15: Sex

"Oh! Andito na pala sila Fiona, eh," ani Gella.

Awtomatiko akong napaangat ng paningin dahil sa narinig kong sinabi na iyon ni Gella.

Fiona smiles at me. Malawak ang kaniyang pagkakangiti. She's glooming in her bright yellow dress. Fresh na fresh sa look niya na halatang bagong paligo.

"At dahil late ka na naman, heto't tumagay ka," nakangising utos ni Ryan dito.

"Pilyo!" nakangising sambit ni Fiona rito. "Pero akin na nga."

"Naks!" komento ni Ryan nang inisang tungga iyon ni Fiona.

"Para sa engagement nina bessy at Dako! Congratulations ulit, lovers!" masayang sambit ni Fiona na ikinangiti ko sa huli.

"Cheers!" Sinundan ang ingay na iyon ng iba pa naming mga kaibigan.

Lumipad ang aking tingin sa taong nasa gilid ni Fiona. Si Hardy. Awtomatiko akong napalunok at agad na nag-iwas ng tingin mula rito. Ngunit ramdam ko ang kaniyang pagsiyasat ng tingin sa akin.

"Miss me?" nakangising tanong ni Fiona pagkalapit niya sa akin. Naupo siya sa aking tabi at walang tawad na ipinulupog ang kamay sa aking braso.

Inirapan ko nga siya. "Huwag mo akong ma-joke joke, kunti ko pa lamang ang naitutulog ko," pagsusungit ko sa kaniya.

Kanina ko pa siya hinihintay tapos ngayon lamang siya nagpakita. What a bestfriend.

"Grabe ka, Asheen!" Marahan niya akong hinampas sa aking balikat.

"Ouch!" kunwari ay nasaktan talaga ako.

Tinawanan lamang ng bruha ang eksaherado kong reaksyon. "Ang oa, haha!"

Inis ko nga siyang inirapan.

Napansin ko ang pagtayo ni Dako at paglapit niya kay Hardy. Inabutan niya ito ng inumin at inakaya palayo sa amin.

"Mas grabe ka yata," nakasimangot kong sambit kay Fiona.

"Bakit naman?" maang niyang tanong sa akin.

"Anong bakit naman?" natatawang tanong ko sa kaniya. "Kanina pa kita hinihintay, Fiona. Ngayon ka lang nagpakita..."

Isang malawak na ngiti ang sumilay sa gilid ng kaniyang mga labi. Inakbayan niya ako at hinalikan ako sa aking pisngi. "Na-miss mo nga ako," aniya sa akin.

"Asa ka," labas sa ilong na sambit ko. "Sadyang hindi lamang ako sanay kapag wala ang kaingayan mo sa paligid."

Isang malakas na tawa ang kaniyang pinakawalan saka tumayo upang mulibg magsalin ng alak sa sarili niyang baso. Sinalinan niya ng alak maging ang aking baso. 

Pagbalik niya'y makahulugan na ang kaniyang ngiti. "Huwag ka nang magalit. Minsan na nga lamang ako magkaroon ng lovelife. Sinusulit ko lang," makahulugang bulong niya sa akin na ikinalaki ng aking mga mata.

Muntikan ko na siyang makurot sa singit. "Anong sinusulit, Fiona?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

Mas lumawak ang kaniyang pagkakangisi. "Kung ano ang iniisip mo ngayon, bessy, iyon mismo," walang pasikot-sikot na amin niya.

Isang malakas na kurot ang iginawad ko sa kaniyang bandang puwet. "Ano ba 'yang pinagsasabi mo, Fiona?" hindi makapaniwalang sambit ko kasabay ng pagtili niya sa aking kurot.

"Masakit, Asheen!" nakangiwing angil niya sa akin.

Nilakihan ko siya ng mga mata at pinamaywangan. "Ah, talaga ba? Gusto mo bang ulitin ko nang bumalik na sa katinuan 'yang pag-iisip mo?" nanggigigil kong tanong sa kaniya. Inilapit ko malapit sa kaniyang tainga ang aking bibig para naman masiguro na siya lamang ang makaririnig ng aking sinasabi. "Huwag na huwag mong isusuko ang lahat, Fiona. Lalo na't hindi mo pa lubos na kilala iyang si Hardy. Kailan lamang na naging kayo. Just please, makinig ka sa akin..."

Tinawanan lamang niya ako. "That's so old fashionate of you, Asheen," naiiling na sambit niya sa akin.

"Old fashionate?!" bahagyang tumaas ang aking boses. "No it's not, ayaw ko lamang isipin na ibinigay mo ang sarili mo nang buong-buo sa isang taong kasasagot mo lamang..." Kagat-labi akong napahawak sa kaniyang mga kamay.

Seryosong tingin ang iniukol niya sa akin. "Well, that's already old fashionate for me, Asheen..." Napabuga siya ng isang malalim na buntong-hininga na ikinamaang ko. "Now a days even two people who are strangers from one another can fu*k each other all they want and forget about it the next day," ani niya na mas lalong ikinalaki ng mga mata ko.

"Bunganga mo, Fiona!" nanlalaki ang mga matang saway ko sa kaniya at baka may makarinig.

Isang sarkastikong tawa ang iginawad niya sa akin. "Why? Obvious naman na hindi na virgin 'yang mga iyan," ani niya sabay irap.

Tuluyan akong napasapo sa aking noo. This is bad. "Kumalma ka," ani ko. "Pinapayuhan lang naman kita, Fiona. You're my bestfriend. And I know you..."

Natigilan siya kapagdako. "Oh, s-sorry," ani niya at napayuko. "Nagpadala ako sa aking emosyon."

Nakakaintindi akong napatango. Wala naman siyang nasabi na masasakit na salita sa akin. "It's okay, bes." Marahan ko siyang tinapik sa balikat.

Nagtaka ako nang titigan niya ako sa mga mata at hawakan niya ang aking kanang kamay. "Hmn... Asheen?"

"Oh, why?" maagap kong tanong sa kaniya.

"May itatanong ako. Promise me na hindi ka magugulat o magagalit, okay?" pakiusap niya na ipinagtaka ko.

Tungkol saan ba ang nais niyang malaman? "O-Okay," nauutal kong sang-ayon.

Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako sa mga paganiyan ni Fiona.

Napansin ko ang paglagok niya ng isang basong tubig bago nagpatuloy. "Hindi niyo pa ba talaga ginagawa 'yon dalawa ni Dako?" walang kakurap-kurap niyang tanong na ikinasinghap ko.

Ako ang napakurap. "A-Ang alin, Fiona?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

"Huwag kang titili, okay?"

Napilitan akong tumango.

Inilapit niya sa aking tainga ang kaniyang bibig. "Sex," ani niya na dahilan kung bakit ako natilihan.

"What?!" gulat akong napatayo dahil sa kaniyang tanong.

Naagaw tuloy namin ang atensyon ng iba.

"What happened?" gulat na tanong ni Ryan sa akin.

Napasapo ako sa aking mukha. Hindi ko nakontrol ang aking reaksyon. Kita kong napairap na lamang sa ere si Fiona.

Napailing ako. "N-Nothing," kagat-labing alusot ko sa kaniya at nanghingi ng paumanhin sa lahat.

Nakita ko ang mabilis na paglapit ni Dako sa akin. Ipinulupot niya ang kaniyang kamay sa aking baywang. "What's wrong, love?" nag-aalalang tanong niya.

Tinawanan lamang ni Fiona ang kaniyang reaksyon. "Walang nangyari. Nagulat lamang siya sa pinag-uusapan namin. Alam niyo? Mas oa ang reaksyon niyo. Ewan ko ba sa inyo..." ani niya saka tumayo at binitbit ang baso ng alak.

Hinila niya si Hardy palayo sa amin. Panaka-naka ko silang sinulyapan. Napansin ko ang kanilang pagyayakapan.

Agad akong napaiwas nang tingin pagkakita kong nakatingin pala sa akin si Hardy. Nahuli niyang nakamasid ako sa kanila. Haysss! Nakakahiya ka talaga, Asheen!


~ itutuloy ~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top