12: Gumuhit Ang Init at Tapang ng Alak...
"You love the view in this room, huh," ani Dako.
Agad kong nilingon si Dako. Nag-usap na kasi kami na siya ang magru-room dito. Hindi alam ni Dako na pinakiusapan ko siya dahil katabi ng room na ito ay kina Hardy at Fiona.
Yes. Confirmed. Iisang room nga ang kanilang tutuluyan. At wala naman akong magawa para kontrahin pa iyon. I don't want to cause anyone a misconception kapag umapila pa ako.
Matanda na si Fiona. Bahala na siya sa buhay niya. At bahala na rin kami ni Dako sa buhay namin. Gano'n kasimple.
Ipinagsiklop ko ang aking mga kamay at lumapit sa harapan ni Dako. "Anong gagawin ko? I really love the view from here, love." Napatalon pa ako at ipinulupot ang kamay sa braso niya.
Lumawak ang kaniyang pagkakangiti at inakbayan ako palapit sa kaniya lalo. "I will let you have this room then," masuyong sambit niya sa akin na ikinapalakpak ko sa sobrang katuwaan.
"Talaga?" paniniguro ko sa kaniya habang kumikislap ang aking mata sa katuwaan.
I can feel his palm massaging my back skin. He simply nod and give me a quick kiss. "Thank you for making me the happiest man alive today, love," he mouthed then give me another quick kiss.
Nagising ako pagkatapos ng isang oras na pahinga. Kahit na hindi ko na tingnan ang oras, nasisiguro ko pa rin na isang oras lamang ang naiitulog ko kapag hindi gabi.
Mumukat-mukat akong umahon at naupo sa ibabaw ng malambot na kama. Napakurap-kurap ako pagkakita sa napakalawak na dagat na view mula sa labas ng bintana ng aking room.
Napangiti ako nang malawak. The window's glass is close but Dako the room attendant remind us earlier ni Dako na one way glass iyon. Nakikita namin ang view sa labas but they can't see us inside. That's one of the fine perk of this high class private ship that were owned by the Treztiza.
Kahit na mayaman kami, yate at rangler lamang ang kaya kong paglustayan ng aking pera. I couldn't even afford any room of this crazy private ship.
This Hardy Treztiza really is something. Kaya ba handang magpakaloka si Fiona? Totohanan na ba talaga ito?
I want to take the shower first. I casually take off all of my clothes and leave nothing. Sinadya ko iyon para maging mas madali na lamang ibukod ang marurumi sa malilinis.
Yumuko ako nang walang pakialam o nararamdaman na anumang pagkailang sa kabila ng aking kahubdan. Inabot ko lahat ng mga hinubad kong damit na ngayon ay nagkalat sa ibabaw ng mismong sahig. Itinabi ko iyon at ipinasok sa loob ng plastic bag na bitbit ko.
Confident akong naglakad patungo sa loob ng malawak na comfort room. I'm not feeling uncomfortable at all because this is also me when I'm in my condo. Napangiti ako pagkakita sa hubog ng aking hubad na katawan sa harapan ng salamin.
A lot of modelling agencies are always gathered for my pretty face and glass hour body shape at a young age in order to have me as their model but my parents won't make me do it. And when I reached the right age, I came to appreciate my parents for not accepting any of it or make me do it at all.
"Congratulations, soon to be Mrs. Dinson!' masayang bati ko sa aking sarili saka naglakad patungo sa loob ng bathtub.
Kumatok ako sa kuwarto ni Dako pagkatapos kong maligo ngunit wala siya sa loob. I tried to call him ngunit hindi niya naman sinasagot. Kaya naman napagdesisyunan ko na lamang na maglakad-lakad sa labas.
I'm wearing a haltered yellow dress. Hanggang tuhod naman ang tabas niyon that's hindi ako natatakot mapagalitan ni Dako.
Nagbabakasakali ako na makikita ko si Dako sa labas. Malamig at preskong hangin ang sumalubong sa akin. Mas lalo akong napangiti. This feels great. I love this. I love here. I can feel nature and the adventure.
Nakasakay na ako ng pampublikong barko. Iyong nagsasakay ng marami mula Caticlan hanggang Manila kaya naman namangha ako. Wala akong nakikitang tao ngayon sa aking paligid. Such big private ship, and I couldn't see anyone at all.
Where are the others? Hanggang ngayon ay natutulog pa rin ba sila?
Sinubukan kong tawagan si Fiona. Un-attended ang cellphone niya. Then sinunod kong tinawagan si Gella. Nag-ring naman ang kaniyang phone at maya-maya rin ay sinagot niya na naman kaagad ang aking tawag.
"Thanks God you answered my call!" I said out of frustration.
Napakalakas ng music na aking naririnig mula sa kaniyang kinaroroonan. "Please stop the music first. I can't clearly hear what Asheen's talking about," rinig kong pakiusap niya sa kabilang linya.
"Asheen!" sambit ni Gella pagkatapos mamatay ang music sa background.
"Where are you guys?" kyuryos kong tanong. "I can't reach Fiona's phone at all."
"Andito kami sa bar ng barko. Rito mismo sa third floor, Asheen. Puntahan mo na lang kami rito. Susunod na lang 'yon dito si Fiona, may kinuha lamang saglit," anito.
Napatango-tango naman ako. "Okay, I'll be there," bilin ko saka pinatay agad ang tawag.
Nagmadali ako sa paglalakad upang mahanap ang hagdan paakyat. The rooms are all private and made with one way glass. Tunay ngang wala akong makita mula sa loob but for sure, nakikita ako ng mga tao mula sa loob kung meron man. Hindi naman iyon naging madali para sa akin. Nilibot ko lanang and there, I found it.
Maingat akong umakyat ng hagdan. Habang papalapit, saka ko lamang naririnig ang kanta tugtog mula sa itaas. Palinaw nang palinaw iyon sa aking pandinig.
Napasinghap ako pagkakita ko sa mini bar. Naroon lahat halos ng aming mga kaibigan. They are playing spin the bottle. Napangisi ako. Mabuti naman at nagkakarinigan pa rin sila kahit papaano.
"Asheen!" nakangiting tawag sa akin ni Henry. Siya ang unang nakakita sa akin.
Nakangiti akong tumango at kumaway sa kanila.
"Come here and have a drink," ani niya. He offered me a glass of wine.
Akmang tatanggihan ko iyon nang maalala kong nandito ako upang magsaya. Paano ang celebration kung walang alak? Dinala ko iyon sa aking mga labi at inisang tungga.
Gumuhit ang init at tapang ng alak mula sa aking lalamunan pababa.
~ itutuloy ~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top