13: Man With Needs...
"Have you seen, Dako?" hindi nakatiis na tanong ko kay Henry pagkatapos kong lagukin ang iniabot niyang alak para sa akin.
Isang makahulugang ngisi ang rumihestro sa gilid ng kaniyang mga labi at nagbiro kapagdako, "Kailan pa kaya may maghahanap sa akin kagaya ng paghahanap niyo sa mga nobyo niyo, nuh?" parinig nito sa kanila.
Napairap siya sa ere. "Hindi nga ba't kung sinu-sino na lamang na mga babae ang pumupunta sa amin na mga kaibigan mo upang hanapin ka?" nakasimangot niyang paalala rito.
Ang tibay din talaga ng mukha ng playboy na ito.
"Oh, shut up, Asheen," agad niyang saway sa akin habang iiling-iling. "Given na 'yan sa aming mga lalaki. Ang ibig kong sabihin, kailan pa kaya ako hahanapin ni Emerald?" tila nahihibang na tanong nito.
Employee ko si Emerald. This Emerald has no boyfriend and still young. Kaka-hire lamang nito at sakto namang empleyado rin ng aming kompanya itong si Henry. Balita ko, nasungitan daw si Henry nitong si Emerald. Nakahanap na yata ng katapat ang loko.
"Ikaw ang manahimik, Henry," madiin ang boses kong saway sa kaniya. "Baka nakakalimutan mo kung sinong boss sa ating dalawa," pabirong pananakot ko sa kaniya.
Nanlalaki ang kaniyang mga mata at inirapan ako. "Seryoso ka ba, Asheen?" he asked in a lower tone. "We are close friends. Nakalimutan mo na ba?"
Napangiwi ako. "But you just ask me to shut up, you jerk," prangkang sambit ko.
I don't know kung dahil ba iyon sa alak sapagkat isang beses pa lamang naman akong lumalagok. Pero nararamdaman ko ang pagbabago ng aking ikinikilos. Mas nagiging madaldal ako ngayon.
Inabot ko ang baso saka nagsalin ng alak at muling tumungga.
"You're enjoying, huh," ani Henry at akmang aalis na nang kalabitin ko siya.
"Saan ka pupunta?" kunot ang noo kong tanong. Ang bastos naman nitong kausap. Nag-uusap pa nga kami.
"M-May naiwan kasi ako sa loob ng kuwarto ko," palusot niya, "babalikan ko lang talaga saglit."
Nanliliit ang mga matang pinag-aralan ko ang kaniyang ekspresyon, "sinungaling!" I told him, "ganiyan na ganiyan ka kapag balak mo namang umalis at hindi na muling bumalik." Napalabi ako.
Gusto ko pa nga siyang kausapin, eh. Wala naman dito si Dako. Si Fiona lang.
Napakamot ito sa ulo, "siya babalik ako, jijingle lang talaga saglit," paalam niya muli. Sa huli'y wala na akong nagawa kundi paalisin siya.
Inilibot ko ang aking tingin. Sa kabilang table ay nagkakasiyahan ang iba pa naming mga kaibigan. Lakas-loob akong tumayo at naglakad palapit doon.
Kahit na naroon ang taong kinaiinisan ko. Si Jannine. Actually, she's also my friend na kinainisan ko lamang since the last two years.
Huli ko na kasi nalaman na naging sila pala ni Dako noon. At ayon sa kuwento, mahal niya pa rin si Dako but thankfuly, ako na ang mahal ni Dako ngayon. Hindi ko lamang mapigilang mairita sapagkat saka ko lamang napagtanto lahat ng paraan niyang magkasarilihan sila noon ng boyfriend ko or magkausap sila ay may itinatago palang intensyon.
"Maupo ka rito, Asheen," ani Gella na hinila ako palapit sa katabi niyang upuan. Kauupo ko pa lamang ay agad niya na akong inabutan ng isang baso na puno ng alak.
Napangiti ako at inabot iyon nang walang pag-aalinlangan. "Kanina pa ba kayo?" Napakurap ako. I feel hot. Samantalang manipis lang naman ang suot ko at mahangin dito.
Napatango si Gella. "Yes, kanina pa kami rito. Where are the others anyway?"
Nagkibit-balikat ako. "Iyan dapat ang itatanong ko sa inyo," sambit ko.
Napakunot ang noo ni Jordan. "Hindi ba kayo magkasama ni pare sa iisang kuwarto?"
Napasinghap si Gella at hinampas ang sariling nobyo. "Ang bunganga mo!" saway dito ni Gella. Inilapit niya ang bibig sa gilid ng taing ng nobyo at bumulong. "Ibahin mo si Dako sa'yo. Marunong siyang magtimpi at nirerespeto niya ang bestfriend ko," nakalabing sambit nito.
Bumulong siya ngunit rinig pa rin naming lahat.
Bigla na lamang akong kinabahan dahil sa aking narinig. Tama nga siya. Marunong rumespeto si Dako. He always respect me. Control his own libido because he loves me.
"Talaga lang ha?" hindi makapaniwalang sambit ni Jordan at napalagok ng isang basong tubig pagkatapos.
Hinampas ito ni Gella sa hita. "Ano bang pinagsasabi mo riyan? Just get straight to the point, you idiot!"
Sinalubong ang tingin ko ni Jordan at napatikhim kapagdako. "I'll be honest with you, Asheen and to all of you girls, kahit sa'yo, babe. This is not about Dako or me lang kundi lahat ng lalaki. We all have our needs. Of course, meron talagang nakakapagtimpi just like Dako. I respect him for that dahil hindi lahat ng lalaki kayang gawin 'yon. Actually if most of the time, kasama ko ang girlfriend ko. Specially in in-door activities. Nakaka-tempt talaga 'yon most of the times. Lalo kung mahal mo ang taong 'yon. Kahit mga babae nga'y madali ring ma-tempt. Mas madali pa nga sila, to be exact. And that's also one of the reason why most of us cheat. Madali kasi kaming mahulog sa temptation," mahabang paliwanag niya na ikinalaki ng mga mata ko.
"Totoo 'yan, pare," ani Kyle.
Sumang-ayon naman ang dalawang lalaki.
Kagaya ko? Pinagpawisan ako nang malapot. I cheated Dako.
"Anong pinagsasabi mo? Sa akin ka lang dapat madaling ma-tempt. No other girls should make you give in, Laurente!" galit na sambit ni Gella sa nobyo niya.
Natawa naman si Jordan at napakamot. "Of course naman. Para sa'yo lamang ako. Buong-buo," seryosong sambit nito na ikinatawa ng lahat.
Napairap si Gella. "Aba'y klaruhin mo kasi 'yang mga pinagsasabi mo," masungit na sambit niya sa nobyo.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong pinagpawisan nang malapot.
"Are you okay, Asheen?" tanong sa akin ni Louie.
Agad naman akong tumango. "Ayos lamang ako."
"You look pale, girl," sambit ng babae na kasama ni Carlos. Iba ang babae na ito sa kasama niya noong nakaraang araw.
"A-Ayos lang ako," mariing sambit ko. "Epekto lang siguro ng alak." Napuno ng kaba ang aking dibdib dahil na rin sa kanilang mga tanong.
It's feels like I am hiding something that they shouldn't know about. Ipinagsiklop ko ang aking mga kamay. Bakit ba kasi nangyari pa 'yon?
~ itutuloy ~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top