3: The Kiss Stealer
My eyes' gaze went wider everytime it follows the rhythm of those two naked body I am seeing right now behind that full glass door.
Napasinghap ako. Awtomatiko akong napatakip ng aking bibig.
Mariin akong napapikit at nanghihinang napatalikod. Hindi ko na kaya pang maglagi ng isa pang minuto sa kuwartong iyon. Nagmamadali ako sa pagtakbo palayo.
Ramdam ko ang pamamalisbis ng mga mabibigat na luha mula sa aking mga mata.
Nanlalabo ang aking paningin.
Dire-diretso lamang ako sa pagtakbo hanggang sa makalabas ako nang tuluyan mula sa kaniyang condo.
"Opsss!"
Bumangga ako sa isang mala pader na katawan.
Hilam sa luha akong nag-angat ng tingin. "I-I'm--" nahinto roon ang aking sinasabi. I didn't expect to see him here right now.
"Ikaw," gulat niyang sambit nang makilala ako.
Inirapan ko lamang siya at nilagpasan na siya upang maglakad na paalis nang habulin niya pala ako.
Nagulat ako nang bigla na lamang niya akong hatakin papasok ng bagong bukas na elevator.
"Ano ba?!" nanginginig sa galit ang boses na tanong ko sa kaniya nang tuluyang sumarado ang pinto niyon.
Napakurap siya sa gulat ng aking inasal. Buong akala ko pa naman ay napagbantaan ko na siya ngunit nagkakamali lamang pala ako nang isang katakot-takot na ngiti ang sumilay sa gilid ng kaniyang mga labi.
Nanlaki ang aking mga mata nang ilapit niya bigla ang kaniyang labi sa gilid ng aking bibig.
"H-Huwag kang lalapit!" Napakurap ako sa kaba ngunit huli na para roon.
Tuluyang dumampi ang kaniyang malalambot at mapupulang mga labi sa akin. Agad kong naamoy ang kaniyang preskong hininga na nanunuot sa kasulok-sulukan ng aking ilong.
Hmn. Parang marshmallow ang mga labi niya. Sobrang lambot at nakakaadik sa pagdami sa bawat galaw nito.
Saglit akong nakalimot. Napaungol ako nang kusa niyang iwan ang aking mga labi at walang latay na bumaba patungo sa pinaka sensitive naparte ng aking leeg. Hindi ko alam kung paanong nahulana niya iyon. It feels like he already knew my weakness.
Hindi siya huminto. At muli ako'y napaungol. Then I remember Dako. Dako respect me. Ni minsan ay hindi niya ako pinilit gawin ang mga bagay na labag sa aking prinsipyo. Nagugustuhan ko ang ipinararamdam niya sa akin ngayon ngunit agad din akong napabalik sa reyalidad. Hindi nga pala siya si Dako.
Mabilis pa sa alas-kuwatro akong napadilat ng aking mga mata at itinulak siya.
Gulat ang rumihestro sa kaniyang mukha. Agad naman akong nag-iwas ng tingin at mariing napapikit. Sinubukan kong huminga nang malalim at ibalik sa normal ang aking paghinga.
Mabuti na lamang at bumukas na ang pinto. Dali-dali akong naglakad palabas niyon. Lakad-takbo ang aking ginawa sapagkat ramdam kong nakasunod pa rin siya sa akin.
Nagmamadali ako sa paglakad patungo sa pinto ng building palabas nang muli'y may humawak at pumigil sa aking siko.
"Hintayin mo ako, babae. Ihahatid na kita sa inyo."
Naiiyak ako. Hiyang-hiya ako at awang-awa sa aking sarili. Wala na kami ni Dako at ngayo'y nagpapakasasa na siya sa piling ng ibang babae ngunit heto pa rin ako. Umaasa na isang masamang panaginip lamang ang nangyari.
"M-Maaari bang lubayan mo na ako?" nanghihinang tanong ko habang nakayuko sa kaniyang kamay na nakahawak sa aking braso.
At pagkatapos niyo'y pumatak ang isang luha mula sa aking mga mata patungo sa kaniyang kamay.
Nagulat ako nang imbes pakawalan ay bigla na lamang niya akong hinigit palapit sa kaniya at ikinulong niya ako sa loob ng kaniyang malapad na braso at dibdib.
"I can't let you go home alone in this state. Sa ayaw sa gusto mo, ihahatid na kita. At saka na kita lulubayan..."
Napamaang ako habang nakatitig sa kaniyang dibdib dahil sa aking narinig. Kagat-labi kong pinakiramdaman ang mga luha kong nag-uunahan sa pamamalisbis pababa.
Nanlalaki ang aking mga mata nang bigla siyang tumingkayad sa driver seat at ilapit ang mukha sa akin. "Don't you dare to steal another kiss from me!" defensive kong banta sa kaniya saka nagtakip ng aking mga labi.
Nasa loob na kami ng kaniyang sasakyan. Hindi kami umalis sa aming kinatatayuan kanina hangga't hindi ako napapatahan mula sa pag-iyak. Kung sa ibang paraan lamang kami nagkakilala'y maiisip kong maaari ko pa siyang maging kaibigan. Ngunit hindi, eh, dahil isa siyang maniac na kiss stealer.
Ngumiti siya. Hmp! That ghost smile again.
Nagulat ako nang hilain niya ang seat belt pataas at mabilis iyong ikinabit sa akin. Nangingisi siya habang nakatitig sa aking pulang-pula mga pisngi.
Mabilis niya iyong naayos. Bumalik siya at umayos sa kaniyang upuan ngunit nang aking sulyapan ay napakalawak pa rin ng kaniyang ngiti.
Napangiwi ako. This is insane! Ano ba ang nasa isip ko at pakiramdam ko'y palagi na lamang akong nanakawan ng halik ng mokong na ito?
"Sa'n na nga ang bahay niyo babae?" he asked.
Pigil niya ang kaniyang hininga nang sumagot. "Sa Guijo street lamang. Naroon ang tirahan ko," hindi makatingin nang diretso kong sagot.
"Condo mo?" tanong niya na ikinatango ko.
"Wew!" Tila masaya pa siya sa kaniyang nalaman na ikinakunot ng aking noo.
Hindi ko na lamang siya pinansin at binalewala. Sinadya kong isandig ang aking ulo at itinutok ang tingin sa labas ng bintana.
Nakaidlip pala ako. Nagising na lamang ako at may humahawi sa aking mga buhok na nakaharang sa mismong mukha ko.
"Good morning, sleeping beauty," mahina at baritono ang boses na bati niya sa akin.
Kunot-noo akong napatuwid ng pagkakaupo at inilibot ang aking tingin sa labas ng bintana. "Kanina pa ba tayo?" agad kong tanong sa kaniya.
Umiling siya ngunit nagpipigil ng ngiti. Nagtataka ako kaya naman sinulyapan ko ang suot kong relo. Nagulat ako nang makita ko ang oras. It has been two hours at fifteen minutes lamang ang oras ng biyahe papunta rito.
"Bakit hindi mo ako ginising kaagad?" madramang tanong ko sa kaniya kapagdako. Salubong ang aking kilay.
Hindi ako makapaniwalang hinintay niya pa talaga ako magising nang kusa at iisa lamang ang naiisip ko. Did he just stare at me the whole time I was asleep?
Argh! Nakakairita na talaga ang lalaki na ito.
~ itutuloy ~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top