1: I Owe Him an Explanation
"W-Where's D-Dako?" nanginginig ang labing tanong ko kay Lilia.
Ramdam ko ang galit mula sa kaniyang matalim na tingin na nakaukol sa akin. Nais kong manliit ngunit hindi ito ang tamang oras para mahiya o magpasindak.
Hindi ko yata kakayanin kapag hindi ko nakita kaagad ngayon si Dako. Napakadaming bagay ang tumatakbo sa aking isipan. Tila ba anumang oras ay sasabog na rin ako.
"Talaga nga namang makapal 'yang pagmumukha mo, Asheen!" puno ng panggigigil na singhal niya sa mismong pagmumukha ko. Nagulat ako sa kaniyang panduduro sa akin.
Napakaraming tao ngayon dito sa restaurant at hindi ko lubos akalain na magagawa niya akong ipahiya ngayon.
Saglit akong natuliro at natigilan. Ayaw kong isipin na si Lilia talaga ang nasa aking harapan.
"Te'ka lang naman, L-Lilia," mangiyak-ngiyak kong angil saka nagpatuloy sa pagsasalita sa kabila ng sunod-sunod na pagpatak ng mga luha sa aking mga mata. "Hayaan niyo naman akong magpaliwanag--"
Mas lalong nandilat ang kaniyang mga matang nakatitig sa akin at nanlilisik na lamang ito bigla. "At ano sa tingin mo ang 'yong ipaliliwanag sa akin?!" putol niya sa aking sinasabi.
Napalunok ako nang malapot. Hindi ito ang Lilia na kilala ko. Ang Lilia na kilala ko'y mahiyain at ni hindi magawang makipagbiruan sa akin.
Kagat-labi kong ibinuka ang aking bibig. "Sa'yo ay wala... ngunit sa kuya mo... kay D-Dako, I owe him an explanation... Big time." Naiwang bahagyang nakaawang ang aking mga labi pagkatapos.
"Don't you dare seeing my kuya again!" nangangalaiting singhal niya sa akin. Nagawa niya pa akong pagtaasan ng kamay ngunit sa saglit kong pagkasinghap ay hindi niya naituloy na maipadapo iyon sa aking kaliwang pisngi.
Isang sariwang butil ng luha ang dumaloy mula sa kanang kamay ni Lilia.
Mas lalo tuloy akong nalungkot nang mapagmasdan iyon. Mukhang hindi lamang si Dako ang nasaktan ko kundi maging ang kaniyang pamilya. Lalong-lalo na si Lilia na naging malapit sa akin sa mga panahong pagsasama namin ni Dako.
"P-Please, Lilia... Kailangan ko siyang makausap ngayon din. Sabihin mo naman sa'kin kung nasa'n si Dako. I can't lose him forever... Ikamama-"
Isang sarkastikong tawa ang kaniyang pinakawalan. "Nakakahiya ka, Asheen," nanghihina ang tono ng boses na sambit niya ngunit nanatili ang diin, "pagkatapos ng eskandalong ginawa mo at pagpapahiya kay kuya ay iniisip mo pa rin talaga na magpapauto pa kami sa'yo, nuh?"
Sunod-sunod akong napailing. "Hindi totoo 'yan, Lilia," agad kong tanggi. "At mas lalong hindi totoo ang eskandalo na kumakalat tungkol sa akin. Mamamatay na lamang ako kaysa gawin ang kababalaghang iyon!"
"Sinungaling!" muli niyang singhal sa akin. Ramdam kong hindi ko siya agad basta-basta makakausap nang matino ngayon. "Idi mamatay ka na!" lantarang sambit niya saka ako tinalikuran.
Naglakad siya palapit sa counter at saka pumasok sa pinto ng kaniyang sariling opisina. Iniwan niya ako sa gitna ng mapagmatiyag na tingin ng mga staff niya at ibang costumers. Malakas ang kutob kong kalat na kalat sa buong San Isidro ang eskandalong kumakalat ukol sa akin.
Para bang pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Magkikita pa kaya kami ni Dako? Hindi ko na matawagan ang kaniyang numero. Wala siya sa kaniyang condo at gaya ni Lilia ay ayaw din akong kausapin ng sinuman sa kaniyang mga kaibigan.
Mabibigat ang hakbang na naglakad ako palabas sa pinto ng resto ni Lilia.
Ito ang unang pagkakataon na saglit lamang ang oras na inilagi ko sa loob at walang kangiti-ngiti sa aking labi.
Aksidente akong napatingin sa dalawang taong magkadikit sa sulok ng labas ng resto mismo.
Over there are the two young lovers. The girl seems to be upset. The reason why the boy is comforting the young lady.
Mapait na ngiti ang sumilay sa gilid ng aking mga labi. Muli'y namumuo ang luha sa gilid ng aking mga mata. Namimigat na ang talukap niyon.
Naalala ko 'yong mga panahon na nag-uumpisa pa lamang ang relasyon namin ni Dako. Madali lamang akong magtampo dahil sa pagseselos ko sa mga ex niya noon.
Ang totoo kasi niyan, Dako was a playboy before we happened. That was my biggest fear before until I learned to trust him. I trusted his love for me that made us went this far. Alam kong mahal ako ni Dako at mahal na mahal ko rin siya.
Isang malakas na pagbusina ng sasakyan ang gumising sa naglalakbay kong kaluluwa. Magkahalong gulat at inis kong nilingon ang sasakyan na pumarada sa aking gilid.
Unti-unting bumaba ang salamin sa mismong driver's seat. Nanghihina ako kaya naman wala akong lakas na makipag-away ngunit nakahanda na ang nakataas kong kilay upang magtaray.
Subalit agad akong natigilan nang may mapagtanto.
Nag-flashback lahat sa'kin ng buong pangyayari sa loob ng video na kumakalat.
"I-Ikaw!" hindi makapaniwalang sambit ko. Napasapo pa akong bigla sa tapat ng aking dibdib.
Pinagmasdan ko ang nakakairitang pagmumukha niya. Naiirita talaga ako sa kaniyang kaangasan. Dating pa lamang ay agad nang mahihinuha na isa siyang antipatiko.
Isang preskong ngiti ang sumilay sa gilid ng kaniyang makurbang mga labi. "Miss me?" nakangising tanong niya sa akin na ikinalaki ng aking mga mata sa gulat.
Na-highblood tuloy akong bigla sa kasiguraduhan ng kaniyang boses.
"Argh!" nanggigigil kong isinuklay ang daliri ng aking kanang kamay sa mismong buhok kong mahaba. "Grabe ang kapal," halos pabulong kong sambit ngunit sapat na upang iparinig sa kaniya.
Lalong lumawak ang pagkakangisi niya pagkarinig sa aking isinaad. "Rest assured, I heard that and I don't mind as long as it's you who said it," nang-aasar na sambit nito na lalo lamang ikinakulo ng kaniyang dugo.
"Puwede bang tigilan mo na ako? We don't know each other and I don't have something to do with you!" nanggigigil kong sambit sa malakas na boses. Umagaw iyon sa pansin ng dalawang couple na nasa gilid.
Inis akong naglakad paalis. Kailangan kong umalis bago pa may ibang tao na makakitang nakikipag-usap ako sa impakto.
Ayaw kong mag-viral sa ikalawang pagkakataon o magdulot ng another misinterpretation sa mga chismosa.
Mabibilis ang aking hakbang ngunit dahil nakakotse ang mokong ay mas mabilis niya pa rin siya sa akin. Sinasabayan niya ng bagal na pagpapatakbo ang aking bilis sa paglakad.
"Bakit mo ba ako iniiwasan?" balewalang tanong niya sa akin na para bang close kaming dalawa.
Tuluyang naubos ang aking pagtitimpi at sumabog ang aking loob.
Huminto ako at nanlilisik ang mga matang hinarap siya sa kaniyang mamahaling sasakyan.
~ itutuloy ~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top