9: You're the Man, Bro.

"A-Asheen?" muling untag ni Dako sa akin.

"Yes 'yan!" pangangantiyaw ng mga kaibigan namin at ibang mga staff ko.

Of course, they know. Matagal ko itong pinangarap at ano pa nga ba ang dapat kong gawin ngayon na nagkatototoo na.

Sa akin na lamang nakasalalay ang lahat.

Napatango ako, "Yes, love, I do."

"Ayon!" napuno ng ingay ang paligid nang mapatalon si sa sobrang katuwaan si Dako. "Ang singsing huwag kalimutan!" Nagtawanan ang mga ito. Maging ako man ay napahagikhik sa pilyong boyfriend ko.

Nanginginig na inabot ni Dako ang aking kamay at unti-unting isinuot ang singsing sa aking palasinsingan.

"Aww!" sobrang sayang sambit ko. Nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha mula sa aking mga mata. "T-Thank you, love, you made me the happiest woman today."

Yumuko ako niyakap siya nang mahigpit kasabay nang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha mula sa aking mga mata.

Maingat niyang aking mukha gamit ang mga palad at marahang pinunasan ang aking mga pumapatak na luha. Pagkatapos ay tumayo na siya at hinalikan niya ako sa aking mga labi.

Ipinulupot ko ang aking mga kamay sa kaniyang leeg.

Masaya ako at sa huli'y mahal pala talaga ako ng aking iniibig. Hindi nasayang ang ilang taong pagsasama namin ni Dako. Siya pa rin ang nais kong makasama habang buhay at maging ama ng aking mga anak.

Nagpalakpakan ang lahat at namayani ang nakakabinging ingay. Napalingon ako kay Fiona. There's a tears in both of her eyes. Alam kong masayang-masaya siya para sa akin. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit.

"It's okay, Fiona, uunahan lang naman kita..." may himig pang-aasar kong sambit.

"Epal ka talaga," ani niya at natawa na rin nang bahagya.

"Congratulations Asheen!" natitilihang sambit ni Gella sa akin pagkalapit niya.

Napalunok naman ako nang malapot at bahagyang nailang nang maalala sa aking isipan ang senaryong naabutan ko noon sa condo ni Dako. It turns out na silang dalawa lamang pala iyon magboyfriend.

I'm no Saint. Nakakapanood na rin naman ako ng mga gano'n na senaryo sa mga paborito kong movies. Sadyang hindi ko lamang inaasahan na live ang aking masasaksihan. Aren't they even afraid na may makakita sa kanila?

Tinanggap ko ang yakap ni Gella. "Thank you, bes!" pasasalamat ko at hinalikan siya sa pisngi kapagdako.

"Who planned this with Dako?" kyuryos kong tanong nang nasa table na kami at kumakain na magkakasalo.

Napatingin si Dako kay Fiona at itinuro ang aking bestfriend. "Sino pa ba ang tutulong sa akin magplano nito, love, kundi si Fiona at ang mga kaibigan natin?" nakangiting sambit niya.

Napatango naman ako. "Grabe pero hanggang ngayon masama pa rin ang loob ko sa'yo dahil sa break-up prank ko sa akin!" nakalabing sambit ko.

Hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin ako kapag naalala ko. I shouldn't have did it with Hardy. Hindi ko dapat hinayaang maging close ito sa akin nang higit pa sa maaari. Pinagpawisan ako nang malapot nang maisipan ko ang aking pagkakamali. Awtomatiko akong napainom ng tubig.

"Ako makikipaghiwalay sa'yo?" nakatawang sambit ni Dako at napailing. "Mamatay ako,  Asheen."

Kinantiyawan na naman tuloy ito ng mga lalaki. "You're the man, bro."

"I know!" nakangising sambit ni Dako at muli akong sinubuan ng grape.

Napansin ko na hindi pa ginagalaw ni Fiona ang kaniyang pagkain na lubos kong ipinagtaka sapagkat may espasyo sa kaniyang tabi. "Why are you not eating, bes?" tanong ko sa kaniya.

"Don't mind me," aniya. "May hinihintay akong isa pang bisita natin."

Kumunot naman ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi. "Kababata ko," anito na bahagyang ikinataas ng aking kilay.

"Kababata?" bahagya akong nagulat sa kaniyang sinabi.

"Yes. I invite him here because nais kong makilala niyo rin siya. Wala pa siyang girlfriend kaya naman ako na mismo ang dumidiskarte sa kaniya," ani Fiona na ikinalaki ng aking mga mata.

"Dumidiskarte?" bahagyang tumaas ang aking boses. Babae si Fiona, matalino, maganda at mataas ang pinag-aralan. Hindi dapat siya ang dumidiskarte sa mga lalaki.

Natawa siya sa aking reaksyon. "Oh, bakit parang gulat na gulat ka?" puna niya sa akin.

"Bakit mo iyan ginagawa, Fiona? Babae ka," mariing sambit ko sa mababang boses.

Ngunit tinawanan lamang niya ako. "Ano naman ngayon, Asheen? Wala na tayo sa lumang henerasyon. Hayan at mag-aasawa na kayo ni Dako kaya naman huwag mo nang kontrahin ang pagiging liberated ko," giit niya sa akin.

Magsasalita pa sana ako nang maunahan na ako ni Dako. "Asheen is right, Fiona. Lalaki dapat ang unang lumalapit sa'yo. Being liberated is fine but you should know your worth."

Tuluyan akong napangiti at humahangang nag-angat ng tingin sa aking nobyo. Matalino at gentlemen. Kaya naman mahal na mahal ko ito, eh!

Umirap lamang si Fiona sa ere. "Hay, na'ko. Tigilan niyo nga akong dalawa magnobyo. Hindi na ako bata. Hayaan niyo rin naman akong lumandi sa paraan na gusto ko. Let me enjoy my own life, okay?"

"Fine," sumusukong sambit ko at hinawakan ang palad ni Dako. "Kung saan ka masaya, bessy."

"Oh, nariyan na pala si Hardy!" sabik na sambit ni Fiona at agad na umahon ng tayo.

Para naman akong naestatwa mula sa aking kinauupuan dahil sa pangalang binanggit ni Fiona. Hindi naman siguro ang Hardy na kilala niyang kaibigan nito?

Kumaway si Fiona at sinalubong ang lalaki.  Tumunog ang chime sa bandang pintuan ng aking coffee shop. Tila ba huminto ang oras at pinagpapawisan ako nang malapot.

"Sorry, na-late ako, Fiona," aniya ng napakapamilyar na baritonong boses na nagdulot ng milya-milyang bultahe sa aking katawan.

Para akong binuhusan ng yelo sa aking kinauupuan nang makumpirma kong si Hardy nga iyon nang sundan niya si Fiona at maupo sa nakareserbang tabi nito.

"Nice meeting you, pare," ani Dako mula sa aking tabi.

Nanatili akong nakayuko. Hindi naman nakilala ni Dako si Hardy. Blurred nga pala ang video at hindi nakita ang mukha nito kaya naman naging mabait ang pagtanggap niya sa bisita ni Fiona.

Ang kaninang nag-uumapaw na tuwa mula sa aking puso ay napalitan ng pag-aalinlangan at pangamba.

"Congratulations, pare," seryoso ang boses na pagbati nito kay Dako at nakipagkamay. "Sa inyong dalawa nitong fiance mo."

"Love," nagtatakang tawag sa akin ni Dako. Hinawakan niya ang aking braso.

Kabado akong nag-angat ng tingin kay Dako. "L-Love," nauutal kong sambit.

"Siya ang bestfriend ko, Hardy. Si Asheen," ani Fiona.

"Asheen," bigkas ni Hardy sa aking pangalan. Hindi ko siya magawang lingunin o tapunan muli kahit ba saglit na tingin.

"M-Magsi-cr lamang ako," mabilis kong palusot sa kanila. Wala akong sinayang na minuto at agad akong tumayo upang makaalis mula roon.

Paulit-ulit kong minura ang aking sarili sa harapan ng salamin. "Nakakainis. Of all people. Bakit siya pa talaga?"

~ itutuloy ~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top