11: Give them A Separate VIP Room...
Hinila ko si nga si Fiona papunta sa gilid.
Napasinghap siya. "Ano bang drama ito, Asheen?" Maarte niyang ipinaikot ang mga mata sa ere.
Masasambunutan ko na talaga ito, eh.
"Akala ko ba ay wala ka pang balak mag-love life, ha? Ano ito ngayon?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
Bigla yata ay ibang Fiona na ang nasa harapan ko.
Tumapang ang kaniyang mukha at umismid. "Nakita mo naman si Hardy diba, bes?" nakalabing tanong niya sa akin. Hinawakan niya ang aking balikat at bahagya akong inuyog. "Isa siyang Treztiza. Single siya, single ako, so what's the problem? Isa pa, he's interested with me first, sino ako para tanggihan ang napakalaking grasya?"
What? Literal na napaawang nang bahagya ang aking mga bibig. She's insane! Iwinaksi ko ang mga kamay niya at pinamaywangan siya. "Pero hindi mo naman siya mahal!" mariing sambit ko.
Ipinapaalala ko lamang sa kaniya kung sino siya.
"Kaya ko nga siya sinagot para matutunan ko siyang mahalin, 'diba?" mahihimigan ang iritasyon sa boses na tanong niya sa akin. Isinuklay niya pa ang kaniyang kamay sa buhok.
"Sa bibig mo na rin kasi mismo nanggaling na hindi ka magbo-boyfriend nang basta-basta. Ka'mo, kapag sinagot mo ang first every boyfriend mo, sisiguraduhin mong siya talaga ang mahal mo," ani ko out of frustration.
Hindi bale nang mairita siya sa akin ang importante'y hindi ako magkukulang sa pagpapaalala bilang kaibigam. Kahit na sumama ang tingin niya sa akin. Nag-aalala lamang ako.
Tumigas ang kaniyang ekspresyon habang nakatitig sa akin. Ilang segundo rin siyang hindi nakaimik.
"Things change, bes. Nararamdaman ko naman na worth it si Hardy. As you can see, nasa kaniya na ang lahat," pagtatanggol niya sa kaniyang boyfriend na mas lalo kong ikinapanlumo.
"Fine," sumusukong sambit ko sa nanghihinang boses. "Seems like you already made up your mind. I won't bother you anymore then," sambit ko saka tumalikod at naglakad na pabalik kay Dako.
Naramdaman ko ang pag-abot niya sa aking palad. Pinilit kong ngumiti at hindi sinasadyang napasulyap ako sa kinaroroonan ni Hardy. Bahagya akong nagulat nang makita kong nakatitig siya sa akin. Kitang-kita ko ang matalim niyang tingin sa akin.
Agad kong binawi ang aking tingin at hinarap si Dako. Nagpatuloy kami sa paglalakad papasok. The attendant give us the number for our room.
Nagulat ako nang iisang room ang iabot nito para sa amin ni Dako. Alanganin akong tumingin sa aking nobyo.
"Anong problema, Asheen?" si Fiona iyon na nagawang makalapit sa amin.
Kagat-labi akong nag-angat ng tingin at ipinakita sa kaniya ang numerong hawak ko.
"Akin na," seryoso ang mukhang utos niya sa akin.
"That's okay, love," untag sa akin ni Dako. Ipinilupot niya ang kaniyang kamay sa aking palad. "I'll let you sleep in bed alone. Kahit sa sofa or sahig na lamang ako," he assured me.
Isang malawak na ngiti ang kumawala sa gilid ng aking mga labi. "Ikaw ang bahala, love," hindi maitago ang tuwa at kilig sa aking boses.
"Bahala nga kayo," nakairap na sambit ni Fiona at sinalubong ng lakad ang papalapit na si Hardy sa amin.
Kinabahan ako. Bakit siya lalapit? Hindi ko kita ang kaniyang mga mata ngayon dahil may suot siyang shades. Nakapamulsa siya habang papalapit.
"Narinig kong may problema, pare, pasensiya na kayo," seryosong sambit niya at sinulyapan ang room room attendant at sinenyasan iyon na lumapit.
"It's okay b---"
Sinenyasan niya si Dako na ayos lang at siya na ang bahala.
"Give them a separate vip room," ani niya at sinulyapan kami saglit bago nagpatuloy sa pagsasalita.
Napayuko ang lalaki at agad na nanghingi ng tawad sa amin. "I'm sorry, sir, ma'am, kasalanan ko po. Saglit lang po," agad nitong paghingi ng paumanhin bago naglakad palapit sa front desk.
Isang maikling tango lamang ang aking iginawad. Naramdaman kong tumagal ang tingin sa akin ni Hardy. Humigpit tuloy ang pagkakawak ko sa kamay ni Dako dahilan kung bakit niya ako niyuko at hinalikan sa pisngi.
Nagulat din ako at agad na napatingin kina Hardy at Fiona.
Agad na tumalikod si Fiona at nauna nang maglakad paalis habang kitang-kita ko naman ang pag-igting ng panga ni Hardy bago tumalikod at sinundan ang nobya.
Kagat-labi akong napalunok at napayuko. Mali ito. Isang malaking pagkakamali ang hinayaan kong may mamagitan sa amin ni Hardy. Now I am suffering by it. Hindi ko mapigilang kabahan at mapuno ng tensyon kapag nasa paligid siya. Ramdam kong hindi ako komportable sa lugar na kinaroroonan ko ngayon dahil alam kong nandito siya.
He's dangerous. Mayaman at malakas ang loob kong kayang-kaya niyang mapaikot sinuman sa kaniyang mga daliri. I can't believe he intentionally made my bestfriend, Fiona, to be his girlfriend right after what happened to us. All I can say is that he's quick and smart. But all of those qualities will do me no good.
Napalunok ako nang malapot. Ano bang nais mo, Hardy? Kailangan kong mag-ingat simula ngayon. Hindi ko dapat hayaan ang aking sarili na maging malapit sa kaniya. Iiwasan ko na rin siyang makausap. I'll just pretend he didn't exist.
Hindi ko kailangang kabahan. Walang alam si Dako o Fiona na si Hardy ang lalaking nasa kumakalat kong scandal. Siya ang nakatalikod na lalaking namis-understood nilang may ginagawang kababalaghan kasama ako.
Mabuti na lamang talaga at ako lamang ang nakakaalam niyon. Naintindihan na rin ako ni Dako. Iyon ang importante sa lahat. Ang malaman na pinagkakatiwalaan niya ako nang malaki at hindi siya basta-basta maniniwala sa kung anuman na paninirang-puri sa akin. Mahal ko si Dako at hindi ko hahayaang masira ang aming relasyon. Lalo na't engage na kami ngayon. I will not let anyone ruin my happiness with Dako.
Bumalik ang room attendant at ibinigay kay Dako ang dalawang susi. Napangiti naman ako nang iabot sa akin ni Dako iyon pagkatapos magpasalamat sa lalaki.
"Ako na po ang magdala ng mga bagahe niyo, sir," pagmamagandang loob ng lalaki na ikinatango naman ni Dako.
Nauna na itong maglakad sa amin. Hila-hila ang aming mga bagahe.
"Tara, love," untag muli ni Dako sa akin na ikinatango ko agad. Muli kaming naglakad at sinundan ang lalaking may bitbit ng aming mga gamit.
"Thank you!" masuyong sambit ko kay Dako at humigpit ang pagkakahawak sa palad niya.
"I love you!" he answered me sweetly. Naglakad na ulit kami.
"Wow!" nakangiting sambit ko pagkapasok ko sa aking room.
~ itutuloy ~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top