10: Eden's Haven Place

"Natagalan ka yata, Asheen?" agad na tanong ni Dako pagkabalik ko.

Mabuti na lamang at nakapaghanda na agad ako ng aking isasagot. "Biglang sumakit ang tiyan ko, love," palusot ko.

Paupo na ako nang mapansin kong wala na sina Fiona at Hardy sa aking tapat.

"Nasa'n na sila?" kunot-noong tanong ko.

Si Gella ang sumagot. "Sobrang tagal mo kasi, hayan hindi mo nakita kung paano magmadali ang dalawang 'yon na magkasarilihan," sinundan nito iyon ng paghagikhik.

Natahimik na lamang ako. So may ugnayan talaga sina Fiona at Hardy. Napayuko na lamang ako at tahimik na nag-focus sa aking pagkain.

That Hardy is really a womanizer. Tama nga ako sa aking hinala. Mabuti na lamang at hindi natuloy ang kababalaghang iyon kundi'y wala na akong mukhang maihaharap kay Dako ngayon.

Pagkatapos ng aming tanghalin ay dinala ako ni Dako sa aking condo at pinag-impake ng aking mga damit. Magtutungo raw kami sa Boracay upang ipagdiwang ang aming nalalapit na anniversary in advance at ang aming engagement.

"Magpalit ka na rin, Asheen," ani Dako nang matapos akong mag-impake ng aking mga dadalhin.

Napamaang ako. "Why?"

"Kailangan ba nating pag-awayan 'yan?" bagkus ay sagot niya sa akin.

"Bakit mag-aaway?" hindi makapaniwalang tanong ko. "I'm just asking why..."

"Alam mong ayaw ko na may ibang nakakakita na nagsusuot ka ng mga revealing clothes. Except kanina. Wala na tayong choice." Muli niyang ibinalik ang tingin sa kaniyang laptop.

"Fine," nanghihinang sambit ko at akmang aalis na nang hilain niya ako sa kamay. Bumagsak ako sa kaniyang kanlungan. Mabuti na lamang at naitabi niya na pala ang kaniyang laptop.

Napangiti ako nang tipid pagkatapos niya akong bigyan ng halik sa aking mga labi.

Umikot ako at paharap na naupo sa kaniyang kanlungan. Huli na para sa aking aksyon. Kapwa kami napalunok nang malapot sa isa't-isa dahil sa aking ginawa.

Dahil manipis lamang ang aking dress ay naramdaman ko ang kaniyang pagkalalaki sa aking pang-upo. Ramdam kong nakatindig iyon ngayon.

"W-What are you doing?" maang na tanong niya sa akin.

Awtomatiko akong napaahon ng tayo. Hiyang-hiya ako sa aking sarili. Bakit ko nga pala nagawa iyon?

"S-Sorry, hindi ko rin alam," nauutal kong sambit.

Tumayo siya at inabot ang aking mga palad. "It's okay, love. Alam mo naman na hindi kita pipilitin sa bagay na hindi mo pa gusto o kayang gawin. Don't pressure yourself," ani niya at muli akong dinapuan ng halik sa labi saka naglakad papasok sa aking banyo.

Ipinagpatuloy ko ang aking pag-eempake. Mahirap na at baka may makalimutan pa ko.

Kalahating oras pa yata saka lumabas si Dako ngunit nakatapis ang aking tuwalya sa kalaat bagong paligo na rin.

"Naligo ka," maang kong sambit.

Tumango naman siya. "I feel hot, that's why," seryosong sambit nito na ikinalunok ko nang palihim.

Is he hot because of what I did? Napatalikod ako kunwari ngunit lihim akong napangiti. I can't even believe that I have a boyfriend who's almost perfect.

Naglakad ako sa aking closet at hinanap ang mga naiwan niyang damit. Pinili ko ang babagay sa kaniya at binitbit iyon pabalik sa kinaroroonan niya.

"You should wear this clothes first," I told him, kagat-kagat ang ibaba kong labi.

Tumango siya at agad ding tumalikod papasok sa loob ng banyo.

Saka lamang ako nakahinga nang maluwag.

"Thank you, Sab!" pasasalamat ni Dako sa kaniyang personal assistant. Tinawagan ito ni Dako at pina-pick up ang kotse niya rito sa pier.

Hindi ko alam kung saan talaga ang tungo namin. Kunot-noo siyang napasulyap sa sarili niyang relo kapagdako. "Ang tagal naman ng mga iyon," angil niya sa akin.

Hindi naman ako agad na nakaimik. Pero nahulog ako sa malalim na pag-iisip.

Nasisiguro ko ngayon na bukod sa aming dalawa ay may iba pa kaming kasama.

Muli akong naupo sa waiting area at ipinagsiklop ang aking legs. "Sino pa bang hinihintay natin, love?" hindi ko naitago ang pagkainip sa aking boses.

"Our friends, love," maagap na sagot nito na ikinatango ko na lamang sa huli.

"Sorry guys," hinihingal na bumaba sina Gella at Jordan. "Ang bagal kasing kumilos nitong si Gella. Pagpasensiyahan niyo na kami. Wala pa ba si Fiona?"

Nagkibit-balikat ako. Hindi naman na umimik si Dako.

Naghintay ulit kami hanggang sa unti-unti nang dumating ang iba. Pero wala pa rin si Fiona.

Napansin ko na sa aming mga babae, ako lamang ang nakasquarepants at nakasuot ng t-tshirt. Si Gella ay naka-tube at si Fatima naman ay nakasando.

Napalabi na lamang ako. Gusto ko rin magsuot niyon. Ahays!

At may huminto na ngang muling sasakyan sa aming harap. Bumaba si Fiona. Nakasuot siya ng tube at see through na pang-ibabaw. Sobrang sexy niya sa kaniyang outfit na iyon. Nakapulupot ang malong sa kaniyang baywang. Ibinaba niya ang shades niyang suot nang harapin kami.

"Sorry guys, we're late," paghingi agad niya ng paumanhin at lumapit sa akin.

Nalaglag yata ang aking panga pagkakita sa preskong-presko na bagong baba na may matipunong pangangatawan. Si Hardy. Nakasuot lamang siya ng sando na bumabakat sa kaniyang mamasel na mga braso at dibdib. Binagayan niya iyon ng khaki short. Seryoso niyang ibinaba ang bagahi nila ni Fiona.

Napahugot ako nang isang malalim na buntong-hininga. Bigla akong naging aligaga. Buong akala ko pa naman ay absuelto na ako sa araw na ito.

This is very unexpected. Nakakapanlumo.

May tinawagan si Hardy at kapagdako'y niyaya niya na kaming maglakad at sundan siya bitbit ang aming mga bagahe.

Nalula yata ako nang mapagtanto kong papasok kami sa Eden's Haven. May inilabas si Hardy na black card kapagdako at ipinakita sa guwardiyang nakaharang sa bukana ng mamahaling barko.

"Grabe, Hardy! Yayamanin pala talaga ang pamilya niyo. Take note, Eden's Haven pa talaga. Hindi yate or barko. Sa TV ko lamang nakikita ito," ani Gella.

Maging ako man ay natameme. I swear, wala sa mga kaibigan ko ang mahirap. Hindi sa pagmamayabang ngunit sobrang yayamanin na pala nitong si Hardy. Hindi ko lubos akalain na isa pala siyang Treztiza. Kilala sila sapagkat mayroon silang sampung pag-aari na private ship. Isang porsyento ng mga pinakamayamang tao lamang sa mundo ang kayang mag-renta niyon.

Napangisi naman si Fiona at ipinulupot ang kamay sa braso ni Hardy. Napalunok tuloy ako. "Sadyang generous lamang talaga ang boyfriend ko," ani niya na ikinasinghap ko ss gulat.

"Boyfriend?!" maang kong tanong. Maging ako man ay nagulat sa aking sarili ngunit huli na para bawiin iyon.

Nilingon din ako ni Hardy. Hindi ko masalubong ng tuwid ang kaniyang tingin.

"May problema ba bes?" tanong sa akin ni Fiona.

"Akala ko ba ay mag-friends pa lang kayo?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

Tinawanan lamang niya ako. "Ano ka ba bes? Sinagot ko siya kanina nang makabalik na kami sa hotel na tinutuluyan ko," makahulugang sambit niya na ikinalaki lalo ng mga mata ko.

~ itutuloy ~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top