8: Will You Marry Me?

Naisuklay ko ang mga daliri sa aking kamay sa mismong buhok ko.

Inip akong nahiga sa ibabaw ng aking malambot na kama at pinilit kong pumikit.

Ngunit iba na naman ang aking nakikita. I can see Hardy behind that glass wall carrying that woman's body in his arms. The woman's legs were clearly wrap at his hips.

I can even hear the woman screaming Dako's name. And I can't unhear it. Fu*k! Mababaliw na yata ako.

Unti-unti kong naramdaman ang dahan-dahang pagdaloy ng luha mula sa aking mga mata.

Sobrang sakit. Hindi ko na maitago pang muli ngayon na nag-iisa na lamang ako. Unti-unti akong kinakain ng lungkot at kabiguan. Para bang sinasakal at unti-unting pinipiga ang puso ko. Nahihirapan akong huminga.

Am I not good enough for him? Alam kong lalaki siya at may pangangailangan pero kung talagang mahal niya ako, bakit niya ako nagawang hiwalayan at agad na palitan?

Hilam na sa luha ang aking mga mata. Ramdam ko iyon. Basang-basa na ang aking mukha nang suminghot ako.

Dako could ask me to marry him and I would say yes without blinking my eyes. Because I love him! I love him more than words! Na nasasaktan ako kapag naiisip ko na ginawa niya ang kasalanang iyon nang hindi man lang iniisip ang mararamdaman ko.

Gusto ko siyang gantihan. Gaya ng ginawa ko kanina. Ninais ko na talaga kaninang mangyari iyon. Baka sakaling makalimutan ko na mahal na mahal ko si Dako. Ngunit ngayon ko lamang napagtanto kung gaano kalakas ang tukso.

All I can do now is to let myself cry in silent. Sinadya siguro ng Diyos na makulong ako ngayon upang makapagpahinga.

Taimtim akong nagdasal at nanghingi ng tawad sa kaniya. Hindi ko na muli gagawin iyon. Iiwasan ko na si Hardy. Aaminin ko na para siyang isang makamandag na lasong kay bilis lituhin ang katawan ko at dalhin sa  makamundong lugar.

Isang lugar na hindi ko pa nararating ngunit sa saglit na oras ay naipakilala niya sa akin.

But then he's just a perfect revenge na kung ako ang tatanungin ay ayaw ko nang muling mangyari pa. Alam kong pagsisisihan ko lamang iyon sa huli. Hindi ako iyon.

Dako even cheated of me because I can't give up my virginity on him. At mas lalong walang karapatan si Hardy na mahawakan o makamit iyon. Kailangan kong mas doblehin ang pag-iingat at pagtibayin ang aking prinsipyo.

Napadilat ako dahil sa mahihinang katok. Mabuti na lamang at nakapunas na ako ng aking mga mata pagkagaling ko sa pag-iyak. Ramdam ko ang pamamaga at pamumula niyon ngunit wala akong pakialam. Nais ko nang makalabas mula rito.

Tumayo ako at naglakad palapit ng pinto. Unti-unti kong binuksan iyon, nagtataka kung bakit hindi na lamang nila binuksan agad.

Then I heard a very familiar song being played at my place. Nagulat ako sapagkat saktong-sakto iyon sa paghakbang ko palabas.

Theme song namin iyon ni Dako. Natulala ako nang mapansin na nagbago bigla ang ayos ng aking caffee shop. What happened? Mayroong nakalatag na puting carpet sa sahig mula sa labas ng pintuan ng opisina ko patungo sa terrace na parte pa rin ng aking lugar.

Kabado akong naglakad patungo roon. Mas lalo akong nagtaka sapagkat wala nang katao-tao ngayon na kanina lamang ay puno ng ingay ng mga costumers.

Nagulat ako nang bigla na lamang lumabas sa screen ang mukha ni Dako. Malawak ang kaniyang pagkakangiti. Nanggigigil ako bigla. Pak*het! Bakit ang guwapo-guwapo niya lalo riyan?

"Hello, Love!" nakangiting sambit niya at nag-pout. "Alam kong nagtataka kung bakit na-lock kang bigla sa opisina mo, I'm so sorry... Pakana namin ito ng mga kaibigan natin. Na-surprise ka ba? I love you! I'm not reallly breaking up with you. Hinding-hindi kita pakakawalan. Akin ka lang. Sorry Love kung naging busy ako nitong nga nakaraang araw. I've been very busy these past few days. Sa paghahanda para sa special na araw na ito. So don't think that I'm mad at you. Mahal kita, Asheen. Mahal kita kaya naman hindi ako naniniwalang magagawa mo ang bagay na iyon. Kilala kita. Pasensiya ka na kung pakiramdam mo iniiwasan kita nitong mga araw dahil totoo naman talaga. I'm preparing but I hope you didn't overthink too much. Thank you, Love, sa lahat-lahat. Ni minsan hindi mo ako iniwan even in my lowest moment. I love you, Asheen. I'm waiting for you here at the terrace. Bilisin mo na aking mahal. I've been waiting for all of my life."

Tuluyan akong natulala habang nakatitig nang matagal sa screen.

Is he serious? I saw him with someone else. Sure ako na siya iyon dahil sa nagkalat niyang mga damit sa sahig. Bahagya akong natuliro.

What is he trying to do? Sinunod ko siya. Kabado akong naglakad patungo sa labas ng terrace. Sobrang dami ng laman ng aking iniisip.

Tumambad sa akin ang decorated na terrace. Aaminin niya na ba sa akin ang kaniyang mga kasalanan? Can I even forgive him? Hindi ko napigilan ang aking sarili sa pagkuyom ng aking palad. I think I know now what is he trying to do.

Inilibot ko ang aking paningin. Napuno ng bulaklak ang palibot. Asan na sila? Where's Dako?

"A-Asheen," si Dako na biglang sumulpot sa aking harapan bitbit ang isang boquet na napakalaki.

Iniabot niya iyon sa akin at wala akong nagawa kundi abutin iyon sapagkat nagsilabasan na rin ang mga tao. I can see Fiona. Malawak ang pagkakangiti ng bruha. At sina Jordan and Gella ay naroon din. Kumunot ang aking noo pagkakita na suot ni Jordan ang damit ni Dako. Napasinghap ako at napabaling sa kanila.

"Why are you wearing Dako's clothes?" maang kong tanong.

Nagsipagtawanan ang kanilang mga kaibigan dahil sa kaniyang tanong.

"Hays, nagtanan lang naman silang dalawa ni Gella, Asheen," labas ss ilong na sambit ni Fiona habang nakalabi.

"Tanan?" nagulat ako. Naiwala ko tuloy ang mood ng kinaroroonan ko. "Idi saan kayo nakatira ngayon?" Nag-aalala ako. They were both my close friends and Dako also.

Nagkatinginan ang dalawa. "Sa condo ni Dako," ani Jordan sabay abot ng kamay ni Gella.

Gulat akong pinanlakihan ng mga mata. "Seryoso?" kabadong tanong ko sa kanila.

Kung doon sila nakatira ngayon, ibig sabihin ba nun ay maaaring nagkamali ako? Paano kung ang mga ito pala ang nakita ko kanina? What the heck?

Apologetic akong napalingon kay Dako.

Malawak ang kaniyang pagkakangiti. I feel seriously guilty dahil sa aking nalaman. Napalabi ako. "Bakit ba kasi sa lahat ng biro ay pakikipag-break pa ang ginawa mo?" naiiyak na tanong ko sa kaniya. Nais ko siyang sumbatan.

Nagkamali ako ng hinala. All this time, Dako didn't cheated on me. Dahil sa maling akala na iyon. Nagpadala ako sa akong emosyon at muntik na akong magkasala nang walang kataparan.

"I'm sorry and I love you, Love..." Nagulat ako nang may inabas siyang maliit na kahon at unti-unting lumuhod sa aking harapan.

Natilihan ako at pinagtaasan ng mga balahibo sa aking katawan.

Napasinghap ako. "W-What are you doing?" pigil-hiningang tanong ko.

"Will you marry me?" nakangiting tanong niya na dahilan kung bakit tuluyan akong napaluha.

~ itutuloy ~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top