod sa harapan ng dalaga bago inilahad ang kamay dito. "Let's go, Your Majesty." Pero bago pa man hawakan ni Snow ang kamay ni Chandresh, agad siyang naitulak ni Lust na may malawak na ngiti sa mukha.
"TARA NA, BABE! May alam akong masayang puntahan----!"
"Sasama ako! Tsk. I don't trust you one bit, brother!" Asik naman ni Envy at tinulak papalayo si Lust. Beside him, Greed smirked, "Knowing Lust, he'll probably lock her up inside his bedroom. It's best if we tag along." At kinuha nito ang kabilang kamay ni Snow, a charming smile on his lips, "Right, Mademoiselle?"
Wala nang nagawa si Snow. 'Ganito ba sila kadesperado mapiling hari? Tsk!'. Tumango na lang siya at nagpatianod sa kambal habang nakabuntot naman sa kanila si Lust na nagtatantrums na naman. Naiwang nakasimangot si Chandresh. Sa inis nito ay nasipa niya ang upuang gawa sa candy cane na naging dahilan para mawasak ito. It crashed on the floor into a thousand pieces before the nutcracker gloomily stormed away. "Eto na nga ba ang sinasabi ko.. Damn it!"
Alam niyang wala sa tamang panahon ang pagseselos niya, but can you really blame him?
*
"Ano bang pakiramdam na nakatira kayo sa palasyong gawa sa ice cream?" Pang-uusisa ni Snow para tumigil sa pagbabangayan sina Envy at Greed. Kanina pa kasi sila nagtatalo kung sino raw ang mas bagay sa dalaga kung sakaling manalo sila sa digmaan laban sa Mouse King.
"She should choose me! Bukod sa siguradong magaganda ang magiging anak namin, I'll bet all my tombstones that people in the seven castles are gonna ship SNENVY!"
"Get real, brother! Psh. Hindi mo 'ko maiisahan dahil magkamukha lang tayo! We're fucking twins, remember?! Our greedy little kids will be as monstrous as yours! Besides, SNEED has a better ring to it!"
"Asa ka pa! We'll be having Envy Jr. right after she chooses me to be her king!"
"Tapos mabubuhay kayo ng Happily Ever After sa palasyo mong mukhang sementeryo?! She'll be better off showering herself with gold in my kingdom!"
"SAKIM!"
"INGGIT!"
"HOY, MGA INUTIL! Maganda rin naman pakinggan ang SNUST ah?! Papatok ang love team namin!"
"WALANG NAGTATANONG! HAHAHAHA!" Sabay na pang-aasar ng kambal kanina. Hanggang ngayon kapag naaalala ni Snow ang mga pinagsasasabi ng tatlong hari na 'to, parang gusto na niyang magtago sa ilalim ng bato. 'Why is it a big deal to them?!' Kailangan pa nilang ipanalo ang digmaan! And these dimwits are talking about love teams and future children?!
Napalunok ang dalaga, alam niyang pulang-pula na ang kanyang mukha. Napabalik siya sa kasalukuyan nang biglang sumagot si Greed. "Maniwala sa sa'kin, mademoiselle... Tanging si Gluttony lang ang masisiyahang mabuhay sa palasyong gawa sa pagkain. Even the toilet bowl is made up of caramel!"
Natawa si Envy habang sinisilip ang ilang mga nagtitinda ng multi-colored cotton candy sa mga bangketa. "Those poor servants. Madalas, kailangan nilang i-rebuild ang palasyo dahil palaging kinakain ng hari nila ang mga pader." Napapailing ito na para bang hindi rin makapaniwala sa sinabi. Napangiti na lang din si Snow, "Consequences of having ice cream walls."
Nagpalinga-linga siya sa paligid. Kanina niya pa napapansin ang mala-fiestang paligid. Nakasabit sa mga kabahayang gawa sa biskwit ang mga banderita at sandamakmak ang mga nagtitinda ng cotton candy sa mga gilid. Children (who looked like humans) played along the streets with sticks of cotton candies molded into animal shapes. Matamis ang amoy ng lugar at halos lahat ay nakangiti. They even had some music playing in the background by the street musicians. 'Heto pala ang sinasabi ni Chandresh na Cotton Candy Festival', isip-isip niya.
Agad na natigil sa paglalakad si Snow at lumingon sa kanyang likuran. Hinahanap niya ang pamilyar na mukha.
"Nasaan na ba si Chandresh?" Bulong niya sa sarili.
Biglang humarang sa kanyang paningin si Lust. Sa suot nitong halos topless na, hindi mapigilan ng ibang kababaihan ang mapatingin sa binatang hari. Lust grinned at her seductively, "Bakit mo naman hinahanap ang nutcracker na 'yon kung nandito naman ako? I'm hurt, baby." Umirap na lang si Snow nang akmang mamanyakin na naman siya. Hindi ba talaga titigil ang isang 'to? "Kung ano man 'yang pinaplano mo, stop. Wala na ba talagang ibang laman ang utak mo kung hindi kamanyakan?" Asik niya rito.
Lust dramatically gasped and clutched his chest. "I'm deeply offended, love! Grabe ka sa'kin! How could you?!"
Snow waved him off and proceeded walking. "Don't be dramatic, King Lust. Hindi bagay."
Nang maabutan niya sa paglalakad sina Greed at Envy, agad siyang sinalubong ng pagdadaldal ng mga ito. Nagsusumbong sila ng mga ginawang "pagkakasala" ni Lust habang nasa palasyo ng Sugar-plum Fairy King, saying that he even made out with one of the maids! Hindi na ito inintindi pa ni Snow. Her mind still drifted off to where her nutcracker might be. 'Ipinangako ko kay Remi na aalagaan ko siya..'
Makalipas ang ilang minuto ng pagliliwaliw at pagkain ng cotton candy na hugis unicorn, napadako ang mga mata ni Snow sa higanteng teddy bear na gawa sa---"Cotton candy?" Kuminang ang kanyang mga mata sa saya. Pinanood niya ang mga batang naglalaro at nagpapatalbog sa malambot na materyal nito. The kids flew up in the air for a few meters high before bouncing back again. Hindi matandaan ni Snow kung kailan siya huling nakapaglaro noong bata siya.
"Chione, saan ka pupunta?"
"Mademoiselle!"
Dahil nasa Christmas Land na rin naman siya, why not have some fun? Mabilis na tumakbo si Snow, hindi ininda ang kanyang prosthetic leg, at nakisali na rin sa mga batang nagkakatuwaan sa dambuhalang cotton candy structure. She jumped high in the air, almost touching the mint clouds, before falling back to land. Niyakap siya ng malambot at matamis na pagkain bago muling tumalbog paitaas. Isang malaking ngiti ang nakapinta sa kanyang mukha habang tumatalsik siya sa kawalan. Para bang panandaliang nawala ang mga problema niya sa buhay.
Madalas kasi nating nakakalimutan ang maging bata.
'But this would've been more fun if Chadresh was here.'
Hinayaan ni Snow na mahulog ang kanyang payat na katawan, her short raven black hair hitting her face as she was being pulled back to Earth by gravity. Bahagya niyang ipinikit ang mga mata at hinayaan ang mga pangyayari.
Pero imbes na malambot na cotton candy ang sumalo sa kanya, naramdaman na lang ni Snow ang basa sa balikat niya. Napamulagat siya sa pagkabigla.
"Anong----?!"
"WOOF! WOOF!"
Binati ang dalaga ng dalawang ulo ng dambuhalang aso na kulay itim. She immediately froze, terrified. Nang silipin niya ang basa sa balikat niya, doon niya napagtantong laway ito na nanggagaling sa bibig ng ikatlong ulo. Its sharp and massive teeth clung onto her dress' collar. A low growl erupted from its lips. Nanlaki ang mga mata ni Snow sa bilis ng mga pangyayari. Nakita niyang nagsitakbuhan na papalayo ang mga tao sa ibaba.
"AAAAAAAAAAAAHHH!"
Kagat siya ng halimaw at tuluyan na siyang tinangay sa kung saan. Snow White's scream echoed throughout Sugar-plum Fortress hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa malawak na kagubatan.
*
Sinipa ni Chandresh ang isang basurahan na naglalaman ng balat ng pagkain at ilang french fries. Napatingin siya sa sentro ng bayan kung saan nagkakaroon ng kasiyahan ang mga tao, cotton candy stalls everywhere. Napasimangot siya nang sumagi na naman sa isip niya ang nangyari kanina. "Tsk. Snow is probably having fun with the twins. Mga epal talaga." Inis niyang sinipa ulit ang basurahan at naglakad-lakad sa magulong lansangan.
Kahit saan siya lumingon, puro pagkain ang nakikita niya. Pakiramdam niya ay malapit na siyang masuka. 'We should be training before war! Not celebrating some stupid festival!' He bitterly thought.
Maglalakad na sana siya pabalik ng palasyo nang marinig niya ang isang pamilyar na sigaw sa distansya.
"AAAAAAAAAAAAHHH!"
Nanlata si Chandresh nang mapagtanto kung sino ang sumigaw. 'Shit!' Walang pagdadalawang-isip niyang kinuha ang nakasukbit na espada at tumakbo papunta sa pinanggagalingan ng sigaw. "SNOW!" He pushed away the villagers and almost tripped on cotton candy. Wala na siyang pakialam kahit magalit pa sa kanya ang mga ito. Snow's safety is his number one priority. Chandresh can feel adrenaline pumping through his veins as he ran as fast as he could.
'Inaatake nila ang Sugar-plum Fortress nang ganitong oras? Damn that Mouse King!'
Sa wakas, nakita niya ang dambuhalang aso na may tatlong mababagsik na ulo. Sa bibig ng isa, nakasalambitin si Snow na takot sa mga pangyayari.
"SNOW!"
Chandresh gripped his sword and sprinted towards them. Ngunit bago pa man siya makalapit, humarang sa kanya ang iba pang mga halimaw na sumulpot bigla sa lupa. Nagsitakbuhan papalayo ang mga tao nang masulyapan nila ang mga clockwork monster, a deadly group with blood red ribbons tied on their bodies. Inis na sinaksak ng nutcracker prince ang isang kalaban pero kagaya ng dati, hindi niya ito mapatay. He dodged an attack and threw the nearest trash can at them, hitting the head of one monster. 'Hudas talaga ang Mouse King na 'yon!' Reklamo ng binata sa sarili bago pinagtataga ang braso ng akmang dadamba sa kanya. Kailangan niyang mailigtas si Snow!
A wooden monster roared as Chandresh cut it into half. Maliksi siyang lumusot sa mga pagitan nila, pilit hinahabol sina Snow na tinatangay na papalayo ng Sugar-plum Fortress.
Pero hindi siya makahabol sa kanila.
Several hundred more clockwork monsters are now blocking his path.
"Bullshit."
Malutong na napamura ang nutcracker prince. Mukhang desperado na talaga ang Mouse King na kunin ang puso ni Snow. Naikuyom ni Chandresh ang kanyang mga kamao sa isiping papatayin niya ang dalaga. Galit niyang sinugod ang mga halimaw. Walang awa niya pinagpuputol ang mga braso't binti ng mga ito, one by one their heads fell off. Pero mukhang nagre-regenerate lang ang parte ng kanilang mga katawan. They easily assembled themselves. Nanlaki ang mga mata ni Chadresh nang makita ang ilan sa kanila, ginigiba ang ilang kabahayang gawa sa biskwit, inaatake ang mga inosenteng mamamayan. Umalingawngaw ang sigawan at kaguluhan sa paligid at namalayan na lang ni Chandresh na nakatayo siya sa pinakasentro nito.
Cotton candies bursted in flames.
At tuluyan nang nawala sa kanyang paningin si Snow.
'No..'
Paano na nga ba magtatapos ang kanilang kwento?
"Why the hell are you standing there, nutcracker? Kailangan nating magplano!" Napabalik lang sa reyalidad si Chandresh nang sigawan siya ng hari ng pagiging mapagmataas. Pride's crown slightly slid off his head, something he would usually be frustrated about. Inis niyang sinagot ang hari, "I need to rescue her! Baka kung anong gawin sa kanya ng Mouse King!" Sa di kalayuan, nakikita niyang nakikipaglaban na rin ang mga gingerbread guards sa mga clockwork monster.
Akmang tatakbo na sana papaalis ang nutcracker prince nang hinahin siya sa kwelyo ni Pride.
On the other hand, kitang-kita na ang pagpipigil ni Pride na ihagis papuntang ibang planeta si Chandresh. He scowled at him, "Hindi mo matatalo ang Mouse King nang mag-isa. Reckless calculations lead to bad endings."
"Tsk! Does it look like I care?! Pupuntahan ko na si Snow at wa-----SHIT!"
Ngumisi si Pride nang tumumba ang nutcracker prince. Mukhang magkaka-black eye pa yata ito dahil sa lakas ng pagkakasuntok sa kanya ni Pride. Tumikhim ang hari at inayos ang salamin sa mata, "Like I said earlier, we need a plan if we want to save the princess from Wrath's captivity. He's getting stronger by the minute and we can't just jump into action like an idiot. Naiintindihan mo na ba, o gusto mong ipaintindi ko pa sa'yo?"
Chandresh gritted his teeth. Mukhang wala na talaga siyang magagawa sa sitwasyon, at kahit pa ayaw niyang aminin, alam niyang may punto si Pride. 'Kahit pa napaka-arogante ng siraulong 'to!' He sighed and stood up.
"Kapag may nangyaring masama kay Snow, I'll fucking kill you."
"We don't want that to happen, now do we?"
Walang emosyong bumalik si haring Pride sa palasyo kung saan nakahanda na ang batalyon ng gummy bear warriors. Mukhang napaaga pa ang inaasahan nilang digmaan.
"This is even more stressful than having six stupid brothers to look after." Napabuntong-hininga na lang si Pride.
*
Matapos ang ilang minuto ng paghampas ng hangin sa mukha ni Snow habang tinatahak nila ang magulong kagubatan patungo sa isang palasyo, sa wakas ay ibinaba na siya ng higanteng aso. "Aray!" Pagdaing niya nang tumama ang likod niya sa sahig na gawa sa makintab na bato. Tumalim ang tingin niya sa higanteng halimaw na maamong nakaupo sa tapat ng isang trono. Nang mapadako ang mga mata niya sa lalaking nakaupo roon, napalunok nang di oras si Snow White.
Ang Mouse King.
Eyes of burning embers.
A smirk that is full of mischief.
At..
"T-Taingang daga? At may buntot ka pa!"
Agad na napasimangot ang Mouse King sa sinabi ng dalaga. Wrath glared at her as he marched towards her. Napaatras si Snow nang biglang hablutin nito ang kanyang mga kamay. Ipinikit niya ang mga mata, natatakot sa kung anong posibleng gawin sa kanya nito. Naaalala niya bigla ang mga kwento ni Sloth patungkol sa propesiya. Is he going to eat her heart on a barbeque stick? Is he going to mix her inside a giant cauldron? Biglang kinabahan si Snow.
Pero biglang naglaho ang lahat ng masasamang ideya sa utak niya nang maramdaman niyang hinaplos ni Mouse King ang kanyang mga kamay. Nang magmulat siya ng mga mata, nagulat si Snow nang makitang nakaluhod na pala ito sa kanyang harapan.
A diamond ring in his hand.
"Marry me."
Pakiramdam ni Snow ay tuluyan nang nalaglag ang panga niya dahil sa gulat. Sinipat niya ang ekspresyon ni Wrath, baka naman nagbibiro lang ito? But the Mouse King's face was serious about this. Mas iniangat nito ang singsing sa liwanag na naging dahilan para bahagya itong kuminang sa gitna ng kadiliman ng palasyo. Wrath spoke in a low voice, far from the terrifying ruler that the other kings described him to be.
"Marry me, Snow and let's take over the mortal world together."
Sa wakas ay nahanap na rin ni Snow ang kanyang boses. "W-What are you talking about? Akala ko ba ang nakalagay sa propesiya ay..."
"To get the heart of a maiden? You really like to take things quite literally, do you?" Mahina itong natawa at tumayo. Hindi pa rin binibitawan ang kanyang kamay habang ang isa naman ay inilalahad pa rin ang singsing na inaalok sa dalaga. Wrath's eyes, a swirling sea of black and red, gazed into her confused soul. "Marami ang napapahamak sa maling akala, Snow. Akala ng karamihan ay kailangan kong kainin o ihalo sa mga potions ang puso mo.. When the fact is, I need to claim your heart by marriage. Your love for me will be the most powerful weapon in Christmas Land and we can then invade the humans afterwards."
Napahawak sa kanyang sentido si Snow, halatang naguguluhan at sumasakit na ang ulo sa mga pangyayari at impormasyon.
'He needs to marry me? This is crazy!'
Naalala niyang bigla ang sinabi ni haring Pride sa Sugar-plum Fortress. Kung totoo ngang obsessed ang isang 'to kay Snow, delikado na ang kanyang sitwasyon.
"Bakit mo ba gustong sakupin ang mundo namin?"
Namayani ang katahimikan. Ilang sandali pa ay natawa si Wrath at hinaplos ang kanyang pisngi, a wicked smile on his lips. "Mundo ninyo? Kailan ka pa tinanggap sa mundo ng mga tao? All your life, you've been alone. Nobody loves you, nobody wants you. All those fucking humans do is judge you for what you are rather than for who you are.. Sabihin mo sa'kin, kabilang ka nga ba sa mundo nila?"
Sandaling natigilan si Snow sa kanyang narinig. Naalala niya ang mga panahong palaboy-laboy lang siya sa mga lansangan, walang may pakialam sa kanya. People would just pass her by, without even glancing at her. Noon, iniisip ni Snow kung bulag ba ang mga taong ito o sadyang invisible lang siya sa kanila? Hindi ba siya karapat-dapat madapuan ng tingin? Naikuyom niya ang kanyang mga kamao. She can feel the frustration growing inside her. Anger so raw that it drills down to her core.
Kabilang nga ba siya sa mundo ng mga tao?
Lumawak ang ngisi sa mga labi ni Wrath. Nang makita niya ang reaksyon ng dalaga sa kanyang sinabi, alam niyang malapit na niyang makuha ang loob nito. Hanggang ngayon ay hindi malinaw na isinaad ng propesiya kung paano masasakop ng "pag-ibig" ang mundo ng mga tao, pero saka na niya ito iintindihin.
"Marry me, Snow White... Madali nating matuturuan ng leksyon ang mga taong nagsawalang-bahala sa'yo noon. Don't you want some revenge?"
Naramdaman ni Snow na marahang inilagay ni Wrath ang singsing sa kanyang daliri.
"Kung papakasalan mo 'ko, you'll be the queen. You'll have all the riches in the world. Yuyuko silang lahat sa'yo at pagsisisihan ng mga walang kwentang mga mortal na 'yon ang araw na ipinanganak sila. Wouldn't you like that?"
Sa hindi malamang dahilan, lalong bumilis ang tibok ng puso ni Snow. Napupuno ng kaba at nag-uumapaw ang kanyang emosyon sa dibdib. Umiikot na ang mga posibildad sa isipan ni Snow. Nabubuo na sa kanyang isipan ang mga imahe ng sinasabi ni Wrath. Mukhang masaya ngang gumanti sa mga nilalang na binalewala ka ng ilang taon. Ano pa nga ba ang pumipigil sa kanya? She'll have it all. She'll have revenge. It's a perfect offer!
"I promise I'll come back as soon as possible. 'Wag ka nang magtampo."
Napapikit siyang muli nang marinig ang boses na iyon. It was Remi's.
'Si Remi.. Siguro hindi siya matutuwa kapag nalaman niyang nagpakasal ako sa isang daga.'
"At ipinangako ko sa sarili ko na poprotektahan kita, Snow."
Si Chandresh. Biglang niyang naalala ang mga sinabi noon ng kanyang nutcracker prince. She was sure as hell that he won't be happy if he found out about her "marriage" with the Mouse King. Dumako ang mga mata niya sa singsing. Kuminang ito sa kawalan ng liwanag na tila ba inaakit siyang magdesisyon. Napasimangot si Snow.
Ano bang pinag-iiisip niya kanina? This is outrageous!
Revenge is not an answer. No matter how fucking twisted this world is.
"I need to care of my nutcracker prince."
Mariin nitong sabi sabay tanggal ng singsing. The ring fell onto the floor with a 'thud' and the throne room went silent again. Sinamaan ng tingin ng dalaga ang Mouse King na tila ba anumang oras ay sasabog na sa galit dahil sa ginawa niya. Sumiklab ang apoy sa likod ng mga mata ni Wrath at kitang-kita ni Snow ang pagpipigil nito ng galit.
"Fine. Have it your way!" Asik nito bago pumito. Mayamaya pa ay nasidatingan ang batalyon ng itim na mga dagang naka-uniporme at may hawak na mga baril. Behind them, the clockwork monsters towered, ready to attack. Walang ganang iwinasiwas ni Wrath ang kamay, "You leave me with no choice but to use force. Mga alipin, ihanda ang seremonya. We'll marry in fifteen minutes." At tuluyan na itong naupo sa kanyang malaking trono, isang mala-diyablong ngiti sa kanyang labi.
'Ikakasal ako sa loob ng fifteen minutes?!'
"Damn! L-Let go of me!"
Wala nang nagawa pa si Snow ang kaladkarin siya ng mga alagad ni Mouse King. She was dragged against the cold floor, weak and hopeless. Ilang sandali pa ay sumara na ang malalaking pinto ng silid.
*
Swords clashed. The air filled with the noise of battle cries as the ground shook violently beneath their feet. Pinagmasdan ni Chandresh ang pagsiklab ng kaguluhan sa palasyo ni Mouse King. His castle is made of polished iron, twisted into a deadly peak on top of a mountain. Unti-unti na ring gumuguho ang mga pader nitong yari sa keso habang nakikipagdigmaan sila laban sa mga daga. Mabilis niyang binali ang braso ng isang kawal at hinampas ang hawakan ng kanyang espada sa leeg nito. The mouse soldier fell down unconsciously as the nutcracker prince proceeded to the main entrance.
Sa di-kalayuan, nakikita niya ang anim na hari na abala sa sari-sariling laban.
The twins are in perfect sync, taking turns in kicking and knocking out the vile rodents. Walang-awang binali ni Envy ang leeg ng kanyang kalaban, a painful crack resounding throughout the chaos. His white robes seemed like a feather. Siya mismo ay mukhang isang kalapati sa gitna ng kulay abong lugar. "Para 'to sa pagsakop niyo sa kaharian ko!" Nabigla na lang ang kawal na daga nang maglabas ng machine gun ang hari. Ilang saglit pa ay umalingawngaw na ang ingay nito kasabay ng kanyang pagtawa.
"Revenge never felt this good! HAHAHAHAHA!"
Sigaw naman ni Greed na binigyan ng flying kick ang dalawang kalaban. He gracefully landed on the ground in his pitch black robes. Hindi kagaya ng kanyang kakambal, the King of the Golden Empire looked more like a raven. Maliksi nitong inilagan ang mga atake ng kalaban at inagaw ang mga armas nito bago isinaksak sa kanila. Nang palibutan siya ng mga daga, ngumisi si Greed at naglabas ng dalawang axe. He grinned like a maniac and started attacking them ruthlessly.
"We need to get to Snow! She's being forced into marriage!"
Napalingon si Chandresh sa boses ni Pride, gulat sa kanyang narinig. "A-Ano? Paano mo naman nalaman?!"
The eldest brother frowned at him. Ipinakita niya rito ang hawak na kawal na tila ba takot na takot at nagmamakaawa kay haring Pride na huwag siyang saktan. Isang mapanganib na ngiti ang kumawala sa mga labi ni Pride habang inaayos ang salamin sa mata, "Let's just say, I have a way of manipulating people." Pero agad rin nitong inihagis ang kawawang daga papalayo, na tumilapon ng ilang kilometro sa ere.
'Kailangan naming mapigilan ang kasalanang 'yon!'
Sinaksak ni Chandresh ang dagang humarang sa kanyang daan. From the corner of his eye, he could see the gummy bear warriors and gingerbread guards having the upperhand. Pati ang ilang alagad ng magkakapatid ay nakisama na rin sa digmaan para mabawi ang kanilang mga kaharian. Earlier, they had managed to successfully invade the Mouse King's palace and eliminate the guards. Nagpapasalamat na lang si Chandresh at nagkasundo rin dito ang magkakapatid. 'Mukhang hindi lang ako ang concerned sa kapakanan ni Snow.' Mapait niyang isip.
When he was a few meters away from the entrance, hinarangan naman siya ni Cereberus. The three-headed dog growled.
"WOOF! WOOF! WOOF!"
"Damn it.."
Iniangat ni Chandresh ang kanyang sandata, handang makipagpatayan para lang mailigtas ang dalaga sa kamay ng Mouse King. But before he could attack, a melody erupted out of nowhere. Dahil sa musikang ito, tila ba nawawala sa konsentrasyon ang halimaw. Agad na hinanap ng nutcracker prince ang pinagmumulan ng tunog at nahagilap si Sandman/Sloth na tinutinugtog ang isang lyre. "Ako nang bahala dito! Puntahan mo na si Snow!" Sigaw nito sa kanya at ginamit ang kanyang kumikinang na buhangin para alisin sa daanan ang dambulahang tuta na mukhang inaantok na. When Cerberus accidentally hiccuped fireballs, agad na umilag si Sloth.
Sa mga sandaling ito, nasa loob ng kastilyo si Chandresh. Mabuti na lang at walang bantay rito. Tiningnan niya ang mga pasilyong nagsanga-sanga mula sa kanyang kinatatayuan. "Damn! Saan ba ako pupunta?!" Ngayon alam na niya ang pakiramdam ni Snow nang tanungin niya ito noon. He doesn't know where to go. He doesn't know what path to take. It's madness!
"Sa throne room ginaganap ang seremonya. If you go down this hall, you'll find a staircase leading straight up there."
Napalingon si Chandresh nang may dumaang alipin. He smiled hesitantly, "Err. Salamat..."
"Hades."
'Right.'
Mabilis na tinahak ng nutcracker prince ang pinakasentrong pasilyo. The walls lined with portraits of the Mouse King adorned the black walls. Agad na nahanap ni Chandresh ang sinasabi nitong staircase at tumakbo paakyat rito. Ramdam na niya ang pagod sa kanyang mga binti pero wala siyang planong sumuko. He's almost there.
'Snow, I'll rescue you!'
*
Halos masuka na si Snow sa mga pangyayari. Kanina lang ay kinaladkad siya ng mga alipin ni Mouse King, matapos ang labing limang minuto, heto siya ngayon at nakasuot ng isang wedding gown na napupuno ng mga diyamante at perlas. She stood in front of the makeshift altar, with a mouse for a priest. Katabi niya ngayon ang "mapapangasawa" niya, si Wrath. He still wore that intimidating dark cape and those pesky mouse ears and tail. Huminga nang malalim ang dalaga, ramdam niya ang pagbaon ng mga lubid sa kanyang mga braso. 'Kanina lang, natulog ako. Ngayon naman, ikakasal na ako sa isang daga. Ang bilis masyado ng panahon!' Mapait nitong isip.
Hindi niya akalain na ganito ang kahahantungan ng bisperas ng Pasko para sa kanya.
Hindi na siya nakinig sa iba pang dinadaldal ng pari. Let's skip to the part..
"Do you, Chione White, take the Mouse King to be your lawfully-wedded husband, for be----"
Natigil ang pari nang bumukas bigla ang mga pintuan ng throne room. Iniluwa nito ang isang pamilyar na mukha. Nagulat ang mga aliping napipilitang maging saksi sa kasalan.
"Napaaga ba ako? I have to apologize for that!"
Agad na napangiti si Snow nang makita ang kanyang nutcracker prince.
He smiled warmly at her.
"Am I late for your wedding, Your Majesty? I'm sorry."
She snorted.
"Pinapatawad na kita. Wala naman akong planong mag-'I do' sa isang daga."
Ngayon naman ay binalingan nila ang Mouse King na mukhang papatay na. Wrath's eyes blazed with fire at agad niyang kinuha ang espadang nakasukbit sa kanyang kasuotan. The smooth blade glimmered in the darkness of the room. "You'll regret ruining my wedding, nutcracker!" Asik ng hari. Nagkagulo na ang lahat at maging ang paring daga ay nagtago na sa ilalim ng mesa.
Chandresh smirked. "Your bride doesn't seem to mind, Mouse King!" At sinugod na niya ito. Mabilis na sinalag ni Wrath ang pag-atake ng nutcracker prince at itinulak ito papalayo. Napasinghap si Snow nang palibutan siya ng mga dagang kawal. They seem to be intent to guard her until their king wins. Inis na sinubukan ng dalagang makakawala sa pagkakagapos niya. 'I hate mice!'
"Need some help, sugar-plum?"
Nabigla si Snow sa paglitaw ni Gluttony mula sa pinto. Beside him, Lust smirked. "Hey, baby! Missed me?" At sabay nilang sinugod ang mga dagang nakapalibot kay Snow. Walang kahirap-hirap nilang tinalo ang mga daga. Their swords piercing through the enemies. The Sugar-plum Fairy King easily made his way towards her. "Nice wedding gown, candy bun." At kinalas na nito ang lubid na nakatali sa kanyang mga braso.
"Brother? We have some company here!"
Sabay silang napatingin kay Lust, at nang mga sandaling iyon ay nakatayo na sa kanilang harapan ang isang dosenang clockwork monsters. Lubhang mas mapanganib kaysa sa mga dagang kawal. Napalunok si Snow. "Anong plano?"
Nagkatinginan ang magkapatid.
Umirap muli si Snow. "Wag niyo sabihing wala na namang plano?! Shit!" At siya na mismo ang kumuha sa espadang hawak ni Lust at sinugod ang isang halimaw na aatake na sa kanila..
Lust sighed. "She's just too reckless. Masyado siyang hot."
Umirap si Gluttony. "Nagugutom na 'ko. Tapusin na natin ang kalokohan na 'to." At sa isang iglap, kumawala na ang pakpak ni Gluttony. Of course, he's the Sugar-plum Fairy King. Kuminang sa liwanag ang mga fairy wings ni Gluttony, bahagyang masyadong maliit para sa kanya. Isang himala na nakakaya siyang iangat sa lupa ng mga ito.
Lust sighed again.
"Parang bakla."
At nagtulungan na silang patumbahin ang mga clockwork monster...
Meanwhile, Chandresh and the Mouse King are at the edge of the throne room. Hinihingal na ang nutcracker prince sa pakikipaglaban. Mukha namang naaaliw pa rin ang Mouse King dito. With one swift movement, Wrath managed to point his weapon at Chandresh's neck. Unti-unting bumabaon ang talim sa kanyang leeg at umaagos na ang dugo mula rito. "Akala mo ba pagkatapos nito pipiliin ka niya? Why would she choose a stupid nutcracker when she can have a king?"
Sinamaan siya ng tingin ng binata. "Hindi ako umaasang pipiliin niya ako."
"Pitiful.. Kung umanib ka na lang kaya sa'min, nutcracker? Surely, I'll have use for your skills in combat. Samahan mo kaming sakupin ang mundo ng mga tao."
Malalim na ang paghinga ni Chandresh at pakiramdam niya ay tuluyan nang bibigay ang katawan niya sa pagod. He wasn't meant to last this long, not alive. Hindi siya idinisenyo ni Remi para tumagal sa pakikipagdigmaan. He was only meant to be a nutcracker for Snow! Pero mukhang malabo na siyang makabalik sa buhay na iyon. Sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niya ang dalaga na nakikipaglaban sa clockwork monsters. Mabuti na lang at naroon ang dalawa sa magkakapatid na hari.
'If I die now, Snow will still be in good hands..'
Sapat na iyon para sa kanya.
Hindi naman na siya kailangan ng dalaga. Basta maprotektahan niya ito, tapos na ang misyon ni Chandresh. Her safety is his number one priority, afterall.
Huminga siya nang malalim at tumango kay Mouse King.
"I'll join you."
Ngumisi si Wrath. "Good."
Ilang sandali pa ay tinanggal na niya ang talim sa leeg ng nutcracker. But the moment he did so, Chandresh suddenly charged at him. Buong-lakas siya niyong sinugod patulak. "WHAT ARE YOU----?!" Nagulat si Wrath nang itulak siya nito papalabas ng bintanang nasa likuran pala niya.
CRASH!
The glass broke into fragments as they fell. The Mouse King and the Nutcracker Prince.
Sabay silang nahulog sa kanilang kamatayan.
*
CRASH!
Pagkarinig ni Snow sa nabasag na salamin, mabilis siyang bumaling sa kinaroroonan ni Chandresh at halos mamutla siya nang makita ang mga susunod na pangyayari.
"CHANDRESH!"
She saw him fell off the tower's window! 'We're a hundred feet from the ground!' Paniguradong kamatayan ang naghihintay sa kanila sa baba. "NO!" Mabilis na tumakbo si Snow kahit alam niyang huli na ang lahat. Agad na sumunod sa kanya sina Lust at Gluttony, halatang nabigla rin sa mga pangyayari.
Huli na nga.
Napaluhod si Snow sa gitna ng mga basag na salamin. Everything felt empty again. Nanginginig na pala ang kanyang mga kamay at nahihirapan na rin siyang huminga.
'My nutcracker is gone.'
Hindi na niya namalayang ang luhang pumatak galing sa kanyang mga mata. Hindi na rin niya mapigilan ang kanyang paghikbi. 'Kasalanan ko.. I promised to take care of him but I did nothing to save him.' At alam niyang hindi ang bilin ni Remi ang tanging rason kung bakit niya gustong mapangalagaan ang binatang may kulay lilang mga mata.
Now, his violet eyes will forever haunt her.
"He sacrificed himself.. to save us. The Mouse King is gone. Poor brother." Mahinang sabi ni Gluttony.
Ayaw nang isipin pa ni Snow. Losing Chandresh is worse than losing the war.
"HOY! MAGDA-DRAMA NA LANG BA KAYO DIYAN O TUTULUNGAN NIYO AKO DITO?!"
Sinamaan ng tingin ni Snow si Lust. Magsasalita pa sana ito nang mapansing aligaga ang hari sa paghatak ng lubid na nasa bintana. Bumilis ang tibok ng puso ni Snow sa kaba at dali-dali siyang nagpunta roon. Sa dulo ng lubid, nakasalambitin sa baba, ay walang iba kung hindi si Chandresh. Snow White gasped and hurriedly helped Lust drag him up.
Pati si Gluttony ay hindi makapaniwala.
"Kaya pala nawala bigla yung lubid na ipinangtali kay Snow."
Nang matagumpay nilang nahila si Chandresh, agad siyang sinalubong ng mahigpit na yakap ng dalaga.
Chandresh smiled in relief at gumanti ng yakap. Snow's warmth is a heaven he couldn't resist. Embracing her felt like salvation.
"T-Tinakot mo 'ko kanina! Damn it.."
Natawa ang nutcracker nang nabasag ang boses nito. Ngumiti siya kay Snow at pinunasan ang ilang luhang naiwan sa kanyang pisngi. "I'm sorry, Your Majesty." Snow gazed at his violet eyes. Nakaramdam siya ng kapayapaan sa mga bisig ng kanyang nutcracker prince. "C-Chandresh, I----"
"BAWAL MAGLANDIAN!"
Napatalon sa gulat ang dalawa nang bigla silang sinita ni Sloth. The Sandman grinned mischievously as the twins laughed. Noon lang nila napansin na naroon na rin pala ang iba pang mga hari. King Pride adjusted his eyeglasses, "Wrath is a bastard, but he's still our brother. We're bounded by the similarity of blood, not by the differences of our characters. Ipinag-utos ko na sa mga kawal ko na ilibing siya sa Christmas Land cemetery. Nonetheless, mabuti at natapos na ang lahat ng ito."
Tumango si Snow at sinilip ang kalangitan.
Bukang-liwayway na pala.
Kapansin-pansing tahimik ang lahat.
"Thank you for saving Christmas Land, princess." Pahabol pa ni Pride bago nag-iwas ng tingin. A blush on his cheeks. "N-Ngayong wala na ang Mouse King, it's time for you to choose among us."
Natigilan si Snow sa narinig. Oo nga pala.
Isa-isa niyang tiningnan ang anim na hari. May sari-sariling mga kaharian at pawang makapangyarihan. Tipid siyang ngumiti at hinawakan ang kamay ni Chandresh.
"Noong una pa lang, may pinili na ako."
Gulat na lumingon sa kanya ang nutcracker prince. His violet eyes wide in shock. Para bang nawalan na rin siya ng kakayahang makapagsalita. "M-Me? Snow, baka naman---!"
"Ayaw mo ba?"
Tumawa ang binata at hinapit si Snow papalapit sa kanya. "Gusto."
At kasabay ng pagsikat ng araw sa kanilang lupain ay ang paglapat ng kanilang mga labi. In bliss, Snow White closed her eyes and savored the kiss of her nutcracker prince.
*
Nagmulat ng mga mata si Snow. Una niyang nakita ay ang kisame ng kanyang silid. Napabalikwas siya ng bangon at sinipat ang paligid. She's back in her room, back to normal size. Sa kanyang bintana, umagos ang liwanag ng bagong umaga kasabay ng reyalisasyong isang panaginip lang pala ang lahat.
"At Pasko na pala.."
Nang maalala niya ang kanyang nutcracker, dali-dali niya itong hinanap sa kanyang kama. 'Nasaan na ba si Chandresh?' Snow White couldn't find him. Halos halughugin na niya ang buong kwarto pero hindi pa rin niya makita ang regalong bigay sa kanya ni Remi. Tinablan siya ng lungkot dahil dito.
'Sana hindi natapos ang panaginip.'
Dahil bumalik na siya sa reyalidad.. And Snow White's reality isn't as adventurous as her dream last night.
"Snow?"
Narinig niyang tinatawag na siya ni Remi sa baba. Napabuntong-hininga ang dalaga at nagmadaling mag-ayos..
When she reached the living room, bumungad sa kanya ang maamong mukha ni Remi. "Merry Christmas, my little Snow." Niyakap siya nito at hinalikan sa noo, isang aksyon na nakagawian na rin nila taon-taon.
"Merry Christmas, Remi."
'At least I'm not alone on Christmas day.' She thought. Naalala niyang bigla ang pagkawala ng nutcracker. She took in a deep breath and started apologizing, "Remi, about the nutcracker----!"
"Mamaya na 'yan. There's someone who wants to meet you."
Nagtaka si Snow sa sinabi ng clockmaker. Noon niya lang napansin ang isang binatang nakatingin sa kanila. Tipid itong ngumiti kay Snow at naglahad ng kamay. Snow's heart skipped a beat at pakiramdam niya ay tuluyan nang nalaglag ang kanyang panga sa gulat.
Violet eyes.
"I'm Chandresh, Remi's friend. Nice to finally meet you, Snow... and Merry Christmas."
Pinigilan ni Snow ang sarili at iniabot ang kanyang kamay. 'Is this magic?' Hindi niya alam kung anong nangyari o kung naaalala ba siya nito. Pero minabuti na ni Snow White na hayaan na lamang umikot ang gulong ng kapalaran.
Ngayon ay nauunawaan na niya ang hindi maintindihan ng Mouse King.
This is how love can conquer the human world.
THE END.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top